Ang Balun Ugaw

Page 1

Ang Opisyal na Pahayagan ng PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN LEON

Balungao, Pangasinan Division II, Rehiyon I

Tomo VII Blg. I, Agosto 2023 - Pebrero 2024

Ang Larong

Badminton

18

EDITORYAL

Magiging Matatag nga ba ang MATATAG Curriculum? 06

PAHINA

Miyembro ng 4Ps,umalma...

05

Biyaya ng tenga ni Piyang

CATCH UP Fridays, ikinasa

Learning gaps, hahabulin

Princess Aqeela L. Maliwanag

Sa kagustuhang palakasin ang academic performance ng mga magaaral at mababang proficiency levels sa pagbasa base sa isinagawang pagaaral ng PISA sa nakalipas na dalawang taon, sinimulan ng DepEd ang “catch-up Fridays” nitong unang buwan ng 2024 sa pampublikong paaralan sa elementary at sekondarya sa buong bansa.

SUNDAN SA

RESULTA NG

PISA 2022

Benigno Aquino NHS, lungsod ng Makati, nag-iisang pampublikong paaralan na pumasa

1 44,931

PAMPUBLIKONG

5 12,162

PRIBADONG

05

Pasukan sa Hunyo, unti-unting ibabalik

Kaycelle Jasmine M. Marcelino

Manila, Philippines. Base sa DepEd Order no.3, s. 2024, ang ika-29 ng Hulyo ang simula ng school year 2024-2025, bunsod ng plano ng kagawaran na unti-unting ibalik sa lumang academic year ang pasukan.

“Ang ginagawa lang natin is we adjusted the current school calendar so we will be ending by May 31, yun yung last day ng ating school calendar for this school year, “ ani Education Undersectretary Michael Poa sa isang panayam. Dagdag pa ni Poa, ang school break ay magsisimula sa Hunyo 1 hanggang Hulyo 28.

Matatandaan na lumabas sa isang surbey ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) noogn 2023, 67% ng mga guro ang nakakaranas ng ‘intolerable heat’ sa klasrum tuwing Marso, panahon ng tag-init, na aniya ay nakakapekto daw sa pagkawala ng atensyon dala ng init ng panahon.

“MATATAG Curriculum, mahalaga sa pag-aayos ng edukasyon sa Pilipinas” -PBBM

Sapagnanais na madecongest ang kasalukuyang kurikulum na mahigit kumulang 11,000, inilunsad ng kagawaran ng edukasyon ang MATATAG curriculum,o ang tinatawag na MATATAG K10 na hahalina sa kasalukuyang K 12 curriculum na naglalayong mabawasan ang kasalukuyang learning competencies, Noong Agosto ng.nakaraang taon ay inihayag ni bise president Sara Duterte ang kagustuhan nito na maiangat ang kasalukuyang estado ng edukasyon sa bansa. Ikinabaala ng bise president ang mababang

ANG B
alun Ugaw
Natale Mae Getuiza
05
05
SUNDAN SA PAHINA SUNDAN SA PAHINA
PAHINA
BALITA
PAHINA
PAHINA
Apocalypse dahil sa Solar Superstorm
AG-TEK 15
Internet
LATHALAIN
12 PAHINA
ISPORTS
PAHINA
PAARALAN
PAARALAN
MULING IBALIK. Dininig ng kagawaran ang kahilingan ng karamihan na ibalik sa dating acadmic year ang araw ng pagpasok. Unti-unti man, maibabalik din sa dati ang nakagisnan. Kuha ni Kurt Jahzeel M. Marclino
I-access ang Pahayagan Online MGA KAKAYAHAN K12 11K K10 3K
“KAYA NATIN ‘TO”. Tutukan ng DepEd ang literasiya at numerasiya upang mai-angat ang kalidad ng edukasyon. Kaycelle Jasmine M. Marcelino
BALIK SA NAKAGISNAN

State-of-the-Art hospital, ipapatayo sa bayan ng Umingan

Umingan, Pangasinan. Bilang bahagi ng pagpapalawak ng proyektong pangkalusugan ni Gov. Ram,on V. Guico III, isang state-of-the-art hospital na aabot sa 200M ang ipapatayo sa Gonzalez, Umingan, Pangasinan. proyektong pangkalusugan ni Gov. Ramon V. Guico III.

“Narito na ang matagal nating pangarap, 30 years ago na ang ating pagamutan, pero ngayon lamang natin makikita na matutupad na ang pangarap na mas maayos na ospital.”, pahayag ni Dr. Tracy Lou Bitoy, Chief

of Hospital-Umingan Community Hospital sa kanyang talumpati.

Ang mga provincial government-owned hospitals sa bayan ng Tayug, Lingayen at Urdaneta ay sasailalim din sa modernisasyon dahil sa hindi maayos na kalagayan ng mga ito.

Itatayo ang ospital sa 4.5 ektarya na lupain na paglalagakan ng 55-bed capacity na inprastraktura. Inaasahan na sa hinaharap na magkaroon ng transport terminal, commercial center, day care center, park, social hall at pabahay sa vicinity ng nasabing ospital.

Pagsasanay ng mga guro para sa Catch-Up

Fridays, pinangunahan ng PESL

Jyen Fhreia F. Pacua

Pinaniniwalaan ng ang

Catch Up Fridays ay makakatulong sa problema sa litersiya at numeraseya, pinamunuan ng PESL ang Cluster-based INSET, Enero 24-26, 2024.

Dinaluhan ng limang paaralan ang pagsasanay sa Revisiting Reading Practices of Individualized Reading Materials. Kabilang sa mga

sumali ang Esmeralda IS, Ireneo Guieb Elementary School, Mabini Elementary School, at San Aurelio 3rd Elementary School. Nagsilbing tagapagsalita ang mga school heads at piling mga guro na nakadalo sa mga training patungkol sa reading. Kabilang sa kanila ay sina G. Christopher G. Bince, G. Rico S. Epistola, Gng,

Miriam R, Lopez, G. Adela R. Opina at Bb. Jonalyn R. Lavarias. Samantala naging bahagi din ng seminar sina Gng. Ruth Ann L. Poserio at G. Russel DV Basbas, na mga kasama sa training team ng Pangasinan Division II.

Sa pagtatapos ng INSET,nagsumite ang bawat kalahok na paaralan ng kanilang mga output.

Health at Safety Protocols, paiiralin pa din

Sa pagnanais na bigyan ng prayoridad ang kalusugan ng mga mag-aaral ng PESL, patuloy pa ring paiiralin ang maigting na safe at healthy protocols sa paaralan. Sa isang programa sa paaralan, nabanggit ni G. Eduardo B. Fernandez, prinsipal ang pagiingat sa banta ng virus na maaaring umatake sa mga magaaral. “Hindi natin alam kung may

kasunod pa na virus na paparalisa sa ating lahat. Mas mainam na mag-ingat”, pahayag ni Fernandez. Ang mga magulang ay pinaalalahanan na kapag may karamdaman ang mga anak ay mainam na ipasuri ito sa health center at huwag muna papasukin. Hinihikayat ang paggamit ng face mask kung kinakailangan at ang paghuhugas ng kamay at gumamit ng alcohol o sanitizer. Learning

Sa unang buwan ng taon at inilaan sa Drop Everything and Read, isang reading strategy kung saan pinapayagan ang mga mag-aaral na ‘independently at silently’ na magbasa ng aklat na kanilang napili sa maikling oras.

Sa kabilang banda, ang first half ng ‘Friday’ ay nakalaan sa National Reading Program at ang second half ay nakasentro sa values, health at peace education. Kabilang din sa programa ang homeroom guidance program.

Niliwanag ng ahensya na ang mga gawain sa ‘catch up Fridays’ ay hind gagraduahan.

Samantala, ang PESL ay naglunsad din ng mga programa sa literacy at numeracy. Ilan sa mga ito ang PROJECT Klasakan at 3Bs (Bawat Batang Leonisian: Babasa, Babangon) na pinangunahan ng mga koordinator sa pagbasa at numerasiya.

Inaasahan na sa pamamagitan ng programang ito ay mabibigyang-tugon ang learning gaps ng mga magaaral lalo na sa reading at literacy.

ANG Balun Ugaw Ang Opisyal na Pahayagan ng PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN LEON Balungao, Pangasinan Division II , Rehiyon I Tomo VII, Blg. I, Agosto 2023 - Pebrero 2024
02 PAHINA
BALITA
Princess Aqeela L. Maliwanag
gaps, hahabulin
ikinasa 01
CATCH UP Fridays,
SA KINABUKASAN. Suportado ng ahensiya ang advokasiya sa kalikasan dahil ito ay para sa hinaharap ng mga susunod na henerasyon. Larawan mula sa Provice of Pangasinan FB Page
MULA SA PAHINA
PARA
KONTRA VIRUS. Ang banta ay nasa paligid lang, huwag nang hayaang maulit muli. Kuha ni Kurt Jahzeel M. Marcelino

Opisyal na Pahayagan ng

Pangasinan Division II, Rehiyon I

VII, Blg. I, Agosto 2023 - Pebrero 2024

PROJECT CARE, kaisa sa pagtulong sa pagbasa ng mga mag-aaral

Kurt Jahzeel M. Marcelino

Sa mithiin ni G. Emeterio Jun Soniega, education program supervisor ng Edukasyon sa Pagpapakatao, na makatulong na mai-angat ang literacy level ng mga mag-aaral ay inilunsad ang Project C.A.R.E sa mga elementarya at sekondaryang paaralan sa sangay ng

ang pagkakaroon ng interes ng mga mag-aaral na mapanumbalik ang pagmamahal sa pagbabasa. Sa panayam kay G. Soniega sa kanyang pagmonitor sa PESL, kinakailangan na magtulungan ang lahat para mapaunlad ang litersiya ng mga kabataan. Hindi lang ang English at Filipino

Klasrum sa Kanto, lumarga

Bilang

suporta sa inisyatiba ng ahensya at ng sangay ng Pangasinan II, inilunsad ng PESL sa pangunguna ni G. Rico S. Epistola ang proyektong Klasrum sa Kanto noong Septyembre 16, 2023 kasama ang ialng guro at boluntaryo.

Pangunahing layunin ng proyekto na tulungan maibangon ang kahinaan ng mga mag-aaral sa literacy at numeracy. “Ang pandemya ay lubos na naka-apekto sa ating mga mag-aaral. At upang ipagpatuloy ang adbokasiya na nasiluman ay nabuo ang programa upang tugunan ang pangangailangan ng ating

mga batang Leonisian.” ayon sa proponent ng nasabing proyekto.

Dalawang beses sa isang buwan ay umiikot ang grupo, kasama si Gng. Flora May A. Gelacio at Gng. Leah L. Cezar sa mga tinukoy na destinasyon kung saan isasagawa ang mga gawain. Bukod sa mga guro ay kasama ang mga boluntaryo na nakikibahagi sa pag-gulong ng programa.

Samantala, lubos ang pasasalamat ng mga piling recipients sa pagkakaroon ng programang ganito. Inaasahan na mapalawig pa ang 3Bs at maabot ang lahat ng sulok ng pamayanan.

