THE PHILIPPINE MAGAZINE
COOLTURA ISSUE 17 APRIL 2020
elbataler dna emoselohw
SEIROTS TROHS
lanigiro dna evitaerc
SMEOP
gniwolbdnim dna gnitseretni
SYASSE
LAYOUT BY: GLIDHEL SET
09
BOOK REVIEW
10
08
POETRY
EDITOR'S NOTE
12
TESTIMONIAL
f o e l b s a t t n e t con
ST RO NG
M E E T
A N D
get to
KATHLEEN
INNA
BAY
WRITER
26
22
ESSAY
CREATIVE NON-FICTION SHORT STORY
CREATOR PAGE
28
KNOW THEM
THE AUTHOR BEHIND THE STORY
WO MAN
33
,, At first I have never expected this magazine to have a wide variety of topics. This magazine introduced me to a new perspective of the Filipino cultures. Although I am a Filipino, I am still amazed with some Filipino cultures. Also, I have learned a lot of new things about my culture. The authors have enlightened me with the issues and toxic cultures that I should know about. Overall this is great and a very eye-opening piece of work. - Geraldine Orense Tan, Philippines Graphic
TESTIMONIAL| 08
This magazine contain the different characteristics Filipinos possessed in the form of poems, stories, and essays which will give its readers a striking message that will surely ignite or provoke the Filipino spirit within them.
editor's note
The magazine does not solely revolve on the positive traits of Filipinos but also tackles the negative traits in them. In every poems, stories, and essays, speak to the Filipino qualities in you.
EDITOR'S NOTE| 09
book
REVIEW By: Andrea dela Trinidad
One of us is Lying by Karen M. McManus If you're looking for a book that has high school drama, buried secrets, and murder mystery, this one is worth checking out. Karen M. McManus dives us into a world where there is more than what meets the eye.
One of Us Is Lying is a book about where five students go in detention and only four of them comes out alive. With this incident, they are immediately ruled as suspects. The book has the nail-biting tension, swoon-worthy moments, and shocking twists that will make you hold tight to your seat and turn the page. It also provides different perspectives that allow you to get to know each character and that each character is not molded into a stereotype. lAYOUT BY: NADYNNE LAO-ANG
BOOK REVIEW| 10
A Look onto Women in a Filipino Family: Book Review on
"Bata, Bata Paano Ka Ginawa?" B BY Y :: Y YU UU UK K II K KA A TT O O In a period in the past, Philippine women normally and simply follow the wills and whims of their husbands and other male members of society. The role of women were just to act upon their role as mothers who perform household chores, take care of the children, and take care of the needs of their husbands. But the face and ambience of the perceived role of women in society changed, as society itself was transformed. The doors of offices were opened to give way to women workers. They were given a place where their complaints regarding women rights could be heard, as well as their concept about life and livelihood, earning them a voice within and outside the boundaries of home. This is the subject discussed and revealed by Lualhati Bautista's novel which has 32 chapters. The work narrates the life of Lea, a working mother, who has two children – a young girl and a young boy. And for this reason, the novel depicts the society's view of women, how it is to be a mother, and how a mother executes this role through modern-day concepts of parenthood. The novel began with an introductory chapter about the graduation day from kindergarten of Maya, Lea's daughter. A program and a celebration were held. In the beginning, everything in Lea's life was going smoothly – her life in connection with her children, with friends of the opposite gender, and with her volunteer work for a human rights organization. But Lea's children were both growing-up – and Lea could see their gradual transformation. There were the changes in their ways and personalities that caused disagreements and tension. LAYOUT BY: NADYNNE LAO-ANG
Enters Lea's former husband came back to persuade Ojie to go with him to the United States. Lea experienced the fear of losing both her children, when the fathers of her children decide to take them away from her embrace. She also needed to spend more time for work and with the organization she was volunteering for. This is also where the famous scene of Carlo Aquino's "Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron!" was born in the film. In the end, both of Lea's children decided to choose to stay with her – a decision that Lea never forced upon them. At the final chapter, Lea delivered a speech as a guest of honor at her children's graduation, that discusses the topic of how life evolves, and on how time consumes itself so quickly, as fast as how human beings grow, change, progress and mature. Lea leaves a message to her audience that a graduation day is not an end because it is actually the beginning of everything else that will come in a person's life. Lualhati Baustista portrayed the dynamic of new look into the Filipino family in her novel. It showed the struggles on how Lea juggled her career and her children along with the fear of losing them to her husband resulting into years of hard work to raise them on her own wasted. She proved that it is okay to go beyond the role of a care taker and put on the shoes of a bread winner.
