Iadya Mo Kami

Page 1


IADYA MO KAMI Mga Panalangin ng Layko Laban sa Masasamang Espiritu

Tinipon at Isinalin ni:

REB. PADRE JOSEPH P. MENDOZA Chief Exorcist ng Arsidiyosesis ng Lipa

PHILIPPINES


IADYA MO KAMI © 2021 Reb. Padre Joseph P. Mendoza Nihil Obstat: Rev. Fr. Bartolome E. Villafranca Imprimatur: Most Rev. Gilbert A. Garcera, D.D. Inilathala at pinalalaganap ng Paulines Publishing House Daughters of St. Paul 2650 F. B. Harrison Street 1302 Pasay City, Philippines E-mail: edpph@paulines.ph Website: www.paulines.ph Re s e r b a d o a n g l a h at n g k a r a p at a n . Wa l a n g makapaglilimbag ng aklat na ito kung walang nakasulat na pahintulot ng naglathala. Disenyo ng Pabalat: Pier Giorgio B. Moral Reajoy San Luis, FSP Temptation of Christ by the Devil ni Felix Joseph Barrias, 1860

Ika-1 na Paglilimbag 2021 ISBN 978-971-590-906-8

at the service of the Gospel and culture


Inihahandog ko ang munting aklat na ito sa pinakadakilang magkabiyak sa buong daigdig — ang Mahal na Birheng Maria at si San Jose.

3


MGA NILALAMAN PAUNANG SALITA 7 PAMBUNGAD 9 UNANG BAHAGI: Mga Panimulang Panalangin 15 Panalangin Habang Nagwiwisik ng Banal na Tubig 15 Pagsisisi 16 Ang Sumasampalataya 17 Credo ng Nicea 18 Ama Namin 19 Aba Ginoong Maria 19 Memorare 19 Aba Po Santa Mariang Hari 20 Sub Tuum Praesidium 21 Panalangin kay San Jose, Kinatatakutan ng mga Demonyo, Tagapagtanggol ng Pamilya 21 Sa Aking Anghel na Tagatanod 23 Panalangin kay San Miguel Arkanghel (ni Papa Leon XIII) 23 Panalangin kay San Miguel Arkanghel 26 Panalangin kay San Gabriel Arkanghel 26 Panalangin kay San Rafael Arkanghel 27 Paghiling sa Panginoon ng Espiritwal na Kalasag at Tulong ng Mandirigmang Anghel 27 Paggapos sa mga Demonyo 29 Panalangin ng Pagsupil sa mga Puwersa ng Kasamaan 29

IKALAWANG BAHAGI: Mga Mapipiling Dasal

Upang Iadya sa Anumang Masama Panalangin Bago Pumunta sa Isang Lugar Panalangin Bago Magmaneho ng Sasakyan Panalangin Upang Pagalingin ang Sugat ng Damdamin Panalangin ng Mag-asawa Panalangin ng Magulang para sa mga Anak Panalangin ng Anak para sa Magulang Panalangin para sa Kaaway Panalangin Upang Pagalingin ang Karamdaman Panalangin Upang Hilumin Panalangin Bago Matulog Pagtatalaga sa Mahal na Puso ni Hesus Pagtatalaga kay Hesus sa Pamamagitan ni Maria Pagtatalaga sa Kalinis-linisang Puso ni Maria

31 31 31 32 33 34 35 35 37 38 39 40 41 42


Panalangin para sa Kababaang-Loob Ang Medalya at Krus ni San Benito Anima Christi Santo Rosaryo Litaniya sa Mahal na Birheng Maria Banal na Awa

IKATLONG BAHAGI:

Pagninilay sa Salita ng Diyos Mga Mapipiling Pagbasa mula sa Bibliya

42 43 47 48 51 55 58 59

IKAAPAT NA BAHAGI: Mga Panalangin para

sa mga Natatanging Pangangailangan 61 Pananggalang para sa Tahanan 61 Panalangin para sa Silid-Tulugan 67 Panalangin para Maiwasan ang Masamang Panaginip 68 Pagwawaksi sa Okulto, mga Gawain at Bagay na Kaugnay Nito 70 Pagsusuko kay Maria ng mga Psychic Abilities 75 Panalangin kay Maria, Tagakalag ng mga Buhol 76 Pagtatakwil sa Pagiging Mason 77 Panalangin sa Pagbabaon ng mga Kagamitang Okulto 94 Panalangin Kontra Usog 100 Panalangin Laban sa Kahalayan 102 Panalangin kay Maria (Theotokos) Laban sa Depresyon at Kalungkutan 104 Panalangin Laban sa Maruming Pag-iisip 106 Panalangin Laban sa Kulam at Sumpa 107 Pagputol sa Ugnayang Di Banal 107

IKALIMANG BAHAGI: Mga Pangwakas

na Panalangin Panalangin Upang Dalisayin Panalangin Upang Makaiwas sa Ganti ng Masamang Espiritu Panalangin Laban sa mga Mapaghiganting Espiritu Araw-araw na Pagtatalaga ng Sarili sa Mahal na Puso ni Hesus at Kalinis-linisang Puso ni Maria Panalangin ng Pasasalamat Papuring Awit ni Zacarias Papuring Awit ni Maria O Aming Diyos, Papuri sa Iyo (Te Deum)

111 111 113 115 117 117 118 119 121

TANDAAN SA PAGDARASAL 122


UNANG BAHAGI

Mga Panimulang Panalangin

S

a Ngalan ng Ama,  at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

(Tuwing makikita ang tanda ng Krus [] sa aklat na ito, nangangahulugan na dapat gawin ang pag-aantanda ng krus sa anumang bahagi ng pananalangin na nakalagay ito.) (Maaaring magwisik ng agua bendita sa paligid. Ang magulang ay maaaring magwisik sa kanyang mga anak at tahanan. Maaaring magpahid ng nabendisyunang langis [exorcised and blessed oil] ang magulang sa sariling noo, ilong, dibdib, labi, talukapmata, tainga, kamay at paa, at maaari din niyang gawin ito sa kanyang anak lalo na kung ito ay ginagambala ng masamang espiritu.)

Panalangin Habang Nagwiwisik ng Banal na Tubig

S

a pamamagitan ng iyong Kabanalbanalang Dugo at ng banal na tubig na ito, linisin mo ako, Panginoon, sa aking mga kasalanan.

15


Pagsisisi

P

anginoong Hesukristo, ako’y nagkasala laban sa iyong kabutihang walang hanggan. Ako’y nagsisisi nang buong puso at nagtitika na di na muling magkakasala sa tulong ng iyong mahal na grasya. Amen. O kaya: O Diyos ko, ikinalulungkot ko nang buong puso ang pagkakasala ko sa iyo. Kinasusuklaman ko ang lahat kong kasalanan, dahil sa takot kong mawala sa akin ang kaharian ng langit at dahil sa takot ko sa hirap na bunga ng kasalanan; nguni’t lalo pa naman dahil sa ang kasalanan ay nakakasakit ng loob mo, O Diyos ko, na walang hanggan ang kabutihan at nararapat ibigin nang walang katapusan. Matatag akong nagtitika, at umaasa sa biyaya mo, na ipagkukumpisal ko ang aking mga sala; tutuparin ang penitensiyang hatol, at magbabagong-buhay. Amen. O kaya: Diyos ko ako’y nagsisisi nang buong puso dahil sa aking mga kasalanan, sa paggawa ng masama at pagkukulang sa paggawa ng kabutihan. Nagkasala ako laban sa iyo na dapat kong mahalin nang higit sa lahat. Sa tulong mo, sisikapin kong magbago at 16


iiwasan ang anumang maghahatid sa akin sa kasalanan. Amen. (Maaaring pumili ng kahit ilang panalangin sa mga sumusunod ayon sa iyong pangangailangan:)

Ang Sumasampalataya

S

umasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa; sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa Krus, namatay, inilibing; nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao; nang maikatlong araw nabuhay na mag-uli; umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat; doon magmumulang paririto’t huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.