DepEd, suportado ang

National Tree Planting

Michellyne Nichol M. Maranan ilang regalo sa mga kabataang Pilipino, tinatayang aaboy sa 236,000 na punong kahoy ang sabay-sabay na itinanim ng mga mag-aaral sa DepEd sa buong bansa, Disyembre 6, 2023. Nagbigay ang programa ng oportunidad sa mga kabataan na makilahok sa programa at maunawaan ang usaping kalikasan .

Ang mga paaralan ay inaasahang makapagtanim punong-kahoy(native fruit-bearing trees) sa bakuran. Samantala, sa mga walang espasypo, kinakailangan na makipag-ugnayan sa barangay para makapaglaan ng lugar na maaring taniman. Nakiisa ang mag-aaral at guro ng PESL sa programang ito. oy ay bingay mga stakeholders. Kabilang sa mga punong kahoy na itinamim ang sampalok, guyabano at rambutan.

PARA SA SUSUNOD NA HENERASYON. Nakibahagi ang mga mga mag-aaral ng PESL sa layunin na makapagtanim ng 236K na puno bilang regalo sa mga kabataang Pilipino. Kuha ni Kaycelle Jasmine M. Marcelino

ANG Balun Ugaw
PAARALANG ELEMENTARYA
LEON Balungao,
Tomo
BALITA PAHINA
Ang
NG SAN
BABANGON TAYO. Pangunahing layunin ng proyekto na matulungan ang mga magaaral sa literacy at numeracy. Kuha ni Kurt Jahzeel M. Marcelino I CARE. WE CARE. Tulong-tulong ang lahat para sa learning recovery ng bawat batang Pilipino. Labanan ang kamangmangan at ibantayog ang karunungan. Kuha ni Kurt Jahzeel M. Marcelino

BALITA04 PAHINA RONDA BALITA

GLOBAL

King Charles na-diagnose na may kanser

Nadiagnose si King Charles III na may isang uri ng kanser at sinimulan na ang kanyang treatment, ayon sa Buckingham Palace.

Sinabi ng palasyo na ang kanser ay walang kinalaman sa treatment ni King Charles para sa isang benign prostate condition. Hindi rin nila sinabi kung ano’ng uri ng kanser mayroon ang 75 taong gulang na monarch.

Ang hari ay sumailalim sa regular ng treatment, kung saan inabisuhan siya ng kanyang doktor na ipagpaliban muna ang mga tungkul kung saan siya ay haharap sa publiko, ayon sa palasyo. official paperwork gaya ng dati. Sa kabila ng nito ay nananatiling positibo ang hari.

NASYONAL

Divorce Bill umusad na sa

Kamara

MANILA, Philippines — Umusad na sa Kamara ang Absolute Divorce Bill na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga magasawang hindi na magkasundo lalo na ang mga kababaihang dumaranas ng pang-aabuso na makalaya sa isang relasyon.

Si Albay 1st District Rep. Edcel Lagman na pangunahing may-akda at nag-isponsor sa House Bill (HB) 9349. Sinabi ni Lagman na ang absolute divorce ay hindi dayuhang konsepto para sa mga Pilipino dahil matagal na itong praktis noon pa mang panahon ng mga Kastila, Amerikano at maging ng mga Hapones ng manakop ang mga ito sa bansa.

Tiwala si Lagman na maisasabatas ito.

PROBINSYAL

Pangasinan Polytechnic College, nagbukas na

Lingayen, Pangasinan -Katumbas ng pagbubukas ng pintuan ng oportunidad ang pagbubukas ng Pangasinan Polytechnic College Center for Lifelong Learning (CeLL)) para maabot ng mga deserving na estudyante ang pangarap na makatapos sa pag-aaral. Ang paglulunsad ng PPC CeLL ay nagbigayng pag-asa sa mga kabataang nangangarap na ipagpatuloy ang kanilang pagaaral sa gitna ng kasalatan ng kanilang buhay.

Kabilang sa inisyal na kursong bubuksan sa PPC ang automotive servicing NC Servicing I, electrical installation and maintenance NCII, driving NC II at driving NC III. Habang sa bachelor’s degree program, multi media arts, agri-business, special needs education at public administration, major in local governance.

Kasabay ng bagong pamunuan ng barangay San Leon ay ang kagustuhan ng bagong halal na punong barangay na magkaroon ng pagkakataon ang mga alumni na magkikita at magkamustuhan, ay ikinasa ang pagdaraos ng 1st Grand Alumni Homecoming ng PESL at SLNHS sa darating na Mayo 18, 2024. Sa isang pagpupulong ay inanyayahan ni Marzan ang mga

guro sa PESL at SLNHS para sa planong ito. Ayon kay PB Jhun Lord M. Marzan, ang selebrasyon ay isasabay sa taonang pagdiriwang ng fiesta ng poon na si San Idisro Labrador sa Mayo 15-18 na kasalukuyang taon.

Binigyang-diin ni PB. Marzan na mahalagang maging bahagi ng araw na ito ang mga lahat ng alumni anuman ang kanilang narating sa buhay.

Para matutukan ang pagtuturo

Administrative

Tasks ng mga guro, tuluyan ng tatanggalin

Upang tiyak na matugunan at matutukan ang pagututuro, ipinag-utos ng DepEd sa pangunguna ni VP Sara Duterte ang pagtanggal sa mga administration tasks sa mga guro sa pampublikong paaralan. Ito ang nakasaad sa DepEd order no.002, s 2024 na inaasahang magpapalakas sa kalidad ng paguturo ng mga kaguruan dahil mababawasan na

ang ancillary works.

Ililipat ang mga nasabing administrative tasks at iba pang programa sa mga school head at non-teaching staff.

Inikanatuwa ito ng mga guro dahil magiging focus na ang kanilang atensiyon pagtuturo na walang report na nakakasagabal sa pagbibigay ng atensiyon sa pangangailangan ng mga magaaral.

ANG Balun Ugaw
Ang Opisyal na Pahayagan ng PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN LEON Balungao, Pangasinan Division II, Rehiyon I Tomo VII, Blg. I, Agosto 2023 - Pebrero 2024
kasado na
Grand Alumni Homecoming,
RSE
Princess Aqeelaa L. Maliwanag “TURO NA LANG TAYO.” Ikinatuwa ng mga guro ang pagkatanggal ng adnministrative tasks at makakasiguro na tutok na lang sa pagtuturo. Kuha ni Kaycelle Jasmine M. Marcelino MAGKIKITA TAYONG MULI. Idaraos sa kauna-unahang pagkakataon ang Grand Alumni Homecoming nga PESL at SLNHS sa pangununa ni PB Jhun Lord M. Marzan at sa pakikipagtulungan ng mga guro. Kuha ni Kurt Jahzeel M. Marcelino

Miyembro ng 4Ps, umalma sa planong

MULA SA PAHINA

01

inag-aaralan ng Department of Agriculture na imbes na pera ay bigas na lamang ang ibibigay sa mga benepesaryo ng programa.

Ayon sa departamento, makakatulong ito upang maibsan ang inflation sa bigas. Samantala, sinabi ni PBBM na pag-aaralan pa ito.

“Mas ok po sana ang pera para magamit pa ito sa mga pangangailangan ng mga anak namin na nag-aaral, gaya ng pangbaon, bayarin sa eswela at sa mga gamit sa paaralan.”, ayon sa isang magulang ng PESL na miyembro ng 4Ps.

Habang pinag-aaralan ang posibilidad na imbes na bigas, ay isanama din sa plano ng DSWD ang pagbibigay ng benepisyo sa mga ‘near poor’ o ang mga pamilyang di sakop ng 4Ps pero nagkukulang ang kita . Ito ang AKAP o Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program na pinaglaanan ng 26B na mula sa ideya ni Sen. Raffy Tulfo. Umaasa ang mga 4Ps na mas mabuting cash pa rin ang ipamahagi para sa mapunan ang mga pangangailangan ng bawat pamilya.

‘No-sectioning’, binigyaan-diin sa mga magulang at mag-aaral

Amaru Tan

Sa kagustuhan na ang bawat seksyon at baitang sa PESL na mabigyan ng pantay na pagkilala at pagkakataong ang mga mag-aaral, tuluyan ng tinuldokan ni G. Eduardo B. Fernandez, principal ang pag-uuri ng mga mag-aaral.

“Mas magiging competetive ang mga mag-aaral dahil sa ibat-ibang uri ng mag-aaral na hindi pili at inklusibo” giit ni Fernadez.

Inaasahan na sa pagkawala ng nakasanayan na ‘sectioning’ ay magkakaroon ang bawat guro ng oportunidad na humubog sa ‘heterogenous’ na pangkat ng mag-aaral.

Bagong guro ng PESL, kilalanin

Janeah Sofhia Aice V. Catacutan

Malaki man sa inyong paningin, mabait at mahusay naman.

Siya ang bagong tagapayo ng Grade I Rose. Mula si Gng. Sylvina Niones Milanes sa Pobalcion, Balungao, Pangasinan. Nagtapos ng kursong Bachelor of Arts in English sa Pangasinan State Univesity - Urdaneta Campus noong taong 2013.

Si Gng, Milanes ay nagturo ng anim na taon sa UCCP NK and Grade School. Ayon sa kanya, ang pagiging isang guro

ay pangalawang magulang na nagtuturo at namamahagi ng kaalaman. N

Si Bb. Hazel Grace T. Cortado ay produkto ng PESL. Siya ang tagapayo ng Grade V Ruby. Mahiyain, tahimik at mahinhin ang guro.Nagtapos ng kursong Bachelor of Elementary Education sa PSU-Sta. Maria Campus,2019. “Ang pagiging guro ay hindi lang basta nagtuturo, bagkus, ay tagapag-akay sa landas ng tagumpay, at mga inspirasyon para sa kinabukasan ng mga mag-aaral.

Pasukan sa Hunyo, unti-unting ibabalik

Samantala, iginiit ng kagawaran ang teachers’ vacation na ipinagako ni VP Sara Duterte para sa mga guro na i-enjoy ang kanilang bakasyon na walang iniisip na trabaho mula sa paaralan.

Ang pagtatapos ng mga mga-aaral ay nakatakda sa Mayo 29-31, 2024. Sa kabilang banda, ang National Learning Camp (NLC) ay mula Hulyo 1-19 at ang Brigada Eskwela, Hulyo 22-27. Ang simula ng school year 2024-2025 ay sa ika-29 ng Hulyo.

“MATATAG Curriculum, mahalaga sa pag-aayos...

puntos na isinagawa ng Program for International Student Assessment (PISA), 2022. Lumabas sa resulta na lima hanggang anim na taon ang learning lag sa mga learning competencies.

Tutukan sa bagong kurikulum ang literacy at numeracy skills, balance cognitive, higher order thinking skills, intensified values education at peace education.