It is the 21st century, yet the Filipino family still remains patriarchial when asked who wears the pants in the house. It's high time we learn from a novel published even before I was born and review the role of women in a Filipino family.
BOOK REVIEW| 11
laban para RHUMMUEL QUIBAEL
sa mayayaman Ang sinasabing lupain Lupaing tinawag na Mindanao Marami ang nag hahangad dito Dahil sa magandang tanawin Na sa sobrang ganda, pati Ang mga dayuhan ay nahuhumaling dito
Mindanao, Mindanao, MINDANAO Hanggang ngayon ay marami pa din ang nahihirapan Mula noon hanggang ngayon Ang hangad lang naman ay kapayapaan, Hustisya at pagkain sa hapag-kainan Kapayapaan, hindi digmaan Pagkaka-ayos, hindi karahasan
Nasaan na? Nasaan ka na, kapayapaan? Darating ka pa ba? Bakit tila’y ang hirap mong hanapin? Naririyan ka lang ba? O wala ka na talaga Ngunit hindi susuko Dahil inaantay ka ng mamayanan Para yakapin mo ang buong sambayanan LAYOUT: BY: LEAH F. RABOR
POETRY| 12
KULTURANG PILIPINO By: Arissen N. Gonzalez
Ang bawat bansa’y may sariling kultura Kulturang Pilipino’y natatanging kakaiba Nababalot ng likas na yaman, ating bansa Mga libong pulo na tila ba’y ating kultura
Angking yaman ng ating bansa Na ‘di matatanaw sa iba Yaman sa sining, panitikan, sayaw at kanta Mga bagay na ipinagmamalaki ng ating kultura
Relihiyong katapatan sa Diyos Pag-ibig sa kultura, sa puso’y taos Panahong kay bilis ng pag-agos Kulturang Pilipino’y di malalaos Pilipinong malikhain Sa sining karangala’y sa atin Kaya’t ating bansa’y mahalin Kultura ng Pilipinas ay itatak sa puso’t isipan natin
LAYOUT BY: LEAH F. RABOR
POETRY| 13
ng akap Y TUMINGIN KA'T MAHALINA KALINGANG TANGING PINOY LANG ANG MAY KAYA AMIN ITONG ARAW-ARAW IPAPADAMA WALA KA NANG HAHANAPIN PANG IBA Â KUNG IKA'Y WALANG MATUTULUYAN BUKAS ANG PINTO PARA IYONG TULUGAN YAYAKAPIN KA SA PANAHON NG KAGIPITAN PILIPINO'Y IYONG TUNAY NA MAASAHAN
POETRY| 14
P inoy
LAYOUT BY: NADYNNE LAO-ANG
by: Raiza Noceda KAKAIBA MAN KUNG IYONG TIGNAN MAGAGANDANG PINGGA'Y ILALABAS PAG MAY NAPADAANÂ MAGHAHAIN NG MASASARAP SA HAPAG-KAINAN LAHAT NG TAO AY BUKAS PUSONG HAHAINAN
PAGTINGIN SA IYONG PAGKATAO AY LABIS LABIS DADAMAYAN KA SA KAHIT NA ANONG HINAGPIS DUMATING MAN SA PUNTONG IKA'Y UMALIS ASAHANG MONG MANANATILI KAMI'T 'DI AALIS
POETRY| 15
LAYOUT BY: ALEXANDREIJOI GARCIA
Kadenang Bilog Likas na sa mga Pilipino Ang pagiging Relihiyoso
Yung tipong isasabay sa pagiging pilosopo Tapos pwede na ring pamalit boto Kaya ng ika-nga ni Pedro May dalawang mukha ang bawat Pinoy Nakatali sa kung ano At nakagapos sa Santo Rosaryo Sa bawat sulok ng Apat na Misteryo
