Ang Sibol - Estipona NHS 24-25

Page 1


EDUK AKSYON angsibol

kampus ekspres

it is time and relevant to decongest competencies to 70% and subjects as it is one of the goal of MATATAG CURRICULUM

Arellano ENHS SHS Head

Estiponians, suportado ang pagbabawas ng SHS subjects

Dahil sa patong-patong na gawain sa paraalan, pinaboran ng mga guro sa Estipona National High School (ENHS) ang plano ng Department of Education (DepEd) na babawasan at gagawing anim na core subjects nalang ang Senior High School Curriculum para mas makapag-pokus sa work immersion.

Symposium kontra drug abuse, maagang pagbubuntis, isinagawa tungo sa ligtas na paaralan

[Aizel Joy Pagaling]

Nagbigay alam at paalala hinggil sa mataas na kaso ng paggamit ng ilegal na droga at maagang pagbubuntis ng kabataan sa pamamagitan ng pasasagawa ng isang symposium para sa 404 na mag-aaral ng Senior High School ng Estipona National High School

(ENHS), na pinangunahan ni Dr. Arlene Apostol, principal lll katuwang ang Pura Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Childrens Month na ginanap sa multi-purpose covered court ng ENHS noong Nobyembre 8, 2024.

[Mary Joyce Millo]
Puso ng Luzon
dibuho ni Zamantha Junio

balita

PARA SA KABATAAN

GSP Encampment,

PRESYONG AFFORDOUBLE

Libreng rebyu session para sa mga magkokolehiyong estudyante, ikinasa ng SK Estipona

Dahil sa mataas na bilang ng mga nakapasang mag-aaral na nagsipagtapos sa Estipona National High School (ENHS) noong nakaraang taon sa mga lokal at unibersidad, nanawagan ang ilang mga magulang ng mga magsisipagtapos na estudyante ng ENHS na magkaroon ng ikalawang bahagi ng programa ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Estipona na pinamagatang ”Elevate: Trail to Excellence Free College Entrance Exam Review Session.”

malaki ang naging ambag ng programang “Elevate” sa Barangay Estipona para mabigyan ng oportunidad ang mga mag-aaral

sa Pilipinas ay nagsabi rin na sila ay sumang-ayon o lubos na sumasang-ayon na sila ay “mahal na matuto ng mga bagong bagay sa paaralan.” ayon sa PHILSTAR,

Layunin ng programa na magsagawa ng libreng college entrance exam review sessions para sa mga mag-aaral ng ENHS at mga residente ng baranggay upang mabigyan ng pokus ang paghahanda ng mga mag-aaral para sa kanilang kolehiyo. Sa katunayan, malaki ang

dahil sa mababang ranggo ng bansa

naging ambag ng programang

“Elevate” sa Barangay Estipona para mabigyan ng oportunidad ang mga mag-aaral lalo na ang mga walang kakayahang magbayad sa mga pribadong review center. Bagamat naging matagumpay ang unang taon ng programa, ayon kay SK Chairman Ashley Nool,

ay kinakailangang limitahan na ang bilang ng mga kalahok sa ikalawang taon ng review session at magkakaroon na lamang ng 70 mag-aaral ng ENHS at residente ng Barangay dahil sa kakulangan ng pondo.

“Nilimit namin ngayon kasi medyo nagkulang tayo sa budget, at ayaw na rin naming maulit iyong katulad dati na yung iba ay hindi na tinapos yung review,” ani ni Nool. Patuloy na binibigyang diin ng programa ang layunin nitong mapataas ang bilang ng mga pumapasa sa college entrance exams. Inaasahan ang sesyon ngayong taon ay sasaklaw sa

PISA 2025, pinaghandaan ng ENHS

[Aizel Joy Pagaling]

Bilang paghahanda para sa Programme for International Student Assessment (PISA) 2025, matagumpay na isinagawa ng Estipona National High School (ENHS) ang PISA-Science Program Pre-test at Post-test na kinabilangan ng may kabuuang 190 kwalipikadong estudyante.

balitang kinipil

Mag-aaral ng ENHS, kampeon sa kauna-unahang TARLAKAUAYAN FESTIVAL Bamboo Quiz Bee

[Aizel Joy Pagaling]

Pinangunahan ni Overall Chairperson Dr. Arlene Apostol at mga PISA focal person na sina Agnes Balmores (Mathematics), Herbert Arellano (English), at Mary Ann Urpilla (Science) ang pagiimplementa gamit ang pen and paper modality.

Sinimulan ang PISA Science Program Pre-test sa ENHS mula Setyembre 1 hanggang Oktubre 11 at Post-Test na isinagawa naman simula Disyembre 1 hanggang 19 . Naging mataas naman ang naging resulta nito kumpara sa isinagawang pre-test.

Samantala, ayon kay Agnes Balmores, isa sa mga naging hamon sa implementasyon ng PISA Science Program ay ang internet connectivity, pati na rin ang pagkabahala ng ilang

mag-aaral.

“Bilang guro na nag iimplementa, kinakailangan nating hikayatin ang mga bata,” ani Balmores.

Dagdag pa niya, malaki ang benepisyo ng pagiimplementa ng PISA sa paaralan, natutulungan nito ‘yong mga mag-aaral na maging maalam sa 21stcentury skills at naihahanda silang sumabak sa 21st learning skills.

Matapos ang implementasyon, iginiit ni Balmores na “naging masaya ako sa naging resulta ng implementasyon ng paghahanda natin sa PISA, hindi man tayo napili, pero nakita pa din dun yung time and effort ng mga guro.” Inaasahan naman na mag-uumpisa sa buwan ng Marso ang PISA 2025.

Muli nanamang pinatunayan ng ENHS ang mantra nito na “PANDAYAN NG KAMPEON” matapos masungkit ni Mary Joyce Millo, Grade 12- STEM ang 1st place sa nagdaang pinakaunang TARLAKAUAYAN FESTIVAL Bamboo Quiz Bee na ginanap sa Tarlac Agricultural University, Camiling, Tarlac noong September 20, 2024. "I did not expect to win, kasi isang araw lang akong nakapag-review, so I am very grateful," ani Mary Joyce sa isang interbyu.

PATNUGOT Aizel Joy Pagaling pah. 02
[Aizel Joy Pagaling]
KAMPEON Pinarangalan ng unang gantimpala si Mary Joyce Millo sa kagaganap na TARLAKAUAYAN FESTIVAL Bamboo Quiz Bee. Larawan mula sa ESTIPONA NHS
Ilang Guro mula sa ENHS, umapila sa bagong dress code mula sa CSC
Mayor Balmores inilunsad ang tagumpay sa ika-unang taon ng termino
silbing ensayo sa kahandaan
sina Cathyrine Punzalan, Kimberly Sumaoang, at Karen Reganit
sa paparating na pagsusulit sa ikalawang markahan.
kuha ni ARA RAMIL

REHISTRO, ENSAYO Nag-rehistro para sa programang taunang libreng rebyu session ng Sangguniang Kabataan ng Estipona sina Bryan Millo, Diana Evangelista, Astrid Estabillo at Loraine Fernandez (kaliwa hanggang kanan)upang maging paghahanda sa papalapit na mga entrance exam sa kolehiyo. Larawan mula sa SK ESTIPONA

Mathematics at Logical Reasoning na nagumpisa noong Disyembre 27, hanggang 28, 2024, Verbal at NonVerbal Reasoning mula ika-9 ng Enero hangang ika-10, at mock exam naman sa parehas na araw.

GSP Encampment, silbing ensayo sa kahandaan

Aktibong nakilahok ang mga kinatawan ng Girl Scout of the Philippines (GSP) sa Estipona National High School sa iba’tibang camping site at mga aktibidad upang mahasa ang kahandaan. [Rhian Mallari]

samganumero

ENHS Joint BSP-GSP Backyard Camping

Patrol leader’s camp permit course (Plcpc), Camp Planas, San Juan de mata Tarlac City

komunidad

Mayor Balmores inilunsad ang tagumpay sa ika-unang taon ng termino

Bilang patunay sa pangakong mabuti, matagumpay na pamamahala, at serbisyong publiko ng Munisipalidad ng Pura, ipinahayag ni Mayor Atty. Epoy Balmores na naging makulay ang taong 2024 para sa Bayan ng Pura, sa isang panayam noong Enero 8, 2024.

Mas pinagtibay ni Mayor Balmores ang kanyang dedikasyon na itaas ang Pura at gawing 3rd class Municipality mula sa pagiging 4th class. Ayon sa kanya, maraming mga problema ang kinaharap matapos siyang italaga sa posisyon kasunod ng pagpanaw ng kagalanggalang na dating Mayor Freddie Domingo noong nakaraang taon, 2024.

“Since I still don’t have the proper authority to give orders before the former mayor passed away, kapag nagkaroon ng chance to talk about my thoughts, I will, and so after he passed away, maraming problema ang lumitaw, of course I am a lawyer that is why it also helps me on finding out what’s wrong and provide legal solutions that will help the public people,” ani niya

Matapos maupo sa posisyon ni Mayor Balmores ay patuloy na nakatanggap ang Munisipalidad ng ibatibang parangal. Kamakailan

Sinagot ni

ng mga batang mamahayag sa isang interbyu.

Larawan kuha ni ZAMANTHA

lamang ay kinilala ang Munisipalidad ng Pura sa maayos na pamamahala. Natanggap ng Bayan ng Pura ang ika-7 na Seal of Good Local Governance (SGLG). Kinilala rin ang Pura bilang Outstanding Local Government Unit na sumusuporta sa 4Ps na may 2.97 porsyento na pinakamataas sa lahat ng pinarangalan at isa din ang Pura sa nakatanggap ng parangal ng 2024 Drug AntiAbuse Council.

Samantala, ayon kay Mayor Balmores, ang kaniyang mga proyekto tulad ng bagong Pura Livelihood Center, children’s park, at school covered court ay kasalukuyang ginagawa.

Pagdating naman sa sektor ng edukasyon, hindi rin pinalampas ng munisipalidad ang pagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga estudyante, kung saan natitiyak nito na kahit

hindi na siya ang nasa posisyon, magpapatuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong pinansyal para sa mga magaaral.

Sa huli, pahayag ni Mayor Balmores, “kahit ano pang planong maganda ng LGU, kung hindi makiki-cooperate yung buong community, wala ring mangyayari, that’s why I’m proud to say na maaasahan ko ang mga Puranians magmula umpisa hanggang sa matapos ang bawat proyekto at programa.”

5-6

Nilalayon ng DepEd na bawasan ang core subjects ng SHS curriculum sa lima

anim.

Regional Training Camp Test, Central Luzon Gsp regional headquarters, Bamban, Tarlac

Pagtatayo ng bagong gusali ng ENHS, nagdulot ng paglilipat klase

[Mary Joyce Millo]

Dahil sa patuloy na konstruksyon ng mga bagong gusali sa Estipona National High School (ENHS) na nagdudulot ng kakulangan sa mga silid-aralan, mapipilitang ipatupad ng ENHS ang shifting ng mga klase simula Enero 20.

Ang umagang shift para sa ika-pitong baitang hanggang ikasiyam na baitang ay magsisimula sa alas sais ng umaga hanggang alas dose ng tanghali, habang ang hapon na shift para sa ikasampung baitang hanggang ika-12 baitang ay magsisimula sa alas dose ng tanghali hanggang alas sais ng gabi.

Ayon kay Dr. Arlene Apostol, kailangan ng paaralan ng agarang pagsisimula sa paglilipat ng mga klase dahil ang dalawang pangunahing gusali ay nasa proseso ng renobasyon habang ang iba naman ay nasa ilalim ng konstruksyon.

Samantala, ayon kay Regine Balbuena, isang estudyante sa ika12 baitang, ay tumutol sa nasabing pagbabago, na nagsasabing ang nakatakdang konstruksyon ay nabanggit na tatlong taon na ang nakalipas, at ngayon lang nila ito sisimulan habang papalapit na ang katapusan ng taon ng pag-aaral, na nag-aangking magdadagdag lamang ito ng pasanin sa kanilang pag-aaral.

Bukod dito, ang karagdagang mga plano sa konstruksyon ay patuloy pa rin at iaanunsyo ng mga kaukulang tagapayo ng bawat seksyon.

Estiponians, suportado ang pagbabawas ng SHS subjects

Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara na prayoridad ng DepEd na gawing simple ang SHS Curriculum, at bawasan ang mga subjects sa lima o anim.

aaral ng mga bata.

“I believe to say that it is time and relevant to decongest competencies to 70% and subjects as it is one of the goal of MATATAG CURRICULUM, kasi sunodsunod ‘yong mga school activities at hindi na na nabibigyang pansin pa ‘yong ibang lessons,” saad ni Herbert P. Arellano, Head Teacher III ng ENHS. Ayon pa sakaniya, ito rin daw ay makatutulong para mabawasan ang workloads ng mga guro at mas mapaigting ang kakayahan sa pag-

“So, we must have flexibility in our system, if we reduce the subjects of our SHS curriculum, the students will have more time for the onthe-job training or work immersion needed by the industry so that our senior high school graduates will become more employable even if they lack work experience,” pahayag ni Angara sa 2024 Regional Conference on Educational Planning in Asia.

Una nang iginiit ni Angara na masyado nang tambak ang basic education curriculum sa bansa, batay sa mga education experts ng ibang bansa.

Nang tanungin si Benedick Lacsinto, grade 12

student, kung sang-ayon ba siya sa plano ng DepEd ay pumabor din ito.

“Malapit na nga ‘yong work immersion namin pero marami pa kaming hinahabol na requirements sa ibang subjects kasi sabay-sabay mga school activities at ang hirap i-balance ng time, hindi talaga magamitan ng time management, pero siguro kung mababawasan subjects baka mas makapag-focus kami,” aniya.