Kabilang sa mga asignatura sa bagong kurikulum ang language, reading at literacy, mathematics, makabansa at GMRC. Ipapatupad ang kurikulum sa tatlong phase. Unang ngayong school year2024-2025 para sa pre-school, grades 1, 4, and 7. Sa taong 2025-2026 grades 2, 5 at 8 at grades 3,6, at 9 sa school year 2026-2027 at para sa grade 10 sa 20272028.

Pasisimulan ang paglulunsad sa mga piling paaralan sa rehiyon I, II, VII, XII, CAR, CARAGA at NCR.

ANG Balun Ugaw Ang Opisyal na Pahayagan ng PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN LEON Balungao, Pangasinan Division II, Rehiyon I Tomo VII, Blg. I, Agosto 2023 - Pebrero 2024 BALITA 05 PAHINA
CASH is out. BIGAS is in. Pinangangambahan ng 4Ps ang planong ito ng gobyerno dahil karamiham sa miyembro ay mas pili ang pera. Kuha ni Kurt Jahzeel M. Marcelino SI TEACHER AT ANG KANYANG KUWENTO. Bahagi ng PESL si Gng. Sylvina N. Milanes sa pag-gabay at pagturo ng mga murang kaisipan. Kuha ni Kurt Jahzeel M. Marclino

EDITORYAL

Wala pang isang-kapat ng mga estudyanteng Filipino ang nakaabot ng pangunahing kasanayan sa Matematika, Agham at Ingles.

Magiging Matatag nga ba ang MATATAG Curriculum?

Inilunsad ang K to 12 noong 2011-2012 sa panahon ng administrasyon ni Pangulong

Benigno Aquino III. Maramin ang umalma dahil dagdag pasakit at pabigat ang idadagdag na dalawang taon para sa mga mag-aaral.

Lubos na ikinabahala ni VP Sara Duterte ang mababang puntos na nakuha ng bansa sa isinagawang pag-aaral ng PISA. Ito ang nagbunsod sa paglulunsad ng panibagong curriculum na tinawag na MATATAG curriculum o ang K to 10 na programa. Ito ay ang pagbabawas ng mga paulit-ulit na competencies sa kasalukuyang curriculum. Tinatayang nasa 70% ng dating curriculum ang tinaggal at ang nalalabing 30% ang pinaniniwalaang dapat pagtuunan ng ahensiya upang makabangon sa learning gaps na naranasan dahil sa pandemya.

Ginagawa ng DepEd sa pangunguna ng bise presidente ang pag-aangat ng kalidad ng edukasyon sa bansa. Sa bagong curriculum ay inaasahan na pili at mga karadapat-dapat na aralin ang maibigay para sa mga mag-aaral. Magiging pocus ang literacy, numeracy at socio-emotional skills. Sa bagong curriculum ay mapapaigting ang pagbuo ng kagandahang asal at character development, pati na rin ang pagtalima sa 21st century skills.

Sa kabilang banda, maaring tila namadali ang pagrepaso sa kasalukuyang curriculum. Nagkakalituhan ang mga guro, mag-aaral at pati na ang mga magulang. Sa pagpapatupad ng bagong kurikulum ay nararapat din na bigyan ng suporta ang mga guro at paaralan sa pagpapatupad. Nararapat na alamin kung ano nga ba ang mga pangangailangan at dito simulan ang pagbangon sa kakulangan.

Gayunpaman, ang epektibong implementasyon ng bagong curriculum ay mahalga. Ang balanseng pag-aaral ng akademikong kaalaman at pagpapalakas ng karakter ay mahalaga para sa isang komprehensibo at epektibong Sistema ng eduaksyon.

PATNUGUTAN

T.P. 2023-2024

Punong Patnugot: Christine U. Sanchez

Patnugot ng Balita: Princess Aqeela L. Maliwanag

Patnugot sa Lathalain: Katelyn Gene R. Medios

Patnugot sa Isports: Gian P. Calimquim

Patnugot sa Agham: Jeyen Fhreia F. Pascua

Kolumnista: Alliyah Jade R. Manluctao

Kartunista: Chloe R. Orenia

Janeah Sofia Aice V. Catacutan

Maniniyot: Kurt Jahzeel M. Marcelino

Kaycelle Jasmine M. Marcelino

Manunulat: Steve Elijah A. de la Cruz

Natalie Getuiza

Samantha E. Domdom

Michellyene Nichol M. Maranan

Amaru Tan

Alrick James M. Soria

Tagapayo: Rico S. Epistola

Flora May A. Gelacio

Sylvina N. Milanes

Punongguro: Dr. Eduardo B. Fernandez

Purok Tagapamasid: Dr. Mildred C. Espiritu

Ang Realidad sa Catching up, Makahabol kaya tayo sa Catch Up Fridays?

Hindi pa huli ang lahat. Nakakalungkot na sa PISA kulelat ang ang ating bansa subalit kagaya niyo, pangarap ko ring maiangat ito.

Tuluyan nang umusad pasulong ang anunsyo noong nakaraang taon ni VP Sara Duterte at DepEd na ang bawat araw ng Biyernes ay ilalaan sa literacy at numeracy skills.

Ang catch up Fridays ay naglalayon na matulungan ang learning gaps ng mga mag-aaral,

Bukod dito, kalakip sa kurikulum ang paghubog ng kalusugan, values formation at peace education. Ang pagkakaroon ng catchup Fridays ay makakatulong sa mga mag-aaral na makahabol sa mga pagkukulang na idinulot ng pandemiya. Maraming oras ang pinarilisa ng pandemya. Matutulungan ng mga guro at paaralan ang mga magaaral na bumangon at muling punan ang mga kahinaan at kakulangan. Sa kabilang banda, sa pagpapatupad niyos, mababawasan ang normal na araw ng pag-aaral. Maari din na sa loob ng isang lingo ay maglaan lamang ng oras na gugulin para sa ‘catch up’. Imbes na ‘catch up Fridays’ maari naming ‘catch up hours’. Sa pagkakataong ito ay kompleto pa din ang araw para sa pagkatuto. Dagdag pa dito, ay tila kulang sa kahandaan ang mga guro at paaralan para sa pagpaptupad nito.

Hangad ng bawat isa na makabangon sa pagkalugmok sa karunungan. Hinay-hinay lamang sa programang ipapatupad. Pag-aralang Mabuti at suriin kung ito ng aba ay talagang kailangan..

ANG Balun Ugaw
Ang Opisyal na Pahayagan ng PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN LEON Balungao, Pangasinan Division II, Rehiyon I Tomo VII, Blg. I, Agosto 2023 - Pebrero 2024
06 PAHINA
ANG Balun Ugaw
ChriSTiNe U. SANChez
16 % MATEMATIKA 23 % INGLES 24 % AGHAM
PUNTO DE VISTA
“ “

Balun Ugaw

MEKUS MEKUS

Ang Walang Katapusang

Problema sa Basura

Ugallin natin na mapanatili ang kalinisan saan mang sulok ng ating paaralan dahil ito ang salamin ng ating buhay sa kinabukasan.

Samga nagdaang isyu ng ating pahayagan, ay makailang beses ng pinagusapan ang kahalagan ng kalinisan sa paarala at sa komunidad. Subalit tila yata manhid ang karamihan sa lumalalang problema sa basura.

OPINYON 07 PAHINA

Ang malinis na kapaligiran ay mukha ng maayos na paaralan. Agree or Disagree? Para sa mga nagAGREE, saludo ang inyong lingkod sa paninindigan ninyo. Kasama kayo sa hangarin na maging malinis at malayo sa sakit ang bawat magaaral sa paaralan. Ang kalinisan ay nangangahulugan ng maayos na kaulusugan. At para sa mga BITTER na nagDISGAREE, mag-iingat, baka kayo ay tamaan ng karamdaman. Hindi ba kayo masaya na walang kalat na makikita sa kapaligiran? Masaya ba kayo na matawag na ‘dugyot’ dahil sa mga kalat na hindi man lang mailagay sa tamang lagayan?

Tandaan, you are what you do. kaya’t kung ayaw mong magmukang basura, maging malinis at huwag burara.

Ito po ay paalala lamang. Tayo po ay pare-parehong naghahangad ng maganda, maayos at malinis na kapaligiran. Kaya sana po ay tulong-tulong tayo para sa kalinisan at kaayusan ng ating mahal na paaralan.

Magalang daw ang mga Pilipino. Ang

masasabi ko, totoo ‘yan noon. Pero nasaaan na nga ba si PO at OPO?

Ang PO at OPO ay dalawa sa ipinagmamalaki natin sa buong mundo dahil tayo lamang ang gumagamit ng salitan ito bilang paggalang sa mga nakakatanda.

Subalit sa panahon ngayon ay tila nga ba nakalimot na ang maraming kabataan sa paggamit ng mga salitang ito.

Nakakalungkot matunghayan na sa bawat pag-uusap na aking naririnig sa paaralan ay ilan na lamang ang nagsasabuhay nito. Natatandaan ko pa ang laging habilin sa akin ng nanay ko, na maging magalangin at namomo PO ako sa lahat ng kinakausap ko.

Mga kapwa ko kamag-aral, ang batang magalang ay kinaluludan. Marami ang matutuwa at makakaalala sa atin kapag tayo ay marunong rumespeto.

Marahil si PO at OPO ay nawawala pero alam ko na kaya natin itong mahanap basta gamitin natin ito sa tuwina.

Sa kasalakuyan, kakaunti na lamang ang gumagamit ng mga saliting “po” at “opo.” Malungkot tignan na ang kabataan ngayo ay sumasagot sa kanilang mga

meSSAGe

Received

Mahal na Patnugot, Isang mapagpalang araw sa bumubuo ng Ang Balun Ugaw.

Nais ko lamang pong ipaalam na natutuwa ako sa pagkakaroon ng CCTV sa paaralan. Malaki po ang naitutulong nito upang masiguro natin ang kaligtasan ng ating mga anak. Bukod diyan, magiging safe ang mga kagamitan sa mga silid-aralan laban sa mga kawatan. Dahil sa mga CCTV na ito ay magkakaroon ng ‘mata’ ang mga guro sa mga pangyayari sa paaralan.

Nawa ay lagaan natin ang magandang proyekto na ito para sa ikakabuti ng SLES. Ito ay para sa kapakanan ng lahat.

Lubos na gumagalang, Mrs. MCM (OFW)

Mam MCM, Maraming salamat po sa inyong mensahe. Kami po dito sa PESL ay nagnanais na maging ligtas at nasa maayos na kalagayan ang bawat isa. Patuloy po kaming maglilingkod ng taos-puso para sa ikabubuti nating lahat.

Nagpapasalamat din po kami sa mga stakeholders na patuloy na tumutulong at sumusuporta sa aming mga programa at proyekto,

Gumagalang, Ang Balun Ugaw

magulang at nakakatanda na walang bati ng respeto at hindi na gumagamit ng “po” at “opo.” Malungkot din na ginagamit ng kabataan sa pakikipagtalastasan gamit ang cellphone at iba’t ibang “application” patutastas ang mga salitang “powz” o ‘di kaya’y “ohpowz” na parang po at opo. Nagpapakita na ayaw nilang tanggapin ang kanilang sariling kultura.

