Divine Pastimes
Ang Kwento ng Buhay ni Sri Ekadasi
[Ang artikulong ito ay unang lumabas noong 1956 sa pamamagitan ni Sri Navichandra Chakravartti, na isang disipulo ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur Prabhupad at mula sa wikang Bengali, ito ay isinalin naman sa Wikang English, na isinalin naman sa Wikang Filipino nang mga debotong Filipino noong ika 8 ng Setyembre, taong 2013].
Maraming deboto ang palaging nagtatanong tungkol sa buhay ni Sri Ekadasi, at kung ano ang kanyang kahalagahan sa ating buhay. Dahil dito, nais kong iprisinta sa inyo ang istorya ng kanyang buhay na nasusulat sa ika labing-apat na Kabanata ng Padma Purana, mula sa bahaging may pamagat na ‚Kriya-sagarasara.‛ Isang araw, nagtanong si Jaimini Rishi, ang dakilang ermitanyo, kay Srila Vyasadeva, ang kanyang maestrong pangPage 1
Divine Pastimes espirituwal, ‚O, aking Gurudeva! Noon, dahil sa habag ninyo sa akin, ikinikwento ninyo ang mga kadakilaan ng Ilog Ganga, ang iba’t-ibang benepisyo kapag sumamba kay Vishnu, ang benepisyo sa sinomang mamamahagi nang bigas at mais bilang kawangggawa, ang pagbibigay ng inumin sa tao, at ang kabutihan sa pag-inom nang tubig na ipinang-hugas sa paa ng mga brahmanas. O Sri Gurudeva, sa lahat ng paham, ikaw ang pinaka-matalino, ngayon nais ko po sanang hilingin sa inyo ang paliwanag tungkol naman sa benepisyo nang pag-aayuno tuwing sasapit ang araw ng Ekadashi, at gayun ang kasaysayan nang kanyang buhay. kasmad ekadashi jata tasyah ko va vidhir dvija kada va kriyate kim va phalam kim va vadasva me ka va pujyatama tatra devata sad-gunarnava akurvatah syat ko dosa etan me vaktum arhasi ‚O aking Gurudeva! Kailan po ba ipinanganak si Ekadashi at sino po ba ang kanyang naging pamilya? Ano po ba ang dapat naming gawin tuwing sasapit ang araw ng Ekadashi? Maaari po bang ipaliwanag ninyo kung anong klaseng benepisyo ang nakukuha sa pagsunod sa panatang ito at kailan din po ba ito dapat gawin? Sino po ba ang pangunahing Poon dito ni Sri Ekadashi? Ano po ba ang mangyayari kapag binalewala po namin ang araw ng Ekadashi? Sana po ay pagpalain ninyo ako, aking Gurudeva, dahil gusto ko pong malaman ang tungkol sa araw na ito, dahil tanging kayo lamang po ang makapaglalarawan nito sa akin.‛
Page 2
Divine Pastimes Matapos marinig ni Srila Vyasadev ang mga naging katanungan ni Jaimini Rishi, labis-labis ang naramdaman nitong transedental na kasiyahan. ‚Naku, Jaimini, alam mo, isa ka nga talagang paham na brahmana! Tanging ang Supremong Panginoong Narayan lamang, ang makakapagsasabi kung ano ang maaaring mangyari kapag sinunod natin ang pag-aayuno sa araw ng Ekadashi. Dahil tanging Siya lamang ang may kakayahan at may kapangyarihan upang maglarawan nito sa atin nang lubusan. At bahagya lamang ang maisasagot ko sa katanungan mo.‛ ‚Alam ninyo, bago nililikha ng Supremong Panginoon itong materyal na mundo, ay una muna Niyang nilikha ang lahat ng bagay na maybuhay at pagkatapos, ang limang materyal na elemento. Kasabay sa paglikha sa tao, lumikha din Siya ng isang katauhan, ang katauhan na kumakatawan sa lahat nang kasalanan, ang Papa-purusha, na magpaparusa naman sa lahat ng nagkasala. Ang bawat galamay at bahagi nang katauhan ni Papa-purusha ay gawa sa iba’t-ibang uri ng kasalanan. Ang kanyang ulo ay nabuo mula sa pagpatay sa isang brahmana, na sinasabing pinaka-grabeng kasalanan, samantalang ang dalawang mata ay pagkakasala mula sa pag-inum nang nakakalangong bagay, tulad ng alak at droga. Samantalang ang bibig nito’y gawa naman sa kasalanang bunga ng pagnanakaw, ang kanyang tainga ay mula naman sa pambababae, tulad ng pakikiapid sa asawa nang kanyang maestrong pang-espiritual. Ang kanyang ilong ay gawa naman sa kasalanang pagpatay sa asawa, Page 3
