Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.
EUKARISTIA
Kapiling si Jesus Tuwina Sagot sa Karaniwang mga Tanong Tungkol sa Eukaristia
PHILIPPINES
EUKARISTIA
Kapiling si jesus tuwina
Sagot sa Karaniwang mga Tanong Tungkol sa Eukaristia Š 2016 Most Rev. Broderick Pabillo, D.D. Inilathala at pinalalaganap ng Paulines Publishing House Daughters of St. Paul 2650 F.B. Harrison Street 1300 Pasay City, Philippines E-mail: edpph@paulines.ph Website: www.paulines.ph Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang makapaglilimbag ng aklat na ito kung walang pahintulot ng Paulines Publishing House. Ang lahat ng karapatan ay pag-aari ng Daughters of St. Paul. Disenyo ng Pabalat: Ann Marie Nemenzo, FSP Unang Paglilimbag 2016 ISBN 978-971-590-806-1
at the service of the Gospel and culture
mga nilalaman PAMBUNGAD 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7.
1
Ano ang Eukaristia? 3 Paano natin mapapatunayan ang presensiya ni Jesus sa Banal na Eukaristia? 5 Ano po ba ang kahalagahan ng pagtanggap ng Eukaristia para sa ating buhay Kristiyano? 8 Sino ba ang makatatanggap ng Banal na Komunyon? 10 Paano tayo magiging karapat-dapat 12 na tumanggap ng komunyon? Ano ba ang mga bahagi ng Banal na Misa? 14 Sa bahagi ng konsagrasyon ng tinapay at alak upang maging katawan at dugo ni Jesus, nandoon ba si Jesus? 16 8. Ano po ang “transubstantiation�? 18 9. Ano ang kaibhan ni Jesus na ipinako sa krus sa tinapay na tinatanggap natin sa Misa? 21 10. Di po ba ang Espiritu Santo ang ipinadala ng Diyos sa atin? Bakit tinapay at alak ang bigay ng Simbahan? 23 11. Bakit sa dinami-dami ng mga bagay sa mundo, tinapay at alak pa ang pinili upang gawing katawan at dugo ni Jesus? 25 12. Bakit po kapag nagkokomunyon ang mga tao, ‘yung tinapay lang po ang tinatanggap at hindi umiinom ng alak? 29
13. Hindi po ba maaaring gumamit ng ibang klaseng tinapay sa halip na “Ostia�? 14. Mahalaga ba ang Biblia sa Banal na Misa? 15. Totoo po bang paulit-ulit lang ang mga pagbasa sa Misa? 16. Ano ang nakukuha ng mga tao sa pagsisimba? 17. Bakit kailangang tumanggap ng komunyon? Marami naman ding nagsisimba na hindi nagkokomunyon. 18. Paano po ba dapat tanggapin ang Komunyon: sa dila o sa kamay? 19. Pwede pa bang magkomunyon ulit kahit nakapagkomunyon na sa araw na iyon? 20. Umiiral pa po ba ngayon ang alituntuning huwag kumain isang oras bago magkomunyon? 21. Ako po ay 73 taong gulang na, pwede po ba akong magkomunyon kung nakakain ako 30 minuto bago magmisa? 22. Kung sakali pong ang isang tao ay hindi nakakapagkomunyon, hindi rin po ba niya tinatanggap ang Panginoon? 23. Saan napupunta ang Katawan ni Cristo kapag kinain ko? 24. Kung nagsimba na ng Biyernes, kailangan pa bang magsimba sa araw ng Linggo? 25. Kailangan bang maghawakan ng kamay sa pagdarasal ng Ama Namin?
31 32 37 36 38 40 42 43 44 45 47 48 49
26. Nakapagtatanggal po ba ng kasalanan ang Banal na Misa? 27. Paano ko malalaman kung ang kasalanan ko ay venial o mortal, magaan lang o mabigat na? 28. Makakatanggap pa rin po ba ng Komunyon kahit nahuling dumating sa Misa? 29. Bakit po hindi dapat mahuli sa pagdalo sa Misa? 30. Tama po ba na hindi magkomunyon kung hindi nakapagkumpisal? 31. Bakit po hindi pinapayagang magkomunyon ang mga makasalanan? 32. Lahat po ba ng nasa 10 utos, kapag nilabag, ay malaking kasalanan? 33. Kapag hindi nakasimba sa araw ng Linggo dapat po bang magkumpisal at di pwedeng magkomunyon? 34. Pwede po bang magkomunyon ang hindi kasal sa simbahan? 35. Ano po ang maaaring mangyari sa taong nagkokomunyon na mayroong mortal sin, katulad ng abortion? 36. Paano po ang napapabilang sa ibang relihiyon na walang Misa at Eukaristia, hindi po ba sila makakabahagi sa buhay na walang hanggan? 37. Ang Komunyon ba sa Orthodox Church ay pareho rin sa Roman Catholic Church?
