Ibong Adarna

Page 1

Ibong Adarna




Book design by Rebecca Scassellati

The Prohekt Gutenberg EBook of Ibong Adarna, by Anonymous This eBook is for the use of anyone anywhere at no kost and with almost no restriktions whatsoever. You may kopy it, give it away or re-use it under the terms of the Prohekt Gutenberg Lisense inkluded with this eBook or online at www.gutenberg.net

Title: Ibong Adarna Kuwento at Buhay na Pinagdaanan nang tatlong Principeng Magkakapatid na Anak nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Ka Author: Anonymous Release Date: July 1, 2005 [EBook #16157] Language: Tagalog Prodused by Tamiko I. Kamacho, Jerome Espinosa Baladad, Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders from page skans provided by University of Michigan. Dedikated to the three Filipino komedians Dolphy, Panchito and Babalu who made this folklore memorable in a 1970s film adaptation.


Kuwento at Buhay na Pinagdaanan nga

Tatlong Principeng Magkakapatid na

Anak

ng Haring Fernando at ng Reina Valeriana sa

Kahariang Berbania

1


1bong Adarna

V

irgeng Ináng marikit Emperadora sa Langit, tulungan po yaring isip matutong makapagsulit. Sa awa mo po’t, talaga Virgeng walang makapára, akong hamak na itlog hulugan nang iyong gracia. Dila ko’y iyóng talasan pawiin ang kagarilán, at nang mangyaring maturan ang munting ipagsasaysay. At sa tanang na ngarito nalilimping tagapanood, sumandaling dingin ninyo ang sasabihing kuwento. Na ang sabi sa salaysáy nang panahong una-una, sa mundo’y nabubuhay pa yung dakilang monarka.

2


At ang kaniyang asawa yung marikit, na reina, ang pangala’t bansag niya ay si doña Valeriana. Itong hari kong tinuran si don Fernando ang ngalan ang kaniyang tinubuwan ang Berbania kaharian. Ang haring sinabi ko na ay may tatlóng anák sila, tuturan ko’t ibabadyá nang inyo ngang makilala. Si don Pedro ang panganay na anák nang haring mahal, at ang ikalawa naman si don Diego ang pangalan. Ang ikatlo’y si don Juan ito’y siyang bunsong tunay, parang Araw na sumilang sa Berbania kaharian. Ito’y lalong mahal baga sa kapatid na dalawa, salang malingat sa mata nang kaniyang haring amá.

3


Para-parang nag-aaral ang mga anák na mahal, malaki ang katowaan nang hari nilang magulang. Ay ano’y nang matuto na yung tatlóng anák niya, ay tinawag kapagdaka nitong dakilang monarka. Lumapit na kapagkuan ang tatlóng principeng mahal, kordero’y siyang kabagay nag-aantay pag-utusan. Anáng hari ay ganitó kaya ko tinawag kayó, dito sa itatanong ko ay sabihin ang totoó. Linoob nang Dios Amá na kayo’y na ngatuto na, mili kayó sa dalawa magpare ó magkorona. Ang sagot nila at saysay sa hari nilang magulang, kapua ibig magtangan nang korona’t, setrong mahal.

4


1bong Adarna Nang itó ay maringig na nang haring kanilang amá, pinaturuan na sila na humawak nang espada. Sa Dios na kalooban sa kanilang pag-aaral, di nalao’y natutuhan ang sa armas ay pagtangan. Ito’y lisanin ko muna yung pagkatuto nila, at ang aking ipagbadyá itong dakilang monarka. Nang isang gabing tahimik itong hari’y na-iidlip, kapagdaka’y nanaginip sa hihigán niyang banig. At ang bungang panaguimpan nitong hari kong tinuran, ang anák na si don Juan pinag lilo at pinatay. Ang dalawang tampalasang sa kaniya ay pumatáy, inihulog at iniwan sa balón na kalaliman.

5


Sa pananaginip bagá nitong mahal na monarka, nagbangon kapagkaraka sa hihigán niyang kama. At hindi na nga na-idlip sa malaki niyang hapis, sa hirap na masasapit niyong bunsong ini-ibig. Ito ang niyang dahilán nang sa bungang panaguimpan tuloy ipinagkaramdam at sa banig ay naratay. Nagpatawag na nga rito marurunong na médiko, dili masabi kung anó ang sakit nang haring itó. Sa gayong karami bagá medikong tinawag nila, ay walang makapagbadyá sa sakít na dinadalá. Ay mayroon namang isá na bagong kararating pa, siyang nagpahayag bagá sakit nang mabunyi hari.

6


1bong Adarna Ang damdam mo haring mahal ay galing sa panaguimpán, sa iyo’y aking tuturan ang iyo pong kagamutan. May isang ibong maganda ang pangalan ay Adarna, kung marinig mong magkantá ang sakít mo’y giginhawa. Sa Tabor na kabundukan ang siyang kinalalagian, punungkahoy na hinahapunan Piedras Platas ang pangalan. Kung araw ay wala roon itong engkantadang ibon, sa iba sumasalilong at nagpapawi nang gutom. Kung gabing katahimikan walang malay ang sino man, ay siyang pag-oui lamang sa Tabor na kabundukan. Kayá mahal na monarka yao’y siyang ipakuha, gagaling pong walang sala ang sakít mong dinadalá.

7


Nang sa haring mapakingan ang kaniyang kagamutan, kapagdaka’y inutusan ang anák niyang panganay. Si D. Pedro’y tumalima sa utos nang haring amá, iginayák kapagdaka kabayong sasak-yán niya. Yaw na nga’t, lumakad na kabundukan ang pinuntá, at hahanaping talagá, mahal na ibong Adarna. Mahigit na tatlong buwan paglakad niya sa párang, at hindi nga maalaman ang Tabor na kabundukan. May dinatnang landás siya mataas na pasalungá, tumahan kapagkaraka itong principeng masiglá. Sa masamáng kapalaran sa Dios na kalooban, nang dumating sa ibabaw kabayo niya’y namatáy.

8


1bong Adarna Di anong magagawa pa wala nang masak-yán siya, ang bastimento’y kinuha at lumakad kapagdaka. Sa Dios na kalooban na sa tanong bininyagan, dumating siyang mahusay sa Tabor na kabundukan. May punungkahoy siyang nakita na tantong kaaya-aya, sa kaagapay na ibá siyang tangi sa lahat na. Ang daho’y sakdal nang inam para-parang kumikinang, diamante’y siyang kabagay sa mata’y nakasisilaw. Ang naisipan nga niya sa loob at ala-ala, doon na tumigil bagá itong principeng masiglá. Ang nasok sa kalooban ang punungkahoy na ito’y siyang marahil hinahapunan nang ibong kong pinag-lakbay.

9


Ay ano’y nang gagabi na ang Araw ay lulubóg na, madláng ibo’y narito na at mga kawan ang ibá. Sa gayóng daming nagdaan walang dumápo isa man, naguló ang gunam-gunam nitong principeng timtiman. Ganitong dikit na punungkahoy waláng ibong humahapon, ako’y dito nalingatong paghihintay kong malaon. Ang nasok sa ala-ala sa loob niyang mag-isá, ang siya ay magpahingá at búkas lumakad siya. Humilig na nga’t, sumandal doon sa punungkahoy na mahal, sa malaking kapaguran siya’y tambing nagulaylay. Ay ano’y nang tahimik na ang gabí ay lumalim na, siya na ngang pagdating na niyong ibong engkantada.

10


1bong Adarna Dumapo na siyang agad sa punungkahoy na Piedras Platás, balahibo ay nangulág pinalitán niyang agad. At kapagdaka’y nagkantá itong ibong engkantada, ang tinig ay sabihin pa tantong kaliga-ligaya. Ang prinsipe ay hindi na nakaringig nang pagkantá, pagtúlog ay sabihin pa himbing na walang kapara. Ang sa ibong ugali na kung matapos na magkantá, ay siyang pag-táe niya at matutulog pagdaka. Sa masamáng kapalaran ang prinsipe’y natai-an, ay naging bato ngang tunay ang katawan niyang mahal. Di anong magágawa pa nang siya’y maging bato na, paghihintay sabihin pa nang haring kaniyang amá.

11


At nang maging isang-taon na hindi dumarating bagá, inutusan kapagdaka si don Diegong pangalawá. Sumunód at di sumuay sa hari niyang magulang, iginayák kapagkuan kabayo niyang sasak-yán. Pagka-handa’y lumakad na kabundukan ang tinumpá, at hahanapin nga niya ang mabunyi ibong Adarna. Mahigit sa limang buwan nag-lakad niya sa párang, hindi naman maalaman ang Tabor na kabundukan. Nang siya ay dumating na, sa daan na pasalunga, nagtuloy at umahon na itong principeng masiglá. Sa masamáng kapalaran nang dumating sa ibabaw, nabual na nga’t, namatay ang kabayong sinasak-yán.

12


1bong Adarna Di anong magagawa pa sa kabayong namatay na, ang báon niya’y kinuha at lumakad kapagdaka. Nang siya’y dumating naman sa Tabor na kabundukan, may punungkahoy siyang dinatnan dikit ay di ano lamang. Nang kaniyang mapagmalas ang punungkahoy Piedras Platas, ang dahon ay kumikintáb dikit ay walang katulad. Ang nasok sa ala-ala nitong principeng magandá, punungkahoy na kaaya-aya hapunán niyong Adarna. Sa puno nang punungkahoy baga may bato siyang nakita, cristal ang siyang kapara nakawiwili sa matá. Doon niya napagmalas ang punungkahoy na Piedras Platas ang balát ay gintóng wagás anaki’y may piedrerías.

13


Sa towa niya’t, ligaya sa punungkahoy niyang nakita, oras nang á las singko na madlang ibo’y nagdaan na. Sa gayong daming nagdaan mga ibong kawan-kawan, walang dumapo isa man sa punungkahoy niyang namasdan. Ganitong dikit na punungkahoy walang ibong humahapon, ito’y di ko mapagnoynoy kahalimbawa ko’y ulól. Ang punungkahoy na kaagapay mayroong ibong nagdaan, ito’y siyang tangi lamang bukód na hindi dapuan. Kahit anong kasapitan ay hindi ko tutugutan, na kung anong kabagayán sa punungkahoy na gawa’t, laláng. Ay ano’y nang lumalim na ang gabí ay tahimik na, doon sa batóng nakita ay nangublí kapagdaka.

14


1bong Adarna Ay ano’y kaalam-alam sa kaniyang paghihintay, siya na nganing pagdatál nang ibong Adarnang mahal. Dumapo na nganing agád sa punungkahoy na Piedras Platas, at naghusay na ngang kaguiat balahibong sadyang dilág. Sa principeng napagmasdan ang sa ibong karikitan, ikaw ngayo’y pasasaan na di sa akin nang kamay. Ay nang makapaghusay na itong ibong engkantada, ay siya na ngang pagkantá tantong kaliga-ligaya. Sa principeng mapakingan ang boses na sadyang inam, kapagdaka’y nagulay-lay sa kaniyang pagkasandal. Sino kayang di maidlip sa gayong tinig nang boses, kung marinig nang may sakít ay gagaling siyang pilit.

15


Makapitong hintó bagá, ang kaniyang pagkakantá, pitó naman ang itsura balahibong makikita. Nang matapos nganing lahat yung pitóng pagkokoplas, ay tumáe namang agad itong ibong sadyang dilág. Sa kasam-ang kapalaran si don Diego ay natai-an, ay naging bato rin naman kay don Pedro’y naagapay. Di anong magagawa pa nang siya’y maging bato na, paghihintay sabihin pa nang haring kaniyang amá. Hindi niya mautusan ang anák na si don Juan, at di ibig mahiwalay kahit susumandalí man. Si don Jua’y naghihintay na siya ay pag-utusan, aayaw tawagin naman nang hari niyang magulang.

16


1bong Adarna Siya na nga’y nagkusa na dumulog sa haring amá, nag-wika kapagkaraka nang ganitong parirala, Ako po’y pahintulutan nang haring aking magulang, ako ang kikita naman nang iyo pong kagamutan. Ngayon ay tatlóng taón na hindi dumarating bagá, ang kapatid kong dalawa sakít mo po’y malubha na. Ang sagot nang haring mahal bunsóng anák ko don Juan kung ikaw ay mahiwalay lalo ko pang kamatayan. Mapait sa puso’t, dibdib iyang gayák mo’t, pag-alís, hininga ko’y mapapatid kung ikaw’y di ko masilip. Isinagót ni don Juan ó haring aking magulang, sa loob ko po’y masukal mamasdan kitang may damdam.

17


Kundi mo pahintulutan ang aking pagpapaalam, ay di mo mamamalayan ang pag-alis ko’t, pagpanaw. Sa winikang ito naman ang hari ay natigilan, at segurong magtatanan ang principeng si don Juan. Lumuhod na kapagdaka sa haráp nang haring amá, bendición po’y igawad na siya kong maging sandata. Kapagdaka’y ginawaran at siya’y binendicionan, at sa reinang iná naman ay lumuhód kapagkuan. Ay ano’y nang matapos na na mabendicionan siya, ay nagtindig kapagdaka itong principeng masiglá. Ang despensa ay binuksán nuha nang limang tinapay, siyang babaunin lamang sa talagang parurunan.

18


1bong Adarna Di sumakay sa kabayo nag-lakad na ngang totoo, ang prinsipe nganing itó kabundukan ang tinungo. Doon sa paglakad niya walang tawong nakikita, paratí sa ala-ala ang Virgen Santa María. Kung mahustong isang buwan paglakad niya sa parang, ay siyang pagkain lamang nang isang bawng tinapay. Sa isang buwan ang isa nang pagkaing muli niya, parang nagpepenitencia nang sa ibon ay pagkita. Madai’t, salita naman at di ko na pahabaan, ay naging apat na buwan pag-lakad niya sa parang. Sa awa nang Virgen Iná kay don Juan de Berbania, ay dumating kapagdaka sa daan na pasalunga.

19


Nang sa principeng matignan taas niyong kabundukan, lumuhód siya’t, nagdasál sa Virgeng Ináng marangal. Ako’y iyong kaawaan Virgeng kalinis-linisan, at akin ding matagalán itong mataas na daan. Nang siya’y matapos naman pagtawag sa Virgeng mahal, nuha nang isang tinapay at kumain kapagkuan. Sa limang tinapay bagá na baon niyang talaga, iisa na ang natira na pangpawing gutom niya. Nang matapos nang pagkain sumalunga siyang tambing, sa awa nang Ináng Virgeng walang hirap na dinating. Nang dumating sa ibabaw ang principeng si don Juan, doo’y kaniyang dinatnán isang leprosong sugatán.

20


1bong Adarna Anitong leproso’t, badyá maginoó po aniya, na kung may baon kang dalá ako po’y limosán mo na. Sa Dios po alang-alang ako’y iyong kahabagán, kung gumaling ang katawan ay akin ding babayaran. Isinagot ni don Juan ako nga’y mayroong taglay, natirang isang tinapay na aking baon sa daan. Dinukot na kapagdaka yung tinapay na isa, kaniyang ibinigay na sa leproso na nakita. Anitong matanda’t, saysay pasasaan ka don Juan, sabihin mo’t, iyong turan ang layon mo’t, iyong pakay. Anang prinsipe at badyá ganito po’y makinig ka, sasabihin kong lahat na ang sadya kong kinikita.