Misteryo ng Tuwa Kaya kahit hindi na nakakatuwa Ay pinagtatawanan pa rin nila Kasa sabi nga diba. .Itago ang sakit sa bawat pagtawa Di na alinatana ang damdamin ng iba Aba ginintuang barya'
Nakapupuno ka ng alkansya Ang nakararami ay sumasaiyo
Misteryo ng Liwanag Wala ng maraming paliwanag Kase kapag mahal na araw, Nagiging banal ang lahat Sagrado ang bawat detalye Bawal mag inarte At isama na rin ang hindi pagkain ng karne
Aba ginintuang barya' Nakapupuno ka ng alkansya
BY: Kate Garcia
Ang nakararami ay sumasaiyo
POETRY| 16
Misteryo ng Hapis Pero pwede na ring palitan ng Hapit Hinapit sa bawat pangaral
Misteryo ng Luwalhati LuWalHaTi
Lahat ng pagbabawal
Luha at Pighati
Kaya kahit sa batasbinitbit ang bawat sermon ng pari at pastor Nagkaroon ng iba’t-ibang otor
Masyado ng sinamba ang paniniwala Na kahit sa apo ay tila naging pamana
Mga relihiyosong lider at senador
Linggo-Linggo ang pagsamba
Misteryo ng Hapis
O pagsimba
Sa bayang kahapis-hapis Â
Pero Magdalena sa anim na araw na natitira
Aba ginintuang barya' Â
Nakapupuno ka ng alkansya
Aba ginintuang barya'
Ang nakararami ay sumasaiyo
Nakapupuno ka ng alkansya Ang nakararami ay sumasaiyo
Kailan kaya matututunan Maisantabi ang paniniwala Mula sa pag-unlad at Kultura Kase tila marami ng nagkakamali Sa persepsyon ng pamumuhay at pagsamba
POETRY|17
HAPAG
KAINAN
By: Arah Masungsong
TAKIPSILIM NA NANAMAN ORAS NA NANG HAPUNAN SAMA-SAMANG NAGDASAL BINUO NANG TAWANAN
LAYOUT BY: NADYNNE LAO-ANG
POETRY|18
k
n o w
t
h
Sa paglipas ng panahon, mundo’y patuloy sa pag ahon. Mga tao’y pasulong sa pag daloy, sabay sa bawat pag ugoy ng alon. Kandila’y patuloy rin sa pag-upos, tulad ng mga ala-ala at nakaraan na inagos.
e
Bakit ‘di natin balikan ang nakaraan? Sabay-sabay natin ungkatin ang kasarinlan. Ating ipagmalaki ang mga pinagdaanan, Kilalanin ang bawat taong buong pusong nakipaglaban, Sa bansa na ating sinilangan at kinagisnan. Bayani-- may anim na letra at tatlong pantig, Nais ipaalam ang kanilang himig Mga ‘di kilalang bayani, nakaukit sa kasaysayan Ating simulan na ipagkalandakan, ang kanilang ginawa para sa sangkatauhan!
unknown BY: HEINZ QUIBER LAYOUT BY: GLIDHEL SET
POETRY| 19
A
H O R R O R
P O E M
A B KA G A L -BA N A H Handa ka na bang masindak?
LAYOUT BY: GLIDHEL SET
POETRY| 20
NUNO SA PUNSO BY: KATHLEEN INNA BAY Tabi tabi po, nuno Ako’y makikiraan Sana’y huwag akong saktan Kung ika’y matapakan.
tagapagalaga Kutis na para bang pinahiran ng uling Mahahabang kamay at paa Matang mapang-akit Sa bawat pag-buga ng usok Ako’y nagmamasid sa dilim Nag babantay ng gubat Ang aking munting hiling ay, Huwag sanang magkalat At baka ika’y aking iligaw At hindi na muling makalabas ng gubat.
