Paglilingkod sa Misa

Page 1


ANG PAGLILINGKOD SA MISA Š Ka Estong Alagbate Nihil Obstat: Rev. Fr. Genaro O. Diwa

Commissioner, Commission on Liturgy

Imprimatur: +Luis Antonio G. Cardinal Tagle, D.D. Archbishop of Manila

Ang ginamit na mga talata ng Biblia ay hango sa Banal na Biblia, salin ni Msgr. Jose Abriol, inilathala ng Paulines Publishing House, 2650 F.B. Harrison Street, 1300 Pasay City, Philippines. Inilathala at pinalalaganap ng Paulines Publishing House Daughters of Saint Paul 2650 F.B. Harrison Street 1300 Pasay City, Philippines E-mail: edpph@paulines.ph Website: www.paulines.ph Walang makapaglilimbag ng aklat na ito kung walang pahintulot ng Paulines Publishing House. Ang lahat ng karapatan ay pag-aari ng Daughters of St. Paul Unang Paglilimbag 2013 ISBN 978-971-590-714-9

at the service of the Gospel and culture


Mga Nilalaman I. Mga Pangunahing Pagsasaalang-alang

5

II. Paghahanda ng Sarili

9

III. Ang Pook ng Pagdiriwang

13

IV. Mga Gamit-Panliturhiya

21

V. Misa Simple

36

VI. Misa Solemne

47

VII. Misa Pontifical

54


I MGA PANGUNAHING PAGSASAALANG-ALANG Sa di-masukat na habag ng Diyos, tinawag Niya tayo hindi bilang mga indibidwal na walang kaugnayan sa isa’t isa, kundi bilang isang pamayanang magiging palatandaan ng pagka-naririto ng Diyos, upang ang palantandaang ito sa tuwina’y maging paanyaya sa iba’t ibang lahi ng tao sa daigdig na ito. Tinawag ng Diyos si Abraham hindi bilang isang indibidwal kundi bilang ninuno ng isang bansa (Gen 12:2). Tinawag si Pedro hindi rin bilang isang indibidwal kundi bilang saligan ng Simbahan (Mt 16:18; Lc 22:32). Isaisa ring tinawag ang iba pang Apostoles (Mt 28:19) upang gawing alagad ang lahat ng bansa. Tayo rin ay tinawag ng Diyos bilang isang bayan, at sa pagtitipon natin upang sumamba, nagiging palatandaan tayo ng pananatili ng Diyos sa ating piling (Mt 18:20). Bilang huling habilin ng isang malapit nang mamatay, inatasan tayo ni Jesus na “gawin ito”: ang magsalo sa Kanyang katawan at dugo bilang isang pamayanan (I Cor 11:2425), at hindi bilang mga indibidwal na walang kaugnayan sa isa’t isa. Hindi maiaalis sa ganitong “pangmadlang gawain” (leitos-ergon sa Griyego, liturgia sa Latin) ang pagkakaroon ng mga tagapaglingkod (ministers) na may


Paglilingkod sa Misa

kanya-kanyang papel (ministries) na ginagampanan. May dalawang pangkalahatang uri ng mga tagapaglingkod sa liturhiya: ang ordained ministers (obispo, pari at diyakono) at ang lay ministers (acolytes at lectors). Lagi na, ang uri ng paglilingkod ay sumisipot (tulad ng ushers at commentators, halimbawa) at nawawala (tulad ng porters at dancers) ayon sa pangangailangan ng pamayanan, at hindi ayon sa pangangailangan ng tagapaglingkod. Ito ang dahilan kung bakit ang pagka-acolyte at pagka-lector ay hindi na para lamang sa mga kandidato sa pagkapari (Artikulo 3 ng Ministeria Quaedam na ipinalabas ni Papa Pablo VI noong 1972), kundi para sa sinumang lay na karapat-dapat, ayon sa pangangailangan ng parokya. Hindi natin maitatanggi na sa mga palasimba ay nakararami ang kababaihan, kung kaya’t bagama’t itinatadhana ng Ministeria Quaedam, Artikulo 7, na ang acolytate at lectorate ay para lamang sa mga kalalakihan, sa kalagayan natin sa Pilipinas ay hindi ito istriktong naipatutupad. Ang tungkulin ng isang acolyte ay ang mga sumusunod: 1. Pagtuwang sa mga diyakono at pari sa mga panliturhikong pagdiriwang lalo na sa Misa; 2. Mamahagi ng banal na Komunyon kung hinihingi ng pagkakataon; 3. Magtanghal ng Kabanal-banalang Sakramento para sa pagsamba ng mga mananampalataya at magbalik nito sa tabernakulo pagkatapos (hindi siya maaaring magbasbas sa mga tao); at