50 53 55 56 57 58 60 62 64 66
68 71
38. Makakatanggap po ba ng Komunyon ang isang Kristiyanong nabinyagan sa sektang protestate at hindi siya Katoliko? 39. Nakapaghahatid ba ng katarungan ang Banal na Misa? 40. Paano ba nakakatulong ang Banal sa Eukaristia sa ating pakikibaka para sa kapakanan ng mahihirap? 41. Paano kaya namin maipapaliwanag sa simpleng paraan sa mga estudyante namin ang kahalagahan ng Banal na Eukaristia sa ating buhay, upang magkaroon sila ng pagkukusang magsimba kung Linggo at mga araw ng pangilin? 42. Pari po ba si Jesus? Paano siya naging pari? 43. Sino ba si Melquisedec? 44. Ano ang kaugnayan ni Jesus kay Melquisedec? 45. Ano ang kahulugan ng pagkapari ni Jesus para sa atin na mga Kristiyano? 46. Bakit kailangan magsakripisyo ang pari na hindi mag-asawa at magpamilya?
73 74 77
79 81 85 86 87 89
International Eucharistic Congress 47. Ano ba ang International Eucharistic Congress at ano ang layunin nito? 94 48. Ang Eucharistic Congress ba ay nagbibigay ng mga bagong katuruan sa Simbahan? 96
PAMBUNGAD Ang maliit na aklat na ito ay aking isinulat upang maging tulong sa karaniwang Katoliko na nagsisikap na mapalalim ang kanilang kaalaman at pananampalataya sa Banal na Eukaristia. Ito nawa ay makatulong sa kanila sa pagtahak nila sa landas patungo sa kabanalan. Ang kabanalan ay walang iba kundi ang ating pagkikipag-ugnay kay Cristo. Wala nang mas mahigpit na pakikiisa kay Jesus dito sa mundo kaysa Banal na Eukaristia. Ang mga tanong na sinikap kong sagutin sa munting aklat na ito ay may tatlong pinanggalingan. Karamihan ay nanggaling sa mga tanong sa palatuntunang I-WORD ng Catholic Bible School on the Air na isinasa-himpapawid ng Radio Veritas tuwing huling Linggo ng buwan. Tinipon namin ang mga tanong ng mga taga-subaybay noong nagkaroon kami ng pag-aaral tungkol sa Eukasristia. Marami at magaganda ang mga tanong, at nakakahinayang na ilan lang ang nakarinig sa mga sagot sa radio. Ang ibang tanong ay galing sa higit walumpung (80) katao na dumadalo sa Bible Study na pinamagatang Balon ng Buhay. Ginaganap naman ito sa Lay Force Center EUKARISTIA
1
of San Carlos Complex sa Makati minsan din sa isang buwan. Ang ilang mga tanong naman ay galing sa mga batang tinuturuan ng mga katekista ng Sto.Niùo Church sa Tondo. Dahil sa iba’t iba ang pinanggalingan ng mga tanong, iba-iba rin ang lalim ng mga ito. Ang iba ay simple lang, ngunit ang iba ay theological. Ang iba ay tungkol sa mga ritwal ng Misa, ngunit ang ilan ay tungkol sa kahulugan ng Eukaristia sa buhay Kristiyano. Hindi naman nasasaklaw ng maliit na aklat na ito ang lahat ng maaaring itanong, ni ang lahat ng katuruan ng Simbahan tungkol sa Banal na Sakramento. Ang aking mithiin lang, sana ay makatulong ito sa ating pagpapahalaga sa misteryong ito ng ating pananampalataya. Ang mga sagot dito ay magpalalim nawa sa ating pag-unawa at pagsasabuhay ng ating pakikiisa kay Cristo, ang ating mapagmahal na Manliligtas. Sadyang malikhain ang pagmamahal ni Jesus sa atin. Nagpaiwan siya upang manatiling kapiling natin at sumaatin sa Banal na Sakramento ng Eukaristia. Salamat, Panginoon, salamat!
