BES, LOVE KA NI GOD

Page 1


IMG

PHILIPPINES


BES, LOVE KA NI GOD! Mga Inspirasyong Pagninilay Para sa mga Young at Heart Š 2017 Reynald B. Atienza

[Scripture quotations are] from the New Revised Standard Version of the Bible, copyright Š 1989 National Council of the Churches of Christ in the USA. Used by permission. All rights reserved. Published and distributed by Paulines Publishing House Daughters of St. Paul 2650 F.B. Harrison Street 1302 Pasay City, Philippines E-mail: edpph@paulines.ph Website: www.paulines.ph Cover design and photos: Sherlene Anne P. Pambuan All rights reserved. No part of this book may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording or otherwise, without the prior written permission of the publisher. 2nd Printing 2017 ISBN 978-971-590-846-7

at the service of the Gospel and culture


CONTENTS Panimula

1

Bes, Try Mo Kaya ‘Tong Lenses ni God!

5

God’s Masterpiece Ka Kaya!

19

Broken Ka Ba? Rejoice!

25

Ang Love na Pang-Forever!

35

The Perks of Being Anak ng Magulang Mo!

47

Ang Potter ng Buhay Ko

57

Pray Pa More!

63

Burger

77

May Awa si God!

81

Sino’ng Hanap Mo, Bes? Si Jesus Ba?

91

Akala Ko Lobo, Tupa Pala!

97

Kapit Lang, Bes!

111

Come, Holy Spirit!

115

H’wag Judgmental Ha!

125

Asin Ka Ba? Bakit?

129

Markers

137

My Lolo Whom I Call “Tatay”

145

Possessed Ka Ba?

151

Pasasalamat

157


Foreword One of the challenging works in the life of a priest is his ministry to the youth. It needs a lot of youthful energy to do it, not only because majority of the members of the community are young people (at least here in the Philippines). But it’s more so because you really need to deal with them with a certain “style”, i.e., ingenuity, or else, you cannot connect to them; you cannot enter into their world; your approach would be obsolete. It will be so difficult to be “in”… Kasi ang style mo bulok. Thanks be to God! In spite of these challenges in the youth ministry, many priests, by the grace of God, are able to accompany our young people, leading them to Jesus. Last Holy Week, Reynald asked me if I could write a short foreword to his book. I said, “No problem, just let me first browse your book.” Reading it, I found it so interesting and helpful, not only to the young people, but also to all who are “young at heart.” The book is so useful to us, priests, in our ministry to the youth. The style of writing is simple and straightforward, coming from the author’s personal experiences of prayer and work with the young people. Furthermore, Reynald is in a unique position to address these simple pieces of advice contained in this work, to the young people, for to them, he is a young and vibrant seminarian who is very much connected to their generation. My dear young friends and all those who are young at heart, here is a book for your personal perusal. It offers very good food for thoughts and is a rich and inspiring material for your daily prayers and reflections. Reading it, may you indeed feel that, “Bes, Love ka ni God!” Rev. Fr. Mel A. Barcenas, JCL, EV

Rector/Parish Priest Shrine of Jesus in the Holy Sepulchre Diocese of San Pablo


PANIMULA As Jesus was walking along, he saw a man called Matthew sitting at the tax booth; and he said to him, “Follow me.” And he got up and followed him (Mt 9:9).

H

ello, Bes! Kamusta? Welcome nga pala sa pagbabasa ng librong ito! Pero bago ka dumako sa mga pagninilay sa mga susunod na pahina, bibigyan muna kita ng overview ha? Okay lang? Salamat! Nais ko itong pasimulan sa pamamagitan ng kwento ni St. Matthew, kilala rin sa pangalang Levi. Nabasa o narinig mo na siguro ‘yung istorya niya pero magandang ulitin at pagnilayan muli kasi sobrang pak (patok) siya para magbigay ng kabuuan sa nais sabihin ng aklat na ito. Si Mateo ay isang tax collector o maniningil ng buwis sa ilalim ng emperyo Romano. Sa makabagong panahon, sila ‘yung mga nasa BIR or Bureau of Internal Revenue. Ang malaking pagkakaiba lamang ay noong panahon ni Lord, ang mga tax collectors ay hindi ginagalang, tinuturing na mga makasalanan at taksil sa bayang Israel. Bakit? Dalawang malaking rason: una, ang pinaglilingkuran nila ay ang mga mananakop na mga Romano at pangalawa, kalimitan ay 1