21


Ang ama ko’y may damdam sa banig ay nararatay, ang ibong Adarna lamang ang kaniyang kagamutan. Bukód dito ang isa pa ngayon ay tatlóng taón na, na hindi ko nakikita ang kapatid kong dalawá. Anitong leproso bagá don Juan maghihirap ka, at sa pagka’t, engkantada yaon ngang ibong Adarna. Nguni’t, ngayon ang bilin ko ay itanim sa pusó mo. at nang hindi sapitin mo na ikáw ay maging bato. Sa iyong paglalakad diyan ay may punungkahoy na daratnan, dikit ay di ano lamang kawili-wiling titigan. Doo’, huag tumigil ka na sa karikitan niya, totoong walang pagsala don Jua’y mamamatay ka.

22


1bong Adarna Sa ibaba’y tumanaw ka may bahay kang makikita ang magtuturo ay siya doon sa ibong Adarna. Yaring limos mong tinapay ay kunin mo na don Juan, nang may kanin ka sa daan sa láyo nang paroroonan. Anitong prinsipe’t, badyá ugali pagkabata na, na kung mailimos ko na ay di ko na kinukuha. Pinipilit na ibigay ang limos niyang tinapay, umalis na si don Juan siya’y hindi pinakingan. Sa mahusay na pag-lakad nitóng principeng marilág, sumapit siyang liwalas sa punungkahoy na Piedras Platas. Nang makita ni don Juan yung punungkahoy na malabay, loob niya’y natigilan sa gayon ngang karikitan.

23


Nawalá sa ala-ala yaóng bilin sa kaniya, parang naenkanto siya sa punungkahoy niyang nakita. Sa kaniyang pagmamalas sa dahong nagsisikintáb, gayon din naman ang lahat na anaki’y gintóng wagás. Ay ano’y kaginsa-ginsá na sa panonoód niya, ay parang pinukaw bagá ang kaniyang ala-ala. Tinutóp na nga ang noó at nag wika nang ganito, abá at nalimutan ko yaóng bilin nang leproso. Sa ibabá’y tumingin siya ay may bahay ngang nakita, lumakad na kapagdaka itóng principeng masiglá. Nang dumating sa hagdanan napatano kapagkonan, kapagdaka ay dumungao isang ermitanyong mahal.

24


1bong Adarna Pinapanhik na sa bahay ang principeng si don Juan, at ang ermitanyo naman ang pagkai’y inilagay. Umupo na sa lamesa nagsalo silang dalawa, ay sa principeng nakita tinapay na limos niya. At nag-wika kapagdaka sa loob niyang mag-isa, itong tinapay kong dalá ay bakit narito baga. Yaóng aking linimosán leprosong gagapang-gapang, saká dito’y ibá naman ermitanyo ang may tangan. Ngayo’y hindi maisip ko sa Dios itong secreto, anaki’y si Jesucristo ang mahal na ermitanyo. Nang matapos ang pagkain ermitanyo ay nagturing, don Jua’y iyong sabihin kung anong sadyá sa akin.

25


Isinagot ni don Juan sa ermitanyong marangal, gayon po’y iyong pakingan at aking ipagsasaysay. Ang sadyá ko po aniya dahil sa ibong Adarna, igagamót na talagá sa hari pong aking amá. Ang sagot nang ermitanyo don Juan iyang hanap mo, maghihirap kang totoo at ang ibo’y engkantado. Isinagót niya naman kahit aking ikamatáy, ituro mo po ang lugar at aking paroroonan. Ang sagot nang ermitanyo don Jua’y makikita ko, na kung bagá nga totoó ang pagsunód sa amá mo. Ang punungkahoy mong naraanan kawili-wiling pagmasdan, yaon ang siyang hapunán nang ibon mong pinapakay.

26


1bong Adarna Na kung siya’y dumating na sa punungkahoy ay magkakantá, at ang gabi’y malalim na walang malay kahit isá. At kung yao’y matapos na nang kaniyang pagkakantá, pitó naman ang itsura balahibong makikita. Ay nang iyong matagalán pitóng kantang maiinam, kita ngayon ay bibigayan nang magiging kagamutan. Naito at iyong kuha pitóng dayap at pang-ahit, ito’y siyang gamót bagá na sa ibong engkantada. Balang isang kantá naman ang katawan mo’y sugatan, at sa dayap iyong pigán nang di mo makatulugan. At kung ito’y matapos na nang makapitóng pagkantá, ay siyang pagtáe niya don Juan ay umilag ka.

27


Kapag ikaw’y tinamaan nang táe nang ibong hirang, magiging bato kang tunay doon ka na mamamatáy. Naito’y kunin mo naman ang sintas na gintong lantay, pagka-hawak ay talian at gapusin mong matibay. Kaya bunsó hayo ka na at ang gabi’y malalim na, at malapit na nga bagá dumating yaóng Adarna. Yáw na nga si don Juan sa Tabor na kabundukan, at kaniyang aabangan ang ibong pinag-lalakbay. Nang siya’y dumating na sa puno nang punungkahoy bagá doon na hinintay niya yaon ngang ibong Adarna. Ay ano’y kaalam-alam sa kaniyang ipaghihintay, ay siyang pagdating naman niyaong ibong sadyang mahal.

28


1bong Adarna Kapagdaka ay naghusay balahibo sa katawan, ang kantá’y pinag-iinam kawili-wiling pakingan. Naghusay namang mulí pa itong ibong engkantada, umulit siyang nagkantá tantong kaliga-ligaya. Nang sa principeng marinig yaóng matinig na boses, ay doon sa pagka-tindig tila siya’y maiidlip. Kinuha na kapagdaka ang dala niyang pang-ahit, at kaniyang hiniwa na ang kaliwang kamay niya. Saka pinigán nang dáyap nitong principeng marilág, kung ang ibon ay magkoplas ay nawawalá ang anták. Di ko na ipagsasaysay pitóng kantáng maiinam, at ang akin namang turan sa principeng kahirapan.

29


Pitóng kantá’y nang mautás nitong ibong sakdal dilág, pitó rin naman ang hilas kay don Juang naging sugat. Ay ano’y nang matapos na ang kaniyang pagkakantá, ay tumáe kapagdaka ito ngang ibong Adarna. Ang principeng si don Juan inailag ang katawán, hindí siya tinamaan para nang unang nagdaan. Siya na ngang pagtúlog na nitong ibong engkantada, ang pakpak ay nakabuká dilát ang dalawang matá. Nang sa principeng matátap nagtahan nang pagkokoplas, umakyat na siyang agad sa punungkahoy na Piedras Platas. Nang kaniya ngang makita ang pakpak ay nakabuká, dilát ang dalawang mata nilapitang kapagdaka.

30


1bong Adarna Agad niyang sinungabán sa paa’y agad tinangnan, ginapos niyang matibay nang sintas na gintong lantáy. At bumabá na nga rito ang principeng sinabi ko, itong ibong engkantado dinalá, sa ermitanyo. Sa ermitanyong kinuha mahal na ibong Adarna, inilagay na nga niya sa marikit na hawla. Ang wika nang ermitanyo itong bangá ay dalhin mo, madalí ka at sundin mo ang ipinag-úutos ko. Muha ka nang tubig naman dalawang bato ay busan, nang sila ay magsilitaw mga kapatid mong hirang. Si don Jua’y lumakad na ang banga’y kaniyang dala, sumalok nang tubig siya. at ang bato’y binusan na.

31


Si don Pedro’y ang nauna na siyang nabusan niya, lumitaw kapagkaraka at hindi namamatay pa. Umuling sumalok naman si don Diego ang binusan, nagkita silang mahusay at hindi pa namamatay. Malaking pasasalamat nang magkapatid na liyag, walá silang maibayad kay don Juang mga hirap. Sila’y agad napatungo sa bahay nang ermitanyo, at naghain na nga rito pinakain silang tatló. Ay ano’y nang matapos na nang pagkain sa lamesa, kapagdaka ay kinuha garapong may lamáng lana. At kaniyang pinahiran yung sugat ni don Juan, gumalíng agad nabahaw at walang bakás munti man.

32


1bong Adarna Nag-wika ang ermitanyo mangagsi-uwí na kayó magkasundó kayong tatló at huag ding may mag-lilo. Don Juan ay kunin mo na iyang marikit na hawla, baka di datning buháy pa ang monarkang iyong amá. Bago umalis at nanaw ang principeng si don Juan, ay lumuhód sa harapan nang ermitanyong marangal. Napabendición nga muna at saka sila’y nalis na, si don Pedro ay nagbadyá kay don Diegong bunso niya. Si don Juan ay magaling pa hindí mahihiyá siya, at siya ang nakakuha nito ngang ibong Adarna. Ang mabuti ngayon naman ang gawin nating paraan, patayin ta si don Juan, sa gitna nang kabundukan.

33


Si don Diego ay nag-wika iya’y masamang akala, ang búhay ay mawawalá nang bunsóng kaawa-awa. Ani don Pedro at saysay kung gayon ang karampatan, umugin ta ang katawan at saka siya ay iwan. Ito ang minagaling na sa loob nilang dalawa, ang katawa’y inumog na nang bunsong kapatid nila. Di anong kasasapitan nang pagtulungan sa daan, ay di na nga makagaláo ang principeng si don Juan. Kinuha na kapagdaka ang dalá nga niyang hawla, nang dalawa’t, omoui na doon so reinong Berbania. Nang sila’y dumating na sa kanilang haring amá ang ibong kanilang dalá nangulugó kapagdaka.

34


1bong Adarna Itinanong si don Juan. nang hari nilang magulang, sagot nang dalawá naman di po namin naalaman. Nang ito’y maringig na ang sabi nilang dalawá, ang sakít ay lumubhá pa nitong dakilang monarka. Saka ang ibong marilág balahibo’y nangu-ngulág, di magpakita nang dilág sa haring kinakaharap. Ang wika nang hari bagá itó ang ibong Adarna, anong samá nang itsura sa ibong kapua niyá. Ang sinabi nang mediko na ito raw ibong itó, ay may pitóng balahibo na tantong makikita mo. At kung ito ay magkantá lubhang kaliga-ligaya, ngayo’y na ngasaan bagá, at di niya ipakita.

35


Hindi pa nga nagkakantá itong ibong engkantada, at sapagka nga wala pa ang kumuha sa kaniya. Ito’y aking pabayaan ang di niya pagsasaysay, at ang aking pagbalikán ang principeng si don Juan. Ano ang kasasapitan nang umugin ang katawan, hindi naman makagapang sa gitna nang kabundukan. Di anong magagawá pa nang di makakilos siya, ang nasok sa ala-ala tumawag sa Virgeng Iná. Aniya’y ó Virgeng mahal anó kayang naisipan, mga kapatid kong hirang at ako’y pinag-liluhan. Ang boo kong ala-ala kaming tatlo’y tiwasáy na, mahusay na makikita mahal naming haring amá.

36


1bong Adarna O baká pa kaya naman ay sa ibon ang dahilan, at kaya pinahirapan sila ang ibig magtangan. Kung sinabi nila sana ang maghawak na ay sila, yao’y gaano na bagá di ibigay sa kanila. Kayo nawa’y pagpalain nang Dios at Ináng Virgen, gawa ninyong di magaling ang ginhawa’y siyang datnin. Nagpanibagong nangusap ang principeng na sa hirap, ó Virgeng Ináng marilág amponin mo di man dapat. Ako’y iyong kalarahin kay Jesús Anák mong gilio, magdalita’t, patawarin sa mga gawa kong linsil. At doon sa oras naman kung ako ma’y mama matáy, kalolowa ko’y hugasan nang kaniyang dugóng mahal,

37


Ay anó’y kaginsa-ginsa sa pananalangin niya, isang matanda’y eto na at nag-wika kapagdaka. Don Juan ay pagtiisan ang madla mong kahirapan, di na malalaong araw ginhawa’y iyong kakamtan. Ang katawa’y hinipo na at hinilot na nga siya, gumaling na kapagdaka at siya’y nakatindig na. Hayo’t, lakad na don Juan moui ka sa kaharian, di pa gumagaling naman ang haring iyong magulang. Lumakad na at umalis itong principeng marikít, lagay ay kahapis-hapis damit pa ay punit-punit. Nang dumating nga siya sa palasio’y nagtuloy na, sa haráp nang haring amá at lumuhód kapagdaka.

38


1bong Adarna Ang hari’y di makagalaw sa katre niyang hihigan, at di nakikilalang tunay ang anák na minamahal. Ay sa wala ring magbadyá na magsabi sa kaniya, ang ibong na sa hawla ay nangusap kapagdaka. Namayagpág at naghusay nag-linis na nang katawán, balahibo’y pinalitaw anakin ay gintong tunay. At nagkantá nang ganitó abá haring don Fernando, kilalanin mo ngang totoó ang naninikluhod sa iyo. Iyan ang bunsó mong anák si don Juan ang pamagát, na nagdalita nang hirap sa utos mo ay tumupad. Yung anák mong dalawa na inutusang nauna, anoma’y walang nakuha at sila’y naging bato pa.

39


Nang ito ay masabi na tumaha’t, nagbago muna, balahibong ikalawá na marikit sa nauna. Saka muling nagpahayág abá haring sakdal dilág, pakingán di man dapat yung kay don Juang hirap. Ang bunsóng anák monghirang nagtiis nang kahirapan, at siyang nag-alís naman batóng balot sa katawan. Nang masabi na nga itó naghaliling panibago, nang balahibong ikatló na kapua esmaltado. At nag-wika nang ganito mahal na hari’y dingin mo, nagsi-oui silang tatló sa bahay nang ermitanyo. Sila nga ay piniging pa pinakain sa lamesa, pina ngaralan pa sila anák ang siyang kapara.

40


1bong Adarna Nang ito’y maipahayag naghalili namang agád, nang balahibong ikaapat diamante’y siyang katulad. Nang makakain na naman itong ermitanyong mahal, madlang sugat ni don Juan pinagaling niyang tanan. Nang ito’y masabi na tumaha’t, naghalili pa, balahibong ikalimá kahalimbawa’y tumbaga. Nangsila’y lumakad naman sa bundók at kaparangan, si don Pedro ay nagsaysay na patayin si don Juan. Si don Diego’y sumansala yao’y masamang akala, sa búhay na mawawala ni don Juang ating mutya. Nang ito’y maipagturing nitong ibong nagniningning, naghalili siyang tambing balahibong ikaanim.

41


Ito’y lalong karikitan sa ikalimang nagdaan, mahal na hari pakingán kay don Juang kahirapan. Ay ang pinagkaisahan nang dalawang tampalasan, ay umugin ang katawan sa gitna nang kaparangan. Nang hindi makagalaw ang principeng si don Juan, kapagdaka ay iniwan ako’y kanilang tinagláy. Nang masabi na nga itó naghaliling panibago balahibong ikapitó na anaki ay karbungko. Ito’y siyang katapusán mahal na hari’y pakingán, pinagdaanang kahirapan nang bunsó mong si don Juan. Sa malaking awang lubós nang Virgeng Iná nang Dios, isang matanda’y dumulóg at siya’y tambing ginamót.

42


1bong Adarna Hinipo na ang katawán at pinag-ayos ang lagay, nakatindig na mahusay itong principeng si don Juan. Kaya ko di ipakita ang marikit na itsura, ay hindi dumarating pa ang sa akin ay kumuha. Ang isa pa haring mahal ang anák mong si don Juan, siya mo pong pamanahan nitong iyong kaharian. Nang ito’y masabi na nitóng ibong engkantada, tumahán na nang pagkantá hindi na naringig niya. Ang sakít na dinaramdam nang haring aking tinuran, parang nagdahilán lamang at gumaling ang katawán. Ang haring si don Fernando tinipon na ang konseho, at pinaghuntahan dito si don Pedro’t, si don Diego.

