Dumdumon (Book One)

Page 1



DENNIS ESPADA DUMDUMON


Copyright Š 2013 by Dennis Espada All rights reserved. No part of this book may be copied or used without written permission from the author and copyright owner. For comments and suggestions, please contact: Pinoy Pen and Sword Publishing E-mail:

PASASALAMAT kina Jun Cruz Reyes, mga katropang manunulat, Maggie Evora, Zandra Brub, at Elena Mampusti CREDITS sa Swan (dating opisyal na publikasyon ng Liceo), Liceans Yearbook School Year 1989-90; sa buong family, mga kapitbahay, titser, katropa at klasmeyt

EDITOR’S NOTE: Names have been changed.


sanaysay, dyornal, tula, monologo, anekdota, artikulo, dokumento, at litrato ng ‘sang writer-writeran



1.

Wala

namang perpektong tao kaya walang pag-asang

maging perpekto ang akdang ‘to habang ako’y nabubuhay. Ito’y

“tip

of

the

iceberg”

lang

ng

mga

pangyayari.

Maraming personal at pribadong bagay ang di kayang aminin dahil ako’y tao lamang. Monopolisado ba ng sikat na tao ang ganitong porma ng pagsasalaysay? Hindi naman, di ba? Nagsimula ang paglilikom nitong kronolohikal na koleksiyon ng mga sanaysay, dyornal, tula, anekdota, monologo, artikulo, dokumento, at litrato nang matuklasan ko ang ‘sang lihim na portal para makapaglakbay sa nakaraan. Isang araw nagpasya akong makipag-usap sa dating ako, sa mas batang ako na burara’t walang kamalaymalay, sa dekada sitentang, dekada otsentang, dekada nobentang bersyon ng sarili ko. Kaya nagkulong ako sa kuwarto, nagpatay ng ilaw, nahiga sa kama, pumikit at dahan-dahang huminga na may bilang at mantra. Inhale: one…two…three…four…five… Exhale: five…four…three…two…one… Siguro higit sa sampung beses ‘yon. Nahanap

ko

ang

nawawalang

susi

sa

kupas,

makaluma’t yari-sa-kahoy na Aparador ng Alaala, na tinangay ng takot at kirot. Nagsikap akong malampasan 1


‘yon kaya nakapasok ako sa loob. Binigkas

ko

nang

paulit-ulit

ang

salitang:

“duuummduuuummmoooooooonnnnn”. (Ang “dumdumon” ay Hiligaynon na katumbas ng “alalahanin” sa Tagalog o “remember” sa Ingles.) Naniwala akong mangyayari ‘yon, at nangyari na nga. Lumabas ako sa aparador at kitangkita

ko

biglang

nagpalit

ng

taon

ang

nakasabit

na

kalendaryo, paatras ang bilang mula taong kasalukuyan. Oh my god. OH-MY-GOD! Ayan siya sa harapan ko, na ako rin pala! *** Mas gusto kong binabasa ako, kesa tinititigan. Ba’t hindi? Lahat tayo’y mahilig makinig sa mga kuwentong madalas nakakalimutan. Mas prangka ang isip kesa labi ko. Atubili akong dumaldal kaya isusulat ko na lang, alang-alang sa mga nagtatanong nang matino. Isang surreal na paglalakbay ang koleksyong ‘to, na sa layo’t sikip ng daan, sa tantya ko, maaaring di lang katawan ang mahaplos kundi pati damdamin ng mga taong

sangkot.

Panahon

ang

makapagsasabi

kung

magbabago o hindi ang mga minahal at kinamuhian ko na nagdulot ng karanasang humubog sa pagkatao ko. Alin ang katuwang? Alin ang perhuwisyo? Ang pagalaala o ang paglimot? Dahan-dahang itulak palabas ang gunita pero bago ‘yon, konting katahimikan muna. Inhale…Exhale…Inhale…Exhale… Paradoxical

ang

unang

face-to-face

namin

ng

batang ako. Gulat na gulat siya’t muntik pang humagulhol. Di muna ako nagpakilala para di siya matuliro. ‘Wag ka 2


umiyak, please…kaibigan mo ako, sabi ko nang paulit-ulit hanggang makalma siya. Later sa pag-uusap namin, nasilip ko ang lumipas na noo’y di kayang abutin ng utak. Ang resulta’y ang sumusunod:

3


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.