Naalala ko pa ang kuwento ng nanay ko tungkol sa po at opo. Magpahanggang ngayon ay kabisado pa din niya ang tula tungkol sa mga katagang ito.

Binabago man tayo ng ating paguugali dahil sa impluwnesiya ng social media ay hindi dapat natin lingunin ang bakas ng pagiging magalang ng mga Pilipino. Ito ay mukha ng ating mga ninuno. Sila ang nagturo sa atin nito. Pinasa.Subalit sa panahong ito ng modernisasyon ay tila nagkupas na ang mga kabataa sa pagkakaron ng kagandahang asal.

Hindi pa huli ang lahat! Sabay tayong magiging magalang muli.

Hinahamon tayo ng kasalukuyang panahon na sambitin ang mga nabanggit na salita upang tayo’y makapagbigay ng

TAGAPAMATYAG

(Ilocano term na ang ibig sabihin ay “tabi-tabi”)

Ang paggalang sa mga magulang at nakakatanda ay tila nga nakakalimutan na. Ang paggalng ay repleksyon ng isang taong may magandang puso.

respeto sa nakatatanda at upang ating maipakita ang ating pagka –Pilipino.

Ang pagsasabuhay ng kaugaliang ito ay dapat isapuso at isaisip, hindi lamang noong nakaraan, subalit hanggang sa kasalukuyan at sa hinaharap.

ANG
Ang Opisyal na Pahayagan ng PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN LEON Balungao, Pangasinan Division II, Rehiyon I Tomo VII, Blg. I, Agosto 2023 - Pebrero 2024 KAyCeLLe JASmiNe m. mArCeLiNo BARI-BARI KATeLyN GeNe r. medioS
“ “ “ “

OPINYON

Sang ayon ba kayo na muling maibalik sa Hunyo ang pasukan at Marso o Abril ang pagtatapos?

Magandang ibalik ang pasukan sa Hunyo dahil makakaroon ng sapat na oras ang bawat mag-aaral na makabonding ang kani-kanilang pamilya tuwing summer season.

Arriane Joy V. Valdez Grade 5 - Diamond

Pabor ako na ibalik sa buwan ng Hunyo ang pasukan para makaiwas sa mainit na panahon tuwing summer. Hindi kasi makapag-aral ng mabuti ang mga mag-aaral basi sa aking karanasan kapag maalinsangan ang panahon. At hindi ma-eenjoy ng mga batang tulad ko ang bakasyon kapag nataon ito sa maulang panahon.

Jerian Faye Toralba Grade VI - Narra

Sang-ayon ako sa pagbabalik sa buwan ng Hunyo ang bakasyon dahil ito ay nakasanayan na ng lahat.

Nakakapag-isip ng tama, nakakapag focus sa mga aralin ang mga magaaral dahil nakatutulong ang malamig na panahon. Napagbubuklod-buklod din ang pamilya tuwing bakasyon.

ALBERT V. LAURETA

Tagapag-alaga

Oo, pabor ako sa pagbabalik sa Hunyo ang pasukan dahil nagkakaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na ma enjoy ang summer. May epekto kasi sa kalusugan ang mainit na panahon. Hindi nakakapag-isip ng maayos ang mga mag-aaral dahil sa mainit na panahon na nararanasan.

BARBIE BROWN

Magulang

Hindi ako pabor sa pagbabalik sa Hunyo ang pasukan, dahil bago maibalik sa dati ang pasukan magaadjust tayo sa oras/araw ng ating mga aralin na dapat maituro sa atin dahil may sinusunod na calendar of activities ang isang school year.

Azariah Harmony A. Elizaga Grade IV Rizal

Ang ‘ting-ting’ ni Sir Ting

Likas na sa akin ang pagiging masinop at malinis. Ito ang nais kong maging legasiya sa bawat mag-aaral at mga guro na aking nakakasama.

Magdadalawang taon na ang nakaraan noong una akong umapak sa Paaralng Elementarya ng San Leon. It’s a second home para sa akin dahil dito ipinanganak ang aking mga magulang.

Nagagalak ako ng mabigyan ako ng pagkakataon na manilbihan dito sa lugar na ito. Maganda ang

Tuwing Lunes, sa pagsasagawa ng flag raising ay nakakalungkot masilayan ang mga kapwa ko mag-aaral na pupunta sa harap ng flag pole at nagtatakbuhan. Gayundin sa pagtatapos ng seremonya ay parehong eksena ang mararanasan.

Ang pagpila ng tama, papunta sa flag ceremony o sa canteen, ay repleksyon ng isang batang may disiplina. Nakakaayang tingnan ang bawat isa kapag maaayos at hind nag-uunahan. Buti pa ang mga langgam na, marunong pumila at patienlt waiting for their turn.

Inuulit ko, ang letrang “D” ay kumakatawan sa salitang DISIPLINA. Ang kawalan ng D ay lubhang nakakabahala. Umpisahan natin ito sa ating sarili.

Ugalling mamuhay na may D dahil malayo ang mararating mo.

Nawa sa sasunod na ikaw ay lalabas para sa anumang gawain na kailangang pumila, ay isa-isip mo ang bonggang-bonggang

paaralan natin at napakasupportive ng mga tao dito.

Noong ako ay nasa

Balungao Central School maaga akong pumapasok sa kagustuhan ko na masiguro na malinis ang school. Sinisuguro ko na malinis at walang kalat na makikita saan mang sulok.

Nabigyan ako ng palayaw na “Ting” noong ako ay bata dahil sa patpatin kong pangangatawan. Mula noon ay naikabit na sa akin ang alyas na ito.

Nang ako ay magsimulang maging guro ay likas na sa akin ang pagiging malinis. Hanggang sa ako ay maging punongguro. At ngayon ay hindi na repleksiyon ng aking patpating pangangatawan ang alyas ko.

Ang dating ‘ting’ na nakakabit sa akin ay kumakatawan na ngayon sa isang ‘ting-ting’. Isang kagamitan sa paglilinis ng ating bakuran. Ang malinis na kapaligiran ay larawan ng malinis na paaralan. Nawa ay maisa-ugali natin na laging siguruhin na malinis ang ating kapaligiran.

SERBISYONG BULILIT

Psst, Fall in Line

Ang pagpila ay repleksyon ng pagkakaisa at pagtahak sa tamang landas.

PriNCeSS AqeeLA L. mALiwANAG

letra na letrang D - D I S I P L I N A

Inuulit ko, ano ang letrang D? Louder....

Mga kapawa ko mag-aaral, sana ang simpleng pagpila ng wasto ay ating matutunan. Nawa ay tuluran nating ang mga langgam upang tayo ay makarating ng maayos sa ating patutunguhan.

ANG Balun Ugaw
Ang Opisyal na Pahayagan ng PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN LEON Balungao, Pangasinan Division II, Rehiyon I Tomo VII, Blg. I, Agosto 2023 - Pebrero 2024
PAHINA
edUArdo B. ferNANdez, Phd.
81% 12% 7% Nagsurbey ang aBU sa 100 magaaral at alamin ang pulso ng mga Batang Bibo…
“ “ “ “

Balun Ugaw

Ang Opisyal na Pahayagan ng

PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN LEON

Balungao, Pangasinan Division II, Rehiyon I

Tomo VII, Blg. I, Agosto 2023 - Pebrero 2024

LATHALAIN

BiBe hAir CLiP, TreNdiNG! Nakabili na ba ang lahat?

Usong-uso ngayon ang paglalagay ng bibe sa ulo, na may iba’t ibang klase at design.Bukod sa Gen Z, patok na patok rin ito sa ibang henerasyon na young at heart.

In na in ang mga bibe hair clip na puwedeng ibida kahit sa mga paaralan.Maaari talaga itong i-flex ng mga estudyante dahil hindi ito ipinagbabawal ng Department of Education (DepEd) at sa katunayan, kahit mga guro ay puwedeng makisali sa current craze na kinagigiliwan.

Unang sumikat ang mga bibe hair accessory sa Baguio noong 2023 at napadpad na nga ito ngayon sa Metro Manila.

Ayon sa isang professor ng popular culture sa University of the Philippines Diliman, ang kasikatan ng hair duck clip ay isang halimbawa ng “bandwagon syndrome” ng mga Pinoy.

“Kung anong uso, gaya-gaya tayo, meron tayong bandwagon syndrome na tinatawag. Ayaw nating maiwan,” ayon kay Dr. Jimmuel Naval, dean ng UP College of Arts and Letters.

Para naman sa DepEd, hindi bawal ang paggamit ng nasabing hair clip sa mga paaralan dahil wala naman silang nakikitang masama rito.

“It’s just a fad. It’s a hair accessory, siguro it won’t hurt the class kung meron extra accessory sa ulo. I don’t think it will bothersome for many,” saad naman ni DepEd deputy spokesman Francis Bringas na aminadong isa siya sa mga

If he or she finds it really appropriate to get the learners to pay

Magiging Alaala na lamang ba ang mga karanasan ni Juan sa Hari ng Kalsada?

Samantha E. Domdom

Malawak ang pagkilala ng mga Pinoy sa Hari ng Kalsada. Salamat sa mga Amerikano ng nagiwan ng kagamitang pandigma at inembento ng malikhaing imahinasyon ng mga Pilipino.

Ang Hari ng Kalsada ay isang iconic dahil tanging dito lamang sa bansa makakakita ng transportasyong ito.

Subalit tila nga ba kasabay ng modernisasyon ay ang pamamaalam ng mga dyipney at sa mga susunod na henerasyon ay hindi na mararanasan ang mga kakaibang karanasan. Sa kasalukuyang banta ng jeepney phaseout, sariwain natin ang mga nakakatuwang alaala na mamimiss for sure nga mga kabataan. Ito ang ilan sa mga tugon ng mga ate at kuya natin:

• Hindi na ako makakain ng hibla ng buhok na akala mo ay Lucky Me pansit canton dahil hindi man lang maitali.

• Mawawalan na din ako ng sideline bilang taga-abot ng pamasahe at kung minsan ang iba ay tulog-tulugan. (sana nga wag ka na magising hehehehe..)

• Hindi ko na mararamdaman yong sikip at siksikan na animo ay mga isda sa loob ng Mega sardines (minsan may free pa na kakaibang amoy na di ko mawari kung saan nagmula)

• Hindi ko na rin mararansan ang makipagunahan, na akala mo ay karera sa triathlon para lamang makasampa at mauna sa finish line.

• Hindi ko na rin mararanasan ang maidlip at hindi magtagal ay akala mo nahulog ka sa bangin at biglang magigising.

• Wala na din ang mga friends kong tumutugtog ng instrument at sabay abot ng mga sobre na akala mo’y last canvassing na sa fund raising. Hay, mga alaala na mananatiling alaala na lamang. Sa nakaambang pagmodernisa ng mga tradisyunal na jeepney, hindi na natin makakasama sa lakbay ang Hari ng Kalsada.

ANG
09 PAHINA
PNGWING PNGEGG
Christine Joy Dipon FB Page Mia Bianca A. Alcaide FB Page

Lathahain Hakbang sa Tagumpay: Dalawang batang varsity sa basketball

Sabay gumulong ang kapalaran ng mga noon ay batang manlalaro ng PESL at ngayon ay unti-unting gumagawa ng pangalang sa larong basketball.