43


Sa ginawang kaliluhán sa kapatid nilang hirang, kung ano ang katampatang parusang dapat ibigay. Ang sagot nang kalahatán destierro’y ang karampatan, nang huag silang mapisan sa principeng kay don Juan. Nang kay don Juang matatap ang hatol na iginawad, siya ay nagdalang habág sa kapatid niyang liyág. Lumapit kapagkaraka sa harap nang haring amá, dingin nang iyong hari ang aking ipagbabadyá. Alang alang sa korona at hawak na setro niya, huag nang bigiyang parusa ang kapatid kong dalawá. Kung sila’y ipadalá man sa malayong kaharian, di ko mababatang tunay na hindi paroroonan.

44


1bong Adarna Kaya haring aming amá patawarin na po sila, sa Dios ito’y talagá ang ginawa nilang sala. Ang di magpatawad naman sa ginawáng kasalanan, ay di rin naman kakamtán ang gloria sa kalangitán. Nang sa haring mawnawa yaóng kay don Juang wika, pinatawad alipala yaóng dalawang kuhilá. Nagsamang nuling mahusay doon sa palasio real, ang hari nag-wika naman sa tatlóng anák na hirang. Kayong tatló’y halinhinan sa ibong ko’y magbabantay, ang magpawaláng sino man makakapalit ang búhay. Sa kahabaan nang araw nang kanilang pagbabantay, di mawala sa gunam-gunam kay don Pedrong kaingitan.

45


Ang ginawa nilang laláng ang dalawa’y magsasabáy, saka hahalili naman ang principeng si don Juan. Ay nang isang gabí bagá ang ora’y á las dose na, ginising na nang dalawa ang bunsóng kapatid nila. Si don Juan ang nagbantay niyaong gabing kalaliman, nang magmamadaling araw siya’y agad nagulaylay. Ang kay don Pedrong nilaláng linapitang dahan-dahan, yung hawla at binuksan ang ibon ay pinawalán. At saka nga umalis na na nag-walang kibó siya, ay niyong mag uumaga si don Jua’y nagising na. Ano’y nang kaniyang makita na ang ibon ay wala na, sinidlán nang takot siya sa mahal na haring amá.

46


1bong Adarna Ito’y sukat na pagmasdan nang anák na sino pa man, sinong di matakot naman sa kastigo nang magulang. Sa malaking takot niya sa búhay na makukuha, nagtaanan kapagdaka at siya’y umalis na. Nguni akin munang lisan ang pag-alis ni don Juan at ang aking ipagsaysay ang hari niyang magulang. Nang siya ay magising na nagtuloy na nga sa hawla, ang pintó ay nakabuká at ang ibon ay wala na. Kapagdaka ay tinawag ang kaniyang tatlóng anák, ang dalawang lilo’t, sukáb siyang lumapit na agád. Itinanong kapagkuan ang ibon kung napasaan, sagot ni don Pedro’t, saysay si don Juan ang nagbantay.

47


Ang nagpawala po’y siya doon sa ibong Adarna, at kung kami ngang dalawá huag mo pong bigiyang sála. Ang wika nang haring mahal ay hanapin si don Juan, at nang aking maalaman kung sinong may kasalanan. Yáw na nga’t, lumakad na magkapatid na dalawá, kabundukan ang pinunta si don Jua’y kinikita. Ito’y aking pabayaan na pag-lalakad sa párang, ang aking ipagsaysay ang principeng si don Juan. Doon naghinahán siya sa bundók niyong Armenia, tantong kaliga-ligaya sa tanang bundók na ibá. Ang punungkahoy sa kaparangan kawili-wiling pagmasdan, ang damó’y gayón din naman sadyáng na ngagdirikitan.

48


1bong Adarna Ipagparito ko muna magkapatid na dalawá, ang paghanap sabihin pa kay don Juang bunsó nila. Sa mabuting kapalaran sa Dios na kalooban, kanilang napatunguhan ang Armeniang kabundukan. Doon nga nila nakita ang bunsóng kapatid nila, si don Diego’y nag-wika na nang ganitong parirala. Kung dalhín ta si don Juan sa Berbania kaharian, kita ang parurusahan nang haring ating magulang. Ngayo’y lalong mabuti pa tayong tatló’y magsasama, at huag nating ipakita sa mahal na haring amá. Doon nga tumahan sila tatlóng magkapatid bagá, ang tuá ay sabihin pa sa kabundukang Armenia.

49


Ay ano’y kaginsa-ginsa isang balón ang nakita, ibig ni don Juan bagá ang lalim matarók niya. May lúbid nga sa ibabaw ang balón nilang dinatnán, ay nag-wika si don Juan akó ay inyong talian. Sumagót nga si don Diego ako’y matanda sa iyo, ang ihulog muna’y ako, ang lalim nang matantó ko. Si don Pedro’y nagpahayag ako’y matanda sa lahat, ako ang siyang marapát na sa baló’y sumiyasat. At kapag aking tinangtáng ang lúbid na iyong tangan, hilahin ninyo pagkuan nang ako’y mapaibabaw. Tinalian na nga siya inahulog kapagdaka, tatlong puóng dipa bagá. ang siyang sinapit niya.

50


1bong Adarna Sa malaking katakután ang lúbid agad tinangtáng, hinila na sa ibabaw nang dalawang nagtatangan. At tinanong na nga nila kung ano bagang nakita, pakingan ninyong dalawá ang aking ipagbabadyá. Ang balón kong nilusungan di ko matarók ang hangán, dilím na di ano lamang ako ay nahintakutan. Ani don Diego naman akó ang inyóng talian, at nang aking maalaman ang sa balóng kahanganan. Tinalian kapagdaka at siya’y inihulog na tatatló pa lamang dipá ang siyang sinapit niya. Sa malaking takot bagá ang lubid ay tinangtáng na, sa ibabaw ay hinila nang kapatid na dalawá.

51


Ani don Juan at saysay sa amin ay iyong turan, kung inabót mo ang hangán nang balón mong linusungan. Sagot ni don Diego naman di ko masapit ang hangan, at sa lubhang kadilimán loob ko’y nahintakutan. Ani don Juan at turing ako ang taliang tambing, at aking sisiyasatin itóng balóng sakdal dilím. Tinalian kapagdaka ang bunsóng kapatid nila, sa baló’y inihulog na nang kapatid na dalawa. Ang sa salaysáy ngang saysay na sa balóng kalaliman, mahigit sa isang daan na dipá ang kasukatán. Nang siya nga’y dumating na sa fondo nang balón bagá, ay kinalág kapagdaka ang lubid na tali niya.

52


1bong Adarna Lumakad na kapagkuan ang principeng si don Juan, isang pintó ang binuksán pumasok na nagtuluyan. May isang kampong maluang doo’y kaniyang dinatnán, linis ay walang kabagay nang lupang tinatapakan. Ang sari-saring bulaklak naroo’t, namamasetas, dikit ay walang katulad bangó’y humahalimuyak. Doon sa pag-libot niya sa masetas at sampaga, may bahay siyang nakita dikit ay walang kapara. Tumawag na kapagkuan ang principeng si don Juan, siya naman ay dinungaw nang prinsesang na sa bahay. Nang makita’y binati na ang marikit na prinsesa, bibigiyang araw na maganda poon nang tanang sampaga.

53


Anang prinsesa’y ganito salamat naman sa iyo, namamangha ang loob ko nang iyong pagkaparito. Sagot nang prinsipe’t, wika abá marikit na tala, pagkaparito ko’y bigla dalá nang sintang gahasa. Inalipád sa itaas nang malabay niyang pakpak, saka po karingat dingat sa harapan mo’y lumagpák. Kaya mahal na diosa huag kang mag-ala-ala, sa Dios ito’y talagá tangáp ang hain kong sinta. Ang sagot ni doña Juana na kung may tapang kang dalá magtulóy na pumanhik ka at dini mag-usap kita. Pumanhik na kapagkuan ang principeng si don Juan, at nuha nang siya naman ang dalawa’y nag-agapay.

54


1bong Adarna Ang wika nang prinsesa doon sa hain mong sinta, malaki kong ala-ala sa loob bagáng mag-isa. Saan kita ilalagay na iyong pagtataguan, at baka ikaw ay datnan nang giganteng tampalasan. Yung lilo at kuhilá sa aqu’y nag-aalaga, malaki ko ngayong awa sa buhay mong mawawala. Isinagót ni don Juan walin mo sa gunam-gunam at hamak sa aking kamáy ang giganteng tampalasan. Sa pag-uusap nila nang prinsipe at prinsesa, siya na ngang pagdating na nang giganteng palamara. Sa hagdan nang dumating na tinawag si doña Juana, amóy manusia aniya dito’y may tawo kang ibá.

55


Si don Jua’y sumagót nga anong dami mong usisa, ako ang siyang nagsadyá sa prinsesa mong alagá. Anitong gigante naman malaki kong katuaan, mayroon akong dinatnan na sukat kong ikabuhay. Isinagót ni don Juan yao’y sukat mong asahan, kung ako’y iyong mapatay pagsil-in ang aking bangkay. Anang gigante at badyá kung gayon ay lalaban ka, hinawakan kapagdaka ang espada’t, naghamok na. Sa mabuting kapalaran sa Dios na kalooban, ay napatay ni don Juan ang giganteng tampalasan. Anang prinsipe at badyá ó marikit na prinsesa, anong hinihintay mo pa at di pa umalis kita.

56


1bong Adarna Ang sagot ni doña Juana may lumbay rin akong dalá, at aking maiiwan pa bunsó kong si Leonora. Nariyan sa kabila naman ang siyang kinalalagian, may alilang nagtatangan isang serpienteng matapang. Ani don Juang masiglá dito ay iiwan kita, at paroroonan siya kapatid mong Leonora. Lumakad na nagtuluyan itong principeng matapang, doon sa ikalawang bahay sa mata’y nakasisilaw. Ang hagda’y gintong lantay kawili-wiling titigan, na kung sa lupang ibabaw walang katulad kabagay. Napatawo kapagdaka itong principeng masiglá, siya namang pagdungaw na nang prinsesa Leonora.

57


Nang kay don Juang makita ang karikitan at ganda, ito’y lumalo aniya doon kay doña Juana. Big-yan nang Dios na mahal niyong pong magandang araw, sagot nang prinsesa naman ay kapua makinabang. Nguni ako’y namamangha ó principeng darakila, lugar na ito’y lihim nga ay bakin mo naunawa. Isinagót ni don Juan ay abá palabang Buwan, pakinga’t, aking tuturan ang sa akin ay nagtaglay. Isang bungang panaguimpan sa pagtulog ko’y pumukaw, ang katulad ko’t, kabagay ang isang pinag-ulapan. Ang sa bungang tulog ko nga na pumukaw sa pag-higa, sa ilalim nitong lupa ay mayroong isang tála.

58


1bong Adarna At sa aking pangangarap ako’y agád inalipad, kamuk-há’y ibong may pacpák dito ako inilagpak. Hindi ko nga máalaman itó pong lihim na lugar, sa Dios na kalooban kung kaya po natutuhan. Kayá mahal na prinsesa huag kang mag-ala-ala, ang Dios ang may talagá kayá tangáp yaring sintá. Sagot nang prinsesa’t, sulit magtulóy ka pong pumanhík, at nang iyo pong mabatid handóg mong sintá sa dibdib. Pumanhík na kapagdaka itong principeng masiglá, sa siya ay umupó na nag-usap silang dalawá. Isinagót ni Leonora tungkól sa alay mong sintá, malakí kong ala-ala serpiente’y kung dumating na.

59


Saan kitá ilalagáy na sukat mong pagtaguan, nang hindi ka maamuyan niyong lilo’t, tampalasan. Sagot nang prinsipe’t, badyá huag kang mag-ala-ala, ang bahala ay akó na sa taksíl at palamara. Ano ay kaginsa-ginsa ang lúpa ay umugong na, siyang pagdating pagdaka nang serpienteng palamara. Sa hagdana’y lumapit na tinawag na si Leonora, amóy manusia aniya dito’y may tawo kang ibá. Sumagót si don Juan sa serpienteng tampalasan, yaring espada kong tagláy aalis nang iyong búhay. Anang serpiente’y ganitó iyan ang siyang hanap ko, walang pagsalang totoó ikaw ay bibihagin ko.

60


1bong Adarna Ano pa nga at nag-laban ang kapua lakas, tapang, ang prinsipe’y di tamaán nang serpienteng tampalasan. Ang isang kataká-taká sa taksíl at palamara, ang úlo’y kung mapútol na naninikit na mulí pa. Nang maging tatlóng oras na ang kanilang pagbabaka, kay don Juan ay nagbadyá ang taksíl at palamara. Kita ay magpahingaláy nitóng ating pag-lalaban, napa-ayon si don Juan sa serpienteng tampalasan. Sa principeng pagkalagay sa bintanang tapat naman, ang prinsesa ay dumungao at siya ay tinawagan. Don Juan ay abutín mo itóng mahal na bálsamo, at siyang ibubuhos mo sa mapupútol na úlo.

61


Ang balang úlong mapugay kahit siya’y lumuksó man kung ma agád mong mabusan, di mauulí sa lagay. Kinuha na kapagdaka ang mahal na balsamera, at mulíng naghamok sila nang serpienteng palamara. Nang maputol na ang anim na úlo nang lilo’t, taksíl, at di na mauling tambing kagalitan ay sabihin. Lalo nga ang kagalitan dito sa prinsesang mahal, at binigian si don Juan nang bálsamong kagamutan. Anang serpiente at badyá dini sa úlo kong isá, na ngayo’y natitirá pa sa búhay ninyo’y kukuha. Ang dalawa’y nagsagupa umulit silang nagbangá, ang úlong natitirá nga nalaglág agád sa lúpa.

62


1bong Adarna Kapagdaka ay binusan nang bálsamo ni don Juan, siya na ngang pagkamatáy nang serpienteng tampalasan. Ani don Juan at badyá ó marikit na prinsesa, anong hinihintáy mo pa at hindi umalís kitá. Sa pagmamadaling tunay nang prinsesang matimtiman, ang lobo niyang aliwan ang na-isukbit na lamang. Diamanteng singsing niya ay naiwan sa lamesa, nagsi-alis na nga sila dalawang magkasi’t, sintá. At kanilang dinaanan si doña Juanang marangal, ang tatló’y nalis naman at sa lúbid nagtuluyan. Nang sila ay dumating na sa lúbid na laan bagá, sila ay na ngagtáli na at hinila kapagdaka.

63


Nang dumating sa ibabaw ang tatló’y magkakasabáy, si don Diego ay nagsaysay narito na si don Juan. Kay don Pedrong makita marikit na Leonora, tinablán agád nang sintá púso niya’t, ala-ala. Niyong sila’y aalis na at ouwí sa Berbania, ay nangusap kapagdaka ang prinsesa Leonora. O don Juang aking búhay ay aking nakalimutan, ang singsing kong minamahal sa lamesa ay naiwan. Anang prinsipe at badyá kayo’y maghintay aniya at aking kukunin muna yung singsing nang prinsesa. Ani doña Leonora huag na gilio ko’t, sintá, kung paroon kang mag-isá malaki kong ala-ala.