Samantala, wala pang timeline na ibinibigay ang DepEd kung kailan sisimulang ipatupad ang simplified SHS.

[Mary Joyce Millo]
mula sa pah. 01
sidebar
[Aizel Joy Pagaling]
ILAHAD MO
Atty. Epoy Balmores, Mayor ng Pura, ang mga katanungan
JUNIO

PRESYONG AFFOR’DOUBLE’

Mga mag-aaral ng ENHS, magulang, umalma sa mataas na presyo ng mga bilihin sa kantina

Dahil sa implasyon na kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan, dumarami ang reklamo at protesta ng mga estudyante mula sa Estipona National High School (ENHS) ukol sa labis na presyo ng mga bilihin sa kantin sa loob ng paaralan sa kadahilang hindi sapat ang kanilang mga baon upang makabili at maka-ipon.

50Php

Ayon sa punong guro ng paaralan, hindi naman maitatanggi na tumaas ang presyo ng mga bilihin subalit nagsasagawa na ng pagsusuri ang Administrative Assistant o ADAS.

“Totoong tumataas ang price ng mga pagkain sa school canteen pero humahanap naman ng paraan at gumagawa na ng evaluation ang ADAS para makahanap ng mainam na solusyon para dito,” aniya.

ano pang mabibili ko sa 20 pesos sa canteen? Hindi naman ako nabubusong sa isang empanada` lang,” hinaing ng dalaga.

Nagbubunga ng labis na pag-aalala at pangangamba ng mga mag-aaral, maging ng mga magulang ang patuloy na pagakyat ng presyo ukol sa paggastos para sa kanilang pang arawaraw na pangangailangan sa eskwelahan.

upa kada araw at pati na rin ang ipinapasahod sa kanilang mga empleyado.

May mga estudyante naman na hindi nakararanas nang paghihirap sa pagtaas ng presyo sa kantina, dahil ayon sa kanila, nagbibigay naman ng sapat na allowance ang kanilang mga magulang.

Symposium kontra drug abuse, maagang pagbubuntis, isinagawa tungo sa ligtas na paaralan

Ayon kay Michelle Manuel, grade 12 coordinator, ang seminar ay isinagawa ng Pura PNP, kung saan ang ENHS ang kanilang naging pangunahing prayoridad dahil sa nakita nilang pagtaas ng bilang ng mga estudyante sa paggamit ng ilegal na droga at pagsasagawa ng teenage dating abuse na maaring maging resulta ng teenage pregnancy.

“Actually, lahat naman ng school dito sa Pura ay pupuntahan ng PNP to conduct symposiums like this, sadyang inuna lang ang ENHS due to some confidential reasons, and this symposium is also a big help in leading the way to remind students on the consequences in abusing illegal drugs and teenage dating abuse,” pahayag ni Manuel.

Samantala, tiniyak naman ni Dr. Arlene Apostol sa mga dumalo na ang paaralan ay patuloy na nagsusumikap upang tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga estudyante laban sa mga krimen at pang-aabuso na maaaring magdulot sa kanila ng panganib.

Rest assured that we are doing our best together with other authorities para mabigyan ng safe security ‘yong mga bata from crimes and abuses na ikapapahamak nila

“Rest assured that we are doing our best together with other authorities para mabigyan ng safe security ‘yong mga bata from crimes and abuses na ikapapahamak nila,” ani Apostol.

Habang si PEMS. Lorma Martin naman ay tinalakay ang iba’t-ibang batas na maaari nilang ipataw sa mga mag-aaral kapag sila ay lumabag sa mga alituntunin kaugnay ng nasabing isyu.

Sa kabilang banda, ipinahayag ni Mayumi Dela Cruz, isang estudyante sa Senior High School ng ENHS na hindi na umaabot ang arawang badyet o baon nilang mga mag-aaral dahil sa pagbili ng mga produkto sa kantina, sinabayan din umano ito ng idinadagdag na gastusin ng pag-commute nilang mga magaaral patungo at pauwi galing sa paaralan. “70 pesos lang ‘yong baon ko, pamasahe pa lang 50 pesos ba,

kampus balita

“Hirap akong maka-ipon mula sa aking baon sa school kasi imbes na may matira ay nahihirapan pa ako ipag-kasya ang badyet na ibinibigay saakin ng mga magulang ko,” ani Benedict Lacsinto, isang mag-aaral sa Senior High School.

Ikinatwiran naman ng school canteen manager na patas lamang ang presyo ng mga produkto sa kantina sa kadahilanang kailangan pa magbayad ng Php 2,200 na

Ngunit, may mga mag-aaral na walang kakayahan kaya inaasahan nilang magkaroon ng agarang solusyon ang problemang kinakaharap.

Patuloy pa ring nananawagan ang mga mag-aaral na maibalik o maibsan ang mga nagmamahalang presyo sa kantina upang matugunan ang mga problema ng mga mag-aaral.

Inaalam pa sa ngayon ng paaralan kung paano magagawan ng paraan ang mga hinaing ng mga estudyante.

Ilang guro mula sa ENHS, umapila sa bagong dress code mula sa CSC

[Rhian Mallari] Hindi siya praktikal, lalo na sa mga public schools

katulad natin

kasi wala namang aircon dito

Maribeth Niño ENHS SHS Teacher

Alinsunod sa bagong dress code mula sa Civil Service Commission (CSC) na magsuot ng Asean at Filipiniana-inspired na kasuotan tuwing Lunes, iginiit ng mga edukador mula sa Estipona National High School (ENHS) na ito ay karagdagang pinansiyal na pasanin sa kanila at hindi umaangkop mainit na panahon ng bansa, sa isang panayam, noong Enero 9. Ayon kay Maribeth Niño, Senior High School Teacher mula sa ENHS, “hindi praktikal” ang nasabing ideya dahil sa kakulangan ng bentilasyon sa mga silidaralan at maikling suweldo ng mga guro. “Hindi siya praktikal, lalo na sa mga public schools

katulad natin kasi wala namang aircon dito, saka kulang na nga ‘yong sweldo namin, gagastos pa kami dun,” giit ni Niño.

Gayunpaman, nangatuwiran din siya na kung ito ay magiging isang malaking kasunduan mula sa lahat ng mga empleyado, wala silang pagpipilian kundi sundin.

Higit pa rito, hinimok ni Niño ang gobyerno na ibalik na lang ang flag retreat tuwing Biyernes at bigyang pansin ang pagtaas ng suweldo at benepisyo ng guro sa halip na gumastos ng malaking pera sa mga bagay na hindi praktikal.

“Marami ang pwedeng ikaso sainyo once na nilabag ninyo ‘yong mga batas tungkol dito, mamili kayo, magandang future or future sa kulungan? Syempre piliin na ninyo yung magandang future, kaya mas mabuti nang sumunod na lang tayo sa batas, para iwas na sa pahamak, iwas pa sa malaking gastos once na mahuli at makulong kayo,” paliwanag ni Martin.

Bukod dito, ang symposium ay isasagawa rin para sa mga estudyante ng Junior High School matapos ang lahat ng mga estudyante na Senior High School ng buong Pura

datos

nang nangunguna ang

[Gelli Anne Mirasol]
kampus ekspres
datos
ang karaniwang
baon na ibinibigay
mula sa pah. 01
Estipona National High School sa Drug Watchlist ng Pura Police Station.
Maribeth Niño ENHS SHS Teacher

liham sa patnugot

Mahal na patnugot

Sa bawat pahayag, inyong kinukumpuni ang mga sirang piyesang naglalarawan sa mga isyung bumabalot sa bansa, tila maayos na ritmo ng musikang kay sarap pakinggan. Inyong mga salita ay parang himig na nagdadala ng kahulugan sa mundong impormasyon ay kawalan. Kayo’y nagiging tagapagmana ng pag-asa at kaalaman, na siyang naitatanim sa bawat puso ng mamamayan. Lubos kaming nagbibigay pugay sa inyong pagtutok sa mga isyu ng ating lipunan, na nagsisilbing tanglaw sa gitna ng kadiliman. nagmamahal, mag-aaral ng ENHS

PAMATNUGUTAN 2024-2025

PUNONG PATNUGOT

MARY JOYCE MILLO

PANGALAWANG PATNUGOT

RHIAN JUSTINE DELA CRUZ

TAGAPANGASIWANG PATNUGOT

LETTE NATHALIE OBIENA

PATNUGOT SA BALITA

AIZEL JOY PAGALING

PATNUGOT SA OPINYON

LETTE NATHALIE OBIENA

PATNUGOT SA LATHALAIN

MARY JOYCE MILLO

PATNUGOT SA AG-TEK QUEENIE LUCENA

PATNUGOT SA ISPORTS

RHIAN JUSTINE DELA CRUZ

PUNONG TAGA-MANIKILYA

MARY JOYCE MILLO

PUNONG DIBUHISTA ZAMANTHA JUNIO

PUNONG LITRATISTA ANGELA NUGUID

TAGA-ANYO AT DISENYO

RHIAN JUSTINE DELA CRUZ

MGA KONTRIBUTOR

Aeyesha Pagatpatan, Rhian Mallari, Yuriel Sai Gagelonia, Mirah Casugay, Rosalinda Lozano, Elyza Urma, Jim Paul Reynante, Raphael Dela Cruz, Shania Damasen, Gelli Mirasol, Almyra Delos Santos, Rhian Rosete, Daniella Villanueva, Ara Ramil, Faith Melegrito

TAGAPAYO

ROSEMARIE ALBERTO

PUNONGGURO

ARLENE APOSTOL

angsibol

UMUSBONG NA KAISIPAN HATID NA KATOTOHANAN

ALL RIGHTS

RESERVED 2025. Hindi maaring kopyahin o gamitin ang kahit anong bahagi ng dyaryo na ito nang walang pahintulot sa

opinyon

DAGOK SA EDUKASYON

Taon-taon, ang Pilipinas ay naaapektuhan ng humigit kumulang dalawampung bagyo. Tuwing humahagupit ang ganitong mga kalamidad hindi maiiwasang mangamba ang maraming Pilipino hinggil sa kanilang kaligtasan lalo na ang mga estudyanteng naapektuhan sa kanilang pag-aaral dahil sa kakulangan ng kahandaan ng bansa sa mga posibleng kalamidad na tatama sa bansa.

mahalagang bigyang pansin ito ng paaralan at ng gobyerno upang hindi mapabayaan ang pag-aaral ng maraming editoryal

Malaking tulong ang edukasyon upang masolusyonan ang mga problemang kinakaharap natin sa pagdating sa mga sakuna dahil dito nagsisimula ang lahat subalit paano kung isa rin ito sa apektado?. Dulot ng sama ng panahon, apektado ang maraming mga guro at magaaral ng Estipona National High School (ENHS). Maya’t maya ang pag kansela sa mga klase sapagkat hindi tiyak ang kanilang kaligtasan sa paaralan. Ayon sa ilang mga estudyante sa ENHS na nagbahagi ng kanilang saloobin patungkol dito binanggit na, dahil sa sunod sunod na pagkansela ng klase, kaakibat din nito ay ang pagkagulo sa iskedyul at kulang kulang na kaalaman ng mga mag-aaral dahil nawalan ng pagkakataon na makapagturo ang mga guro kaya nadadagdagan ang mga kaso ng mag-aaral na hirap makabalik sa sistema ng pagaaral. Katulad ng mga estudyante hindi rin madali sa mga magulang na suportahan sa pagpasok ang kanilang mga anak dahil apektado ang kanilang hanap buhay. “Dahil sa bagyo hirap kaming kumita ng pera kaya yung mga bata walang mapang-baon kaya hindi na

namin pinapapasok” hinaing ni Rose Melegrito nanay ng magaaral sa ENHS. Hirap din ang mga guro sa pakikipagsabayan sa mga pagbabagong nagaganap. Kadalasan sila ay napipilitang mag overtime para lamang makabawi sa mga naantalang klase dulot ng sama ng panahon. Walang katumbas ang kanilang dedikasyon sa kabila ng mga hamon na kinakaharap maibigay lamang ang kalidad ng edukasyon at sapat na aral sa mga batang mag-aaral.

Ang edukasyon ang susi sa pagbuo ng isang handang komunidad. Dapat ay ipalaganap sa mga tao ang mga kasanayan na maaaring gawin sa oras ng pangangailangan. Kailangan bigyang kasagutan ng gobyerno ang problema sa sunod sunod na pagkakansela ng klase. Hindi sapat na ang guro lang ang gumagalaw at nagsasakripisyo upang mapanatili ang kalidad ng edukasyon. Kailangan malutas ito upang maging kampante at maging tiyak ang kaligtasan ng marami.

Kung maalam ang mga Pilipino sa kung ano ang dapat at hindi dapat gawin ay tiyak na hindi na natin kailangan

pang mangamba sa ating mga kaligtasan. Ngunit tila baliktad ang ating nararanasan. Hirap tayong lumutas sapagkat hindi bukas ang ating mga isipan sa kung ano ba ang dapat na gawin. Sapagkat apektado din ang sektor ng edukasyon sa oras ng kalamidad. Kaya naman hindi nito nagagampanan ang layunin nitong pagpapalaganap ng kaalaman. Nasa kamay nating mga Pilipino ang tunay na pagbabago.