Itinadhana na sila ay may common denominator ang dalawa. Magkaklase. Magpinsan. Magkapurok. Tahimik. Mahiyain. Yan ang mga nagbibigkis sa kanila.

Tulad ng maraming kabataan, nagsimula ang kanilang pangarap sa simpleng paglaro ng basketball sa kanilang bakuran.

Kilalanin natin ang basketball buddies na ipinagmamalaki ng aming lugar.

“Huwag tayong titigil na i-pursue ang pangarap ninyo. Samahan niyo ng sipag at tiyaga para matupad ang mga ito.”

Ang larong basketball ang nagbigay sa binata ng inspirasyon sa buhay. Akala niya noon na madali lamang ang isports na ito. Yong tila pasa dito, pasa doon. Subalit maihahambing ang larong ito sa laban sa totoong buhay, na kailangan ng diskarte upang manalo at magtagumpay.

Sabi nga nila, “Basketball is life.” Totoo po. Naniniwala siya na sa basketball ay maraming hamon na dapat pagdaanan para marating ang rurok ng tagumpay.

Tulad ng ilang kabataan, nagsimula ang pangarap niya sa elementarya. Nabigyan siya ng pagkakataon na maglaro isang koponan. Pinalad na nakapasok sa Team Balungao. Hindi man daw siya ang pinakamahusay subalit nagtaka siya at siya ay napili.

Patuloy ang pagkatok ng pagkakataon.Nagpatuloy lang siya sa paglalaro hanggang hiskul.

Basta may bola, laro lang.

Basket is life.

Dream come true para sa kanyan ng siya ay madiscover sa isang hindi inaasahang try-out. Napabilang siya sa basketball team sa Mataas na Paaralan ng Rosales at nakapaglaro sa Region I Athletic Association (R1AA). Nabigyan siya ng chance na makasama sa koponan para sa Palarong Pambansa. Subalit hindi pinalad ang binata.

“Try and try until you succeed.”

Hanggang isang araw siya ay naimbitahan na magtryout muli. Sa huli, sa dami ng nagtry-out sa laro ay isa siya sa mapalad na mapili.

Sa kasalukuyan, siya ay varsity player ng Jose Rizal Univesity Light Bombers. Sa kanyang ipinakitang dedikasyon at tiyaga, siya ay napabilang na maging player sa National College Athletic Assosiciation (NCAA). Inspirasyon ng player ang kanyang pamilya. Lubos ang pasasalamat nito sa kanyang mga magulang na 100% na suporta na ibinibigay sa kanya. larong kinahihiligan ng mga Pinoy.

DENSLE ELIZAGA-PINZON,6’0”

Varsity Player - JRU Light Bombers

Position: Small Forward

10
PAHINA DENSLE PINZON JAYSON CASTILLO

"Parang panaginip po ang lahat"

Ito ang nasambit ni Jayson Castillo, varsity player ng Jose Rizal University

Light Bombers na dating mag-aaral ng Paaralang Elementary ng San Leon. Ang binatang manlalaro ay kaklase ni Densle Elizaga-Pinzon. Taong 2017 nang sila ay nagtapos at sabay tumuntong sa haiskul.

Noon pa man ay kinakakitaan na si Jayson ng potensyal sa larong basketball. Kagaya ni Pinzon, siya ay sumabak sa mga iba’t-ibang basketball tournament noong siya ay nag-aaral.

Nabigyan ng break ang binata nang siya ay magtry-out sa basketball clinic ni Coach Benjie Navarro sa PMW Basketball, Unzad, Villasis at siya ay kinakitaan ng potensyal ng noon ay nanonood na coach ng Jose Rizal University. Kasama si Pinzon, napili ang manlalaro na maglaro para kanilang kopononan.

“Para sa akin po, ang basketball sa toong buhay ay isa po itong masayang isports na ating nilalaro. Nagkakaroon po tayo ng mga kaibigan at nagkakaroon po tayo ng opportunity para maipakita natin ang husay sa paglalaro ng basketball.”, masayang pahayag ng basketbolista.

“Matagal na po kaming magkasama ni Densle na naglalaro, katulad na lang po pag meron dumadayo sa amin o kung minsan naman po ay kami ang dumadayo sa ibang barangay. Marami na rin po kaming nasalihan liga na magkasama(Densle) tulad ng inter-purok, Mayor’s Cup, Open League. Sa Cluster Meet po talaga kami nabigyan ng break at naging kasali sa basketball team ng ating dibisyon. Sa kasawiang palad po, hindi kami pinalad na makasama sa Palarong Pambanas. Gayunpaman po, malaki ang pasasalamat namin sa exposure at break na ngayon ay nakakapaglaro po kami bilang varsity player at nakakapag-aaral ng libre habang ini-enjoy ang larong basketball.” dagdag ni Castillo.

Ang binata ay hindi sanay sa marangyang pamumuhay. Kadalasan ay makikita lamang ito sa isang tabi at tahimik na nag-iisip. Siya iyong tipo ng tao na kapag hindi ka magsasalita ay hindi rin ito magsasalita. Sabi ng kanyang tdating tagapayo na si Gng. Flora May A. Gelacio, “Si Jayson, bagaman tahimik, ay kayang makipagsabayan sa mga gawain sa klase. Bukod sa isports ay mahilig din siya sa larong chess .”

Bilang panganay na lalaki, sa dalawa niyang kapatid, lagi niyang priprotektahan ang mga ito, gaya ng pagprotekta na ginagawa niya kapag siyaa ay naglalaro sa court.

“Ang maipapayo ko sa mga kabataan na gaya ko ay pagbutihin po nila ang kanilang pag-aaral, palaging makinig sa payo ng mga magulang at maging disiplinado at always be humble.” payo pa niya.

Para sa binata, inspirasyon niya ang kanyang mga pamilya na todo bigay sa suporta sa kanyang karera. Balang araw ay nais niyang makapaglaro sa mga pro-league gaya ng MPBL, PBA at iba pang malaking liga.

JAYSON A. CASTILLO, 6’2”

Varsity Player - JRU Light Bombers Position: Power Forward

11
PAHINA
ANG Balun Ugaw

LATHALAIN

Biyaya ng Tenga ni Piyang

a isang maliit at tahimik na bayan sa probinsya, may isang batang babae na nagngangalang Piyang. Si Piyang ay isinilang na may kapansanan sa pandinig, ngunit kahit na ito ang kanyang kondisyon, walang nagiging hadlang sa kanyang masigla at masayang pananaw sa buhay.

Sa kanyang murang edad, kinakitaan si Piyang na kahit hindi siya masyadong makarinig nang maayos, marunong naman siyaumawit. Isa itong biyayang ibinigay sa kanya ng langit na kahit sino man ay hindi inaasahan. Ang kanyang tinig ay tila isang anghel na bumabalot sa kapaligiran, nagdadala ng kasiyahan at pag-asa sa kanyang puso.

Sa murang edad na tatlo, ay natutunan na niyang umawit. Natuto siyang umawit habang nakikinig sa kanyang nanay na umaaawit. At dito nagsimula ang kanyang pagkahilig sa musika. Likas ang talento ng batang mang-aawit dahil ang ilan sa kanyang kapamilya ay mang-aawit.

Una siyang sumabak sa pag-awit noong siya ay nasa unang baitang. Si Piyang ang pinakabatang kalahok mula sa sampung kalahok at siya ang tinanghal na kampeon. Simula noon ay kabi-kabila na ang mga patimpalak na kanyang sinalihan.

Ayon sa batang mang-aawit, “Meron man po akong kapanasan sa pandinig, subalit hindi ito hadlang upang maipakita at

BATANG BIBo, SUPer hero bagong

Bawat bata ay may idol na superhero. Nandyan si Superman, Batman, Wonderwoman at siempre nandyan din ang ating mga local na superhero –Darna, Captin Barbell, Super Ingo at Volta. Sila ay kahanga-hanga dahil sila ang kakampi ng mga ina-api.

Kilalanin natin si BATANG BIBO! (BUMABASA.INTERESADO. BUMIBILANG.ORGANISADO)

Siya ang representasyon ng batang kakatawan sa bawat batang kabilang sa sangay ng Pangasinan II.

Si Batang Bibo ay nabuo sa consepto base sa mantra na isisigaw ng Pangasinan II – “Tatag ng Pamilya. Lakas ng Bata”. Naniniwala ang sangay na Pangasinan II na ang batang may malakas na pundasyon ng pamilya ay siyang pinagmumulan ng lakas ng bawat bata. Siempre alam ng lahat, na kapag sinabing pamilya, kabilang na dyan ang paaralan, mga kasapi sa komunidad at mga tumutulong. Sama-sama para sa bawat batang Pang. II.

Si Batang Bibo ay isang HERO. Bakit? Kasi gusto niya na ang bawat mag-aaral ay maging ‘extra-ordinary’ sa bawat aspeto. Gusto ni Batang Bibo, na ang bawat mag-aaral ay MATATAG, gayang isang HERO.

ANG Balun Ugaw Ang Opisyal na Pahayagan ng PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN LEON Balungao, Pangasinan Division II, Rehiyon I Tomo VII, Blg. I, Agosto 2023 - Pebrero 2024
12 PAHINA
MARK REYES
KAYCELLE JASMINE M. MARCELINO

MISSING KAMATIS sa outer space; Natagpuan na!

Ito na ata ang isa sa pinakamalaking misteryong maituturing sa buong universe, kung hindi natagpuan ng isa sa mga miyembro ng International Space Station (ISS) – ang pagkawala ng kamatis sa outer space.

Sa isang live stream na isinagawa ng NASA noong ika-6 ng Disyembre noong nakaraang taon hinggil sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng ISS, inanunsiyo ng NASA astronaut na si Jasmin Moghbeli kasama ng anim pa niyang mga kasama na nahanap na ang nawawalang kamatis.

Ang nasabing kamatis ay pinatubo mula sa buto sa microgravity ng US astronaut na si Francisco “Frank” Rubio – na may hawak ng record para sa pinakamahabang spaceflight na 371 na araw – bilang bahagi ng NASA’s Veg-05 project na inilunsad noong mga huling buwan ng taong 2022 upang pag-aralan ang crop growth, food safety, at flavor sa outer space.

“Inani ko, sa tingin ko ang unang kamatis sa kalawakan at inilagay ko ito sa maliit na bag,” paggunita ni Robio sa isang panayam sa NASA noong Oktubre. Ayon sa kanya, kinuha niya ang kamatis sa kaligtasan ng Ziploc bag upang ipakita sa ilang mag-

aaral ang mahalagang ani, ngunit nawala ito pagkatapos. Dagdag niya, gumugol siya ng 18 hanggang 20 oras upang hanapin ang kamatis na sa tingin niya ay “natuyo hanggang sa punto kung saan hindi na masabi kung ano ito” at maaring hindi sinasadyang itapon sa basurahan.