64


1bong Adarna Ang winika ni don Juan yao’y masamáng maiwan, akin ngang pagbabalikán at ako’y nahihinayang. Sa hindi ngani mapigil itong principeng butihin, ay nagtali na ngang tambing lumusong na magtuloy rin. Nang mayroong sampóng dipá ang lúbid na nahugos na, ay pinatíd kapagdaka ni don Pedrong palamara. Di anong kasasapitan sa gayong lalim na hukay, gawang kapanganyayaan kapatid na tampalasan. Nang makita nang prinsesa ginawá sa kasi’t, sintá, halos manaw ang hininga sa baló’y tatalóng sadyá. Agád siyang hinawakan ni don Pedrong tampalasan, aanhin mo si don Juan ako’y narito rin naman.

65


Ang nasok sa ala-ala nang hindi bitiwan siya, ang lobong aliwan niya kaniyang pawalán bagá. Kinuha na sa sukbitan at inihulog sa húkay, nguni’t, bago binitiwan kaniyang pinagbilinan. Kung nasaktan si don Juan gamutin mo kapagkuan, siya’y aking hinihintay sa kaniyang kaharian. Umalis at lumakad na magkapatid na dalawa, sampong dalawang prinsesa ina-oui sa Berbania. Atin munang pabayaan ang paglalakad sa parang, at ang aking ipagsaysay ang hari nilang magulang. Yaón ang napanaguimpán nang haring Fernandong mahal ang anák na si don Juan pinag-lilo at pinatáy.

66


1bong Adarna Ito’y lisanin kong agád na sa haring napangarap, at ang aking ipahayág ang apat na naglalakád. Nang sila’y dumating na doon sa reinong Berbania, sa palasio’y nagtuloy na humarap sa haring amá. Lumuhód na sa harapán nang amá nilang magulang, kanilang ipinagsaysay lahat nang pinagdaanan. Si don Juan po’y hindi na na amin siyang nakita, itong dalawáng prinsesa ang siya naming nakuha. At sa lupang kalaliman doon namin nasumpungán, may alagang nagtatangan gigante’t, serpienteng hunghang. Kami ay nakipagbaka at lumaban sa kanila, nang mga-patáy pagdaka mga prinsesa’y dinalá.

67


Nang ito’y mapakingan nang hari nilang magulang, di hamak ang katawaán at sila’y benendicionan. Itong hari’y may tuá man sa mga prinsesang tagláy, malaki ring kalumbayan sa anák na kay don Juan. Nagsitindig kapagdaka kapua tinanong sila, na kung alin sa dalawá ang magiging asawa. Sumagót na kapagkuan si don Pedrong tampalasa’t, tinuro sa haring mahal si Leonorang timtiman. Itong mahal na prinsesa lumuhód kapagkaraka, dingin nang iyong hari ang aking ipagbabadyá. Ako po ay palugalán mga pitong taón lamang, saka ako pakakasal sa anák mong minamahal.

68


1bong Adarna Ako’y bigian mong tambing nang isang silid na lihim, at doon ko tutuparin ang panata kong gagawin. Nang ito ay mapakingan nitong haring matimtiman, kaniyang ipinaayunan sa prinsesang kahingian. Inilagay na ngang tambing sa isang silid na lihim, at doon nga gaganapin ang panata niyang hiling. Si don Diego’t, doña Juana ikinasal kapagdaka, katuaa’y sabihin pa boong reino nang Berbania. Ay ano’y nang matapos na siyam na araw na fiesta, kaguluha’y payapa na nitóng dakilang monarka. Aking ipagbalik naman sa lobong pinakawalán, nang makita si don Juan mga lamóg ang katawán.

69


Ang ginawa kapagdaka nitong lobong engkantada, ginamót pinag-ayos na katawáng kaaya-aya. Ano’y nang gumaling naman at siya nga’y makagalaw, ang lobo’y nuha pagkuan nang tatlong boteyang hirang. Dalawa’y tali sa paá kagát sa bibig ang isa, saka umalis pagdaka itong lobong engkantada. Nagtulóy na kapagkuan doon sa ilog nang hordán, nagkataóng nalilibang yung mga nagbabantay. Isinalok na nga niya ang daláng tatlóng boteya, at lumipád kapagdaka ito ngang lobong masiglá. Hinabol na kapagkuan niyong tanang nagbabantay, ang lobo’y napailanláng at di nila inabutan.

70


1bong Adarna Nang ito’y dumating naman sa principeng kay don Juan, ang ulo’y agad binusan tuloy hangang talampakan. Nang siya nga ay mabusan tubig na galing sa hordan, nagbango’t, lumakás naman itong principeng marangal. Kinuha na niyang tambing diamanteng naiwang singsing, sa awa nang Ináng Virgen lobo ang nagparaan din. Si don Jua’y kinasihan nang Dios na Poong mahal, nakaahong matiwasáy sa balóng kinalalag-yan. Ang nasok sa kalooban nitong principeng timtiman, moui siyang magtuluyan sa kaniyang kaharian. Sa pag-lakad ni don Juan sa bundók at kaparangan, nagdamdam nang kapagalan sa tinding sikat nang Araw.

71


Sa isang puno nang punungkahoy na malaki’t, mayamung mong siya roon ay sumilong at humilig naman tuloy. Sa kalamigan nang hangin at tantong kaalio-alio, ay agad nang nagupiling itong principeng butihin. Ano ay kaginsa-ginsa doon sa pagtulog niya, siya na ngang pagdating na mahal na ibong Adarna. At sa tapat ni don Juan sa punungkahoy na sinilungan, namayagpag at naghusay balahibo sa katawán. At saka siya nagkantá nang tantong kaaya-aya, don Juan magbangon na sa tulog mo’y gumising ka, Sa boses na mataginting siya’y agad na nágising, at pinakingang magaling ang sa ibong pagtuturing.

72


1bong Adarna Malakí mong ala-ala sa prinsesa Leonora, may lalo pa sa kaniya nang karikitan at ganda. Malayo nga rito lamang ang kaniyang kaharian, at malapit siyang tunay sa sinisikatan nang Araw. Na kung siya mong makuha at iyong mapangasawa, dito sa mundo’y pang-una sa karikitan at ganda. Yung tatlong prinsesa sa haring Salermong bunga, si doña María Blanca, ang matandá sa dalawa. Sunód si doña Isabel parang maningning na garing, si doña Juana’y gayon din ang tala’y siyang kahambing. Hayo lakad na don Juan sa reino nang de los Cristal, ipagkakapuri mo naman sa haring iyong magulang.

73


Nang ito ay maringig na nitóng principeng masiglá. nawalá sa loob niya ang prinsesa Leonora. Lumakad na nagtuluyan ang principeng si don Juan, kaniyang pinatunguhan sinisikatan nang Araw. Aking lisanin na muna yung pag-lalakad niya, at ang aking ipagbadyá ang prinsesa Leonora. Araw, gabi’y tumatangis sa kinalalagian’y silid, ang kaniyang sinasambit, si don Juang sintá’t, ibig. Kung kaya humingi ako nang pitóng taóng término, si don Juan ang hintay ko kaya nagtitiis dito. Na kung hindi ka binuhay nang lobo kong pinawalán, kalolowa mo man lamang ako’y paki-usapan.

74


1bong Adarna Ito’y itigil ko muna pananaghoy nang prinsesa, at ang aking ipagbadyá si don Juan de Berbania. Tatlóng taóng walang kulang ang pag-lalakad sa párang, hindi niya maalaman ang reino nang de los Cristal. Sa malaking kapalaran nang principeng si don Juan, ay nasalubong sa daan ang isang matandang mahal. Anang prinsipe at badyá núno’y magdalang áwa ka na kung may baon kang dalá ako’y limusan po niya. Sagot nang matanda naman mayroon nga akong taglay, munting duróg na tinapay kinakain ko sa daan. Narito’t, kumuha ka na at nang huag magutom ka, nang kay don Juang makita ay nasuklám bagá siya.

75


Ang tinapay ay maitim ang isa pa ay bukbúkin, sa malas niya at tingin nakasusuklám na kanin. Sa malaking kagutuman nang principeng si don Juan, nuha nang munti lamang at para bagang titikmán. Nang kaniyang malasahan itong bukbúking tinapay, masarap at malinamnam parang kahahango lamang. Anitóng matandá bagá ang aking bumbóng na dalá, may lamang pulót aniya kumuha at uminóm ka. Humigop na si don Juan nitong pulót nang pukiotan ay nawalá kapagkuan ang kaniyang kagutuman. At nulí ngang nag-wika pa matandang kausap niya, diyan sa bumbóng na isá may lamáng tubig aniya.

76


1bong Adarna Huag mong ubusin lamang kaunti ako’t, iwanan, at mahaba pa ngang aráo ang pag-lakad ko sa párang. Nang makita ni don Juan yung bumbóng na may lamán, ay isang dulong kawayan ang siyang kinalalag-yan. wika nang principe at badya núno po ay makinig ka, kung ito’y ubusin ko na munti ma’y walang itirá. Sagot nang matandá naman inomin mo na don Juan, kahit ako’y mawalá man huag ikaw ang magkulang. Ininóm na ni don Juan tubig na kamuk-ha’y cristal, sa Dios na kalooban hindi nagkulang munti man. Nang kaniyang mapagmasdan ang tubig ay di nagkukulang, ang matandáng ito naman segurong may karunungan.

77


Umulit pa ngang nag-wika itong principeng dakila, ugali nang isang bata ang magtanong sa matandá. Sagot nang matandá naman sabihin mo’t, iyong turan, ang loob ko’y namaáng nang layong pina ngalingan. Isinagót ni don Juan ganitó po ay pakingan, ang aking pong pinapakay ang reino nang de los Cristal. Sagot nang matanda’y ito Jesús na Panginoon ko, ang pag-lalakad kong ito isang daang taóng husto. Hindi ko napag-alaman ang reino nang de los Cristal. iyang hanap mo don Juan malayong di ano lamang. Nguni’t, kita’y tuturuan sundin mo’t, huag sumuay, lumakad kang magtuluyan ikapitóng kabundukan.

78


1bong Adarna Doon ay inyong daratnán isang ermitanyong mahal, at siya mong pagtanungan nang sadyá mong kaharian. Narito’t, ngayo’y kunin mo kapiraso nang báro ko, at siyang ipakita mo sa daratnang ermitanyo. Kung ikaw ay tatanungin nang kinunan mo kung alin, ang pangalan mong sabihin isang matandáng sugatín. Yaw na nga at pumanao ang principeng si don Juan, kaniyang pinatunguhan ikapitóng kabundukan. Ito’y lisanin ko muna mga, pag-lalakad niya at ang aking ipagbadyá ang prinsesa Leonora. Parati nang tumatangis sa kinalalag-yáng silid, ang kaniyang sinasambit si don Juang sinta’t, ibig.

79


Kundi ka ginamot naman nang lobo kong binitiwan, bakit di pinagbalikan nang hayop kong inutusan. Tatlóng taón nang mahigit yaring aking pagtitiis, saka ang maipagsasapit makakasal sa di ibig. Diyata matuid naman at iyo nang kalooban, na akó ay mapakasál kay don Pedrong tampalasan. Ito’y wakás na at hangán nang pagtawag ko don Juan, kung kulanging kapalaran ako’y di mo na daratnan. Ito’y lisanin kong agad ang sa prinsesang pagtawag, at ang aking ipahayag ang principeng naglalakad. Limang buwang hustó bagá yaóng pag-lalakád niya, siya namang pagdating na sa marikit na ermita.

80


1bong Adarna Doo’y kaniyang dinatnan isang ermitanyong mahal, balbás ay hangang sa bay-uang nakatatakot kung tingnán. Anang matanda’y ganitó umalis ka manunuksó, mahaba nang taón ako walang sumasapit dito. Sagot ni don Jua’t, wika nuno’y huag kang mamangha, ako’y inutusang kusa isang mahal na matandá. Narito po’t, iyong kuha kapirasong baro niya, sa ermitanyong makita ay inabót kapagdaka. Hinagkán na’t, tinangisan yung baro niyang tangan, luha sa mata’y bumukal parang agos ang kabagay. At nag-wika nang ganitó Jesús na Panginoon ko, ngayon lamang nakita ko ang marikit na baro mo.

81


Ang hindi ko nakita katawan mong mapanintá, di ko nababayaran pa ang aking nagawang sala. Sa dibdib ay inilagay kapirasong barong mahal, at saká tinanong naman ang principeng si don Juan. Ano ang sadyá mo bagá at kusang naparito ka, anang prinsipe at badyá ganitó po’y makinig ka. Ani don Juan at sulit ermitanyong sakdal dikit, ang hanap ko pong mapilit ang reinong de los Cristales. Ang sagot nang ermitanyo Jesús na Panginoon ko, limang daang taón ako nang pagkatahán ko rito. Ay hindi ko naalaman ang reino nang de los Cristal, at malayong kaharian ang hanap mong pinapakay.

82


1bong Adarna Tingnán kung sa aking sakop sa hayop kong na ngag-libot, kung kanilang naa-abot kahariang cristalinos. Sa pintó ay lumapit na kampana’y tinugtog niya, nagsidating kapagdaka madlang hayop na lahat na. Doon sa pagkakapisan nang lahat niyang familiar, itinanong kapagkuan nitong ermitanyong mahal. Sa inyong paglibot diyan sa bundók at kaparangan, sino ang naka-aalam niyong reinong de los Cristal. Ang sagot nang kalahatán hindi namin naalaman, at malayong kaharian ang iyo pong katanungan. Sampong olikornio bagá na hari nilang lahat na, hindi rin makapagbadyá niyong reinong hanap niya.

83


Ang wika nang ermitanyo don Juan ay narinig mo, kahima’t, ang familiar ko di masabi ang hanap mo. Ngayon kita’y tuturuan sundin mo’t, huag sumuay, paroon kang magtuluyan ikapitóng kabundukan. Itong baro ay dalhin mo sa bundók na ikapitó, at siyang ipakita mo sa daratnáng ermitanyo. At tinawag na nga rito yung haring olikornio, itong prinsipe’y dalhin mo sa mamabunyi kapatid ko. Si don Juan ay sumakay sa olikorniong likuran, lumakad na nagtuluyan hangang sumapit sa pakay. Nang sila nga’y dumating na sa sadyá nilang talaga, doon na iniwan siya olikornio’y nagbalik na.

84


1bong Adarna Si don Jua’y kapagdaka nagtuluyan sa ermita, sa ermitanyong makita ay tinanong naman siya. Ikaw baga’y ali’t, sino naparitong manunuksó, ako’y malaon na rito walang nakikitang tawo. Isinagót ni don Juan ualín po ang kagalitan, naririto’y iyong tingnán kapirasong barong mahal. Sa ermitanyong makita ang damit na mahalagá, pinalapit na nga siya at kinuha kapagdaka. Pagka-abót ay hinagkán at kaniyang tinangisan, at ang wikang binitiwan kalunos-lunos pakingán. Si don Juan ay nagtaká sa ermitanyong nakita, lumalo pa nga sa isa dalang katandaan bagá.

85


Ang balbás niya sa baba ay sumasayad sa lupa, balahibo’y mahahaba mapuputi namang pawa. At nag-wika nang ganitó ang matandang ermitanyo, sino bagáng kinunan mo mahalagáng barong itó. Sagot ni don Jua’t, badyá nuno po ay makinig ka, sa akin ang may padalá ermitanyong matanda na. Ang sagot nang ermitanyo don Juan ay sabihin mo, ang sadyá mo ay kung anó nang iyong pagkaparito. Isinagót ni don Juan ganito po ay pakingán ang sadyá ko po at pakay ang reino nang de los Cristal. Anang matanda’y ganitó ang pagkatahan ko rito, nang ako’y mag-ermitanyo ualóng daang taóng hustó.

