Mga Turong-aral ni Acharyyadev 2013
Isang Hakbang na Pasulong Turong-aral mula sa Kanyang Banal na Pagpapala Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj Ika 29 ng Hulyo 2013
Dapat nating malaman kung ano ang mahalaga at kailangan para sa ating espirituwal na buhay: Si Krsna’y nararayan lamang at naghihintay upang tayo’y makapagsilbi sa Kanya, at Siya’y naglalambing dahil palagi Niyang hinahanap ang nawawala Niyang tagapagsilbi. Marahil ay narinig na ninyo ang istorya kung saan nagpakita ang Panginoong Jagannath kina Indradyumna, Visvasu, at Vidyapati. (Noo’y nasa gubat si Visvasu at madalas itong mag-alay ng patatas kay Nila Madhava at sa kanya ay nagpakita—at magmula kay Visvasu, ang Panginoong Jagannath ay nagpakita din kay Vidyapati, at pagkatapos kay Vidyapati sa Haring Indradyumna naman. Ang pagpapakitang ito nang Panginoong Jagannath ay isang pagpapala at habag sa buong sandaigdigan.)
Isang Hakbang Pasulong
1
Mga Turong-aral ni Acharyyadev 2013
Para sa panahong ito ni Kali, ang Panginoong Krsna ay pumanaog mismo sa anyo ng Kanyang Pangalan.
'
༤ ༼
anarpita-charim chirat karunayavatirnah kalau samarpayitum unnatojjvala-rasam svabhaktisriyam harih purata-sundara-dyuti-kadambasandipitah sada hrdaya-kandare sphuratu vah sachinandanah Nawa ang Supremong Panginoon, na kilala bilang anak ni Sri Sachi Devi, ay transedental nang mamalagi sa loob mismo ng puso mo. Dahil sa Kanyang di-maarok at matatawarang habag at pagpapala, Siya’y pumanaog para sa panahong ito ni Kali, at nagpakita nang isang bagay na walang-sinumang inkarnasyon ng Isang Hakbang Pasulong
2
Mga Turong-aral ni Acharyyadev 2013
Diyos ang nakakagawa pa: ang pagkalooban tayo nang pinakamataas na uri ng damdamin sa debosyunal na paglilingkod, ang pagmamahalan ng magsing-irog. [Ikalawang Talata ng Unang Kabanata nang Vidagdha-Madhava ni Srila Rupa Goswami.]
Noo’y nagtataka si Krsna, “Bakit ba patay na patay sa Akin si Radharani, bakit palagi na lang Niya Akong iniiyakan? Ano ba ang nasa isip Niya?” At upang malaman ni Krsna kung bakit, Siya’y pumanaog at nagpakita sa mundo bilang si Sri Chaitanya Mahaprabhu. At Siya’y nagpakita din sa atin bilang ating Guru,
।
ড়
আই
॥
sadhu paoya kasta bada jivera janiya sadhu-bhakta-rupe krsna aila nadiya (Sri Sri Prema-vivarta, 7.8)
Ayon kay Jagadananda Pandit napakahirap para sa panahong ito ang makakuha tayo nang isang dakila at totoong sadhu, totoong Vaishnava o kaya totoong Acharya. Kung kaya’t naisipan mismo ni Krsna na Siya na ang Isang Hakbang Pasulong
3
Mga Turong-aral ni Acharyyadev 2013
papanaog dito sa mundo, para sa panahong ito ni Kali sa anyo ng sadhu, Acharya o kaya Guru, upang turuan tayo. At ang sabi pa ni Jagadananda Pandit, (Sri Sri Prema-vivarta, 7.8)
আ ,
“
আ
।
আ ” ,
ই
ফ ফ
॥
"gorara ami, gorara ami" mukhe balile nahi chale gorara achara, gorara vichara la-ile phala phale Hindi dahil sinabi mo lang na, “Gora! Gora!” ay ayos na, pwede na. Hindi po. Kung nais ninyong maunawaan ang konsepto ni Gora, kailangang sundin muna ninyo ang Kanyang mga tagubilin at aral, dahil sa oras na ito’y inyong sundin, tiyak na makakamit ninyo ang resulta ng Kanyang mga aral. (Sri Sri Prema-vivarta, 8.6) Hindi ba’t madalas nating sinasabing, “Ako’y naniniwala kay Mahaprabhu, at sa Kanya’y nananalig. Ako’y deboto ni Mahaprabhu.” Isang Hakbang Pasulong
4
Mga Turong-aral ni Acharyyadev 2013
Kaya lamang, ayaw nating sundin ang Siksastaka [mga payo] ni Mahaprabhu. Hindi ba’t madalas nating sinasabing tayo’y mga disipulo ni Srila Bhakti Sundar Govinda DevGoswami Maharaj, kaya lamang ayaw nating sundin ang kanyang mga tagubilin at payo. Dapat hindi lamang ito puro salita, kundi dapat nasa gawa din. Ayon nga kay Jagadananda Pandit sa talatang ito, “Kapag sinabi mong deboto ka ni Mahaprabhu, dapat sinusunod mo din ang Kanyang mga aral at tagubilin—dahil nasa pagsunod nito ang hinahanap nating resulta.”
Isang Hakbang Pasulong
5