Divine Pastimes samantang ang kanyang braso ay mula naman sa pagpatay sa baka. Ang leeg ay gawa sa labis na pagkamkam nang yaman, ang kanyang dibdib ay gawa naman sa pagkakasalang nagmula sa pagpapalaglag ng bata, ang ibaba naman nang kanyang dibdib ay gawa naman sa pakikipagtalik sa asawa ng iba. Samantalang ang kanyang tiyan ay gawa sa pagpatay sa kanyang mga kamaganak, ang kanyang puson ay nagmula naman sa pagpatay sa mga nilalang na umaasa lamang sa kanya. Ang kanyang baywang ay gawa naman sa kanyang kayabangan, ang mga hita ay mula sa paglapastangan sa guru, ang kanyang ari ay mula naman sa pagbebenta ng anak na babae, ang kanyang puwet ay gawa naman sa panghihimasok sa buhay ng iba at pagkikipagtsismisan, samantalang ang kanyang mga paa ay gawa naman sa kasalanang pagpatay sa kanyang ama, at ang kanyang buhok, bagama’t pino, ay para naman sa maliliit at hindi masyadong maselang kasalanan. Kaya kung siya’y inyong pagmamasdan, ang kanyang itsura ay talaga namang nakakatakot at nakakasindak, dahil siya ang katauhan nang lahat ng pinagsamang kasalanan at masasamang bisyo. Siya’y maitim, at ang mga mata niya’y kulay dilaw. Kung magpahirap sa mga nagkasala ay talaga namang sobra-sobra.‛ ‚Subalit noong makita nang Supremong Katauhan ng Diyos, nang Panginoong Vishnu, ang katauhan ng pagkakasala, bigla Itong nag-isip nang malalim: ‘Ako ang dahilan kung bakit maysaya at kalungkutan, kung bakit mayhirap at ginhawa. Hindi ba’t Ako din ang lumikha sa katauhang ito, nang lahat ng pinagsamang kasalanan, na magpaparusa sa lahat ng sinungaling, nang mga taong hindi dapat pinagkakatiwalaan, Page 4
Divine Pastimes mga mandaraya, at makasalanang tao. Ngayon, lilikha naman Ako nang isang katauhan na kokontrol naman sa kanya.’ Samantala, sa panahong iyon ay kalilikha lamang din ni Bhagavan kay Yamaraj kasabay nang iba’t-ibang malaimpiyernong planeta. Lahat ng namamatay, kapag sobra ang nagawang kasalanan, ay kay Yamaraj dinadala. Siya ang nagsasabi kung mabigat o magaang ang kanilang kasalanan. At ayon sa kanilang kasalanan, diretso na sila sa impiyerno upang parusahan. ‚At matapos Niyang ayusin ang lahat ng ito, ang Supremong Panginoon, na dahilan nang hirap at kasiyahan sa lahat ng nilalang, ay agad na nagpunta sa bahay ni Yamaraj, sakay ng ibon na si Garuda, ang hari nang lahat ng ibon. Agad Siyang nakita ni Yamaraj, at dali-dali itong naglabas ng tubig na ipanghuhugas niya sa paa ng Panginoong Vishnu at pagkatapos, ito’y nag-alay. Pinaupo niya ang Panginoon sa isang ginintuang trono. At habang Siya’y nakaupo, isang napakalakas na panaghoy at sigaw mula sa katimugang bahagi, ang narinig nang Panginoong Vishnu at ang mga hiyawang ito ay nagmumula sa mga pinaparusahan. Nagulat ang Panginoong Vishnu at nagtanong kay Yamaraj, ‚May narinig Akong malakas na iyakan, ano ba iyon?‛ Sagot ni Yamaraj, ‚Naku po Deva! Lahat po nang makasalanang tao sa planeta ng mundo ay dito po bumabagsak. Dito po nila pinagbabayaran ang ginawa nilang kasalanan. Kaya kapag matindi ang kanilang sigaw, ibig sabihin, matindi din ang
Page 5