Panimula

nandadaya sila sa mga kababayan nila upang magkaroon ng malaking kita sa pamamagitan ng pagtataas at pagdadagdag ng mga buwis. Kaya nga, isipin mo na lamang, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ito ang buhay ni Mateo. Araw-araw siyang sinasabihan ng masasamang salita; araw-araw siyang nilalait at kinukutya; araw-araw minamaliit ang pagkatao niya. Nakakasawa na marahil para kay Mateo. Siguro nga rin, manhid na siya sa mga ganitong pangyayari at routine ng kanyang buhay bilang tax collector. Hanggang sa isang araw, may isang Tao na lumapit sa kanya at tinawag siya, “Mateo, sumunod ka sa akin!” Sa salaysay mismo ni Mateo, ang sabi niya ay biglabigla siyang sumunod. Grabe nuh?! Kung ikaw ba, tawagin ka lang, susunod ka agad? Malay mo ba kung budol-budol ang tumawag sa ‘yo? ‘di ba? Siguro kung ga------ga-----win----na------ting------ma-----ba-----gal----ang-----pang----ya-----ya-----ri. Ayan, parang ganyan. Malamang ay nagtanong muna si Mateo sa kanyang sarili nang ganito, “Ha? Ako? Tinatawag mo? Bakit? Ano’ng nakita mo sa akin? Makasalanan ako! Hindi mo ba ako huhusgahan katulad ng iba?” Ngunit sa kabila ng mga agam-agam sa puso niya, ang tugon ni Mateo ay mabilis na pagsunod sa paanyaya ni Hesus na malamang ay tanyag na sa Kanyang mga pangangaral at mga himala. Pero sapat ba yun? Bakit nga kaya? Ano’ng meron sa mga salita ni Hesus? Simple lang 2


BES, LOVE KA NI GOD!

kapatid: makapangyarihan ang salita ni Hesus sapagkat ito ay punung-puno ng PAG-IBIG! Naka-relate ka ba? Marahil ay katulad din tayo ni Mateo, nuh? May mga pagkakataon na nakararanas ka ng pagkabored dahil paulit-ulit na lamang ‘yung ginagawa mo sa buhay. Nakararanas ka ring mapagsabihan ng masasakit na mga salita o kaya naman ay pag-tsismisan. Nakaranas ka na rin sigurong laitin o insultuhin dahil sa mga kahinaan, kakulangan, at depekto mo. Nakaranas ka na rin sigurong pagdudahan ang kakayahan mo. Nakaranas ka na rin siguro ng mga ‘di kaaya-ayang pangyayari sa buhay mo: nanggaling ka sa broken family, niloko ka, pinaasa, iniwan nang walang dahilan, naluge ‘yung business ninyo o kaya naman, ikaw ‘yung nang-agrabyado at gumawa ng masama sa kapwa mo. Naranasan mo na rin siguro ‘yung mga panahong kahit ang dami mo nang materyal na bagay, kayamanan, mga kaibigan, kahit lagi kang gumigimik, malimit kang nagpaparty-party, ang lungkot-lungkot pa rin ng buhay mo. ‘Yung feeling na para bang may kulang, para bang may emptiness pa rin sa puso mo? Naranasan mo na rin ba ang mga bagay na ito? Lahat ng ito ay nagdudulot sa atin ng brokenness at sugat sa puso na kung minsan ay nagpapamanhid sa atin, kaya di na natin maramdaman ang pagmamahal ng Diyos at ng ibang tao. Ito ang mga bagay na humahadlang sa atin para magmahal nang tunay at lubos. Araw-araw, inaanyayahan tayo ni 3