LAYOUT BY: GLIDHEL SET
POETRY| 21
SHORT STORY
CREATIVE NON FICTION| 22
Zarah Veronica Ortega
Pag-alis, Pag-uwi “Aalis ka? Malamig na tugon ng kaniyang ina matapos sabihin ang kanyang balita. “Opo Ma, pero saglit lang naman-” “Ano nagdedesisyon ka na ngayon para sa sarili mo?” Padabog na tumayo ang ina ni Raquel sa hapagkainin bagaman hindi pa ito tapos kumain ng hapunan. “Ma, magandang opportunity ‘to para sa akin. Please, payagan mo na ako.” Napatigil si Raquel sa pagkain at binaba ang kaniyang mga kubyertos sa plato. Tinignan niya ang kaniyang ina habang ang mga luha niya ay unti-unting nangingilid. “Sige, subukan mong umalis sa bahay na ’to, huwag ka na nang babalik.” Sabi ng kaniyang ina at tumalikod. Pakiramdam ni Raquel ay binuhusan siya ng malamig na tubig sa kaniyang buong katawan. Labis ang pagkadismaya na naramdaman ni Raquel sa reaksyon ng kaniyang ina. “Ma, bakit ganun?” Mahinang tanong ni Raquel na nakapagpatigil sa kaniyang ina sa paglalakad nito palayo. “Sa mga kapatid ko, palagi ka namang supportive. Pero pagdating sa akin, palagi kang walang pakialam sa kahit anong ginagawa ko. Kahit marami pa akong magandang nagawa, magkamali lang ako ng isang beses mababalewala na yun lahat.” “Ano bang mapapala mo kapag tinanggap mo yang scholarship na yan, ha? Dagdag gastos lang yang pagpunta mo dun eh!” Napatikom si Raquel ng kaniyang bibig dahil sa takot at pagkalugmok. Hindi niya malaman kung paano sasagutin ang kaniyang ina ngunit desidido siyang tanggapin ang scholarship, suportahan man siya ng kaniyang ina o hindi. “Marami na nga ritong problema sa bahay tapos gusto mo pang dumagdag.” ❊❊❊ “Ate bakit lahat ng desisyon ko parang mali para kay mama?” Umiwas nang tingin si Raquel sa kanyang nakatatandang kapatid habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa kanyang mga mata. “Ate Mir, malapit na akong umalis ulit. Bakit hindi niya pa rin ako mapatawad?” Napatigil sa pagsasalita si Raquel at saglit na natulala. “Hindi lang naman siya yung nawalan. Aksidente ang nangyari kay Papa, hindi ko rin naman ginustong mawala siya.” “Raquel, hindi man tama ang naging reaksyon ni mama pero hindi rin tama ang naging desisyon mo noon na umalis rito sa bahay nang biglaan. Nabigla lang si mama noting mga oras na ‘yon.” Malungkot na banggit ng kanyang nakatatandang kapatid na si Mireya.
LAYOUT:LEAH F. RABOR
CREATIVE NONFICTION| 23
“Ate, utang na loob! Buong buhay ko nakikisama ako kay Mama kahit sobrang hirap sundin ng mga gusto niya. But now, I’m already 31 years old and I have a stable job. Don’t you think na may karapatan na akong magdesisyon para sa sarili ko?” Pabulong ngunit madiing sambit ni Raquel. Buong buhay niya ay sinusunod niya ang kaniyang ina, kahit hindi pa nito kagustuhan ang kursong Interior Design. Kinuha niya pa rin ito dahil ito ang gusto ng kaniyang ina para sa kaniya. “Hindi lang inaasahan ni mama na bigla kang aalis kahit pa konektado sa pag-aaral mo.” Tinignan siya ng malalim ng kaniyang kapatid. “Pero mahal ka niya.” ❊❊❊ “V! Nakauwi ka na pala!” Ang bungad kay Raquel pagkabukas niya ng pintuan ng kaniyang condo, kasabay ng mahigpit na yakap na mula sa isang taong hindi niya inaasahan. “Kuya Chard! A-Akala ko nasa Canada ka! Sabi ni ate Mir doon ka na raw nagtatrabaho!” Mahigpit na niyapos pabalik ni Raquel ang kaniyang pinakamatandang kapatid. “Pasok ka, kuya! Kumusta naman ang buhay engineer sa ibang bansa, ha?” Masiglang tanong ni Raquel at kinuha ang pagkaing bitbit ng kaniyang kuya. Pinaupo ni Raquel sandali ang kaniyang kapatid sa salas upang ilipat ng lagayan ang pagkaing dala nito. Matapos ay agad rin siyang bumalik sa sala upang makipagkwentuhan. “Bakit mayroon kang imahen ni Mama Mary dito sa salas mo?” Biglang naitanong ng kapatid niya nang mapatingin ito sa isang sulok. Napangiti si Raquel ngunit pansin ang bahid ng lungkot sa kaniyang mga mata. “Naalala ko kasi si Mama habang dinedesenyuhan ko itong condo. Kahit na maliit na bagay, gusto kong magkaroon pa rin ng koneksyon sa kanya.” Seryosong sagot ni Raquel. Tumango ang kaniyang kapatid sabay ng pagtayo nito at lumapit kung saan naroroon ang imahen. Tahimik siyang nagmamasid at napansin niya ang isang family picture frame malapit sa imahen. Ngunit ang pumukaw sa kaniyang atensyon ay wala rito si Raquel. “Bakit naman ayan ang napili mong i-display eh wala ka--” “Kasi diyan ko nalang ulit nakita na sobrang saya ni Mama.” Sagot ni Raquel sa hindi pa tapos na tanong ng kapatid. “Tara, uwi na tayo.” Sambit ng kaniyang nakatatandang kapatid at humarap sa kanya. ❊❊❊ “Hindi lang kayo yung nawalan Ma! Nawalan din ako ng tatay!” Hindi napigilan ni Raquel sagutin ang kaniyang ina matapos nitong sumbatan siya sa pag-alis niya sa Pilipinas. Kasalukuyan silang nag-uusap sa telepono at hindi maganda ang pinatutunguhan nito.
