Ang Sapatusan Tomo 7 Isyu Blg. 2 SY 2023

Page 1

Nina ANTONIO JOAQUIN RAVELO, SHANAYA SALES

Ni CAHRI SATURAY

Ang espasyo kung saan malaya dapat ang mga mag-aaral na matuto ay ngayong pinag-aagawan at pinagsisiksikan.

Nagkukulang ang

Department of Education

(DepEd) ng 159,000 na silidaralan para sa taong 2023-2024.

Mas dumami pa ito mula sa 91,000 na silid-aralan na kanilang pinagkulangan sa huling taon.

Dulot nito, humingi ng P397 billion ang DepEd upang mayroon silang panggastos sa pagpapatayo ng mga silid.

Ipinaliwanag ni Education

Assistant Secretary Cesar Bringas na halos dalawang milyong piso ang kailangang gastusin para sa isang silid.

Sinasabi sa House Bill 473 o “An Act Regulating Class Size in All Public Schools and Appointing Funds Thereof” na ang karaniwang hahawakan dapat ng isang guro sa isang klase ay 35 na mag-aaral.

Inilunsad ng DepEd ang paghati ng mga klase sa tatlong “shifts” sa mga paaralang naaapektuhan ng isyu.

“The grouping means some students go to school from 6 a.m. to 10 a.m., the second shift from 10:30 a.m. to 2:30 p.m., and the last from 3 p.m. to 7 p.m.,” ani Bringas.

Binigyang-diin ni Bringas na prayoridad pa rin ng DepEd ang pagpapatayo ng mga silidaralan upang hindi humadlang sa oras ng mga mag-aaral.

LABAN SA LUPAIN

Samantala, isa sa mga paaralang hinaharap ang kakulangan ng silid-aralan ay ang Marikina Science High School (MariSci) na nilisan nila ang kanilang sariling kampus.

NILALAMAN

balita

MALEDUK-ASYON

DepEd

salat sa 159k silid-aralan

Bringas: P397-B kailangan upang lutasin ang suliranin

Nagtatalo ang MariSci at Marikina Polytechnic College (MPC) tungkol sa pagmamayari ng lupa kung saan nakatayo ang paaralan.

Dulot ng problema ng dalawa, pansamantalang inilipat ang mga mag-aaral ng MariSci sa KES at KNHS.

Ayon kay G. Joseph Santos, punongguro ng paaralan, pansamantala pa ring gagamitin ng MariSci ang mga pasilidad na nasa paaralan.

“For now we are still in possession of our school building at Santa Elena, so we will still be using that property or facilities,” sabi ni Santos. “We’ll wait on the decision of higher authorities but for now, for now, we are still, if I may use the word 'fighting,' we’ll fight for our rights.”

Binigyang diin ni Santos na hindi lang lupain ang ipinaglalaban ng MariSci kung hindi ang kanilang pagkakakilanlan din.

“Ito yung ma-uphold ko, identity ng school, identity ninyo, identity nating lahat. If I will look back and see my school where I graduated, nasa'n? Nasa Calumpang? Ito ba yung place kung sa’n ako nahubog? Hindi,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Santos na ipaglalaban ng MariSci ang kanilang karapatan sa lupa at ang kasaysayan na mayroon ito.

“The history will tell kung ano ang Marikina Science High School. It’s not just created by a law,” dagdag niya. “Hopefully marealize ni MPC not just laging batas ang pag-uusapan, but pagusapan kung saan nangagaling ang bawat isa.”

Nakakababae ka na!

Pag-usisa sa usapin ng menstrual equity sa paaralan

Ni CHLOE BALANTA

Sa kabila ng malaking bahagdan ng mga babaeng mag-aaral ng Marikina Science High School (MariSci), naungkat din ang usapin ukol sa menstrual equity o mga karapatang pang-regla ng mga mag-aaral.

Ang menstrual equity ay tumutukoy sa pag-sustento ng mga produktong eksklusibo sa mga babae.

Dagdag pa rito, ang pagkaloob nang sapat at nararapat na edukasyon tungkol sa mga seksuwal at reproduktibong aspekto ng katawan nagbabaklas sa estigma na pumapaligid sa paksang ito.

Pumapaloob dito ang mga produktong katulad ng napkin, tampon, menstrual cup, at iba pa na patuloy ang pagtaas ng presyo sa merkado.

Ayon naman sa County of Santa Clara, hindi mabilang ang dami ng mga taong nakararanas ng regla araw-araw, ngunit mayroong humigit-kumulang 500 milyong taong nasa laylayan ang hindi matugunan ang kanilang pangangailangan para sa mga produktong panregla.

‘MENSTRUAL EQUITY’ SA MARISCI Sa lumang kampus ng

MariSci, mayroong vending machine sa labas ng banyo ng mga kababaihan kung saan maaaring bumili rito ng tisyu, napkin, at wet wipes. Subalit nang lumipat ng kampus ang mga mag-aaral nito, wala na rin ng vending machines na maaaring bilhan ng mga produktong ito sa labas ng mga banyo. Karagdagan, napakababa ng mga pintuang naghahati ng mga stalls o kuwadra dito.

Kung kinakailangan ng mga produktong pang-regla, maaaring mamili sa kantina ng paaralan at kung nais naman ng gamot para sa sakit ng katawan ay maaaring humingi ng medisina mula sa klinika.

Samantala, mula sa pananaw ng ilang babaeng mag-aaral ng MariSci, walang malisyang nabubuo sa tuwing pinaguusapan ang paksa ng regla.

“I think 'di ko naman siya napi-feel, dahil for me its [a] normal thing that happens. Menstruation is something that normally happens to women and it's not wrong nor a dirty topic to talk about,” wika ni Aera Valencia, isang mag-aaral mula sa ika-10 baitang. Sa kabilang dako, mayroon pa ring mga babaeng nahihiya o hindi komportable sa pagharap sa paksang ito tulad na lamang ni Saira Bruno mula sa ika-11 baitang.

“Other than being uninformed about menstruation, I was also conditioned to be ashamed of it, because whenever the topic of menstruation does get brought up, the common reaction to it by my peers was to be either disgusted or uncomfortable,” aniya.

Dagdag pa rito, nakararamdam din si Bruno ng pagkabagabag sa tuwing kinakailangan niyang manghingi ng mga produktong panregla gawa ng kaniyang pag-iisip na kinakailangan itong itago sa mga taong labas sa kaniyang pamilya. “Tulad nga ng sabi ko, hindi mahirap sa akin ang magtanong o pag-usapan ang bagay na ito dahil alam ko naman na normal at walang dapat ikatakot pagdating dito,” pahayag naman ni Laetitia Garcia, isang mag-aaral mula sa ika-12 baitang. Nang tanungin ang mga kababaihang ito kung laganap ba ang menstrual equity sa paaralang kanilang pinamamalagian, negatibo ang kanilang mga kasagutan. Ayon kina Valencia, Bruno, at Garcia, hindi sapat ang pagsisikap ng paaralan tungo sa pagpapairal ng mga karapatang panregla sa akademikong lipunang ito.

“As we notice sa school building comfort rooms, walang menstrual products. Even sa classroom health kits, wala rin doon yung menstrual products, even though needed siya as a health product,” wika ni Valencia.

“I would suggest allocating a budget specifically designated for affordable menstrual products accessible to all students,” wika ni Alyzza Cruz mula sa ika-9 na baitang. “Additionally, I recommend incorporating comprehensive menstrual education into the school curriculum.”

Ito rin ang isinaad ni Dra. Rochelle Jane Ong, isang obstretician o doktor na dalubhasa sa pagpapaanak.

Ayon sa kaniya, ang hindi sapat na kaalaman tungkol sa seksuwal na edukasyon ang nagdudulot sa maagang pagbubuntis, mga problema sa pagplaplano ng pamilya, at lubos na kahirapan.

“Teaching them about health and sex education can start in their respective homes with their own family or most especially their parents as their teachers. This can help young women to be more responsible and more knowledgeable about it; thus, will prevent teenage pregnancy which is really a global health issue nowadays,” saad ni Dra. Ong.

02
TOMO VII, ISYU 2 HULYO-DISYEMBRE 2023
Sikat- Aurora
2022-2023. |
B. Babina 35k ang BILANG NG LUMAHOK SA IKA-18 NATIONAL SCOUT JAMBOREE sa Pintados de Passi Camp, Passi City LATHALAIN | PAHINA 12 apatusan ang DUGONG MARIKENYO.
KASALATAN. Naglilinis ang mga mag-aaral ng ikapitong baitang ng Marikina Science High School ng kanilang silid-aralan para sa paggamit ng susunod na klase ng ikasiyam na baitang sa hapon. Nagsimula ang hatian ng paggamit ng silid-aralan ng mga MariScians noong
kalagitnaan ng taon ng
Kuhang Larawan: John Raye
Nitong ika-13 ng Enero, isinagawa nina Mayor Marcy Teodoro at Cong. Maan Teodoro ang Blood Donation Drive sa City Hall. Ayon sa isang tagapamahal ng programa, ito na ang ikalawang taon ng programa na humihimok sa bolunterismo ng mga tao. (Kuhang larawan ni Noel Rufon II) GRASYA NI GRACE. Maingat at metikulusong inihahanda ni Grace Bongalos ang sikat niyang Japanese cake nitong ika-13 ng Enero habang kaniyang pinapatakbo ang kaniyang munting stall Bayan Market. Ayon kay Bongalos, ang negosyong ito ang patunay ng pagmamahalan nila ng kaniyang asawa matapos nila itong itinatag noong 2003. (Kuhang larawan ni Noel Rufon II)

Mga pamilyang maiiwan ng mga gurong pumanaw, suportado ng FEA

Buhat ng pinsalang dala ng COVID-19, isang malaking tulong pampinansyal ang mandato ng Marikina Teachers’ Federation sa pagsipa ng bilang ng mga gurong namamatay.

Ayon sa datos mula Agosto hanggang Disyembre ngayong panuruang taong 2023–2024, mayroong limang

guro sa Marikina ang pumanaw na. Kaugnay rito, bawat kasapi ng Faculty Employee Association (FEA) ng mga paaralang kasapi ng pederasyon ay kinakailangang magbayad ng P100.00 bilang pantulong sa pamilyang naiwan ng pumanaw na guro. Ayon sa panayam kay Marikina Science High School (MariSci) FEA

Vice President, Arvin Lark Santiago, dahil sa nabuong ‘professional’ at ‘personal’ relationships, naging bahagi na sila ng ‘extended professional families’ kaya nariyan sila para magbigay ng emosyonal at pinansyal na suporta sa oras ng pangangailangan o krisis. Dagdag pa niya, saklaw rin ng patakarang ito ang mga gurong nagretiro na mula sa serbisyo na

Halalang pambarangay, muling umarangkada

Matapos ang halos limang taong pagkaalantana, muling isinagawa ng lungsod ng Marikina ang kanilang halalang pambarangay noong ika-30 ng Oktubre, 2023.

Matatandaang ilang beses naudlot ang eleksyon dahil sa pandemya. Tatlong taon na ang nakalipas matapos ang orihinal na petsa ng eleksyon.

Sa pangunguna ng COMELEC Marikina, matagumpay na nairaos ang naturang pagbabalik ng botohan sa iba’t ibang paaralan at presinto ng 16 na mga barangay ng naturang lungsod.

Ayon kay Joseph Santos, punongguro ng Marikina Science High School (MariSci), nagsagawa ng mga oryentasyon at mga training ang mga guro sa pangunguna ng COMELEC at DepEd bilang paghahanda sa naturang halalan. “Mayroon silang training— nagsagawa sila ng two-day o one-day seminar training workshop. Ginawa nila iyon doon sa Marikina Convention Center,” ani Santos sa Ingles. Bagamat pinaghandaan, hindi maiiwasan ang mga aberya sa mismong araw ng halalan.

Ayon sa pagsasalaysay ni Cesar Santos, isang guro sa MariSci na nanilbihan bilang poll clerk sa Pasig City, nagsimula sila sa mismong araw ng eleksyon ng 7 A.M., ngunit inabot na sila ng 1 AM bago makauwi. “Kailangan mabigyan nila ng importansya ‘yung time ng teacher, na kung tutuusin, natapos ang eleksyon ng alas-tres, nagbilangan ng hanggang seven. Dapat nasa bahay na kami, pero nasa’n kami? Nasa labas hanggang 1 A.M., naghihintay kasi nga nasimulan ng mali, matatapos ng mali,” saad ni Santos. Tinukoy ng guro kung paanong hindi kakikitaan ng mabilis na sistema ang proseso ng pangangalap ng mga dokumento sa naging eleksyon.

“Instead na nale-lessen ‘yung work, napapadali, nasi-simplify, mas lalong nagiging complicated, na every election, complicated ‘yung pinapagawa sa electoral board. Kaya maraming teacher na ‘yung ayaw na umupo,” pagdidiin ni Santos.

BAGONG BALOTA, BAGONG

BOTANTE

Kasabay ng pagbukas ng halalang pambarangay ay ang

pagbubukas rin ng oportunidad sa mga kabataan na isagawa ang kanilang karapatang bumoto.

Ayon sa isang media forum noong Enero, inaanyayahan ng COMELEC ang mga kabataang edad 15 pataas na magrehistro para bumoto sa eleksyon Sangguiniang Kabataan.

Isa si Brianna Espidillion, magaaral ng MariSci, sa mga kabataang unang bumoto sa Kalumpang National High School.

Binigyang-diin din ni Espidillion ang kahalagahan ng inilalaang boto ng mga mag-aaral gaya niya upang mamulat sila sa 'tama at kritikal na pagbot' sa mga susunod pang mga halalan.

“Ang mga salita ay madali lamang ikot-ikotin, pero ang totoong aksyon ay talagang dapat na makita at makikita. Ito ang mahalaga sa akin upang matimbang kung ano ang pinapahalagahan ng kandidato at kung may kapasidad [ba] talaga siyang gawing makatotohanan ang kaniyang mga plano at plataporma,” dagdag pa niya.

TAO PO SA NAKAUPO Noong ika-30 ng Nobyembre, 2023, isang buwan matapos nagdaan ang naturang halalang pambarangay, opisyal nang iniluklok sa posisyon ang mga nagwagi.

Isa si Alek Antonio Andres sa pitong mga nanalong kagawad ng Barangay Kalumpang. Ang ilang linggo niyang pagkakaupo sa puwesto ay nakatuon sa pagsasagawa ng kaniyang ibinahaging plataporma.

“Gusto ko makatulong sa ating mga kabarangay na may maintenance kaya naisipan ko tulungan ang ating LGU na magpabahagi ng tulong pangmaintenance,” ani Andres. Isa sa mga pangunahing platapormang kaniyang inilatag ay ang pamamahagi ng mga gamot na pang-maintenance tulad ng Losartan, Amlodipine, Metformin, at vitamins para sa matatanda. Bukod pa rito, isa rin sa mga adbokasiya ng kagawad ang mas mapaigting pa ang pagpapahalaga sa mga isports gaya ng larang ng darts.