Sa kabila ng sunod sunod na pagkansela sa klase, mahalagang bigyang pansin ito ng paaralan at ng gobyerno upang hindi mapabayaan ang pag-aaral ng maraming estudyante. Maaring gumamit ng alternatibong paraan ng pag-aaral tulad na lamang ng online class o kaya naman

PATNUGOT Lette Nathalie Obiena
dibuho ni Zamantha Junio

mata sa mata

Bumoto ng matalino, bumoto nang matalino

[Aeyesha Pagatpatan]

Nalalapit nanaman ang panahon ng eleksyon, at tulad ng dati, tila kabuteng nagsusulputan ang mga “lider” na noon ay mas masahol pa sa bula kung biglaang mawala. Mga mukhang ‘di kilala at halos hindi marinig na mga pangalan, ngayo’y akala mo kung sino kung maka-angkin na sila raw ang pag-asa ng sambayanan. Ang iba pa’y garapal na mandurukot sa kaban ng bayan, nagpapanggap na matapat at maasahang lingkod bayan habang nilalamon ng kanilang kasakiman ang tiwala ng mamamayan.

Ang eleksyon, hindi lang sa ating bayan kundi sa buong bansa, ay tila naging paikot na daloy na ng mga nangyaring pagkakamali sa nakaraan. Mga mamamayang naghahangad ng kaayusan ngunit nagbubulag-bulagan at nagbibigay-daan sa mga oportunista, mga tumatakbo sa posisyon na ang tanging puhunan ay kasinungalingan, kayamanan, koneksyon at nilinisang` pagkakakilanlan. Ibang-iba nga talaga ang naidudulot ng kasakiman, handang gawing peke ang katauhan upang makapaghain lamang ng kandidaturang sila lamang ang makikinabang.

Ang lahat ng pangako na ihinihahayag ng mga mapagpanggap na kandidato ay nakatakdang mapako. Sa bawat baryang tinatanggap kapalit ng boto ay tila ipinamimigay na rin natin ang dignidad nating mga niloloko. Kailanman ay walang mas matimbang sa kalagayan ng ating magiging kinabukasan kaysa sa mga nagsisikat-sikatan.

Mga mata’y imulat na, mga labi’y ibuka, tanikala’y wasakin na. Ating gawing aral ang nakaraan. Ang salaping kanilang ipinamimigay upang manalo ay mabilisang mauubos at muling mapapalitan, ngunit ang itinaya nating bayan ay hinding-hindi na mababalikan. Ating tandaan na ang bawat boto ay hindi lamang isang simpleng papel, ito ang sandata ng taong bayan laban sa katiwalian, kasakiman, at kasinungalingan. Piliin ang lider na hindi lamang kumakapit sa salapi at nilinisan nitong pangalan, kundi ang pinunong siguradong itataguyod ang dignidad, hustisya, at pagbabago para sa ating mahal na inang bayan. Tayo ang susi tungo sa pagbabago, ngunit ang tanong, handa ka na bang imulat ang iyong mga matang matagal nang pikit?

PDA: NOrmalized

[Shania Damasen]

Sa kasalukuyang panahon, ang ating lipunan ay unti-unti nang nagiging mas bukas sa iba’t-ibang uri ng pakikipag relasyon. Gayunpaman, ang patuloy na talakayan tungkol sa Public Display of Affection (PDA), o ang ganap na pagpapakita ng pagmamahalan sa publiko, ay isang malaking isyu lalo pa sa mga menor de edad.

Ang PDA ay maaaring simpleng paghawak ng kamay, pagyakap, o halik sa pisngi, ngunit may mga pagkakataong umaabot ito sa mas maselan na kilos na hindi na komportable para sa ibang tao. Kaya’t mahalagang pag-usapan: Hanggang saan ang hangganan ng PDA? Sa ating bansa, ang Pilipinas ay

nananatili pa rin ang konserbatibong pananaw ng karamihan. Bagamat untiunting naiimpluwensiyahan ang mga maraming Pilipino, sa paniniwala na dapat magkaroon ng mga limitasyon sa kung paano ipinapakita ang kanilang pagmamahal sa publiko. Sa kabilang banda, mayroon itong

negatibong epekto sa ibang tao, anupa’t ang pagiging masyadong mapusok sa pagpapakita ng damdamin ay maaaring magdulot ng hindi komportableng sitwasyon para sa ibang tao. Sa halip, ang pagrespeto sa damdamin at espasyo ng iba, ay isang mahalagang prinsipyo na dapat nating isaalang-alang.

BUGTONG BUGTONG NA SOLUSYON

Pinirmahan na ni pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Academic Recovery and Accessible Learning o mas kilala bilang ARAL law na naglalayong matulungan ang mga mag-aaral upang malutas ang dumadaming kaso ng learning gaps. Subalit hindi sapat para masolusyonan ang pangunahing hinaing ng mga estudyante.

Layunin ng batas na ito na mapabuti ang maraming mag-aaral ngunit tila matutulad lamang ito sa mga naunang ipinatupad ng Department of Education (DepEd) na hindi naging matagumpay at tila hanggang plano lang tulad na lamang ng sa Catch Up Friday na kulang kulang sa pondo at mga kagamitan kaya hindi naipatupad ng maayos. Ang nasabing batas ay inunang ipinatupad ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) dahil sa planong solusyonan at tulungan ang mga mag-aaral na maging maalam sa larangan ng pagtrabaho at upang mabigyang daan ang panunumbalik at pag-ahon ng sektor ng edukasyon sa iniwang bakas ng pandemya na nag dulot ng learning gaps sa mga estudyante.

Sa dami ng hindi mabilang na isyu ng Pilipinas pagdating sa edukasyon, tila magsisilbi lamang itong balakid lalo na sa mga guro na tambak na sa gawain dapat ay unahing pagtuunan ng pansin ng pamahalaan na solusyonan ang tamang pagbibigay at pagbabawas ng mga gawain sa mga guro upang maging mabisa ang kanilang pag tuturo sa mga bata at masolusyonan ang problema sa kalidad ng edukasyon bago pa man ang pagpapatupad ng hindi naman siguradong batas. Layunin ng batas na ito na mapabuti ang maramig mag-aaral

ngunit tila kabaliktaran ang mangyayari at imbis na mapabuti ay magiging isa lamang itong palamuti dahil sa hindi tiyak na kalalabasan kapag naipatupad na at maraming mga mag-aaral ang magiging apektado kapag hindi naipatupad ng maayos ng gobyerno. Kasabay ng pagsasaayos sa kalidad ng edukasyon , kailangan na ayusin muna ng DepEd ang mga matagal ng isyu pagdating sa edukasyon at unahing ayusin ang mga ito na hanggang ngayon ay hindi parin nasosolusyonan ng bansa. Dahil kung ang mga batas ay pabago bago ngunit hindi parin naisasaayos ang dating probleman ay mahihirapan ang marami at imbis na makatulong ay magiging panibangong problema lamang, pabago bago subalit hanggang plano lang naman.

kung ang mga batas ay pabago bago ngunit hindi parin naisasaayos ang dating problema ay mahihirapan ang marami

Tanging 25% lamang ng mga mag-aaral sa Pilipinas ang may pinakamababang antas ng kasanayan sa Agham, Matematika, at Pagbasa, na nagpapakita na patuloy na nahuhuli ang Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa sa mga larangang ito.

Ang dahilan kung bakit inaasahan ni Juan Edgardo Angara, ang kalihim ng edukasyon, ang ganitong pangyayari. Upang suportahan ang mga natatanging bata, iminungkahi niya na pag-isipan natin ang pagpapadala sa ating mga pinakamatalinong estudyante upang mag-aral sa ibang bansa bilang tugon sa pananaliksik na nagpapakita na tanging 1% lamang ng mga pinakamatalinong estudyante ng bansa ang nakikinabang mula sa pondo ng gobyerno para sa mga science high school.

Sinabi niya, “Dahil nais naming matiyak na lahat ay may access sa edukasyon, nakalimutan naming itulak ang hangganan ng kalidad.”

Para kay Angara, kailangan nating “i-level up” ang ating

suporta sa mga academically talented na estudyante, na sinabi niyang maaaring kabilang ang isang programang pag-aaral sa ibang bansa na sinusuportahan ng gobyerno, “dahil iyon ang ginagawa ng marami sa ating mga kapitbahay.”

Ayon kay Angara, ang pagpapadala ng mga bata sa ibang bansa upang magpokus sa kanilang mga indibidwal na kasanayan at talento ay kapakipakinabang din para sa atin, lalo na para sa mga nangungunang estudyante, dahil ang mga ganitong pagkakataon ay bihira at mas advanced ang edukasyon doon. Ngunit, hindi ito dapat maging pangunahing prayoridad ng DepEd. Bilang isang estudyante, naranasan kong magkaroon ng kaklase na kulang na kulang

sa pag-aaral, hindi marunong bumasa at kahit ang mga simpleng Matematika ay hindi kayang lutasin. Maraming proyekto ang inilunsad ng DepEd upang mapabuti ang kalagayan ng mga estudyante dito sa Pilipinas, ngunit hindi ito maayos na naipapatupad. Tulad ng catch-up Friday na ipinatupad pero ngayon ay wala nang silbi. Gayundin, ang pagbibigay ng mga materyales o kagamitan sa paaralan tulad ng mga aklat at mga modyul ay hindi nagagamit ng mga estudyante. Pinakamahalaga, mahalaga ang pag-aaral, kaya sa halip na magpokus sa mga estudyanteng may sapat nang kaalaman, bakit hindi bigyan ng pagkakataon ang iba na matuto pa? Bakit hindi pagbutihin

ang 25% ng mga estudyanteng ito sa halip na magpokus sa mga magagaling na? Dapat nilang bigyang-pansin ang mga estudyanteng kailangang turuan ng mga batayang kaalaman. Marami pang ibang bagay na kailangang ayusin ng DepEd bukod sa pagtutok sa mga nangungunang estudyante. “25%” lamang ng mga estudyante sa Pilipinas ang marunong ng basic math, science, at reading, at binibigyan pa nila ng atensyon ang mga top students?

Mas makabubuti para sa Pilipinas na magbigay ng maraming guro o tutor sa mga estudyante upang matutunan ang mga pangunahing kaalaman sa pag-aaral.

Gahol at naghahabol
[Gelli Mirasol]
ideyolistiko
dibuho ni Zamantha Junio

Malaking hamon sa mga guro ang paghahatid ng mabisang serbisyo sa pagtuturo sa mga mag-aaral dahil sa kulang-kulang na kagamitan sa paaralan na mas lalong lumala dahilan ng pagtanggal ng gobyerno sa P12 bilyong pisong pondo ng kagawaran ng edukasyon.

Nahihirapan kaming makapagturo ng maayos dahil sa kakulangan ng mga kagamitan. Minsan ginagawan nalang namin ng paraan at humuhugot na kami sa bulsa namin para lang magampanan yung tungkulin namin sa mga bata. Hiling ko lang na sana ay maagapan ito sa lalong madaling panahon dahil hindi sa lahat ng oras ay magagawan namin ng paraan.

Mahirap pong mag-aral ng mabuti kapag kulang-kulang ang kagamitan sa paaralan. Sana ay magawan ng paraan ng gobyerno para mas mapadali ang pagkamit namin sa aming mga pangarap.

sa totoo lang

Tukso sa pag-asenso

Isa ako sa maraming kabataan na walang hangad sa bansang Pilipinas kundi ang pag asenso nito. Hindi maikakaila na isa sa hirap umasenso ay ang ating bansa dahil sa sandamakmak na nababalitaang korapsyon na siyang lumalabag sa demokratikong prinsipyo ng mga Pilipino.

Habang papalapit ang araw ng eleksiyon, talamak na din ang maraming mga kandidato na tumakbo kasabay ang kanilang mga planong puro naman pangako.

Malaking problema sa panahon ng eleksiyon ang sinasabing “vote buying.’’

Maraming Pilipino ang binebenta ang kanilang mga boto para lamang sa salaping kapalit nito. Nasisilaw sila sa mga perang iniaabot sa kanila at hindi inaalintana na nakasalalay dito ang kinabukasan maraming kabataan na walang hangad sa bansa kundi kasaganahan.

Marami ang bumuboto nalang ng kung sino-sino at isinasantabi ang kapakanan ng marami para lang maipanalo ang mga kaduda-dudang tumatakbo sa gobyerno. Madaling masilaw ang mga Pilipino at ipinapalit nila ang kanilang mga boto para sa maliit na halaga. Subalit, kung titingnan sa kabilang dako ng istorya, maraming kumakagat at pinapatos ang vote buying dahil din sa hirap ng buhay. Parang isang sikulo lamang ang nangyayari. Ibinoboto ang mga tiwali kaya kapalit naman nito ay paghihirap ng maraming Pilipino.

Kung nagawa nilang tumakbo na binabayaran ang boto ng mga Pilipino, paano pa kaya kapag sila ay nakaupo na sa pwesto. Hindi ba’t mas grabe pa ang magiging epekto nito sa ating bansa. Sa kalaunan magiging kawawa ang mga kabataan at magiging hirap sila dahil apektado ang kanilang kinabukasan. Bilang isang botante, dapat ay piliing mabuti ang uupo sa pwesto at huwag magpapasilaw sa mga tumatakbong bumibili ng boto dahil kinabukasan natin ang nakasalalay dito. Huwag basta-bastang magtitiwala at mag papasilaw sa tukso. Hindi lang ito basta boto dahil ito ay sumasalamin sa pag-asenso ng bansa para sa hinaharap ng mga mamamayang Pilipino.

Edukasyon ang pundasyon sa isang maunlad na bansa, subalit ang kamakailangang pagbawas ng P12 bilyong piso sa pondo ng Kagawaran ng Edukasyon ay malubhang banta sa hinaharap ng edukasyon sa Pilipinas.