Panimula

Hesus, “Sumunod ka sa akin! I LOVE YOU!” Wow! Ang sarap sa feeling kapag malaman mong sa kabila ng mga pinagdadaanan mo sa buhay, mahal ka ni God. PERO, ang malaking katanungan ay ito: “Araw-araw, dumadating si Hesus sa buhay mo; araw-araw, tinatawag ka Niya at sinasabihan ng ‘I love you’, kaso tumutugon ka ba?? Sumusunod ka ba?? Binubuksan mo ba ang puso mo sa Kanya??” At ito ang pinaka-purpose ng librong ito. Hindi para ipakilala sa ‘yo si Hesus kasi kilala mo na naman Siya. Hindi para ilapit ka sa Kanya kasi Siya naman mismo talaga ‘yung nag-eeffort na mapalapit sa iyo. Hindi para baguhin ka kasi si Lord naman talaga ‘yung magpapanibago sa iyo. Ang purpose ng simpleng aklat na ito ay i-remind ka sa katotohanang anuman ang pinagdadaanan mo ngayon, anuman ang estado o kalagayan mo sa buhay, “BES, LOVE KA NI GOD!” You are loved by an awesome and all-loving GOD! At nawa ito rin ang makita mo sa mga pagninilay na babasahin mo sa mga susunod na pahina. Nawa ay tunay ka ngang mapaalalahanan sa katotohanang MINAHAL KA! Ang hamon sa ‘yo? BES, MAGMAHAL KA RIN! Ito rin ang panalangin ko para sa iyo. Enjoy your reading! God bless! In Christ through Mary, REYNALD B. ATIENZA

4


GOD’S MASTERPIECE KA KAYA! For we are God’s masterpiece. He has created us anew in Christ Jesus so that we can do the good things he planned for us long ago (Eph 2:10).

Bes, when God looks at you, He always sees the best in you. For God, you are a priceless masterpiece!


God’s Masterpiece Ka Kaya!

M

ay mag-asawang pumunta ng simbahan para magbigay ng donasyon. Si mister na lamang ang bumaba ng sasakyan upang magtanong kay Father kung magkano ang posible nilang maitulong. Nahiya namang magpresyo ang pari kaya sinabi niya sa lalaki na ibatay na lamang niya sa ganda ng kanyang asawa. “Ahh, ganoon po ba, padre. O siya, eto po ang limang piso!” ang sabi ng lalaki. Nagtaka ang pari kung bakit limang piso lamang ang ibinigay nito kaya lumapit siya sa sasakyan ng mag-asawa, at sinilip ang mukha ng babae. Bumalik ang pari sa lalaki, dumukot sa bulsa at nagwika, “Heto nga pala ang apat na piso, sukli mo!” Ikaw ba, kung titingin ka ngayon sa salamin, magkano kaya ang ipepresyo mo? Kapatid, kung ang tingin mo sa sarili mo ngayon ay sobrang nega, basura, walang kwenta, tamad, walang direksyon sa buhay, masama, o pangit, ibahin mo ang Diyos. Kapag tinitingnan ka ni Lord ang nakikita Niya ay ang kabutihan sa puso mo, ‘yung pagsusumikap mong maging mabuting tao. Para sa Kanya, isa kang regalo; ikaw ay isang priceless masterpiece! Bakit? Sapagkat nanggaling ka sa Kanya; kawangis ka Niya at dahil ang pundasyon ng pagkatao at dignidad mo ay priceless din – ang dugo at buhay na inialay ni Kristo sa krus para sa iyo at sa akin. Ito

20


BES, LOVE KA NI GOD!

ang ilan sa mga dahilan kung bakit mahal na mahal ka ng Diyos! Noong 30-day retreat namin sa Bukidnon, isa sa mga pagninilay ko hinggil sa aking sarili ay hinalintulad ko sa isang PAINTING na itinago nang pagkatagal-tagal sa isang bodega. Ngayon, kapag ito ay nadiskubre mo, inilabas sa kwartong iyon, at nasinagan ng liwanag, may dalawang bagay kang mapapagtanto: Una, makikita mo ang tunay na kagandahan nito kumpara noong tinitingnan mo ito sa dilim. Pangalawa, maiisip mo rin na may igaganda pa ang painting kung aalisin mo lamang ang mga bagay na sumisira rito tulad ng alikabok, sapot, ipot, at iba pa. Mapagtatanto mong hindi ka Sa oras na malinis na ang painting, naman pala talaga lalong mas lulutang ang tunay pangit, hindi nitong kagandahan; babalik ito sa ka naman pala imaheng nasa sa isipan ng lumikha basura, hindi ka sa larawang ito. Kapatid, katulad din tayo ng painting na inilarawan ko. Sa oras na maranasan mo ang pagibig ng Diyos sa buhay mo, at tumimo ito sa buong pagkatao mo, ang dalawang bagay na nabanggit ko ay mangyayari rin sa iyo. Mapagtatanto mong hindi 21

