BALITA
Buwan ng wika, makulay na ipinagdiriwang sa pagpasok ng mga bagong patimpalak Noong ika-26 ng Agosto, ipinagdiwang ng High School Department ang Buwan ngWika na may temang “Wika ang Puhunan, Lahi ang Sandigan, Wagi sa lahat ng Larangan”. Sa umaga, nagkaroon ng parada ng mga Bida kung saan ang kinatawan ng bawat silid ay iminodelo at isinatao ang mga kilalang personalidad sa iba’t ibang larangan tulad ng musika, sayaw, pelikula, literatura at kulturang popular. Nagkaroon din ng tatlong magkasabay na patimpalak pagkatapos ng parada. Ang mga kalahok sa E-kuwento ay nagtagisan sa masining na pagkukuwento ng mga parabula o kuwentong hango sa bibliya gamit ang mga makabagong teknolohiya. Ito ay naganap sa Pere Chauvet Hall at natunghayan ng mga mag-aaral mula sa silid bilang 8, 9 at 10 ng bawat taon. Nagpakita naman ng talento
04
- SINAG
sa larangan ng musika ang mga kalahok ng Dueto sa pag-awit ng kanilang bersyon ng mga OPM na awiting pinasikat ng Apo Hiking Society at ni Ogie Alcasid. Ito’y nasaksihan naman ng mga magaaral ng silid bilang 1, 3, 5 at 7 sa SPCP Tent. Ang huling patimpalak ay ang Tagis-Talino na ginanap sa Pre-School Convention Hall kung saan ang mga mag-aaral ng silid bilang 2, 4 at 6 ang nagtunggali. Pagdating ng hapon, naganap naman ang pinakainaantabayanang pagligsahan, ang “Larong Lahi” sa SPCP Tent. Iba’t ibang larong Pinoy ang isinagawa tulad ng Agawang Panyo, Limbo Rak, Namamalengke si Maria, at Pandanggo sa Diyaryo. Pagkatapos nito, pinarangalan ang mga nagsipagwagi sa patimpalak sa pagsulat ng sanaysay, Tagis-Talino, Dueto, pagbuo ng patalastas, E-Kuwento at Laro ng Lahi sa pangunguna ni Bb.Alejandro, STL ng Filipino.
Makabagong teknolohiya, tampok sa kauna-unahang E-kuwento Kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang Filipino Area ay naglunsad ng bagong patimpalak kung saan ang mga mag-aaral ay nagpamalas ng kanilang husay sa masining na pagkukuwento sa makabago at kakaibang paraan. Ang patimpalak na ito ay tinawag na E-Kuwento.
Matapos ang patimpalak, si Raffaela Razon ng ikaapat na taon ang nagwagi ng unang gantimpala habang si Judith Valdes naman ng ikatlong taon ang nagtamo ng ikalawang gantimpala. Ang mga hurado ng patimpalak ay sina Gng. Obani, Bb. Nikki Turano, Bb. Artuz at Bb. Castanar.
Sa E-kuwento, inatasan ang bawat kalahok na magsalaysay ng kuwento mula sa mga kuwento o parabula sa bibliya. Kailangang maging malikhain ang mga kalahok sa makabagong paraan ng pagkukuwento sa pamamagitan ng paggamit ng power point presentation, videos at iba pa. Limang mag-aaral mula sa iba’t ibang antas ang lumahok sa patimpalak. Bawat pangkat ay may tatlong miyembro na ang isa ay magiging tagapagsalaysay at ang dalawa naman ay maghahanda ng presentasyon o gagamiting biswal. “Lahat tayo ay may kakayahan dahil ginawa tayo ng Diyos sa kanyang kagustuhan”, ang pahayag ni Maggie Mendoza, ang kinatawan ng ikapitong baitang, nang siya’y tanungin kung ano ang nararamdaman niya matapos ang kanyang pagtatanghal. Idinagdag pa niya na siya ay lubos na kinabahan sa simula, ngunit napawi rin ito dahil sa kaniyang naging magandang karanasan sa patimpalak.
Mga mag-aaral, nagpamalas ng angking kakayahan sa pagdedebate Isang kakaiba at bagong patimpalak ang ginanap noong ika-22 at 23 ng Agosto para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Sa unang pagkakataon, nagkaroon ng isang pagdedebate gamit ang Wikang Pambansa ang High School Department sa pangunguna ng klase ng GIFT Forensic Speech and Debate (FSD) ni G. Jaime Reyes. Sa patimpalak na itong tinaguriang “Talas ni Balagatas,” naipamalas ng mga piling mag-aaral ng bawat antas ang husay at kakayahan sa pagdedebate
Sa unang yugto ng semifinals, nagtagumpay ang Sophomores laban sa Freshmen. Ang paksa ng kanilang debate ay kung nararapat bang magtinda ng softdrinks sa canteen o hindi. Ang paksa naman ng sumunod na yugto ng Juniors at Seniors ay kung binibigyang halaga ba ng mga Filipino ang larong football. Dito, tinanghal na panalo ng mga hurado ang Seniors. Ginanap ang Talas ni Balagtas finals sa pagitan ng Sophomores and Seniors noong Agosto 25, 2011, sa LRC Arts Hall. Ang pinagdebatehang paksa ay kung ang Bandila ng Pilipinas ay maaring gamitin sa kahit anong uri ng kasuotan, at kung maaaring ibahin ang tono at kumpas sa pagkanta ng Lupang Hinirang. Matapos ang mainit na labanan, nanalo ang Seniors. Ang
Sophomore na si Nicole Icasiano naman ang pinarangalan bilang pinakamahusay sa pagdedebate at pagsasalita. Ang mga kinatawang ‘Balagtas’ ng Freshmen ay sina Elise Sunga, Teresa Naval, Annika Herico at Celina Gonzales na may kapalit na sina Gabee Paras at Monica Omondang. Mula sa ikalawang taon, ang mga ‘Balagtas’ ay binuo ng kuponan nina Nicole Icasiano, Lia Daus, Nicole Chiong at Andie Dagala na may kapalit na sina Mia Ochoa at Venice Gabriel. Ang lupon naman ng ‘Balagtas’ mula sa Juniors ay sina Angela Rayos del Sol, Marian Atienza, Frances Sayson at Bettina Abad Santos. At ang mga ‘Balagtas’ mula sa Seniors ay sina Alyssa Danette Uson, Eunice Cube, Frenchesca Tonson at Maria Mahusay. Ang mga nag-organisa ng gawaing ito ay ang mga mag-aaral ng FSD sa pangunguna nina Monse Alfaro at Mikee Bernardino.
SINAG -
05
Ang WIKA ng ating LAHI
ni Katrina Sinamban at Austine Muyco larawan ni Katerina Gohh
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” “Ang hindi magmahal sa kanyang salita ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gayang inang sa atin ay nagpala.” Ito ang tanyag nakasabihang mula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose P. Rizal sa kanyang tulang isulat na “Sa Aking Kabata”. Binibigyang-diin ng salawikaing ito ang kahalagahan ng wika sa buhay ng isang tao. Ang wika ng isang bansa ay ang kaluluwang nagbibigay buhay dito. Ito rin ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga mamamayan. Sa pamamagitan ng iisang wika, yumayabong at nagkakaroon ng pagkakaisa at pagkaka-unawaan sa pagitan ng mga mamamayan. Ito rin ang nagsisilbing susi sa pagkakakilanlan ng bansa, sapagkat natatangi ang wika ng bawat bayan. Ang kahalagahan ng pagpapalawak at pagsulong ng ating pambansang wika ay matagal nang binibigyang-pansin ng ating mga pinuno. Sa Pilipinas, mayroon tayong higit sa isandaan wika ang umiiral at ginagamit, kaya naman sa ilalim ng pamumuno ni Manuel L. Quezon, kinailangang bumuo ng isang lupon upang pumili ng pambansang wika na magbubuklod sa ating lahat upang tayo’y magkaintindihan. Simula noo’y marami nang pagbabago
06
- SINAG
ang pinagdaanan ng wikang Filipino katulad ng pagbuo ng opisyal na alpabeto at ortograpiya, ngunit masasabi pa rin na ito ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng ating kultura na nag-uugnay sa ating lahat. Bilang pagbubunyi sa ating pambansang wika, taon-taong ipinagdiriwang ng St. Paul College, Pasig, ang Buwan ng Wika tuwing Agosto. Ang tema para sa taong ito ay “Wika ang Puhunan, Lahi ang Sandigan, Wagi sa Lahat ng Larangan,” at lalong pinaganda ang selebrasyon sa pamamagitan ng pagpapakilala sa mga bagong patimpalak katulad ng Talas ni Balagtas at ng E-Kuwento. Ang Buwan ng Wika ay isa sa mga pagkakataong maaari nating ipakita bilang mga Paulinian ang kalinangan ng wika at panitikang Filipino. Pagkakataon din ito upang iparating sa ating mga kababayan na ang ating pambansang wika ay isa ring pundasyon ng matatag ng bayan. Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay ang una nating hakbang upang ipagmalaki at itanghal ang lahing Pilipino. Ang ating wika ay ang kaluluwa ng ating bansa, kayanaman nararapat lamang na ipagdiwang ng bawat Pilipino ang pagsilang nito.