Ayon sa National Expenditure Program (NEP), humiling ang Kagawaran ng Edukasyon ng mahigit P793.18 bilyon para sa taong 2025. Ngunit ito ay nabawasan ng mahigit kumulang P11.57 bilyong piso. Ito ang tinatawag na P12 bilyon “budget cut.’’

Ang pagbawas sa pondong ito ay lubhang nakaaapekto sa kagamitan at pasilidad ng mga pampublikong paaralan. Ayon sa bagong Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Sonny Angara, ang hinihinging P10 bilyong piso ay ilalaan dapat sa computerization program upang tugunan ang mga digital na pangangailangan ng mga silid-aralan sa buong bansa: upang magbigay ng mga laptop at telebisyon at upang palakasin ang

mga kakayahan sa ICT ng mga guro at mag-aaral. Bukod dito, binawas din ang inilaan na P1.5 bilyon para sa pagkuha ng mga bagong guro. Kung wala ang pagpopondo na ito, ang kakayahang punan ang kasalukuyang kakulangan ng guro at magbigay ng sapat na edukasyon para sa lahat ng mga mag-aaral ay lubhang makokompromiso. Ayon pa sa ulat ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM), ang kabuuang pondo ng Pilipinas sa edukasyon ay bumaba sa 20%. Malinaw na iminumungkahi nito na ang edukasyon at ang kagalingan ng mga estudyanteng Pilipino ay hindi prayoridad. Nakisali rin si Pangulong

Ferdinand Marcos Jr. sa isyung ito na nangangako na babawiin niya ang pondo. Gayunpaman, kung walang konkretong plano kung paano ito makakamit, mananatili lamang ito bilang isang hungkag na pangako.

Ang tagumpay at ang kinabukasan ng edukasyon sa Pilipinas ay nakasalalay sa balanse. Ang sitwasayon sa lumalalang mga pasilidad, kakulangan ng mga guro, at kakulangan sa mga kagamitan ay lulubha lamang nang wala ang kinakailangang pondo.

Nangangailangan ito ng pangmatagalang solusyon, hindi pansamantalang pagbawas sa pondo.

Lumaki po ako sa Wonderland, your honor

walang mangyayaring pandaraya sa hustisya kung hindi nila ito pinalalampas

[Faith Melegrito]

Samantalang naghihirap ang mga kapwa kong mamamayan sa paghahanap ng hustisya, si ‘Alice’ ay nabubuhay sa sarili niyang “Wonderland,” nagpapakasasa na parang prinsesa sa isang pelikula.

Kinumpirma ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang pagbabalik sa bansa ni dating Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac noong Setyembre 6. Ayon din sa isang ulat, nakasakay siya sa isang biyahe ng gobyerno kasama sina DILG Secretary Benhur Abalos Jr. at PNP Chief Rommel Marbil, na personal na sumundo sa kanya sa Jakarta, Indonesia.

Talaga nga namang ipinapakita nila ang malaking agwat sa ating

lipunan—isang sistema kung saan ang hustisya ay tila paninda na nabibili lamang ng mayayaman. Para sa mga mahihirap, walang karapatan na magreklamo, magsampa ng kaso, o humingi ng hustisya; samantalang ang mga mayayaman, isang hugot lang ng salapi ang kailangan para sa kaligtasan. Isa itong malaking sampal sa mga nasa posisyon sa gobyerno, dahil walang mangyayaring pandaraya

sitwasayon sa lumalalang

pasilidad, kakulangan ng mga guro, at kakulangan sa mga kagamitin ay lulubha lamang nang wala ang kinakailangang pondo.

sidebar

ang ikinaltas sa hinihinging P793.18 bilyong pondo ng kagawaran ng edukasyon.

sa hustisya kung hindi nila ito pinalalampas. Sawa na ako sa paulit-ulit na kasinungalingan na “pantaypantay tayong lahat.” Ang “Wonderland” treatment kay ‘Alice’ ay pangungutya sa hustisya. Buksan na natin ang ating mga mata at tainga! Hindi dapat binabalewala ang hustisya dahil lang may pera. Tandaan na ang pugante ay kailanman hindi magiging prinsesa.

matalim ang dila
Maricel Garlitos guro sa ENHS
Karylle Anne Laplana magaaral sa ENHS editoryal
dibuho ni Zamantha Junio

PATNUGOT Mary Joyce Millo

tanaw sa sigaw

Halinat tuklasin ang mga mahalagang kaganapan sa rebulosyon ng Pilipinas kontra sa mga banyaga na humugis at pumanday sa lalawigan ng Tarlac.

18 95

Macabulos bilang “Claudillo”

Noong 1895 ay maagang sinimulan ni Francisco Macabulos ang pag-kalap ng mga miyembro para sa Tarlac Chapter ng Katipunan, marami sa mga miyembro ay mula sa mga “principalia”, o mga edukadong mamamayan tulad nina Don Aurello Pineda, at Don Marciano Barrera, na nag organisa sa mga magsasaka at mangagawa upang maging mga sundalo at si Dona Justa Valeriano de Urquico the na kilala bilang “Heroine of the revolution in Tarlac”. Si Macabulos, isang makata, ay pinili upang pangunahan ang pag-aalsa at maging “Claudillo” o lider ng militar ng lalawigan.

Parais ng sagigilid

Nakamamangha, Nakatutuwa, Nakalulula.

Ito ang mararamdaman mo pag nasilayan ang tinatagong ganda ng turismo ng Tarlak.

Pagtapak sa probinsiya tunay na kahali-halina. Pagmasdan ang paligid at makikita ang sari- saring taniman sa mga daan. May gintong palayan rin, rinig pati kaluskos ng dahon, at ang sariwang hangin. Mga ibong nagliliparan at nag-aawitan sa pagdapo sa mga puno. Parang paraiso kung tingnan.

Kung gusto mong magpalamig sa mainit na panahon tiyak na magugustuhan mong pumunta sa Kanding Falls ng Baranggay Maasin, San Clemente, Tarlac; Anzap Twin Falls na di ka bibiguin ng Mayantoc Tarlac; at Kiti Calao Falls ng San Jose, Tarlac. Mahuhulog ka sa magandang tanawin at malamig na tubig na handog ng mga ito.

Hindi mo rin palalagpasin ang pagpunta sa Kart City at Capas ATV Adventure. Dahil kung mahilig ka sa mga ‘thrill’ at mga ‘adventures’ tiyak na mahuhumaling ka sa saya nitong dala. Mapapatalon at pasisigaw kang talaga. Magliwaliw at magpahangin sa Maria Cristina Park, Tarlac Recreational Park, Mt. Damas ng San Clemente, at JSJ Goat Farm. Kay gandang tanawin at mga problema’y

mapapawi. Sa likod ng mapaghamong mundo ay ito ang nababagay na lugar kung nais nating magpahinga.

Kapag mahilig ka naman sa kasaysayan ay bumyahe kana

sa Monasterio De Tarlac, Capas National Shrine, Bamban Museum of History, Museo ng Tarlac at Aquino Center and Museum. Ang pakiramdam ay mababalik sa nakaraan.

Ito ang ilan sa mga lugar na ipinagmamalaki nating mga Tarlakhenyo. Maituturing na kanilang yaman na nagbibigay kinang sa Inang Bayan. Basta laging tandaan na huwag mag-iiwan ng basura kapag bumisita kundi mag-iwan ng mga masasayang ala-ala.

Mula sa norte, silangan, kanluran, at timog, malaking kalinangan ang iyong mapapansin sa kultura, pamumuhay, pagkain at pananalita. Tunay ngang magkakaiba ngunit nagkakaisa para sa bayang nakikipagsabayan.

Sulyap sa nakaraan

[Aeyesha Pagatpatan]

Unang sulyap pa lamang ay masasabi mong ito’y tila tahimik na lugar na binubuo ng ilang kabundukan at kapatagan na napupuno ng palayan, na siyang nasisinagan ng bawat mata ng mga dumadayong turista. Subalit sa likod ng mga berdeng tanawing taglay ng probinsyang ito, maraming tagong alamat ang nahabi mula sa dugo ng mga bayani, pawis ng mga magsasaka, at ugat ng kultura’t kasaysayan ng mga mamamayang naninirahan dito. Ito ang Tarlac, isang masaganang probinsya na punong puno ng mga kuwentong tila kumakaway mula sa nakaraan habang tinatanaw ang kinabukasan.

Base sa daan-daang mga kuwentong naipasa nang naipasa sa patuloy na pagdating ng mga henerasyon, bago pa man dumating ang mga dayuhan, ang Tarlac ay isang malawak na lupaing sagana sa damong tinatawag na “Malatarlak.” Ang Malatarlak ay isang uri ng damong pinangalanan ng ating mga ninunong Aeta, bawat hibla ng damong ito ay tila naiwang marka ng paniniwala’t kinagisnan ng mga Tarlaqueñong ninuno. Gaya ng damong ito, lupon ng mga ugat din ang iniwan at itinanim ng kasaysayan sa ating kultura’t tradisyon. Pinaniniwalaan na ang Tarlac ay parte lamang noon ng mga karatigbayan; Pampanga, Pangasinan, at Nueva Ecija. Subalit sa mabilis na takbo ng panahon, ang Tarlac ay lumago at naging nag-iisang bayan noong 1874. Mula sa mga probinsyang pinanggalingan ng Tarlac, dito ay nabuo ang samu’t saring uri ng tradisyon, mga pagkain, at maging sa larangan ng sining. Sino nga ba

naman ang hindi makakikilala sa sisig ng mga Kampampangan, sinanglaw ng Ilocano, at tupig ng mga Pangasinense? Iilan lamang iyan sa mga masasarap na potaheng karaniwang inihahain ng mga Tarlaqueño. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isa sa mga munisipalidad ng Tarlac ay naging bahagi ng Bataan Death March na nagsimula sa Mariveles, Bataan patungo sa iba’t ibang kampo. Ito ang naging dahilan kung bakit binuo at itinayo ang Capas National Shrine na magpahanggang ngayon ay patuloy na iginagalang. Ito ang nagsisilbing paalala hindi lamang sa mga Tarlaqueño kundi sa lahat ng Pilipino na libu-libong sundalo ang naglakad ng walang patid sa tinaguriang Death March.

Bagamat puno ng ingay ng mga nakaraang labanan, ang kalikasan naman ng Tarlac ay tila isang himig ng kapayapaan. Sa isang bundok sa San Jose, matatagpuan ang Monasterio de Tarlac, kung saan isang banal na rebulto na tinitingala ng bawat

18 97

Ang iyak

Noong

Tarlac, isang alamat na puno ng diwa at kalakasan. Ang lalawigan ng Tarlac ang nagpapatunay na hindi lahat ng maganda ay nagsisimula sa kariktan, bagkus, ito ay unti-unting mabubuo dulot ng mga pinagdaanan nito.

[Mary Joyce Millo]
[Rhian Justine dela Cruz]
umaga ng Enero 24, 1897, si Macabulos at ang kanyang mga tauhan ay nag martsa tungong kampo ng mga espanyol sa La Paz, armado lamang ng mga lumang kampilan at kaunting baril, nagwagi
gawa ni Rhian Justine Dela Cruz

Reaksyon ng Espanya

Ang mga Espanyol, na nagdidiwang pa mula sa pamamayagpag sa Pateros at Kakarong de Sili ay naalarma sa ginagawang ingay ng Tarlac at Pampanga at agad na ipinadala si General Ricardo Monet bilang zone

datos

TATAK TARLAC

Narito ang mga pangunahing produktong pang-agrikultura ng lalawigan ng Tarlac; datos mula sa PSHWM | CE-WM

1 TUBO

Kanlungan ng mgaLahi

Iba’t-ibang ugali at gawi, sa may gitnang luzo’y umuuwi. Ang hangaring minimithi ay ang pagwawagi.

Ito ay ilan sa mga liriko ng musikang pinamagatang “Awit ng Tarlac”, sumasagisag sa pagiging “melting pot” nito sa Luzon. Higit pa sa mga tanawin at taniman ng palay, ang Tarlac ay isang lalawigan na mayaman sa kasaysayan at kultura. Isang kanlungan ito ng iba’t ibang lahi, kung saan nagsasalubong ang mga kuwento ng mga katutubo, mga dayuhan, at mga Pilipinong nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang pagkakaiba-iba ng mga tao rito ay hindi hadlang sa pagkakaisa, bagkus ay nagiging yaman at kulay ng kulturang

Sa gitna ng mga matataas na bundok at luntiang kapatagan ng Luzon, matatagpuan ang lalawigan ng Tarlac. Isang lugar na higit pa sa mga tanawin, kundi isang buhay na museo ng kasaysayan at kultura ng Pilipinas. Hindi lamang ito isang simpleng destinasyon sa paglalakbay, bagkus isang kanlungan ng mga lahi, isang saksi sa pagkakaisa at pagkakaibaiba ng mga mamamayan nito. Ang Tarlac ay tahanan ng iba’t ibang pangkat-etniko, bawat isa ay may natatanging kuwento, tradisyon, at paniniwala. Mula sa mga Aeta, na matagal nang naninirahan sa mga kabundukan, hanggang sa mga Ilocano, Kapampangan, at Tagalog na nanirahan sa mga kapatagan, ang lalawigan ay isang tunay na salamin ng pagkakaiba-iba ng

kulturang Pilipino. Ang kanilang mga wika, kaugalian, at sining ay nagsasama-sama upang lumikha ng isang mayamang kultura. Ang mga Aeta, na kilala sa kanilang malakas na ugnayan sa kalikasan, ay nagpapanatili ng kanilang tradisyunal na pamumuhay sa mga liblib na bahagi ng Tarlac. Ang kanilang mga kasanayan sa pangangaso at pangangalap ay nagpapakita ng kanilang malalim na pag-unawa sa kanilang kapaligiran. Ang kanilang mga kuwento at alamat ay nagbibigay-liwanag sa kanilang kasaysayan at paniniwala.