CREATIVE NONFICTION| 24
“Nawala ang Papa mo dahil sa kagagawan mo tapos ang lakas ng loob mong umalis sa bahay at nangibang bansa ka pa! Wala ka na bang utang na loob? Puro pagpapasarap sa buhay lang ba ang kaya mong gawin?” Galit na sigaw ng kaniyang ina mula sa kabilang linya. Tatlong taon na mula nang makarating si Raquel sa London at natapos na rin niya ang scholarship na natanggap mula sa kaniyang eskwelahan. Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho siya sa isang kompanya kung saan siya nagtraining noon. Pagkatapos na pagkatapos ng kaniyang OJT ay kaagad siyang kinontak ng manager na humawak sa kanya upang magtrabaho sa nasabing kompanya. Habang lumilipas ang panahon ay siya ring pag-angat ng posisyon ni Raquel sa trabaho dahil sa kanyang angking galing sa naturang larangan. Sa loob lamang ng isang taon ay siya ang nagkaroon ng pinakamaraming kliyente sa Interior Design Firm na pinagtatrabahuan niya. Hindi siya makauwi ng Pilipinas dahil alam niya na hindi niya alam kung paano niya haharapin ang kaniyang ina. Alam niya na siya pa rin ang sinisisi nito sa pagkamatay ng kaniyang ama. ❊❊❊ Halu-halo ang nararamdamang emosyon ni Raquel nang muli niyang makita ang ina. Maraming bagay ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Takot, poot, lungkot, pagkasaya-hindi niya mawari kung ano ang tunay niyang nararamdaman. Kasalukuyang nagluluto sa kanilang kusina. “Mireya, pakibili nga ako ng toyo!” Pagharap nito ay nagulat siya nang makita ang kaniyang bunsong anak na si Raquel. “Ma,” halos pabulong na bati ni Raquel at lumapit sa ina upang magmano. “Anak, kumain ka na ba?” Naluluhang sagot nito at niyakap si Raquel. “Teka lang ha? Hindi pa ako tapos magluto ng hapunan eh. Maupo ka muna at kwentuhan mo ako kung kumusta ang naging buhay mo sa ibang bansa.” Tumango si Raquel at umupo sa may lamesa banda ng kanilang kusina. “Ma, namiss ko kayo.” Nakangiting sabi nito. “Anak,” Maluha-luhang sabi ng kaniyang ina. “Anak, patawad. Patawarin mo si Mama kung sinisi ka niya.” Hindi napigilan ni Raquel ang mga luhang kaniyang pinipigilang pumatak.
CREATIVE NONFICTION| 25
LAYOUT BY: GLIDHEL SET
T make-up H artist E
LEAH
I
M E E T
RABOR
EDITOR
the
F U L
Duti
A R T I S T
ANDREA
DELA
TRINIDAD
T
'
S
T
T H E T H E
Maria
Clara
CHARMAINE
VELOSO
PROOFREADER
PROOFREADER AL
TRESTAN
AZUL
WRITER
THE
BUT
pretty
attitude
T H E
hindi ka
SU SU KU AN
P I N A
F I L I
RAIZA NADYNNE
LAO
MAE
WHICH
PILI are
NOCEDA
WRITER
ANG
EDITOR
the
handa kang L IPAG B A N
KATE
GARCIA
WRITER
ST RO NG
KATHLEEN
WRITER
THE WO MAN INNA
habulin
C H
NG I X
BAY
ARISSEN
WRITER
GONZALES
| 26
I
M
E
T
O
C R E A T O R S
RE BEL
the
C H I L D
the MASIPAG
the
YUUKI
M
FI LI PI NA
O
N A
anak
D
E
R
N
GLIDHEL HEINZ
KATO
WRITER
the MAKA BAYAN
L
A
D
Y
SET
EDITOR
OUIBER
WRITER
talentadong
TYPE OF
PINO you ?
PINAY
MASUNGSONG
WRITER
BEATRIZ
M a r i a
heng
sa
MEN TAL ITY
CRAB ARAH
ANONG
yo?