I. Mga Pangunahing Pagsasaalang-alang

4. Magturo sa mga pansamantalang itinalaga upang magdala ng misal, krus, kandila, o iba pang kahalintulad na tungkulin sa panliturhikong pagdiriwang. Sa Pilipinas, ang acolytate ay hinati natin sa dalawang lay ministries: 1. Communion ministers na gumaganap sa ikalawa at ikatlong tungkulin ng acolyte; at 2. Mass servers na gumaganap naman sa una at ikaapat. May sinasabi si Fr. Anscar Chupungco, OSB, pangunahing awtoridad tungkol sa liturhiya: “Ang pangalang Mass servers ay waring mas angkop sapagkat iyon naman talaga sila. Makabubuti ring hatiin sila ayon sa kanilang natatanging tungkulin sa Misa: tagapagdala ng aklat, ng cruet, ng kandila, ng thurifer, tagakuliling, at iba pa. Ang pagbibigay ng wastong pangalan ay isa sa mga prinsipyong liturhikal ng Vatican II.�1 Kung sa bawat pagtitipon sa ngalan ni Jesus (Mt 18:20) ay nakikipagtagpo tayo sa Kanya, hinihingi ng pagkakataon ang pinakamasusing paghahanda. Katulad ng isang tunay na tsuper na nakikilala bago sumampa sa sasakyan, tinitiyak niya ang kalagayan ng goma, ilaw,

1. It would seem that the name Mass servers is more appropriate for that is what they really are. Likewise, it would be better to class them according to their specific role at Mass: book bearer, cruet bearer, candle bearer, thurifer, bell ringer and so on. Calling a spade a spade is one of the liturgical principles of Vatican II.


Paglilingkod sa Misa

krudo, tubig, brake fluid at iba pa para sa kaligtasan ng mga sasakay, ganitong pagkamasusi, at higit pa, ang hinihingi sa isang Mass server, bago siya makipagtagpo kay Jesus, upang hindi makahadlang sa kaligtasan ng mga kaluluwa ng mga mananampalataya. Ito ang layunin ng manual na ito: upang tulungan ang Mass servers sa masusing paghahanda ng sarili, ng pook ng pagdiriwang, ng mga kaukulang kagamitan, ng mga angkop na kasuotan, at ng daloy ng mga pagdiriwang.


IV MGA GAMIT-PANLITURHIYA 1. Mga Sisidlan Chalice Ito ay isang saro o kopang inuman, kung saan kinokonsagra ang alak upang maging dugo ni Kristo. Sa mga pagkakataong maraming pari ang nakikipagmisa, higit na masagisag kung isang mas malaking chalice ang gagamitin, kaysa ilang maliliit.

Paten Ito ay isang sisidlang hugisplatito, kung saan kinokonsagra ang malaking ostiya (laking sapat upang makita ng pinakamalayong nagsisimba), upang maging katawan ni Kristo.

21


22

Paglilingkod sa Misa Ciborium Ito and sisidlan ng maliliit na ostiyang ipamamahagi sa mga nagsisimba. Ang laki ng sisidlang ito ay sapat upang maglaman ng kinakailangang dami ng ostiya ayon sa dami rin ng mga tatanggap ng komunyon. Katulad ng chalice, kanais-nais na ito ay iisa lamang sa altar. “Isang tinapay, isang katawan,� wika nga ni San Pablo (I Cor 10:16). Monstrance Ito’y tinatawag ding ostensorium. Ito ay sisidlan din ng malaking ostiya, subalit ito ay dinisenyo upang ipamalas nang matagalan ang Kabanal-banalang Sakramento sa mga sumasamba. Ginagamit ito sa pagtatanod, sa pagbabasbas, at prusisyon ng Kabanal-banalang Sakramento. Lunette Ito ang humahawak sa Kabanalbanalang Sakramento sa loob ng monstrance.