86


1bong Adarna Ay hindi ko naalaman kahariang de los Cristal, anhin ko’y malayong lugar ang sadyá mong linalakbay. Tingnán kung sa aking sakop ibong naglipád sa bundók, kung kanilang na aabot yung reinong cristalinos. Sa pintua’y lumapit na kampana’y tinugtóg niya, tanang ibo’y kapagdaka nagkatipong para-para. Anang ermitanyo naman sa inyong pag-liliparan, di ninyó natatausán ang reino nang de los Cristal. Ang sagot ngani nang lahat hindi namin natatatap, at malayong di hamak yung cristalinong ciudad. Umuling nag-wika siya kung husto silang lahat na, ay nagbilang kapagdaka wala ang ibong agila.

87


Ay ano’y kagin-ginsa sa pag-uusapan nila, siya na ngang pagdating na nang ibong haring ágila. Nang dumating ay pabagsák sa pagod na dili hamak, ang ermitanyo’y nangusap sa laking galit na hawak. Na ang wika bagá niya doon sa ibong ágila, bakit ikaw’y nahulí pa sa iyong mga familia. Dili bagá iyong unawa itong tunóg nang kampana, saan man naroong lupa, ay ouwí kayong biglá. Sagot nang ágila’t saysay panginoon naming mahal, malayo pong pinagmulán kaya di nila kasabáy. Anang ermitanyo naman sabihin mo’t, iyong turan, ang pinagmulán mong lugar at nang aking maalaman.

88


1bong Adarna Sagot nang ágila’t, sulit ermitanyong sakdal dikit, pina ngalingang kong tikí s ang reinong del los Cristales. Kaninang umaga lamang ako ay nag-aalmusál, sa isang peras na mahal na ang lasa’y malinamnám. Bahag-ya kong naringig nga yung tunóg nang kampana, ay lumipád akong biglá kapagala’y di kawasa. Ang sagot nang ermitanyo don Juan ay naringig mo, at doon na ngaling itó sa reinong hinahanap mo. wika sa ágila’y ito: ang prinsipe ay dalhin mo, isang buwan sa banta ko doo’y sasapit na kayó. Isinagót nang ágila isang bua’y makukuha, darating pong walang sala sa banyo ni doña María.

89


Agad na ngang nagpadakip niyong ibong maliliit, siyang babauning tikis sa pagpanaw at pag-alís. Tatlóng daan na duruan ang siyang pinagtuhugan, at ang balang isa naman limang libong walang kulang. Balang isang tuhog bagá isang ibon ang may dalá, ito ay bawng talagá na kakanin nang ágila. Si don Jua’y pinasakáy na sa ágilang likorán, kanilang pinatunguhan, sinisikatan nang Araw. Tanang nakikita lamang nang principeng si don Juan, ang langit at karagatan walang lupang natatanaw. Doon sa sanbuwang araw pag-lipád na walang tahán, naubos nakaing tanan ang tatlóng daang duruan.

90


1bong Adarna Ay ano’y nang maubos na yung baon nilang dalá, siya nang pagdating nila sa baño ni doña María. Niyong oras nang vísperas nang si don Jua’y ilapág, ang ágila ay nangusap ito ang ipinahayag: Dito na kita iiwan ay magtago ka don Juan, nang hindi ka mamalayan nang mga prinsesang mahal. At mamayang á las kuwatro walang sala’t, paririto, mahal na prinsesang tatló na maliligo sa baño. Di mo bagá nakikita bañong paliguan nila, may sariling titig-isa at hindi nga magsasama. Magkakaparis nang gayák kalapati ang katulad, doon sa punungkahoy na peras ay magsisi-dapong lahat.

91


Paalam ako don Juan dito na kita iiwan, bilin ko’y iyong tandaan huag mong kalilimutan. Nagtago na si don Juan sa baño ngang paliguan, at nang hindi mamalayan kahit sila’y pumanhik man. Ay ano’y kaginsa-ginsa oras nang á las kuwatro na, ay dumating kapagdaka ang tatlóng mga prinsesa. Dumapo na silang agad doon sa punungkahoy na peras, at kapua nagsilapág mga damit ay hinubád. Nang kay don Juang makita yung si doña María, ang karikitan at gandá nakasisilaw sa matá. Naghubád na kapagkuan damit kalapating hirang, lumusong na nagtuluyan sa bañong paliguan.

92


1bong Adarna Ang ginawa kapagdaka nitong prínsepeng magsiglá, marahang kinuha niya damit ni doña María. At nagtagong uli siya nang hindi bagá makita, nang umahon ang prinsesa ang damit niya’y wala na. Sabihin pa nga ang galit nitong prinsesang marikít, nang di makita ang damit ito ang ipinagsulit. Sino kayang lapastangan ang naparitong nagnakaw, ó baka ang itinaas naman nang haring aking magulang. Kung sino man siya’t, alin ay ang sukat pag-isipin, ako’y pag-iiwang tambing mga kapatid kong gilio. Nang maging isang oras na sa damit niya’y pagkita, siya namang paglitáw na nitong principeng masiglá.

93


Lumuhód na sa harapán na halukipkip ang kamáy, kordero’y siyang kabagay at nangusap nang malubay. O marikit na bathala kometang nabá sa lupa, magdala ka ngayong awa sa aking ipag-wiwika. Aba marikit na Fénix at Buwang sakdal nang lamíg, sa aking tinagis-tinagis matá mo po ay ititig. Hindi ko po maging sala ang sa damít mo’y pagkuha, at ugali nang may sintá kikita nang daan bagá. Alin naman kayang búhay mahigit sa sang-libo man, na sa galit mo pong tangan hindi alising paminsan. Kaya mahal na prinsesa kung may galit ka pong dalá, ako ay natatalagá sa bala mong iparusa.

94


1bong Adarna Sagot nang prinsesang mahal kahit ako’y may galit man, ay sa iyong pagkalagay nagdalá nang kaawaan. Aling bagsik nang justicia ang magbibigay parusa, sa pakumbabang may sala dapat ang kaawaan. Kung ang apóy na mainit nagniningas na masakit, kapag-sinubhán nang tubig mamamatay siyang pilit. May galit man ang loob ko sa damit kong kinuha mo, napawi ngayong totoo dahil diyan sa anyó mo. Nguni’t, ako’y tabi naman sa iyo principeng mahal, alin bagang kaharian ang iyong pina ngalingan. Sagot ni don Jua’t, badyá ó bulaklak nang sampaga, ang pinagmulan kong sadyá ang reino po nang Berbania.

95


Naparito at naglakbáy sa iyo pong kaharian, bulá ang aking sinak-yán sa gitna nang karagatan. Kaya mahal na prinsesa damit mo po’y abot kuha, at baka pa ipagdusa nang búhay ko’t, kalolowa. Kaya kung wala ring daan ang sinta kong pinag-lakbáy, ibig ko pa aking mamatáy dini po sa aking lagay. Isinagót nang prinsesa ó don Juan de Berbania, ngayon mo nga makikita tunay na aking pagsintá. Dini sa kamay kong kanan, magtindig ka at tumgan, at ito ang tandang tunay nang pagsintá kong matibay. Nagtindig na si don Juan kapagdaka’y hinawakan, yung marangal na kamáy at umupong nag-agapay.

96


1bong Adarna Ang winika sa kaniya ó don Juang aking sintá, pakingan at manainga sa aking ipagbabadyá. Pagmalasin mo at tingnan mga batóng nalalagáy. siyang nakabakod lamang sa aming palasio real. Iyan nga’y tanong lahat na sadyá’y sa pangangasawa, panang enengkanto sila nang haring poon kong amá. Nariya’y mga prinsipe kabayero’t, mga konde, pawang na ngaduahagui sintá nila’y di nangyari. Sila ay naging talunan naraig sa karunungan, nang haring aking magulang naging bato ang katawán. Nagsiparito’t, nag-lakbay ay iyong pakatandaan, itanim sa gunam-gunam at huag mong kalilimutan.

97


Na mamayang á las singko magigising na seguro, mahal na haring amá ko ay makikita ka dito. Kung ikaw ay tatanungin pinagsadyá mo’y kung alin, ang iyo namang sabihin mgangasawa ang hingil. At kung tawagin, ka namang manhik sa palasio real, huag magtulóy don Juan at ikaw ay mamamatáy. Ang iyong isagot lamang sa haring aking magulang, akó po ay pag-utusan nang emperador kong mahal. Bala niyang ipag-wika aminin mo namang pawa, hindi ikaw ang gagawá at ako’y siyang bahala. Paalam ako don Juan kita muna’y malilisan. at mamayang gabi naman saka kita babalikan.

98


1bong Adarna Umalis na kapagdaka yaon ngang tatlóng prinsesa, ay siyang pagkagising na nang haring kanilang ama. Nang makita si don Juan nang haring Salermong mahal tinanong na kapagkuan kung anó ang sadyá’t, pakay. Sagot ni don Jua’t, tugón ó hari kong panginoon, ikaw po ay bigian ngayon Dios nang magandang hapon. Ang sagot nang haring mahal salamat na walang hangan, sabihin mo’t, iyong turan ang sadyá mo’t, pinag-lakbay. Ani don Juan at badyá ó darakilang monarka, ang sadyá ko pong talagá hingil sa pangangasawa. Kung baga magiging dapat ang Berbania kong ciudad, masama’t, mapakilangkap sa iyong koronang hawak.

99


Ang wika nang haring mahál ikaw ay pumanhik naman, at kita’y magsalitaan dini sa palasio real. Ang sagot ni don Juan iyan po’y di pasasaan, ang hintay ko’y pag-utusan nang aking makakayanan. Nang sa haring mapakingan ay tinawag kapagkuan, yung itinaas niyang hirang ito ang siyang tinuran. Ngayon din magmarali ka isang salóp na trigo’y muha, aking susubukin bagá nagsadyáng mgangasawa. Ay ano’y nang dumating na ang trigong ipinakuha, don Juan ay sumunod ka sa útos ko ngang lahat na. At kung di mo masunod nga ang aking ipagagawa, waláng pagsalang dakila ang búhay mo’y mawawala.

100


1bong Adarna Itong trigo ay kunin mo pag-ingatan mong totoo, sasabihin ko sa iyo ang lahat nang gagawin mo. Itong bundók na mataas tibagin mo nang mapatag, at doon mo nga ikalat itong trigong aking hawak. Ngayon din iyong itanim gabing ito’y tumubo rin, sa gabing ito’y gayon din iyo namang aanihin. At sa gabing ito naman ay gagawin mong tinapay, sa lamesa ko’y magisnan kakanin ko sa almusal. Kinuha na ni don Juan yaóng trigong ibinigay, doon sa porterong bahay binigian nang tatahanan. Ang wika nang sekretaryo sampóng mga konsehero, ano baga’t, naparito ang principeng lokó-lokó.

101


At hindi na nahinayang sa iningat niyang búhay, wala ngang pagsalang tunay na di siya mamamatáy, Anó’y nang magabi na oras ay á las seis na, itong si doña María ay guló ang ala-ala. Kaniyang pinag-lalangán hari at konsehong tanan, pinatulog na mahusay isa man ay walang malay. Siya ngang pagpanaog na nang marikit na prinsesa, at pinaroonán niya si don Juang kasi’t, sintá. Kapagdating ay nagkamay at saka tinanong naman na kung anong kautusán nang hari niyang magulang. Anang prinsipe at badyá poon kong doña María, ang utos nang iyong amá ganito ay makinig ka.

102


1bong Adarna Itong trigo’y ibinigay sa aki’t, itaním ko raw, at sa gabing ito naman mamunga’t, maging tinapay. Sagot ni doña María don Jua’y bayaan mo na, at hindi mahihiya ka doon sa hari kong amá. Saan patutungo naman ang sa haring karunungan, na mahikang itim lamang ang kaniyang tinatangnan. Ang sa kay doña María hawak ay mahika Blanca, ang dunong nang haring amá ay tinalo nga niya. Ang wika niya, at saysay ikaw ay magpahingalay, at malaking iyong pagal sa layo mong pinagmulán. Ay ano’y nang lumalim na hating gabing tahimik na, pinalabas nang prinsesa karunungang ingat niya.

103


Oras ding yao’y napatag itong bundók na mataas, isinabog niyang lahat ang trigong kaniyang hawak. Ang isang kataká-taká, lakás nang mahika Blanca, bagong isinasabog pa oras ding yao’y namunga. Nang oras ding yao’y agád itong trigo ay ginapas, maraming umaalagád oras ding yao’y nalugas. Ito’y saliksihang pawa mga inchik ang nagáwa, pucpók magkabi-kabila ingay na walang kamuk-há. Nang oras na á las kuwatro isinoot na sa horno, sabihin bagá ang guló niyong karamihang tawo. Niyong ngang á las singko na ang tinapay ay luto na, hinango kapagkaraka kay doña Maríang kinuha.

104


1bong Adarna Nanhik sa palasio real sa lamesa’y inilagay, sa kuarto’y nagtuluyan at natulog kapagkuan. Ay ano’y nang magising na itong dakilang monarka, ay nagtuloy sa lamesa ang tinapay ay nakita. Nang damputin ang tinapay ay napaso pa ang kamáy, at bagong hinango lamang sa hornong pinaglutuan. Nangilalás na nga rito ang hari ‘t, konsehero, marunong yatang totoo itong bagong naparito. Kung kaniyang nagawa man ang hiniling kong tinapay, sa iba kong kautusán ay siya nga’y mamamatáy. Ay ano’y nang matapos na don Jua’y tinawag niya, naparoon kapagdaka at siya’y nakipagkita.

105


Ang wika nang haring mahal pumanhik kang magtuluyan, isinagót niya naman ako po ay pag-utusan. Kapagkaraka’y kinuha ang fraskong iningat niya, ang hari ay nanaog na ang prinsipe ay kasama. Don Juan ngayo’y tingna mo ang aking hawak na frasko, at ang nasisilid dito labing-dalawang negrito. Ito’y aking pawawalán sa tubig nang karagatan, isilíd mong ulí naman sa fraskong kinalalag-yan. Isa ma’y huag magkulang sa negritong pawawalán, huag namang mapalita’t, kapalit ang iyong búhay. Pinawalán na nga rito labing dalawang negrito, at nag-wika nang ganitó ang haring si don Salermo.

106


1bong Adarna Sa umagang mag-almusál sa lamesa kong kakanan, makikitang walang kulang negritos kong pawawalán. Ang frasko’y ibinigay na kay don Juan nang monarka, at sa palasio’y nanhik na saka tambing nagpahinga. Ay ano’y nang magabi na oras nang Ave María, dumating na kapagdaka ang marikit na prinsesa. Tinanong na si don Juan ni doña Maríang hirang, na kung anóng kautusán nang haring kaniyang magulang. Sagot ni don Jua’t, badyá ó poon ko’t, aking sintá, ganito’y pakingan niya utos nang mahal mong amá. Negrito niyang laruán sa tubig ay pinawalán, itong frasko ay iniwan at mulí kong isilid daw.

107


Na hustong labing-dalawá ang negritos na lahat na. kapag nagkulang nang isa búhay ko ang kahalagá. Ang sagot ni doña María ó don Juang aking sintá, kung yaón ang utos niya huag kang mag-ala-ala, Gasino yung familiar nang haring aking magulang, kapag aking tinawagan ay lalapit silang tanán. Ang dalawa’y nag-agapay at sila’y nagpapanayám, hangang sa madaling araw nang kanilang salitaan. At niyong á las kuwatro na ay nag-wika ang prinsesa, ó don Juang aking sintá ang ilaw dalhin mo muna. Ang frasko’y dalhin mo bagá sa dagat kita’y tumugpá. yaw na nga’t, lumakad na dalawang magkasi’t, sintá.