“Sa pagpipili [ng iboboto] ay kilalanin at kilatisin mabuti ang kandidato para malaman po natin kung sino talaga ang may malasakit sa ating barangay,” muli niyang pagpapaalala sa mga Marikenyo.

nagampanan nang maayos ang kanilang trabaho at aktibo pa rin sa pakikilahok sa mga proyekto ng paaralan at organisasyon. Sa kasalukuyan, patuloy na isinasagawa ang patakaran at kasunduan na ito dahil sa suportang naibibigay nito at dahil na rin sa patuloy na pagkilos ng Marikina Teachers’ Federation, saad ni MariSci FEA President, Cesar Santos Jr. PAGBABAGONG

LIGAYA NI LIGAYA. Nagmamalaking ipinakita ni Ligaya FernandoAmilbangsa, isang internasyonal na alagad ng sining, ang kaniyang

ikaapat na aklat na naglalaman ng kaniyang mga obra maestra sa

kaniyang tahanan nitong ika-26 ng Enero. Siya ay kilala sa kaniyang

mga kontribusyon sa iba’t ibang larangan ng sining tulad ng kaniyang

pag-aaral sa Pangalay, isang pre-kolonyal na sayaw ng Sulu.

Ika-18 National Scout Jamboree, idinaos sa Iloilo; Pangulong

Marcos pinasinayaan ang pagtitipon

Ni

Opisyal na pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ika-18 National Scout Jamboree (NSJ) sa Pintados de Passi Camp sa Passi City, Iloilo noong ika-11 ng Disyembre taong 2023.

Batay sa anunsyong nailathala ng Boy Scouts of the Philippines (BSP), ito ay ginanap noong ika11 hanggang ika-17 ng Disyembre na nilahukan ng mahigit kumulang 35,000 scouts, kasama ang mga panauhin at mga magulang.

Sa talumpati ng National President of the BSP, Agusan Del Norte Second District Representative, Dale Corvera, ipinahayag niya ang pasasalamat sa pakikilahok ng mga boy scouts.

“Kaya naman, lubos tayong nagagalak na malaman na itong 18th National Scout Jamboree ang pinakamalaking National Scout Jamboree sa kasaysayan ng Boy Scouts of the Philippines,” ani Corvera. Sa isang panayam

MULA SA PAHINA 1

kasama si Armela Rodrigo, Adult Leader ng Marikina Science High School (MariSci), marami aniyang bentahe ang pakikilahok sa gawaing ito.

“Nalalaman nila lahat ng paghihirap at nagiging malakas ang pangangatawan lalo na sa paglalakbay sa kabundukan. Lahat ng experiences bilang scouters mararanasan nila rito,” banggit ni Rodrigo. Sa pahayag ng isang MariSci Outdoorsman Cheermaster, Khean Bagares, sinabi niya ang mga katangian na hindi dapat mawala bilang isang Boy Scout. “For me, never giving up and being cheerful is the best trait a scout can have.”

MALIGALIG. Nagsasaya ang mga miyembro ng Boy Scouts of the Philippines bilang libangan nila sa pagdaraos ng National Scout Jamboree sa Lungsod ng Passi, Iloilo na idinaraos noong Disyembre 11 hanggang 17. Ito ang ika-18 na pagdiriwang ng NSJ sa Pilipinas. | Kuhang Larawan ni John Raye B. Babin

Mataas na kaso ng ilegal na droga...

Sumasailalim din ang mga miyembro ng rehab sa life skills training at nagsasagawa ng pangkapatang pagsusuri ng drug dependency ngunit nagiging mahirap itong panatilihin dulot ng kakulangan sa pondo at mga sumasali.

Paliwanag ni Santos, “Kapag sinabi nating community based program na rehabilitation treatment, ang participants natin doon ‘yong mga sumurrender. Minsan kahit may binibigay ka sa kanila, ‘yong pang-motivate sa kanila.”

“Halimbawa grocery o kaya bigas, minsan hindi pa rin sila pumupunta. Hirap silang i-invite kahit minsan pasundo mo na sa mga pulis, pasundo mo na sa barangay coordinators o focal person. Minsan hirap nilang ipunin; minsan darating sa’yo tatlo, apat, lima, swerte na pag nakasampu sa mga community treatment program natin,” dagdag ni Santos. Bukod sa mga rehabilitation program, madalas ding nagsasagawa ng prevention programs ang MADAC.

Kasama sa mga naapektuhan nito ang Homeowners Association at mga sektor sa komunidad. Nagsasagawa ang mga ito ng pagpupulong at palihan upang mapalaganap ang kamalayan sa droga, lalo na sa mga kabataan.

“Sa prevention ang regular na ginagawa namin ay umiikot kami sa lahat ng paaralan dito sa Marikina. Nagsimula kami last August for Grade 9 and Grade 7. Matatapos kami February 5 for Grade 9 and 7,” ani Santos. Gayumpaman, nagiging suliranin pa rin ang kakulangan sa mga kasaping miyembro ng konseho upang magsawa ng pagpupulong.

Iilan pa sa mga karagdagang programang naisagawa ng MADAC ngayong taon ay mga lektura ukol sa substance abuse sa mga paaralan, mga CDRTP sa mga barangay ng Marikina, mga SFP Management Skills Training kung saan ginagabayan nito ang mga pamilya tungo sa malayong impluwensiya ng droga, at ang Clean-up Drive with Citizens of the World.

KONTRA DROGA PARA SA KABATAAN Dagdag sa mga pagpupulong ukol sa droga, naglunsad ng programang Barkada Kontra Droga (BKD) alinsunod sa DDB sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ng 2002 sa Marikina.

Isa sa mga layunin ng DDB ang mapanatili ang BKD bilang pangunahing prevention program kontra sa pang-aabuso ng droga sa mga paaralan, komunidad, bahay, at trabaho, na may diin sa mga paaralan. Nagbigay ng karagdagang detalye si Santos ukol sa mga layunin at kung saan nabibilang ang BKD sa kabuuang istruktura ng kapangyarihan sa DDB. “Actually ‘yong program [BKD] na ‘yan, para sa kabataan talaga, so ang DDB sila ang nauuna. Sila ang “umbrella”, sila ang “pinaka-mother at nasa taas. Iba-iba ang members, iba-ibang department,” diin ni Santos Kasama sa mga layunin ng BKD ang pagpapatatag ng mga Barkada Centers at pagpapayabong ng kaisipang “Barkada.” Para sa mga paaralan, matatagpuan ang mga Barkada Centers sa opisina ng student council. Nakatakda sa mga opisyal ng paaralan ang pagbibigay ng mga kagamitang kinakailangan. Para naman sa komunidad, ang ADAC ang magtatakda ng Barkada Center at magbibigay ng

mga pangangailangan nito. Nabanggit din ni Santos ang pagsisimula ng BKD dito sa Marikina pati na rin ang kondisyon nito.

“Sa buong Pilipinas, ang BKD ay may maraming member, way back here siguro 2010 or 2011 noong ni-launch. Ni-launch namin iyon sa Teatro Marikina attended by 1000+ na estudyante at ang naglaunch ay 'yong ka-partner namin, 'yong Dangerous Drugs Board kaso hindi lang na-maintain ng division office ng Marikina City. At least nabubuhay ulit ang

Barkada Kontra Droga,” aniya.

Samantala, inanunsiyo noong ika-14 ng Disyembre ang paglunsad ng organisasyong Barkada Kontra Droga sa Marikina Science High School (MariSci) sa pamumuno ng mga ang mga pinunong mag-aaral ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O).

Ayon kay Dylan Morata, pangulo ng YES-O, itinakda sa mga opisyal ng organisasyon ang pansamantalang pamumuno sa BKD ng MariSci.

“At the moment, same lang ng set of officers ng YES-O pero ang pinakaimportante rito, kami pa lang ang standing president and vice president, meaning hindi pa kami ang official na mamamahala sa BKD,” saad ni Morata.

Naging partikular si Morata sa misyon ng BKD, ang paghahatid ng mahahalagang programang mamamagitan sa mga mag-aaral upang maiwasan ang pakikilahok sa kahit anong isyu o krimen kaugnay ng paggamit ng ilegal na droga, pati na rin ang bisyon nito, ang pagtaguyod sa pagpapahalaga sa kamalayan at edukasyon tungkol sa droga at ang pagpapatibay sa mga kabataang mamuhay nang malayo sa impluwensiya ng droga.

03 balita TOMO VII, ISYU 2 HULYO-DISYEMBRE 2023 apatusan ang
Ni JULIANA DANTES, HEINZ YU JOHN RAYE BABINA
SIMULA. Maraming residente ng Barangay Calumpang Marikina City ang dumaragsa sa Kalumpang Elementary School upang bumoto para sa 2023 Barangay Elections sa umaga ng Oktubre 30, 2023. Sa mga ulat, 67,839,700 ang naging bilang ng mga rehistradong botante para sa eleksyon. | Kuhang Larawan ni John Raye B. Babina
ENZO MABITUIN
Ni CHURCHIL
(Kuhang larawan ni Noel Rufon II)

Enero 2023 census: Kaso ng HIV/AIDS sa Marikina, pumalo na sa 870

‘Unprotected sex’ pangunahing sanhi ng pagkalat ng sakit

Nakapagtala ang Lungsod ng Marikina noong Enero 2023 ng 870 na kaso ng HIV/AIDS, 621 ito ang ginagamot ng antiretroviral therapy habang 57 naman ang namatay.

Malaki ang itinaas nito mula sa 636 na kaso noong Enero 2021.

Ayon kay Assistant City Health Officer Dra. Honey Fernando, “Ang transmission kasi ng HIV, akala nila napakarami pero tatlo lang ‘yun. Una, unprotected penetatrative intercourse to a positive client. Ibig sabihin, hindi ka magkakaroon [ng HIV/ AIDS] kung hindi ka sa positibo nakipagtalik.” Kabilang din ang pagtanggap ng dugo mula

sa positibong pasyente at pagpapasuso ng inang may naturang sakit sa anak. “May free condom at testing din sa lungsod.

Available rin ang PrEP [PreExporsure Prophylaxis] pero kailangang nilang pumunta rito [Marikina City Health Office, Treatment Hub] kasi tuturuan ang tao paano gumamit nito,” dagdag niya. Pagpapaliwanag ni Dra. Fernando, ang PrEP ay isang uri rin ng antiretroviral therapy. Iniinom ito nang dalawang beses—isang linggo bago at matapos ang pakikipagtalik.

Bukod rito, libre rin ang gamot at serbisyo sa lungsod para sa kinakailangan ng pasyente. Hinimok din ni Dra. Fernando ang patuloy na pagpapakalat ng kamalayan

tungkol sa HIV/AIDS. “Once you advocate your STI or HIV, dapat open ka. When I say vagina, it is vagina, and if I say penis, it is penis. Dapat kapag mage-educate, hindi bastos, pero straightforward,” pagdidiin nito.

Sa isa namang panayam kay Daren Bancod, isang guro sa MAPEH mula sa Marikina Science High School (MariSci), sinabi nito na sinisigurado niya na ang paraan ng kaniyang pagtuturo ay nakahanay sa akademikong pamamaraan.

“Halimbawa na lamang ng mga salitang ginagamit ko ay ‘pagtatalik,’ ‘paggamit ng contraceptives,’ at ‘pag-suot ng condom.’ Naniniwala ako na dapat hindi ginagawang katatawanan ang salitang at usapin na ito,” pagpapaliwanag ni Bancod.

JEEPNEY STRIKE

Mga ‘tsuper’ sa Kalumpang, kontra sa PUV Modernization Program

Daing ng bulsa, isinasaboses sa tigil pasada

Nitong Nobyembre 20, 2023, muling umarangkada ang Nationwide Transport Strike sa pangunguna ng mga tsuper sa ilalim ng pamamahala ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) upang ipahayag ang kanilang pagkontra sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.

Tinatayang 153,787 na yunit ng mga PUV, kasama ang mga jeep, UV Express, at bus ang inaasahang mawawalan ng prangkisa sa pagtatapos ng 2023. Mahigit 68,000 sa mga ito ang mga pampasaherong jeep.

Walang pasahero, kaunting kita—ito ang nagiging problema ng mga tipikal na tsuper at operator na naaapektuhan nito. “Malaking kawalan sa amin yan pagka-strike at sinabing tigil pasada, tigil pasada,” ayon kay Ronald Lasam, isang jeepney driver sa Kalumpang, Marikina. Mga mag-aaral ang pangunahing sumasakay sa mga pampublikong jeep, kaya at sa tuwing idinideklarang walang pasok ang mga araw na natatamaan ng transport strike, mangilan-ngilan lamang ang mga komyuter na matatagpuang nagaabang ng masasakyan. “Kapag nag-strike siya, kaso ngayon kaunti lang ang bumibiyahe kasi nangyayari ‘pag nag-i-strike, ginagawa ng gobyerno, kina-cancel yung pasok. So ngayon, hindi maramdaman ng commuter, ng mga student. Ang makakaramdam talaga niyang strike na yan ‘pag walang bumabiyahe yung mga namamasukan, ‘di katulad ng mga estudyante,” pahayag ni Lasam.

PANIBAGONG KASANAYAN Kasama sa pagdating ng mga modernong jeep ang pagbabago ng sistema ng transportasyon. Malaking kawalan sa mga namamasada ang tuluyang pagphaseout sa mga tradisyonal na jeep, lalo na pagdating sa pangangasiwa. “Kasi yung jeep, kasi ‘yong bago, parang bagong pagkakasanayan na naman. Pero sa totoo lang ayaw nila talaga ng mga jeepney driver na gan’on. Ito na talaga yung nakasanayan nilang gawi. Parang ang hirap po nung bago na ipapasok,” pananaw naman ni

Jennylyn Lasam,

Lasam. Bukod pa rito, maaari ring magbunga sa kawalan ng trabaho ng maraming Pilipino ang pagbabasura sa mga tradisyonal na jeep. “Malaking bagay sa amin kapag phinase out yung mga jeep. Maraming mawawalan ng trabaho. Mga drayber, mga anak magugutom, pamilya namin magugutom. Paano ba ‘yan? Kung i-pe-phase out nila ‘yan, kawawa naman kaming mga drayber,”

pahayag ni Carlos Revillas, jeepney driver mula sa Kalumpang Terminal.

BAWAS KITA

Hindi lang transport strike at jeep modernization ang suliranin ng mga jeepney drayber. “Kung hindi man i-phaseout, hinuhuli naman ng mga LTFRB, LTO. Nakaabang diyan [kalsada], gagawan ka ng violation. Ewan ko [kung] ba’t nila ginagano’n, eh samantalang nagkakapera naman sila [dahil] sa [mga] driver,” ani

Nenita Dela Cruz, kamag-anak ng isang jeepney driver. Wala pa man ang nakaambang phase out, malaking kabawasan na rin noon pa sa kanilang kita ang panghuhuli at paninita ng iilang tiwaling kawani ng gobyerno. Dahil dito, mahirap para sa iilang tsuper at operator ang makaipon ng pambili ng mga bagong jeep. “Mga LTO, mga nanghuhuli. Kaya minsan tumitigil sila ng pasada kasi para iwas din sa maticket-an sila, mabawasan ang kita.

Kaya tumitigil sila para intayin nila kung kailan aalis yung LTO, yung manghuhuli. Kaya ‘yon, ‘di sila maayos kumita. Imbis na malaki maiuwi nila sa kanilang pamilya, maliit na lang, dahil sa mga nanghuhuli nga, sa mga LTO,” pahayag ni Jennylyn Lasam. Gayumpaman, pabor naman ang ilang mga drayber dito. “Mayro’n, syempre ‘di mo masabi kung ano violation, kung jeep o ang drayber. Medyo madalas din talagang [nanghuhuli] sila kasi karapatan nila yun. Kaming mga drayber, okay lang. Mas okay sa amin na may LTO, kumporme kasi kung may violation ka, talagang may violation ka. Kung wala naman, okay lang,” ayon kay Revillas.