IV. Mga Gamit-Panliturhiya Pyx

Dito inilalagay ang Kabanalbanalang Sakramento na nasa lunette upang iligpit sa tabernacle. Sa mas maliit na pyx naman inilalagay ang reserbang Komunyon para sa mga maysakit.

Communion plate Ito ay hugis pinggan na isinasahod sa ilalim ng baba ng tumatanggap ng komunyon sa dila. Ginagamit ito upang maiwasang mahulog sa lapag maging mugmog o patak ng Banal na Komunyon.

Cruets Ang mga ito ay sisidlan ng alak at tubig na gagamitin sa Misa. Mula rito ay isinasalin sa chalice ang alak at tubig.

23


24

Paglilingkod sa Misa Thurible Ito ay tinatawag ding censer. Dito inilalagay ang baga kung saan sinusunog ang insenso. May tangkay itong kadena upang maiindayog. Ginagamit ito sa mga solemneng liturhiya, sa pagpuprusisyon, at sa paglilibing.

Brazier Ito ay sisidlan din ng baga kung saan sinusunog ang insenso. Mas malaki ito kaysa thurible, at hindi iniindayog kundi nakapatong sa isang sadyang pedestal. Naglalaman ng mas maraming baga, ginagamit ito sa panggabing panalangin at sa iba pang pagdiriwang.


IV. Mga Gamit-Panliturhiya

25

Incense boat Ito ay sisidlan ng insenso. May sadyang kutsara, mula dito ay inilalagay ang insenso sa bagang nasa thurible o brazier. Katulad ng nabanggit natin sa pangangalaga sa sacristy (bilang 1), kailangang ang insenso (at baga, sabihin pa) ay sapat sa pangangailangan. Ang mabangong usok ng insenso ay sumasagisag sa ating panalanging pumapailanlang sa kalangitan (Ex 30:1, 7-9; Lc 1:9). Mga mangkok Mas mainam na yari sa kristal upang makita ang nilalaman, ang mga ito ay ginagamit upang sahurin ang tubig sa paghuhugas ng kamay ng pari, at ang banal na tubig na ibinubuhos sa ulo ng binibinyagan (kung walang baptismal font). Ang mga ito rin ang mainam na sisidlan ng abo sa pasimula ng Kuwaresma. Pitsel Mainam ding yari sa kristal upang tumugma sa mangkok. Mula rito ay ibinubuhos ang tubig sa kamay ng pari, at ang banal na tubig sa ulo ng binibinyagan. Kabibe Nakasanayan na, ginagamit itong sisidlan ng banal na tubig na ibinubuhos sa ulo ng binibinyagan.


26

Paglilingkod sa Misa

Oil stocks Ito ang magkarugtong na mga sisidlan ng langis para sa pagbibinyag, pagkukumpil at ordinasyon (chrisma), at langis para sa mga maysakit (oleum infirmorum). Holy water vessel at aspergil Ito ay isang maliit na timba at katambal na pangwisik. Ginagamit ito sa pagwiwisik ng banal na tubig sa mga tao, bagay, o pook. Sabihin pa, hindi katanggap-tanggap sa liturhiya ang paggamit ng maliit na sisidlan ng banal na tubig na yari sa plastic.

2. Mga Aklat Book of the Gospel Tinatawag din itong Evangelary. Sabihin pa, ang nilalaman ng aklat na ito ay mga pagbasa mula sa mga Ebanghelyo lamang. Mula rito ay ipinahahayag ng diyakono o pari ang Mabuting Balita. Ginagamit ito sa mga lalong solemneng pagdiriwang. Lectionary Nilalaman ng aklat na ito ang mga pagbasa mula sa Banal na Kasulatan, mga pagbasang naunang isinaayos upang umangkop sa bawat pagdiriwang. Ang lectern ang angkop na paglalagyan nito. Sacramentary Kung ang lectionary ay naglalaman ng mga pagbasa, ang sacramentary naman ay naglalaman ng mga panalanging pinangunguluhan ng pari.