naman pala talaga likas na masama gaya ng iniisip mo at ng ibang tao sa iyo sapagkat para sa Diyos isa kang obra maestra.


God’s Masterpiece Ka Kaya!

ka naman pala talaga pangit, hindi ka naman pala basura, hindi ka naman pala talaga likas na masama gaya ng iniisip mo at ng ibang tao sa iyo sapagkat para sa Diyos isa kang obra maestra, sabi nga nila, “perfect!” (Lagyan mo ng taas ng intonation, perfect!). Pangalawa, maiisip mo rin kung paano sinisira ng kasalanan at masamang pagtingin sa sarili ang orihinal mong imahen na nakabatay sa mukha ng Diyos. Sa pagkakatagpo mo sa pag-ibig ng Diyos, mapagtatanto mong ang dami mo pa palang dapat tanggalin sa sarili mo. Ito ‘yung mga bagay na sumasagabal sa paglapit mo sa Diyos, sa pagpapanauli ng imaheng ipinagkaloob sa iyo ng Diyos. Bukod pa rito, sa pagkakatagpo naman sa iyo ng pagibig ng Diyos, mas makikita mo rin ang kahalagahan ng kapwa mo kung paanong minamahal at pinahahalagahan ka ng Diyos. Nagiging katulad ka ng pinaniniwalaan mo. At kung ang pinaniniwalaan mo ay isang Diyos na lubos kung magmahal at magbigay, isang Diyos na kabutihan ang unang nakikita sa iyo, nararapat lamang na sa paglapit mo sa Kanya ay maging katulad ka rin Niya sa larangan ng pagmamahal nang walang kapalit, ng pagbibigay, ng awa at pagpapatawad. Kung magkagayon, matutuklasan mong ang painting pala na iyong tinitingnan ay ang self-portrait mo na sa paglipas ng araw ay unti-unting nagiging self-portrait ng Diyos. Bes, kung ang isang composer ay nasisiyahan sa mga likha niyang kanta na sumasalamin sa damdamin niya, ang 22


BES, LOVE KA NI GOD!

isang dancer sa pinauso niyang steps na nagpapahayag ng kanyang saloobin, ang isang inventor sa bagay na naimbento niya na siyang repleksyon ng kanyang mga mithiin, ang isang manunula sa kanyang mga kathang-tula naglalayong isiwalat ang silakbo ng kanyang puso at isipan, ganun din ang Diyos sa iyo na masterpiece Niya. Natutuwa Siya sa tuwing nagsusumikap kang mas maging kawangis pa Niya sa palagian mong pagsunod sa kalooban Niya.

23


ANG LOVE NA PANG-FOREVER! We have known and believe the love that God has for us. God is love, and those who abide in love abide in God, and God abides in them (1 Jn 4:16).

Bes, all relationships must lead to that one RELATIONSHIP THAT YOUR HEART longs for — relationship with God!


Ang Love na Pang-Forever!