EDITORYAL:
Hayaan ang Batas ay Umiral ni Louise Ferrer at Jena Tiongson
Walang tigil ang pagpintas ng mga Katolikong Pilipino noong nailantad sa madla ang “Poleteismo,” isang likhang-sining ni Mideo Cruz, isang Pilipinong pintor at mangguguhit, na nagpapakita ng isang kalapastanganan sa relihiyong Katoliko nang pahintulutang maisama ito sa eksibit sa Cultural Center of the Philippines (CCP). Ngunit hindi rin naman sila masisisi. Mabigat ang kasalanan ni Mideo at nararapat lamang tiyakin ng gobyerno na siya ay mapanagot o maparusahan. Kahit na karamihan sa mga tao ngayon ay naghihirap upang sila’y maging sikat, isang simpleng paraan ang ipinakita ni Mideo Cruz upang lumitaw ang kanyang pangalan sa publiko: gumawa ng hindi inaasahan. Sa isang panayam, nasabi ni Cruz, “I never go out of my way to offend; but I do like to provoke debates and critical thinking.” Tama nga naman ang kasabihang, “Be careful what you wish for.” Natupad ang kanyang pagnanais. Nagkaroon at nagresulta talaga ng maraming debate at kritikal na pag-iisip ang ibinunga ng kanyang likhang-sining, at pinakulo pa ang dugo ng mga deboto at ng Katolikong Pilipino. Dagdag pa rito, ang paghihiganti ng marami sa marahas na pamamaraan gaya ng pagsubok na sunugin ang CCP, pagpukol ng kanilang mga galit sa pagsulat ng liham sa kinauukulan, at pagbabanta ng pagpatay kay Mideo Cruz. Kung iisipin, hindi lamang si Cruz ang nagkasala rito maging ang mga opisyal sa CCP ay mayroong pagkukulang din. Maaaring nawala na sa kanilang mga isipan kung ano ang nararapat sa pagkilala o pagbibigay-galang sa relihiyong Katoliko, pero dapat pinagnilayan o sinuring mabuti muna nila ang mga likhang-sining ni Mideo bago ito ipinakita sa mamamayang Pilipino. Kahit na isa itong obra isanaalang-alang din ng kinauukulan ang maaaring maidulot nito lalo na’t may kanya-kanyang pananaw ang bawat tao at hindi ito kontrolado. Kasama ng mga pambansang alagad ng sining, eksperto o dalubahasa sa sining, at mga opisyal sa CCP, nagkaroon ng isang pagpupulong, kung saan pinangunahan ni Senator Edgardo Angara na tumayong pinuno ng komite. Ayon kay Angara, “It is one of our leading cultural centers in the Philippines and if I may say so a very successful cultural venue for all Filipinos.” Upang mapanatili ang mabuting adhikain at gampanin ng CCP sa larangan ng sining, ang mga opisyal nito ay dapat matutong gumawa ng mas wastong desisyon at hakbangin tungo sa pangangalaga ng ating kultura at pag-iwas sa ikasisira nito sa halip laging bigyang-tuon ang ikapagpapayabong ng ating kalinangan
- ang sining-Pilipino. Sa gayon, ang natatanging konsolasyon na dapat na maibigay ng gobyerno sa mga Katolikong Pilipino ay ang pagsusumite ng batas sa kasong ito. Lumabag ang CCP at si Cruz sa Revised Penal Code’s (RPC) Article 201 na nagsasaad na bawal gumawa ng mga imoral na doktrina, malaswang publikasyon, at mga hindi disenteng palabas. Dahil dito, kailangang nilang managot sa hukuman. Sabihin man ng kanilang mga tagapagtaguyod na naaabuso ang karapatan ni Mideo bilang alagad ng sining sa aspeto ng malayang pagpapahayag, ito pa rin ay isang pagkakamali at kitang – kita na paglabag sa batas. Higit sa lahat, ang ginawa ni Mideo Cruz ay hindi maituturing likhang-sining. Ang kanyang ginawa ay nagpapakita ng kawalang-galang sa relihiyong Katoliko. Sabi ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, “There is no freedom that is absolute. Art is supposed to be ennobling. When you stoke conflict, that is not an ennobling activity.” Tayong mga Katoliko ay naniniwala sa kapatawaran at sa pananagot sa ating mga kasalanan. At dahil hindi naniniwala si Mideo Cruz at ang kaniyang mga tagapagtaguyod sa simbahang Katoliko, ang natatatanging solusyon na lamang ay hustisya.
SINAG -
07
SINAG -
09
Kilala si MAEGAN CABRERA sa kanyang kahusayan sa cheerleading. Bilang bahagi ng tanyag na SPCP Pep Varsity, malimit siyang iniuugnay sa kanyang kakayahan bilang isang flier at sa kanyang mga kagila-gilalas na stunts. Sa kabila ng mga panganib na maaaring maidulot nito, ibinibigay pa rin niya ang lahat ng kanyang makakaya at ginugugol niya ang kanyang oras at pagod upang maging pulido ang bawat galaw. Ayon sa kanya, ito ay isang sining na sadyang hinahangaan at pinakaabangan ng mga manonood ang matitinding acrobatics habang sila rin ay nagigiliw sa masisiglang ngiti ng mga cheerleaders. Ang cheering ay isang samahang pampalakasan, at ito ang dahilan kung bakit naging mas malapit pa ito sa puso ni Maegan. “Malayo na ang narating ng grupo at malaki na ang ibinuti nito. Ito ang tanging dahilan ng aking dedikasyon – ang kaalaman na ang paghihirap at pagpupunyagi ng bawat kasapi ng grupo sa pagsasanay ay hindi nasayang,” sabi niya. Maliban sa mga pagkakaibigang nabuo sa pangkat, ang suportang ibinibigay ng kanyang pamilya ay nagtulak din sa kanya na magsumikap pa sa cheerleading. Ginagawa niya ito hindi lamang para sa sarili kundi para na rin sa kanyang paaralan at bansa. Higit pa sa kagila-gilalas na paglipad ni Maegan sa ere ang nagbigay daan sa pagsikat ng Pep Varsity. Itinatangi niya ang gymnastics, na pinaniniwalaan niyang isang mahalagang pundasyon para sa anumang palakasan. Nakapagbigay rin ito sa kanya ng maraming pagkakataong lumahok sa iba’t ibang patimpalak sa loob at labas ng bansa. Si Maegan ay mahilig din sa musika. “Kung hindi ako naging bahagi ng cheering team, marahil ay isa na akong miyembro ng chorale”, sabi niya. Nakapagpapasaya rin sa kanya ang pagtugtog ng gitara at nakasali pa nga siya sa “Quatro”, isang patimpalak sa pagtugtog ng gitara na inihandog ng Center for Music. Ang paglangoy ay isa pa sa kanyang mga interes na maaari rin sana niyang ipinagpursigi kung hindi dahil sa pagsasayaw. Ngunit sa kabila ng lahat, inuuna pa rin ni Maegan ang kanyang pag-aaral. Ayon sa kanya, ang pagiging isang masipag na mag-aaral ang kanyang pangunahing tungkulin at ang dahilan kung bakit siya pumapasok sa paaralan. Ang cheering at ang iba pa ay mga karagdagang gawain na lamang. “Hindi ako pumapasok upang sumayaw. Pumapasok ako upang matuto kaya’t pinagbubutihan ko ang aking pag-aaral,” sabi ni Maegan. Siyempre, hindi gano’n kadali. Ang paglalaan ng oras sa mga gawain ay ang suliraning madalas niyang hinaharap dahil sa kanyang pagsasanay para sa mga patimpalak, kasabay ng kanyang pag-aaral. Kahit nakakapagod, naisasaayos niyang gawin ang lahat sa abot ng kanyang makakaya. Marami siyang sinasakripisyo tulad ng oras para sa mga kaibigan at sa pagtulog upang magkaroon ng panahon para sa kanyang pag-aaral at pagsasayaw,ngunit siya’y naniniwala na balang araw, magbubunga ang lahat ng kanyang pagsisikap. “Hindi lamang ang nahasang kakayahan ang makabuluhan, kung hindi pati na rin ang disipilina at mga gabay sa pagsasanay na aking natamo, na makatutulong sa akin sa hinaharap,” sabi niya. Walang duda na si Maegan ay isang halimbawa ng tunay na Pilipinong alagad ng sining. Ipinapakita niya ang pagkakaisa ng kanyang tungkulin bilang estudyante at hilig sa pagsayaw. Siya ay isang Paulinian, at makikita ito hindi lamang sa kanyang galing sa cheerleading kundi pati na rin sa kanyang buhay bilang mag-aaral. Tunay ngang Modelong Paulipino si Maegan Cabrera.
