S TRA RAINERS MA MAN NUAL
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
COVER SLIDE (Slide 1) Trainer is encouraged to greet and welcome the farmer participants in the vernacular and explain the objective of the training.
Explain that this is a presentation on Insecticide Resistance Management (IRM) of major Rice and Vegetables insect pests prepared by the Insecticide Resistance Action Committee (IRAC) and CropLife Philippines.
IRAC is an international body of scientists focused on studying the development of resistance to insecticides and how to manage it for the benefit of farmers. This is brought to you by CropLife Philippines which, in turn, is an association of companies engaged in crop science here in our country.
1|Page
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
Integrated Pest Management (IPM) (Slide 2) Introduce Insecticide Resistance Management (IRM)as an integral part of Integrated Pest Management o ang IRM ay isang bahagi ng Integrated Pest Management •
Explain the meaning of IPM. IPM utilizes various tactics or control methods (i.e. cultural/mechanical o mga nakagawian natin sa pagsasaka sa ating mga pananim; biological or bio-control kung saan naman natin ginagamit ang mga natural enemies ng mga peste para kontrolin ang peste; at kemikal,ito naman ang mga insecticides na ginagamit natin ngayon. Ginagamit itong mga pamamaraan in a harmonious and compatible way. Dito nabibilang ang insectide resistance management o IRM.
•
IPM emphasizes management of pest populations rather than the old concept of total eradication. Hindi na natin sinisikap na puksain lahat ng peste at baka masira ang natural balance sa ating mga sakahan. •
IPM involves keeping pest populations low (below Economic Threshold Level). Sa pamamagitan ng IPM nakokontrol ang populasyon ng mga peste. Explain Economic Threshold level (ETL): Ang ETL ay isang pamantayan o palatandaan kung kailan dapat mag-spray ng insecticides para maiwasan ang pagbaba ng ani at maiwasan ang sobrang paggamit ng pestisidyo.
Explain how ETL is expressed as a guide for decision-making kung kailan dapat mag-spray. Example: no. of larvae per plant. 2|Page
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
1 of 3 Integrated Pest Management (IPM) (Slide 3) Ito naman ang mga pamamaraan na ginagamit sa IPM. Sa Cultural / Mechanical, we have: Sanitation – ang mga pamamaraan para mapananatili ang malinis na sakahanan at kapaligiran nito. Halimbawa: Tanggalin at sunugin ang mga parte ng halaman na may sakit o peste. Synchronized planting – ang sabay-sabay na pagtatanim ng mga magkakalapit na mga sakahan para makontrol ang mga peste. Crop rotation – ang pag-alternate ng iba’t ibang klaseng tanim sa bawat season. Fallowing – ang pabubungkal at pagpapahinga sa lupang sinasaka upang mabuwag ang life cycle ng peste. Use of resistant varieties –pag-gamit ng mga resistant variety para may natural na panlaban sa mga peste o sakit. Halimbawa: BtCorn, BtTalong. Minimum tillage –ito ay isang pamamaraan na gumagamit ng pamatay damo upang maiwasan ang sobrang pag-bubungkal ng lupa para maiwasan ang pag-guho ng lupang sinasaka. Proper fertilization (e.g. Nitrogen)-Paggamit ng angkop na klase at dami ng abono.
3|Page
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
2 of 3 Integrated Pest Management (IPM) (Slide 3) Sa Biological o Bio-control naman… Knowing the Natural Enemies of the pest - ang iba’t-ibang mga peste ay may mga natural enemies o kalaban , predators, at parasitoids, tulad ng mga ibon na kumakain ng mga uod at insekto, mga ahas na kumakain ng mga daga, mga insektong nanginginain sa kapwa insekto, at mga organismong nabubuhay sa sistema ng insekto at pinapatay ito… Diadegma and Cotesia for cabbage DBM control – mga putakte na nangingitlog sa mga uod ng Diamond back Moth at ang mga napisa nila ay kakainin ang mga uod mula sa loob hanggang maubos at mamatay. Galing sa Europa, naparami na natin ito rito at ito ay mabisa laban sa DBM, ang Diadegma sa matataas at malalamig na lugar tulad ng Benguet at Baguio at ang Cotesia naman ay sa mas mababa at mas maiinit na lugar. Spiders and beetles – mga gagamba at mga uwang Trichogramma – iba’t iba pang mga putakte rin na nangingitlog naman sa iba’t ibang mga insekto tulad ng eggplant fruit borer. Bacillus spp – mga natural na mikrobyo o organism (bacteria) ito na nakikita sa lupa at kapaligiran na nakakalason sa iba’t ibang mga peste. Ang bacillus thuringiensis, na ginagamit sa mga Bt corn at iba pang genetically-enhanced na binhi ay isang ehemplo nito. Pag may Bt na ang binhi, ang tanim na mismo ang papatay sa mga peste. Wala itong epekto sa tao o sa mga hayop. 4|Page
