DENNIS ESPADA DUMDUMON
Copyright © 2015 by Dennis Espada All rights reserved. No part of this book may be copied or used without written permission from the author and copyright owner. For comments and suggestions, please contact: Pinoy Pen and Sword Publishing E-mail:
PASASALAMAT kina Jun Cruz Reyes at mga katropang manunulat, Maggie Evora, Zandra Brub, Elena Mampusti, Rosalie Natividad, Noel Larona, Arceli Dator at Marilyne Alipio CREDITS sa Swan (dating opisyal na publikasyon ng Liceo), Liceans Yearbook School Year 1993-94, Licean Students’ Manual, Children of Mary Immaculate Manual, at sa buong family, mga kapitbahay, katropa at klasmeyt ko
EDITOR’S NOTE: “Dumdumon” is a Hiligaynon word which means “to remember”. The names have been changed.
sanaysay, dyornal, tula, monologo, anekdota, artikulo, dokumento, at litrato ng ‘sang writer-writeran
13.
Sa ko
muling pagpasok ko sa Aparador ng Alaala, naitanong sa
tinedyer
na
ako:
ano’ng
pananaw
mo
sa
kapanganakan at kamatayan? Heto ang paliwanag ni Nonoy na sinundan ng super haba niyang salaysay: Pag lumipas ang ‘sang taon mula nang mamatay ang ‘sang tao,
“death
anniversary”
ang
tawag
do’n.
Pero
pag
kapanganakan, ba’t “birthday” ang tawag? Di ba ang totoong “birthday” ay ‘yung oras at araw nang isilang ang sanggol? Hindi naman taun-taon ipinapanganak ang tao, di ba? Kung tutuusin hindi “happy birthday” kundi “happy birth anniversary” ang tamang pagbati. Dapat linawin ng gobyerno once and for all ang isyung ‘to. Baka kasi totoong natutulog lang ang tao pag huminto sa paghinga, hindi namamatay. Baka kasi tama ‘yung mga Hindu/Buddhist tungkol sa reengkarnasyon. Baka lang naman. *** Tapos ko nang supsupin ang mahahabang noodles ng paborito kong spaghetti at lagukin ang softdrinks sa harap nina Dadeh, Mameh, Koya Edsel, Koya Andre, Senen at Mimi. Later tumutok kami sa panonood ng cartoons sa TV. Minsan walang patumanggang biruan gaya ng dati sa pangunguna ng panganay na si Koya Edsel. Hirit niya: 1
“Isang
babaeng
mataba
ang
naglalakad
nang
madaanan niya ang ‘sang lorong nagsasalita. “Sabi ng loro: Baboy, pahinging taba. “Sagot
ng
babae:
Hoy!
Kung
gusto
mo
pang
mabuhay ayus-ayusin mo ang pagsasalita mo, ha? “Sabi naman ng loro: Taba, pahinging baboy. “Tugon naman ng babae: Ayan, matuto ka!” At maghahalakhakan kaming mga bata na may napakatinis na boses. Nga pala, ang joke na ‘yon ni Koya Edsel ay lumabas sa Swan, ang school publication ng Liceo de San Pedro, na kilala rin na Liceo. Ako’y lampayatot na middle child. Twelve (years old) na ‘ko pero wala pang five feet ang taas ko, at wala pang 25 inches ang sukat ng baywang ko. Nagdududa ako na baka di na lumaki o tumaas. Sa katawan kong patpatin, hikain at mukha pang sakitin, minsan gusto ko matulog nang walang-hanggan. Pag napapasubo ako sa kahihiyan dulot ng kahinaa’t “abnormalidad”, naiisip kong magbigti sa puno ng kamatis gamit ang istro. Sabi nila balat-sibuyas ako. Maramdamin, kumbaga. Matikman ko lang ang hipon o alimango, nangangati na’ng balat ko. Makamot lang ang balat eh nagkakapantal na, parang may tumubong isla. Bawal daw magaksaya kaya inakala kong solusyon ang maging tagaubos ng tirang pagkain. Pag inubos ko ba ‘yon, wala nang taong magugutom? Baka naman merong sobrang matakaw na ayaw mamigay. Nagmana kay Mameh si Koya Edsel kaya siya matangkad, samantalang kami ni Koya Andre ay nagmana kay Dadeh kaya kami ganito. Kung ako’y gaya ni Mameh na palaisip, si Dadeh nama’y palautos. Bukod sa kakulitan at hilig sa musika, kami ni Dadeh ay magkaiba. Di ko 2
matiyak kung kanino nagmana si Senen na sobrang adik sa cartoons kaya tinatamad nang pumasok sa iskul. Si Mimi malamang nagmana kay Lola Salome (Disyembre 23, 1912-Mayo 9, 1954) na tokaya niya. Minsan duet kami ni Koya Andre sa pagkanta ng Terminal ni Rupert Holmes at Nothing’s Gonna Stop Me Now ni David Pomeranz na theme song ng TV seryeng Perfect Strangers. He-he. Alam n’yo nakakapresyur ang buhay-middle child. Buti
pa
sa
mundo
ng
panaginip,
di
ko
kelangang
magpakatino. Naranasan mo na ba ‘yung ibitin ka nang patiwarik habang pinapalo ng matigas na bagay? Yup, ginawa nila ‘yon sa ‘kin/‘min. Naku grabe ang iyak, sigaw at takot ko no’n. Para di ulit masaktan at ma-trauma, nangingibang-planeta ako. Kasi kung masaya sa lahat ng pamilya, lahat sana ng anak ay habambuhay nakikipisan sa magulang. Mahinahon, mahiyain at sensitibo ako; alam ko pag nagiging unfair sila. Para di na humaba ang usapan, nagwo-walkout ako t’wing tinatawag akong “mahiyain” sa harap ng kamag-anak o bisita, kunwari’y wala akong narinig. Ang buhay at pag-ibig ay larangan ng digma kaya gusto kong manalo para magustuhan, at magustuhan para manalo. Di naman ako madaling mawalan ng loob, at di rin mainitin ang ulo. Hanggang kaya ko makipagkaibigan, may kikilala’t tatanggap sa ‘kin bilang ako.
3