10
- SINAG
SINAG -
11
12
- SINAG
Kilala si THERESE BOCOBO, o mas kilala sa tawag na Tetay, bilang miyembro ng Teatro Paulino, ngunit lingid sa kaalaman ng iba,siya rin ang academic chairman ng kaniyang klase.At ngayon, isa na siya sa mga Modelong Paulipino ng Sinag. Hindi basta-basta ang pagsali ni Tetay sa patimpalak ng Sinag. “When I heard about the auditions for Sinag, I thought that this was my chance to prove to myself that I can actually do something good outside the world of theater, which I was so used to.” Ayon kay Tetay, kakaibang paligsahan ang Modelong Paulipino, at labis na inabangan niya ang mga taong kaniyang makikilala, at ang mga bagong karanasan na tutulong sa pag-unlad ng kanyang pagkatao bilang Paulinian. Si Tetay ay isang modelong estudyante sa klase. Bilang academic chairman ng II-1, maraming responsibilidad ang ipinagkaloob sa kanya, ngunit nagagawa niya ang lahat ng ito nang mabuti. Sa kabila nito, marunong makisama si Tetay sa kanyang mga kamag-aral at kilala bilang masayahing tao. Mahusay rin na ipinakita ni Tetay ang kanyang talento sa pagtatanghal. Labis ang kaniyang hilig para sa teatro. Preschool pa lamang si Tetay nang siya’y sumali sa kanyang unang produskyon: isang pagsasalaysay ng “Nativity.” Mula noon, isinali siya ng kaniyang mga magulang sa iba’t ibang uri ng pagtatanghal. Mas naging aktibo si Therese sa pag-arte nang sumali siya sa Teatro Paulino, isang samahang panteatro sa paaralan. Kamakailan lamang ay kabilang siya sa cast ng Lie of the Mind. “Hindi ko talaga ma-describe yung acting,” ani Tetay, “I can’t explain it. When I act, there’s always that need to give the audience something that they can really appreciate. But more than that, I guess I draw inspiration from the opportunity to express yourself. It’s like showing your audience a part of yourself that you can’t express in any other way. It’s beautiful.” Kahit nakapapagod ang landas na kanyang piniling tahakin, hindi kailanman napag-isipan ni Tetay na iwan o lisanin ang pagtatanghal. Para sa kanya talaga ang mundo ng teatro. Tunay ngang Modelong Paulipino si Therese Bocobo dahil sa kanyang angking kahusayan bilang aktres, at bilang academic chairman. Kahit mahirap gampanan ang papel ng dalawang magkaibang tauhan, patuloy na ibinubuhos ni Tetay ang lahat ng kanyang sipag at tiyaga. May tiwala siya na balang-araw, magdudulot ang lahat ng ito ng ligaya sa hinaharap.
SINAG -
13
14
- SINAG
Noon, kasama ng kanyang mga kamag-anak, siya’y kumakanta sa iba’t ibang pagdiriwang. Ngayon, kilala na siya sa ating komunidad dahil sa kanyang angking talento sa musika. Siya si IDA SIASOCO: mang-aawit, musikero, at isa sa mga Modelong Paulipino. Nagsimula ang paghubog ng kanyang mga talento sa maagang edad. Nagsimula siyang kumanta nang siya’y anim na taon pa lamang. Hanggang ngayon, patuloy pa rin niyang ibinabahagi ang kanyang talento sa pamamagitan ng pag-awit ng iba’t ibang uri ng musika, ngunit paborito niya ang pop at R&B. Nagbunga ang kanyang kahusayan sa musika mula sa kanyang kuya. Ang kuya niya na rin ang naging guro niya at, kamakailan lamang, ay tinuruan siyang tumugtog ng gitara. Bukod sa pag-aawit, isa rin sa mga talento ni Ida ang paglikha ng mga sariling awit. “Lagi kong ninanais na makalikha ng isang awiting magugustuhan ng marami,” sagot niya nang tanungin kung ano ang pinakamahalagang bagay na dapat isaisip sa pagsulat ng mga kanta. Hangarin niya ang mapasigla ang mga tagapakinig at makatulong sa mga taong nagnanais na ipahayag ang kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng musika. Sa paglikha ng mga awitin, ginagamit niyang inspirasyon ang mga taong kanyang nakakasalamuha, lalo na yaong malalapit sa kanya. Mga karanasan niya sa totoong buhay ay isa rin sa mga paksa ng kanyang mga nililikhang awitin. Sa kabila ng matrabahong gawain sa paaralan, napapanatili pa rin niyang isabuhay ang sining sa pamamagitan ng pagtangkilik sa musikang Pilipino o OPM. “Walang araw na hindi ako kakanta. Kahit habang naglalakad, nakaupo, nakatayo, nag-aaral, nakikinig sa mga guro, hanggang sa kotse, sa bahay, at sa kuwarto ko. Matibay ang paniniwala ni Ida na maganda ang kinabukasan ng musikang Pilipino. Maharap man ito sa maraming suliranin, lalo na sa pagsikat ng mga banyagang musika, tiyak na maglalaho ang sining na ito. “Kahit ito’y ibahin at ayusin, hindi pa rin mawawala ang kultura natin na laging mananatili sa puso ng bawat Pilipino.”
Hindi madaling gawain ang pagganap ng iba’t ibang uri ng tao sa entablado, ngunit hindi rin madaling gawain ang pagiging totoong ikaw sa iyong sarili. Sumali si CHARLETTE SAN JUAN ng Dramatics noong unang taon ng GIFT, at hanggang ngayon ay bahagi pa siya rin nito. Doon nagsimula ang paghubog ng kanyang talento sa pagtatanghal, at sa kasalukuyan, siya’y kabilang sa mga batikang aktres ng Teatro Paulino. Si Charlette ay bahagi rin ng Track Varsity at napabilang na sa iba’t ibang paligsahan sa loob at sa labas ng paaralan. Maraming dahilan para humanga kay Charlette, ngunit higit sa mga ito ay ang matibay na pananampalataya niya sa Diyos.. Ayon kay Charlette, hindi siya magtatagumpay kung hindi lamang sa gabay ng Panginoon. Ang Diyos ang nagbibigay sa kanya ng lakas na harapin ang mga pagsubok at tinutulungan siyang ipahayag ang lahat ng kanyang mga saloobin. Hindi rin takot si Charlette sa pamimintas ng iba sapagkat alam niyang bawat tao ay may dignidad na kailangang igalang. Alam ni Charlette kung paano mabuhay nang matiwasay at may pananalig sa Panginoon. Alam niya kung ano ang kanyang kinatatayuan sa buhay, at kung paano siya aangat at mapapansin ng iba. Sa gitna ng maraming bituing kumikislap sa ating lipunan, kayangkaya niyang magtagumpay at sumikat nang mas maliwanag pa sa kislap ng mga bituin.
SINAG -
15
16
- SINAG
SINAG -
17
PINTADOS
Ang Inyong LINGKOD ni Chanel Mirafuentes at Maria Mahusay “Ma’am, full tank po?” Ito ang masiglang bati sa mga motoristang napapadaan sa mga gasolinahan upang magpakarga ng petrolyo—mga motoristang sasagot habang kinukuha ang pitaka, tatango lang kapag inalok na linisin ang windshield at saka pa lamang lilingon kapag bayaran na. Ang maaliwalas na mukha ng naglilingkod na gasoline boy ay agad nalilimutan sa mabilis at magulong takbo ng buhay sa kasalukuyan. Kilala ang ating lahi kahit sa ibang panig ng mundo sa pagiging masayahin at magiliw sa panauhin. Bukas-palad tayo sa kapwa at walang alinlangan sa pag-alok ng tulong, samahan pa ng isang maningning na ngiti sa gitna ng kanya-kanyang dagok sa buhay. At ang mga katangiang ito na likas sa mga Pilipino ay nasasalamin sa mga nabanggit na tapat na tagapaglingkod: ang mga gasoline boys. Maghapon – at kung minsan pa’y magdamagan – ang kanilang mga trabaho ni walang sapat na pagkakataon upang makapagpahinga kahit sandali lamang sapagkat hindi nauubos ang mga kotseng nais magpakarga. Hindi rin maiiwasan ang iilang maselang motorista na kung minsan ay tunay nga namang mahirap na pakisamahan. Ngunit sa kabila ng kabigatan ng kanilang mga tungkulin, matiyaga
at taos-puso ang pagsisilbi ng mga gasoline boys sa ating lipunan. Ang simpleng pagkarga lamang ng petrolyo o ang paglilinis ng windshield ay nagpapakita ng pagmamalasakit ng mga Pilipino sa kapwa, kaya naman natatangi lamang sa ating bansa ang mga gasoline boys. Marahil nga na ang pangunahing layunin ng karamihan sa kanila ay ang matustusan ang kanilang pamumuhay, subalit ipinapahiwatig pa rin nito na handa silang ihandog ang kanilang kakayahan, oras at serbisyo para sa iba. Sila rin ay dapat ituring na mga bituing ating titingalain. Kaya sa susunod na mapadaan tayo sa mga gasolinahan, tumigil tayo nang kahit sandali at tumugon din tayo sa kanilang payak na ngiti. Ito lamang ang ating maihahandog sa kanila bilang pasasalamat hindi lamang para sa pagpuno nila ng ating mga tangke kundi maging sa nag-umaapaw na pagtanaw sa kanilang matapat na serbisyong ibinibigay sa atin.