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
3 of 3 Integrated Pest Management (IPM) (Slide 3) At sa Chemical naman… Ang IPM ay sinusunod ang need-based approach sa paggamit ng pestisidyo. Ibig sabihin nito ay gagamitin lang ang pestisidyo kung kailangan. Gawing basehan ang ETL sa pag-apply ng pestisidyo para maiwasan ang di kanaisnais na gastos. High risk pests include Diamond Back Moth, Hoppers (BPH, MLH), Eggplant Fruit and Shoot Borer, Thrips. Explain kung ano ang ibig sabihin ng high risk pests: Ito ang mga peste na karaniwang maikli ang life cycle kaya madaling makadevelop ng resistensiya sa pamatay peste. Continuous use of pesticides of same of Mode of Action (MoA) leads to development of resistance. Ngayon,sa paggamit naman ng mga insecticide, dapat nating isaulo na ang patuloy na paggamit ng isang produkto ng mga produktong magkatulad ang Mode of Action (MoA) – ang paraan ng pagpuksa na tatalakayin din natin ngayon - ay maaaring magbunsod ng resistensya sa mga produktong ito. Sa Role of Insecticide Resistance Management (IRM), ang atin namang tatalakayin ay kung paano natin maiiwasan na magkaroon ng resistensya ang mga peste sa mga produktong ginagamit natin ngayon.
5|Page
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
Why didn’t it work this time? (Slide 4) Kung hindi, baka magulat na lang tayo isang araw, ubos ang pananim sa peste! Bakit parang wala nang bisa ang dating napaka-epektibo nating pestesidyo o insecticide? Salanta na ang sakahan, ubos na ang pananim. Sayang. Lugi.
6|Page
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
It could be RESISTANCE! (Slide 5) Maaaring RESISTANCE na nga iyan! Pero huli na ang lahat. Sa IRM pwede natin itong maiwasan.
7|Page
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
Benefits of IRM to farmers (Slide 6) Kaya naman dapat nating matutuhan ang IRM – Insecticide Resistance Management. Dahil may mga benepisyo ito sa ating mga magsasaka. 1. Unang-una, Insecticides FARMERS use today remain EFFECTIVE for their use. Sa IRM, masisiguro nating epektibo and ating mga ginagamit na pestisidyo sa loob ng mahabang panahon. 2. FARMERS Save Money. Bawas-gastos tayo dito. No need to increase number or volume of insecticide applications. Gamitin lang natin ang tamang dosage, hindi na kailangangang dagdagan pa ang dapat gamitin. 3. FARMERS Get more Production Good pest management = good crop protection = better income. At syempre, kung kontrolado ang peste, protektado ang ani, mas malaki ang kita. 4. FARMERS Protect their Environment and Land Less active ingredient applied to ecosystem. Kapag susundin natin ang tamang dosage o dosis, napoprotektahan din natin ang kapaligiran dahil walang sobrang mga kimikal na naiiwan dito na maaaring makapinsala sa ecosystem. 8|Page
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
How Insecticide Resistance Develops (Slide 7)
Insecticide Resistance occurs from the continuous use of insecticides with the same mode of action (MoA) resulting in the selection (ang natitira) of insect populations that are resistant (hindi na tinatablan) to those insecticides.
Nakaugalian na ng maraming magsasaka na magpalit lamang ng mga brand o tatak ng mga insecticide na kanilang ginagamit kapag nahalata nilang hindi na mabisa sa peste ang dating ginagamit nila.
Pero, hindi po ang brand o tatak ang dapat palitan kundi ang Mode of Action o MoA nito. Kasi maraming kompanya ang may iba’t ibang brand o tatak na pareho rin ang Mode of Action, pareho rin ang bisa sa mga peste. Ang Mode of Action o paraan ng pagpuksa ang dapat pinapalitan. 9|Page
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
Insecticide Mode of Action (MoA) (Slide 8) Ngayon, ano ba itong Mode of Action o MoA? Ang mga insecticide na ginagamit natin pamuksa ng mga peste ay umeepekto sa mga hayup-hayop na ito sa iba’t ibang paraan.