IV. Mga Gamit-Panliturhiya

27

Missal Ang aklat na ito ay pinagsanib na lectionary at sacramentary. Isinaayos ito ayon sa mga pagkakataon: panlinggo, pang-araw-araw, kapistahan ng mga santo, pagkakasal, at paglilibing. Ordo

Ito ang unang dapat damputin ng Mass server bago ang alinmang bagay sa sacristy tuwing siya ay maglilingkod. Itinatadhana ng maliit na aklat na ito ang paksa ng pagdiriwang sa bawat araw sa buong taon. Nasasaad dito kung ano ang ipinagdiriwang, kung anu-ano ang mga pagbasa, kung ano ang itinakdang kulay sa pagdiriwang, kung anu-ano ang mga dapat ihanda, at marami pang mga bagay na hindi dapat na ipagkamali. Collectio Rituum Ito ay kalipunan ng mga liturhiya sa pagdiriwang ng iba pang mga sakramento, liban sa Banal na Eukaristiya. May mga panalangin din dito para sa pagbabasbas sa mga tao, mga bagay, o mga pook. Book of Blessings Ito ay mas malawak na kalipunan ng mga panalangin para sa pagbabasbas sa mga tao, mga bagay, o mga pook. Hymnal Ito ay kalipunan ng mga awitin sa liturhiya.


28

Paglilingkod sa Misa

3. Mga Linen Purificator Ito ay ginagamit upang tuyuin ang chalice matapos inuman at matapos hugasan. Mainam na ito ay yari sa telang absorbent upang matupad ang layunin nito. Ang lapad nito ay humigit-kumulang sa isang dangkal, at ang haba ay humigit-kumulang sa dalawang dangkal. Corporal Dito ipinapatong and chalice, paten at ciborium kung ginagamit sa Misa, at ang monstrance kung ginagamit sa pagtatanod. Ito ay may sukat na humigit-kumulang sa dalawang dangkal kuwadrado. Pall

Ito ay ginagamit na pantakip sa chalice upang tiyaking malinis ito. Ang takip na ito na yari sa tela, ay pinalooban ng mas matigas na material. Altar Cloth Ang mantel na ito at karaniwang halos umabot sa sahig ang haba sa magkabilang dulo ng altar, at humigitkumulang sa isang dangkal naman (mula sa gilid) sa harapan at likuran. Sa ganitong proporsiyon ay hindi malilingid ang anyong hapag ng altar (Lc 22:14-15; Gawa 2:56). Finger towel Mas makapal upang hindi madaling malukot, at mas absorbent kaysa sa purificator, ang finger towel ay ginagamit ng pari sa paghahanda ng mga handog sa Misa, at upang


IV. Mga Gamit-Panliturhiya

29

tuyuin ang ulo ng katatanggap ng binyag. Ginagamit din ito ng obispo matapos pahiran ng chrism ang kinumpilan o inordenahan. Ang isang dangkal na kuwadradong sukat ng finger towel ay sapat na sa pangangailangan.

4. Mga Kagamitang Nauubos Ostiya Mula sa harina ng trigo, wala itong lebadura (Ex 12:17; Mt 26:17) o pampaalsa. Itinuturo ng pananampalataya na ang tinapay na ito, sa bisa ng konsagrasyon ng pari na ginagarantiyahan ni Jesus (Mt 26:26), ay nagiging tunay na katawan Niya. Alak

Ito’y mula sa purong katas ng ubas. Nakagawian nang lahukan ito ng kaunting tubig. Ito’y nagiging tunay na dugo ni Kristo (Mt 26:28) sa bisa ng konsagrasyon ng pari.