PHOEDESS
VERIL
WRITER
the
BIR GANDA
KATHLEEN
CORONEJO
WRITER
T H E
TOLERAN
masu nuring A N A K
PROOFREADER RHUMMUEL ZARAH
WRITER
ORTEGA
WRITER
QUIBAEL
| 27
LAYOUT BY: GLIDHEL SET
ESSAY| 28
Kababae Kababae Mong Mong Tao Tao BY:YUUKI KATO “O, babae, bakit hindi ka maging marangal?” Minsan itong tanungin ng mga matatandang nakaupo lamang sa bakuran ng kanilang mga tahanan, o kaya ng mga lalaking naglalakad lamang sa daan. Pinalaki akong binibihisan palagi ng damit na kulay pink at lila. Ang palagi kong karga noong bata ako ay manikang sanggol na kunwari’y papakainin ko na gamit ng aking dibdib. Sa bahay-bahayan, ako ang tagaluto at tagalinis ng tahanang gawa sa kumot na sinipit sa upuan. Hindi ko sinasabing kasalanan ng aking magulang kung bakit, noong ako’y bata, pinaniwalaan ko na ito lamang ang aking hangganan sa paglaki; na kapag pinanganak kang walang ari ay limitado ang mga kaya mong gawin. Kahit sa paaralan, kapag ang mesa sa tapat ng pisara ay ipapalit ng puwesto palaging lalaki ang tinatawag ng guro. Nang ako’y nagdalaga, mas naging strikto ang pananaway ni mama at papa. Bastos ang pagdighay sa harapan ng hapagkainan. Huwag makikipaghabulan sa kalsada o kaya sa maputik na daanan. Iwasan madapa at hindi na gaganda ang kutis ko sa binti. Ngunit ang pinakapaborito kong saway sa akin ay “Kababae mong tao, nakabukaka ka pa rin.” Kahit hindi ako nakapalda, bawal pa rin akong bumukaka. Tinanggap ko nalang ang estado ng aking pagkababae. Kadalasan, kapag lalaki ang katabi ko sa bus o jeep, lalo na kapag siksikan, nakabuka pa rin ang kanilang mga binti habang ang hita pati na rin ang tiyan ko ay ipit na ipit. Pero hindi ko sinara ang akin mga binti dahil masikip kung hindi dahil ito nararapat gawin ng isang babae. Noong ako ay lumalaki, lalont dumami ang mga bawal sa akin. Bawal akong lumabas ng bahay nang walang taklob ang aking dibdib. Bawal akong magsuot ng maikling pambaba kahit nakakasunog ang sikat ng araw sa labas. Bawal akong umuwi kapag madilim dahil laganap ang mga nambabastos sa lagim. Ganito ba talaga ang realidad ng lipunan; kung saan ang kababaihan ay maari lang bumukaka ka kama? Kung saan ang pagkawala ng kabusilakan ng babae ay isang malaking kasalanan at kahihiyan ngunit isang karangalan para sa isang lalaki? Kung saan nagagahasa pa rin ang babaeng balot na balot sa kaniyang mga kasuotan ngunit sa huli siya pa rin ang may kasalanan.
LAYOUT BY: GLIDHEL SET
ESSAY| 29
O, babae, tayo ay mga marangal. Hindi tayo manikang kailangan bihisan ng iba. Mayroon kang bibig na hindi mo lang gagamitin para sa kaluguran ng iyong kasintahan. Mayroon kang boses na marapat na pakinggan ng mga tao sa iyong paligid. Mayroon kang mga pangarap na hindi lamang nakakulong sa panganganak at pangangalaga ng pamilya. Kababae mong tao, hinahayaan mong inaapak-apakan ka ng lipunan?
a b a k Babae 'Di ? a g a l . ta . . t a p a D ! a halat
Babae ako at 'di mo ko kailangan diktahan.