WALANG PAGBABAGO

Sa kabila ng kaliwa’t kanang pagprotesta, maraming jeepney driver pa rin ang nanatiling bumabiyahe.

Sa halip na lumiban sa trabaho at makiisa upang ipaglaban ang sariling boses na pilit na pinatatahimik, walang pagpipilian ang ilang tsuper kundi mamasada upang kumita ng pantustos sa pangangailangan sa pang-araw-araw.

“Sa amin kasi, bihira lang kaming bumibiyahe rito, marami kasi kaming drayber; extra-extra, minsan tuloy-tuloy. Basta ang importante, kumikita kami kahit kaunti lang,” ani Revillas.

Madalang makiisa ang mga tsuper ng Marikina sa Nationwide Transport Strike sapagkat katumbas rin ng hindi pagpasada ang ilang araw na halaga pantawid-gutom ng pamilya.

“Pero kami naman, ‘tong mga nasa Marikina, minsan hindi na kami sumasama sa strike. Wala namang mangyayari, e. Strike ka, tapos sa susunod strike ulit na naman. Wala na namang mangyayari. So, inaabala lang yung byahe ng mga jeepney driver, hindi ba,” ayon kay Lasam. Kulang sa kita, pasahero, at suporta; ito ang matinding kalaban ng mga hari ng kalsada kada ipinapatupad ang strike. Kahit maingay ang tambutso, bingi pa rin ang malalaking organisasyon sa inilalatag na hinaing ng mga tradisyunal na jeepney driver. Sigaw ng tsuper at tinig ng masa ang dapat pinakikinggan, hindi ang boses ng mga nakatataas na planong baguhin ang buong sistemang masasagasaan ang bawat mamamayang nasa laylayan.

04
TOMO VII, ISYU 2 HULYO-DISYEMBRE 2023 apatusan ang Ni OWEN DELOS SANTOS
balita
WALANG PRENO. Patuloy na pumapasada si Ronald Lasam sa Kalumpang nitong ika-11 ng Enero sa kalagitnaan Jeepney Phaseout. | Kuhang Larawan ni Noel Rufon | Mga kuhang Larawan ni Alexa Sambale Nina ZEA DOMINGO AT ZENA CONEL asawa ni Ronald
JAN 2 2 2 21 22 23 1,000 800 600 400 200 0 FEB MAR JULY APRIL AUG MAY SEP NOV JUNE OCT DEC

Ilang stakeholders, nagbahagi ng estado ng SpEd Transition sa Marikina

Sa tinig na nagmumula sa ibaba, malalaman ang tunay na kalagayan ng may mga kapansanan.

Ayon sa punongguro ng Paaralang Elementarya ng Barangka (BES), Jean De Asis Castillo, naipapakita naman ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang kanilang suporta para sa learners with special education needs (LSENs) sa pamamagitan ng patuloy na pakikiisa sa programa ng paaralan.

34 na paaralan sa Marikina, sanib-pwersa sa proyektong ‘DepEd’s 236,000 Trees’

Isang regalong hatid ng Kagawaran ng Edukasyon sa 47,678 na paaralan sa bansa ang proyektong

“DepEd's 236,000 Trees: A Christmas Gift for the Children,” na inilunsad noong ika-6 ng Disyembre sa iba’t ibang mga pook sa bansa.

Sa Lungsod ng Marikina, ito ay ginanap mula sa Purok 2 hanggang sa Purok 7 ng Barangay Malanday. Ang proyekto ay pinagdaluhan ng lahat ng 34 na pampublikong paaralan ng Marikina, kung saan samasamang nagtanim ng libolibong mga puno ang mga boluntaryong lumahok.

Sa mensahe ni Dr. Cynthia Ayles, Schools Division Office-Marikina City Assistant Schools

Division Superintendent, pinasalamatan niya ang bawat guro, mag-aaral, at tagapangasiwa sa kanilang pagdalo, pati na ang lokal na pamahalaan panglungsod ng Marikina para sa tulong na kanilang ibinigay upang maisulong ang programa.

Ayon naman kay Kurt Gabriel Aquino, isang magaaral mula sa Sta. Elena High School, nakatulong ang programa sa pagmulat ng kaniyang mga mata hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng ating kapaligiran.

“We are creating steps to become better and to become greener for the next generations because we believe that the next generation is our future. So, I am very happy with what is happening right now; it’s very refreshing,” wika ni Aquino.

Sa halip na ikalugod ng Department of Education (DepEd) ang sumapit na Pasko, niyanig ng mga nakababahalang estadistikang inilahad ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD) noong ika-5 ng Disyembre ang pandaigdigang estado ng bansa sa Programme for International Student Assessment (PISA) 2022.

Isa ang Pilipinas sa mga nagtala ng pinakamababang marka mula sa 81 na bansang nakilahok sa naturang pag-aaral. Tinataya ng PISA ang kaalaman ng mga 15-taong-gulang na mag-aaral sa asignaturang Sipnayan, Agham, at Pagbasa. Sinisiyasat ng pagsusuri ang kakayahan ng mga mag-aaral na sagutin ang mga komplikadong problema, kritikal na pag-iisip, at mabisang pakikipag-ugnayan. Unang sumali ang Pilipinas sa PISA noong 2018 bilang bahagi ng repormang “Quality Basic Education” na inilunsad ng DepEd. Ayon sa pahayag ng kagawaran sa naturang taon, ang partisipasyon ng bansa sa PISA ang tutulong sa pagbuo ng mga polisiya, pagpaplano, at paggawa ng mga makabagong programa.

SIPNAYAN, AGHAM, AT PAGBASA

Sa taong 2022, lumiit ang agwat ng mga mag-aaral na nakakuha ng pinakamataas na marka mula sa mga mag-aaral na nakakuha naman ng pinakamababang marka sa Sipnayan, habang walang naging pagbabago sa Agham at Pagbasa. Lumakas ang pagganap ng mga ‘low-achievers’ sa Sipnayan habang nanatili ang kalidad ng pagganap ng mga ‘high-achievers.’ Gayumpaman, hindi ito naging sapat upang makapasa sa pamantayan ng OECD sa naturang asignatura.

Halos walang mag-aaral mula

Pilipinas ang naging top performer sa Sipnayan habang anim na bansang Asyano ang nagkaroon ng pinakamalaking bahagdan ng mga mag-aaral na nakapagtamo nito.

Kasama rito ang Singapore (41%), Chinese Taipei (32%), Macao (China) (29%), Hong Kong (China) (27%),

Isang halimbawa ay ang pagpapa-renovate ng ng Cafesidad sa BES upang magkaroon ng mas maayos na pasilidad na magagamit ng mga batang nasa Special Education Transition Program.

Isa ang BES sa limang paaralan sa Marikina na mayroong SpEd Transition Program. “Isa mga nakikita kong pagsubok ay ang kakulangan sa oportunidad upang maipamalas ng mga LSENs sa Transition ang kanilang kakayahan sa labas ng paaralan o real-life exposure,” ani Castillo. Noong taong 2022, naipasa ang Republic Act 11650 o "Instituting a Policy of Inclusion and Services for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education Act,” kung saan inaatasan ang bawat lungsod at munisipalidad na magpatayo ng mga inclusive learning centers upang magbigay daan sa edukasyon na para sa mga students with disabilities.

Inilahad naman ng dating SpEd teacher sa BES, Rose Marie Jane Rementina na karamihan sa mga problema na kanilang naranasan ay ang kahirapan ng mga estudyante na makilahok sa iba’t ibang mga pagdiriwang sa paaralan.

“My students were mostly struggling to be fully included in some school or community events

especially when there are potential behavior concerns that may lead to judgments or uncontrollable situations,” ani ni Rementina.

Ibinunyag din ni Rementina ang mga karaniwang problema na kanilang naranasan tulad ng malaking bilang ng mga estudyante at kakulangan sa abot-kayang therapy para sa mga estudyante. “We have sought support on providing job or training opportunities for our learners in the local government offices as well as trainings under TESDA. However, there are limited opportunities or delayed responses during that time and we wish to have stronger collaboration on this for a streamlined partnership in the future,” dagdag ni Rementina.

Inihayag naman ni Marivic Murillo ang kaniyang mga karanasan bilang isang magulang ng estudyante sa SpEd Transition Program. Binigyang diin niya ang laking tulong

ng SpEd Transtion Program para sa anak niya at sa paglaki nito.

“Masaya po ako kasi na enroll ko pa rin po si Amalet sa high school SpEd Transition. Siya po ay 21 years old na at malaking bagay po yun kasi natututo siya how to mingle sa kaniyang mga classmate at guro,” pahayag ni Murillo.

Nagbigay payo naman si Murillo sa mga magulang na tulad niya ay naghahanap din ng pag-asang magaral din ang kanilang anak na may “developmental disabilities.”

“Para po sa mga magulang na may anak ding special child, una po kumuha muna sila ng evaluation from the doctors kung sino man ang doctor ng anak nila katibayan na siya ay special child, at syempre acceptance po yun ang importante. Huwag silang magsawang mahalin, tiyaga at higit sa lahat magtiwala sa Diyos,” ayon kay Murillo.

2022 PISA: Pinas muling nangulelat sa sipnayan, agham, at pagbasa

Estado ng MariSci sa mga naturang larang, siniyasat

Japan (23%), at Korea (23%).

Samantala, mula sa 76% na pamantayan ng OECD, tanging 23% lamang ng mag-aaral ng Pilipinas ang nakaabot o nakalagpas ng Level 2 sa asignaturang Agham.

Base rito, ang mga estudyanteng ito ay kayang makapagtiyak ng katotohanan ng isang kongklusyon batay sa mga datos na ibinigay.

Naging mababa ang bahagdan ng mga mag-aaral mula sa Pilipinas ang naging ‘top performer’ sa Agham, nangangahulugan itong hirap ang karamihan sa kanila sa malayang paglapat ng kanilang kaalaman sa asignatura sa iba’t ibang mga sitwasyon. Sa kabilang dako, kinapos ang 24% ng mga Pilipinong mag-aaral sa pag-abot ng 74% na pamantayan ng OECD sa nakakuha ng Level 2 o mas mataas pa sa pagbasa. Ito ay mababa kumpara sa Singapore (89%) ngunit mataas kumpara sa Cambodia (8%). Hindi kasama ang Pilipinas sa mga bansang bahagi ng mga top performers sa pagbasa o mga mag-aaral na nakaabot ng Level 5 o 6.

Tinatayang hirap sa pagunawa ang mga mag-aaral sa mahahabang teksto at pag-unawa sa mga abstraktong konsepto.

PAGTUKOY SA

KAHINAAN

Kakabit ng resulta, aminado ang ilan sa mga guro ng Marikina Science High School (MariSci) sa mga ipinapahiwatig ng estadistika tungkol sa kahinaan ng mga mag-aaral sa mga asignaturang Sipnayan, Agham, at Pagbasa. “Syempre nakakalungkot yung bagong labas na results ng PISA. It seems na hindi nagimprove ang bansa natin kahit na nagkaroon na ng trainings and review as a preparation sa

assessment na ito,” saad ni Rina Dela Cruz, guro sa asignaturang Analytical Geometry. Mula sa tatlong asignatura, sa Sipnayan nagkaroon ng pinakamaliit na porsiyento (16%) ng mga Pilipinong magaaral na nakaabot sa Level 2 ng kasanayan.

“Kahinaan [ng mga estudyante] ang reading comprehension. Nakababasa sila ngunit ang pagunawa sa binasa ang karaniwang problema,” ani Victoria Ambas, guro sa asignaturang Ingles sa ika10 na baitang.

Masasabi naman ni Daisy Revilla, isang guro sa Agham na parehong kahinaan at kalakasan ng mga estudyante ang pagkilala sa tamang paliwanag ng mga pamilyar na “scientific phenomenon” at pagpapatunay sa isang “scientific conclusion.”

LIGAW NA BALA

Nagpahayag naman ng sentimyento ang ilang mga guro ukol sa estado ng paaralan sa larangan Sipnayan, Agham, at Pagbasa. “Palagi nilang sinasabi na ‘We are a Science High School and therefore we should perform above all others,’ but the truth is hindi mo naman makita na buo ang suporta tulad na lang sa pasilidad,” ayon kay Revilla.

Nawalan ng sariling gusali ang MariSci simula nitong taong panuruan 2023–2024, na nagpapaliwanag sa kawalan ng mga laboratoryo na mayroong angkop na kagamitan para sa mga gawaing agham.

“Instead na magturo at magprepare ng lesson, nakukuha ang malaking oras namin sa pag-accomplish ng mga reports na ura-uradang pinapagawa at mga meetings,” ayon naman kay Revilla.

Dagdag pa niya, nagiging masidhing balakid ang walang katiyakan sa mga iniimplimenta nitong mga programa, “Kumbaga, wala nang natatapos puro na lang simula.”

“Expected sana na equipped na ang mga bata sa mga skills ngunit ito ay failed since epekto na ito ng pandemya,” ani Dela Cruz.

Batay sa mga guro, bihirang masunod ang kurikulum na bigay ng DepEd dahil nakakain ang kanilang oras sa pagtuturo ng mga konseptong dapat bihasa na ang mga mag-aaral noon pa man.

AKSYON SA EDUKASYON

“Ginagawa ng mga guro namin ang kanilang makakaya upang mas matulungan kami sa pagaaral sa pamamagitan ng muling pagtuturo ng mga konsepto sa mga nakalipas na baitang na pupunan sa mga puwang sa aming mga kaalaman,” ayon kay Samuel Calungsod, isang mag-aaral sa ika-10 baitang.

Kasalukuyang nagsasagawa ang DepEd ng iba’t ibang mga remediation na naglalayong hasain muli ang utak ng mga magaaral sa mga aralin at paksang nahihirapan silang maunawaan. “Sa ngayon ay mayroon tayong Project PALM na uma-address sa mga least mastered computational skills,” saad ni Dela Cruz.

Tinutukoy ni Dela Cruz ang Program in Advancing Literacy in Mathematics (PALM) na sinimulan ngayong taon bilang pagsugpo sa hamon ng math literacy sa kabataan.

Hiling naman ni Revilla na ugatin ng kagawaran ang totoong problema ng mababang pagganap ng bansa sa PISA, “Sa ibaba sila magsimula, hindi yung sila-sila lang sa taas ang nag-uusap at nagpaplano at saka nila ibabato sa ibaba for implementation na lang,” Kapuwa hiling ng mga guro at mag-aaral ang pagkakaroon ng katiyakan sa mga plano ng nakatataas at kanilang simulang isipin na ang bawat kinabukasan ng mag-aaral ay nasa kanilang palad, isang kaisipang nangangarap makagawa ng pagbabago gamit ang kanilang angking talino.