Obra KATOLIKA ni Elise Sunga Ang 333 taon na pagsakop ng mga Kastila ay nag-iwan ng ‘di ng mga inukit na santo, estampa, at estampita, ang via crucis malilimutang bakas sa ating bansa. Madalas nating nakikita (Daan ng Krus), at sa mga obrang ipininta sa pader.
ang kanilang impluwensya sa ating musika, sayaw, wika, pagkain, at lalong-lalo na sa ating relihiyon. Isa sa mga pangunahing layunin ng mga Kastila ng kanilang pananakop ay ipakilala sa atin ang Kristiyanismo. Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ang ikatlong pinakamalaking bansang Katoliko sunod sa Brazil at Mexico. Isa na rin ito sa dalawang nangingibabaw na bansang Katoliko sa Asya, kasama ang East Timor. Tunay ngang nagtagumpay ang mga Kastila sa kanilang adhikain. Sa pagpapakilala ng bagong relihiyon, naipakilala rin ang pagtatangkilik sa sining. Nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas noong 1521, ginamit nila ang sining upang madaling maipalaganap ang Kristyanismo sa pamamagitan ng mga babasahin lalo na ng mga imahe. Naging hadlang ang komunikasyon dahil sa magkaibang wika, kaya gumamit sila ng mga larawan upang ipaliwanang ang mga konseptong Katoliko. Inilahad nila ang kuwento ni Hesus sa pamamagitan ng mga larawan; ipinakilala rin ang mga imahe ng Banal na Pamilya at mga santo sa tulong
18
- SINAG
Sa paglipas ng panahon, dumami ang mga Pilipinong kinumisyon at binayaran upang umukit at puminta ng mga larawan sa mga simbahan. Nabago ang ginagampanang papel ng simbahan sa lipunan. Hindi lang ito lugar ng pagtitipon upang magsamba o magdasal, naging patron ng sining ang simbahan. Sa kasalukuyan, buhay na buhay pa rin ang ugnayan sa pagitan ng sining at simbahan--mula sa istraktura ng San Agustin at Barasoain Church, sa rebulto ng Santo Niño de Cebú sa Basilica Minore del Santo Niño hanggang sa bamboo organ na matatagpuan sa Las Piñas. Taglay ng mga simbahan, lalo na yaong ipinatayo noong panahon pa ng mga Kastila, ang mahahalagang obra maestrang kailangan pangalagaan. Sila’y mga simbolo hindi lamang ng ating pagkamalikhain, kundi na rin ng ating pananampalataya sa kabila ng mga paghihirap na dinanas natin sa kamay ng mapaniil na mga Kastila. Ang ugnayang sining at simbahan ay bahagi ng ating kulturang dapat nating ipagmalaki dahil ito’y tunay na tatak at bahagi ng sining Pilipino.
Ang PERLAS ng LANSANGAN ni Nicole Chiong at Katrina Sinamban larawan ni: Kamille Areopagita
“Para, kuya, para!” Madalas nating naririnig ang mga salitang ito tuwing tayo ay lulan ng isang pampasaherong jeep. Ang jeepney ay hindi makabagong ideya para sa mga Pilipino; parati nating nakikita ang makulay na pampublikong sasakyang ito sa halos lahat ng mga lansangan sa bansa. Ngunit saan nga ba talaga nagsimula ang jeepney? Ano ang pinagmulan nito? Sino ba ang nagpakilala nito? Ang salitang jeepney ay galing sa pinagsamang mga salitang “jeep” at “knee.” Nauugnay ang dalawang ito sa dikit-dikit na pagupo ng mga pasahero. Dahil sa dami ng pasahero at limitadong puwang puwesto o upuan kadalasan ay kinakailangang magsiksikan ng mga nakasakay. Ang jeep ay mula pa sa panahon ng mga Amerikano. Nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maraming naiwang kagamitan ang mga banyaga. Isa sa mga ito ay ang kanilang pangmilitar na sasakyan sasakyang pangmilitar :ang jeep. Dahil madali itong gamitin, mabilis na lumaganap ang paggamit nito. Naging sikat bilang isang murang pampublikong transportasyon ang jeepney. Nakilala ang jeepney at sumikat bilang isang pampublikong transportasyon na tunay na pangmasa. Sa kasalukuyan, ang jeepney ay hindi lamang ginagamit bilang transportasyon. Ito ay isa ring instrumento ng pagpapahayag ng pagkamalikhain nating mga Pilipino. Sa Pilipinas lamang matatagpuan ang isang uri ng sining na nagbibigay buhay at kulay
sa magugulong lansangan maingay na lansangan at abalang siyudad ng Kamaynilaan; ang sining na ito ay hindi makikita sa mga museo kundi sa mga kalye’t eskinita. Hindi rin ito nananatili sa iisang lugar; ito’y gumagalaw kasabay ng ritmo ng lipunan. Ang “Jeepney Art” ay ipinagmamalaki ng mga Pilipino bilang sining ng pangkaraniwang tao. Bagamat iisa lamang ang anyo ng mga pampublikong sasakyang ito, walang dalawang jeepney ang tunay na magkapareho. Natatangi ang mga larawan at salitang nakaukit sa mga ito, mga likha ng bawat tsuper gamit ang mga sariling kamay. Sa ganitong pamamaraan, ang mga tsuper ay para na ring mga alagad ng sining na kinabibilangan ng mga tanyag na pintor, musikero, at iba pa. Ang mga disenyong nakikita natin sa mga jeep ay sumasalamin sa kanilang mga personalidad, isang daan na ginagamit nila upang maipahiwatig ang kanilang mga sarili. Ang jeep ay tila isang kuwadernong pinupuno nila ng mga ideya, paniniwala, at damdamin. Higit sa pagiging isang pampublikong sasakyan, ang jeep ay bahagi ng ating kultura at lipunan. Kinakatawan nito ang sikap at tiyaga ng mga tsuper, at sa mas malawak na pananaw nating lahat. Dapat nating ituring bilang karangalan ang makasakay sa jeep dahil ito’y simbolo ng ating kalayaan mula sa mga banyagang sumakop sa atin. Ang jeepney, kahit anong anyo nito, ay simbolo ng ating pagkakakilanlan. Kaya halina’t sumakay at ipagmalaki ang perlas ng lansangan!
SINAG -
19
TURO-TURO
TATAK PILIPINO, SA FISHBALL NATATAMO ni Danielle Paras; mga litrato ni Louise Sunico Kakaibang hanapbuhay ang gumawa at magbenta ng pagkain sa daan, ngunit wala ni isang senyales na naghuhudyat na ang ganitong paraan ng pagbebenta’y matatanggal o matitigil. Marahil, sa mabilis na takbo ng mundo ngayon, kailangan ng mga tao ng pagkaing nakasusunod sa daloy ng buhay nila. Limang tusok ng fishball o kaunting higop lang ng balut, kayang-kaya mo na ipagpatuloy ang araw mo. Maryoon rin namang mga taong nakatambay lamang, nagpapalipas ng oras - sabay tusok ng fishball, subo ng kwek kwek at kung anu-ano pa. Sa tagal na ng pamamaraang ito, naging bahagi na ito sa buhay ng mga Pilipino. Minsan, nalilimutan natin na ang ganitong paraan ng pagluto at pagtinda ng pagkain sa daan, o sa ingles ay “street food,” ay maiituturing na ring sining, ngunit ibangiba sa karaniwang pananaw natin.
20
- SINAG
Normal sa mga Pilipino ang kumain ng bituka, dugo ng manok, bilig ng pato at kung anu-ano pang mga kakaibang putahe. Sa mga turista o mga banyagang napapadpad dito sa ating bansa, kakaiba ang mga ito sa kanilang mga mata at kung minsan, ay kadiri pa nga. Pero tulad ng samut-saring mga uri ng sining ay nasa panlasa lamang naman nakasalalay ang lahat. Ang “street food” natin ay isa lamang sa napakaraming bagay na nagbibigay kulay sa ating kultura. Dahil sa mga kakaibang pagkaing ito, umaangat at napapansin ang kultura natin sa gitna ng napakaraming kultura sa mundo. Kaya’t halina sa pinakamalapit na fishball stand at makitusok na!
MMM!
Malansa nga, Masarap naman, Mura pa!
ni Denise Santos
“Ate, magkano po kilo? Eh paluto?” Walang sinabi ang karaniwang palengke ng bayan o talipapa sa kanto kapag dampa na ang pinag-uusapan. Ito ay maihahalintulad sa isang kape – “new and improved” na nga, “3 in 1” pa. Kung hanap mo ay mga naglalakihang hipon, alimango, talangka at isda, tiyak na ito na nga ang tamang lugar para sa iyo. Ang dampang tanyag sa ating bansa ay isang uri ng kainan kung saan maaari mong ipaluto ang mga pagkaing nabili mo sa palengke. Seafood o mga lamang dagat ang patok na patok at talaga namang dinarayo sa mga dampa. At hindi lamang mga Pinoy ang naaakit dito, kung hindi na rin ang mga dayuhan.