A specific Mode of Action will target a specific part/ function of an insect Feeding/Digestion – may mga insecticide na inaatake at sinisira ang pamamaraan ng pagkain upang mawalan ng gana ang mga peste Respiration – may mga insecticide na inaatake naman ang pamamaraan sa paggamit ng enerhiya ng mga peste Reproduction – o sinisira ang kanyang pagbubuntis at pag-aanak Nerve – o ang sistemang nerbiyos ng insekto Growth / Development / Molting – sinisira ang kanyang paglaki Excretory – o ang kanyang pagdumi Energy / Muscle – o ginugulo at sinisira ang kanyang mga muscle at paggamit ng enerhiya galing sa pagkain
10 | P a g e
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
How Insecticide Resistance Develops in a Farm (Slide 9) Continuous use of the same Mode of Action (MoA) removes the very susceptible individuals leaving a tolerant population that survives the insecticide application. Ano naman ang ibig sabihin nito sa ating mga sakahan? By nature, meron talagang maliit na porsyento ng mga insekto na may likas na resistensya sa isang Mode of Action o MoA. Kung baga, sa Diamond Back Moth (DBM) kung ang Mode of Action ng ating insecticide BRAND X ay inaatake ang pagbubuntis o pangingitlog, may mga insekto na may likas na resistensya sa Mode of Action na ito. Likas na matibay ang pagbubuntis nila at hindi tinatablan ng insecticide BRAND X, kaya sila ang matitira, at manganganak ng mga insektong dala ang likas nilang resistensya sa Mode of Action o MoA na ito. Kapag tuloy-tuloy nating ginagamit ang parehong Mode of Action sa ibat ibang henerasyon ng peste, unti-unting mauubos ang susceptible na insekto hanggang puro resistant population na lang ang matitira. Dito mo na masasabi na hindi na epektibo ang isang pamatay peste.
11 | P a g e
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
To Avoid Development of Insecticide Resistance (Slide 10)
Paano natin maiiwasan ang paglaganap ng resistensyang ito?
1. Incorporate IPM o Integrated Pest Management practices 2. Follow GAP o Good Agricultural Practice Principles 3. Know the Mode of Action (MoA) of insecticide products / brands 4. Rotate Insecticide MoA group / NOT Active Ingredient (AI) / NOT brands
Isa-isahin natin ang apat na ito.
12 | P a g e
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
1. Incorporate IPM practices when using insecticides (Slide 11) Ito ang mga Integrated Pest Management practices sa paggamit ng insecticides.
Identify the Pest. Mahalaga na tama ang pagkilala sa peste upang malaman ang wastong pamamaraan sa pagpuksa nito kabilang dito ang tamang pamatay peste.
Monitor Pest populations. Alamin ang ETL na angkop sa bawat peste at idad ng halaman
Use the right and registered insecticides as needed. Pag nakilala na natin ang peste, gamitin ang tamang pamatay peste.
Use recommended label dose when using chemical insecticides. Gamitin lang ang wastong timplada ng ayon sa etiketa o label. Pag nag-under dose, madaming resistant at moderately resistant na insekto ang matitira. Paglaon, puro resistant population na lamang ang matitira.
Seek expert advise (e.g. Extension workers, industry). Kung may alinlangan, ay humingi ng payo o sumangguni sa mga eksperto.
13 | P a g e
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
2. Follow Good Agricultural Practice (GAP) Principles (Slide 12) Unang-una, dapat lagi nating susundin ang dosage o dosis o tamang timplada na nakasulat sa etiketa o label. Ito and tama. Kundi ay, ito ang mangyayari. Describe slide contents. Bukod sa pagsunod sa tamang timplada, kailangan ding sundin ang mga sumusunod:
14 | P a g e
Re-entry period – bilang ng oras o araw bago pumasok sa taniman pagkatapos magbomba
Pre Harvest Interval (PHI) – para masiguro na hindi lalampas sa Maximum Residue Limit (MRL) ang mga produktong pananim na ibebenta sa palengke at ihahain sa mesa ng ating mga kababayan
PHI –bilang ng araw mula sa huling spray hanggang sa makaani. Walang kinalaman ito sa toxicity ng produkto
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
3. Know your Pesticide MoA (Slide 13) Ang brand name o tatak at active ingredient ay hindi tamang batayan sa pag hahalinhinan ng pamatay peste. Dapat ito ay nakatuon sa Mode of Action o MoA. Makikita natin sa table na ito na kahit iba’t iba ang active ingredient o AI ay maaring magkapareho ang Mode of Action o MoA. Sa booklet po ay makikita ninyo ang ukol sa mga brand o tatak at ang mga MoA nito. Reiterate explanation in Slide 8.
15 | P a g e
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
4. Rotate by Mode of Action (MoA) (Slide 14) This is an example of rotation by Mode of Action, NOT BRANDS, and NOT BY ACTIVE INGREDIENT, to control, for example, the Diamond Back Moth in Cabbage. Makikita din ang rekomendasyon sa ibang halaman gaya ng talong at palay sa susunod na mga slides. Sa pag rotate ng mode of action, alamin ang life cycle ng insekto. Ang life cycle ay bilang ng araw mula sa itlog hanggang sa pagtanda at pangingitlog. Ang unang hanay na kulay pula, kung saan gumagamit ng parehong Mode of Action. Mali ito. Not recommended ito kasi lalaganap ang DBM na resistant sa MoA 1. Ang ikalawa at ikatlong hanay (Option 1 and Option 2) ay na-aayon sa wastong pagsunod sa konsepto ng IRM. Gumamit ng magkaibang MoA para sa bawat henerasyon ng DBM na may life cycle na 28 days. Iwasang gumamit ng magkatulad na MoA sa magkasunod na henerasyon ng peste.