05 balita TOMO VII, ISYU 2 HULYO-DISYEMBRE 2023 apatusan ang
Ni PRINCESS LUZARAN
Ni NOEL RUFON II Ni NATE CRUZ
pagtatanim
puno sa Malanday Road Dike noong nakaraang ika-6 ng Disyembre. | Kuhang larawan ni Alexa Sambale GABAY SA PAGKATUTO. Matiyagang tinuturuan ng pagkulay ni Bb. Celestina Custodio, guro sa SpEd Transition ng Barangka Elementary School, ang kanyang mag-aaral na si Gabriel Derilo, 13. Isa ang BES sa 4 SpEd centers sa siyudad ng Marikina. | Kuhang Larawan ni Joshua Caleb Pacleta ng mag-aaral ng Pilipinas ang NAKAABOT O NAKALAGPAS NG LEVEL 2 sa asignaturang AGHAM 23% ng mag-aaral ng Pilipinas ang KINAPOS SA PAG-ABOT NG 74% NA PAMANTAYAN NG OECD SA LEVEL 2 O MAS MATAAS PA SA PAGBASA 24% 16% ang PINAKAMALIIT NA PORSIYENTO ng mga Pilipinong mag-aaral na NAKAABOT SA LEVEL 2 NG KASANAYAN SA SIPNAYAN
MAGTANIM AY 'DI BIRO. Kasama ang iba't ibang organisasyon, nakilahok ang mga miyembro ng MariSCI GSP sa tulong-tulong na
ng mga

Bentang benta: Pagtaliwas sa nakagisnang landas sa STEM

Ni JACQUES BORRAL

Sa larangan ng akademiko kung saan utak at galing sa matematika at agham ang labanan, mayroong panibagong uri ng mga mag-aaral na siyang humahamon sa pamantayang nakasanayan—ang pagiging student entrepreneur.

Sa loob ng paaralan na kung saan ang labanan ay ginagamitan ng matinding pag-iisip para sa minimithing karangalan ay gumagawa sila ng paraan upang kumita sa loob din ng mga silid na ito.

Nitong Pebrero ng nakaraang taon, inilunsad sa Marikina Science High School (MariSci) ang kaunaunahang Entrepreneurship Day kung saan nagtayo ng iba’t ibang mga negosyo ang mga mag-aaral mula sa ika-12 baitang ng taong iyon.

Sa pamumuno ni Jerome Macapagal, dating guro ng MariSci na siyang may hawak ng asignaturang Entrepreneurship noong taong iyon, naging matagumpay ang kauna-unahang Entrepreneurship Day sa Mataas na Paaralang pang-agham ng Marikina.

“The Entrepreneurship Day that happened last February was a success because it was the first time that such an event was conducted to showcase students’ output with involvement of the school’s immediate community,” saad ni Macapagal sa panayam nina Gabrielle Meteoro at Mariel Nevera. Nabanggit din ni Macapagal ang ilan pang pakay ng programang Entrepreneurship Day sa isang kamakailang panayam.

“The purpose is to have a firsthand experience in putting up a small business, dealing with customers, doing the balance sheet, and earning revenue-authentic application of learnings in entrep,” aniya.

ALALAY NG TANGKAY Isang malaking salik para sa mga mag-aaral na ito ang pagkakaroon ng maagang pagkamulat sa mundo ng negosyo. Ayon sa isang panayam kay Francheska Reyes, isang negosyanteng alumni ng MariSci

at may-ari ng negosyong “Made Cheri,” naging malaking tulong ang pagkakaroon ng Entrepreneurial class sa kaniyang senior high school.

“It taught me about financials and how important researching is in growing your business,” saad ni Reyes. “It gave me an idea of what entrepreneurship is like and how deep yet exciting the process can be.”

Binanggit din ni Reyes na dahil sa karanasang ito sa nasabing asignatura ay naikonsidera niyang tahakin ang landas ng pagiging full time na negosyante. Sa huli, mas pinili niyang ituloy ang pag-aaral at magkolehiyo kasabay ang paghawak sa negosyo nitong “Made Cheri.”

Para kay Reyes, malaking tulong ang pagkuha niya sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand dahil sa pagiging research-oriented nito.

“You have to research the market, the trends, and the competitors to succeed in specific fields. We studied a lot of case studies and had a fair share of research papers kaya I think having STEM as my strand in my senior high years prepared me for the intensive research needed in this field,” sabi niya.

Ayon naman kay Macapagal, isang malaking tulong ang pagtuturo ng mga pamamaraang ito sa mga mag-aaral na tumatahak ng pang-akademikong strand na STEM sa MariSci.

“It gives them opportunities to think outside the box, apply what they learned from other subjects, and consider looking for other sources of livelihood,” aniya. “Collection, presentation and interpretation of relevant data is also application of STEM in entrep.”

Para naman kay Gabriel Tracy Uddi, isang mag-aaral na kasalukuyang nasa ika-11 baitang ng MariSci, ang pagkakaroon ng masidhing pagsasanay sa Matematika ang naitutulong ng STEM sa mga negosyanteng magaaral.

“Importante po na hindi lamang natin nagagamit ang Math sa acads, dapat din natin itong gamitin at i-apply ang mga konsepto nito sa totoong buhay,” saad niYA.

PERA PARA PAMILYA

Iba't ibang mga dahilan ang tumulak para sa mga mag-aaral na ito upang tahakin ang mundo ng pagnenegosyo ngunit para kay

Tanggalin ang lahat ng dekorasyon sa klasrum—DepEd

Early chilhood education, apektado

Nitong ika-3 ng Agosto, taong 2023, direktang inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon ang DepEd Order No. 21, s. 2023, na naglalaman ng mga panukala ukol sa Brigada Eskwela.

Nakapaloob rito ang kautusan ukol sa pagtanggal ng iba’t ibang mga dekorasyon sa dingding ng mga silidaralan, kabilang na ang mga visual teaching aids at educational posters. Ayon sa nasabing panukala, marapat na tiyakin ng bawat paaralan na linisin ang mga bakuran, mga silid-aralan, at ang lahat ng dingding nito mula sa “unnecessary artwork, decorations, tarpaulin, and posters” sa lahat ng oras.

Inihayag ni DepEd Undersecretary at Spokesperson Michael Poa na ang tanging direktiba ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ay linisin ang lahat ng pader ng mga silid upang mapanatiling “clean, orderly, and functional” ang mga ito.

Hiniling naman ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC) na linawin ni Duterte ang nasabing “No

na pagsubok si Uddi. Binanggit ni Uddi na isang malaking pagsubok na kaniyang kinaharap ay ang kaniyang kumpiyansa sa sarili yaong marami ring nagbago sa kaniyang saloobin at pag-uugali matapos ang pandemya.

“Sa totoo lang po, hindi ko po alam kung saan nanggaling yung kapal ng mukha ko sa pagsasalestalk sa aking mga guro at kabatchmates, at ngayon po sa mga lower at higher batches,” dagdag nito. “Hindi ko lang po inaasahan na magagawa ko ito.”

Sa kabila ng mga ito, naging kaakibat at sandata ni Uddi ang ilang micro at macro skills na kaniyang nakuha sa pagnenegosyo.

Nabanggit din ni Uddi na ang tamang paghawak sa oras ang isang susi na nagdala sa kaniya upang mabalanse niya ang paghawak sa kaniyang negosyo at pampaaralang gawain.

“Napakaimportante rin po ng presence of mind hindi lamang sa pagtitinda, maging sa pag-aaral,” sambit nito. “Tandaan natin na kahit kumikita na tayo ng pera, maigi pa rin na paghusayan natin ang ating pag-aaral.”

Samantala para kay Reyes, ang pagtahak sa landas ng pagnenegosyo ay isang malaking tulong para sa kaniya.

Uddi, ang kagustuhan tumulong sa magulang ang naging pangunahing dahilan upang dalhin ang negosyo ng kaniyang mga magulang sa paaralan.

“Since yumao na po ang aking father, marami po kaming mga pinagdaanan na hirap these past few years, at mayroon din pong pagkakataon na nahihirapan kaming bumili ng mga pangangailangan namin sa arawaraw,” ani Uddi. Sa kabila ng tagumpay ng kaniyang negosyo sa loob ng paaralan, marami ring kinaharap

“Aside from the business helping me financially, I am also to help 'yong kasama ko sa team who are my age lang din,” ani Reyes. “It gives me pride and joy to also help other businesses.”

Dagdag pa rito, nagiging inspirasyon din para kay Reyes ang mga mabubuting salitang nakukuha niya galing sa kaniyang mga kliyente at mga kasama sa trabaho.

“Kahit medyo hectic and toxic 'yong design industry, nakakawarm ng heart to hear about what people have to say about your works, parang somehow, it boosts me to keep going,” sambit niya.

WHO, muling nagpaalala sa panganib na hatid ng E-Cigarette sa kabataan

Classroom Decoration Policy” na ipinahiwatig sa naturang kautusan.

“The order is what it is. Take out everything on the wall and let learners focus on their studies,” ani Duterte sa isang pahayag na binasa ni Poa.

Dahil dito, dumaraing ang mga kaguruan at magaaral mula sa pre-school at elementarya dahil kabilang sa mga kinakailangang tanggalin ang mga poster, tsart, at visual aids na ginagamit sa pagtuturo. "Nakikita ko kasi na yung mga poster sa dingding, ‘yung ABCD at numbers, naniniwala ako na siya ay importante

kasi mas maraming learners ang natututo visually," paliwanag ng Pangalawang Punongguro ng Pang-Administrasyon ng Marikina Science High School, Maria Nicolas. Iginiit naman ng TDC na mayroong sapat na ebidensya na nagpapakitang nakakatulong ang mga educational posters sa pag-aaral sa pagpapanatili ng atensyon ng isang bata, gayundin nakakatulong sa pagtaguyod ng interes sa isang partikular na larang. “May mga mag-aaral na mas madaling matuto at mas natutuwa kung may makikitang dekorasyon,” ayon naman ito kay

Catherine Alvarez, sa isang guro mula sa Paaralang Elementarya ng Apolinario Samson, Siyudad ng Quezon. Sa kabilang banda, ipinahayag din ni Alvarez na hindi magiging malaking kabawasan sa pagkatuto ng isang bata ang pagtanggal ng mga dekorasyon o educational posters dahil batay sa kaniyang karanasan ay natututo pa rin ang mga mag-aaral sa ilalim ng paggabay ng kanilang mga guro. “Ang pinakamahalagang factor sa ikatututo ng bata ay ang magaling na guro,” diin ni Alvarez.

Muling pinaalalahanan ng World Health Organization (WHO) ang publiko, lalo na ang mga kabataan, ukol sa panganib na dala ng paggamit ng electronic cigarette (e-cigarette), na tinatawag ding “vape.”

Idiniin nila sa kanilang Facebook post na ang paggamit ng vape ay nagdudulot ng malubhang pinsala sa utak na hindi pa ganap na nabubuo hanggang sa pagitan ng una at huling mga bahagi ng 20 taong gulang.

Ayon sa National Library of Medicine (NLM), ang vape ay nagtataglay ng “nicotine,” isang nakaaadik na sangkap ng tabako na kalaunan ay mayroong negatibong epekto sa cardiovascular, respiratory, at gastrointestinal na bahagi ng katawan. “Dalawang taon na akong nagbe-vape, kadalasan, pinapalpitate ako at saka mahirap huminga,”

pahayag ni Paulene Garay, isang mag-aaral sa high school.

Isinaad sa isang pag-aaral ng NLM na 31.6% ng kabataan ang gumagamit ng vape dahil sa impluwensiya ng kanilang kapuwa kabataan, habang nasa 8.5% naman ang gumagamit para magkaroon ng “cool social image,” kahit pa ito ay nakapipinsala sa kalusugan. “Aware naman ako sa health risks [ng pagbevape], nae-experience ko rin naman sila, but I’m just having fun because our generation right now, even minors, they use vape, and maybe, pampacool kid kasi marami namang gumagawa,” dagdag ni Garay.

Dahil dito, higit na pinagtitibay ng Kagawaran ng Kalusugan kasama ang WHO ang pagpapatupad ng RA 11900 o ang

Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act 2 upang maibsan ang patuloy na lumalagong epidemya ng paggamit ng e-cigarettes.

06 balita TOMO VII, ISYU 2 HULYO-DISYEMBRE 2023 apatusan ang
PALAMIG KAYO RIYAN. Dinurumog ng mga kaguruan ang bentang inuming coffee jelly at buko pandan ni Gabriel Tracy Uddi, mag-aaral sa ika-11 baitang. Pinagtitiyagaang magbenta ni Uddi ng inuming panghimagas upang makatulong sa kanyang pag-aaral at magulang. | Kuhang Larawan ni Joshua Caleb Pacleta SANG-AYON SA KAUTUSAN. Inobliga ng Kagawaran ng Edukasyon na tanggalin ang lahat ng dekorasyon sa klasrum, patuloy pa rin na tinuturuan ni Bb. Juliet Dolalas, 48, ang kanyang mga mag-aaral sa antas Kinder. (Kuhang Larawan ni Joshua Caleb Pacleta)
BALITANG IN-DEPTH
Nina PRINCESS LUZARAN AT EMMANUEL ARINGO Ni SOFIA TUPAZ & RENEE JADULCO (Kuhang Larawan ni Joshua Caleb Pacleta)

Pagtatakip Butas ng Lapis at Papel

Nitong Agosto lamang, inilunsad ng kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Bise Presidente Sara Duterte ang DepEd MATATAG -isang makabagong kurikulang inaasahang tutugon sa mga naging suliranin ng K-12 tulad ng labis na araling tinuturo at maling paglalagay ng kakayahan sa pagkatuto. Bukod pa rito, naglalayon din ang makabagong kurikulum na maihanda ang kabataan sa hinaharap, siguraduhin na ang mga paaralan ay ligtas at inklusibo, at higit pang bigyan ng suporta ang mga gurong naglilingkod.

Sa haba ng landas na tinatahak ng mga mag-aaral sa kasalukuyan, kabalintunaang hindi sa tagumpay bagkus ay sa buhol-buhol na siklo ng kawalang oportunidad at substandard na pagkatuto ang tuloy ng karamihan sa kanila.

Nakita mismo sa lente ang hirap ng marami, matugunan lamang ang pagkauhaw sa pagkatuto. Inaasahan na ang DepEd MATATAG ang maging daan para maiayos ang naging buhol ng kasalukuyang kurikulum na siya ring nagpapahirap sa paggawa at pag-aaral ng mga guro at mag-aaral.

Sa tulong ng pamamahayag pangkampus, naaaninag ang pagsasakatuparan ng pagsulong ng bagong kurikulum, pagbuo ng mga letrang kabilang sa literasi at pagsulat muli ng kahulugan ng kinabukasan ng mga kabataan. Maisasakatuparan ang mga ito sa pamamagitan ng mga inililimbag nitong mga pahayagan, at iba pang inisyatibo na tumatalima sa nararapat gawin nang mabigyang solusyon ang suliraning pangliterasi gaya ng Brigada Pagbasa.

Kilala ang mga mamamahayag sa bansa bilang mga taong nagpapanatili ng sirkulasyon ng impormasyon. Sila ang nagbabahagi sa kung ano ang nangyayari sa isang partikular na lugar at ang mga ito rin ang nagsisiguradong ang katotohanan ay nanatili. Gaya nito, ang mga pangkampus na mamamahayag din ang nagpapanatili na nalalaman ng mag-aaral ang nangyayari sa kanilang paaralan. Isa nang paraan dito ang paglilimbag ng pahayagan na siya ring nagiging dahilan upang maging kritikal ang isang mag-aaral.