108


1bong Adarna Lumusong silang nagsabay at ang frasko’y iniumang, saka niya tinawagan ang negritong kalahatán. Balang mahulí sa inyo nang pagpasok nga sa frasko, kahit na sa tubig kayó masisilab sa galit ko. Sa negritong marinig na boses ni doña María, ay na ngag-unahán sila pagpasok sa fraskong sadyá. Ay sa gayong pagkakalat negritos niyang tinawag, sa takot na dili hamak na ngagsipasok na agád. Ang winika nang prinsesa muwí ka na aking sintá, ako’y siyang bahala na sa palasio’y magdadalá. Nagtuloy na si don Juan doon sa porterong bahay, si doña María naman nanhík sa palasio real.

109


Inilagay na sa lamesa yung fraskong dalá niya, sa kuarto’y nagtuloy na at natulog na nga siya. Ay ano’y nang magising na ang haring Salermo bagá, sa lamesa ay nakita ang frasko’y naroon na. Kinuha na at tiningnan ang kaniyang kalaruan, hustong hindi nagkukulang ang negritong pinawalán. Hindi na kumibó siya pinaram sa ala-ala, mayroon pa akong ibang iúutos sa kaniya. Anó’y nang kinabukasan ipinataúag si don Juan, naparoo’t, di sumuay sa haring Salermong mahal. Anitong hari at badyá. yamang pangako nang una, na sa utos kong lahat na don Juan ay susunód ka.

110


1bong Adarna Anang principeng dakila yao’y totoó kong wika, utos mo po kung masira ibig ko pang mamatáy nga. Ang wika nang haring mahal ganito’y iyong pakingan, at nang iyong maalaman itong aking kautusán. Ang ibig ko ngayon naman yaóng bundók na nariyan, ay dito sana malagay sa tapat nang durungawan. Búkas pagka-umaga nga kung manungaw akong biglá, hangin sa bundók tatama ay pumasok sa bintana. Kaya hayo na don Juan utos ko’y sundin mo lamang, kundi mo magawa naman kapalit ang iyong búhay. Umalis na kapagdaka at sa bahay omoui na, nang maka-Ave María naparoón ang prinsesa.

111


Ang winika sa kaniya ó don Juang aking sintá, ay anó ang utos bagá nang aking mahal na amá. Ang utos niya sa akin ó sintá ko’t, aking gilio, ganito ay iyong dingin at aking ipagtuturing. Yung bundók na nariyan aking palakarin naman, at kaniya raw magisnan sa tapát nang durungawan. At ang hanging magahasa doon sa bundók tatama, at sa pág-ihip na biglá ay pumasok sa bintana. Sagot ni doña María kung yaon ang utos niya, huag kang mag-ala-ala ako’y siyang bahala na. Sa kanilang salitaan ay parang isang katawán nang magmamadaling araw ang prinsesa, ay nagsaysay.

112


1bong Adarna Don Jua’y matulog ka na at baka napupuyat ka, ako’y siyang bahala na sa poon kong haring amá. Nang oras ding yaón naman lumakad ang kabundukan, doon niya pinatahán sa bintanang durungawan. Nang ito ay mayari na á las kuwatro nang umaga, ang prinsesa’y pumanhik na na di namalayan siya. Ay ano’y nang magising na itong dakilang monarka, bintana’y binuksán niya at nanungaw kapagdaka. Milagro manding dakila nang Dios na makalinga, isang hanging magahasa sa bundók baga’y tumama. Sa simbuyóng kalakasan bilis nang hanging amihan pumasok sa durungawan nang haring Salermong hirang.

113


Nangilalás na nga rito sampóng loob ay naguló at hindi niya matalo ang principeng naparito. Ito’y bayaan ko muna na sa haring ala-ala, at ang aking ipagbadyá nang magdadapit hapon na. Pinatawag si don Juan doon sa porterong bahay, kita ngayo’y uutusan sundin mo’t, huag sumuay. Sagot nang prinsipe naman sabihin po’t, iyong turan, at nang aking maalaman ang iyo pong kautusán. Ang wika nang hari’t, turing ó don Juan iyong dingin, ngayo’y aking sasabihin yung lahat mong gagawin. Ang bundók mong inilagay sa tapat nang durungawan, ay doon magigisnan sa gitna nang karagatan.

114


1bong Adarna At maging isang kastiyo sa limaga’y makita ko, at gayon din ang simborio ang bilog ay papareho. Sa kastiyong yaon naman ay kung mayari nang tunay, ay pitó namang halayhay ang kañon mong ilalagay. Mulá, sa palasio real at kastiyong paroronán, matuid ang lalakaran na kawili-wiling tingnan. Doon sa kastiyo bagá dadaanan tang dalawá, ay anim ang bateria tatayó ang sentinela. At sa batería naman ay may kañong malalagay, na umaga’y magigisnang pawang na ngag-puputukan. Narito at kunin mo na itong mazo at barreta, sampóng piko at kuchara sa pag-gawá ay talagá.

115


Kinuha na ni don Juan ang lahat nang kasangkapan, at siya’y noui na naman doon sa porterong bahay. Ay ano’y nang magabi na ora’y á las ocho bagá, siya na ngang pagdating na nitong si doña María. Tinawag na si don Juan at saka tinanong naman, na kung anong kautusán nang haring aking magulang. Sinaysay rin namang tunay nang principeng si don Juan. ang lahat nang kautusán nang haring Salermong mahal. At sampong pagbibigay pa niyong mazo at barreta, mga piko at kuchara sa pag-gawá ay talagá. Isinagót nang prinsesa kasangkapa’y aanhin pa, ako’y siyang bahala na sa láhat nang utos niya.

116


1bong Adarna Matulog ka na don Juan na ikaw’y magpahingaláy, sa umaga,i, magigisnán ang kaniyang kahilingan. Ay ano’y nang lumalim na ang gabi ay tahimik na, sa mahikang salamangka ang kastiyo’y ginawá na. Nang oras na yao’y agád ang kastiyo’y pinalakad, doon sa gitna nang dagat kataasa’y sakdál taas. Pitóng andana ang hanay nitong kañong nalalagáy, ang kalzadang lalakaran tuloy sa palasio real. At anim ang batería na may kañong para-para, at ang nakasentinela koroneles na lahat na. Nang ito’y mangyaring tunay kahit isa’y walang kulang, ang prinsesa’y nalis naman at sa kuarto’y nagtuluyan.

117


Ay anó’y pagka-umaga ang hari ay nagisíng na, ang putuka’y sabihin pa sa kastiyo at batería. Ang wika nang haring mahal don Juan kita’y magpasial, ating panoorin lamang sa kastiyong pagkalagay. Yáw na nga’t, lumakad na nagpasial silang dalawá, sinino na kapagdaka nang naroong sentinela. Ang sagot bagá at saysay ako aniya’y si don Juan, anang de la guardia naman emperador nating mahal. Dito na ngani nagtaka ang haring Salermo bagá, at ang nakasentinela koroneles na lahat na. Sa kanilang pagpapasial kabi-kabila’y putukan, ang singsing nang haring mahal nahulog sa karagatan.

118


1bong Adarna Hari’y nangusap pagdaka don Juan kita’y muí na, at iyong ipatahan na ang kañóng nagsisisalva. Itinaás ang espada kay don Juang, hawak bagá, ang putuka’y nagtahan na at di na naringig nila. Ang hari ay nagtuluyan doon sa palasio real, ang principeng si don Juan nuí sa porterong bahay. Mapahapong á las singko nag-utos sa isang itinaas, si don Jua’y tawagin mo at siya’y hinihintay ko. Naparoo’t, di sumuay itong principeng timtiman, anang hari’y pakingan itong aking kautusán. Ngayon sa gabing magdamag pawa mong alising lahát, kastiyo at baterías huag kong magisnan bukas.

119


At sa dati’y isauli mo tapat nang durungawan ko, sa umaga’y magisnan ko huag na hindi sundin mo. Ay ano’y nang matapos na yaón utos sa kaniya, si don Juan ay nalis na sa bahay nuí pagdaka. Niyong magabi na naman nanaog na kapagkuan, ang prinsesang matimtiman pinaroonan si don Juan. Tinanong na kapagdaka na kung anong utós bagá anang prinsipe at badyá ganito ay makinig ka. Ang kastiyong nalalagay sampó nang batería naman búkas huag nang magisnan nang haring iyong magulang. Ang winika nang prinsesa ó gilio ko’t, aking sintá, ikaw ngayo’y matulog na ako’y siyang bahala na.

120


1bong Adarna Nang mahating gabing tapat walang malay silang lahat ay naging bundók na agád yung kastiyong mataás. At nasaulí na sa lagay ang kinuhang kabundukan, at ang bitería naman sa hari’y hindi nagisnan. Tinawag namang mulí pa itong principeng masiglá, naparión kapagdaka sa hari’y humaráp siya. Kapagdating ni don Juan hari’y nangusap pagkuan, di ko yata mabayaran ang lahat mong kapagalan. Saka ngayon ang isa pa muling uutusan kita, anang prinsipe at badyá ay iyo pong sabihin na. Sa kanitang pagpapasial sa kastiyong karikitan, ang singsing kong minamahal nahulog sa karagatan.

121


At sa gabi namang ito yaón lamang ay kunin mo, sa umaga’y madukot ko sa ilalim nang unan ko. Isinagót ni don Juan kung yaón bagá po lamang, kahit aking ikamatay susundin kong malumanay. Ay ano’y nang magabi na á las siyam ang oras na, dumating na kapagdaka itong si doña María. Itinanong kay don Juan ang utos nang haring mahal, sumagot nang mahinusay at ganitó ang tinuran. Ang utos bagá sa akin nang haring amá mong gilio, sa dagat ay aking kunin ang diamante niyang singsing. Anang prinsesa’y ganito tapangan mo ang loob mo, at itong utos sa iyo ay panganib na totoó.

122


1bong Adarna Isang batia ang kinuha nang marikit na prinsesa, may sangkalan at hapák pa sa dagat sila’y tumugpa. Sa batia’y lumulan agád ang dalawang magsing-liyag, pagkapalaot sa dagat ang prinsesa ay nangusap. Huag matakot don Juan tadtarín mo akong tunay, at huag matapon lamang kapirasong aking lamán. Huag kang matulog naman at ako’y iyong abangan, kunin mo sa aking kamáy ang singsing kong ililitaw. Tinadtad na ngani niya itong si doña María, sa tubig inihulog na naging isang isda siya. Sa kalaunang di hamak sa ilalim ay paghanap, ay nakatulog na agad itong principeng marilag.

123


Nang ang singsing ay makuha naging tawo ang prinsesa, daliri’y inalitaw na si don Juan ang kukuha. Sa kalaunang pag-litaw singsing sa daliri’y taglay, sino ang kukuha naman natutulog si don Juan. Sa wala nganing kumuha singsing sa daliri niya, mulíng lumubóg pagdaka itong si doña María. Lumitaw na muling tambing itong prinsesang butihin, at hinihintay na kunin ang na sa daliring singsing. At sa wala ring umabot singsing niyang isinipot, nasok sa kaniyang loob si don Jua’y natutulog. Lumubóg na mulí bagá ang marikit na prinsesa, ikatlóng pag-litaw niya ang batia’y sinikil na.

124


1bong Adarna Mulí namang inalitaw ang daliri niyang mahal, ito namang si don Juan pagtulog ay kahimbingan. Sa hindi rin kunin ngani singsing doon sa daliri, ay inihulog na mulí umahon siyang madalí. Nang sa prinsesang makita si don Juan niyang sintá, himbing na walang kapara ay ginising na nga niya. Dili ang wika ko naman na ako’y iyong abangán, at hindi makalilitaw singsing kung aking tangan. Tingni itong ginawa mo ang oras na’y á las kuwatro, maka mamalayan tayo nang mabunyi haring amá ko. Kung kaniyang maalaman lahat nating kagagawán, ako nga at sampong ikaw kaniyang papupugutan.

125


Kundangan ang alang-alang dalá niyaring kaibigán, kita ay pinahayaang maging bato ang katawán. Marali nang iyong gawin mulí mo akong tadtarin, maka ang hari’y magisíng ay wala pa yung singsing. Sa pagmamadalí niya nang pagtadtad sa prinsesa, umilandang kapagdaka dulo nang daliri bagá. Sa tubig nang ihulog na naging isdá ang prinsesa, ang singsing ay nang makuha naging tawong mulí siya. Sa daliri’y inilagay isinipót na ang kamay, kinuha na ni don Juan at ang prinsesa’y lumitaw. At umahon na nga siya sa batia’y sumakay na, dulong hintuturo niya ang siyang ipinakita.

126


1bong Adarna Tingnan mo ito don Juan ang aking daliri’y kulang, ito’y tandaan mo bilang na sukat ipagkakilanlan. Yaw na’t, umahon bagá dalawang magkasi’t, sintá, ang prinsesa’y nagtuloy na sa real palasiong sadyá. Sa pagtulog na mahusay nang hari niyang magulang, ipinailalim sa unan ang singsing na minamahal. At sa kuarto’y nagtulóy na itong si doña María, at nag-waláng kibó siya parang hindi ala-ala. Ang hari nang magising na dinukot ang unan niya, ay nakuha kapagdaka singsing niyang mahalagá. Naguló ang gunam-gunam nang haring Salermong mahal, at hindi niya mapatay ang principeng si don Juan.

127


Tingnan dito pa sa isa na ipag-uutos ko pa, tantó manding walang sala na siya’y mapapatay na. Tinawag na si don Juan doon sa porterong bahay, siya nama’y di sumuay naparoon kapagkuan. Anitong hari at saysay ngayon ay iyong pakingan, at sa aking kautusán sundin mo’t, huag maliban. Ako’y may isang kabayo ay mailáp na totoo, hindi pa sinasak-yan ko sa umaga’y mansohín mo. Kunin sa kabalyerisa doon natatali siya, sampú nang freno at siya naroon ding para-para. Kaya lakad na don Juan at bukas ka na pariyan iyong mamansohin lamang kabayo kong minamahal.

128


1bong Adarna Umoui na nga sa bahay ang principeng si don Juan, pinag-isip niyang tunay kabayong patuturuan. Ay ano’y nang magabi na higit sa Ave María, ay dumating kapagdaka itong butihing prinsesa. Itinanong kay don Juan na kung anong kautusán, ganito’y iyong pakingán nitong sa aking tuturan. Ang utos niya’y ganitó siya raw ay may kabayo, ay mailáp na totoo, bukas daw ay mansohín ko. Sagot nang prinsesang mahal ó sinta ko’t, aking búhay, baka di mo naalaman ang kabayong tuturuan. Siya rin nga at di iba sa kabayo ay papara, saka ang renda’y siya ang kapatid kong dalawa.

129


At ako ang freno naman nang kabayo mong sasak-yan, ikaw ay magpakatimbang at doon ka mamamatay. Tuturuan kitang tambing nang paraan mong gagawin, at nang hindi ka patayin nang kabayong mamansohín. Kung ikaw’y lalapit bagá doon sa kabalyerisa, matá nito’y magbabaga nakatatakot makita. Kung aayaw magpa-siya ang kabayo’y mag-aarma, palo’t, dagok na lahat na ng gauín mo sa kaniya. Nguni’t, ikaw ay mangilag sa dambá niya at sikat, at ang kukó’y matatalas ang lamán mo’y mawawalat. At kung baga mahina na lumuluha na ang matá, saka mo subuwan siya nang freno sampú nang siya.

