1
Mga bahagdan ng lupa 1. (0 Horizon) o “Topsoil”
2. Subsoil
TOPSOIL Ito ang pinakamasustansyang bahagi ng lupang maaaring taniman. Mga isang piye (1 foot) lamang ang nipis at ito rin ang bahagi ng lupa na pinakamadaling maawas ng tubig (ulan) o hangin kung ‘di protektado ng takip (mulch) o kaya’y hindi napanghahawakan ng mga ugat ng pananim. Ang ibabaw ng lupa mismo ang tinatawag na “0 Horizon” ng mga siyentipiko. Ito ang kadalasan ay may mga “organic matter” na nagdadag na rin ng sustansya sa lupa.
Lupang sari-sari ang tanim
Contour cropping
Pagtatanim ng pana-panahong pananim o taunang pananim gamit ang angkop na paraan sa pangangalaga ng lupa
Pagtatanim ng pana-panahong pananim o taunang pananim pabalagbag sa padaisdis na lupa
Tinatayang sa bawat isang milimetrong nawawala sa ibabaw ng lupa na ito, 10 tonelada (metric tons) ng lupa bawat ektarya ang naaawas pababa ng ulan o hangin.
SUBSOIL REGOLITH BEDROCK
3.Regolith
Sa ilalim mismo ng topsoil ang tinatawag na “leaching layer” na tumutuloy sa tinatawag na subsoil. Ito ang sumusunod na sapin ng lupa. ‘Di ito gaanong masustansiya kaya’t ‘di na maganda ang tubo ng pananim dito. Palugi na kung inabot na ito. Dito sa susunod na sapin ng lupa ay halos wala nang sustansyang magagamit ang mga pananim. Makikita rito ang naghalong mga basag na bato, lupa at buhangin. Kung umabot na dito, halos wala nang tutubong pananim.
4.Bedrock
2
Bato na ito. Hindi na lupa. Wala nang tutubo talaga.
K
APAG HINDI ginamitan ng tamang soil conservation practices, ang paglawak ng taniman ng mais sa mga damuhan at pastulan ay makapagdudulot ng problema ng pagkawala ‘di lamang ng topsoil, kundi pati na rin ang pangmatagalang kabuhayan sa mga upland farming communities. Laging banta rito ang pagkaagnas ng lupa – o soil erosion na sanhi ng malakas na pagbuhos ng ulan at patuloy na pag-aararo. Naaapektuhan din ang sustansya ng lupa at nagdudulot ng mababang produksiyon sa mga pananim. Ngayon, umaabot na sa watershed area ang problemang ito, at kundi masosolusyunan, maaring makaapekto
Downloadable - www.safepinoy.com • www.croplifephils.com
Mga angkop na pananim sa padalisdis (sloping) na lupa Agroforestry
Gubat
Pagtatanim ng mga pana-panahong pananim o taunang pananim sa pagitan ng mga bakod na halaman
Palibot o contoured na halu-halong mga uri ng namumungang puno
Halu-halong uri ng mga puno sa gubat
Vic Alpuerto
Alley cropping
Rekomendadong pamamaraan ng pagsasaka para sa iba’t ibang tarik ng lupa sa kabuhayan ng ating mga upland farmer at kanilang mga komunidad. Ating alahanin na may mga pamantayan ang pamahalaan kung anu-ano ang dapat itanim sa mga lugar na ito para sa ikabubuhay ng mga naninirahan sa kalakip na komunidad. At siyempre, iba na ang masigurado ng bawat magsasaka ang tumpak na pamamaraan ng pangagalaga sa lupa, mga kagubatan at kabundukan. Sama-sama at tulung-tulong nating ayusin ang pagtatanim ng mais sa mga lugar na kailangan ang contour farming. Malaki ang papel na ginagampanan ng mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of Agriculture (DA), Department of Environment and Natural Resources
(DENR) at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para mapalawak ang programang ito. Tulad na lang ng DILG na siyang ahensya na maaring gumabay sa mga pamahalaang lokal para masigurado na gumagamit ng mga wastong pamamaraaan ng pagsasaka ang bawa’t bayan. Ang lokal na pamahalaan ay maaaring humingi ng tulong at dagdag na kaalaman sa mga agricultural technician mula sa pribadong sektor, sa Regional Agriculture and Fishery Council (RAFC) at mga NGO. Ngunit ang tagumpay ng contour farming ay nakasalalay pa rin sa sipag at determinasyon ng ating mga magsasaka.