Divine Pastimes nagawa nilang kasalanan, ito po ay bunga ng kanilang karma [mga ginawi at ikinilos nang tao].’ ‚At matapos marinig ng Supremong Panginoong Vishnu, ang malakas na iyakan mula sa impiyerno na nasa bandang Katimugan, ito’y Kanyang pinuntahan. Nakita nang mga pinaparusahan ang papalapit na Panginoong Vishnu, at ang kanilang panaghoy at iyakan ay lalu pang lumakas. Napagmasdan nang Panginoong Vishnu ang kanilang kalagayan, at labis-labis na nahabag sa nakitang kalagayan. Ang sabi ng Panginoon sa Kanyang isipan, ‚Walang-alinlangang silang lahat ay mga anak Ko din. Hindi ba’t Ako din ang sanhi nang kanilang paghihirap.‛ At nagpatuloy si Srila Vyasadeva sa kanyang kwento: ‚Naku Jaimini, pakinggan mong maigi kung ano pa ang sinabi ng Supremong Panginoon. etac canyac ca viprarse vicintya karunamayah babhuva sahasa tatra svayam ekadashi tithih ‘Matapos magmuni-muni ang Supremong Panginoon, agad Niyang naisip ang dati nang nasa Kanyang isipan, at kapagdaka, biglang lumabas mula sa sarili Niyang katauhan ang poon para sa araw ng Ekadasi.’ At matapos lumabas ang imaheng ito, si Sri Ekadasi, lahat ng nilalang na makasalanan ay agad na nangako at namanata sa kanya, na kanilang susundin ang araw Page 6
Divine Pastimes ng pag-aayuno tuwing sasapit ang araw ng Ekadasi, kaya magmula sa kanilang kalagayan, silang lahat ay agad na iniakyat sa lupain ng Vaikuntha. O Jaimini, aking anak, kung ganoon, ibig sabihin, si Sri Ekadasi ay ang Supremong Panginoong Vishnu din pala mismo. Hindi ba’t ang sabi ang Panginoon, ang Kaluluwa nang lahat ng kaluluwa, ay nasa puso nating lahat? Samakatuwid, Siya din si Sri Ekadasi, na ang gawain ay pawang kabanalan, at tagapangasiwa nang lahat ng namamanata. ‚Samantala, matapos pumanhik sa Vaikuntha si Sri Ekadasi, nakita ni Papa-purusha, ang katauhan ng pagkakasala, kung ano kanyang ginawa. Nagulo ang kanyang isipan sa kanyang nakita, kung kaya’t naisipan nitong dumulog sa Panginoong Vishnu upang linawin ang kanyang katayuan. Sa harapan nang Panginoong Vishnu, nag-alay si Papa-purusha ng napakaraming panalangin, at ito’y labis namang ikinasiya nang Panginoon, at siya’y kinausap, ‘Labis ang naramdaman Kong kasiyahan sa mga inalay mo. Ano ang gusto mong hilingin sa Akin?‛ ‚Sagot ni Papa-purusha, ‚Hindo po ba’t ako’y nilikha din Ninyo? Samakatuwid, hindi maikakailang ako’y anak din po Ninyo. Lahat po ng nagkasala ay sa akin dumadaan. Ako po ang nagpapahirap sa kanila. Ito po ang aking gawain. Napansin ko, dahil sa impluwensya ni Sri Ekadasi, lahat ng piraso at bahagi ng katauhan ko ay unti-unting nasisira. Unti-unti nang nawawasak ang aking katauhan at ako’y tiyak na mamamatay. Dahil kay Ekadasi, lahat ng kaluluwa na sinasabing bahagi at piraso Mo, Prabhu at nagkaroon nang materyal na katawan, ay maaari nang maging malaya at maaari nang bumalik sa lupain ng Vaikuntha. Page 7
Divine Pastimes At kapag sila’y naging malaya na, ano na po ang magiging gawain ko? Hindi po ba’t Kayo din ang nag-utos nito sa akin? Ano pa ang magiging silbi ko? Hindi po ba’t wala na! Dahil kay Sri Ekadasi, wala nang maiiwan dito, lahat sila’y mawawala na, kung ganoon, sino pa ang gagawa ng kanilang papel sa materyal na mundo! O Kesava! Kaya kung nais Mong maipagpatuloy ang mga eternal na paglilibang na ito, iligtas po Ninyo ako kay Sri Ekadasi. Upang ako’y hindi niya magapos sa pamamagitan ng iba’t-ibang klaseng mabubuting gawain. Dahil tanging si Sri Ekadasi