Sa isang pananaliksik na pinamagatang

Provisions for Critical Reading in Philippine Basal Readers: An Analysis of Reading Questions based on Classification Scheme of Cognitive Skills, sinabi na nakabatay ang pagunawa ng isang mambabasa sa kaalamang mayroon ito. Sa ganitong pananaw, masasabi na mahalaga ang pagbabasa dahil sa pamamagitan nito, higit na lumalalim ang pag-unawa ng isang mag-aaral na mambabasa at lumalawak ang kaniyang isipan sa mga sitwasyon na kinakailangan ng kritikal na pag-iisip. Ngayong panahon, mahalaga ang pagiging kritikal dahil isa itong paraan upang sugpuin ang mga impormasyong hindi makatotohanan na patuloy na kumakalat sa lipunan, mas lalo na sa iba’t ibang plataporma na 87% na mga Pilipino,

"

Ang kaalaman ay hindi lamang limitado sa loob ng apat na sulok ng paaralan. Maaaring dalhin ng mga kabataan ang mga kaalamang natutuhan sa tahanan. "

ayon sa Kagawaran ng Impormasyon at Teknolohiya ng Komunikasyon (DICT) ang patuloy na gumagamit. Mula naman sa pagsisiyasat ng Pulse Asia Survey, siyam sa sampung Pilipino ang tinitignan ang hindi makatotohanang balita o fake news bilang isang suliranin ng bayan. Isa ang pagsisiyasat na ito sa mga patunay na mahalaga ang pagiging kritikal, mas lalo na sa mga kabataan.

Malaki ang epekto ng mga mag-aaral na marunong mag-isip at manuligsa sa pagsugpo ng hindi makatotohanang impormasyon dahil malaki ang populasyon ng pangkat na ito. Sa datos ng DepEd, umiikot sa 28 milyon ang mag-aaral na pumapasok sa paaralan. Kung ang lahat o karamihan sa mga ito ay matututo sa pag-iisip nang kritikal o marunong alamin ang tama at mali, higit na mapapabilis ang pagsugpo sa palihim na kumakalat na salot sa bayan, ang fake news.

Bukod pa sa pagiging kritikal, sa pagbabasa rin ng mga pahayagan lumalawak ang bokubularyo ng isang mag-aaral. Mula sa isang pagsasaliksik na pinamagatang Vocabulary size, reading motivation, reading attitudes and reading comprehension performance among Filipino college learners of English, buhat ng motibasyon, may positibong epekto ang pagbabasa ng mga kolehiyo sa pagpapawalak ng kanilang bokubularyo. Maihahalintulad ang sitwasyong ito sa pagbabasa ng mga pahayagan. Sa pagbabasa nito, dumarami ang mga salitang nalalaman ng isang bata na nagpapalago sa kaniyang isipan na siya ring tumutulong habang sinisiyasat nito ang mundo para sa bagong kaalaman. Samakatuwid, sa bawat artikulong binabasa ay mayroong natutunan ang isang mag-aaral at nailalapat niya ito sa salita, kilos at pananaw. Sa ating paaralan, mayroon ding inisyatibong isinusulong kasama ang publikasyon at mga pangkat o organisasyong nakahay sa akdemikong turo na tinatawag na Brigada Pagbasa. Layunin nitong maturuan at hasain pa ang kaalaman ng mag-aaral sa elementarya sa pagbabasa. Inihahanda nito ang mga mag-aaral sa bagong akademikong taon kung kaya naman isinasagawa ito bago magsimula ang bagong akademikong taon. Sa pag-aaral, pagkakaroon ng kakayahan na magbasa ay nararapat dahil hindi lahat ng itinuturo ay sinasabi sa berbal na pamamaraan. Kadalasan, kinakailangan ding basahin at unawain ang ilang mga aralin mula sa libro o iba pang materyales sa pag-aaral. Bunsod nito, malaking tulong ang inisyatibong Brigada Pagbasa upang magabayan pa ang mga mag-aaral sa pagbabasa at higit na mapadali ang kanilang pagkatuto.

Ang kaalaman ay hindi lamang limitado sa loob ng apat na sulok ng paaralan. Maaaring dalhin ng mga kabataan ang mga kaalamang natutunan sa tahanan. Kung may kapatid ang isang mag-aaral ay maaari nilang ibahagi ang kanilang naunawaan sa paaralan sa mga ito. Turuan ang kanilang mga kapatid na magbasa o umunawa ng ilang mga pahayag sa simpleng pamamaraan. Sa magulang naman, maaaring kausapin ng mga kabataan ang mga taong ito ukol sa mga usaping laganap sa lipunan. Makatutulong ito upang dumami pa ang mga taong mayroong kamalayan sa mga pangyayaring naganap at nagaganap sa bansa.

Sa kabuuan, isang malaking hamon para sa lahat na tugunan ang krisis sa edukasyon na patuloy na lumulubha habang tumatagal ang panahon. Bagamat hindi pa naiimplementa, inaasahan na maging solusyon ang makabagong kurikulum sa pagsugpo ng mga suliraning ito, sa tulong ng lahat, partikular na ang pangkampus na mamahayag. Limitado man o hindi sapat ang pondo ng mga ito, marami pa rin itong naiaambag upang masiguradong napapakinggan ang bawat isang magaaral. Dahil hindi lamang limitado ang tungkulin ng pangkampus na mamahayag sa pagbabalita ng kung ano ang nangyayari sa paaralan at pagiging katawan ng mag-aaral, ang mga ito rin ang mgat taong tumutulong upang mapuno ang mga pagkukulang na minsan ay hindi nabibigyang pansin sa paaralan.

ANGEL JANE CABUNGCAL

Punong Patnugot

IRA GABRIEL MANTES Kapatnugot

MARIELLE ORBONG Tagapangasiwang Patnugot Panlabas

EMMANUEL ARINGO

Tagapangasiwang

07
Pagaanyo at Pagdidisenyo BRIANA TIFANY ESPIDILLION Patnugot sa Balitang Pantelebisyon MIKHAEL KURT DAGASUHAN Patnugot sa Balitang Panradyo JACQUES VINCENT BORRAL Patnugot sa Isports Manunulat ANDREA ALHIAN BERBER ANTONIO JOAQUIN RAVELO CAHRI ANJHELO SATURAY CHRIS JOHN RESQUID GWENYTH ROSS CONDINO HEINZ MATTHEW DAVE YU JASMINE DENISE DEL PILAR JULIANNA NICOLE DANTES KARMELA PAULA CABALLERO MARGARET ANNE DOLALAS MARY DAWN SANTOS MIRKO ATIENZA NATE LOWRENCE CRUZ PRINCESS MIGUMI LUZARAN RYONNA GRACE SANTOS RIHANNA ZAIRY MACALONG SHANAYA CHRISTABELLE SALES SKY AUDREY AQUINO VALERIE REI CLEMENTE YANCA SITAEL FACTORANAN ZENA COLLEEN CONEL CLARK HARVEY FRIAS GIELLIAN GHELSEY RHAEY FROYALDE JAMES MATHEW VILLENA JILLIAN FRONDOZO JUDI ANGELA PERALTA KLARE DOMINIQUE BAUTISTA LINELLE ATIENZA MARK JEROME VILLON JOHN DAVID RAMOS CHURCHILL ENZO MABITUIN ERIKA MAE LAZARTE MARPHY DELA CRUZ MAUREEN CHLOE BALANTA RENEE ERICKA JADULCO RHIANNA JOY ONG SOFIA ANGELIQUE TUPAZ RHOANNA SHANE MALABAGUIO ICHI ANGEL ZABALLA VINCE CALEB DE GUZMAN JOHN OWEN DELOS SANTOS Tagawasto ng Sipi ALDRIN JOSEPH AGUILAR ANDRE LORENZO SANTOS FIONA RIVADENEIRA JEM LIANNE DELA CRUZ JUAN MIGUEL JAVIER Maniniyot ACHILLA MARIE FAUSTO CELYN FAITH GALICINAO DYONNA GRACE SANTOS ERICA JULIENNE TUMANENG HANNA BERICE IGNACIO HYACINTH FAYE OBISPO JOHN RAYE BABINA NAOMI GOMEZ NOEL RUFON II RYAN JESUS GARCIA RYJE SLEVIN DE DIOS JILLIAN GONZALES Layout at Grapiks CRISHNIA COLLINE ROXAS HANNAH VENICE FRANCISCO LORIN PAIGE BARCE NONA MEJIA OWENN ROEM FELICIANO RYLE ALASTAIR DESIDERIO ZEA MAE DOMINGO Mga Tagapangasiwa JOSHUA CALEB PACLETA LAWRENCE DIMAILIG ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG MARIKINA SCIENCE HIGH SCHOOL TOMO VII, ISYU 2 HULYO-DISYEMBRE 2023 PANURUANG TAONG 2023-2024 PATNUGUTAN apatusan ang
Patnugot Panloob PARIS ADRIENE MABATO Patnugot sa Sipi ALEXA ANTOINETTE SAMBALE Patnugot sa Larawang Pampahayagan JOHN FERDINAND PINGOL Patnugot sa

Bagong taon, bagong pasakit

"MBagong taon na ngunit walang bagong Pilipinas na sasalubong para sa sektor ng edukasyon na gumagalaw nang paurong sa ilalim ng pamumuno ng mga kalihim na sila mismong naglilimita sa maliit na espasyong laan para sa mga mag-aaral. "

Kurt Mikhael A. Dagasuhan

Angel Jane M. Cabungcal DALISAY DIWANG DALUYONG

"Bukod sa baril, itong kalayaang walang pananagutan ang armas na taglay ng kapulisan—isang sandatang pinanday mula sa dugo ng masa at sa basbas ng salaulang pulitika."

atapos ang malaking kabawasan sa pondong nakalaan para sa mga pampublikong unibersidad at pamantasan sa bansa, 17,000 mga mag-aaral naman ang nangagambang apektado sa naunang kautusan nitong ipatigil ang operasyon ng mga senior high school department dito. Bukod pa rito, nakatakdang putulin na rin ang subsidiyang laan ng Kagawaran ng Edukasyon sa mga dating magaaral ng pampublikong paaralan na ngayon ay naka-enroll sa mga pribadong institusyon.

Bagong taon na ngunit walang bagong Pilipinas na sasalubong para sa sektor ng edukasyon na gumagalaw nang paurong sa ilalim ng pamumuno ng mga kalihim na sila mismong naglilimita sa maliit na espasyong laan para sa mga mag-aaral. Hindi makatao ang pilit na pananakal ng sistemang pang-edukasyon at mga polisiya ng pamahalaan sa dapat sana’y malayang pagabot ng bawat isang Pilipino sa katotohanan at kamalayan. Ayon sa Seksyon 14 ng Saligang Batas 1987,

mandato ng pamahalaan ang tiyaking mananailing abot-kamay sa mga Pilipino ang edukasyon -kabilang na rito ang libreng pagpapaaral sa mga pampublikong paaralan mula elementarya hanggang sekondarya. Sinusugan din ito Universal Access to Quality Tertiary Education Act na nagtatakda ng libreng matrikula sa mga pampublikong unibersidad (SUCs) at pamantasan (LUCs). Batas na mismo ang kumikilala sa reyalidad na hindi lahat ay may kakayahang tustusan ang pagaaral kung kaya’t itinakdang maging libre ito para sa lahat ngunit para sa 17, 000 magaaral nanangangambang mapatalsik mula sa mga pampublikong unibersidad at pamantasan, dalawa lamang ang pagpipilian -ang lumipat sa pribadong paaralang may kamahalan ang matrikula o makisiksik sa mga pampublikong paaralang kulang-kulang na sa pasilidad at silid-aralan bago pa man maipasa ang nasabing panukala.

Kahit nagawa nitong magwaldas ng P 11 milyong piso kada-araw noong 2023, nanatiling bigo ang Kagawaran ng Edukasyon sa pagtugon sa mga isyung dala ng K to 12 -labindalawang

taon matapos ang minadaling implementasyon nito kaya’t mas pinipili ng ibang magaaral ang mga SUCs at LUCs na kahit papaano ay may sapat na espasyo at pasilidad para sa komportableng pagkatuto.

Ayon sa Commission on Higher Education (CHED), walang legal na pamantayan ang paglalaan ng pondo para sa senior high school sa mga SUCs at LUCs at eksklusibo lamang ang pagpapatupad nito sa “transition process” na isinagawa noong kapapatupad pa lamang ng K to 12. Ngunit, hindi ba’t mandato ng ahensiya ang lumikha at magpatupad ng mga panukala at programang susuporta sa sistemang pang-edukasyon sa bansa? Hindi lamang mga magaaral ngunit maging kaguruan ay apektado sa biglaang implementasyon ng panukala.

Ayon sa Commission on Higher Education (CHED), hindi mawawalan ng trabaho ang mga dating guro sa mga senior high school department ng SUCs at LUCs at sa halip ay magtuturo ng mga regular na klase dito. Sa kabila nito, hindi lahat ng gurong nagtuturo sa Senior High School ay may kwalipikasyong kinakailangan sa pagtuturo sa kolehiyo at ang pag-alis ng libo-libong mag-aaral ay maaring

Bayani ng nakaraan, kriminal ng kasalukuyan

Noong bata ako, pinangarap kong maging isang pulis. Kung noon ay panakot lamang ng mga magulang sa mga hindi mapasunod na anak ang katagang, “Sige, huhulihin ka ng pulis,” sa kasalukuyan, tunay na pangamba at pagkamuhi na ang ipinararamdam ng berdugong imahe ng kapulisan sa mga komunidad na kanilang nirorondahan.

Napakataas ng tingin ko sa kanila dahil sa mga palabas na napapanood ko sa telebisyon ngunit nang lumaki ako’t namulat sa realidad ng ating lipunan, naging malinaw na rin sa akin ang imahe ng siklistang inupakan at tinutukan ng baril nito lamang Agosto, ang pagkahandusay ng karpinterong binaril dahil napagkamalang magnanakaw, ang takot at pagkabigla ng maginang pinaslang dahil sa away ng mga bata, at ang walang buhay na mga katawan ng libulibong mga biktima ng digmaan kontra-droga. Naramdaman nilang lahat ang kabagsikan ng kapulisan—at hindi malabong hindi sila ang huling daranas at sasailalim sa mabibigat na kamay na bakal nitong mga masasahol na “lingkod-bayan.” Taon-taon, patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga kaso ng pagpatay sa ating bansa. Ang nakalulungkot pa rito ay malaking bahagdan ng mga kasong ito ay nasa kamay ng mga taong ang hanapbuhay ay siguraduhin ang kaligtasan ng mga mamamayan—ang kapulisan. Madalas nilang sabihin ang mga katagang “nanlaban,” “may binunot na baril,” at “sinubukang tumakas,” upang bigyangkatuwiran ang pagpatay nila sa kanilang mga biktima. Sa kasamaang palad, ang mga

simple’t kahina-hinalang palusot na ito ay sapat na para makatakas sila sa kanilang mga karumal-dumal na kagagawan. Dahil dito, tila nabibigyan ng kapangyarihan ang kapulisang gawin ang anumang kanilang naisin nang walang pananagutan. Itong pang-aabuso ng kapangyarihan ng kapulisan ay lubusang nangibabaw nang maupo ang dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, mula Hulyo 2016 hanggang Setyembre 2018, tinatayang 4,948 na mamamayang Pilipino ang pinaslang ng mga pulis sa ngalan ng “War on Drugs” na pinangunahan ng dating pangulo. Pinagbabaril ang mga biktima kahit walang kasiguraduhan na sila ay gumagamit o nagbebenta ng ipinagbabawal na droga; pawang suspetya’t hinala lamang ang madalas nilang pinanghahawakan. Mula rito, kitang-kita na ang kawalan ng hustisya at ang paghahari ng barbaro. Hindi dumaan sa naaayong proseso ang mga pulis, at ito’y nagbunga sa kamatayan ng maraming mga sibilyan. Si Kian Delos Santos ang isa sa mga inosenteng pinaslang noong digmaan kontra-droga. Siya ay 17 na taong gulang noong siya’y hinila ng tatlong pulis sa isang madilim na eskinita, kung saan siya binugbog at binaril dahil sa pag-aakalang siya ay gumagamit ng ipinagbabawal na droga. Marahil, kung hindi pa nakuhanan ng CCTV footage ang nangyari ay hindi pa mananagot ang mga mamamatay-taong sangkot dito, at gaya ng ibang mga kaso’y mababaon na lamang ito sa limot. Sa dinami-raming inosenteng buhay na nadamay at kinitil noong War on Drugs, si Kian Delos Santos ang isa

magbunga ng downsizing hindi lamang sa mga teaching personnel kundi maging sa mga non-teaching staff ng mga unibersidad at pamantasan. Sa kabila ng kapabayaan ng parehong ahensiya, masa ang mananatiling tagapasan ng krisis na ito. Mula sa pagbabayad ng matrikula hanggang sa buwis na patuloy na gagamitin upang tapakan ang kanilang karapatan, lahat ng ito ay magmumula sa bulsa ng mga ordinaryong Pilipinong araw-araw pinagdadamutan at kinikitlan ng pangarap. Maraming paraan ngunit idinadaan sa napakaraming dahilan bunsod ng mga lumikong prayoridad at naisasantabing tungkulin. Sa pagpasok ng bagong taon, makataong edukasyon sana ang ihatid sa masa kasabay ng abot-kamay na pagkatuto at kamalayang hatid nito.