Kandila Si Kristo ang tunay na liwanag (Is 8:23 – 9:1; Mt 4:1516), at ang katotohanang ito ay buong linaw na nailalarawan ng nagniningas na kandila. Ito ang dahilan kung bakit may kasamang hindi kukulangin sa dalawang kandila ang krusipihong pamprusisyon, ang pagpapahayag ng Mabuting Balita, malapit sa (o ibabaw ng) altar, at sa paligid ng nakatanghal na Kabanal-banalang Sakramento. Ang Paschal Candle Sa seremonya ng Easter Vigil binabasbasan at unang sinisindihan ang kandilang sumasagisag kay Kristong


30

Paglilingkod sa Misa

muling nabuhay, ang ilaw ng daigdig. Inilalagay ito sa isang kapansin-pansing katayuan sa sanctuary sa buong panahon ng Muling Pagkabuhay. Matapos ang panahong ito ay angkop na ilipat ito sa tabi ng baptismal font kung mayroon. Kung walang baptismal font, pinakapraktikal na paglaanan ito ng lugar sa sacristy, upang muling itanghal na may sindi sa pagbibinyag o paglilibing. Gayunpaman, dapat itong palitan ng bago sa susunod na pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay upang maisagisag ang bagong buhay kay Kristo. Langis Ang langis na ginagamit sa pagbibinyag, pagkukumpil at ordinasyon ay tinatawag na chrisma, at ang para sa maysakit ay oleum infirmorum. Tuwing Huwebes Santo ay nagbabasbas nito ang obispo para gamitin sa buong taon. Pinapalitan ito sa susunod na Huwebes Santo. Pangkaraniwang langis naman mainam na ilagay sa ilaw ng tabernacle. Kaysa kandila, higit na tumatagal ito kung kaya’t matitiyak na may ilaw sa tabernakulo araw at gabi (Ex 27:20-21). Kalait-lait ang ilaw sa tabernakulo kung ito ay bombilya, gaano man kahawig ng ningas ang disenyo nito. Ang pag-iral ng ilaw ay nagiging ganap kung sa pagbibigay-liwanag ay nauubos ito (Mt 17:25), katulad ng ginawa ni Kristong liwanag. Ang bombilya ay salat sa ganitong pagsasagisag. Agua bendita Ang tubig na ito ay binabasbasan ng pari sa seremonya ng Easter Vigil. Hangga’t maaari, nagbabasbas nang sapat


IV. Mga Gamit-Panliturhiya

31

para sa buong taon. Ginagamit ito sa pagbibinyag at pagbabasbas sa mga tao, mga bagay, o mga pook.

5. Iba pang mga kagamitan Processional cross Ito ay may kalakihang krusipiho na nasa isang tulos at ginagamit sa prusisyon. Kung walang krusipiho sa sanctuary, pinatatayo ito malapit sa altar. Kneeler Ito ay luhurang maaaring ilipat-lipat ng kinalalagyan. Ginagamit ito ng mga ikinakasal, ng nangungumpisal kung walang confessional, ng nangungulo sa mga pangdebosyong panalangin, gayundin ng dumadalaw na obispo sa kanyang pananalangin sa bungad ng simbahan. Bell

Ito’y pinatutunog upang tawagin ang pansin ng mga nagsisimba sa mga pinakabanal na bahagi ng pagdiriwang. Book rest Isinasandal dito ang sacramentary kung ang nangungulo sa Misa ay may kapansanan sa pangingin. Hangga’t maaari, hindi ito dapat maging mas kapansinpansin kaysa sa chalice at ciborium. Microphone Sa pasimula at pagtatapos ng Misa sa presider’s chair, may tagahawak nito. Hindi angkop na sa nangungulo at pinangunguluhan ay may nakapagitnang stand nito. Sa


32

Paglilingkod sa Misa

liturhiya ng Salita, ito ay nasa panig ng lectern kung saan mas malapit ito sa bibig ng lector kung siya ay nakatingin sa mga nagsisimba. Sa liturhiya ng Eukaristiya, hindi rin dapat maging kapansin-pansin ang stand nito. Crozier Tinatawag ding bacolo, ito ang tungkod ng obispo na sagisag ng kanyang pagiging pastol ng bayan ng Diyos.