S

a isang kinakasal, kapag daw ang groom ay gwapo at ang bride ay maganda, ang tawag daw doon ay love made in heaven. Kapag naman daw ‘yung lalake ay hindi gwapo at ‘yung babae ay maganda, ang tawag daw doon ay ma-diskarte si kuya. Kapag naman daw hindi maganda ang babae at ang groom ay gwapo, iyon daw ay true love. Pero kapag parehong hindi gwapo at maganda ang ikakasal, ang tawag daw doon ay KAPWA KO MAHAL KO! Biro lang! Hehe! Pero alam mo, isang katotohanan na kapag nakabatay lamang sa physical appearance ang dahilan kung bakit magsasama habang-buhay ang magkasintahan, patay! Ang relasyong ito ay mababaw, walang forever sa ganyan! O kaya naman ay para lamang makuha ‘yung mana o yaman ng kapartner niya, patay! Mababaw, wala ring forever diyan! Pero kung ang pundasyon ng pagsasama ng dalawa ay PAG-IBIG/LOVE, pero hindi lang basta pag-ibig ha, kundi TUNAY AT WAGAS Love is capable NA PAG-IBIG – ‘yung PAGof crossing IBIG NA SUMASALAMIN the boundaries SA PAGMAMAHAL NG of self-isolation DIYOS PARA SA LAHAT – and selfish ang relasyong iyan ay may saysay, interests! may forever!! And true love knows 36


BES, LOVE KA NI GOD!

no boundaries, no limits, for it goes beyond the boundaries of physical appearance and material possessions; love is capable of crossing the boundaries of self-isolation and selfish interests! Are you in a relationship? Married? Single? Or Complicated? Heto, bagay ang pagninilay na ito para sa iyo! Sa reflection kasing ito, nais kong magbahagi ng ilan sa mga paraan kung paano nga ba magmahal nang may kalidad na pang-forever gamit ang mga Bible passages na ginagamit sa pagdiriwang ng kasal. H’wag kang mag-alala kung single ka. Pwede kasi ito para sa kahit anong relasyon. Oo, pak ganern! Ui, excited na siya, ayiee!! hehe! Tip #1: God at the Center Sabi sa Genesis, “God blessed them, and God said to them, ‘Be fruitful and multiply…’ (1:28). Samakatuwid, malinaw na kahit gaano pa kayo kayaman, katagumpay sa buhay, kung wala “Kung mayroong si God sa buhay ninyo, failure pa ‘success’ sa kahit ring maituturing ang relasyon na anong relasyon, iyan. Bakit? Kasi kung mayroong ito ay dahil sa “success” sa kahit anong relasyon, Diyos. But ito ay dahil sa Diyos. But without without God, God, there can never be fruitfulness there can never be fruitfulness in any in any relationship. Sabi nga ni St. Augustine, ang puso raw ng isang tao ay parang 37

relationship.”


Ang Love na Pang-Forever!

isang lalagyan na may maliit na butas sa gitna. Punuin mo man ng iba’t ibang klase ng kaligayahan ang puso mo, maganda man o gwapo ang asawa mo, mababait ang anak mo, maayos man ang relasyon mo sa mga magulang mo, malaki man ang bahay ninyo, darating pa rin ‘yung oras na hindi ka pa rin kuntento; darating ang panahon na mapufrustrate ka, para bang humantong ka sa dead-end, ‘yung feeling na Game Over na kasi kahit anong gawin mo, hindi mo pa rin matagpu-tagpuan ang perperktong kasiyahan. Hindi mo naman talaga kasi mahahanap ‘yun sa ibang tao eh. Simple lang kapatid, hindi kayang ibigay ng partner mo, kaibigan mo, o ng kahit sinong myembro ng pamilya mo ang hinahanap mong perperktong pagmamahal at kaligayahan, kasi kahit sila naghahanap din nito. Kasi ‘yung lalagyan sa puso mo na sinasabi ko kanina, si Lord lang ang makakapuno nito. Kaya nga ang hamon para sa iyo ay gawin mo munang sentro ng relasyon ninyo ang Diyos. Kapag nauutusan nga akong mag-interview ng mga ikakasal, isa sa kalimitan kong itinatanong ay ito: “Sa tingin mo, paano magiging maayos ang inyong pagsasama?” At nakatutuwa naman kasi ang kalimitan nilang sagot ay dapat kasama ang Diyos sa relasyon nila. Totoo naman, ‘di ba? Magiging maayos ang anumang relasyon kung talagang ang Diyos ang naghahari rito. Kahit makaranas pa kayo ng samu’t-saring pagsubok at problema, mapagtatagumpayan ninyo ang mga iyan; makukuha pa rin 38


BES, LOVE KA NI GOD!

ninyong ngumiti sa kadahilanang Diyos ang pinagmumulan ng kagalakan sa puso ninyo. Kung meron mang 3rd party sa kahit anong relasyon, Diyos dapat iyon. Pero hindi lang basta Siya kasali; Siya dapat ang sentro! Walang ibang dapat na Boss ng relasyon ninyo kundi si God!