Sa kabilang banda, ang mga Ilocano, Kapampangan, at Tagalog ay nagdala ng kanilang sariling mga kaugalian at tradisyon sa Tarlac. Ang kanilang mga pagdiriwang, pagkain, at sining ay nagpapayaman sa kultura ng lalawigan. Ang kanilang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa ay nagpakita ng pagkakaisa at pagtutulungan sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba.

Ang Tarlac ay isang patunay na ang pagkakaiba-iba ay hindi isang hadlang sa pagkakaisa, kundi isang pinagmumulan ng lakas at paglago. Ang pagkakabigkis-bigkis ng mga lahi sa lalawigan ay isang inspirasyon sa buong bansa, na ang bunga ay pagsibol ng bawat isa. Ito ay isang buhay na testamento sa kayamanan at pagkakaiba-iba ng kulturang Pilipino, isang kanlungan ng mga

lahi na nagpapakita ng tunay na diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan. Ang paglalakbay dito ay isang paglalakbay sa puso ng Pilipinas, isang paglalakbay na tiyak na mag-iiwan ng isang hindi malilimutang marka sa puso at isipan ng bawat bisita. Ang pagkakaiba-iba ng kultura ay hindi hadlang sa pagkakaibigan at pagtutulungan. Sa halip, ito ay nagpapalakas sa komunidad at nagpapayaman sa kultura ng lalawigan.

KAPAMPANGAN IBA PA
ILOKANO TAGALOG
sidebar
Porsyento ng mga nangungunang lengguwahe na ginagamit sa lalawigan ng Tarlac.
gawa ni Rhian Justine Dela Cruz

kapuPULUTAN ng Aral

Nagsisilbing palamuti sa mga mata ang bawat indayog ng mga ilaw, samahan pa ng sariwang hangin at mabangong samyo

na mula sa bawat putaheng inihahain nila. Ito ang ipinagmamalaki ng KAVS Bar & Resto na matatagpuan sa Población 3, Pura, Tarlac. Oktubre 6, 2022 nang magsimulang pasukin ni Kevin Manlutac ang mundo ng pagnenegosyo. Sa kalagitnaan ng kaniyang kaarawan habang sila’y nag-iinuman, tila bumbilyang umilaw ang kaniyang isipan at nais niyang magtayo ng sarili niyang bar & resto. Ngunit bago ito, nagkaroon muna siya ng maliit na pwesto sa palengke.

“Noon mayroon akong small business sa palengke na TANPULUTS, maliit lang na stall ‘yong akin. Tapos pagdating ng pandemic siyempre lahat tayo tinamaan kaya natigil pansamantala,” saad ni Kevin. Hindi siya nagpatinag at dahil puhunan niya’y matibay na determinasyon, unti-unti nang naisakatutuparan ang mga dating imahinasyon.

“Sobrang risk mag business that time pero ‘yon ang passion na gusto kong gawin like pulutan, drinks at mga ulam. So napag isip-isip ko na what if gawin ko ‘tong business,’’ dagdag niya.

Dalawang taon na ang nakalilipas, ang kaniyang pawis at pagod ay nagbunga ng matamis na tagumpay. Dating apat na staff ngayon ay naging 22. Ayon sakaniya, naging maganda ang pagtangkilik at unti-unting nakilala ng mga tao kaya naman patuloy lang sa pagtakbo at kasalukuyang ginagawa ang expansion nito. mga ideya sa likod ng KAVS

‘’Nakuha ko ‘yong mga idea at information sa pinagtrabahuhan ko dati sa BGC Makati pati mga napuntahan namin sa Manila. Nag come up ako sa idea na what if ilipat o ilapit natin ‘yong ideas from BGC Makati dito sa Pura,’’ giit ni Kevin.

Ito ang kauna-unahang bar & resto dito sa bayan ng Pura. Naging maayos

ang ihip ng tadhana kaya naman binabalik-balikan ito ng mga tao.

“Hindi tayo mag e-expand kung hindi maganda ang takbo nito,’’ dagdag niya. eh bakit KAVS??

‘KAVS’ ang naisip nilang ipangalan dahil galing ito sa pangalan ng kaniyang anak na si Kyle Avry. Dagdag pa ang tawag kay Kevin ay ‘Kevs,’ kaya naman bagay na bagay ang pangalan na KAVS sa kanilang bar & resto.

ang pagsisimula sa maliit ay hindi hadlang sa pagkamit ng malaking hinaharap

Isa sa pinagmamalaki nila ay ang specialty nilang sisig kasama ang dinakdakan, kare-kare, at crispy pata. Ito ang kanilang mga signature dish noong nasa TANPULUTS pa lamang at talagang malakas daw ang kinikita nila sa mga ito.

“Dapat focus lang sa work regardless kung matumal o malakas ‘yong benta tuloy-tuloy lang, ganoon ang pagnenegosyo. Hindi porket kumite ka ng maliit eh magsasara ka na, mawawalan

ka na ng pag-asa, kumbaga gaya nga ng sabi nila na hindi laging pasko,’’ ani Kevin. anong kakaiba sa KAVS?

“Hindi siya typical type ng bar na as in ‘yong madilim at makulob. ‘Yong makikita mo rito eh mare-relax ka, kapag pumunta ka imbes na magpakawalwal ka, uuwi ka nang lasing na lasing, dito hindi, dito wala kang makikitang basagulero’’ dagdag niya.

Ano man ang edad ma pa bata man o matanda at ano man ang estado sa buhay ay welcome na welcome dito. Ang kanilang layunin ay maipadama ang kalmadong klima na para bang Kahit saglit ay malilimot ang problema, ito ang dala ng kanilang bar & resto.

“Ang lagi kong sinasabi sakanila na lahat ng papasok dito ‘yong treatment eh as boss regardless kung anong suot o estado nila sa buhay. Kahit ako na andito ma’am & sir ‘yong tawag ko. Kasi sabi ko sakanila ibibigay naming ‘yong best customer service,’’ saad niya.

Ang kwento ni Kevin ay isang paalala na ang tagumpay ay hindi dumating ng madali, ngunit sa pamamagitan ng pagsusumikap, pagtitiyaga, at isang malinaw na bisyon, Kahit sino ay maaaring makamit ang kanilang mga pangarap. Ito ay isang patunay na ang pagsisimula sa maliit ay hindi hadlang sa pagkamit ng malaking hinaharap.

PERA O DANGAL

; BALOTA mubi rebyu

[Mary Joyce Millo]

Handa ka bang ipagpalit ang kinabukasan ng bansa para lang sa perang matatamasa? Hatid ang rebyu sa mubi na pinagbidahan ng tinaguring Primetime Queen na si Marian Rivera.

UNANG EKSENA BAGO ANG

ELEKSYON

Pagsapit ng araw ng eleksiyon ay nagtungo si Emmy sa eskuwelehan upang maging boluntaryo bilang watcher sa halalan. Lumalamang na ‘yong dati nilang kurakot na Mayor. Huling balota nalang ang hinihintay na kailangan upang malaman ang resulta. Pagkatapos ay pinosas na kay Emmy ‘yong balota, kasama pa ang isang lalaking guro. Habang tinatahak ang daan papunta na pala sila kalaban, walang iba kundi ang kanilang drayber.

HINDI PAGKAGAT SA TUKSO

Inalok sila na bayadan ng malaking salapi, ngunit dahil sa kanilang paninindigan ay hindi sila pumayag. Biglang itinigil ang sasakyan sa gitna ng bukid kasabay ng paglabas ng baril ng drayber. Nag-agawan ng baril at natamaan ‘yong lalaking kasama niya na nauwi sa huling hininga niya. Siya nalang ang naiwang buhay, at ginamit ang balota upang pukpukin ang drayber na naging susi upang makatakas siya sa kamay nito at napadpad sa bukid

ngunit naligaw din.

BALITA SA PAGKAWALA

Nabalita na sa telebisyon ang pagkawala niya at dinukot rin ang kaniyang pamilya, kinulong ang anak, pinaslang ng pinsan at pamangkin niya. Noong hinuli ‘yong anak niya ng dalawang pulis, isa pala doon ay dati niyang tinuturuan. Dahil malaki ang utang na loob nito kay Marian, naudlot ng masamang binabalak nila na taniman ang anak niya ng droga, bagkus aksidente nilang napatay ‘yong isang pulis.

Kinalauna’y naging magkakampi ang pulis at kanyang anak na hanapin siya. Habang si Marian tinatawagan niya ang anak kasi na save niya yung cellphone niya kaya nakaka-update sila sa isa’t-isa. Pinagusapan nila na magkita sila sa bahay nung lalaki na bagong tumatakbo din bilang Mayor, kaya pumunta si Emmie doon at pinapasok naman siya. Tapos ‘yong anak niya at yung pulis papunta na nung nakapasok ng bida ang Bahay. Doon niya napagtanto na sila pala

‘yong nagpapapatay sa mga hindi bumoboto sa kaniya. Nalaman niya na ‘yon ang kalaban nila, at kaagad tinext ang anak niya. Kumilos ang anak niya sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang mga ka barangay na kasakasama nilang nag wewelga. Pumunta sila sa harap ng bahay nung mayor, nag welga at sinabi ni Marian na kung papatayin siya ay alam na ng taong bayan. Pinalabas siya at muli na silang nagkasama ng kaniyang anak. Naaresto ang mga Mayor na kurakot, nag botohan ulit sila at ang namumuno’y naging maayos na. Sa huling eksena ay naging Prinsipal si Marian. OPINYON NG MANONOOD

Maganda ‘yong movie lalo na sa mga estudyante kasi mabubuksan ang kanilang isipan pagdating sa botohan. Katulad nung mga kapitbahay nila na kahit ano man ang kasarian basta may paninindigan ay kayang-kaya lumaban. Hindi porket bata ka katulad nung anak ni Emmie ay wala ka ng magagawa. Huwag na huwag ibababa ang sarili para lang sa pera.

[Mary Joyce Millo]
Ayon sa sarbey na isinagawa ng Ang Sibol, mahigit kumulang ng mga magaaral sa ENHS ay nakaranas ng panunuhol.

Pagkatapos masilayan ang bukang-liwayway, isang pigura ang matiyagang naglilinis sa bawat sulok ng Estipona National High School (ENHS). Walang iba kundi si Domingo B. Hernandez o mas kilala sa tawag na “Manong Bong”. Siya ay 53 taong gulang, isang tahimik na bayani na ang kuwento ay higit pa sa pagwawalis at pagtatapon ng mga basura.

Limang taon na siyang katulong ng paaralan, ngunit ang kaniyang pagsisikap ay hindi lamang para sa kalinisan ng mga pasilyo at silid-aralan. Ito’y isang paglalakbay na puno ng pagtitiis, pag-asa, at walang kapantay na pagmamahal sa pamilya.

Hindi basta-basta ang kanyang araw. Bago pa man magsimula ang klase, hawak na niya ang walis at pandakot habang maingat na nililinis ang bawat sulok ng paaralan. Tinitiyak ang isang komportableng lugar para sa mga mag-aaral.

Ngunit tulad ng iba hindi laging madali ang kaniyang buhay. Ang pagpapalaki sa apat na anak gamit ang maliit na

sahod ay isang patuloy na pakikibaka. May mga araw na tila ba’y nalulunod siya sa bigat ng responsibilidad, na pakiramdam niya’y kulang pa ang lahat. Ngunit ang pagmamahal sa pamilya ang nagsisilbing kaniyang lakas at ito ang nagtutulak sa kaniya upang magpatuloy.

Upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya, hindi lamang sa paglilinis siya umaasa. Nag-welding din siya bilang karagdagang hanapbuhay, isang patunay ng kaniyang determinasyon na bigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak.

Ang kaniyang itinanim na pagsusumikap ay nagbunga ng matamis na

tagumpay. Kamakailan lamang, isa sa kaniyang mga anak ay nagtapos sa kolehiyo na may karangalang Magna Cum Laude. Sa sandaling iyon, habang naglalakad ang kaniyang anak sa entablado, ay tila napawi ang bigat ng mga taong pinagdaanan niya. Isang magandang paalala na ang kaniyang mga sakripisyo ay hindi nasayang, na ang kanyang dedikasyon ay nagbukas ng daan para sa tagumpay ng kanyang mga anak.

Si Manong Bong ay higit pa sa isang dyanitor. Siya ay isang halimbawa ng katatagan ng loob ng tao. Isang tahimik na bayani na ang kontribusyon sa paaralan at komunidad ay

walang kapantay. Isang huwaran na nagpapakita na kahit sa gitna ng kahirapan, sa pamamagitan ng pagsusumikap, determinasyon, at suporta ng mga mahal sa buhay, ang mga pangarap ay maaaring maging katotohanan. Ang kaniyang kuwento ay isang inspirasyon sa ating lahat. Ito ay nagsisilbing isang paalala na ang tunay na kayamanan ay hindi nasusukat sa salapi, kundi sa pagmamahal, pagtitiis, at tagumpay na samasamang tinatamasa ng isang pamilya.

ang tunay na kayamanan ay hindi nasusukat sa salapi, kundi sa pagmamahal, pagtitiis, at tagumpay na sama-samang tinatamasa ng isang pamilya

Kapansanang

‘di pasan

Pormang pang mayaman, presyong abo’t-kaya. Sa panahon ngayon hindi na uso pa sa Gen Z ang pumunta sa mall para bumili ng mamahaling kasuotan. Dahil nariyan ang hindi mabilang na pwesto ng ukay-ukay kahit saan pa man. Ayon kay Jim Paul Reynante, isang fashion icon mula sa Estipona National High School, hindi niya ikinakahiya na halos lahat ng kaniyang isinusuot ay galing sa ukay. Aniya, nasa tao na daw kung gaano ito kagaling mamili at kung papaano nito gagawing mukhang bago.