Una munang pupuntahan ng isang nagnanasang matikman ang sarap ng ating pagkaing-dagat ay ang palengke. Tila ligawan ang nagaganap tuwing nagpapababaan ang presyo ng mga tindera upang makuha lamang ang kanyang matamis na oo. Pagkatapos mong magbayad, pipili ka ng taong karapatdapat magluto ng iyong napusuang isda. Karaniwang per kilo ang bayad sa paluto kaya medyo lugi ka kung kalahating kilo lamang ang iyong ipasasalang. Mapasabaw, prito o inihaw, aba’y walang problema ‘yan! Maghihintay ka lamang ng mga ilang minuto bago mo malasahan ang langit, ngunit sinisuguro ko sa iyo na hindi ika nga’y “worth the wait” ang mga putaheng ihahain sa iyong mesa – masarap, malasa, at tatak Pinoy!
APA DAPAT ni Angelu Urbano
“Kleng,
” ! g n e l k kleng,
Hindi ito tunog ng kapanang nagtatawag ng misa; o maging man ang hudyat ng simula ng laban ni Pacquaio. Sa bawat mainit na hapong maririnig natin ang tunog na ito, iisa at iisang bagay lamang ang pumapasok sa ating isipan. SORBETES! Ang sorbetes, o ang Pinoy version ng ice cream, ay unang natikman ng mga Pilipino noong panahon ng mga Amerikano. ‘Di tulad ng kanilang ice cream [na kadalasa’y gawa sa gatas ng baka], gatas ng niyog ang pangunahing sangkap ng ating sorbetes. Kahit na tinaguriang ‘dirty ice cream’, ang sorbetes ay hindi naman sadyang madumi tulad ng akala ng iba. Ganoon lamang ang tawag dito upang sabihin na ito’y gawang bahay at kadalasang nilalako sa kalsada. Sa kabila ng mga ice cream na ginagawa ng malalaking kompanya, ang lokal na panghimagas na ito ay nakahihiligan pa rin ng sinumang makatikim.
nakakakatikim nitong sorbetes. Habang nakadungaw sa bintana, hinahanap-hanap ng aking mga mata ang anino ng isang mamang nag-iikot sa ilalim ng mainit na araw habang nagpapatunog ng kalembang na hawak – ang mamang sorbetero. Laman ng kaniyang makulay na karitela ay tatlong nagtatamisang flavor ng sorbetes. Mula sa nakasanayang tsokolate, ube, at keso, mayroon na ring gawa sa mga lokal prutas, tulad ng mangga, langka, guyabano, abokado; at maging ang makanlurang cookies n’ cream. Ito’y maaring ilagay sa apa, cup, at [sa maniwala kayo o hindi] maging sa tinapay. Walang laban ang kahit anong palaman, sa oras na ihain na ito sa hapag. Maliban sa pagiging simpleng panghimagas, mainam din itong pampalamig tuwing maiinit ang panahon.
Bata man o matanda, lahat ay nahuhumali sa kapag makakakain nito. Kaya naman, sa lahat ng hindi pa nakakatikim ng sorbetes, mangyaring abangan niyo na si mamang sorbetero upang maranasan Noong maliit pa, walang araw ang pinalampas kong hindi ang kasiyahang dala nito sa bawat apa.
SINAG -
21
SIKAT NA SIKAT
FREDDIE AGUILAR. Modelo: April Ocampo
Musikang Pinoy CHARICE PEMPENGCO. Modelo: JC Gomez
ni Ericka Ranchez mga litrato ni Ericka Ranchez at Louise Santos
Original Pilipino Music—wasto talaga ang tawag natin sa musikang likha ng ating mga kababayan! Original talaga ang tinig nating mga Pinoy. Nagsimula ang OPM bago pa man naging sikat ang mga idol na kilala natin ngayon. Kahit ang ‘Lupang Hinirang’ na ating pambansang awit ay kabilang na rin sa OPM. Sa paglipas ng panahon, naging daan tungo sa pag-unlad ng Pilipinas ang musika. Maraming mga kanta ang nakilala sa mga makasaysayang pangyayari sa ating kasaysayan, katulad na lamang ng 1986 EDSA People Power Revolution. Ito ay isang patunay na talagang mahalaga sa ating mga Pilipino ang ating musika. Marami nang pagbabago ang pinagdaanan ng OPM. Noong panahon ng ating mga magulang, nauso ang mga kantang pinaghalong Ingles at Filipino. Noon, kadalasang naririnig ang mga kanta sa mga pelikula – parang musical na rin ang dating! Disco naman ang palaging naririnig sa radio; nakilala sina Nora Aunor, Sharon Cuneta at iba pang mga mang-aawit na itinuturing na legends ngayon. Noong 1990, nagkaroon ng malaking pagbabago sa musika ng Pilipinas nang sumikat ang bandang Eraserheads na pinapakinggan pa rin hanggang ngayon. Sa pagsikat ng Eraserheads, sumikat rin ang rock and alternative sa Pilipinas. Ngayon, patuloy pa ring tinatangkilik ang ganitong klaseng musika. Maraming uri rin ng musika ang naidagdag sa OPM. Sumikat ang pop, rock, dance at kahit ang folk or tradisyonal na mga himig. Kakaiba talaga ang OPM. Original talaga!
22
- SINAG APRIL BOY REGINO. Modelo: Lizette Pedroso
MARA CLARA. Modelo: Riana Pangindian at Nicole Estrada
MAY BUKAS PA. Modelo: Mikee Jazmines
buhay teleserye
ni Allysa Aragon mga litrato ni Ericka Ranchez at Louise Santos
Kung may isang pobreng babae na ang kabiyak ay isang mayamang lalaki, siguradong kwentong pag-ibig ‘yan. Kung aakalain mo naman na may hihila sa paa mo habang humihimbing ang tulog mo, aba’y mukhang nakapanood ka ng nakapangingilabot na Filipino horror. At kung nakilala mo na sina Panday at Enteng Kabisote, sina Darna at Captain Barbel, mukhang nadayo mo na ang mundo ng Pantasya. Lumuluha ka na ba? Mukhang Dramang Teleserye ata ‘yan. Tunay na sining ang industriya ng pelikula at mga teleserye sapagkat ito’y sumasalamin sa katotohanan ng buhay. Ano pa ba ang mas gaganda kaysa katotohanan? Nakikita ito sa mga pelikula at dramang tungkol sa lipunan kagaya ng Anak, Mara Clara, at May Bukas Pa. Ipinapakita ng mga ito ang mga hirap na ating dinaranas sa buhay, at kung paano natin malalampasan ang mga ito; ang sagupaan sa pagitan ng mayayaman at mahihirap; at ang pagtuklas ng pag-asa sa mga ‘di akalaing lugar. Lahat ng mga kwentong ibinabahagi ng industriyang pelikula at teleserye ay kathang isip ng mga Pilipino. Ang mga manunulat ay may kanyakanyang istilong hinubog ng iisang kultura. Ito ay ang pangunahing dahilan kung bakit isang sining ang paglikha ng mga palabas. Bilang mga Pilipino, tayo ay may tungkuling tangkilikin at ipalaganap ito.
SINAG PILITA CORALES. Modelo: Isabelle Bautista
ANAK. Modelo: Bb. Vicente at Gng. Casaquite
23
TEATRO
DULA ng BUHAY ni Nicole Chiong mga litrato ni: Ericka Ranchez at Katerina Gohh
“Theater Arts is a visual representation of poetry and fiction. It is an avenue to showcase emotion and create a different world of writing.” - G. Kenchi Refugio
Sa pangangasiwa ni Ginoong Kenchi Refugio, ang Teatro Paulino ay nagdala sa atin ng mga dula tulad ng Awit ng Puso, XX/XY, Noong Hating Gabi, Chapters, at marami pang iba. Bagamat ilang buwan pa bago magsimula ang panibagong produksyon, madalas natin silang nakikitang nag-eensayo para lubos na pagandahin ang kanilang pagtatanghal. Ngunit sino ba talaga ang utak sa likod ng mga produksyong isinasagawa sa paaralan? Sino ang mapanlikhang talento na dapat nating pasalamatan? Sino ba talaga si G. Kenchi? Alam nating lahat na si G. Kenchi ay isang guro sa English at tagapamuno rin ng Dramatics GIFT. Lingid sa ating kaalaman, ang pagsali niya sa Theater Arts ay nagsimula noong siya ay siyam na taong gulang pa lamang. Hinikayat siya ng kanyang ama na sumali sa iba’t ibang programa at palihan upang maibsan ang kanyang pagiging mahiyain at pagkakaroon ng “inferiority complex”. Pagkatapos nito ay agad niyang natuklasan na ang larangan ng Dramatics ang kanyang tatahaking landas sa hinaharap. Simula noon, taong 1980 hanggang 1990, naging miyembro siya ng grupong “Batang Teatra ”. Pumasok siya sa Unibersidad ng Pilipinas para kumuha ng kursong pangwika, pagkatapos ay nag-aral ng Edukasyon sa NCBA at kasalukuyang tinatapos ang kanyang masteral degree sa De La Salle University. Si G. Kenchi ay nagtuturo nang higit na 11 taon magmula noong siya’y nasa kolehiyo at 5 taon naman ng pagtuturo sa St. Paul College Pasig. Mataas ang kanyang tiwala at ekspektasyon para sa Teatra Paulino. Siya’y hindi lamang isang guro kundi isa ring artista at bisyonaryo. Naniniwala siya na sa pamamagitan ng pagtuturo ay makatutulong siya sa mga mag-aaral at mga tagapanood na mas maintindihan ang mundo ng Theater Arts. Sa Pilipinas, ang teatro ay kadalasang inuugnay sa mga mayayaman dahil madalas magastos ang panonood ng mga pagtatanghal, kaya iilan lamang ang nakakikita ng kahalagahan at kabuluhan nito. Gusto niyang matuklasan nila ang pagmamahal para sa sining na ito. “Theater Arts in the Philippines is not as striking as the other countries”, wika niya.