Kung meron mang 3rd party sa kahit anong relasyon, Diyos dapat iyun. Pero hindi lang basta Siya kasali; Siya dapat ang sentro!

Tip #2: Die! Sabi ni St. Paul, “Husbands, love your wives, just as Christ loved the church and gave himself up for her…” (Eph 5:25). At paano nga ba minahal ni Hesus ang Simbahan? Inalay ni Lord ang Kanyang sariling buhay para sa kanya. Kaya ang ikalawang tip para sa isang pag-ibig na pang-forever ay ito: You have to die for the ones you love! You have to go out of your selfish interests to reach out to them! Sa tagalog, mamatay ka! O, hindi naman literal syempre! Ang ibig kong sabihin ay mamatay ka sa mga makasarili mong inklinasyon! Dahil ang pagiging makasarili ay walang puwang para sa isang táong nagmamahal nang totoo. Hindi pwede na sila na lang lagi ang makikisama sa iyo. Adjust-adjust hindi lang pag may time kundi palagi! Hindi ikaw ang sentro ng mundo ng iba at hindi lamang dapat sa iyo umikot ang mundo mo. Hindi maaari na gagawa ka ng 39


Ang Love na Pang-Forever!

sarili mong mundo at dito, ikaw ang “diyos” kasi ikaw lagi ang pinakamagaling, pinakatama, pinakamaganda o gwapo at ikaw lang dapat ang masunod, eh di WOW! Hindi ‘yan maka pag-ibig, anti-love iyan! Pero ang isang táong tunay na nagmamahal, marunong mamatay sa sarili niyang kagustuhan, maalam lumabas sa sarili niyang “comfort zones” para lamang mayakap ang mga táong minamahal niya. Mga nanay, kung sabik na sabik ka nang mag-shopping pero nalaman mong wala pa palang pang-tuition ang mga anak mo tapos pinili mong hindi na gumastos, konretong ekpresyon ng “dying to one’s self ” iyan! Mga tatay kung niyaya kang mag-inom ng mga barkada mo pero naisip mong walang mag-aalaga sa mga anak mo kasi may sakit ang misis mo, at mas ninais mong tumigil na lamang sa bahay para may kasama sila, very good, pagkamatay sa makasariling kagustuhan iyan! Mga anak, kung galang-gala ka na at naalala mong may iniuutos nga pala sa ‘yo ang nanay mo, tapos mas pinili mong sundin siya, that is dying to your selfish will! Mga Bes, kung natuklasan mong may At sino ang problema ang mga kaibigan mo at modelo natin sa kailangan niya ng masasandalan, ganitong klase kaso ginalingan ang timing kasi ng pagmamahal? manunuod ka nga pala ng concert, Walang iba kundi pero mas pinili mong damayan at si Lord! samahan ang kaibigan mo, ayan, ayos ‘yan, pagmamahal iyan! 40


BES, LOVE KA NI GOD!

At sino ang modelo natin sa ganitong klase ng pagmamahal? Walang iba kundi si Lord! Pwede namang pabayaan Niya na lang tayong mamatay sa kasalanan pero dahil nagmamahal Siya, literal Siyang nag-alay ng Kanyang sariling buhay; lumabas Siya sa kanyang sariling kagustuhan upang yakapin tayong mga makasalanan! Kaya nga Bes, sa mga pagkakataong nalilito ka na kung paano ba ang magmahal at kung sino ba ang dapat mong mahalin; kapag napapagod ka nang magmahal, umunawa, magpatawad, at maging tapat, tumingin ka lamang sa krus ni Hesus, at doon mo matutuklasan ang sagot kung ano ang ganap na kahulugan ng pagmamahal, kung sino ang dapat mahalin, at kung paano magmahal nang lubos. Doon mo matatagpuan ang lakas at saya na mayroon sa pagmamahal nang tunay, na siya ring magpapanibago sa iyo na “Fall in love, stay magmahal muli. in love, never be On the Cross, He left nothing for Himself, without “ifs” and “buts”, giving Himself unconditionally and totally; on the Cross, He is not a loser but a Victor, conquering fear and death, transforming the bitterness of pain and hatred into the joy of “loving us to the end.” Fall in love, stay in love, never be afraid to love, dare to love, and you will see the face 41