17


Pagtatalaga sa Mahal na Puso ni Hesus

O

Mahal na Puso ni Hesus, Bukal ng lahat ng biyaya, sinasamba kita, iniibig kita, at buong-pagsisisi sa aking mga kasalanan na iniaalay ko sa iyo ang abang puso ko. Gawin mong ako ay maging mababang loob, matiyaga, malinis at masunurin sa iyong kalooban. Ipagkaloob mong ako ay mabuhay kaisa mo at para sa iyo. Ipagsanggalang mo ako sa mga panganib, aliwin mo ako sa aking mga tiisin, dulutan mo ako ng kalusugan sa aking pangangatawan, tulong sa aking mga pangangailangan, pagpapala sa aking mga ginagawa, at biyaya ng banal na pagpanaw. O mahabaging Hesus, itinatalaga namin ang aming sarili ngayon at sa tuwina sa iyong Mahal na Puso. Hesus, maamo at mababang 40


loob, matulad nawa ang aming mga puso sa iyo. Amen.

Pagtatalaga kay Hesus sa Pamamagitan ni Maria

B

atid ko bilang Kristiyano ang aking tungkuling tumugon sa panawagan ng Panginoon, kaya sa araw na ito, sa iyong mga kamay, O Maria, sinasariwa ko ang aking mga pangako noong ako ay binyagan. Itinatakwil ko si Satanas, at lahat ng kanyang mga gawain at pangako niyang walang kabuluhan, at itinatalaga ko ang aking sarili kay Hesukristo, upang pasanin ang aking krus kasama siya sa aking pagtupad sa mga tungkulin ko sa araw-araw nang buongkatapatan ayon sa kalooban ng Ama. Sa harap ng buong Simbahan, ipinapahayag ko na ikaw ay aking Ina at Reyna. Sa iyo ay itinatalaga ko ang aking sarili, ang aking buhay, at lahat ng mga mabubuting gawa ko noong nakalipas, ngayong kasalukuyan at sa hinaharap. Tanggapin mo ang abang pagaalay ko ng aking sarili at lahat ng aking pagaari sa ikaluluwalhati ng Diyos ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

41


Banal na Awa (Ang Divine Mercy Chaplet o Rosaryo ng Dakilang Awa ng Diyos) Sa Ngalan ng Ama , at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Pambungad na Panalangin

P

umanaw ka, Hesus, subalit ang bukal ng buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at ang Karagatan ng Awa ay bumugso para sa sanlibutan. O Bukal ng Buhay, Walang 55


Hanggang Awa ng Diyos, yakapin mo ang sangkatauhan at ibuhos mong ganap ang iyong sarili para sa aming lahat. O Banal na Dugo at Tubig, dumaloy mula sa Puso ni Hesus bilang Bukal ng Awa, para sa aming lahat, ako ay nananalig sa iyo. (3x)

Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Sumasampalataya Ako… (Sa Butil ng “Ama Namin”) Ama na Walang Hanggan, iniaalay ko po sa iyo ang Katawan at Dugo, Kaluluwa at Pagka-Diyos ng Kamahal-mahalan mong Anak na si Hesukristo, na aming Panginoon at Manunubos, para sa ikapagpapatawad ng aming mga sala at sa sala ng buong sansinukob. (Sa Butil ng “Aba Ginoong Maria”) Alang-alang sa mga tiniis na hirap at kamatayan ni Hesus, kaawaan mo po kami at ang buong sansinukob. (Pangwakas na Panalangin) Banal na Diyos, Banal na puspos ng kapangyarihan, Banal na walang hanggan, maawa po kayo sa amin at sa buong sansinukob. (3x) 56


Walang Hanggang Diyos, na ang awa ay walang katapusan at ang kabang-yaman ng habag na di maubos-ubos, masuyong tingnan po kami at palaguin po ninyo ang awa sa amin, nang sa mahihirap na sandali ay maaaring di kami panghinaan ng loob, o kaya’y manlupaypay, kundi nang may malaking pananalig isuko ang aming sarili sa iyong banal na kalooban, na siya ring pag-ibig at awa. Amen. (Panalangin ng Pasasalamat) O Hesus, walang-hanggang Diyos, nagpapasalamat ako sa iyong di-mabilang na biyaya at pagpapala. Itulot mong ang bawat tibok ng puso ko ay maging awit ng papuri sa iyo, O Panginoong Diyos. Ang bawat patak ng aking dugo nawa ay dumaloy para sa iyo, O Panginoon. Ang kaluluwa ko ay umaawit ng pagsamba sa iyong awa. Iniibig kita, O Diyos ko, alang-alang sa iyo lamang. Sa Ngalan ng Ama , at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen

57


MEDIA CENTER PHILIPPINES

• 29 Cor. Hernaez–Henares Sts. 6100 BACOLOD CITY Tel: (034) 433-16-48 MC: 09424745271 E-mail: fspbac@paulines.ph FB: Paulines Media Center - Bacolod • 47 Upper Gen. Luna Rd. 2600 BAGUIO CITY Telefax: (074) 442-25-59 E-mail: fspbag@paulines.ph FB: Paulines Media Center - Baguio • Fatima Chapel, A. Velez-del Pilar Sts. 9000 CAGAYAN DE ORO CITY Telefax: (088) 850-15-24 Tel: (088) 856-43-92 E-mail: fspcdo@paulines.ph FB: Paulines Media Center - Cagayan de Oro • 34 Osmeña Blvd. 6000 CEBU CITY Telfax: (032) 253-40-61 E-mail: fspceb@paulines.ph FB: Paulines Media Center - Cebu • Bolton Street 8000 DAVAO CITY Tel: (082) 221-41-49 Fax: (082) 221-94-90 E-mail: fspdav@paulines.ph FB: Paulines Media Center - Davao • 425 E. Lopez Street 5000 Jaro, ILOILO CITY Telefax: (033) 320-94-87 E-mail: fspilo@paulines.ph FB: Paulines Media Center - Iloilo • Rizal Street, 4500 LEGAZPI CITY Tel: (052) 742-19-50 E-mail: fspleg@paulines.ph FB: Paulines Media Center - Legazpi • M.K. Lina Street 4217 LIPA CITY Telefax: (043) 756-22-12 E-mail: fsplipa@gmail.com FB: Paulines Media Center - Lipa • Elias Angeles Street 4400 NAGA CITY Telefax: (054) 881-25-53 E-mail: fspnag@paulines.ph FB: Paulines Media Center - Naga • 2655 F. B. Harrison Street 1302 PASAY CITY Tel: (02) 8831-17-71 loc 103 Telefax: (02) 8831-64-20 E-mail: mcpcc@paulines.ph FB: Paulines Media Center - Manila

• Real Street 6500 TACLOBAN CITY Telefax: (053) 321-31-95 / (053) 832-04-82 E-mail: fsptac@paulines.ph FB: Paulines Media Center - Tacloban • 41 Arellano Street Centro 01 3500 TUGUEGARAO CITY Tel: (078) 844-11-73 (078) 844-00-01 Mobile: 09069039506 E-mail: fsptug@paulines.ph FB: Paulines Media Center - Tuguegarao • Natividad Street, Tetuan 7000 ZAMBOANGA CITY Telefax: (062) 991-24-50 E-mail: fspzam@paulines.ph FB: Paulines Media Center - Zamboanga

ABROAD

• 1417 Lorong Sang Kancil Satu 88300 Kota Kinabalu Sabah, EAST MALAYSIA Tel: (006088) 23-99-32 Fax: (006088) 21-57-76 E-mail: fspkk@paulines.ph • 161 Jalan Gasing 46000 Petaling Jaya Selangor, WEST MALAYSIA Tel: (00603) 778-519-15 Fax: (00603) 778-264-89 E-mail: fsppj@paulines.ph fsppj@yahoo.com • Catholic Book Center 5 Mile Hubert Murray Highway P.O. Box 606 Boroko, III N.C.D. Port Moresby, PAPUA NEW GUINEA Telefax: (00675) 325-95-47 E-mail: fsppng@paulines.ph • Daughters of St. Paul 343/63 Soi Phaholyothin 69/4 Anusawaree, Bangken 10220 Bangkok, THAILAND Telefax: (+66) 02-972-50-37 Mobile: (+66) 949 581190 E-mail: fspbkk@paulines.ph fspbangkok@yahoo.com

Visit us at www.paulines.ph/shop/


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.