6. Mga Kasuotan Cassock Sotana ang nakasanayan nating itawag dito. Ito ang pangunahing damit ng pari na nagpapaging-iba sa kanya sa laity. Puti ito o itim, makitid ang manggas, hakab sa katawan hanggang baywang, paluwang hanggang laylayan. Dito ipinapatong ang iba pang pang-liturhikong kasuotan, depende kung gaano ka-solemne ang pagdiriwang. Sotanilya Ito ang tawag natin sa uniporme ng Mass servers. Ang tabas at tahi nito ay ginaya sa sotana. Sota-sotanahan, sa madaling sabi. Subalit maraming pagkakataon na ang Mass server ay mas matangkad sa pari, kung saan ang pari na ang mukhang naka-sotanilya. Sana ay dumating ang araw na sa suot nating uniporme bilang Mass servers ay mas magmukha tayong lay kaysa cleric, sapagkat tayo ay lay. Ang bayan ng Diyos ay nauuri sa dalawa lamang: clergy at laity. Kaparian at layko. Walang pari-parian.


IV. Mga Gamit-Panliturhiya

33

Alba

Hango sa Latin, ang ibig sabihin nito ay “puti.” Ito ay kasuotang sadyang pang-liturhiya. Mas maluwang ito kaysa sa sotana, at minsa’y binibigkisan ng kordon (cincture) sa baywang. Surplice Tinatawag natin itong rokete. Ito ay ipinapatong ng pari sa sotana kung siya ay kasangkot sa liturhiya ngunit hindi bilang co-presider kundi bilang master of ceremonies, choir director, o iba pang tungkulin. Puti rin ito, maluwang ang manggas, lampas-tuhod ang haba. Chasuble Tinatawag ding kasulya, ito ay sadyang para sa Misa. Nagtataglay ito ng liturhikong kulay, lalong maluwang kaysa sa surplice, hanggang bukung-bukong ang haba, at bagama’t walang manggas, ay tumatakip sa buong braso ng pari. Dalmatic Ito ang suot ng diyakono katumbas ng chasuble ng pari. May malapad itong manggas, lampas-tuhod ang haba, mas marangya ang tela at disenyo kaysa sa surplice. Stole

Ito ay malapad na banda na nakasampay sa magkabilang balikat ng pari, lampas-tuhod ang haba. Para sa diyakono, nakasampay ito sa kaliwang balikat at magkakabit sa kanang tagiliran. May liturhikong kulay


34

Paglilingkod sa Misa

ito. Kung makitid ang stole ng pari, ipinapailalim ito sa chasuble. Nasa ibabaw ito kung malapad. Ang stole ng diyakono ay nasa ilalim ng dalmatic. Humeral veil Ito ay malapad na puting balabal, nakapatong sa mga balikat ng pari habang ipinuprusisyon ang Kabanalbanalang Sakramento at habang ibinabasbas ito pagkatapos ng pagtatanod. Cope

Ito ay balabal na lalong malapad kaysa sa humeral veil, pinagkakabit sa may dibdib, hanggang sakong ang haba. Ito’y ginagamit sa mga lalong solemneng pagdiriwang ng liturhiya, at sa bendisyon ng Kabanal-banalang Sakramento. Skull cap Tinatawag ding zucchetto, ito ay maliit na purpurang sambalilo ng obispo, pula sa kardinal, at puti sa Santo Papa. Mitre May kambal na tulis sa ibabaw at dalawang palawit sa likod, ito ay ipinuputong sa ulo ng obispo. Singsing Tanda ng pansimbahang kapangyarihan, palagi itong suot ng obispo. Dito humahalik ang mga pari at mga laiko bilang pagkilala sa natatanging katayuan ng obispo sa bayan ng Diyos.


IV. Mga Gamit-Panliturhiya

35

Pectoral cross Ito ang krusipihong isinasabit ng obispo sa kanyang dibdib. Pallium Ito ay isang banda na mas makitid kaysa sa stole, ipinapatong sa chasuble ng arsobispong nanunungkulan sa kanyang nasasakupan. Isinusuot niya ito sa mga lalong solemneng okasyon.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.