afraid to love, dare to love, and you will see the face of God. You will be more and more like Christ whose love crosses all boundaries!”


Ang Love na Pang-Forever!

of God. You will be more and more like Christ whose love crosses all boundaries! Tip #3: Give Your Daily Effort! Sabi ni Lord, “Therefore, what God has joined together, let no one separate” (Mt 19:6). Alam mo, kung mayroong makakapaghiwalay sa dalawang táong nagmamahalan, dalawa lang naman talaga iyan eh: ang Diyos sa pamamagitan ng kamatayan, at syempre, ang mismong dalawang táong nagmamahalan na iyon. Sila rin naman talaga eh, kapag dumating ‘yung time na parang nararamdaman na nila sa isa’t isa na para bang nakakasawa nang magmahal, kapag wala na ‘yung kilig factors, kapag parang corny na ang magsabi ng “I love you,” kapag dumating na ‘yung mga panahong sinusubok talaga ang relasyon nila, kapag parang ordinary at routinary na lang ang pagsasama nila, kapag dumating na ‘yung time na parang gusto na nilang sabihin, “Ayoko na!” Ayun, kapatid, ito rin ang mga panahon para “mas” paigtingin mo pa ang pagmamahalan ninyo, time para “mas” palalimin mo pa ang kagustuhan mong makasama siya, time para “mas” dagdagan mo pa ang effort mo na ipakita sa “mas” konkretong paraan ang wagas mong pag-ibig. Ngayon, bakit ko sinasabing “mas” kanina pa? Kasi ang paanyaya sa inyo ni God ay araw-araw piliing magmahal, na sabihing “I love you!” at ipakita ito sa gawa; araw-araw na gawing buhay ang inyong commitment sa isa’t isa at 42


BES, LOVE KA NI GOD!

papanibaguhin ‘yung “I do” ninyo sa hirap at ginhawa.

“Sa tuwing gagawin mo ang mga bagay na ito, nagiging isang buháy na ‘I love you’ ka ng Diyos”

Para kapag dumating na ‘yung panahon na maranasan ninyo ang anumang klaseng challenges sa buhay ninyo,“mas” magiging madali ang magbigay ng “mas” maraming effort! Kapatid, sa tuwing gagawin mo ang mga bagay na ito, nagiging isang buháy na “I love you” ka ng Diyos para sa partner mo, para sa mga anak mo, mga magulang mo, at para sa mga kaibigan mo. Tip #4: Share the Love! Ito ang panghuling tip ko para mag-work out ang anumang relasyon: ibahagi mo ang pagmamahal na meron ka! Sabi nga ni St. Augustine, “Ang pag-ibig ay hindi maituturing na tunay na pagmamahal kung hindi ito naibabahagi.” Winika naman ni St. Bernard, “Kaya mong magbigay nang walang pagmamahal pero hindi mo mapipigilang magbigay kung talagang nagmamahal ka!” Love is meant to be shared simply because love is crossing boundaries! It is not love when it does not cross boundaries – boundaries of your own self, your family, your circle of friends! Samakatuwid, inaanyayahan ka ni Lord na maging buhay at konkretong ekspresyon ng pagmamahal Niya, ng “I love you” Niya hindi lang para sa mga táong “gusto” mong 43


Ang Love na Pang-Forever!