lamang, na nagmula din sa Iyong katauhan ang maaaring gumapos sa akin. Kaya sa laki ng takot ko kay Sri Ekadasi, kung saan-saan po ako sumisilong, kung saan-saan na po ako nagtatago; sa kung kani-kaninong tao, sa mga hayop; sa mga insekto; sa mga gubat; sa mga puno; sa iba’t-ibang nilalang na gumagalaw at hindi gumagalaw; sa ilog; sa dagat; sa bundok; sa langit, sa lupa, at maging doon sa impiyerno; sa mga diyusdiyosan; at sa mga Gandharvas. Wala na po akong makitang lugar na hindi kayang puntahan ni Sri Ekadasi. O aking Maestro! Hindi ba’t kayo din po ang lumikha sa akin? Maawa din po Kayo sa akin. Ituro po Ninyo kung saan po ako maaaring magtago, at ligtas kay Sri Ekadasi.‛ Sa pagpapatuloy ni Srila Vyasadeva sa kanyang kwento kay Jaimini, ganito pa ang kanyang sinabi, ‚Matapos sambitin ni Papa-purusha, ang katauhan ng masamang gawain, ang kanyang panalangin, agad itong dumapa at nag-iiyak sa paanan ng Supremong Panginoong Vishnu, na Siyang tagapuksa naman nang lahat ng pagdadalamhati at paghihirap. Page 8
Divine Pastimes Pagkatapos, matapos makita ng Panginoong Vishnu ang takut na takot na kundisyon ni Papa-purusha, natatawa Itong sumagot sa kanya: ‚Naku Papa-purusha! Tumayo ka nga d’yan! Huwag kang malungkot. Makinig kang mabuti sa sasabihin Ko! Kapag dumarating ang araw ng Ekadasi, na siyang tagapagpala ng tatlong daigdig, sa mga pagkaing may butil ka magtago! Doo’y walang gagalaw sa iyo. At tiyak na hindi ka haharangin ni Sri Ekadasi Devi, na Aking katauhan din.‛ At matapos ituro ng Panginoong Vishnu kung saan dapat magtago si Papa-purusha, agad Siyang naglaho sa Paningin. Samantala, bumalik na din sa kanyang gawain si Papa-purusa. Kaya ang ibig sabihin dito, kung seryoso talaga kayo sa paghahanap ng pinaka-ultimong benepisyo ng inyong kaluluwa, kailanma’y huwag kayong kakain nang mga pagkaing may butil tuwing sasapit ang Ekadasi-tithi. Dahil ayon sa mga ibinigay na aral nang Panginoong Vishnu, lahat ng klaseng kasalanan sa materyal na mundo ay sa pagkaing butil [tulad ng bigas, mais, at iba pa.] nagtatago ang mga kasalanan. Kaya lahat ng nag-aayuno tuwing sasapit ang araw nang Ekadasi ay tiyak na maliligtas sa kasalanan at kailanma’y hindi mapupunta sa impiyerno. At lahat ng hindi nakasunod sa Ekadasi, dahil ito’y kanilang nakalimutan, tulad sa paggawa nang matinding pagkakasala, sila’y nabibilang din sa makasalanan. Dahil sa bawat subo ninyo nang kanin o anumang pagkaing may butil, kayong tagarito sa mundo, ang katumbas nito ay tulad sa pagpatay sa milyunmilyong brahmana. Kaya tahasang ipinagbabawal Ko sa inyo ang Page 9
Divine Pastimes kumain ng anumang pagkaing may butil tuwing sasapit ang araw ng Ekadasi. Kaya, muli’t-muli kong ipagdidiinan sa inyo, na huwag kayong kakain nang anumang pagkaing may butil, o kanin, tuwing sasapit ang araw ng Ekadasi!’ Ksatriya, vaishya, sudra man kayo o kahit anupamang lahi ninyo, dapat sundin parin ninyo ang araw ng Ekadasi. At kapag ito’y inyong sinunod, ang perpeksyon sa pagsunod ng varna at ashram ay inyong matatamo. Kung halimbawang sa araw na ito ng Ekadasi, hindi sinasadyang hindi kayo kumain nang anumang may butil, ang mga kasalanan ninyo’y mapapawi din, lahat ng ito’y madudurog at ang pinaka-supremong hantungan natin, ang lugar ng Vaikuntha, ay agad din ninyong mararating.‛
Isinalin sa Wikang Filipino Setyembre 8, 2013 ©Sri Chaitanya Saraswat Math Philippines Sri Nama Hatta Center
Page 10