“Sana may makakita nito balangaraw, isang maliit na bagay sa isang Ziploc bag at mapatunayan nila ang katotohanan na hindi ko kinain ang kamatis sa kalawakan,” biro nito.

Bagama’t hindi nabanggit kung saan ito nakita. Ibinahagi naman ng NASA ang imahe nang naging hitsura ng mga kamatis noong sila ay natagpuan. Makikita sa imahe na dehydrated at “slightly squished” ang mga ito. Wala namang nakitang microbial o fungal growth.

Ayon pa sa NASA, itinapon na and kamatis at hindi babalik sa Earth. Patuloy naman ang pananaliksik sa mga halamanang tanim sa space station ay kahit pa matapos ang pangyayari ng nawawalang kamatis. Ang mga siyentipiko na kasangkot sa proyektong Plant-Habitat-03 ay kasalukuyang nagtatrabaho upang suriin kung ang genetic adaptions sa isang henerasyon ng mga

halaman na lumaki sa espasyo ay maaaring mailipat sa mga susunod na henerasyon. Ang resulta ng pagaaral ay maaaring makatulong sa mga mananaliksik na masuri ang genetic elements ng mga halaman upang maging akma sa spaceflight, na makakatulong sa pagpapalago ng maraming henerasyon ng mga tanim habang nasa misyon.

Bilang karagdagan sa pagbibigay daan para sa hinaharap na mga misyon sa kalawakan, ang paghahardin sa kalawakan ay may mga sikolohikal na benepisyo para sa mga astronaut na kalahok, ayon sa NASA, kabilang ang pagtaas ng kalidad ng buhay at pagpapalakas ng moral - iyon ay, kung masusubaybayan nila ang kanilang mga mahalagang kamatis.

ANG Balun Ugaw Ang Opisyal na Pahayagan ng PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN LEON Balungao, Pangasinan Division II, Rehiyon I Tomo VII, Blg. I, Agosto 2023 - Pebrero 2024
13 PAHINA
LATHALAIN
DIGITAL TRENDS KAKE FORBES
SNM

AG-TEK

Ang teknolohiya ay kasama sa pag-unlad. Ganunpaman, huwag itong hayaang pumalit sa kakayahan na ginagawa ng tao.”

ng Digital sa Pinas ngayong 2023

Ang mga data na nakalap ay mula sa pag-aaral ni Simon Kemp ng Data Reportal.

Narito ang mahahalagang headline ng DataReportal para sa digital adoption at paggamit sa Pilipinas sa unang bahagi ng 2024:

Mayroong 86.98 milyong mga gumagamit ng internet sa Pilipinas sa simula ng 2024, nang ang internet penetration ay nasa 73.6 porsyento

Ang Pilipinas ay tahanan ng 86.75 milyong gumagamit ng social media(Enero 2024) Populasyong ng

EDITORYAL

ANG mAKABAGoNG mUNdo: PAG-UNLAd SA PAGGAmiT NG ArTifiCiAL INTeLLiGeNCe

Sa paglipas ng mga dekada, nabago na ang mukha ng teknolohiya, at isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbabago ay ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI). Ang AI ay isang larangan ng teknolohiya na naglalayong gawing mas matalino at mas mapanagot ang mga makina. Sa iba’t ibang aspeto ng ating buhay, mula sa kalusugan hanggang sa edukasyon, masigla ang paglago ng paggamit ng AI.

Sa larangan ng kalusugan, isa sa mga nakabibigla at makabuluhang pag-unlad ay ang paggamit ng AI sa pagdiagnose ng mga karamdaman. Ang mga intelligent na sistema ng computer na may kakayahan sa machine learning ay maaaring mag-analyze ng libu-libong medical records upang maunawaan ang mga pattern at pagkakapareho sa mga sintomas ng iba’t ibang sakit.

Sa larangan naman ng edukasyon, maraming paaralan at institusyon ang nag-aadapt ng AI upang mapabuti ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Ang personalisadong pagtuturo, kung saan ang AI ay nagbibigay ng mga lesson plan na nakabatay sa kakayahan at pangangailangan ng bawat estudyante, ay nagbibigay-daan sa mas mabilis at mas epektibong pagkatuto. ay nagdudulot ng mas mabilis at mas epektibong produksiyon. Ang mga robot na may AI capability ay maaaring gampanan ang mga mabibigat at mapanganib na gawain sa mga pabrika, na nagreresulta sa mas mababang panganib para sa mga manggagawa at mas mataas na kalidad ng produkto. Ang mga sistema ng supply chain na may built-in AI ay nagbibigay-daan sa mas mabilis na pag-distribute at pag-process ng mga produkto Ngunit, bagamat mayroong maraming positibong dulot ang paggamit ng AI, mayroon din itong mga hamon. Isa sa mga pangunahing isyu ay ang privacy at seguridad ng mga impormasyon. Ang malawakang pagkolekta ng data at impormasyon ay maaaring magdulot ng pangangambang maabuso ito at magkaruon ng negatibong epekto sa buhay ng mga tao.

Sa kabuuan, bagamat may mga hamon, hindi maikakaila na ang paggamit ng AI ay nagbubukas ng maraming oportunidad para sa mas maunlad at mas matalinong mundong kinabibilangan natin. Mahalaga lamang na ang pag-unlad na ito ay kaakibat ng maingat na paggamit at pagsasaalangalang sa mga aspeto ng etika at seguridad upang mapanatili ang kapakinabangan ng nakararami.

ANG Balun Ugaw
Ang Opisyal na Pahayagan ng PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN LEON Balungao, Pangasinan Division II, Rehiyon I Tomo VII, Blg. I, Agosto 2023 - Pebrero 2024
14 PAHINA
Ang
SUriiN:
Estado
Pilipinas 2024 50.08 M 49.2 M 118.2 M Kabuuan Internet user sa Pilipinas (Enero 2024) 86.98 M Social Media statistics sa Pilipinas 2024 86.75 M Bilis ng internet connection sa Pilipinas 2024 27.75 mbps (median speed) 86.75 M 59.55 M 58.10 M 16 M 21.35 M 5.91 M 49.09 M 10.77 M
Chloe O. Orenia
“ “ Digital 2023

PAK-TSEK

INTerNeT APoCALyPSe dAhiL SA ‘solar superstorm’: mediA SeNSATioN o SCieNTifiC PheNomeNoN?

Ang mga solar storm ay mga phenomena na nangyayari

dahil sa solar activity. Bagaman malayo ang bituin na ito sa ating planeta, ang araw at ang mga aktibidad nito ay nakakasagabal sa magnetic field ng lupa. Maraming tao ang naniniwala na ang mga solar storm ay hindi magdudulot ng tunay na pinsala, bagama’t sa ilang mga kaso ay napatunayang kaya nila. Ang mga phenomena na ito ay resulta ng mga solar flare at coronal mass ejections. Ang mga pagsabog ng bulkan na ito gumagawa sila ng solar wind at mga pagsabog ng particle na kumakalat patungo sa ating planeta. Kapag nakapasok na ito sa magnetic field ng Earth, gagawa ito ng geomagnetic storm na tatagal ng ilang araw. Sa solar storms, mayroon tayong magnetic activity sa ibabaw ng araw, na nagiging sanhi ng sun spots. Kung ang mga sunspot na ito ay malaki, magdudulot sila ng solar flames. Ang lahat ng mga aktibidad na ito ay karaniwang puno ng hika mula sa araw. Dahil sa distansya sa pagitan ng lupa at araw, karaniwang tumatagal ng mga 3 araw bago dumating ang mga particle. Isa ito sa mga dahilan kung bakit makikita mo ang Northern Lights. Isa sa pinakamasamang solar storm na naitala ay nangyari noong 1859 at sikat sa Carrington event. Ang solar

storm na ito ay nagdulot ng malubhang problema sa electromagnetic sa mundo. Ang Northern Lights ay makikita sa mga lugar na hindi karaniwang nakalista. Mayroon ding mga malalaking problema sa mga kagamitang electromagnetic.

Ang iba pang banayad na solar storm ay naganap noong 1958, 1989, at 2000. Ang epekto ng bagyo ay maliit, ngunit nagkaroon ng pagkawala ng kuryente at pinsala sa satellite.

PINAGMULAN

Ang mga solar storm ay binubuo ng marahas na pagsabog ng plasma at charged particle, na tinatawag na flare at, higit sa lahat, coronal mass ejections. Kapag ang solar cycle ay umabot sa pinakamataas na aktibidad nito, isang solar storm ang magaganap. Mayroong pinakamataas na aktibidad ng solar bawat 11 taon.

Ang magnetic activity ng araw ay nagiging sanhi ng isang plasma ring na mabuo sa ibabaw nito.

Kapag ang magnetic activity ay mas malakas, maraming mga singsing na nagbanggaan sa isa’t isa, na nagiging sanhi ng malaking pagsabog ng plasma. Naabot nila ang temperatura ng sampusampung milyong degree.

MGA POSIBLENG KAHIHINATNAN

Kung malaki ang hindi pangkaraniwang bagay na ito, maaari nitong matakpan ang kuryente sa lupa. Isa sa mga pinaka-seryosong epekto nito ay ang mapupuksa nito ang kuryente sa buong mundo. Ang lahat ng mga kable ay dapat palitan upang i-on muli. Seryoso rin itong nakakaapekto sa mga komunikasyon at satellite. Hindi

natin maikakaila na ang sangkatauhan ay pangunahing nakabatay sa mga satellite. Ngayon ay gumagamit kami ng mga satellite para sa lahat. Gayunpaman, ang mga solar storm ay maaaring sirain o maging sanhi ng paghinto ng mga satellite sa paggana. Maaari rin itong makaapekto sa mga astronaut na nagsasagawa ng iba’t ibang pag-aaral sa kalawakan. Ang mga solar storm ay naglalabas ng maraming radiation. Ang radiation ay nakakapinsala sa ating kalusugan. Maaari itong maging sanhi ng kanser at mga problema para sa mga supling. Gayunpaman, ang sinumang nalantad sa malalaking halaga ng radiation sa loob ng mahabang panahon ay mas malamang na magkaroon ng ilan sa mga sakit na ito. Maraming mga hayop ang sensitibo sa mga pagbabago sa magnetic field ng Earth, kaya ang mga solar storm ay maaaring makagambala sa kanila. Ang mga ibon at iba pang mga hayop na lumilipat na ginagabayan ng magnetic field ng Earth ay maaaring mawala o mamatay, nanganganib sa kaligtasan ng mga species. Ang isa pang panganib ng hindi pangkaraniwang bagay na ito ay maaari itong umalis sa buong bansa nang walang kuryente sa loob ng maraming buwan. Magdudulot ito ng malubhang pinsala sa ekonomiya ng estado at maaaring tumagal ng ilang taon bago bumalik sa kasalukuyang antas. kanila. nakakita.