Downloadable - www.safepinoy.com • www.croplifephils.com
3
CONTOUR FARMING
S
A PADALISDIS (sloping) na lupa, angkop lamang na pairalin ang mga pamamaraan na makapipigil sa pag-awas o erosion ng lupang masagana para sa mga pananim.
‘Di dapat itulad ito sa mga patag na sakahan. May pagkakaiba ang mga kailangang preparasyon at pamamaraan na dapat gawin para maibsan o maiwasan ang pagkawala ng lupa. Sa maraming siyentipikong pag-aaral, napag-alaman na ang pagbubungkal ng padalisdis na lupain ay nagpapalala sa “erosion” ng lupa mismo dahil nabibiyak nito ang pagkakakumpol at pagkakadikit-dikit ng lupa. Kung kaya’t DAPAT IWASAN ANG PAG-ARARO O PAGBUBUNGKAL NG LUPA sa mga lugar na padalisdis. Ang paggamit ng angkop na “no tillage” o “minimum tillage technology” sa tulong ng “herbicides” o pamatay ng damong ligaw (weeds) SA TAMANG PARAAN ang siyang makakatulong para mapawi ang mga damong ito para na rin maiwasan ang pagbungkal ng lupa para linisin ang sakahan. Para naman lalong mapanghawakan ang lupa sa mga padalisdis nalugar, inirerekomenda nitong adbokasya ng “MASAGANANG LUPA” ang pagtatanim ng “natural vegetative strips (NVS)” o mga tanim-pilapil kasama na ang Vetiver grass, sa CONTOUR LINE na sadyang ‘di ginalaw o inararo para mapigilan ang soil erosion. Ito ang tinatawag na CONTOUR FARMING. Kasama ito sa paghahanda ng lupa at nangangailangan lamang ng kaunting trabaho. Naiimbak pa nito ang mga naaawas na pestisidyo, nitrates at soluble phosphorous dala ng dumadaloy na tubig.
Napakadali at napaka-epektibo ng CONTOUR FARMING!
4
Downloadable - www.safepinoy.com • www.croplifephils.com
6
6
ANIM NA HAKBANG LAMANG ANG CONTOUR FARMING!
1.
Alamin ang tarik (slope) ng padalisdis na sakahan.
PAANO SINUSUKAT ANG DALISDIS NG LUPA? Mungkahi ng DENR na kung ang “slope” ay lumabis na sa 18 % slope, tulad ng nasa diagram na “Mga angkop na pananim sa padalisdis na lupa” sa pahina 3, dapat ay mga punongkahoy na kape, cocoa, malunggay, mga prutas at iba pa) ang itanim para maiwasan ang “erosion” at mapangalagaan ang kapaligiran. Ang mga “short-cycle crops” tulad ng mais at mga vegetable crops o gulay ay magpapalala lamang ng “erosion” dito.
‘Di man kabilisan pero sa simulang magbunga ang mga punongkahoy, tuluy-tuloy na ito. Malaki ang kita sa prutas at iba’t ibang bunga ng mga matagalang pananim.
Downloadable - www.safepinoy.com • www.croplifephils.com
5
2.
Alamin ang mga CONTOUR LINE sa padalisdis na sakahan.
Sa pamamagitan ng “A” Frame (o di kaya’y carabao’s/cow’s back method) dapat tukuyin ang “contour line” ng lupa. Ito ay pabalagbag (perpendicular), at hindi paayon, sa takbo ng padalisdis na lupa, mas sumisinsin, habang tumatarik ang pagdalisdis ng lupa.
Ang CONTOUR LINE ay ang linya sa padalisdis na lupa na pantay ang pagkaka-angat o “elevation.”
? Okay!
Ang pagtukoy nito ay mahalaga para ang harang o ang pilapil ay pantay-pantay o “level” upang maipon ang lupa at tubig at hindi umapaw o tumapon sa iba’t ibang parte.