Love is meant to be shared simply because love is crossing boundaries! It is not love when it does not cross boundaries – boundaries of your own self, your family, your circle of friends!

mahalin kundi gayon din sa mga táong hindi kamahal-mahal, sa mga táong pinagkaitan ng mundo ng tunay na pagmamahal, sa mga táong niyapakan ang dignidad, ang mahihirap, mga sawi, at sugatan. Sila rin ay nangangailangan ng pagmamahal mo na sumasalamin sa pag-ibig ng Diyos. Kapatid, maging instrumento nawa ng Diyos ang anumang relasyon na meron ka sa iba upang ang mga táong uhaw sa pag-ibig at presensya ay makadama rin ng saya na meron sa pagmamahal nang ganap.

Kay God, may Forever! Nais kong tapusin ang pagninilay na ito sa pamamagitan ng isang kwento. Nang malapit nang pumanaw ang misis niya, naisip itanong ni mister kung ano ang laman ng itinatago nitong kahon sa loob ng kanilang aparador. Sa loob kasi ng 50 taon nilang pagsasama ay pinagbawalan siya ng misis niya na buksan ang kahong ito. Nang magpaalam si mister, sinabi ni misis, “Oo, sige honey, pwedeng pwede mo nang makita ang laman ng kahon na iyan, tutal naman, malapit na rin akong kunin ni Lord.” 44


BES, LOVE KA NI GOD!

Nang buksan ang kahon, nagulat si mister kasi ang laman lang naman pala nito ay tatlong butil ng bigas at trenta pesos. Nagtaka si mister kaya nagtanong siya muli, “Honey, bakit ganoon, ano’ng ibig sabihin ng laman ng kahong ito?” Sumagot si misis, “Ahh, honey, ganito kasi ‘yan, sa tuwing binibigyan mo ako ng sakit ng ulo, naglalagay ako ng isang butil ng bigas diyan sa kahon.” Natuwa si mister kasi tatlong butil lamang ang nakita niya. “Ibig sabihin ba nito, sa loob ng 50 years na pagsasama natin, tatlong beses lang akong nakapagbigay ng sakit ng ulo sa iyo? Eh, para saan naman itong trenta pesos?” nagtatakang sambit ni mister. Tumugon si misis, “Ah, eh, ano, yan ‘yung bayad sa akin nang maibenta ko ‘yung isang kilong bigas diyan sa kahon!” Kapatid, dalawang bagay. Una, hindi nasusukat ang kalidad ng anumang relasyong meron ka sa dálang ng beses na nag-away kayo o sa dami o kaunti ng mga problema at pagsubok na pinagdadaanan ninyo. Hindi. Nasusukat ito sa kung paano ninyo nakita ang paggalaw ng Diyos sa buhay ninyo, kung paano Niya pinatatag ang pagsasama ninyo; nasusukat ito kung paano ka namatay sa sarili mong kagustuhan upang yakapin ang táong mahal mo; nasusukat ito kung paano ka nagbibigay ng effort na piliing magmahal at maging tapat sa pagsasama ninyo bilang magkasintahan man ‘yan, mag-asawa, magkapamilya o magkaibigan; nasusukat ‘yan kung paano ninyo ito naibahagi sa mga táong nangangailangan ng pagmamahal at presensiya. Ito ang love na pang-forever! 45


Ang Love na Pang-Forever!

Panghuli, ang anumang relasyon na meron ka ngayon, hindi riyan nagtatapos ang lahat. Bakit? Sapagkat ang lahat ng relasyon ay instrumento lamang patungo sa mas mataas na uri ng relasyon – ang iyong pakikipag-ugnayan sa Diyos. Ang “goal” ng relationship mo sa iyong pamilya ay ang mas mapalapit kayong lahat kay God. Hindi mo rin “final goal” ang maikasal kasi ang pagkakaroon ng asawa ay “means” lang tungo sa kabanalan. Mga Bes, ang friendship ninyo ay isang relasyon na hindi lamang magpapalapit sa inyo sa isa’t isa kasi dapat mas maging “close” kayong lahat kay God! All relationships must lead to that one RELATIONSHIP THAT YOUR HEART longs for - relationship with God! Bes, love na pang-forever ba ang hanap mo?? Kapag malinaw sa iyo ang lahat ng mga ito, masasabi mong KAY LORD, MAY FOREVER kasi ang lahat ng tunay at wagas na love, kay God lahat ang happy ending!

46


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.