Pinagmulan: https://www. meteorologiaenred. com/tl/solarstorms.html

ANG Balun Ugaw Ang Opisyal na Pahayagan ng PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN LEON AG-TEK
SCIENCENEWS.ORG PNGKEY PNGEGG

AG-TEK 16

ANG PoSTiBoNG ePeKTo NG SoLAr Power SA KAPALiGirAN

Ang solar power ay isang uri ng renewable energy na nagmumula sa araw o sikat ng araw. Ito ay nangyayari sa pamamagitan ng paggamit ng solar panels o photovoltaic cells upang kunin ang enerhiya mula sa araw at gawing kuryente.

Ang solar panels ay binubuo ng mga photovoltaic cells na nagco-convert ng sunlight (solar radiation) sa direktang kuryente gamit ang photovoltaic effect. Ang kuryenteng ito ay maaaring gamitin sa iba’t ibang paraan, tulad ng pagpapatakbo ng mga electrical appliances, pag-charge ng mga battery, o pagbibigay ng enerhiya sa isang buong bahay o establisyimento.

Ang paggamit ng solar power ay may ilang positibong epekto sa kalikasan:

1. Zero Greenhouse Gas Emissions: Ang solar power ay isa sa mga malinis na anyo ng enerhiya na hindi naglalabas ng greenhouse gas emissions kapag ito ay ginagamit.

2. Renewable at Sustainable:Ang solar power ay isang renewable na mapagkukunan ng enerhiya. Hindi ito nauubos at maaaring magamit nang paulit-ulit nang hindi nagdudulot ng pinsala sa kalikasan.

3. Walang Polusyon sa Tubig at Hangin:Ang pagkuha ng solar power ay hindi nangangailangan ng paggamit ng tubig at hindi nagdudulot ng polusyon sa hangin.

4. Lokal na Paggamit: Ang solar power ay maaaring gawing lokal na mapagkukunan ng enerhiya. Hindi na kailangang magangkat ng malalayong mapagkukunan ng langis o gas mula sa ibang bansa.

5. Hindi Umaangat ang Temperature:Ang paggamit ng solar power ay hindi nagdudulot ng init o temperatura sa proseso ng pagkuha ng enerhiya, kumpara sa ilang traditional na paraan tulad ng paggamit ng kuryente mula sa fossil fuels na maaaring magdulot ng pagtaas ng temperatura.

Ang paggamit ng solar power ay isa sa mga hakbang ng maraming bansa at indibidwal sa pagtugon sa pangangailangan ng enerhiya habang minumuno ang epekto ng climate change.

Pinagmulan ng Impormason: http://tl.brightnewenergy.com/news/thepositive-impact-of-solar-energy-on-theenvironment/ https://eboto.ph/whats-news/solar-gigilpinakamalaking-solar-project-sa-mundoabotlangit-green-goals-ng-nueva-ecijaMapa:

‘World’s largest solar project’ matatagpuan sa Pinas

Alliyah Jade R. Manluctao

Inihayag ng SP New Energy Corporation (SP NEC) ang 200B solar energy farm na sisimulan sa humigit kumulang 3,500 ektaryang lupain sa Nueva Ecija at Bulacan na sinasabing pinakamalaking solar farm sa buong mundo.

Suportado ni business tycoon Manuel V. Panglinan ang proyekto sa ilalaim ng Terra Solar. Ayon sa SP NEC, kapag gumana ang proyekto ay magiging mas malaki ito kaysa sa Bhadla Solar Park ng India at Golund Solar Park ng Tsina.

Uumpisahan ang unag yugto matapos ang unang bahagi ng 2026. Pinabibilis ang paglilinis sa site upang maitayo ang mga interconnection facility at mainstall agad ang 5 milyong solar panel.

Dinisenyo para magkaroon ng 3500 MW (megawatt) ng mga solar panel at 4000 MWh (megawatt hour) na imbakan ng baterya, ang napakalaking proyekto ay magkakaroon ng kapasidad na

makabuo ng mahigit 5 bilyong kilowatt-hours taun-taon. Ito ay isasalin din sa tinatayang 5% ng kabuuang volume ng Philippine grid at 12% ng kabuuang demand nito. Si Pangilinan ay namuhunan ng Php 15.9 bilyong peso sa proyekto na makakatulong sa pagpopondo sa solar project.

ANG Balun Ugaw
Ang Opisyal na Pahayagan ng PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN LEON Balungao, Pangasinan Division II, Rehiyon I Tomo VII, Blg. I, Agosto 2023 - Pebrero 2024
PAHINA
1 2 3 4 Ang iyong mga tanong na nasagot Magkakaroon ba ako ng kuryente sa gabi o kapag maulap sa labas? Oo. Kahit na hindi gumagawa ng enerhiya ang mga solar panel kapag hindi sumisinag ang araw, nakakonekta ka pa rin sa iyong kumpanya ng utility. Gaano katagal aabutin para ikabit ng mga kontratista ang mga solar panel sa aking gusali? Magkakaiba ang tagal ng pagkabit ngunit maaari kang makipag-ugnayan sa iyong tagapamahala ng property o sumangguni sa Install Timeline ng SOMAH upang matulungan kang subaybayan ang pagkabit ng mga solar panel. Magkakaroon pa rin ba ako ng kuryente kapag nag-brownout? Hindi gumagana ang sistema sa imbakan na baterya, ibig sabihin ay wala kang kuryente kapag may blackout/brownout. Paano ito gumagana Ang mga sistema na de kuryenteng solar, na tinatawag din na mga sistemang photovoltaic (PV), ay gumagamit ng liwanag ng araw para gumawa ng kuryente. Ganito kung paano 1 Ang liwanag ng araw ay tatama sa mga panel, na gumagawa ng kuryente. 2 Susukatin ng isang metro ang dami ng kuryente na ginagawa ng mga solar panel ng iyong gusali. 3 Ipapadala ang kuryente sa power grid. 4 Susukatin ng metro kung gaano karaming enerhiya ang ginagamit mo at tutukuyin kung magkano ang ilalaan na katipiran sa iyong kuwenta sa utility. Paano gumagana ang enerhiya ng araw (solar) Ang SOMAH ay pinangangasiwaan ng SOMAH Program Administration Team sa ilalim ng tangkilik ng California Public Utilities Commission (CPUC). © 2018 California Public Utilities Commission. Nakalaan ang lahat ng karapatan. Solar sa Pabahay na Abot-Kaya para sa Maramihang Pamilya (Solar on Multifamily Affordable Housing, SOMAH) Mga tanong tungkol sa SOMAH? Hotline ng Nangungupahan: 800-843-9728 RAPIDNEWS.ONLINE.COM EARTH.ORG

Libreng Flu at Pneumonia Vaccine, alay ni CW Marlyn

Sa pakikipagtulungan ng local government unit ng Balungao sa pangunguna ni Mayor Riza Rodrigues-Peralta, binakunahan ng libre ang ilan sa mga kababayan na nasa priority list ng flu at pneumonia vaccine mula kay CW Marlyn Primicias-Agabas, na ginanap sa Balungao Central School, Pebrero 12.

AG-TEK 17

Naging posible ito dahil sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) at ng LGU. Dinagsa ang nasabing programa ng mga nagnanais na mabakunahan at maprotektahan ng karamdaman, Samantala, nauna sa binigyang prayoridad ang mga senior citizens, mga guro, mga drayber at mga tindera. Ang nalabing mga vaccine ay ibinigay sa mga mag-aaral.

Ikinagalak ng kinatawan ng ika-anim na distrito ng Pangasinan na magbigay-lingkod sa bayan ng Balungao, bilang bahagi ng paglilingkod at minimithing malusog na kumonidad. Binigyandiin ni Agabas ang kahalagahan ng bakuna para sa proteksiyon at malabanan ang mga sakit.

Marcelino, pumangalawa sa STEMAZING

Paaralan at komunidad, nagsama-sama sa clean up drive

Nagpakita ng pakakaisa at pagbabayanihan ang paaralan at komunidad sa naganap na clean up drive na isinagawa sa napiling ‘critical area’ sa komunidad.

Nagsanib puwersa ang mga mag-aaral, magulang at mga guro sa paglilinis ng mga lansangan malapit sa ilog upang masiguro na ligtas ang daraanan ng mga magaaral at mamamayan na dumaraan dito.

ay makakasiguro na mapanatili ang kalinisan ng pamayanan. Ang 4Ps ng barangay ay aktibo sa mga gawain na may kinalaman sa kalinisan.

Lubos ang pasasalamat ng bagong halal na punong barangay na si G. Jhun Lord M. Marzan sa layunin ng programang ito. Inihayag ni Marzan ang suporta para sa anumang proyekto na isasagawa na may kinalaman sa kalinisan.

MASAYANG AT MAKAKALIKASANG

BONDING. Ang pagreresklo ng mga plastic ay magandang palipas oras para sa mga mag-aaral.Kuha ni Kurt Jahzeel M. Marcelino

Small but terrible.

Hindi nagpahuli si Kaycelle Jasmine M. Marcelino sa District Science Quest 2023 na ginanap sa Balungao Central School, matapos nitong masungkit ang ika-lawang puwesto sa Stemazing contest.

Itinampok ni Marcelino ang kanyang solidwaste management pratice kung saan ang mga plastk na basura sa paaralan ay ginagawang ecobricks. Sa programang ito, kasama ang kanyang mga kamag-aral ay nangongolekta sila ng mga plastic bottles at plastic, hinuhugasan at isinisiksik sa mga bote.

Ayon kay Gng. Roselle Fernandez, lider ng 4Ps, maganda itong kolaborasyon ng paaralan at komunidad. Sa paraang ito aniya

Inaasahan na sa mga susunod na clean up drive ay malibot ang lahat ng sulok ng barangay at maging regular ang programang ito.

KAHOOT, kinagigiliwan ng mga mag-aaral

Upang

makasabay sa demand ng mag-aaral sa 21st century, kanikaniyang diskarte ang mga guro upang magbigay ng kakaibang karanasan at masukat ang natutunan. Isa sa mga kinagigiliwan ng mga mag-aaral ang pag-gamit ng application na Kahoot.

Si G. Rico S. Epistola, guro sa ikalimang baitang ay gumagamit ng Kahoot sa kanyang pagtataya. Bagaman naging balakid ang pag-gamit nito noong una ay unti-unti itong napag-aralan ng guro.

Umani ng positibong pagtanggap sa kanyang mga mag-aaral ang nasabing app.

Dahil dito, sa ilang gawain ay mataas ang iskor na kanilang nakukuha. Bukod dito, nagiging collaborative ang pagbabahagi ng natutunan ng bawat isa dahil kinakailangan nilang magtulungan para sa tamang kasagutan.