PAGGAWA NG “A” FRAME
MGA KAILANGAN:
Gumawa at gumamit ng “A” Frame! Napakadali!
2 tulos o sangay na mga 2 metro ang haba. 1 tulos na mga 1 metro ang haba 3 de dos (2in) na pako at 3 maiksing pisi 1 mahabang pisi na mga 1.5 metro (1.5m) 1 pabigat na hindi iigkas sa pisi
STEP 1
STEP 2
Ipako at itali ang isang dulo ng mga mahabang tulos nang magkapantay.
Paghiwalayin ang ‘di-magkataling dulo at itali o ipako naman ang maikling tulos sa bandang gitna nito nang mahigpit, korte ng “A”!
-1.5 m-
STEP 3
STEP 4
Sa pamamagitan ng mahabang pisi, hanapin ang gitna ng “bar” ng “A” at markahan ng madaling makikita ng gulok o anupaman.
Itali ang mahabang pisi sa dulo ng “A”
STEP 5 Itali ang pabigat sa kabilang dulo ng mahabang pisi.
Tapos na ang “A” Frame!
6
Downloadable - www.safepinoy.com • www.croplifephils.com
-pantay-
PAGGAMIT NG “A” FRAME
Napakadaling gamitin ang “A” Frame. Maghanda ng maliliit na tulos pangtarak at pangmarka sa lupaing padalisdis. Ang mga maliliit na tulos na ito ang magmamarka ng hubog ng contour line sa lupa.
1
2
Magsimula sa pinakamataas na bahagi ng lupang padalisdis. Pabalagbag (o perpendicular) sa dalisdis, itayo ang “A” Frame at hanapin kung saan ang pagkakatindig nito na patag na sa pamamagitan ng tali at pabigat. Kung ang tali ng pabigat ay nakatama na sa markang gitna o sentro ng baras ng “A” Frame, pantay na ang lupang tinitindigan nito.
3
Itusok ang tulos sa lupa sa bawat paanan ng “A” Frame. Ito na ang simula ng iyong contour line.
4
Matapos mabagtas ang buong paanan ng padalisdis na lupa, makikitang ang mga tulos ay magmamarka na ng CONTOUR LINE.
Ikabig ang isang paanan ng “A” Frame habang nakatusok sa lupa ang isa namang paanan. Hanapin ang pantay na lupa sa pamamagitan ng gitnang guhit at pabigat nito. Markahan ng tulos.
5 Ayon sa tarik (slope) ng lupa, bumaba hanggang “eye-level” na ang dating contour line.
“eye-level”
Ulitin ang steps 1-4 sa bagong contour line na ito.
Downloadable - www.safepinoy.com • www.croplifephils.com
7
3.
Maglaan ng kapirasong lupa (0.5m ang lapad) na bumabagtas sa CONTOUR LINE na ito.
Kalahati hanggang isang metro ang lapad, kung saan dapat hayaang tumubo ang natural na mga damo at halaman (natural vegetative strips o NVS), o di kaya’y pagtamnan ng mga “vetiver grass” upang mapanghawakan ang lupang maaawas ng ulan o hangin pababa.
Ayon sa tarik ng lupa, ang mga CONTOUR LINE ay mas masinsin habang tumatarik ang pagdalisdis, simula sa 8-10 piye (feet) ang layo ng bawat contour line sa isa’t isa.
Mga DAPAT at HINDI DAPAT GAWIN SA SAKAHANG PADALISDIS 1. Huwag sunugin ang pinagtabasan o pinag-anihan. (NO BURN) 2. Gamitin ang pinag-tabasan na pantakip (mulch) sa lagusan ng “contour line.” 3. Huwag nang bungkalin o araruhin ang lupa. (No Till/Minimum Till) 4. Gamitin ng wasto ang angkop na “agricultural inputs” at mga pamatay ng damo. a. Systemic herbicides b. Contact herbicides c. Herbicide-ready planting materials d. Vegetative strips 5. Ang paggamit ng farm-a-lite ay makapagpapadali sa pagtatanim naman ng binhi.