130


1bong Adarna Ang bahala naman ako sa bibig nitong kabayo, sa pagka ako ang freno ang renda’y alagaan mo. Kapag-iyong linubayán ang rendang iyong tangan, sa alapaap tatahán ang kabayong sinasak-yán. Ikaw nga ay malalaglag at ang hangin ay malakas, sa lupa ka malalagpak lamán mo’y mananambulat. Huag bayaang lumuag ang rendang iyong hawak, palo’t, takid nang mga espuwela nang manghina siyang agad. At kung baga mahina na laway ay tumutulo na, iyong ibalík pagdaka doon sa kabalyerisa. Nang ito ay masabi na ang lahat na bilin niya, umalis na ang prinsesa si don Jua’y iniwan na.

131


Ano’y nang kinabukasan naparoon si don Juan, ay dinatnan sa hagdanan ang lahat nang kasangkapan. Nang sa kabayong makita prinsipe’y naroroon na, nagningas na nga ang matá apóy ang siyang kapara. At nang anyóng ilalagay yung siya sa likorán, ay nanghina ang katawán nang kabayong tuturuan. Di anong magagawa pa nang siya’y manglambót na, inilagay na ang siya ang freno’y isinubo na. Dito na nga nagdarambá at ibig kagatin siya, palo’t, dagok na lahat na ang ginawá sa kaniya. Inakay na nga sa labas nitong principeng marilág, at sa sakong isinakbát ang matalas na mga espuwela.

132


1bong Adarna Sa kabayo’y sumakay na anyóng iluluksó bagá, hinigpitan na ang renda ay bumiling biling siya. Pálo’t, tákid nang mga espuwela renda’y batak nang batak, at nang di nga mailipád ang prinsipe sa itaas. Ano pa’t, sa kahirapan pagdagok na walang tahan, kaniyang iniilagan ang freno’y huag tamaan. Sa malaking takot bagá kabayong minansó niya. nag-luhá na nga ang matá ang laway ay tumulo na. Nang makita ni don Juan na di na makagulapay, kaniyang sinunód naman sa prinsesang kabilinan. Hinila na ang renda sa palasio ay nuí na, matuid ang lakad niya tuloy sa kabalyerisa.

133


Hinubdán na ni don Juan nang freno’t, siyang maringal, inilagay sa hagdanan at umuwi na sa bahay. Ay ano’y nang magabi na naparoón ang prinsesa, at pinagsabihan niya si don Juang kasi’t, sintá. Búkas ay walang pagsala tantong ipatatawag ka, magtulóy nang pumanhik ka sa hari’y makipagkita. Siya ay iyong daratnán sa katre niyang hihigán. malaki ang kapagalan masasakít ang katawan. Nang ito ay masabi na ay umalis ang prinsesa, sa kuarto’y nagtuloy siyá at nang makapagpahingá. Ano’y nang kinabukasan ang itinaas’y inutusan, tawagin mo si don Juan dito’y aking hinihintáy.

134


1bong Adarna Naparoón na ang itinaas sa bahay niyong portero, ako’y inutusan dito nang haring si don Salermo. Ikaw ay inaanyayahan doon sa palasio real, sumama’t, hindi sumuay sa itinaasong inutusan. Nang dumating sa palasio uika nang hari’y ganito, don Jua’y may damdam ako masakit ang aking ulo. Yamang iyo nang naganáp ang mga utos kong lahat, mamili ka ngayon kaguiat na sa aking tatlóng anák. Ang hari’y nagtindig naman at sumama kay don Juan, tatlóng kuartóng mag-agapay siya nilang linapitan. Yao’y kapua may bútas na sa tablang inilapat, hindi mo natatalastas kagandahan nila’t, kias.

135


Yaóng hintuturo lamang ang siyang ipinalitaw, sa kuartong katapusan doon niya napagmasdan. Hinawakan kapagkuan yaóng daliring marangal, at saka siya nagsaysay ito ang ibig kong tunay. Hindi na nga binitiwan sa daliri’y pagkatangan, kapagdaka ay binuksan kuartong kinalalag-yan. Di anong magagawa pa nitong dakilang monarka, ang mahal sa loob niya ang siya bagang nakuha. Nagsama na kapagdaka magkaibigang dalawá, nag-isip nag-ala-ala itong dakilang monarka. Ang nasok sa loob niya ay kaniyang ipadalá, sa kapatid niyang sintá sa reinong Inglaterra.

136


1bong Adarna Kung kaniyang magustuhán ang principeng si don Juan, doon niya ipakasal at kaniyang alagaan. O kung dili kaya naman at di niya magustuhan, ang principeng si don Juan ay kaniyang ipapatáy. Ito’y lihim na di hamak na ginawa niyang sulat, ay natantó namang agád niyong prinsesang marilag. Kung yaón ang kalooban nang haring aking magulang ako ang gagawa naman isang mabuting paraan. Inutusan kapapdaka si don Juan niyang sintá, doon sa kabalyerisa isang kabayo’y kumuha. Iyong bibilangin lamang ay ang ikapitong tunay na mgaling sa pintuan, ang kunin mo at siyahán.

137


Dito’y umalis na kita sa Berbania ay muwí na, at tayo’y ipadadalá sa reinong Inglaterra. Si don Jua’y nanaog na tungo’y sa kabalyerisa, sa pagmamadali niya ikawaló ang nakuha. Sinubuwan na ngang tambing nang freno’t, siyang magaling, ay siya namang pagdating nitong prinsesang butihin. Nang ito baga’y makita kabayong sasak-yán nilá, nagdala rin nang pangambá ang marikit na prinsesa. At nangusap kay don Juan kita’y panganib sa daan sa di pagsunód mong tunay sa lahat kong kautusán. Di ang bilin ko sa iyo kunin mo ang ikapitó, ay bakit ang ikawaló ngayo’y siyang kinuha mo.

138


1bong Adarna Di anong magagawa pa siya’y siyang nariyan na, sumakay na ang dalawá at umalis kapagdaka. Nang silá ay mapalual sa labas nang kaharian, agad silang namalayan nang haring Salermong mahal. Hinabol na nga’t, sinundan ang dalawang nagtaanan, nang sila’y maa-abutan ang prinsesa ay nagsaysay. Don Jua’y naririto na ang habol ay malapit na, panganib kitang dalawá sa hari na aking amá. Tingnan mo ang kalakasan nang kabayo mong iniwan, kita ngayo’y aabutan dito sa gitna nang parang. Ang ginawa nang prinsesa niyong aabutan sila, inilaglag kapagdaka ang karayom niyang dalá.

139


Ay naging tinik na bakal ang hari’y di makaraan, hindi makasagui naman ang kabayong sinasak-yan. Sa malaking galit bagá sa nagtaanang dalawá, sa kabayo’y lumunsád na at hinawanan na niya. Husto ngang dalawang araw bago niya nahawanan, at tatlong leguas ang lagay nang dalawang sinusundan. Hinabol na ngang muli pa ibig ding mapatáy niya, ibon ang siyang kapara tulin nang kabayo bagá. Nang malapit nang abutan prinsesa’y muling nagsaysay, don Jua’y eto na naman ang haring aking magulang. Ang ginawa nang prinsesa kinuha ang sabón niya, sa lupa’y inihulog na naging isang bundók bagá.

140


1bong Adarna Hindi ngani magkaraan ang kabayong sinasak-yan, nababaón ang katawán sa sabón na kabundukan. Naisip sa loob bagá nitong dakilang monarka, na hilahin ang renda at mag-libid kapagdaka. Ang lagay apat na leguas nang dalawang magsing-liyag, sa malaging paghihirap kagalita’y dili hamak. Na sa gayong kalayo na at di na niya makita, hinabol din kapagdaka ang nagtaanang dalawá. Nang malapit nang abutan prinsesa’y agad nagsaysay, nakita mo na don Juan tayo ngayo’y aabutan. Kung kulanging palad kita ito na ang ating hanga, papataying walang sala nang haring poon ko’t, amá.

141


Ang ginawa nang prinsesa niyong aabutan sila, ang kohe niya’y kinuha sa lupa’y inihulog na. Naging isang karagatan na malalim at maluang, hindi na nga nakaraan kabayo nang haring mahal. Di anong magagawa pa di na makahabol siya, ginawa nang hari baga benendicionan pagdaka. Sa pangalan nang May-gawa nang Dios Haring dakila, ito ngayong aking sumpa tumaláb sa iyong pawa. Kung ikaw’y dumating diyan sa reinong paroroonan, tunay na ikaw’y iiwan sa labás nang kaharian. Ikaw nawa’y malimutan nang principeng si don Juan, at ikaw ay pabayaan sa iba siya pakasal.

142


1bong Adarna Sa masamang kapalaran itong hari’y nagkadamdam, sa dalamhati at lumbay ay siyang ikinamatáy. Ito’y lisanin ko muna ang namatáy ay anhin pa, ang aking ipagbabadyá si don Juan at prinsesa. Nang sila ay dumating na doon sa labas nang viya, ay nangusap kapagdaka si don Juang kasi’t, sinta. Dito ay kita’y iiwan ikaw’y huag malulumbay, sa pagka’t, tantong mahalay pumasok na gayon lamang. Isinagót nang prinsesa ó don Juang aking sintá, ay di maliligalig pa ang mahal mong haring amá. Sagot nang prinsipe’t, saysay totoo sintá ko’t, búhay sa iyo nama’y mahalay di salubungin sa daan.

143


Kay doña Maríang turing sa winika mo sa akin, itong aking tagubilin sa loob huag limutin. Kung ikaw ay dumating na sa real palasio bagá, ay huag palalapit ka ni sa iyong reinang iná. Sa kangino mang babayi don Jua’y iyong pakingui, sa reino’y huag mangyari ako’y mawawalang puri. Kapag ikaw’y nalapitan nang babaying sino pa man, ako’y makakalimutan sa viya’t, labás nang bayan. Sagot ni don Jua’t, badyá huag kang mag-ala-ala, ako’y walang ibang sintá hindi malilimutan ka. Lumakad na si don Juan pumasok sa kaharian, at nagtulóy kapagkuan sa hari niyang magulang.

144


1bong Adarna Nang siya ay dumating na sa harap nang haring amá, kaguluha’y sabihin pa nang konseherong lahat na. Sa malaking kaingayan sa loob nang kaharian, ito’y agád napakingan ni Leonorang timtiman. Binuksán na niyang tambing yung silíd niyang lihim, lumapit na nga sa siping ni don Juang sinta’t, gilio. Umupo na kapagkuan doon sa sinapupunan, nawala sa gunam-gunam prinsesa niyang iniwan. Ang wika ni Leonora ó darakilang monarka, dingin nang iyong hari ang aking munting quereía. Pagka’t, ngayo’y narito na ang sa akin ay kumuha, tapós na po ang panata na hiningi ko nang una.

145


Ako’y dito pakakasal at siyang aking katipán, si don Pedrong tampalasan sa loob ko ay masukal. Sukat na po haring mahal ang aking munting tinuran, at di ko ibig masaláng sugat nang puso ko’t, subiang. Ang hari ay natigilan nang sa prinsesang tinuran, at tila mandin may bagay ay hindi tapatin lamang. Napaayon kapagdaka itong dakilang monarka, kahit kay don Juan bagá tunay ring manugang kita. Sa lingo’y walang pagliban ang sa inyo’y pagkakasal, nguni ay mayroong lamán ang sabi mong binitiwan. Ang sagot ni Leonora mayroon nga po aniya, at kung aking ipagbadyá malalagót ang hiningá.

146


1bong Adarna Kung akin na pong makamtán yung matrimoniong mahal, saka ko po isasaysay ang lihim kong iningatan. Ito’y lisanin ko muna ang súgat nang púso niya, at ang aking ipagbadyá itong si doña María. Nang maging tatló nang araw ang kaniyang paghihintay, nang wala rin si don Juan balisa ang gunam-gunam. Ito’y malilihim bagá sa dunong na iningat niya, ay natantó kapagdaka nang marikit na prinsesa. Na sa lingo’y ikakasal ang principeng si don Juan, ako’y makikipagkangay sa araw nang kafiestahan. Madali’t, salita bagá ay hahaba ang salaysáy, ang lingo’y nang dumating na gumayák na ang prinsesa.

147


At sa singsing nganing mahal na kaniyang iniingatan, ay humingi kapagkuan karrosa niyang sasak-yán. Humingi rin naman siya nang damit emperadora, sa araw na yaón bagá ay lumitaw kapagdaka. At tambing na ngang nagbihis niyong damit emperatris, lalong nagningning ang dikit serafin mandin sa langit. Sa karrosa ay lumulan itong prinsesang timtiman, ang katulad at kabagay yung luminariong Buwan. At ang na ngag-sisihila kabayong labing-dalawá, magkaparis ang itsura naka-aalio sa matá. Anim ang kocherong hirang sa kabayo’y sumasakáy, at saka anim din naman ang librea sa likorán.

148


1bong Adarna Magkaparis ang vestido nang librea at kochero, pumasok na nga sa reino ang emperatris na bago. Sa araw ring itó bagá ikakasál ang dalawá, prinsipe’t, si Leonora at sila’y mag-aasawa. Nang makita sa palasio ang karrosang gintong puro, anang haring don Fernando emperatris sa banta ko. Ay ating itigil muna pagkakasal sa dalawá, baka manonoód siya nitong pagdedesposada. Ang wika nang kalahatán emperatris nga po iyan, manonoód ang dalihán sa bago pong ikakasal. Nang dumating sa harapán sinalubong sa hagdanan, anang hari’t, mga mahal emperatris na marangal.

149


Sila ay nagsi-loklók na sa mga uupáng siya, ay nangusap kapagdaka itong si doña María. Ang sadyá ko pong talagá manoód nang desposada, akó yata’y nahulí na at silá ay nakasál na. Ang sagot nang haring mahal emperatris na marangal, natigil ang pagkakasál sa iyo po ang dahilán. Ang wika niya at saysay haring makapangyarihan, ako ang korderang leal na naparitong nag-lakbáy. Di kaya mangyari bagá mahal na iyong hari, isang laro’y ipakita dito sa novio at novia. Ang wika nang hari’t, saysay ó emperatris na mahal, ituloy ang kalaruan sa haráp nang kapisanan.

150


1bong Adarna Nang ito ay marinig na nang mabunyi emperadora, kinuha na kapagdaka diamanteng singsing niya. At humingi naman dito nang isang malaking frasko, na may lamáng tubig ito may negrita at negrito. At isang korong músiko ang hiningi naman dito, di naman makikita mo ang tumutogtóg na tawo. Ang isang kataká-taká sa laróng palabás niya, ay may hawak na sumamo ang marikit na negrita. Siya ngang pag-winika na ang músiko’y tugtugin na, at magsayáw ang dalawá na negrito at negrita. Sinong di matuá naman sa dalawáng nagsasayáo, sa tugtóg ay nababagay yaóng kilos nang katawan.

