WFH

Page 1

WFH

gnayA :in otartil ta taluS


WFH Mga litrato at salaysay ng pagkabagot, pagod, at pagkasabik sa nalalapit na pagtatapos ng linggo. 09.24.2021


Limang beses. Binilang ko kung ilang beses ako tumanaw sa bintana bago lumabas ulit ang pop-up window ng MS Teams. Gusto ko nalang manatiling nakatitig sa labas ng bintana, at isara ang isa pang bintana sa screen ng kompyuter ko.



Napakainit. Kasabay ng ingay ng keyboard ay ang ingay ng buga ng hangin ng electric fan na tila ba minamadali ka na rin matapos para makapagpahinga na siya.


Huli na 'to. Huling tawag para sa linggo.


"Ah okay," "Sige, salamat."

Hindi ko na rin alam kung ano ang pinag-uusapan namin. Basta gusto ko nalang matapos. Magpanggap na meron akong nagawa ngayong araw.

Bukod sa pag-ngawa.


Alas singko.

'Yung dating oras ng labas mo sa trabaho."

Ngayon depende nalang sa paglabas mo sa kwarto.


Tuwing Biyernes, yung ilaw, pwede ba otomatik na maging pula?



Tama na yan. Pahinga ka naman.


WFH


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.