24
- SINAG
Kinakatawan ni G. Kenchi ang mga aral na itinuturo niya sa kanyang mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng kanyang mga gawain ay patuloy siyang nag-aambag sa mundo ng pagtatanghal. Siya ay lumikha ng isang tanghalang tiyak ay na nagpamangha sa mga manonood nito. Hanggang ngayon ay pinapalawak niya ang kanyang sining at ibinabahagi rin niya sa mga nais sanayin ito. Kenchi Refugio: alagad ng sining, mapangarapin.
BUHAY ENTABLADO ni Elise Sunga litrato ni: Ericka Ranchez
“Daring. Insatiable. Visionary.” ang bagong motto ng Teatro Paulino para sa taong ito. Dahil huling taon niya na dito sa St. Paul College Pasig, plano ni Maia Nery, mag-aaral sa ikaapat na tao, na maisakatuparan ito. Kahit halos anim na taon na siyang nasa GIFT Dramatics, matagal nang bahagi ng Theater Arts bago pa magsimula ang GIFT program. Madalas siyang isinasali ng kanyang mga magulang sa iba’t ibang summer workshops, ngunit nang sumali siya sa Dramatics program ng Trumpets bago ang kanyang ikalimang taon sa elementarya, doon niya napagtanto ang kanyang hilig at talento sa Theater Arts. Pero ang hindi alam o lingid sa kaalaman ng iba na mas gusto niya ang trabaho sa likod ng tabing o sa backstage kaysa ang pag-arte. “[Backstage work] is the only ‘real thing in theater. It’s the actors who tell the story and help the audience visualize what’s going on, but it’s those who work behind the curtain that really transport the audience to a different world,” ani ni Nery. Siya rin ang President ng GIFT Center for Dramatics, na sumasakop din sa student theater company ng SPCP, ang Teatro Paulino. Ang Teatro Paulino ang naghatid sa atin ng ilang dula sa tanghalan sa mga nagdaang taon tulad ng Awit ng Puso, XX/XY, Chapters, Noong Hating Gabi at marami pang iba. Ang layunin ng samahan, ayon kay Neri, ay maging “premier student theater company” ng Pilipinas. Nais rin nilang ipamalas sa mga Paulinians ang realistic theater at imulat ang mga mata ng mga mag-aaral ang mundo sa labas ng silid-aralan. Teatro rin ang unang panteatrong samahang pangmag-aaral
na magsagawa ng interschool one-act play competition na plano nilang gawin bawat taon. Sila’y tumutulong din sa mga nangangailangan: nagkakaroon sila ng mga outreach programs at mini-workshops para sa mga bata sa Palatiw. Inaanyayahan ni Nery ang lahat na sumali sa Dramatics at Teatro Paulino. “Theater is open to anyone. It’s a home where you can discover yourself, gain new friends, have fun and learn a lot,” sabi niya.
“[Backstage work] is the only ‘real thing’ in theater... it’s those who work behind the curtain that really transport the audience to a different world.” - Maia Nery
SINAG -
25
PELIKULA PANUNURING PAMPELIKULA:
BATA, BATA, PAANO KA GINAWA?
ni Chito S. Roño
ni Arianna Bautista at Izabelle Saliente Kailan ba naging taboo o pinagbabawal sa publiko ang paksa ng paggawa ng bata? Sensitibo man ang kahit anong may seksuwal na kaugnayan, hindi ba’t simpleng likas ito sa tao? Ginawa tayo upang mabuhay at gumawa rin ng bagong buhay. Hindi matatanggi na ang pamagat ng pelikulang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa?” ay nakalilinlang. Malay ba ng mga unang manonood kung ang kuwento ay tungkol sa matalik na relasyon ng mga magulang, o kaya naman ay nagtuturo ng sexual education tulad ng klaseng Health sa mga liberal na paaralan sa kanluran. Sa panonood at pag-unawa ng pelikula lamang malalaman na higit pa ito sa magulong pamilya ni Lea Bustamante at ng kanyang dalawang anak. Ito ay kuwento ng matibay at nakahahangang kababaihan na gumaganap sa iba’t ibang papel sa lipunan, at ang pagsisikap nila na tuparin ang mga ito nang sabay-sabay. Sa maraming dekadang lumipas na ang babae ay nakulong sa imahe ng isang perpektong maybahay, ang pelikulang ito mula sa nobela ni Lualhati Bautista ay nagsasalamin ng pagbabago mula sa kombensiyunal na tahanan tungo sa ‘di kombensiyunal. Tila binuksan lamang ang pinto ng kapitbahay mo at hinayaan ka na sumilip sa realidad ng buhay araw-araw; ang tanging naiiba siguro ay hindi mo kapitbahay si Vilma Santos. Pilit nitong pinapakita ang katotohanan sa ngayon na ang mga pamilyang Pilipino ay hindi na lamang si tatay, si nanay at mga anak, at ang ilaw ng tahanan ay nagiging ilaw na rin ng opisina, ng pulitika at ng kanyang sarili. Napatunayan ng pelikulang higit pa sa pagluluwal ng mga anak ang papel ng babae, hinahawakan niya ang responsibilidad ng pagyabong at paglinang nila sa pagiging mabuti’t marangal na mamamayanan.
Ang tema ay binubuhay sa pangunahing tauhan na si Lea Bustamante, na ginanapan ni Vilma Santos, bilang isang independent na babaeng pinagsasabay ang pagiging ina, asawa at kaibigan. Kapansin-pansin na sa kanyang pagpapalit ng suot na damit ay tila sinusuot din niya ang bawat papel na ginaganapan. Ang mas maangas at ayos na ayos na damit pang-opisina para sa career woman ay kabaligtaran ng maluwag at komportableng pambahay para sa ina at asawa na maaruga’t maalalahanin. Ngunit sa isang araw ay nagagawa niyang suotin ang parehong damit. Mas madalas makita ang bahagi ni Lea na matatag sa kanyang sariling liberal na pananaw, hindi nag-aatubiling ipahayag ang iniisip kahit na laban sa status quo ng lipunan o mga social conventions. Ang katapangang ito ay higit na ganap sa kanyang trabaho, kung saan niya pinaglalaban ang karapatan ng tao bilang social worker. Unang-una na ang kalayaang gumawa ng sariling desisyon, na patuloy niyang pinagtitibayan sa dalawang naging ka-relasyon na sina Raffy at Ding. Maging asawa man siya sa isang lalaki, kaya pa rin niyang tumayo nang mag-isa bilang indibidwal. Ngunit sa ilang pagkakataon ay lumalabas din ang sensitibong babae na nangangailangan ng tunay na pag-ibig, pag-unawa at makakasama. Napakahusay ng Star for All-Seasons na si Vilma Santos sa pagbibigay-buhay sa buong katauhan ni Lea, hindi lamang sa katigasan ng loob at lambot ng puso, pati na rin sa pagkakamali’t pagkukulang bilang tao. Hindi siya laging biktima, dahil maging siya ay nakasasakit ng damdamin ng mga anak sa nagiging epekto ng mga maling desisyon. Tama man o mali ang
26
- SINAG
kinalalabasan, tinatanggap niya ang responsibilidad na kasabay ng anumang pinili hanggang sa huli. Ang mga katangiang ito ay kanyang ipinapasa sa dalawang anak: ang panganay na si Ojie (ginampanan ni Carlo Aquino) mula sa asawang si Raffy (ginampanan ni Ariel Rivera) at ang limang taong gulang na si Maya (ginampanan ni Serena Dalrymple) na anak mula sa live-in partner na si Ding (ginampanan ni Albert Martinez). Madaling makita ang bakas ng pagkatao ni Lea kay Maya. Mausisa ang pag-iisip at pagtatanong kahit sa murang edad, dahil na rin sa pagkunsinte ng kanyang ina. Malakas ang loob niya sa paraang hindi siya takot na sabihin ang iniisip niya kahit na ikahihiya ito ng iba. Napakalakas at kapani-paniwala ang pagganap ng batang aktres na si Serena Dalrymple sa tauhang ito, mabilis na naibabato ang mga linya sa mga ka-eksenang beterano na, at nagbibigay ng komedya sa kuwento. Ang anak namang si Ojie ay tunay na mapagmahal sa ina at sa kapatid. Marami man ang kanyang tanong, hindi siya nanghusga ng ‘di ideyal na relasyon sa pagitan nila Lea, Raffy at Ding. At kailanman ay hindi niya tinuring si Maya bilang kalahating kapatid dahil lamang iba ang ama nilang dalawa. Para sa kanya, ang pamilya ay hindi limitado sa dugo. Ngunit dahil tao rin si Ojie hindi makalilimutan ang minsang pagkakamali nang umalis sa klase para maglaro ng bilyar. Sa huli ay nagawa niyang tumalikod sa masamang bisyong ito at tumayo para sa alam niyang tama. Bagamat walang maituturing na totoong antagonista sa kuwento, malapit na rito sina Ding at Raffy–hipokritikong mga lalaking
nagkasala rin at pinipilit na diktahan si Lea sa dapat gawin. Ang pagkakaiba ay habang nakita ang pang-aabuso ni Ding sa simula pa lamang, nagmistulang tapat at marangal si Raffy hanggang makipagtalik din kay Lea sa huli. Hindi mapigilang umasa na sana naipakita sa pelikula ang bahagi ni Ding na nagpaibig kay Lea sa unang lugar, sapagkat tanging ang sumisigaw at nagdadabog na Ding ang nakilala ng manonood.