“Naging libangan ko na manood sa TikTok ng live selling ng mga ukay, talagang nakikipag-unahan talaga ako na mag “mine” para hindi ako maagawan. Hindi ko na nga namamalayan ‘yong oras

minsan kasi inaabangan ko na mag sale sila. Sa murang presyo madami nang mabibili at ‘yong iba okay na okay talaga pagdating sa quality,” saad niya. Ayon sa aklat ni Locsin na Fashioning a Culture through Baguio City’s Ukay-Ukay, ang ukay-ukay ay nagmula sa salitang Filipino na “hukay” na nangangahulugang “maghukay.” Ito ay nag-ugat sa kabundukan ng Baguio City noong dekada ‘80. Sa simula, ang mga secondhand na gamit na ito ay donasyon mula sa mga dayuhang bansa, lalo na tuwing may mga kalamidad. Ito ay nagsilbing charity upang matulungan ang mga lokal na komunidad na nangangailangan. Kalaunan, napansin ng ilang negosyante ang potensyal ng pagbebenta ng mga damit na gamit na ngunit maayos pa bilang isang negosyo,

kaya’t ang mga lugar tulad ng Cubao Expo ay naging tanyag na sentro ng mga ukay-ukay. (The Flame Culture, 2016). Noong unang panahon, ang ukayukay ay isang praktikal na pagpipilian para sa mga taong matipid. Subalit nang mapansin ng mga mahihilig sa fashion ang kakaiba at vintage na dating ng mga thrifted na gamit, naging kaugnay ng personal na estilo ang ukay-ukay. Habang lumilipas ang mga taon, ang ukay-ukay ay hindi na lamang tungkol sa pagiging abot-kaya. Ito ay naging simbolo ng pagiging indibidwal at pagiging makakalikasan, lalo na sa mga nakababatang henerasyon. Mga damit na nagamit man sa iilang pagkakataon, sa matagal ng panahon. Ngunit tila hindi kumukupas sa mga nagdaang libo-libong oras.

[Mary Joyce Millo]
[Mary Joyce Millo]
sa mga numero
Ayon sa 2023 Thredup resale report study,
sa mga Gen-Z na
KEVIN MANLUTAC may ari ng KAV’S BAR N RESTO
DOMINGO B. HERNANDEZ Utility worker sa ENHS kuha ni Angela Nuguid
kuha ni Zamantha Junio

ag tek

“Sa isang tanawin, nakabungad itong napakagandang hardin sa akin. Harding umaapaaw sa halimuyak nitong taglay, puno ng mga gulay na nagpapakulay sa ating buhay. Tila isang kulay lila ang pumukaw ng pansin sa akin, isang talong!! Aba ako’y may naisip na gawin at nais na tuklasin.”

Ito ang isang pangyayaring nagtulak sa isang estudyante ng Estipona National High School na si Abigail Corpuz upang makabuo ng kaniyang produkto sa naganap na Trade Fair ng paaralan. Bukod-tangi niyang ipinakilala ang kaniyang Talong Chips na tumampok sa mga estudyanteng mamimili.

Sa proseso ng paggawa nito, ayon kay Abigail, ang paghiwa sa gulay na talong ay hugis pa-oblong at ibinabad ito sa harina na may tubig, pagkatapos ay binudburan ito ng bread crumbs at saka prinito. Nang ma-prito na ang talong ay hinaluan naman ito ng powdered cheese na siyang nagbigay lasa rito. Mula sa kulay lila na gulay ay tumungo ito sa isang tila ginintuang malutong na meryenda.

Sa pamamagitan ng talong chips, ang simpleng gulay na inaayawan ng iba ay maaari nang matikman ng sino man, lalo pa’t may hatid itong mga sustansiya sa kabila ng patok nitong lasa.

Isang gulay na puno ng mga sustansiya na mahalaga para sa kalusugan ng isang tao. Una, ito ay mayaman sa fiber na nakatutulong sa maayos na pag-digest ng pagkain at pagpapabuti ng kalusugan ng tiyan. Naglalaman din ito ng Vitamin C, na tumutulong sa pagpapalakas ng immune system at paglaban sa

mga impeksyon. Kasama rin sa mga benepisyo ng talong ang Vitamin B6, na mahalaga sa proseso ng metabolismo at pagpapalakas ng mga neurotransmitter sa katawan ng isang tao. Ang potassium naman na matatagpuan dito ay nakakatulong sa pagpapababa ng blood pressure at pagsuporta sa kalusugan ng puso. Bukod pa rito, ang talong ay may antioxidants na tumutulong protektahan ang mga cells laban sa mga free radicals, at may folic acid na mahalaga sa normal na paglaki ng cells, lalo na sa mga buntis. Ito ay mayroon ding Vitamin A, K, calcium, magnesium, at iron, at mga mineral na nakapaghahatid ng magandang dulot sa kalusugan. Ang mga nutrisyong ito ay nagpapatunay na ang talong ay isang gulay na may mayaman sa benepisyo para sa kalusugan at masaganang kabuhayan ng bawat tao.

Maliban sa mga benepisyo at bitamina nito ay maganda rin itong gawing alternatibo sa karne para sa mga may health diet. Ang 100 grams na serving ng talong chips ay nagbibigay lamang ng 25 calories. Ang pagkain ng talong ay nakakapanlaban din sa mga sakit katulad ng cancer at anemia. Nakatutulong ito sa pagbabawas ng

timbang at pagpapalago ng mental na kalusugan ng isang tao.

Sa kabuuan, tunay ngang napakahusay ng estudyanteng si Abigail sa kaniyang natuklasan. Sa simpleng Talong Chips ay napagtagumpayan niya ito, hindi lamang ang pagpapakita ng pagiging malikhain, kundi pati na rin ang pagpapahalaga sa kalusugan at nutrisyon.

NO MORE ARAY SA ARATILIS

Mula sa isang gulay na kadalasang hindi binibigyan ng pansin, siya ay nakalikha ng isang meryenda na hindi lamang masarap kundi may hatid na benepisyo sa kalusugan, mapa estudyante o lahat ng kabataan. Ang Talong Chips ay isang patunay na ang mga simpleng bagay ay maaaring maging isang makabuluhang kontribusyon sa mas magandang kalusugan at mas malusog na pamumuhay.

Kaya’t marapat lamang na ipagdiwang ang inobasyong ito, na tiyak ay magbibigay inspirasyon sa iba na gamitin ang mga simpleng sangkap at gawing kapaki-pakinabang ang bawat pagkakataon, sa pamamagitan ng isang gulay, buhay ng lahat ay magiging makulay at masagana sa nutrisyong taglay.

Talong Chips

Sa gilid ng daan, mapa kaliwa’t kanan ng lansangan o sa mga bakuran, may kakaibang munting puno sa kapaligiran na halos ‘di mapansin ng karamihan. Bawat dahon ay makinis, bunga’y umaakit na tila ang lasa’y manamis-namis. Isang hiyas ng kalikasan na ang hatid sa bawat isa’y hindi pang karaniwan. Ang aratiles o Muntingia calabura, na kilala rin sa tawag na “aratiles tree” o “cherry tree,” ay isang puno na madalas makita sa gilid ng kalsada at inaakyat-akyat ng mga bata dahil sa kaakit-akit nitong bilog at kulay pulang mga bunga. Bagama’t madalas ituring na “prutas ng lansangan,” ang munting bunga nito’y may taglay na kayamanan na hindi inaakalang magtataglay ng benepisyo para sa karamihan. Ito ay punong-puno ng antioxidants tulad ng flavonoids at phenolic compounds, na mabisang panlaban sa free radicals na sanhi ng iba’t-ibang sakit tulad ng kanser at sakit sa puso. Hindi lamang ito basta pampalasa at dulot saya sa alaala ng kabataan, ito rin ay sagana sa nutrisyon na maaaring makatulong sa pagpapabuti ng kalusugan.

MODERNONG

EPIDEMYA

Ang mga dahon nito ay matagal nang ginagamit bilang panlunas sa mga sugat, lagnat, at iba pang karamdaman. Ang katas mula sa dahon ay kilala bilang antibacterial at antiinflammatory, dahilan upang ito’y pagtuunan ng pansin ng mga eksperto sa medisina para sa posibilidad ng paggawa ng makabagong gamot. Dagdag pa rito, ang mga bulaklak nito ay nagbibigay ng pagkain sa mga bubuyog at iba pang insekto, na mahalaga sa pollination at pagpapanatili ng balanse sa kalikasan

Sa kabila ng yaman na hatid ng aratiles, madalas itong balewalain at ituring na ordinaryong puno lamang. Ngunit sa masusing pag-aaral at tamang pagpapahalaga, malaki ang potensyal nito sa larangan ng nutrisyon at medesina.

Ang aratiles ay patunay na sa simpleng anyo ng kalikasan ay nakatago ang hindi mabilang na yaman. Kaya’t nararapat lamang na ito’y pahalagahan at ipaalam sa susunod na salinlahi ang kahalagahan ng punong minsan ay napansin lamang sa gilid ng mga bakuran. Sa bawat dahon at bunga nito ay naroon ang isang paalala: ang tunay na ganda ng kalikasan ay nasa mga bagay na madalas nating binabalewala.

Sa mabilis na takbo at pag-unlad ng modernong teknolohiya, isang nakababahalang imbensyon ang natukoy, ito’y isang proseso na kung saan ang mga video at audio ay minamanipula upang magmukhang totoo at kapani-paniwala kahit hindi ito tunay o masasabing peke. Sa unang tingin, tila isang kamanghamanghang anyo ng pagkamalikhain ito, ngunit sa likod ng teknolohiya, ito ay nagkukubli ang isang mapanganib na banta sa katotohanan at tiwala ng tao, ito ay ang deepfake.

Ang deepfake ay nagiging instrumento sa pagpapakalat ng maling impormasyon, paninirangpuri, at pagkakalat ng takot sa publiko. Sa panahong laganap ang mapanlinlang na impormasyon, lalong nagiging mahirap ang pagkilala kung alin ang totoo at hindi. Bagamat may positibong gamit ito sa larangan ng sining at edukasyon, ang maling paggamit nito ay nagdudulot ng malawakang problema sa lipunan. Nagagamit ang deepfake sa

paggawa ng pekeng ebidensya na maaaring magamit laban sa mga inosenteng tao mula sa mga iba’t-ibang kaso hanggang sa mga personal na ugnayan. Ginagamit din ito sa cyberbullying at pagsira sa reputasyon ng mga indibidwal, kabilang ang mga kilalang tao at mga lider sa politika. Ang ganitong klase ng teknolohiya ay nagiging kasangkapan ng panloloko na maaaring magbunga ng kawalan ng tiwala sa mga tao na magdudulot ng mga negatibong epekto sa bawat sulok

ng mundo. Kailangang magpatupad ng mahigpit na regulasyon upang mapigilan ang paggamit ng deepfake sa maling paraan. Bukod dito, mahalagang maturuan ang bawat isa kung paano kilalanin o suriin ang mga ganitong uri mg mapanlinlang na materyales sa likod ng teknolohiya. Bilang mga tagapangalaga ng katotohanan, tungkulin ng mamamayan na ipaglaban ang pagiging totoo ng bawat kwento laban sa banta ng huwad na teknolohiya.

PATNUGOT Queenie Lucena pah. 12
[Queenie Lucena]
[Queenie Lucena]
gawa ni Rhian Justine Dela Cruz
gawa ni Rhian Justine Dela Cruz
gawa ni Rhian Justine Dela Cruz

Lagutok sa bawat pagaspas

We really need to level up our interventions, but we need to do it soon

Unang sambit pa lamang ng ibon na agila ay mapapaisip kana sa bagong isan libong perang papel na nakaimprenta dito. Ngunit magulantang ka na lamang sa imahinatibong kulay pula sa asul nitong kulay na nakaaakit. Sa bawat pagaspas nito sa kalangitan ay siya namang kaluskos ng kaisipang bumabalot sa mga walang habas kung pumaslang ng sumisimbolo sa kalayaan ng bansa.

Kay lisik ng mga mata kung tumingin ang mga agila. Nakatatakot kung titigan ang mga tukang kasing talim ng balisong, nakapagpapabagabag kung maririning ang nakagugulantang nitong huni sa himpapawid. Ngunit sa pambihira nitong lakas, laki at tapang, ay sa isang iglap lamang ay mapupukaw dahil sa mga walang awa kung pagmalupitan ng mga tao ang kanilang lahi.

Isang nakalulungkot na balita mula sa GMA News ang gumulantang sa kaisipan ng bawat isa noong Hulyo 2024. Sa kamay ng mga tao na hindi pa matukoy kung sino, ay namatay ang isang agilang nagngangalang Mangayon.

“Pumanaw ang agilang si “Mangayon” dulot ng pagkaubos ng dugo dahil sa tama ng bala sa kaliwang pakpak” Sa nakalipas na taon ng 2024, apat na ang naging biktima ng walang habas na pamamaril ng

mga agila sa bansa, kabilang dito ay si Mangayon ang ika-apat na biktima ng pamamaril at ang ibang mga agila na sina “Lipadas” sa Mt. Apo, “Kalatungan” sa Bukidnon, at “Nariha Kabugao” sa Apayao.” ayon sa Philippine Eagle Foundation (PIF) Samantala, sa datos na inilatag nito, nailahad na 392 na pares na lamang ang natitirang agila sa ating bansa na kung susumahin ay kakaunti na lamang ang kanilang populasyon.