an g
Ta lam
o
ak
di t
TALANGKA by: Al Trestan Azul
Alam mo ba na may mahigit 4,500 na uri ang mga talangka? Merong Japanese spider crab at ito ay ang pinakamalaking uri ng talangka sa buong mundo. Meron din uri ng talangka na napakaliit, ang tawag naman dito ay pea crab. Sa sobrang liit niya ay mas malaki pa ang piso mo sa bulsa, pero alam mo ba na may kakaibang uri ng talangka na sa Pilipinas mo lang matatagpuan? Sa sobrang kakaiba nito ay hindi mo lang sila makikitang gumagapang sa mga buhangin at sa ilalim ng dagat, ngunit makikita mo sila kahit saan sa Pilipinas. Ang mga talangka na ito ay akala mo napaka-taas, makalasap lang ng konting yaman o makaranas ng konting pag-angat ay ang taas na agad ng tingin sa sarili at hindi na makatingin sa mga iba pang uri na nasa baba niya. Pagkatapos magyabang ng mga talangka na ito ay saka lalabas yung pag-mamagaling niyan. Alam nila ang lahat kaya kapag sinubukan mong punahin ay hindi ka niyan maririnig dahil ang naririnig lang niyan ay ang sarili niyang pamumuna. Puna ng puna sa iba pero sariling mali hindi nila nakikita. Mga talangka na madaming nakikitang mali sa iba pero bulag sa sariling pagkakamali. LAYOUT BY: NADYNNE LAO-ANG
ESSAY| 30
Pero sinong mag-aakala na ang mga talangka na ito ay rasista sa sarili nilang uri? Nakadepende ang tingin nila sayo sa kung saang lugar ka ba nanggaling. Mga talangka na imbis na gumawa ng solusyon o tumulong ay mas pipiliin pa na hilahin pababa ang mga nasa baba na. Ano ba ang aasahan mo sa mga talangka na ito? Wala talagang awa yang mga yan dahil sarili lang nila ang importante. Nakakalungkot pang isipin na karamihan sa mga talangka na ito ay makikita mo sa loob pa ng gobyerno. Nakatatawang isipin na takot ang mga talangka na ito kapag nakikita nilang umaangat ang mga tao sa paligid nila. Lalabas bigla ang takot niyan, hindi mag papalamang yan kaya kapag alam nilang hindi ka nila kayang lamangan, edi hihilahin na lang din pababa ang mga umaangat. Yan ang prinsipyo nila sa buhay, kapag hindi nila kaya dapat hindi mo rin kaya. Hirap din isipin na yung mga tinulungan mo pang umangat ay yung mga tutulak din sayo pababa. Imbis na ituring nilang kakampi ang kanilang kapwa, tinuturing pa nila itong kalaban. Mas gugustuhin pa nilang matalo ang pangkat nila kesa sa i-panalo ngunit hindi sila ang magaling sa pangkat nila. Mag ingat ka sa mga uri ng talangka na ito, hindi mo alam kung hanggang saan ka kayang hilahin niyan. Hindi nila gustong makita na umaangat ka sa buhay, hahanapan ka niyan ng mali para lang bumagsak ka. Mali nga lang kasi talaga ang nakikita ng mga talangka na ito. Talamak talaga ang uri ng mga ganitong uri ng talangka sa Pilipinas, kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit hindi umuunlad ang ‘Pinas. Pero kahit na ano pang sabihin mo sa kanila o kahit na ano pa gawin nila, hindi sila aamin na talangka sila. Ano pa nga bang aasahan mo? Mga bulag sa sariling pagkakamali.
LAYOUT BY: NADYNNE LAO-ANG
ESSAY| 31
PINOY CUISINE CULTURE BY: KATHLEEN VERIL
BAGOONG
DINUGUAN
KAMAYAN
The importance of food is obvious and an
and increases overall well-being for both
this method. It is acceptable to eat food with
essential. Healthy food provides us the
individuals and communities. Filipinos does
one's hands at restaurants as well as at
nutrients and energy to develop and grow,
not consider it a meal if rice is not served.
home, and as for breakfast it is served at 6
be active to move, play, work, think and
Plain steamed rice is the basis of the diet.
A.M. Filipino people are fond to eat snacks
learn. Food is the third most important
We are fond of dipping on or pairing
during merienda as Filipinos eat more than
thing for living beings. It is to provide us anything with our dishes. We Filipinos eat
three times a day. The Filipino culture I
enough
energy
for
development
and
with our hands. Have you ever heard of the
have learned is that every one has a very
maintaining life. In fact, it is one of the most
saying, “You are not a true Filipino unless
vibrant personality and very alive. The
complicated sets of chemicals. Food and
you learn how to eat with your hands”? It
Philippines has a very unique culture due to
water are the main sources of nutrition and
has already been part of our culture and
the influences of colonization and the
it strengthens the body, however, many of
stems back to the early times when we
surrounding countries. Filipino people are
the food that we eat does not have any
could not afford to buy utensils. Now, it
very hard working. They strive to make life
nutritional values. Filipino’s are fond of
comes out of tradition especially if local
better for the next generation. The melting
eating. Culture provides important social
cuisine is served or if the meal is presented
pot theory that is evident in this culture
and economic benefits. With improved
in banana leaves. The traditional method of
makes this country a vibrant, exciting and
learning and health, increased tolerance, placing food on a banana leaf and eating
diverse place to live and visit. I believe the
and opportunities to come together with
with one's hands is also used throughout the
first step in helping to keep culture alive is
others, culture enhances our quality of life
country. Filipinos are very familiar with
recognizing its value and it's importance.