8
Downloadable - www.safepinoy.com • www.croplifephils.com
4.
Tamnan ng angkop na natural vegetative strip (NVS), Vetiver Grass (o pinya at iba pa) ang CONTOUR LINE na ito.
Ang pagtatanim sa CONTOUR LINE ang pipigil sa pag-awas ng lupang mataba sa taniman sa pamamagitan ng katawan ng halaman at mga ugat nito na nasa ilalim ng lupa. Pipigilin din nito ang pag-awas ng tubig at mga sustansya ng lupa para tuloy-tuloy ang pagyabong ng mga tanim sa loob naman ng “CROP ALLEYS” na nasa gitna ng CONTOUR LINE/s.
5.
Tamnan ng angkop na mga pananim ang “CROP ALLEY/s” na nasa gitna ng CONTOUR LINE/s.
Depende sa tarik ng lupain, tinatayang mga 10% lamang ng lupain ang mapupunta sa CONTOUR LINE at 90% naman ang mailalaan sa pagsasaka ng mga pananim na maaring mapagkakitaan. Sa ganitong paraan, mapapahaba ng sukdulan ang pagiging masagana ng taniman para laging manatiling produktibo ang sakahan maging para sa mga anak, apo at iba pang angkan o kasama. Maaari din namang tamnan ng mga pinya at ibang angkop na halaman (tulad ng napier o “mais ti nuang” at iba pa) ang CONTOUR LINE para makadagdag sa kita o tubo ng sakahan at magsasaka habang pi n an gan galagaan nito ang kasaganaan ng lupain at mga tubigan.
Downloadable - www.safepinoy.com • www.croplifephils.com
9
Alam ba ninyo? Alam ba ninyo na ang Vetiver grass ay maganda ring pakain sa kalabaw at kambing? Ang mga ugat naman nito ay maaaring gamitin sa paggawa ng mga “handicraft” katulad ng “buri” o “nito” at pinanggagalingan ng “essential oils” dahil sa natural na bango nito. Kung marami na ang nagtatanim ng Vetiver grass, maaaring magtayo ng planta ng “essential oil” na masusuportahan ng mga pananim para sa dagdag na “income stream” — o pagkakakitaan — ng mga magsasaka. Bukod dito, ang Vetiver grass ay iniiwasan pa ng mga daga at ahas!
6.
Alamin ang WASTONG PAGGAMIT ng mga “agricultural inputs.”
Kung gagamit ng mga herbisidyo, dapat malaman na dalawang klase ang angkop sa padaisdis na lupa. Ang “systemic herbicide” ay ginagamit kung kailangan patayin pati ang mga ugat ng mga damo at ito ay mainam sa mga herbicide-ready na mga binhi. Ang “contact herbicide” naman ay ginagamit kung hindi nais na mamatay pati ang mga ugat dahil ito ang kumakapit sa lupa. Sa padalisdis na lupa, nirerekomenda na “contact herbicide” muna ang gamitin sa pagpatay ng mga damo sa sakahan bago magtanim. Ito ay upang mapanghawakan ng mga ugat ang lupa. Ang namamatay na parte ng damo ay ang nakalabas lamang sa lupa at may “contact” sa herbisidyo. Huwag espreyan ang mga nakatubong damo sa contour line. Kung nakapagtanim na ng herbicide-ready na mais ay saka na lang gumamit ng isang “systemic herbicide” at papatayin pati ang mga ugat ng damo. Dahil tumutubo na ang herbicide-ready na pananim, may mga ugat na itong sarili na siya nang kakapit sa lupa. HUWAG NANG AARARUHIN O BUBUNGKALIN ANG LUPA AT HAYAAN NA TUMUBO ANG LAHAT NG KLASE NG MGA DAMO SA TANIMAN (No Till/Minimum Till). Ang pag-aararo ay nagbubuhaghag ng lupa na nagpapalala sa erosion.