Gayunpaman, umapela ang PIF para sa mas mataas na aksiyon ng gobyerno upang mailigtas ang ating tinatawag na “critically endangered national bird.”

“We really need to level up our interventions, but we need to do it soon”, sambit Mr. Dennis Salvador, na isang PEF Executive Director.

“But we would mostly need LGU and national government actions and investment. The civil society sector can only do so much.

Sa katubigang walang kupas ang kalinawan at kagandahan, ay siyang nagpapakulay at bumubuhay ng ating mundo. Ngunit sa mundo ng pagbabago, taliwas ang kagandahang dala nito. Sa mga taong tapon dito, tapon doon, ay siyang nagiging sanhi ng pagkakitil ng buhay na makulay.

Polusyon sa katubigan, ito ang siyang nagiging dahilan o sanhi ng pagkakitil ng buhay ng mga tao. Ayon sa water.org Borgen Magazine, humigit sa 55 katao ang namamatay kada araw dahil sa maduming

We need government political will and action. There should also be additional financing to a systematic and nationwide species survival campaign before it’s too late for our national bird”, dagdag pa nito.

Sa bawat lagutok ng mga baril ay katumbas nito ang buhay na nababalot ng madalim na kahapon na hindi na muling liliwanag. Sa isang putok ng baril ay isang buhay na makulay ang nalalagas. Mga agilang sumisimbolo ng ating katapangan, kalakasan, kalayaan at kasarinlan ay sariling kulay kayumanggi pa ang kumikitil. Dapat lamang na matamasa ng ating mga minamahal na agila ang tunay na kapayapaan na hindi nakakulong sa sariling mga hawla na walang kalayaan. Nararapat lamang na tayo ang unang nangangalaga at nangangasiwa sa kanilang pagunlad upang wala na muling makikita ng pula sa asul.

Stubig at sa hindi sapat na magandang daluyan ng tubig sa Pilipinas. Kung tutuusin, siyan sa sampu sa milyong Pilipino ang walang sapat na koneksyon sa malinis na tubig, at hindi bababa sa isa sa limang Pilipino ang nananatiling walang koneksyon sa malinis na tubig. Naitala nito na mas mababa ang pursyento ng koneksyon ng malinis na tubig sa mga rural na lugar, umaabot lamang sa 77 na pursyento kumpara sa 90 na pursyentong naitala sa mga urban na lugar. Dagdag pa nito,kay baba kung titignan ang 44 na pursyentong mayroong direktang koneksyon ng

Kalidad sa kabila ng kaltas

a pagsisimula ng taong 2025, umusbong ang isyu patungkol sa pagkaltas ng pondo sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Ayon sa National Expenditure Program ( NEP) ang PhilHealth ay nakatakdang bawasan ng Php 17.5 bilyon na makakaapekto at isang malaking pangamba sa kalusugan ng maraming Pilipino. Tila ba sinalubong ang bagong taon ng kamalasan dahil sa halip na magtaguyod ng pag unlad ay nagkaroon pa ng kaguluhan at isyu sa kalusugan.

Malaking tulong ang PhilHealth sa maraming pamilyang walang kakayahang magbayad ng buo o malaking halaga para sa kanilang pangangalaga sa kalusugan. Ang mga miyembro ng PhilHealth ay nakikinabang o nakakatanggap ng benipisyo tulad na lamang ng libre o discounted na pagpapagamot sa mga ospital at pagbibigay ng mga libreng gamot. Ngunit sa pagbabawas ng Php 17.5 bilyong pondo ay parang ginuho na rin ang kinabukasan ng maraming Pilipinong umaasa sa tulong ng PhilHealth.

Sa pagkaltas ng pondo sa PhilHealth ay nangangahugang magbabayad gamit ang sariling perang galing sa sariling bulsa dahil sa kakulangan ng benipisyo o mas malala ay ang tuluyang pagkawala ng access sa medikal na serbisyo dahil sa mataas na gastusin.

Sa pagpapatuloy ng ganitong sistema, malaking lamat ito sa mga Pilipino dahil sa masamang dulot nito at dahil nakasalalay din dito ang kalusugan ng maraming tao.

Ang kalusugan ng bawat Pilipino ang dapat na tutukan, hindi lamang sa salita, kundi sa mga konkreto at agarang aksiyon at tamang alokasyon ng mga pondo. Ang paglilihis ng pondo ay hindi sagot sa pag-angat ng sistema bagkus dapat ay tuldukan at mas paigtingin pa ang pamamahala sa pamamahagi ng pondo.

datos

17.5 b

pesos ang inireserbang pondo ng gobyerno para sa PhilHealth para sa taong 2025.

malinis na tubig sa kabahayan. Sa sektor ng kalusugan, naitala rin ng water.org Borgen Magazine ang higit sa 31 na pursyento sa limang taon ang nagkakasakit na dulot ng water-borne sources. Sa makatuwid, ang polusyon sa tubig ang nagiging sanhi nito na nanggagaling sa mga industriya, domestic sewage, at sa agrikultura.

Malaking saklaw sa ekonomiya ang kahalagahan ng tubig. Mula sa ating kalikasan, hanggang sa kalusugan, bitbit nating ang kagandahang benepisyo nito.

Nararapat lamang na sa ating mundong kinagisnan, dala-dala nating ang leksyon ng kalikasan at ingatan natin ang karapatang minsan lang natin matatamasa. Kaya’t sa bawat pag-inom ng tubig, alalahanin natin ang kahalagahan na ito ang ating buhay at ito ang kumukulay sa ating matingkad na buhay.

“Makulay ang Buhay”
[Jim Paul Reynante]
[Jim Paul Reynante]
Larawan mula sa Blogger.com
Mr. Dennis Salvador PEF Executive Director
[Lette Nathalie Obiena]
punto por punto
Larawan mula sa FREEPIK

Lamat ng mga Alamat

[Rosalinda Lozano]

Gayunpaman, sa kabila ng mga pangako, hindi natanggap ng mga atleta ang anumang pinansiyal na suporta mula sa nasabing pamahalaan kung kaya’t isang malaking katanungan ang umusbong hinggil sa pagkukulang nito sa mga ganitong isyu.

Bilang tugon sa mga kakulangang ito, ang mga gurong-tagapagsanay at punong-guro ng paaralan ay nagtulongtulong sa pagsagawa ng mga inisyatibo para sa mga atleta. Sa kabila ng limitadong pondo, nagbigay ang kanilang punongguro ng tig-50 pesos sa bawat atleta upang matulungan sila sa kanilang pang-araw-araw na gastusin. Ngunit hindi nagtin maipagkakaila na ang halagang ito ay hindi sapat dahil sa mga ganitong uri ng aktibidad, ang isang atleta ay nangangailangan ng mas malaking pondo para sa pagkain, gamit, at iba pang pangangailangan na may kinalaman sa kanilang kompetisyon. Hindi makatarungan na itulak ang mga atleta na makipag tunggali nang walang sapat na suporta.

Bukod sa mga gastos ng atleta, pati na rin ang mga tagapagsanay ay nahirapan sa kakulangan ng suporta. Ayon sa ilang testimonya, ang mga tagapagsany ay nagsikap na tustusan ang mga gastos ng kanilang mga atleta mula sa kanilang sariling bulsa, isang hindi makatarungang sitwasyon para sa mga tagapagsany. Dapat na sana ang LGU Pura ang may responsibilidad na tugunan ang mga ganitong pangangailangan, ngunit sa kasamaang palad, nagkulang ito. Sa kabilang banda, ipinangako naman ng nasabing pamahalaan na maibabalik ang mga nagastos ng paaralan para sa naturang event. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin natutugunan ang kanilang pangako.

Ang sitwasyong ito ay nagpapakita ng mga malalaking butas sa sistema ng lokal na suporta para sa mga atletang mula sa mga pampublikong paaralan na kanilang nasasakupan. Kung ang mga LGU ay hindi maglalaan ng tamang pondo at suporta sa mga aktibidad tulad ng Provincial Meet na isang napakahalagang event, ito’y magkakaroon ng malubhang epekto sa mga atleta, hindi lamang sa kanilang pisikal na kalagayan kundi pati na rin sa kanilang mental na estado. Ang mga kabataan na nagtatrabaho upang magtagumpay ay nararapat lamang na makatanggap ng angkop na suporta mula sa kanilang lokal na pamahalaan. hindi lamang bilang paggalang sa kanilang dedikasyon kundi upang sila’y magtagumpay sa kabila ng mga hamon na kanilang kinakaharap. Ang pangangailangan ng tamang koordinasyon at responsibilidad mula sa mga ahensya ng gobyerno ay sadyang napakahalaga. Hindi maaaring ipasa ang mga obligasyon sa iba. Sa halip ay dapat magtulungan ang mga paaralan, lokal na pamahalaan, at iba pang mga ahensya upang matiyak ang tagumpay ng ating mga kabataang atleta. Kailangan ng mga kabataang ito ng isang mas solidong sistema ng suporta upang sila ay magkarron ng solidong pokus sa kanilang mga laban, hindi sa paghahanap ng pondo para sa kanilang mga pangangailangan.

HATAW NA!

ENHS dancesport couples nagpasiklab; sumibak ng mga tanso sa Prov’l Meet

[Rhian Justine dela Cruz]

Nagningning ang Estipona National High School Dancesport teams na sina Jenny Rein Salamanca at Jervin Jun Cavinta, at Hanna Lea Millo at Janin Gandola matapos nilang iuwi ang tansong medalya sa Cha Cha at Tango, ayon sa pagkakabanggit, sa Latin at Modern Standard Dance Category sa kagaganap na Provincial Meet nitong ika 18 ng Desyembre, 2024.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa at agad na nagpa siklab ang mga tambalang SalamancaCavinta at Millo-Gandola na kumakatawan sa distrito ng Pura na nagpanganga sa mga manonood sa loob ng Charlie O. Cojuangco Multipurpose Hall, Pura, Tarlac.

Sa pagsisimula palang ng kompetisyon ay uminit agad ang banggaan kung saan sandamakmak na kalahok mula sa iba’tibang distrito ng Tarlac ang nagpabida ng kanikanilang mga galaw sa kanilang showdown, walang tulak-kabigin sa galing ang ipinakita ng mga kalahok.

Nagniningning na parang tala ang mga pambato ng Pura matapos kuhang-kuha nito ang atensyon ng mga manunuod at hurado sa kanilang nakakatunaw na kemistri ar tumpak sa ritmo na mga highlights.

Pagdating sa huling yugto ng sayawan ay ‘di maipinta sa tinginan ng mga koponan ang pagnanasang magwagi. Di na nagpatumpiktumpik pa at umarangkada ang tambalang MilloGandola sabay sa hiyawan ng manonood na siyang nagtulak sa kanila upang mas humataw pa, tila ‘di alintana sa kanilang mukha ang pagod.

Nakipagsiklaban rin ang tambalang Salamanca-Cavinta sa kanilang mga nakakaantig na galaw samantalang ang ibang pares mula sa ibang distrito ay unti-unti ng nagpakita ng kapaguran sa gitna ng sayawan.

“Masaya padin ako kahit hindi pinalad na makuha yung championship but at least naituwid ko ng maayos at kahit hindi man kami nanalo, hanggat may nakikita akong natutuwa at mga taong proud sakin, I’m still blessed,” ani Jenny Rein Salamanca sa isang interbyu.

Inaasahan ang muling pag bwelta ng mga pambato ng mga Estipona mga susunod na edisyon ng Provincial Meet.

Millo kinipkip ang ENHS kontra PCHS; inuwi ang korona sa Municipal Meet

[Rhian Justine dela Cruz]

Limang taon nang pinag-haharian ng Pilipinas ang MLBB M-Series kasunod ng pamamayagpag ng FNOP sa edisyon ng

Sa pagtunog ng ikalawang musika ay umagaw eksena ang mga mananayaw. Bawat kumpas ng kanta ay sinasabayan nito gamit ang kanilang nakakamanghang galaw at nakakakilig na tinginan sa mata. Subalit hindi nagpakabog ang Pura at ipinakawala ang mga nakakaindak na footworks at mga suwabeng body framing. FNOP dinispatya ang TLID; pang-limang M-Series crown ng Pinas, sinukbit

Agad na kinuha ng PCHS ang liderato pagpasok ng panimulang set, ngunit bumangon ang Estipona sa pangunguna ng tambalang Millo at Ronel Cestona na bumatak sa iskor ng koponan gamit ang kanilang mga mapanlinlang na attacks at pumukol ng isang mahalagang 8-2 run upang agawin ang kalamangan.

Di nagpahuli ang Central at pinanatiling dikit ang kartada at dinala ang set sa deuce, ngunit nanaig padin ang kabilang panig, 29-27.

Ganadong maka bawi sa kanilang pagkalugmok sa unang set, agad na bumuka

ng 8-1 run ang PCHS upang tangayin ang kalamangan, ngunit unti-unting itinabla ng mga Estiponian ang iskor at kalaunay inangkin ang set, 25-22.

Dikit ang naging eksena sa ikatlong set, kung saan gitgitang nagsagupaan ang dalawang koponan na nagbunga ng di mabilang na deadlocks.

Nauwi sa deuce ang set, ngunit nagawang isalba ng Pura Central ang kanilang karera sa torneyo sa iskor na 27-25. Mistulang natupok ang apoy ng mga nanghahamon sa ika-apat na set nang ulanin

[Rhian Justine dela Cruz]

PATNUGOT Rhian Justine dela Cruz pah. 14
mga larawan mula sa Moonton Games
tira sa ugat
mula sa pah. 16
mula sa pah. 16

ang PCHS ng mangilang errors na nagbigay sa mga kampeon ng kalamangan.