17,000

sa biktimang nabigyan ng hustisya dahil sa pagkakaroon nang sapat na ebidensiya. Ngunit, paano naman ang mga pagpatay na hindi nakuhanan ng bidyo? Paano naman ang mga pagpatay sa mga walang testigo? Magpasahanggang ngayon, libo-libo pa rin ang mga pamilyang nagluluksa at humihingi ng hustisya, humihiling ng pananagutan sa kapulisan. Bakit nga ba sila nakatatakas sa kanilang mga krimen? Bakit kahit natapos na ang War on Drugs, may mga kaso pa rin ng pagpatay ang mga pulis? Marahil ito ay dahil naninirahan tayo sa lipunang pinamumunuan ng mga pulitikong walang habag sa mga ordinaryong mamamayan—mga pinunong pabor sa baluktot na sistemang patuloy na naghahandog ng kapangyarihan sa kapulisan. Ika nga ng dating pangulo, “Do your duty, and if in the process, you kill 1,000 persons, I will protect you." Bago pa man sila magkasala, garantisado na ang kanilang proteksyon at kalayaan mula sa anumang parusa. Itong pangungunsinti at imoral na pagsuporta mula sa mga nasa puwesto ang nagsisilbing motibasyon ng mga pulis na pumatay nang walang kinatatakutan. Bukod sa baril, itong kalayaang walang pananagutan ang armas na taglay ng kapulisan—isang sandatang pinanday mula sa dugo ng masa at sa basbas ng salaulang pulitika. Hindi ko nilalahat ang kapulisan sa ating bayan. Kinikilala ko ang mga pulis na pinaninindigan pa rin ang kanilang pinangakong obligasyon sa ating lipunan. Subalit sa pagdaan ng panahon, patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga Pilipinong nagdurusa sa ilalim ng kanilang

pang-aabuso. Kahit sabihin nating mayroon pa ring mga mabubuting pulis, takot at kaba ang mangingibabaw sa aking puso sa tuwing may masisilayan akong nakaunipormeng pulis sa kanto. Sa aking mga mata, ang sinuman sa kanila ay banta sa aking seguridad at kaligtasan. Ang nakalulungkot na kalagayang ito’y totoo para sa maraming Pilipino, at iyan ay isa sa katotohanang nananalantay sa mga ugat ng ating lipunan. Ang pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga pulis ay matagal nang nangyayari sa Pilipinas. Mas namayani lamang ito nang ang mismong pamahalaan natin ang nagbigay sa kanila ng basbas at kalayaang ipagpatuloy ang kanilang kalupitan. Ngayong namulat na tayo hinggil sa isyung ito, kasalanan na ang pumikit muli. Ang pagpapalaya’t pagbabalewala sa mga mapang-abusong pulis ay pambabastos sa mga kababayan nating nawalan ng anak, kapatid, at magulang dahil sa kanilang hagupit. Hindi sapat ang pawang pakikiramay; dapat din tayong mag-ingay. Tumungo tayo sa lansangan at makiisa sa mga protesta, o di kaya’y samantalahin natin ang saklaw ng makabagong teknolohiya. Isigaw at palaganapin natin ang mga danas at ngalan ng kanilang mga biktima. Ating panagutin ang mga masasahol na pulis, patalsikin ang mga balakyot na pulitiko, at bulabugin ang hindi makatarungang sistema. Sa paraang ito, mabibigyan natin ng pagkakataon ang mga natitirang malilinis at tunay na lingkod-bayan na ituwid ang imahe ng kapulisan at iparamdam sa bayan na sila’y hindi mga kriminal, kundi mga bayaning nadungisan lamang.

08 opinyon TOMO VII, ISYU 2 HULYO-DISYEMBRE 2023 apatusan ang
BILANG NG
MAG-AARAL NANANGANGAMBANG
MGA
MAPATALSIK
mula sa mga pampublikong unibersidad at pamantasan

MITHI

Sagrado, Sa Grado

“Grades are just numbers.”

IMula sa sistemang bunga ng labis na pagtuon sa mapangmatang estado nalilihis ang tunay na layunin ng edukasyon at nagiging pangkaraniwan sa mga paaralan ang academic dishonesty kung saan pumapagitna ang mga kabataan sa hamon ng tunay na paglinang at pangangailangang makasabay sa tambak curriculum requirements ng bawat asignatura."

to ang nagsisilbing pananggalang ng mga mag-aaral upang kahit paano ay masabi nilang naging mabunga ang kanilang pagsisikap, at kung iisipin, totoo namang numero lang ang mga markang ito—marami pang mga pagkakataon na maaari nilang masalubong sa hinaharap na maaaring sumukat sa kanila. Sa kabila nito, ang komersyalisadong anyo ng sistemang pang-edukasyon ay pilit na lumilikha ng lipunang sadlak sa kababawan habang patuloy isinasantabi ang mga nakabinbing isyu sa larangan ng pagkatuto. Sa ganitong konteksto, nabibigyan nang mas malalim na pagpapahalaga ang pagtapos ng mga gawain at mga tambak na takdang-aralin kaysa sa malalim na pag-unawa at dekalidad na pagkatuto. Itinutulak ng huwad na sistema ang mga mag-aaral na subukan ang lahat paraan upang makamit ang mga pagkilala at medalya, maging kapalit man nito ang integridad sa kanilang mga gagawin. Mula sa sistemang bunga ng labis na pagtuon sa mapangmatang estado nalilihis ang tunay na layunin ng edukasyon at nagiging pangkaraniwan sa mga paaralan ang academic dishonesty kung saan pumapagitna ang mga kabataan sa hamon ng tunay na paglinang at pangangailangang makasabay sa tambak curriculum requirements ng bawat asignatura. Isang sa mga pinakamalaking suliraning nagpapatunay rito ay ang pagsibol ng isang grupong binansagang “online kopyahan” sa social media noong kasagsagan ng pandemya na tinatayang lagpas kalahating milyong mag-aaral ang kasapi bago tuluyang ipasarado. Dahil nabigyan ng malawak na access ang mga magaaral sa panahon ng pandemiya sa mga online sites, nagsilbi itong tulay sa kanila upang makaraos mula sa pagkalubog nila sa mga gawaing ibinibigay sa moda ng distance learning. Nagdulot ito nang labis na pagsandal ng napakaraming magaaral sa Google at iba pang online platforms upang agarang masagutan ang mga ibinigay na gawain. Sa loob ng isang silid-aralan, higit na ring lumalaganap ang mga sitwasyong tulad ng kopyahan ng mga gawain. Bagaman noon pa naman ay ito ang nagiging daan upang makatapos ang mga mag-aaral sa mga gawain, nakababahalang patuloy na itong niyayakap bilang pangkaraniwang pagtugon. Nalalabag din nito ang inilunsad na Department of Education (DepEd) Memorandum 2021-395, na nagsasaad na ang pagpeplagiarize sa nagawa ng kamag-aral ay kabilang sa uri ng academic dishonesty. Kung patuloy na magbubulag-bulagan sa mga kaso ng simpleng pagkopya na lamang sa ginawa ng iba upang makapagpasa, unti-unti itong liliko mula sa layunin na matuto ang mga magaaral sa mga itninuturo sa paaralan. Dahil dito, nawawalan ng saysay ang oras na ginugugol nila sa paggawa kung hindi rin naman nila bitbit ang aral sa likod ng mga araling ito. Nakalulungkot isipin na ang paaralan ang siyang dapat nagmumulat sa kamalayan ng mga kabataan sa mga etikal na pagkilos ang nagpapakilala rin sa kanila sa iba’t ibang sistema ng pandaraya. Sa kasalukuyan, patuloy na ipinagdidiinan ng mga pag-aaral at survey ang direktang epekto nito matapos magkamit ng ika-77 puwesto ang Pilipinas sa 81 mga bansang sinuri ng Program for International Student Assessment 2022 pagdating sa antas ng literacy. Bago pa lumala ang nakaaalarmang landas na patutunguhan ng kasanayang ito, malaking pagbabago ang maitutulong kung mapupuksa na ito nang agaran. Ayon sa isinagawang pag-aaral tungkol sa “Academic Dishonesty in the Philippines: The Case of 21st Century Learners and Teachers,” kabilang sa mga pangunahing ugat nito ang mababang pag-unawa sa mga aralin at maraming gawain na iniiwan sa kanila. Kaya naman, kung mabibigyang-

tuon ang pagtugon sa mga aspektong isinaad, magagawa itong mapababa. Upang matiyak na tunay nilang mauunawan ang mga itinuturo, magiging epektibo ang pagtiyak na ang lahat ay nakasasabay sa daloy ng mga aralin at naipaliliwanang ito nang malinaw. Ngunit dahil sa kakulangan sa kagamitan at napag-iiwanang sistema ng edukasyon sa bansa, ang unang hakbang upang magbunga ng kongkretong pagbabago ang planong ito ay ang paglalaan ng pondo para sa pagkakaroon ng mga epektibong pagsasanay at transisyon sa modernong pamamaraan ng pagtuturo.

Samakatuwid, kung isasama ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagpaplano ang danas ng mga magaaral sa mga programang kanilang idinaragdag, makikilatis nila ang sitwasyon kung tunay pa bang natututo ang kabataan. Magkakaroon din sila ng panahong makahinga mula sa mga patong-patong na gawain pinagagawa sa kanila na magbibigay nang sapat na panahon upang mapag-aralan pa nila ang nilalaman ng bawat asignatura. Mula sa mga aksyong ito, nagkakaroon nang mas malinaw na posibilidad ang layuning tuluyan nang matuldukan ng isyu sa pandaraya. Malaki rin ang magiging papel ng mga ito upang muling maibalik ang pagpapahalaga sa pagkatuto nang higit pa sa pag-asam lamang na makakuha ng pasadong grado.

Sa Likod ng Manibela

Ira Gabriel E. Mantes

Marielle J. Orbong YUGTO

Bagong taon na ngunit wa“Sa sandaling ganito nalalantad ang lihim ng mundo— ang ekonomiya para tumakbo minamaneho ng maliliit na tao.” Ilan ito sa mga linya mula sa tulang isinulat ni Lean Borlongan na may pamagat na ‘Tigil-Pasada.’

Ang tunay na pagunlad ay para sa lahat, hindi lamang sa iilan. Ang patuloy na pagtulak sa industriyalisasyon at modernisasyon ay siya ring pagtulak sa tuluyang pagkawala ng kabuhayan."

Nagsimula ang lahat taong 2017 nang ilunsad ang “Public Utility Vehicle Modernization Program” sa ilalim ng administrasyong Duterte na pinlanong matapos sana noong taong 2020, ngunit ilang beses na naudlot hanggang sa inanunsyo ng Land Transportation Franchising Regulatory Board na ang pinakahuling araw na maibibigay nila ay sa ika-31 ng Disyembre, taong 2023. Ayon sa Land Transportation of the Philippines, paraan ang ‘jeepney’ modernization upang mas mapangalagaan pa ang ating kalikasan sapagkat ang makina ng ‘electric vehicle’ ay nakakasunod sa Euro IV emission standard ng Department of Natural Resources. Ngunit, ang nasabing ‘modern jeepney’ ay 1,766.7% (P2.8 million) na mas mahal

kaysa sa tradisyunal na nagkakahalaga ng P 150-250,000. Sa ilalim ng pagbabagong ito, kinakailangan nilang maging bahagi ng kooperatiba o korporasyon para payagang bumiyahe ang mga jeepney ngunit, ayon sa ilang drayber, ang programang ito ay maaring magtulak lamang lalo upang tuluyang palitan ng makabagong hindi nila kayang bilhin o mas kilala bilang ‘jeepney phaseout.’

Ayon sa grupong

Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o PISTON, mas mura kung iu-upgrade na lamang ang mga jeepney na mayroon tayo kaysa sa bumili ng bagong unit.

Isa sa mga ‘panakipbutas’ na ibibigay ng gobyerno ang subsidiya umano na nagkakahalaga ng P160,000, ngunit tanging 5.7% lamang ito ng nasabing presyo ng ‘modern jeepney.’ Ang jeep ang pangunahing pampublikong transportasyon sa mayroon ang Pilipinas. Ang nasabing sasakyan ang nagdadala sa milyonmilyong komyuter tungo sa kanilang destinasyon. Destinasyong maaring nagdala pa sa kani-kanilang mga pangarap subalit, paano ang mga pangarap ng mga taong nasa likod ng manibela kung tuluyan nang pinapatay ang kanilang industriya? Ang gobyerno ang dapat nagbibigay ng solusyon hindi problema, nakikinig at hindi nagbibingi-bingihan. Umpisa pa lamang ay dapat pinakinggan muna ang pulso ng mga tsuper at operator na siyang pangunahing maapektuhan sa nasabing programa. Sa halip na makinig ay sila pa mismo ang umiipit sa mga mamamayang nais lamang maghanapbuhay para sa kani-kanilang pamilya. Sa halip na sila ay nakaupo na lamang at kumakain sa kanilang hapag-kainan at masayang nagsasalu-salo sa bisperas ng pasko at bagong taon–kinakain sila ng takot sa kinabukasan sa nalalapit na phaseout kung saan nakasalalay rin ang kinabukasan nila. Hindi rin naman ang phaseout ang problema sa mass transportation sa Pilipinas dahil kapansinpansin naman na mas marami ang pribadong sasakyan at iba pang mga pampbulikong sasakyan ay patunay na ang sistema talaga ang problema sa suliraning ito. Ang tunay na pagunlad ay para sa lahat, hindi lamang sa iilan.