2
EUKARISTIA
31
Bakit po hindi pinapayagang magkomunyon ang mga makasalanan? Lahat naman po tayo ay makasalanan!
Totoong lahat tayo ay makasalanan. Kaya nga pumarito si Jesus sapagkat kailangan nating lahat ng manliligtas. Ngunit may iba’t ibang uri ng kasalanan, tulad rin ng iba’t ibang uri ng sakit o karamdaman. May mga karamdamang maaaring pagalingin ng pamamahinga at sapat at masustansiyang pagkain. May mga karamdaman namang malubha at nakamamatay, na hindi madadala ng self-medication at wastong pagkain lang. Kailangang magkonsulta sa doctor at magpaospital. Kung minsan, kailangan pang pumasok sa Intensive Care Unit (ICU) kung saan pinapakain ang maysakit sa ibang paraan. Ganoon din ang mga nasa kasalanang malubha (mortal sin). Hindi naman sila pinipigilang magkomunyon, subalit pinapayuhang magkumpisal muna. Ang pagkokomunyon ay totoong nagpapalakas sa atin. Kaya kapag tinutukso tayo at nais nating labanan ang mga nakaugaliang kasalanan, dapat maging mas madalas ang ating pagsisimba at pagkokomunyon. Dahil walang iba kundi si Jesus ang ating tinatanggap sa komunyon, dapat din nating ihanda 58
EUKARISTIA
ang ating sarili sa pagtanggap sa kanya. Hindi natin dapat paglaruan ang relasyon natin sa kanya— na sa isang dako kinakalaban natin siya dahil sa ating buhay na labag sa kanyang kagustuhan, at sa kabilang dako tinatanggap natin siya sa Komunyon. O naniniwala ba tayo na si Jesus talaga ang tinatanggap natin? Sinulat ni San Pablo sa Banal na Kasulatan: “Ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom sa kopa ng Panginoon sa paraang di nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon. Kaya’t dapat siyasatin ng tao ang kanyang sarili bago siya kumain at uminom sa kopa. Sapagkat ang sinumang kumakain at umiinom nang hindi kinikilala ang kahalagahan ng katawan ng Panginoon ay kumakain at umiinom ng kahatulan laban sa kanyang sarili.” (1 Corinto 11: 27-29)
EUKARISTIA
59
40
Paano ba nakakatulong ang Banal sa Eukaristia sa ating pakikibaka para sa kapakanan ng mahihirap?
Para sa karamihan, maiuugnay lang ang Banal na Eukaristia sa kanilang personal na debosyon sa Diyos. Nais nilang lalong mapalapit sa Diyos. Nais nilang tanggapin si Jesus kaya sila nagsisimba. Hindi nila nakikita na si Jesus sa Banal na Eukaristia ay nanghihikayat din sa atin na makiisa sa kalagayan ng ating mga kapatid, lalo na ang mga nangangailangan. Tinatanggap natin si Jesus sa Komunyon dahil sa mahal natin siya at ibig nating lumago sa pag-ibig niya. Kaya magandang pansinin ang sinasabi sa Banal na Kasulatan: “Ang nagsasabing ‘Iniibig ko ang Diyos,’ subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid niya na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita? Ito ang utos na ibinigay sa atin ni Cristo: ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang mga kapatid” (1 Juan 4:20-21). May isa pang sinulat si San Juan: “Dito natin nakikilala ang tunay na pagibig: inialay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya’t dapat din nating ialay ang ating buhay para sa kapatiran. Kapag nakikita ng isang may kaya sa buhay EUKARISTIA
77
ang kanyang kapatid na nangangailangan, at hindi niya ito tinulungan, masasabi bang siya’y umiibig sa Diyos? Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan lamang ng salita, subalit ipakita rin natin ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng gawa” (1 Juan 3:16-18). Sa ating pakikiisa kay Cristo sa Eukaristia, nakikiisa rin tayo sa kanyang pag-ibig sa mga dukha. Unti-unting napapasaatin ang kanyang pananaw at pag-uugali dahil natatanggap natin ang kanyang katawan. Ito nga talaga ang magiging bunga ng debosyon sa Eukaristia. Sinabi ni Jesus sa Huling Hapunan mismo noong itinalaga niya ang Eukaristia: “Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano ko kayo inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo. Kung kayo’y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko” (Juan 13:34-35).
78
EUKARISTIA