Sinamantala ito nina Cimon Dugay at Millo na bumwelta ng mga mala kidlat na spikes at tumotoreng depensa na nagpayukod sa kanilang mga kaawa-awang katunggali, at tuluyan na ngang inangkin ang korona ng torneyo.

Bigo man sa edisyon ng Provincial Meet ngayong taong panuruan, ganadong bumawi ang mga binatilyong atleta ng Estipona upang muling umarangkada sa susunod na taon.

HAPLOS NI MIDAS A’LAS, ROSAS!

Yulo umukit ng kasaysayan; kumubra ng dalawang ginto sa 2024 Paris Olympics Gymnastics

Tatlong taon na ang nakalipas nang unang maka-tikim ng ginto ang Pilipinas sa Olympics, ngunit ngayong ika-100 na anibersaryo ng torneyo ay muling sinulat ni Carlos Yulo ang kasaysayan nang iuwi ang ‘di lang isa, kundi dalawang ginto para sa bansa.

Matapos kapusin para sa isang podium finish sa Tokyo Olympics, tinuldukan ng Golden Boy ang kanyang paghihiganti sa 2024 Paris Olympics matapos iuwi ang gintong medalya sa Mens Vault Finals noong ika-4 ng Agosto, 2024 sa Bercy Arena. Ang 24 taong gulang na alas ng Pinas ay ang pinaka-unang Double Olympic Gold Medalist, na may average na 15.116 points na nag-mitsa sa pagdiwang ng buong bansa sa dalawang

Ganado mula sa kanyang ginintuang pag-arangkada sa Floor nag-rehistro ang Malateraised ng 15.433 puntos bunga ng isang matagumpay na handspring double front half out piked.

Pinagpatuloy ni Yulo ang kanyang paghahalimaw

at nagpasabog ng isang Kasamatsu double twist upang magtala ng 14.800 at palobohin ang kaniyang kalamangan sa kaniyang mga katunggali.

Samantala, ang former world champion at Tokyo silver medalist na si Artur Davtyan ang natitirang performer na may tyansang lagpasan ang iskor ng Pinoy.

Ngunit kinapos ang Armenian at nagtala lamang ng 14.966, sapat padin upang umupo sa ikalawang pwesto.

Sinundan naman ito ng pambato ng Great Britain na si Harry Hepworth na rumehistro ng 14.949 na average upang kumpletuhin ang podium.

Kasama ang mga medalya ng Pinay boxers na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas, uuwi ang Pilipinas matapos ang isang makasaysayang rekord sa Olympics.

Banal, Lagasca, hinirang bilang Mr. at Ms. Intrams 2024

[Rosalinda Lozano]

Kinoronahan bilang hari at reyna ng Intramurals ang mga manok ng Pink Panthers na sina

Eisen Banal at Cassandra Lagasca sa ginanap na taunang Estipona National High School Mr. and Ms. Intramurals noong ika 27 ng Setyembre, 2024.

Parehas nagpamalas ng alindog sa pag-rampa at talino sa pag-sagot ng mga katanungan na umakit sa puso ng mga hurado, at nagsilbing susi na rin ng kanilang pamamayagpag.

Kinumpleto nina Prince Ryan Lastimado, Ian Xyvrille Fontanilla, Yuan Zane Diamsay, Miggy Hernando, at Mark Ramil ang 1st Runner up hanggang 5th Runner up sa Mr. Intramurals ngayong taon.

Habang pumila sina Sapphire Payaon, Myca Jane Granil, Hannah Lea Millo, Princess Dana Kate, at Mirah Fe Casugay para sa ika-una hanggang ika-limang parangal sa Ms. Intramurals 2024.

Isa ang Mr. and Ms. Intramurals sa pinakahihintay na patimpalak sa taunang School Intramurals sa paaralan, na may tema at layunin na ipa-igting ang isportsmanship at body positivity sa mga magaaral ng Estipona National High School.

Tuluyan na ngang tinambayan ng Pilipinas ang trono ng Mobile

Legends: Bang Bang (MLBB) pro scene nitong nakaraang limang taon.

Walang hirap na sinemento ng Fnatic Onic Philippines (FNOP) ang dominasyon ng bansa matapos isantabi ang Team Liquid Indonesia (TLID) sa kaawa-awang iskor na 4-1 upang pagharian ang M6 World Championship Grand Finals na ginanap sa Axiata Arena, Kuala Lumpur ngayong Linggo, Desyembre 15, 2024.

Ka-akbay ng kanilang pamamayagpag ay pinanatiling buhay ng FNOP ang mantra ng bansa na “Pilipinas Lang Malakas”, habang pinarangalan bilang Finals MVP si Duane “Kelra” Pillas na kilala din bilang “The Filipino Savage” at “The Gold Standard.”

“Nag Finals MVP ako hindi dahil sa sarili ko, kundi dahil sa mga teammate ko,” mapagkumbabang ipinahayag ni Kelra matapos parangalan bilang Finals MVP ng torneyo.

Ibinida ng mga pinoy ang kanilang mga asintadong tatika pagpasok ng panimulang game.

Kanilang sinigurado ang unang Lord at tuluyan nang winakasan ang game 1 matapos ang isang team wipe out sa pangunguna ni Kelra, 1-0.

Solidong sinimulan ng TLID ang ikalawang game kung saan kanilang maagang sinukbit ang pangunguna sa gold at kills.

Ngunit nagningning ang mga play ng FNOP pagsipa ng pangalawang Turtle fight, na nagbigay sa kanila ng isang mahalagang 3-for-1 trade.

Inagaw ng Pilipinas ang mumentum at winasak ang mga inhibitor turret ng kabilang panig pagdating ng 10-minute mark upang angkinin ang game bitbit ang kanilang kahanga-hangang 8.0k gold lead, 2-0.

Nagsilbing sandalan ng TLID sina Favian “Faviannn” Putra at Widy Hartono upang kanilang mahanap ang ritmo ng sagupaan pagpasok ng game 3.

Tinupok ng mga asintadong Retributions ni Faviannn at mga perpektong sets ni Widy ang paghahalimaw ng FNOP upang nakawin ang kanilang kaisa-isang game win, 2-1.

Mala-haring kinontrol ng mga Pinoy ang game 4 kung saan nagpamalas ang koponan ng mga malinis na rotation na nagpa-luhod sa Indonesia sa loob lamang ng 10 minuto, 3-1.

Nagluto ng isang kritikal na play ang tambalang Borris “Brusko” Parro (Khaleed) at Frince “SuperFrince” Ramirez (Yve) upang baliktarin ang isang hindi kanaisnais na clash.

Pinilit na bumangon ng TLID, ngunit pinulbos ni Kelra ang pag-asa ng kabilang panig matapos itong mag fountain lock upang tuluyan nang pagharian ang torneyo.

Pinanatili ng FNOP ang kanilang perpektong record sa buong torneyo, kung saa’y hindi nagapi kahit isang beses ang koponan tungong kampeonato.

nag Finals MVP ako hindi dahil sa sarili ko, kundi dahil sa mga teammate ko

Duane “Kelra”
UMAATIKABO
bansa. Larawan mula sa SCMP
Renee
UMAATIKABO
Ipinakita ng ENHS dancesport couples na sina Hannah Millo at Janin Gandola ang kanilang husay sa pag indak sa idinaos na 2024 Provincial Meet noong Desyembre 18, 2024. Larawan kuha ni Angela Nuguid

REYNA SA PAG-ITSA

Gaongen rumagasa; ginto, mga pilak sa throwing events, sinikwat

Umakumula ng kabuoang dalawang pilak sa Javelin Throw at Shotput, at isang ginto sa Discus Throw ang alas ng Estipona National High School (ENHS) sa kagaganap na Palarong Pam-Pook na idinaos sa Pura Central High School (PCHS) nitong Oktubre 28 hanggang 29, 2024.

Kung ang isang karpintero ay semento ang hinahakot, kay Maraya Andrea Gaongen naman ay mga medalya. ang 17-anyos nang kaniyang pag-reynahan ang field matapos ibagahe ang gintong medalya sa Discus Throw sa layo na 15 metro. Hindi man pinalad maiuwi ang ginto sa Javelin Throw, naging sapat padin ang lakas ng Estiponian upang umupo sa pangalawang pwesto ng podium gamit ang iskor na 18 metro, habang naiuwi naman ni Zaira Mae Bala ng Pura Central High School (PCHS) ang unang gantimpala.

“Masaya and I feel like I deserve it dahil nagtraining ako ng ilang days para sa mga event na sinalihan ko, ginanahan din ako maglaro kasi nanonood yung kuya ko (Nicolas Biag Gaongen) na CLRAA qualifier noong kapanahunan nya,” panayam ni Gaongen sa isang interbyu. Naghasik ng dominsyon

puntos na 5.8 metro, habang sa pangalawang pagkakataon ay lumapag sa gintong medalya ang alas ng PCHS na si Jobel Palma.

“Proud na proud ako sa kanya (Gaongen) kase kahit mag-isa nya lang na babaeng lumaban, lahat ng sinalihan nya pinanalo nya,” ani Ruth Obiena, tagapayo at tagapag-sanay ni Gaongen.

Hindi man pinalad na manaig sa Provincial Meet 2024, patuloy lang sa pag arangkada si Maraya at inaasahang ipag-patuloy ang pagiging atleta pagpasok ng kolehiyo.

Halintulad din ang kanyang kapalaran sa Shotput kung saan kanyang muling naibulsa ang pilak na medalya bunga ng kanyang kahanga-hangang

Ito ang mga pwestong nilapagan ni Gaongen sa Municipal Meet Discus Throw

Shotput, Javelin Throw 1st 2nd

Aglipay pinangunahan ang Estipona upang pagharian ang SK Cup 2024

[Raphael dela Cruz]

Gamit ang kanilang mga nagbabagang tikada, tinakasan ng Estipona Basketball Junior Team ang makukunat na pambato ng Naya sa iskor na 62-88, upang iuwi ang tropeyo sa SK Cup 2024, na ginanap sa Charlie O. Cojuangco Multi Purpose Arena, nitong ika 23 ng Disyembre, 2024.

Sinindak ni Rjay

“Bangungot ng Hardcourt” Aglipay ang mga manonood gamit ang kanyang malabarikadang depensa at asintadong tikada na sya ding nagbunga ng pamamayagpag ng kanilang koponan.

Pagsipa ng ika-apat na yugto, umangat ang tensyon sa pagitan ng magkabilang panig, sa bawat tres, rebound, at steal na mas lalo pang nagpapainit ng tapatan.

Sa mga huling

yugto, bumwelta si Aglipay ng kanyang di mabutas na depensa na bumatak sa Estipona upang pigilan ang Naya na makahabol pa sa kartada at tuluyan nang angkinin ang kampeonato.

Dinomina din ng Estipona ang mga unang bahagi ng sagupaan, at maagang iniwan ang kabilang panig sa ere.

Determinado mula sa kanilang First Half advantage, sinakyan ng mga alas ng Esti ang kanilang

14 ISPORTS

ENHS couples, nagpasiklab; sumibak ng mga tanso sa Prov’l Meet

mumentum tungong pagtatapos ng ikatlong yugto. Habang sa kabilang banda ay nagpamalas ng malinis na taktika ang Naya upang pilit na itabla ang agwat sa kanila ng kanilang katunggali.

Ngunit hindi ito nagtagal at tuluyan na ring nalunod ang mga binatilyo sa bagsik ng mga kampeon.

Inaasahang depensahan ng Estipona ang kanilang titulo sa susuod na edisyon ng torneyo.

14 ISPORTS

FNOP dinispatya ang TLID; pang-limang

M-Series Crown ng Pinas, sinukbit

Minandohan ni Lenard Millo ang pag-ragasa ng Estipona National High School (ENHS) kontra Pura Central High School (PCHS) sa iskor na 29-27; 25-22; 25-27; at 25-12, upang iuwi ang korona sa ginanap na Municipal Meet Mens’ Volleyball noong ika 4 ng Nobyembre.

Nagpamalas ng mabangis na opensa ang Estipona na nagpa-nganga sa mga manonood sa Buenavista Covered Court, at tuluyan nang pinagharian ang torneyo sa iskor na 3-1.

“Masaya ako kasi back to back champions kami, gagawin namin ang lahat ng makakaya namin sa papalapit na Provincial Meet at di namin sasayangin ang tulong na natatanggap namin,” ani kapitan ng grupo na si Millo.

Lamat ng mga Alamat [Rosalinda Lozano]

Nagmistulang isang dagok para sa paaralang Estipona national High School ang ang hindi pagkakaroon ng tamang pagpaplano at sapat na suporta mula sa lokal na pamahalaan ng LGU Pura na siayng nagdulot ng hindi inaasahang problema, hindi lamang sa mga atleta kundi pati na rin sa mga gurongtagapagsanay at sa buong paaralan.

Ayon sa orihinal na plano, nilagdaan ng mga atleta ang isang kasunduan kung saan inaasahang sila ay makatatanggap ng tig-483 pesos na financial assistance mula sa LGU Pura upang matulungan sila sa kanilang mga gastusin. Ito ay isang mahalagang hakbang upang masigurado na ang mga atletang ay magkakaroon ng sapat na pondo para sa kanilang pangangailangan.

minuto ng
[Rhian Justine dela Cruz]
NILALAMAN
PANGALAWA SA WALA- Ngumiti para sa isang group photo ang mga manlalaro ng Barangay Estipona matapos taubin ang Naya at maghari sa Basketball Junior SK Cup 2024. Larawan mula sa SK ESTIPONA

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.