151


Mag-wiwika kapagdaka itong si doña María, itigil iyang músika pag lilibad nang dalawá. At saka tatanong bagá itong mahal na negrita, kung hindi nakikilala yaóng si doña María. Sagot naman nang negrito hindi nakikilala ko, iyang itinatanong mo di ko masabi kung sino. Diyata don Juan aniya hindi mo nakikilala, itong mahal na prinsesa siya mong kasamasama. Nang ikaw ay pag-utusan nang hari niyang magulang, tibagin ang kabundukan ang trigo ay ibinigay. Di niyon ding gabí bagá itong trigo ay namunga, ginawang tinapay niya sa palasio ay dinalá.

152


1bong Adarna Kung hindi naalaman mo ginawáng bien sa iyó, ang sumamo sa kamay ko madurog sa katawán mo. Saka papaluin naman ang negritong kaagapay kung ano’t, ang nasasaktán ang principeng si don Juan. Aróy ko ang wiwikain sinong pumalo sa akin, kapagdaka ay lilingapin ay walang tawong kasiping. Siyang pag-wiwika naman ulitin ninyo ang sayáo, músiko’y magtutugtugan nakaaalio sa lumbay. Saká naman mag-lilibád negrito’t, negritang hayág, maraming tawong di hamak ang nagsisi-pangilalás. wika ni doña María itigil iyang músika, at saká tatanóng bagá sa negrito ang negrita.

153


Niyóng ikaw’y pag-utusan nang hari niyang magulang, na sa dagat ay pawalán ang kaniyang kalaruan. Labing-dalawang negrito ang nasisilíd sa frasko, sabihin mo sa harap ko kung sinong humuli nito. Dili si doña María na iyong kasama-saíma, at ang frasko’y hawak niya may ilaw ka namang dalá. Di siya rin ang naglagay sa fraskong kinasisidlán, siya ring nagdala naman doon sa palasio real. Isinagót naman dito hindi nakikilala ko, papaloin na nga rito nang negrita ang negrito. Kung ano at si don Juan ang siya ngang nasasaktán, marahás na karunungan sa prinsesang tinatangnan.

154


1bong Adarna Nang kalahati nang oras ang kanilang paglilibad, ay muli namang nangusap yung prinsesang marilág. Ang wika’y itigil muna ang pagtugtog nang músika, ang negrita’y tatanong na sa negrito na kasama. ¿Diyata’t, di mo kilala yung si doña María! ay hindi ang sagot niya kung sino’t, kung alín siya. Anitong negrita naman sasabihi’y pakingán, at nang iyong maalaman nagligtás sa iyong buhay. Hiniling sa iyo naman mataas na kabundukan, at doon nga magigisnán sa tapát nang durungawan. Ang winika nang negrita ganito’y tahakin ko na, at nang iyong makilala yung si doña María.

155


Ang bundók mong inilagay sa tapat nang durungawan, doon naman magigisnan sa pusod nang karagatan. At ginawa pang kastiyo nang pag-ibig nga sa iyo, saka ngayo’y nilimot mo at hindi mo asikaso. Singsing nang haring mahal nahulog sa karagatan, di iyong tinad-tad naman si doña Maríang hirang. Ang kapirasong daliri sa dagat natapon ngani, naging tandang ikawari sa pagkilalang madali. At bukód sa rito naman nang sa iyo’y paturuan, ang kabayong tampalasan na lalo mong kamatayan. Di ginawán ka nang daan niyang prinsesang marangal, ang ama’y kahit masaktán sa pagsintá ang dahilán.

156


1bong Adarna Di nang makapanhik ka na sa real palasiong sadyá kayong dalawa’y nagsama sa sariling kuarto niya. Ay naisip kapagdaka nang haring kaniyang amá, na kayó ay ipadalá sa reinong Inglaterra. Si doña María naman gumawa rin nang paraan, at nang kayo’y makatanan sa reinong de los Cristal. Niyong kayo’y aabutan nang hari niyang magulang, ay kaniyang hinadlangan nang matinik na kawayan. At bago nga nakaraán ang haring Salermong mahal, ay tatlóng leguas ang lagay niyong inyong kalaywan. Hinabol kayong dalawá nang anyong aabutan na, ang sabóng kaniyang dalá sa lupa’y inihulog na.

157


Tingnan mo ang karunungan niyong prinsesang timtiman, naging isang kabundukan yung sabóng binitiwan. Hindi na nga nakaraan ang kabayong sinasak-yán, apat na leguas ang lagay niyong inyong kalaywan. Diyata’t, sa lahat bagá nang hirap niyang dinalá, hindi mo pa nakilala yung si doña María. Papaluin kapagkuan ang negritong kalibaran, kung ano’t, ang nasasaktán ang principeng si don Juan. wiwikain nang negrita diyata’t, totoó bagá, sa loob mo’y nawala na yung mahal na prinsesa. Papaluing walang tahan ang negritong kaagapay, boong katawa’y nag-latay nang principeng si don Juan.

158


1bong Adarna Ang wika ni doña María tugtugin yung músika, nagsayáw na mulí bagá ang negrito at negrita. Ay nang may isang oras na pag-lalaró nang dalawá, ay nangusap ang prinsesa ang músiko’y itahán na. Ang tanong nitong negrita don Jua’y diyata bagá, totoong di mo kilala itong si doña María. Isinagót nang negrito hindi natatalastas ko, anang negrita’y ganito sasabihi’y pakingan mo. Di kayo’y nang aabutan nang haring Salermong mahal, gumawa pa nang paraan itong prinsesang timtiman. Di ang kohe niyang dalá sa lupa’y inihulog na, naging dagat kapagdaka hindi nakatawid siya.

159


At nang kayo’y dumating na Ermopolisis na viya, sa bahay niyong pastora iniwan mo ang prinsesa. Di ang bilin niyang tunay sa babaing kangino man, huag palapit don Juan at siya’y malilimutan. Kundi mo pa sinusukat dinaanan niyang hirap, ngayon na ang pagkautás ng buhay mong walang palad. Sa oras ding ito bagá ang músiko’y nawalá na, ang negrito at negrita hindi na nila nakita. At ang frasko nga ang siyang bukód na natira lamang, siya ang kinalalag-yan niyong kay don Juan buhay. Ang winika nang prinsesa diyata don Juan aniya, di mo pa nakikilala yung si doña María.

160


1bong Adarna Yayamang gayon din lamang ako’y walang kabuluhán, pagsisi nang kasalanan at siya mong kahanganan. Siya na ngang pagdampot na sa frasko nitong prinsesa, at babasaging talaga sa malaking galit niya. Dito na nga naramdaman nang principeng si don Juan, at nakilala ngang tunay si doña Maríang mahal. Linapitan kapagdaka at saka niyakap niya, ikaw nga ang aking sinta na iniwan ko sa viya. Ako ang may kasalanan sukat mong paghinanaktan, pagka’t, ako’y nalapitan ni Leonorang timtiman. Ako’y parang ulól bagá na sa loob kong mag-isá, kundi ngayon lamang sintá hindi ko na-ala-ala.

161


Ikaw ang sintá kong tunay na pinagsadyáng linakbáy. sa reinong de los Cristal ang pinuhunan ko’y búhay. Patawad doña María sa aking pagkakasala, ang katawa’t, búhay ko pa ay sa iyo’t, di sa ibá. At saka nag-wika naman ó haring aking magulang, dito akó ipakasál sa emperatris na mahal. Anang doña Leonora mahal na iyong hari, sandaling pakingán niya ang aking munting quereía. Ngayon ko na po tuturan ang lihim kong iningatan, at nang iyong maalaman yung hirap ni don Juan. Ako ay doon kinuha sa bundók niyong Armenia, kami ay magkakasama kapatid kong doña Juana.

162


1bong Adarna Tiwasáy ang aking lagay sa lupang kailaliman ang principeng si don Juan ang siyang kumuha lamang. Bukód dito ang isá pa ó darakilang monarka, nang siya’y pagliluhan na kapatid niyang dalawá. Nang kaniyang pagbalikán ang singsing kong minamahal, siya’y agád tinalian magkapatid na sukaban. Nang mayroong sampóng dipá ang lubid na nahulog na, ay tinagpás nang espada ni don Pedrong palamara. Nang makita ko ang lagay nang principeng si don Juan, akó tantong daramay sa kinahulugang hukay. Ako’y agad sinungaban ni don Pedrong tampalasan, ang lobo ko sa sukbitan ang kinuha ko na lamang.

163


Inihulog ko sa hukay at aking pinagbilinan kahit patáy si don Juan ay iyong pag-remediohan. Ito nga po haring mahal ang iyo lamang hatulan, kung siya’y dapat makasal kay doña Maríang hirang. Ang wika nitong monarka ikaw ang unang nakuha, an sagot ni Leonora ako nga po’t, dili ibá. Sa iyo ang karampatan si don Juan ay ipakasál. sapagka’t, iyong binuhay sa balóng kinahulugan. Sa hatol bagang nasambit sinong makapag-aalis, doña María’y nagtindig at kapagdaka’y nagsulit. Ito ang winika niya ó darakilang monarka, dingin ngayon nang lahat na ang aking munting quereía.

164


1bong Adarna Ang wika nang haring mahal sabihin mo na at turan, at nang aking maalaman ang iyong pahahatulan. Ang wika ni doña María kung gayon po’y makinig ka, kay don Juan dahil bagá ang aking pinag-hablá. Naparoon at nag-lakbay sa reinong de los Cristal, kami ay nagkaibigan usapan nami’y matibay. Gaano ang búhay niya sa utos nang aking amá, akó ang naghirap bagá na sumunód sa kaniya. Kung aking pinabayaan ang principeng si don Juan, hindi na darating naman doon siya mamamatáy. Naguló ang gunam-gunam ng haring Fernandong mahal, kumuhang sanguni naman sa arsobispong marangál.

165


Ang sa arsobispong saysay kung sinong unang katipán, siyang dapat pakasalán nang principeng si don Juan. Sagot ni doña María ó amá nang kalolowa, ang sa tawong puri bagá di búhay ang kahalagá. Anang arsobispo naman ngayo’y wala ka nang daan, at may na unang katipán na marapat pakasalán. Kay doña María’y itó kung wala ring daan ako, hinawakan na nga rito yaóng itiniráng frasko. Ibinuhos na marahan ang tubig sa fraskong mahal, ano pa nga’t, nag-languyan ang tawo sa kaharian. Ang tubig ay umapaw nga hangang palasiong bintana, dito’y agád na nga mutlá ang lahát nang tawong madlá.

166


1bong Adarna Ang winika ni don Juan sukat na sintá ko’t, búhay, aking ipa-aaninaw ang totoong katuiran. O mahal na pontífise kay Jesús na kahalili, yaring aking munting sabi ngayo’y sandaling pakinguí. Ang prinsesa Leonora ay hindi ko tangká siya, sa balóng aming sinonda doon ko lamang nakita. Pinuhunan ko nga’y búhay sa serpienteng nakalaban, at kay doña Juana naman sa giganteng nagtatangan. Kung kaya pinagliluhan mga kapatid kong hirang, sa singsing niyang naiwan na aking pinagbalikan. Abót na prinsesang mahal ang singsing mong nalimutan, at dito nagmulang tunay tanang aking kahirapan.

167


Sa búhay kong pinuhunan nang sa iyo ay pag-agaw, bagama’t, iyong binuhay bilang nakapalit lamang. At nag-wika si don Juan dito ako pakakasál, sa prinsesang lubhang mahal sa reinong de los Cristal. Ang wika nitong monarka kay don Pedro’y pakasál na, at hindi naman sa ibá at tunay ring anák kita. Sapagka’t, wala kang daan kay don Jua’y mapakasál, matigas ang karunungan ni doña Maríang mahal. Ang sagot ni Leonora ó darakilang monarka, ikaw po ang bahala na gawin ang balang magandá. Nang maringig yaon bagá nang haring kaniyang amá, sumanguning muli siya sa arsobispo ngang sadyá.

168


1bong Adarna Ano pa nga at nagkabagay pinag-isang katuiran, tinawag nilang marahan doña Leonorang mahal. Nang oras ding yaón naman sabáy silang ikinasál, fiesta’y dalawang siyam sa Berbania kaharian. Ay ano’y nang matapos na ang kanilang pagsasayá, isasalin ang korona kay don Juang anák niya. Si doña María’y nag-wika ó monarkang darakila, sumandaling mag-unawa sa aking ipag-wiwika. Ang korona’t, setrong mahal si don Pedro ang salinan, ako’y may korona naman sa reinong de los Cristal. Sa winikang ito baga niyong si doña María, ipinutong kapagdaka kay don Pedro ang korona.

169


Ang sa marikit na reina mabunyi doña Leonora, ibinigay sa kaniya ang mahal na diadema. At sila’y umúi naman sa reinong de los Cristal, gayong layong linakaran isang oras na linakbay. Ang katulad at kapara nitong si doña María, lumabás sa, isang guerra at nanalong nagtagumpay. Ito’y aking pabayaan tagumpay niyang kinamtán, at aking ipagsasaysay ang kanilang paglalakbay. Nang sila’y dumating naman sa reinong de los Cristal, wala na nga at namatáy ama’t, kapatid na hirang. Ang dinatnan sa palasio sekretaryo’t, konsehero, siya ngang pagdating dito nang emperador na bago.

170


1bong Adarna Yung enkantong laon na ay inalis kapagdaka, yaóng batóng balót nila nagsilitaw na lahat na. Ang lihim na iningatan nang hari nilang magulang sa panahóng ito naman ay kaniyang inalitaw. Ang tigre’t, león sa parang at tawo sa kaharian, sila’y na ngagsipaluál sa balát kayong katawan. Nang, mangyaring malabas na ang tawo ay kumapal na, nagpahanda nang lamesa itong si doña María. Ang siya’y gayon din naman ay husto ring walang kulang, ang pagkaing bagay-bagay sa lamesa’y nalalagay. At sa dulo nang lamesa mayroong dalawang siya, na uupán bagáng sadyá nang prinsipe at prinsesa.

171


Saká naman kapagdaka itong si doña María, nuha nang isang bandeha inilagay ang korona. Kumuhang sintabi naman sa haráp nang mga mahal, na naroong napipisan konseheros bagáng tanán. Pagmalasi’t, tingnan ninyo ang emperador na bago, siyang nahalili ito doon sa haring amá ko. Ipinutong kapagdaka yung setro at korona, at sa kay doña María ang mahal na diadema. Matapos umagapay na ang mabunyi emperadora, at kumain ang lahat na sa marikit na lamesa. Nang sila ay matapos na nang pagkaing mahalagá, nagsi-tindig na lahat na para-parang na ngag-mabuhay.

172


1bong Adarna Mabuhay ang inahihiyaw nang boong sangkaharian, mabuhay na walang hangan ang emperador na mahal. Sabihin bagá ang guló doong sa loob nang reino, araw, gabi ang músiko walang tahan sa palasio. Ay ano’y sa matapos na siyam na araw na fiesta, kaguluha’y payapa na nitong bagong nagkorona. Ang emperador na mahal at asawa niyang hirang, nagpasunod nang mahusay sa tanang nasasakupan. Ano ipa’t, silang dalawá sing-ibig na mag-asawa, mahusay ang pagsasama walang pagtatalo bagá. Sila’y lubós nagkabagay at kapua mga mahal, mag-utos pa ay malubay sa mga vasayong tanán.

173


Kaya nga’t, ang naging hangá nitong mabunyi mag-asawa, nang sila’y mgamatay na kinamtan ang santa gloria. Ito ang dapat tularan nang mag-asawang sino man, ang loob na kababaan kapatid nang kapalaran. Akin nang bibig-yáng hangá kuwentong ipinagbadyá, kung sa letra’y may sumala kapupunan ay kayó na.

—•—

174




Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.