EDITING NG PELIKULA Habang napakahusay ng pagkakakuha ng mga eksena sa pelikula—mula sa paggalaw ng kamera, sa malikhaing angulo ng pagkuha, at sa lighting at mga kulay na angkop sa tono ng bawat eksena—bahagyang nakagugulo ang daloy ng mga pangyayari sa kalagitnaan ng pelikula. Lalung-lalong nakalilito ay kung gaanong oras ang nagdaan mula sa isang eksena patungo sa susunod. Sinabi man ng tauhan ni Raffy na isang taon bago sila umalis para sa Amerika, hindi matitiyak ng manonood kung ang mga pagtatagpong nakita ay bago pa lamang o nakasanayan na, kung gaano kabilis o kabagal ang pagbuo ng relasyong iyon sa mga tauhan. Napansin ding nakagugulo ang eksena sa pagitan nila Lea at Raffy sa dulo ng kuwento, na nagtataas ng tanong kung bakit kailangang ipakita iyon.
chromosome. Nagsisimula ito sa mga tulad ni Lea, na isinasantabi ang matalinghagang tapis at ispatula upang pagtagumpayan ang mundo sa iba’t ibang kayang gawin ng babae. Hindi lamang naghahain ng hapunan sa mesa, nakikilala rin bilang chef sa mga malalaking restawran. Hindi lamang nag-aalaga sa mga bata tuwing may sakit, magiting ding nilulunas ang iba’t ibang pinsala at epidemya bilang nars o doktor. At kung ano-ano pang mga halimbawa, imposibleng bilangin ang lahat. Sa katunayan sa dami ng ginaganap na papel ni Lea, hindi na malaman kung ano ang dapat na mangunguna, at kung ano ang magtatakda talaga sa kanya. Ano ba ang batayan ng tunay na halaga ng babae? Mas importante ba na maging asawa bago maging ina? O ang maghanapbuhay para masuportahan ang pamilya, kahit na ibig sabihin nito ay walang oras para sa kanila? Ang kahalagahan niya ay hindi dapat nababatay sa kasarian niya o pisikal na pagkababae, kung hindi sa anong nagagawa niya bilang babae. Pinupuna ang lahat ng desisyon ni Lea—mula sa pakikipaghiwalay sa unang asawa, pagkakaroon ng kabit, at pagkakaroon ng dalawang ibang ama para sa mga anak. Kahit papaano, buong-buo niyang tinatanggap ang responsibilidad ng sariling desisyon. Dito nakikita ang mas malalim na pagkakaiba ng kasarian: sa buong kuwento ay pilit na dinidikta ng mga asawa ni Lea ang buhay niya ayon sa kagustuhan nila; Subalit nang si Lea na ang nasa posisyong sabihin sa mga anak niya kung ano ang gusto niyang gawin nila, binigay niya sa kanila ang kalayaan na magdesisyon. Dahil unang-unang babae si Lea, alam niya ang pakiramdam na hindi mabigyan ng karapat-dapat na halaga at respeto. Sa pagbibigay ng kalayaan na magdesisyon sa anak niya, napapagtibay niya ang bandila ng kababaihan.
PAGLALAPAT NG MUSIKA AT TUNOG Lubos na angkop ng mga tunog at musikang kasama ng mga eksena. Nangunguna ito sa pagpapasimula ng mood o tono dahil pagkarinig pa lamang ay tunay nang nararamdaman ng manonood ang emosyon na lutang dito. Hindi lamang mga kanta o instrumental ang ginamit upang lapatan ito ng tunog, kundi pati na rin sound effects tulad na iba’t ibang boses sa mall, tawanan sa arcade at paggalaw ng hangin sa mga puno. Nakatutulong din ito sa transisyon ng mga eksena—kahit na mabilis man ang pagbago mula sa maligaya at madilim na pangyayari, epektibong natataguyod ng tunog ang bawat isa. Isa pa ay hindi nito dinadaig ang boses at pag-arte ng mga gumaganap.
DULOG NG PAMPANITIKAN Ang tunay na kapuna-puna sa pelikula ay ang pag-uusap ni Lea at ng punong-guro, kung saan ibinahagi ni Lea ang obserbasyon na ang babae ay wala kailanmang sariling pangalan, sapagkat kinukuha lang ng babae ang pangalan ng tatay niya, at ng asawa niya. Totoo nga naman ito. Mahirap paniwalaan na kahit nakarating na sa buwan ang sangkatauhan, hindi man lamang mabigyan ng pagkakakilanlan ang babae labas sa mga lalaki sa buhay niya. Ngunit nagsisimula nang buksan ng lipunan ang mga pinto nito sa kababaihan, na dati’y tinatakbo lamang ng testosterone at Y
KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Sa pangkalahatan, tunay ngang maipagmamalaki ang pagkagawa ng pelikulang “Bata, Bata Pa’no Ka Ginawa?” mula sa mahuhusay na pagganap ng mga aktor, napakagandang balangkas ng kuwento, at malikhaing pagkuha ng mga eksena at paglalapat ng tunog. Napapakita ng bawat elemento ng pelikula ang tunay na halaga ng tao, lalong-lalo na ang kababaihan, bilang nararapat sa kalayaan at respeto ng sarili. Kung mamumungkahi man, sana ay napagbuti at lalong naayos ang daloy ng mga pangyayari upang hindi malito ang mga manonood. Bukod dito ay inirerekomenda ang pelikula, sapagkat naaangkop sa mga manonood na nasa tamang edad anumang kasarian o lahi. Ibinabandero nito ang mga gawang pawang Pinoy: tinatampok nito ang Pilipinas, ginampanan mga Pilipinong mga aktor at gumagamit ng wikang Filipino. Ngunit masasabi pa ring unibersal ang kuwento sa paraang maiintindihan ng anumang parte ng mundo, ebidensiya lamang ng husay at galing ng Pilipino. Higit sa lahat, nagagawa ng pelikula na iudyok ang mga manonood sa mas malalim na pag-iisip at pag-unawa sa mga pagbabago sa lipunan, unti-unting binibigyan ng bagong kahulugan ang taboo. Bata, bata paano ka nga ba ginawa?
SINAG -
27
28 28
- SINAG
- SINAG
SINAG -
29
LAKBAY JOSE RIZAL Bilang pagdiriwang ng ika-150 na kaarawan ni Jose Rizal, inilunsad ng Kagawaran ng Turismo ang “Lakbay Jose Rizal @150”, isang kampanyang nanghihikayat sa mga kalahok nito na bumisita sa 26 na pook sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Kabilang na rito ang mga monumento, simbahan, museo, at iba pang mga gusaling nagkaroon ng mahalagang papel sa buhay ng ating pambansang bayani. Ang bawat kalahok ay bibigyan ng isang pasaporte na may mapa ng Pilipinas, na kanilang dadalhin sa bawat lugar na kanilang mabibisita upang matatakan ito. Ang unang isandaang turista na makakumpleto sa mga tatak na ito ay gagantimpalaan ng mga papremyo at isang “Kalakbay ni Gat. Jose Rizal” na sertipiko. Noong Oktubre 19, 2011, ang mga mag-aaral ng Advanced Journalism GIFT ay naglakbay at nagtungo sa mga piling lugar na nasa ikaapat na rehiyon ng NCR.