10
Downloadable - www.safepinoy.com • www.croplifephils.com
Mga importanteng kataga “A” Frame - isang simpleng struktura na korteng “A” na ginagamit sa pagtukoy sa Contour Line sa padaisdis na lupa, gawa lamang sa mga labing kahoy, pisi at pabigat. Contour Farming – ang pamamaraan ng pagsasaka sa padaisdis na lupa na ang layunin ay maiwasan ang pagka-agnas o “erosion” ng lupang sinasaka, nakapag-iimbak ng ulan at tubig, at napangangalagaan na rin ang sustansya sa lupa. Contour Line – ang isang linya ng lupa na bumabagtas sa mga dako ng padaisdis na lupa na magkakasing-tulad ang taas o “elevation” tulad ng makikita sa isang “topographical map.” Erosion - ang pagkaagnas ng lupa dulot ng ulan, hangin at pag-aararo. Farm-a-lite – isang simple at murang kagamitan na ginagamit sa pagtatanim, ito ay nagpapadali at nagpapagaan sa pagbabaon ng mga binhi. Gulley – habang palala ang “erosion,” mula sa mababaw na “rill,” gagawa ang tumatakbong tubig ng mas malalim na lagusan pababa (0.5m ang lalim) na siya namang tinatawag na “gulley,” ito ay magmumukha nang malalim at malaking biyak sa lupa. Natural Vegetative Strip (NVS) – mga karaniwang damo at mga halaman na tinitira sa sakahan upang mapigilan ang pagkaagnas ng lupa at ang tuluyang pagragasa ng tubig. No Till/ Minimum Till – ang hindi pag-aararo o pagbubungkal sa lupa. Ang pag-aararo sa padaisdis na lupa ay nagiging sanhi ng pagkabuhaghag ng lupa dito at siyang sinisimulan ng paa-aagnas o “erosion” sa mga sakahan dito. Pre-emergent/Post-emergent herbicides- mga “herbicides” o pamatay ng damong ligaw sa mga sakahan, bago sumibol ang mga damo (pre-emergent) o matapos sumibol at habang tumutubo na ang mga ito (post-emergent). Ang mga ito ang ginagamit sa wastong pamamaraan sa padaisdis na sakahan para huwag nang mag-araro at magbungkal ng lupa na magiging sanhi ng “erosion.” Rill - ang mababaw na pagkaagnas ng lupa sanhi ng tubig o ulan na humahanap ng daanan ng tubig pababa sa padaisdis na lupa. Ito ang unang palatandaan ng pagkaagnas o “erosion” ng lupa. SALT (Sloping Agricultural Land Technology) – isang simple at murang pamamaraan na nilinang ng Mindanao Baptist Rural Life Center (MBRLC), isang NGO (non-government organization) sa Kinuskusan, Bansalan, Davao del Sur na pinagbatayan ng dagdag na impormasyon at kaalamang nilalaman nitong adbokasyang “Masaganang Lupa.” Vetiver grass – isang uri ng damo na pino, masinsin at palalim sa lupa ang tubo ng ugat. Umaabot sa tatlong metro ang lalim ng ugat sa lupa, nagsisilbing pangharang sa rumaragasang tubig at lupa sa padaisdis na mga lugar. Pinatutubo ng bayan ng Aparri sa Region 2 bilang panlaban sa pagkaagnas o “erosion” ng lupa.
Downloadable - www.safepinoy.com • www.croplifephils.com
11
ay inilathala ng CropLife Philippines, Regional Agriculture and Fishery Council - Region 2 (RAFC-R2) at ng Initiative for Farm Advocacy and Resource Management (iFARM) sa pakikipagtulungan ng Bureau of Plant Industry (BPI), Bureau of Soils and Water Management (BSWM), Cagayan Valley Integrated Agricultural Center (CVIARC), Department of Agriculture Region 2 (DA-R2), Department of the Interior and Local Government Region 2 (DILG-R2), Department of Environment and Natural Resources Region 2 (DENR-R2) at tanggapan ng mga Provincial, City at Municipal Agriculturist ng mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya. Ang Sloping Agricultural Land Technology (SALT) na binuo ng Mindanao Baptist Rural Life Center (MBRLC), Kinuskusan, Bansalan, Davao del Sur, na pinagbatayan ng ilang kaalaman dito ay may website: www2.mozcom.com/~mbrlc/ Unang paglalathala: Marso 2013.
12