Ang patuloy na pagtulak sa industriyalisasyon at modernisasyon ay siya ring pagtulak sa tuluyang pagkawala ng kabuhayan. Ang prosesong ito ay mahirap na sa parte ng mga komyuter dahil bukod sa tataas ang pamasahe, magiging mas mahirap din ang mga biyahe, ngunit, panigurado na walang makakapantay sa hirap na dinadanas ng mga kababayan nating nasa likod ng manibela. Gaya ng naisulat ni Borlongan sa ‘TigilPasada,’ para umusad tayo, kailangan itong imaneho ng mga maliliit na tao o ang mamamayang Pilipino. Kapansin-pansin na bata man o matanda, tsuper man o commuter ay makikita mong tumitindig at sumasama sa paglaban para sa kabuhayan. Nasa panahon tayo ngayon kung saan nanganganib na ang pamumuhay ng mga jeepney operators, drivers, at maging ang industriya mismo ng mga dyip. Marapat lamang na maisip natin na mahalaga ang pagbabago ngunit hindi dapat masakripisyo ang kabuhayan at kinabukasan ng karamihan sa prosesong ito. Dahil sa huli, ang laban ng mga tsuper ay laban din ng mga komyuter.

09 opinyon TOMO VII, ISYU 2 HULYO-DISYEMBRE 2023 apatusan ang
" 4,948 2.8M 5.84% 87% NA MAMAMAYANG PILIPINO ANG PINASLANG ng mga pulis sa ngalan ng "War on Drugs" NA MAS MAHAL ANG MODERN JEEPNEY kaysa sa tradisyunal na nagkakahalaga ng P 150-250,000 BAHAGYANG TUMAAS ANG INFLATION RATE MULA 5.82% hanggang 5.84% para sa taong kasalukuyan NA MGA PILIPINO ayon sa Kagawaran ng Impormasyon at Teknolohiya ng Komunikasyon ang patuloy na GUMAGAMIT NG IBA'T IBANG PLATAPORMA PARA PAGKALAP NG IMPORMASYON
"

Zea Mae G. Domingo

Mahal kong Maynila, ang mahal mo

It’s been raining in Manila hindi ka ba nilalamig—nanginginig sa tayog ng mga gusaling pinangakuan tayo ng mayaman, tahimik, at magandang buhay. Sabi nila, kapag salat na salat ka na, huwag mong balaking kumapit sa patalim.

Kahit hindi man aminin, pininturahan lang ang Maynila bilang ginintuan kaya napilitan ang mga taong sumang-ayon na ang kagandahan ng lungsod ang magtatago sa dumi, dungis, at lamat nito."

Emmanuel Andrei C. Aringo

“Bagaman ako ay dumating mag-isa, ako ay bahagi pa rin ng isang komunidad kaya hindi ako tunay na nag-iisa.”

Jacques Vincent B. Borral LUNTIAN

Lumuwas ka sa Maynila, ang lugar kung saan kaliwa’t kanan puno ng oportunidad. Ngunit noong lumipat kami rito para malasap ang hangin ng kaginhawaan, nakita kong nakahandusay sa bawat bangketa ang katawan ng mga taong katulad namin, mga Pilipinong nauto sa palabat ng isang urbanisadong lungsod. Matatagpuan sa Maynila lahat ng bigating kompanya kaya naman hindi problema ang salapi. Lumingat ka lang sa gilid-gilid, may mag-aalok na ng trabahong 5-digits agad ang bigayan. Subalit anong mapapala ng malaking suweldong ito kung mababawi rin agad ng magastos na pamumuhay? Isang araw, isang daan na lang ang

Sa panahon kung saan hindi magkamayaw ang mga taong nasa laylayan sa bente pesos sa pangaraw-araw ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga gastusing mas lalo lamang nagpapagipit at nagpapahirap sa kanilang kabuhayan."

Ako ay naging uri ng tao na naniniwalang kailangan kong lumabas at pumunta sa isang lugar na may maraming tao, kahit isa o dalawang beses sa isang linggo, upang madama na ako ay miyembro ng lipunan—may kasama man o wala.

Kapag ako’y mag-isa sa isang kainan, napapansin ko ang simpatikong ngiti ng kahero habang sinasabi ko na ako lang muna ang kakain ngayon. Nahahalata ko ang awa, ngunit hindi ko naman kailangan ito. Noong una, akala ko likhang isip ko lang ito. Ngunit nakalimutan ko na ang pagkain nang mag-isa ay hindi na isa sa maraming pangkaraniwang gawain na bumubuo sa isang araw nang ito ay nagkaroon ng maraming kahulugan mula nang maging paksa ng online na diskurso. Para sa ilan, ito ay isang radikal na gawain ng pagmamahal sa sarili; para sa iba, isang nakababahalang indikasyon ng depresyon. Kung ang kumakain ay matanda, ito ay paalala na tawagan ang ating mga lolo at lola at sabihin sa kanila na

matitira sa nakalaan na pera na pang isang linggo. Akala ko, dapat mahalin ang buhay, mahal pala ang mabuhay. Kada buwan, pumapalo sa P28,000 ang kabuuang cost of living ng isang residente, hindi pa kasama rito ang renta. Nakagugulat nga, mas mataas pa mamuhay sa Maynila kumpara sa Kuala Lumpur at Jakarta. Kung kaya’t halos one-third ng populasyon ay pinipiling manirahan sa ilalim ng tulay. Ang ilan pa nga ay sa mga haliging gawa sa sira-sirang plywood at butas tinatakpan ng tarpaulin ng kandidato Habang naglalakad, madalas na makikita ang mga pagalagalang pusang inaamoy ang mga nakasalansan na plastik na laman ay basura. At katabi nito ay ang mga ‘residenteng’ namamahinga—natutulog sa tabi ng riles at kalsada. Kasabay ng mga hilik nila ay ang ingay na dala-dala ng iba’t ibang transportasyon. Ika nga nila, too loud at too busy ang Maynila. Hindi sila nagkamali. Walang araw na pinalampas ang dagundong ng mahal natin sila bago mahuli ang lahat. Para sa akin, bagaman, ito ay isang bahagi lamang ng buhay.

Noon pa man, nakikita na ang pagkain bilang isang sosyal na gawain, higit pa sa Pilipinas. Tungkol ito sa pagpapalakas ng pagkakaisa, kahit na sa pagitan ng mga kaibigan o pamilya, at ginagamit bilang isang paraan upang magkasama at makipag-ugnayan sa isa't isa. Ang "kumain ka na ba?" ay maaaring madaling itapon bilang isang mababang uri ng panunuyo, ngunit kapag itinanong ito ng tamang tao, ito ay wika ng pag-ibig. Sa iba pang bahagi ng mundo, ang pagkain nang mag-isa ay lalong kinasusuklaman para sa mga kababaihan na inaakalang "nagbebenta ng kanilang mga serbisyo." Noong huling bahagi ng 1960s, ipinagbawal ng mga establisimiyento ang mga dumarating na walang kasamang lalaki—at kahit na inalis ang mga paghihigpit na ito sa kanilang pagpasok sa trabaho, kadalasang walang humpay ang mga lalaki sa pag-iistorbo ng mga kababaihan kahit halatang ayaw nilang maistorbo. Bilang isang mag-aaral, ang pagkain nang mag-isa ay

Tinimbang ngunit kulang

Bakas pa ang mga katagang ito mula sa isang komersyal pantelebisyon ng Cornetto na aking napanood isang dekada na ang nakalipas. Sariwa pa ang alaala ko sa aking kabataan na paulit-ulit itong binabanggit kasama ang aking mga kaibigan sa aming maliit na komunidad sa Parang.

Sa tuwing sasapit ang kapaskuhan o iba pang mga okasyon, bumibili ang aking mga pinsan sa may tindahan sa Magsaysay o ‘di kaya’y sa malapit na Ministop ng sorbetes na tig-bebente, gaya ng sinabi ng paborito kong artista noon na si Sef Cadayona. Sa kabila ng pagkawili ko sa komersyal na ito, hindi ako gaanong natuwa sa mismong produkto dahil sa pambihirang laki nito para sa aking munting katawan. Kaya naman, iba na lamang ang aking binibili. Minsan ay nanghihingi ako ng kaunting karagdagang pera sa aking lolo para bumili ng maraming chichirya o ‘di kaya’y iipunin na lamang ito hanggang sa makakalap ng sapat na halaga upang bumili ng ChickenJoy sa Jollibee sa halagang ₱75.

mga busina at harurot ng mga motor na palakasan ng tunog tuwing umaga. Nakatatawa pa, nangyayari ito sa gitna ng siksikang daanan dahil sa hindi humuhupang trapiko. Halos hindi na nagagalaw ang kambyo at manibela, kulang na lang ay ibang sasakyan na lang ang magtulak sa iyo para makausad. Subukin mong magcommute sa Maynila; ito ang totoong danas ng pagod at hirap. Sa loob ng isang pampublikong sasakyan, samu’t saring kuwento na agad ang mapupulot mo. May natutulog, nagse-cellphone, at kumakain ng burger na malalanghap ng lahat. Pero bago pa makarating sa destinasyon, kinakailangan munang makipagbakbakan sa karagatan ng iba pang komyuter habang tumatagaktak ang pawis sa likod at nagdarasal na hindi manakawan. Hindi ba’t nakapagtataka na sa kabila ng pagiging mayamang kapitolyo, patuloy pa rin ang paglobo ng mga numero ng krimeng may kaugnayan sa kakulangan ng pera: nakawan, dukutan, at kuhaan ng gamit. Ito ang pinakamatinding nagbibigay sa akin ng pagkakataon na magproseso at magpatingin sa mga damdamin na maaaring hindi ko napansin sa gitna ng kaguluhan ng aking araw sa paaralan. Minsan, nasasaksihan ko ang mga bagong ideya na nabubuhay habang nanonood ako ng mga tao, nakikinig sa mga pag-uusap, o nakikipagusap sa aking kahero. At bilang isang introvert na hindi sanay sa ganitong pakikipagtalastasan, isang lunas ang kapayapaang dala ng isang platong pagkain.

kalaban ng lungsod—kahirapan. Kahit hindi man aminin, pininturahan lang ang Maynila bilang ginintuan kaya napilitan ang mga taong sumangayon na ang kagandahan ng lungsod ang magtatago sa dumi, dungis, at lamat nito. Matatawag na “Mini New York City” ang Maynila dahil sa matatayog na gusali, magagandang tanawin, at maraming sasakyan. At gaya ng New York, masyado itong maingay, magulo, at mayaman— para sa may kaya. Wala kang mapapala sa lugar na ekslusibo lang sa mga taong higit sa barya ang laman ng bulsa. Mabilis ang takbo ng buhay sa kapitolyo at hindi ito babagal para sa’yo. Ikaw ang maghahabol, ikaw ang magbabago ng pamumuhay para makasabay sa agos nito.

Kapalit ng pagkamit sa “Manila Dream,” ay paang habambuhay nang nakabaon sa hukay ng pagnanasang makabangon muli mula sa putik na binaha ang mga nagmamalinis na kalsada ng Maynila.

Hindi ka mamamatay kapag kumain ka mag-isa

Ang ganitong uri ng pag-iisa ay isang bagay na maaari nating pakinabangan kung muling ibabalangkas natin ang ideya sa pagkain nang mag-isa bilang isang kasiyahan, at paghandaan ito tulad ng isang karaniwang pagtitipon. Sa halip na ituring ito bilang isang bagay na kakilakilabot na kailangan nating "lampasan," maaari nating isuot ang ating pinakamagandang damit, pasayahin ang ating mga sarili sa isang menu item na may pangalan na mahirap bigkasin, o pumili ng isang upuan na may magandang tanawin.

Walang problema kung hindi pa tayo kampante sa pagiging ganap sa mga sandaling ito. Kung susubukan nating gawing

Napapaisip pa ang walang muwang kong sarili noon kung gaano karaming pagkain ang aking kayang mabili para sa akin at sa aking mga minamahal sa buhay sa aking pagtanda.

Ngayon, tila walang nagbago sa sitwasyon ng gastusin sa pang-araw-araw na pangangailangan, na kung tutuusin ay lalo pang naghirap dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin kasabay ng pagbaba ng halaga ng pera sa ating bansa—ang krisis ng implasyon.

Ayon sa datos ng MacroTrends, simula nang naupo ang dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016, patuloy lamang na umangat ang inflation rate sa bansa. Mula sa 1.25% nang siya’y maluklok sa puwesto ay umangat ito sa 5.82% nang matapos ang kaniyang termino. Hindi rin naging maganda ang naging pamamahala ng administrasyon noon at ngayon sa naturang krisis ng implasyon. Tila naging bato ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bababa ang presyo ng bilihin sa kaniyang mga kampanya matapos bahagyang tumaas ang inflation rate mula 5.82% hanggang 5.84% para sa taong kasalukuyan. Ayon naman sa datos ng Statista, pumapangalawa ang

Pilipinas sa may pinakamataas na inflation rate sa South East Asia sa taong 2023. Sumunod ito sa Myanmar na may tumataginting na 13% na infllation rate sa parehong taon.

Maliit man ang pagbabago sa porsyento para sa mata ng karamihan, damang-dama naman ito ng mga taong nasa laylayan, mga taong hindi na magkamayaw sa kanilang mga gastusin at bayarin. Kabilang sa mga ito ang aking pamilya. Ang halaga ng bente pesos noon na makabibili ng kung anu-anong ibigin ng iyong puso at tiyan ay hindi na kayang bumili ng kahit isang piraso lamang nito. Ang bente pesos ko noon na kaya kang dalhin kung saan-saan papunta at pabalik sa iyong pinanggalingan ay minsa’y ‘di na sapat para sa maikling biyaheng patungo sa bayan. Ang bente pesos noon na makabibili na ng isang kilong bigas para sa dalawang araw na kainan ay suwak na lamang para makabili ng isang tasang kanin sa mga karinderya sa tabi-tabi. Sa paglaon ng panahon, lalo lamang akong namumulat sa katotohanan ng sitwasyong kinakaharap ng ating bansa ngayon. Sa panahon kung saan hindi magkamayaw ang mga taong nasa laylayan sa bente

kasiya-siya ang pagkakataong ito, hindi natin mapapansin na hindi natin ito ibinabahagi sa iba. Hindi na natin papansinin ang takot na mayroon tayo na lahat ng tao ay palihim na nanghuhusga. Sa katotohanan, malamang na abala sila sa pag-aaliw sa mga kasama nila o iniisip kung ano ang iniisip ng iba sa kanila. Wala tayong patunay na tayo ay pinagtatawanan sa anumang partikular na sandali— at kahit na mayroon man, ano ba talaga ang mahalaga? Ang mga gantimpala na dala ng pagkain nang mag-isa at pagsusulit sa lahat ng bagay sa aking paligid ay higit na mas malaki kaysa sa mga hadlang nito. Sa bawat pagtatagpo, nakakakita ako ng mga munting kasiyahan ng pang-araw-araw na buhay—ang unang kagat ng alam kong magiging bagong paboritong pagkain ko, ang ngiti sa mukha ng isang bagong dating na customer habang sila ay muling nagsasama ng isang kaibigan, ang hindi inaasahang pakikipag-usap sa mga taong katabi ng aking lamesa na nagpapaalala sa akin sa aking nanay—at bagaman ako ay dumating mag-isa, ako ay bahagi pa rin ng isang komunidad kaya hindi ako tunay na nag-iisa. pesos sa pang-araw-araw ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga gastusing mas lalo lamang nagpapagipit at nagpapahirap sa kanilang kabuhayan na tila isang batong bumubutas lamang sa manipis na plastik na bitbit ay ang kanilang pangangailangan.

Kung tatanungin man ako kung hanggang saan aabot ang bente pesos ko ngayon, malamang sa malamang ang sagot ko ay Cornetto, pero dala ng pagsagot na ito ay ang dismaya na hanggang sa imported na ice cream na lamang aabot ang bente pesos ko kaysa sa pangangailangan ko sa aking patuloy na pamumuhay – dismayado na mas napanatili ng korporasyon na ito ang presyuhin ng kanilang produkto ‘di tulad ng bansang kinalakihan kong patuloy lamang pinapataas ang presyo ng mga bilihin.