MANILA GIRL Sa kabila ng pagiging isang Manilenya sa maraming paraan, ang aming lakbay-aral sa GIFT ang unang pagkakataon na mamalas ko nang masinsinan ang pinakaluma at makasaysayang distrito ng Maynila - ang Intramuros. Hindi man iyon ang unangpagkakataon na nakarating ako sa lugar na iyon, ngunit iyon ang unang pagkakataon naramdaman kong bahagi ako nito, napukaw ang aking interes at namangha sa kasaysayan ng Maynila at kung paano naging ganito ang Intramuros sa kasalukuyan. Lagi kong iniisip na nakakabagot at nakakapagod ang mamasyal sa Intramuros subalit habang sinusulit ko ang oras sa paglilibot sa pook na iyon kasama ng aking mga kaklase sa GIFT - napagtanto ko na maraming pang bagay ang maiaalok ng Intramuros. Nakakabagot ang Kasaysayan. Ito ang pinakapaborito kong asignatura, oo, ngunit nababagot ako kapag binabasa ko ang mga tungkol dito. Bagaman, kapag naroon ka na, sa tiyak na lugar kung saan naganap ang kasaysayan, ibang usapin na iyon. Hindi ka namababagot ni maiinip man lang.
ni Elise Sunga Isinalin ni: Bb. Dinalene Castañar na ang nakalipas, ngunit nang araw na iyon, itinuring kong ang aming Lakbay Rizal ay simula ng isang panibagong paglalakbay. Sa taong ito - ang 150 pagdiriwang ng kaarawan ng ating pambansang bayani, madaragdagan ang aking kaalaman at ipagdiriwang ko ang mga obra ni Rizal at lahat ng kanyang ginawa para sa ating minumutyang bayan sa aking pagbisita sa iba’t ibang destinasyon na nasa pasaporte ng Lakbay Rizal. Ang aking lakbay-aral ay ang pasimula ng kahahantungan ng aking mahaba pang lakbayin ng pagtuklas, kasaysayan, kabayanihan, pagpupunyagi sa ating pambansang bayani at ang kanyang walang hanggang paglalakbay na malaki ang naidulot sa marami at hanggangsa kasalukuyan. Kahit na hindi ako nakabilang sa unang 100 katao upang makakuha ng selyo sa lahat ng lugar ni Rizal, ang makakuha ng pasaporte ay nagbigay sa akin ng pag-asa na balang araw malilibot ko rin ang lahat ng makasaysayang lugar na iyon na magbubukas ng aking mata at puso at lalong maunawaan ang mga pinagdaanan ni Rizal.
Maraming bagay ang hatid ng “Walled City” kaysa sa mga lumang pader, ang mga laryosa sahig at ang lumang istruktura. Ito ay isang kaakit-akit na lugar. Kung hilig mo angpagkuha ng larawan, ang kalsada at kasaysayan - ang Intramuros ay angkop na lugarpara rito. Ang naibigan ko sa aming Lakbay Rizal ay nang magtungo kami sa Fort Santiago, isa sa mga pinakalumang moog sa Walled City. Ito ay sinimulang itayo noong 1571 at natapos sa simula ng 150 taon matapos ang sapilitang paggawa ng mga Pilipino. Ito ay kilala rinbilang Dambana ng Kalayaan, para sa alaala ng mga bayaning Pilipino na ikinulong at pinapatay roon sa panahon ng pananakop ng Espanya at Hapon. Sa ngayon ang moog ay nagsisilbing sang museo kung saan napanatili ang mga bahay na pamana mula sa pamahalaan ng Espanya, ang damabana ni Rizal, at ang piitan ng mga presong kriminal na ginamit ng mga opisyal na Espanyol. Si Jose Rizal ay ipiniit doon bago siya pinapatay maraming taon
30
- SINAG
litrato ni: E
KAWAL
TAWA NA LANG ni Frances Sayson at Angela Rayos del Sol
ni Frances Sayson Isinalin ni: Bb. Joyce Alejandro
Isang mumunting saglit ngunit sadyang natatangi ang pagka-de numero ng pangyayari. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang masaksihan ang pagpapalit ng mga kawal sa bantayog ni Dr. Jose Rizal ay walang katulad – higit pa sa pagbisita sa kinalakhang tahanan ng bayani at bakas ng isang maunlad na lungsod noong panahon ng Kastila. Marahil iyong katotohanang ang tradisyon ng pagkakaroon ng mga ceremonial guard – ang caballeros de Rizal ang tunay na ginugunita dahil sa ibinubuhos nilang pagod. Hindi lamang siya isang monumento na ginugulan upang maitayo bilang paalala ng kagitingan ng ating pambansang bayani. Dito, mayroong mga tunay na taong tinitiis ang init at ulan sa pagbabantay sa bantayog sa buong maghapon. Ang panoorin ang mga kawal na ipasa ang kanilang tungkulin sa kanilang karilyebo nang maingat at buong giting habang nananatili ang kanilang kagalang-galang na tindig ay isang matibay na paalala kung gaano pinahahalagahan ang mga labi ng isang bayaning lubos na iginagalang. Higit pa sa nakasanayang tradisyon o pormal na seremonya – ang mismong pagbubuhos ng pawis at katatagan ang talagang kahanga-hanga. Nakamamangha ring makita sa pagmamasid ng proseso ang katotohanang ito ay isang malaking paalala ng pormalidad ng tradisyon at tradisyong hindi magmamaliw kahit na ang lahat sa paligid ng bantayog ay maaaring magbago. Ang pagpapalitan ng mga kawal ay isang gawaing lubhang tradisyunal sa buong mundo para parangalan ang mga yumao. Ang makita ang aktwal na pagsasagawa nito ay isang mundong mabilis ang usad ay tila pagbabalik sa panahon ng klasisismo – sa isang moog ng tradisyon. Sa huli, ang dakilang saglit na pagpapalitan ng mga kawal ang pagpapagunita kung gaano karingal ang nagaganap kahit na nga wala namang mga tagapananood na magpapahalaga at inaasahang papalakpak. Nagbibigay ito ng kahulugan sa pagod at sakripisyo na nakakubli sa pagiging malay sa kung paano ito isinasagawa para sa simpleng dahilan ng kahulugan nito at hindi pakitang-tao lamang. Ipinaiisip sa atin kung paanong ang mga kaganapang ganito ay nangyayari at ang matitira na lamang sa atin ay huminto at matyagan ang pagsasabuhay ng bagay na ginugulan ng labis na pagpaplano.
Ericka Ranchez
Sa pagtatapos ng tungkulin ng mga kawal pagkaraan ng magdamag na pagbabantay sa bantayog n gating pambansang bayani, isang bagay ang nalalabi, ang biyayang pagkamulat pang lalo sa tradisyon at pagpapatatangi sa sakripisyo at halagang nagkukubli rito.
Kilala tayong mga Pilipino sa pagiging masayahin at mahilig sa katatawanan. Sa hirap man o sa ginhawa, sa tagumpay o sa pagkatalo, tuloy-tuloy pa rin ang kasiyahan. Kahit nga sa panahon ng unos, hindi maaawat ang likas na masayahing Pinoy. Isa sa mga paboritong libangan ng mga Pinoy ang pagpapalitan ng mga pick-up lines at mga biro. Marahil sining na nga ring maituturing ang paggawa ng mga ito. May mga birong lubos na nakakatuwa at maryoon rin namang nakakainis sa pagka-corny, kung tawagin ng ilan.
Narito ang ilan sa mga ito:
Ano sa Filipino ang ‘persuading’? Unang kasal
Masasabi mo bang bobo ako
kung ikaw lang naman ang laman ng utak ko?
Ang pag-ibig ay parang ketchup:
Matamis pero maraming nakikisawsaw
Gamitin ang KATIPUNAN sa isang pangungusap. “Ang KATIPUNAN likod ko, pakikamot!”
Nakalimutan ko pangalan mo, eh.
Pwede bang tawagin na lang kitang… akin?
Gamitin ang VIOLET sa isang pangungusap. “My iPod broke, so now I have to VIOLET!”
Gamitin ang CONTINUE sa isang pangungusap.
“Bakit kahapon ang dami nyo? Ngayon ang CONTINUE?”
Ang tao, kini-kidnap.
Ang aso, dino-dognap. Ang kotse, kina-carnap. Ikaw naman, hina-hanap
Gamitin ang DEDICATE sa isang pangungusap.
“Pag ginamitan ng glue, siguradong DEDICATE iyan.”
Gamitin ang DELICACY sa isang pangungusap. “Bagal mo… DELICACY mahuhuli na tayo!”
SINAG -
31
St. Paul College, Pasig THE PREMIER CENTER FOR BASIC EDUCATION St. Paul Road corner Meralco Avenue, Brgy. Ugong, Pasig City 1604, Philippines (+63) 2 631-1835 to 36 www.spcpasig.edu.ph