Courier: October Issue

Page 1

October, 2014

Opisyal na pahayagan ng C2G2

MANIPESTO

Development Program ?

T

otoo nga bang ang bilang o halaga ng pag-aari ng City (Property, Plant and Equipment ) ay nagkukulang ng Php 691M kumpara sa record ng 2013?Ang diperensya ay lalong lumaki pa kumpara sa 2012 na Php 36.71M. Saan kaya ang mga ito napunta? Totoo nga bang pati ang inbentaryo ng mga gamot at medisina ay kulang din sa bilang na nagkakahalaga ng Php 4.444M? Kanino kaya ang mga ito naireseta? Totoo nga bang may mga expired na gamot na nagkakahalaga ng Php 1.046M ayon sa record? Ngunit nang ito ay inspeksyunin ng City Auditor’s Office wala silang nakita. Ano ito,parang yelo na nalulusaw? Totoo nga bang sobra-sobra ang stock natin ng gamot? Sapat na supply sa loob ng isang taon sige pa ang bili? Totoo nga bang ang implementasyon ng programa sa ilalim ng 20% Development Fund ay di naaayon sa probisyon ng RA 7160? Ang 20% Development Fund ay dapat planuhin ng Local Development Council na dapat kasapi ang mga multi-sectoral organization. Totoo nga bang may mga di makitang gamot at medisina na bigay ng Department of Health (DOH) na nagkakahalaga ng Php 8.679 M?Bakit kaya ang mga ito ay di nairekord? Totoo nga bang walang Annual Investment Program (AIP) ang halagang Php 27.0M. Ito ay nailagak sa KAAYUSAN daw Php 21.0M at KALIKASAN daw Php 6.0 M. Totoo nga bang may alokasyon na Php 137.44 M sa ilalim ng 20% Development Fund? Ang akma lang dito sa programa ay Php 12.0 M o 8.73% at yung Php 86.44 M o 62.89% ay di ayon sa dapat na mabenipisyuhan. Totoo nga bang Php 933,955.00 galing sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ay ginamit lang sa tarpaulin na naman, polo/t-shirts na naman , office supplies, spare parts na naman at mass cards na dapat gastusin para sa mahihirap at Sports

Totoo nga bang Php 1, 052, 394,00 galing sa Disbursement Acceleration Fund (DAF)ay nagastos naman sa pagbili ng spare parts, office and other supplies, mga appliances at tulong pangkalusugan sa mga empleyado ng ibang ahensya nasyonal? Di ba ito kailangan din ng Lokal? Totoo nga bang binigyan na ng sasakyan, patuloy pa rin naniningil ng Transportation Allowance na nagkakahalaga ng Php 1.12M? Totoo nga bang Php 8.711M galing sa Special Education Fund (SEF) ay ginamit na pantulong pinansyal sa mga guro na di tugma sa nasabing programa? Totoo nga bang ang City ay bumili ng pinakamahal na Dredging Machine na may halagang Php 45.0M na hindi naman magamit? Totoo nga bang puro mamahaling ekwipo ang binibili ng City? Backhoe Php 10.7M? Ten-Wheeler Dump Truck Php 7.2 M? Aerial Basket Php 12.0M?Generator Set Php 3.8 M?Text Messaging Alert System Php 10.0M? Hydraulic Shoring Set Php 2.6 M? Tender Truck Php 12.5M? Ambulance Unit Php 1.5M each ? Handheld Radio Php 8,000 each? Oxygen Refilling Machine Php 0.56 M? Kung orasan lang ang kailangan, bakit bibili ng “Rolex”. Di ba Dapat Mura at Dapat Tama? Continued on page 2

“you can run, but you cannot hide”

1


The Cour ie r

October, 2014

Continued from page 1

Totoo nga bang walang malinaw na Polisiya ang City sa Financial Assistance o Grant?Totoo nga rin bang mas malaki ang halaga ng naka- voucher kaysa sa natanggap na ayuda? Totoo nga bang walang malinaw na Annual Development Plan, Annual Procurement Plans at Project Procurement Development Plans, ang City na siyang basihan sa Annual Budgeting? Totoo nga bang ang ginastos ng LGU nuong 2011 sa tarpaulin lang ay Php 3.93M? At kung sa halagang Php 12.00 per square foot, ito ay may katumbas na 327,000 square feet o higit sa tatlong ektarya na kayang takpan ang buong Marikina Sports Parks. Totoo nga rin bang ang bili ng LGU sa isang bag na semento nuong 2011 ay Php 275 samantalang ang umiiral na presyo nuon ay Php 195 lang? Ang laki

naman ng patong- 41%? Paano pa ang ibang materyales? Totoo nga bang ang LGU ng Marikina ang isa sa napakaraming “Consultants” na walang malinaw na job description, walang accomplishment reports at lalong walang “expertise”? Totoo nga rin bang “KamagAnak System” ang umiiral? Totoo nga bang Php 6.847M ang ginastos nuong 2012 para sa Honoraria Grant ng mga komite ng syudad at ito pala ay bawal? Alam ba ninyo na ang kabuuang kita o Income bawat taon ng City Government of Marikina ay Php 1.50B (Php 1,500,000,000.00) at kung ang kabuuang populasyon ng Marikina ay 500,000-dapat ang halaga ng Serbisyo Publiko ay Php 3,000 kada Marikenyo? ###

CONCERNED TAXPAYERS OF MARIKINA CITY Compiled from the COA Report 2012 & 2013 of Marikina City by: C2G2

“you can run, but you cannot hide”

2


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.