16 | P a g e
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
4. Rotate by Mode of Action (MoA) (slide 15) Sa pag-rotate by Mode of Action o MoA, ito ang mga Do’s and Don’ts.
Do not use a single MoA continuously. Dapat mag-rotate ng MoA para hindi lumaganap ang mga pesteng may resistensya.
You may use products of the same MoA within the same insect generation. Sa loob ng isang henerasyon ng mga insekto, pwedeng gumamit ng iisang MoA na tama ang dosage ayon sa label.
Use only recommended label dose. Sa uulitin, sundin lang natin ang recommended label dose ng insecticide. Ito ang tamang dose. Do not under dose. Pag-nag-under dose, mag bui-build up ang resistance.
Apply a product with a different MoA for each successive insect pest generation. Dapat alam natin ang life cycle ng mga peste sa ating pananim para alam natin kung kailan nagsisimula ang bagong henerasyon – kung kailan dapat ding magpalit tayo ng MoA. Example: ang cabbage ay may 75 – 90 days crop duration. Ang DBM ay may life cycle na 28 days. Samakatuwid, may posibilidad na may 3 henerasyon ang DBM sa cabbage. Ibig sabihin, pwedeng gumamit ng 2 hanggang 3 magkakaibang MoA.
Do not expose more than 50% of the crop duration to products with the same MoA. Huwag na huwag nating ipaabot sa kalahati ng buhay ng pananim ang paggamit ng iisang Mode of Action. Example: ang cabbage ay may 75-90 days na duration, kailangan at least 2 klase ng MoA ang gagamitin. Ang kalahati ng 75 days ay 37.5 days. Dapat magpalit na tayo ng MoA pagdating nitong 37.5 days para hindi makapag-develop ng resistensya at lumaganap ang mga susunod na henerasyon ng mga peste sa cabbage na may resistensya.
17 | P a g e
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
Proposed Insecticide MoA Icon on the label (Slide 16)
Ang CropLife ay may proposal sa FPA na idagdag sa mga label ng mga insecticide ang Mode of Action group icon na ito. Ito ay para mas madaling ma-identify and MoA ng ginagamit na insecticide. Sa pagro-rotate, dapat magkaiba ang MoA Group number na ito, maging anumang brand o active ingredient ang sangkap ng insecticide.
18 | P a g e
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
Insecticide Resistance Management (IRM) Strategy (Slide 17) Ito naman ang mga available sa atin na mga paraan para hindi lumaganap ang mga resistant na mga insekto sa ating mga sakahan. Sa tamang kombinasyon, maiiwasan natin ang posibilidad ng pagkasalanta ng ating mga pananim. Describe or cite resistant varieties for cabbage, eggplant and rice. Cite the bio-control agents available for each. Crop Hygiene and Cultural Practice Rotation by Mode of Action (MoA)
19 | P a g e
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
Insecticide Resistance Management (IRM) Strategy in Cabbage (Slide 18) Describe slide elements.
20 | P a g e
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
Insecticide Resistance Management (IRM) Strategy in Eggplant (Slide 19) Describe slide elements.
21 | P a g e
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
Insecticide Resistance Management (IRM) Strategy in Rice (Slide 20) Describe slide elements.
22 | P a g e
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
To Avoid Development of Insecticide Resistance (Slide 21)
To summarize, uulitin lang po natin kung paano natin maiiwasan ang insecticide resistance para hindi masalanta ang ating mga pananim at sakahan. 1. Incorporate IPM practices 2. Follow GAP Principles 3. Know the mode of action (MoA) of insecticide products / brands 4. Rotate Insecticide MoA group / NOT Active Ingredient (AI) / NOT brands
23 | P a g e
TRAINERS MANUAL TO IRM FLIPCHART PRESENTATION
Thank you. (Appropriate vernacular) (Slide 22) This presentation was brought to you by the Insecticide Resistance Action Committee and CropLife Philippines with its following member-companies: Aldiz Incorporated FMC Chemical International, AG BASF Philippines, Inc. Jardine Distribution, Inc. Bayer CropScience, Inc. Monsanto Philippines, Inc. Dow AgroSciences BV Philippines CB Andrew Asia, Inc. Dupont Far East, Inc. Syngenta Philipppines, Inc. Sinochem Crop Protection Philippines 24 | P a g e
(end)
Produced and a published by the Initiattive for Farm Advocacy an nd Resource Management, M Inc. (iFARM M) for Crop pLife Philippin nes.