ANG Balun Ugaw Ang Opisyal na Pahayagan ng PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN LEON Balungao, Pangasinan Division II, Rehiyon I Tomo VII, Blg. I, Agosto 2023 - Pebrero 2024
PAHINA
Steve Elijah A. de la Cruz Jeyan Fhreia F. Pascua Chloe O. Oreńa BAYANIHAN SPIRIT. Nagsanib puwersa ang mga mag-aaral at magulang sa clean-up drive upang masiguro na malinis ang kapaligiran at upang maging ligtas sa mga residente. Kaycelle Jasmine M. Marcelino FUN AT EXCITING. Kinaaliwan ng mga mag-aaral ang paggamit ng KAHOOT sa mga gawain sa sild-aralan Kuha ni Kurt Jahzeel M. Marcelino

PAHINA

ISPORTS

‘Pangasinan Heat’ magpapainit sa MPBL

Alrick James M. Soria

MANILA, Philippines – Opisyal na sumali ang Pangasinan Heat sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) nitong Miyerkules kasunod ng contract signing na ginanap sa Provincial Capitol sa

franchise na si Cezar Quiambao at MPBL Commissioner Kenneth Duremdes ang MOA na ginagawang pinakabagong miyembro ng liga ang Pangasinan. Saksi sa paglagda sina Pangasinan Gov. Ramon Guico III, Rep. Art Celeste,

Gacal. Naroon ang Pangasinense cage legends na sina Danny Ildefonso, Marlou Aquino at Cris Calaguio at ang coaching staff na pinamumunuan ni Jun Marzan.Sa kabila ng maikling oras ng paghahanda na natitira

Marso 16, ang mga benefactors ng Heat ay determinado na maglagay ng isang malakas na koponan at naglalayong makamit ang top-five sa kanilang unang bahagi sa nangungunang regional cage league ng bansa.

PACMAN, hindi oobra sa IOC

Gian P. Calimquim

Dahil lampas na sa age-limit si Manny Pacquaio ay hindi ito pinayagan na makasali sa darating na Summer Olympics sa Paris ito ay ayon sa Philippine Olympic Committee (POC).

“Too bad our beloved boxing icon is disqualified because of his age and that everyone needs to go through the qualifiers, in all sports, to be able to participate in Paris,” ani POC President

HISTO-ISPORTS:

Paboritong

Abraham “Bambol” Tolention.

Sinubukang umapel ng boksingero subalit hindi ito pinayagan dahil mahigpit ang patakaran sa edad. Ang tanging paraan sana na siya ay maqualify ay ang ‘univeristy rule’ subalit hindi pa rin pasok ang kanyang mga grado.

Samantala, apat na atleta ang nakapasok na kinabibilangan pole vaulter EJ Obenia, gymnasts Carlo Yulo at Aleah Finnegan, at boxer Eumil Marcial.

Ang Larong Badminton

Gian P.. Calimquim

laro ng mga mag-aaral ng

PESL ang badminton. 7 sa bawat 10 mag-aaral ay mayroong sariling gamit sa larong ito.

Kasaysayan

Ang badminton ay unang nilaro sa India at kilala sa tawag na poona. Nawili sa laro ang mga opisyal ng Armadang Britanya at, sa kanilang pagbabalik sa Inglatera noong 1860, nagdala sila ng mga kagamitan para sa laro.

Ipinakilala nila ang laro sa Inglatera sa pangalang battledore. Kinagiliwan din ito ng duke ng Beaufort at malimit na magkaroon ng labanan sa kanyang opisyal na tahanan sa Badminton, Gloucestershire. Hindi naglaon, napalitan ng pangalang badminton and battledore. Ang International Badminton Federation

na itinatag noong 1934 ang nangangasiwa sa mga pandaigdigang labanan sa badminton. Ito ang larong kinagigiliwan ng karamihan bukod sa magandang epekto nito sa ating katawan

lubhang kasaya saya din ang dulot nito dahil maaaring laruin ito ng buong pamilya kahit pa may edad na. matutunan ng bawat kabataan

Ayon kay Mayor Celeste na ang pagbuo ng isang mapagkumpitensyang koponan ay isang hamon, ngunit “gagawin namin ang aming makakaya” dahil ang pagtatapos sa ibaba ay hindi isang opsyon.Bagama’t nais ng Pangasinan na makakuha ng maraming homegrown talents hangga’t maaari, naghahanap ito ng lima hanggang pitong pro, lalo na ang malalaking lalaki, para palakasin ang squad, na gagamit ng Calasiao Sports Complex bilang home court nito pansamantala.

First-ever

ingayen, PangasinanDinaluhan ng halos 400 runners mula sa Quezon City, Cavite, Pampanga at Laguna ang kaunaunahang Pangasinan Marathon na ginanap sa Capitol Plaza, Enero

Layunin ng marathon na isulong ang malusog na pamumuhay, maayos na mental at pisikal fitness at palakasin ang sportsmanship at pakikipagkaibigan. Naging matagumpay ang nasabing marathon at inaasahan na

mula sa: https:// marlonizer. wordpresscom /2014/02/22/episode-47-badminton/ ABSCBN

ANG Balun Ugaw
Ang Opisyal na Pahayagan ng PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN LEON Balungao, Pangasinan Division II, Rehiyon I Tomo VII, Blg. I, Agosto 2023 - Pebrero 2024
18
Pangasinan Marathon ISINILANG ANG BAGONG “HEAT” SA PANGASINAN. Masayang inihayag ng probinsiya ng Pangasinan sa pangunguna ni Gob. Ramon V. Guico ang pagsabak ng lalawigan sa Maharlikha Pilipinas Basketball League (MPBL) na unang maglalaro sa darating ng Marso. Larawan mula sa Province of Pangasinan FB Page KAUNA-UNAHAN SA PROBINSIYA. Dinaluhan ng humigit kumulang sa 400 katao ang marathon sa lalawigan. Kuha ni Kurt Jahzeel M. Marcelino Sinaliksik
NEWS

Paghahambing:

Laro Noon at Ngayon

Ang paglalaro ay mahalagang yugto ng pagiging isang bata. Ito ang may pinakamatagal na pinaglalaanan ng oras bukod sa pagtulog. Subalit, nakakalungkot isipin na ang paglalaro sa panahon ngayon ay malayong-malayo na sa laro noong unang panahon.

Sa isang survey, tinanong ang isang 100 mag-aaral ng PESL kung kakilala nila ang mga larong katutubo at ito ang sabi ng survey…

33% Langit Lupa

28% Siato

27% Luksong Tinik

17% Tumbang Preso

14% Patintero

Samantala, nang sila ay tanungin sa mga online games, narito ang lumabas sa survey.

88% Mobile Legends

82% Clash of Clans

73% Roblox

71% Ragnarok

67% Call of Duty Mobile

EDITORYAL

ANG PAKIKLAHOK SA ISPORTS NG BATANG MANLALARO

SaIsang malungkot na katotohanan. Ang mga kabataan ngayon ay mas gusto ang mga larong sa gadget nila ay nararanasan kumpara sa larong kina-gisnan ng maraming kabataang Pilipino. Nais ipamulat sa atin ng katotohanag ito na nararapat na isabuhay at ipagpatuloy upang maranasan pa ng susunod na mga henerasyon.

“ “

mga kabi-kabilang aktibidad sa paaralan ay muli ding nasubok ang pisikal at mental na kalakasan ng mga mag-aaral. Muling nabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na ipakita ang kanilang gilas at galing sa isports na kanilang kinahihiligan. Likas na sa mga kabataan ang pagkahilig sa mga iba’t-ibang palaro. Sa kabilang banda, may mga kakulangan na nararanasan ng bawat isa. Isa na rito ang paglalaan ng sapat na oras upang masanay ang kanilang kagalingan. Sa kagustuhang mataas ang antas ng academics ng mga mag-aaral ay hindi napapansin ang aspetong ito.

Bukod dito, kinakailangan ng isang konkretong pagsasanay ng mga coaches at mga bata upang makasiguro na kaya nilang maipanalo ang mga laro na sasalihan. Nararapat din na sapat ang mga kasangkapan at kagamitan upang sa gayun ay matutunan nila ito ng mahusay. Hangad ng bawat isa na sa isang kompetisyon ay makapag-uwi ng karangalan. Sawi man minsan, subalit mas angat pa rin ang kagustuhan na magbigay ng karangalan sa paaralan. Balanseng aktbidad para sa talas ng kaisipan at aktibidad para sa lakas ng pisikal na pangangatawan -- na kapag nagsama ay magbibigay ng tagumpay para sa bawat isa.

ANG
Ang Opisyal na Pahayagan ng PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN LEON Balungao, Pangasinan Division II, Rehiyon I Tomo VII, Blg. I, Agosto 2023 - Pebrero 2024
Balun Ugaw
Mark Deanyel T. Ambuyoc

Batang chess player ng PESL, pasok sa Division Meet 2024

Tila naging maganda ang pagkamada ng mga piyesa ng chess ni Kimberly A. Catacutan, mag-aaral sa ika-apat na baitang sa serye ng chess tournament sa Palarong Pandistrito ng Balungao, matapos nitong maipanalo ang pitong laro. Bunsod ng kanyang pagkapanalo ay siya ang kumatawan sa Team Balungao sa Division Meet 2024 sa Mangaldan National High School, Pebrero 14-17, 2024. Bagaman unang sabak ng batang manlalaro sa larong chess ay nagpakita ito ng matinik at mahusay na laban sa bawat galaw ng piyesa. Ayon kay Gng. Aurora A. Hernandez, ang kanyang coach, “Siya ay madiskarte sa pag-galaw sa bawat piyesa.”

Bigo man na mapasok sa finals subalit determinado si Catacutan na paghusayin ang kanyang kaalaman sa larong kanyang napili.

‘After Class Sports Program’, epektibo

Pinaniniwalaang naging epektibo ang ‘after school sports program ng PESL noong nakaraang taon kayat nagpakitang gilas ang mga manlalaro ng paaralan sa larangang ng volleyball at basketball ayon kay G. Rhonel F. Jocutan, koordinator sa isports.

“Naging maganda ang ipinakitang laro ng ating mga manlalaro sa District Sports Tournament 2023. Hindi naging hadlang ang limitadong oras ng pagsasanay at talagang inilaban nila ang bawat laro’, turan ni Jocutan.

Naiuwi ng Team PESL ang ikatlong puwesto sa larong volleyball -girls. Samantalang sa volleyball - boys, nagkamit ng ikatlong puwesto. Sa kabilang banda, sa larong basketballboys, nasungkit ng team ang ika-apat na puwesto.

Samantala, sa larong badminton ay nakapasok ang pambato ng PESL.

Inaasaahan na sa susunod na tao ay paiigitingin ang paghahanda sa mga

palarong pampalakasan.

Ipagpapatuloy ng mga coaches ang programa para maihanda ang mga manlalaro sa susunod na taon. Pangasinan

4th District 83 5th District B 77 5th District A 53 6th District A 49 6th District B 41 Private Schools 60 DIVISION MEET 2024 Official Over-all Standing Bilang ng nakuhang ginto ng bawat Distrito sa Pangasinan Division II
magpapainit sa MPBL PAHINA 18
“BABAWI TAYO”. Sa naganap na mga palaro sa distrito at sangay ay umariba ang mga batang manlalaro. Marahil nakatulong ang programa para maihanda ang mga atleta. Kuha ni Kurt Jahzeel M. Marclino POKUS AT DETERMINADO. Ang batang chess player ng PESL ay tutok sa bawat galaw ng piyesa at intensibong pinag-aaralan ang galaw ng kalaban. Kuha ni Kurt Jahzeel M. Marcelino

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.