LAYOUT BY: ALEXANDREIJOI GARCIA
ESSAY| 32
THE AUTHOR BEHIND THE STORY
Q#1: Anu-ano na ang iyong mga naisulat? Alleyn: One Night’s Mistake, All About Her, and Short stories sa Wattpad.
BY: BEA CORONEJO
Q#2: Kailan ka nagsimula magsulat? Alleyn: "Nagsimula siguro akong magsulat noong high school, sa papel pa iyon. Sulat kamay na mga sinopsis hanggang sa sinubukan bumuo ng kwento. Pero mas lumalim ang hilig sa pgaulat noong natunton ang isang online writing site".
Q#6: Hangarin mo na ba talagang maging isang manunulat? Alleyn: "Ang pgsusulat para sa akin ay isang pampalipas oras lang upang mailabas ko ang mgakulay na mundong nais isulat ng aking malikot na imahinasyon. Kumbaga gusto ko lang mailabas yong mga bagay na parang bumabagabag sa isipan ko, na siya palang kuwentong pagmumulan ng insipiration ng ibang nakabasa ng aking mga akda.
Q#7: Paano nag simula ang iyong career bilang isang ganap na awtor? Alleyn: Masasabi kong nagumpisa ang aking karera sa pagsulat noong madiskubre ko ang Wattpad at sinubukan kong sumulat ng kuwento. Di ko inasahan na ang paisa-isang update ko ay hahakot ng mga mambabasa.
Q#3: Paano mo nadiskubre ang pagsusulat? Alleyn: "Dala na rin ng pagkahilig sa pagbabasa ng pocket books, nainspire ako na magsulat din ng kagaya ng sa mga nababasa ko".
Alleyn Mae C. Coronejo USERNAME : BLUEKISSES
Q#4: Inakala mo bang ikaw ay magkakaroon ng pagkakataong maipublish ang iyong gawa noong nagsisimula ka pa lamang?
Alleyn: "Pinangarap pero hindi inakala. Oo pinangarap ko na isang araw, magkaroon ng published book. Pero hindi ko inakala na ang pangarap ko ay kaya ko rin palang isakatuparan".
LAYOUT BY: ALEXANDREIJOI GARCIA
AGE: 24
Q#5: Paano nakatulong sa iyong pagsulat ang mga negatibong komento? Alleyn: "Ang mga negatibong komentong ito ang nagpatatag at nakatulong sa akin ng paunti-unti. Masasabi kong malaking pagbabago ang naidulot sa ‘king pagsulat sa ikalawang nobela ko. Ang mga negatibong komento patungkol sa aking grammar at mga butas sa story line ang siyang sa palagay ko’y naging mas maayos".
INTERVIEW| 33
Q#8: Anong naitulong sayo ng pagsusulat? Alleyn: Natutunan kong ibahagi ang kaalaman ko, nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan, mga mambabasa at kapwa manunulat. Naranasan kong makilala at makarating sa tuktok, pero natutunan ko rin na hindi sa lahat ng panaho’y nasa tuktok ka ng kasikatan. Pero gayon pa man, alam kong marami pa akong puwedeng ibahagi.
Q#9: Magbigay ng advice para sa mga kabataang hangarin maging tulad mong manunulat. Alleyn: Ang masasabi ko lang ay “Sumulat ka hindi para sumikat, magsulat ka kasi ‘yon ang nais mong gawin.” - kung may pasyon ka talaga sa pagsulat, lalabas at lalabas ‘yan kailangan mo lang sumulat, marami nang online na paraan ng pagsusulat. Sabi ko nga, sumulat hindi para sumikat, sumulat upang ibahagi ang iyong nais at mai-express mo ang iyong sarili. Goodluck sa’yo na nangangarap maging manunulat. Nagsimula din ako nook sa pangarap. INTERVIEW| 34
EXPLORE T H E
P H I L I P P I N E S
L I T E R A T U R E LAYOUT BY: GLIDHEL SET
M A G A Z I N E
2 0 2 0