Kung susummahin, mas masasabi kong mas nabusog pa ako sa pag-asang ibinigay sa akin ng nakaraan kaysa sa reyalidad na kinakaharap ko ngayon. Noon, kahit papano ay nabubusog pa ako kahit kakaunting pera lamang ang hawak naming pamilya, ‘di tulad ngayon na kahit gaano pa karami ang hawak ko ay parang nawawala na lamang ito na tila bula.

10 opinyon TOMO VII, ISYU 2 HULYO-DISYEMBRE 2023 apatusan ang
" " "
TANAW NG UWAK MANOY

Kulang man ng binti, buong lakas ang pagpadyak hanggang sa magpunyagi.

Nagsisilbing katatawanan para sa ilan ang Person with Disability (PWD), dahil talamak sa ating lipunan ang nakasanayang mababang pagtingin sa kanila. Mula rito, mabibigat na salita, hindi kaaya-ayang pagtrato, at saradong oportunidad ang madalas nilang natatanggap. Taliwas sa nakagawiang pananaw ng karamihan, bakas sa kuwento ni Nelson Deliva, isang PWD, na walang imposible para sa isang taong determinado. Hindi lamang niya pinatutunayan ang angkin nilang kakayahan, ngunit hinigitan din niya ang pangmamaliit ng iba sa kaniya bilang tricycle drayber na walang isang binti. Sa kabila ng kaniyang kapansanan, hindi nagiging hadlang para kay Deliva ang kaniyang kalagayan upang patuloy pang umabante mula sa landas na kaniyang tinatatahak. Gayumpaman, hindi biro ang pinapasang bitbitin mula rito, higit na namamayani sa kaniya ang pagmamahal sa kaniyang pamilya at kagustuhang matustusan ang mga pangangailangan nila kaya naman, matapang niyang hinahanarap ang mga hamong nakasasalubong sa daan sa kabila ng kaniyang kapansanan.

PAGGAMAY SA

LUMILIKONG LANDAS Isa sa mga pangunahing salik na nagtulak kay Deliva na piliin ang pagmamaneho ay ang kaniyang ama. Ito ang nagsilbi niyang modelo at siya na ring nagbukas ng kaniyang kamalayan sa malaking pakinabang ng trabahong ito sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Magkagayunman, ang inaasahan niyang daang kaniyang susundan mula sa yapak ng ama ay lumiko sa ibang direksyon nang siya ay mapabilang sa PWD. Kuwento niya, noong una ay normal pa talaga siyang nakapagmamaneho ng kaniyang tricycle gamit ang kaniyang dalawang binti. Nagkaroon lamang ng pagbabago sa kaniyang buhay matapos ang ilang taong pamamasada. Unti-unting napagod ang kaniyang katawan na dahilan upang siya ay magkasakit at kailanganing putulin ang isang bahagi ng kaniyang katawan. “Sa pagmamaneho kasi, nandiyan ‘yong maiinitan ka, maaarawan ka, [at] mababasa ka ng ulan. So, ‘yon di ba mula roon, nagkakasakit nga ang mga tao. ‘Yon naging isa ‘yon sa mga naging dahilan nito,” sambit niya. Sa kabila ng nangyari, hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa sa buhay. Kaya naman, matapos ang ilang buwang pagpapagaling, muli siyang bumalik sa pamamasada. Ngunit dahil wala na ang kanang paang papadyak sa motor nito, inayos niya ang puwesto ng kaniyang tricycle na akmang makakikilos siya sa kabila ng kaniyang kapansanan. Nagsaliksik si Deliva ng mga maaaring paggayahan para sa mga modipikasiyong gagawin sa kaniyang motor. Ginawa niya ang kaniyang makakaya upang matapos ito at matiyak na magiging ligtas ang paggamit niya rito lalong higit para maging angkop ito sa mga dapat niyang matapakan sa pagpapatakbo nito. “Para makapag-drive, nandiyan ‘yung minodify na piyesa sa tricycle. Hindi naman ako lang mismo ang gumawa, may iba rin. Tapos may pinagkopyahan ding itsura ng sistema,” paliwanang niya.

PAGPAPATAKBO NG PANININDIGAN

Bagaman unti-unti na siyang nasanay sa kaniyang kalagayan, hindi pa rin maiiwasan ang mga maliliit na aksidente at pagkasira ng tricycle. Subalit kung iisipin, napakalaki ng papel ng pagiging tricycle drayber sa

Danas sa

Likodng

Manibela

Ang pag-arangkada ng isang PWD sa landas ng pamamasada

kabuhayan ng napakaraming Pilipino, tulad na lamang ni Deliva, bilang isa ito sa mga pangunahing transportasyon sa bansa.

Mula rito, maging mabigat man ang sitwasyong kaniyang pinagdadaanan, higit pa ring nanaig ang dedikasyon niyang mairaos ang kanilang pamilya. Ang hindi matitinag niyang pagsuporta sa edukasyon ng kaniyang mga anak ang lakas na nagtutulak sa kaniyang patuloy ang pagkayod lalo na at tatlong anak pa ang kaniyang pinapa-aral.

"Dalawa ang college ko tapos may isa pang high school... Alangan magbibisyo ka pa. Sa pamilya talaga o kaya sa tahanan niyo, bayarin niyo sa pang araw-araw, ilaw, tubig, andoon lahat ‘iyon," dagdag niya. Kadalasan mang mahina ang biyahe, malugod pa rin niyang ipinagpapatuloy ang trabaho. Bago niya pasukin ang oportunidad na ito, hinanda niya ang kaniyang sarili na hindi laging patag ang daang kaniyang daraanan. May pagkakataong dumaraan siya sa mabatong landas ngunit tiyak siyang sa pagbagtas sa masukal na daang ito, kakailanganin niya ang mahigpit na pagkakapit sa kaniyang mga hangarin. Bitbit din niya ang paninindigang marangal ang pagiging tricycle drayber. Kahit na kadalasang minamaliit ang pagiging drayber, saksi siya sa napakalaking oportunidad na nabubuksan nito upang higit na umasenso ang buhay ng napakaraming indibidwal.

Aniya, sa kabila ng lahat ng kaniyang mga pinagdaraanan, hindi niya tatalikuran ang kaniyang trabaho nang dahil lamang sa kapansanang taglay niya. Gaya ng inilaan niyang panahon upang sanayin ang kaniyang sarili sa pagmamaneho ng tricycle gamit lamang ang isang paa, kakayanin din niyang magpatuloy mula sa pagmamahal niya sa kaniyang trabaho.

Sa istorya ni Deliva, hindi kailanman naging kakulangan ang kawalan niya ng isang bahagi ng katawan. Sa katunayan, naging kalakasan niya pa ito sa pagpadyak ng kaniyang daang kaniyang dinaraanan at susi ng katagumpayan, hindi lamang para sa pamilya, kundi alang-alang na rin sa karapatan nilang mga kabahagi ng PWD. Sa likod ng kaniyang paglalakbay, mababakas dito na kung magiging bukas lamang ang lipunan sa pagtanggap sa kanila, mabibigyan sila nang mas maraming pagkakataon at mababawasan ang

"Ang pagta-tricycle naman ay malinis na trabaho ‘yan, puwedeng ipagmalaki talaga ‘yan. Kayang bumuhay ng pamilya ‘yan [at] kayang makapagtapos ng pag-aaral ng anak. Nasa tao lang talaga kung paano didiskarte,” saad niya.

PAGHAHATID NG INSPIRASYON

Sa tagal na 27 taon niyang pamamasada, wala pa siyang planong huminto at tuldukan ang landas na ito. Sa katunayan, bukod sa malaking bentaheng naidudulot ng kaniyang trabaho sa kanilang pamilya, ipinagmamalaki rin niyang nakapagbibigay saya siya sa kaniyang mga pasaherong kaniyang inihahatid sa tuwing nakikita nilang bahagi siya ng PWD. “Gustong-gusto nga nila akong masakyan. ‘Yung iba siyempre nagugulat, ‘yung iba naman naa-admire sa akin. Kumbaga nagiging daan pa ng inspirasyon para sa kanila,” wika ni Deliva.

Para sa kaniya, mula sa gabay ng Diyos at tulong ng mga taong malapit sa kaniya, lagi niyang kakayaning malampasan ang anumang hamon na dumating sa kanyang buhay. Kaya naman, nais niyang ibahagi ang tapang na kaniyang dala at bigyan ng sapat na lakas ng loob ang mga katulad niya. “Habang may buhay, may pag-asa. May talino sila, gamitin nila. Huwag ‘yung bibitawan na lang nila yung sarili nila dahil sa lagay nila,” mensahe niya para sa mga tulad niyang PWD na napanghihinaan ng loob dahil sa kanilang kalagayan.

Dibdibang Usapan: Sex education sa mata ng kabataan

Ilabas, ipasok, sabay putukin ang bulang gumapi sa konsepto ng pakikipagtalik sa kapaligirang pininturahang luntian.

Sa loob ng maraming dekada, ang salitang sex o pakikipagtalik ay kadalasang pangunahing instrumento ng pagpapatawa at ginagamit sa paraang pabiro. Kawalan ng konkretong kaalaman sa sex ang pangunahing dahilan ng pakikisawsaw at pag-apak, sa isang paksang hindi dapat pagtawanan bagkus dapat pagusapan. Hangga’t walang malalim

na pagtalakay, mananatiling sakdal ng pag-iwas ang diskursong romansa na siyang ugat sa mas malalaking isyung panlipunan.

KAKULANGAN SA

PAGTALAKAY Nababangga ng kultura at paniniwala ang pagiging bukas ng mga Pilipino; pilit nitong sinasara ang pinto ng pagiging progresibo, inklusibo, at makatao. “Mayroon naman sana

[sapat na edukasyon sa sex], pero minsan conflicting sa socio-religious-cultural norms natin mga Pinoy. Nagkakaroon pa rin ng ‘di pagtanggap sa mga tinuturo sa atin, So, same sa MariSci, kasi iba’t ibang paniniwala pa rin,” puna ni Mr. Arvin Lark Santiago, isang guro sa MAPEH 7.

Isinusulong ang adbokasiyang “safe sex” sa iba’t ibang plataporma, panlokal man o pambansa, na

kadalasang pinangungunahan ng pamahalaan. Bagaman tumutulong sa pagkakaroon ng kamalayan ang pamamahagi ng libreng contraceptives tulad ng condoms at menstrual pads, hindi dapat dito natatapos ang pagpapatupad ng mga programa. “Ang problema, pinamimigay lang nila. Parang hindi nila tinuro talaga, like yung kahalagahan at paano sila ginagamit. Kaya ang

nangyayari kapag ipinamigay nila, hindi nila alam paano gamitin, minsan napaglalaruan pa nila nasasayang lang, ‘di ba? So, I think ang pinakakailangan talaga bigyan ng effort ng gobyermo is ‘yong knowledge kailangan na mailatag sa mga kabataan yung proper safe sex,” ayon kay Siefer Mina, isang mag-aaral mula sa ikalabindalawang baitang.

lathalain apatusan ang TOMO VII, ISYU 2 HULYO-DISYEMBRE 2023
MAGPATULOY SA PAHINA 14
Ni ZEA DOMINGO Nina MARIELLE ORBONG AT MARGARET DOLALAS

Aurora S Aurora bolunterismo tungo sa

Bunga ng malaking bantang kinaharap ng bansa noong kasagsagan ng pandemya, nagbunsod ito ng pagkakatatag ng kanilang organisasyon. Naging daan ito sa pagsulong ng bolunterismo sa kanilang lugar at sa pagusbong ng pagtutulungan ng mga kabataan upang maging bahagi ng pagbabago. Nagsimula ang lahat ng ito sa pamumuno ni Reinald Jay “RJ” Belen, 28, ang kinikilalang founder at kasalukuyang Executive Director ng mas lumalawak pa nilang pamilya. Sa kabila ng magandang hangarin, ibinahagi ni Belen na hindi nagiging madali ang buong proseso ng kanilang paglalakbay lalo na’t ‘volunteer-based’ lamang ito. Gayumpaman, mas nangingibabaw pa rin sa kanila ang dedikasyong mailabas ang nakakubling potensiyal ng mga kabataan at makilala ang mga kaya nilang magawa para sa lipunan.

Pinahahalagahan din nila ang kapasidad na mayroon ang bagong henerasyon, kaya sinisikap nilang hasain pa ito sa pamamagitan ng kanilang mga proyekto. Nakasentro ang kanilang misyon sa pagtulong sa mga kabataan sa iba’t ibang aspekto ng lipunan katulad ng edukasyon, kalikasan, aktibong pagkamamamayan, at pagpapalakas ng ekonomiya.

Sa “Abot Ko Ang Libro,” nilalayon nilang sindihan ang pagmamahal ng kabataan sa pagbasa na edad 2–15 na taong gulang. Nariyan din ang kanilang proyektong “Ang Batang Kali Program” na nakatuon sa mga indibidwal na edad 8–15 na taong gulang upang maging tagapagtanggol at tagapangalaga ng kalikasan. Bago matapos ang taong 2023, inilunsad na rin nila ang bago nilang proyektong “Hiraya.” Mula rito, hinahangad nilang higit pang mapagbuti ang kasanayan ng mga kabataang edad 15–17 na taong gulang sa pundasyon ng pamumuno at pagpapatatag ng mga adbokasiya. Ayon kay Belen, isa sa mga salik na nagtutulak sa kaniya upang ipagpatuloy ang Sikat-Aurora ay ang mga miyembro nitong handang maglingkod para sa kabataan. Karamihan sa mga ito

PAGSIBOL NG PAG-ASA Binubuo ang Sikat-Aurora ng mga kabataang nagkakapit-bisig sa paggabay sa mga nangangailangan. Dala ang paninindigan ng organisasyon, samasama nilang pinalalaganap ang pag-asa sa kanilang probinsya sa pamamagitan ng pagtuturo sa iba. Bagama’t ika-12 ng Agosto, 2021 na nang opisiyal itong itinayo, aktibo nang nakikilahok ang mga kabahagi nito sa iba’t ibang panlipunan at pansibikong programa sa Baler. Sa loob ng dalawang taon nitong serbisyo, maraming mamamayan na ang nakasilay sa liwanag na kanilang ibinabahagi at lumalawak na rin ang dami ng kanilang naihahatid tungo sa masaganang hinaharap. Sa kasalukuyan, halos nalibot na ng kanilang programa ang buong probinsya ng Aurora dahil nakarating na ito sa iba’t ibang barangay sa pamayanan ng Baler, San Luis, at Casiguran.

ay nag-aaral pa, ang iba ay ‘young professionals’ na, at mayroon ding mga out-of-school youth. Ngunit sa kabila ng mga magkakaibang lagay sa buhay, pinagbubuklod sila ng iisang layunin—ang maging instrumento ng paglilingkod. “Namamangha ako sa tuwing maiisip ko na nagbibigay sila ng oras at panahon para magboluntaryo sa mga programa namin sa kabila ng mga responsibilidad nila sa kani-kanilang buhay,” pahayag ni Belen.

MAKULIMLIM NA LANGIT

Dahil bolunterismo ang bumubuhay sa Sikat-Aurora, isa sa mga pagsubok na kanilang kinakaharap ay ang paghahanap ng mga taong makatutulong sa mga kailangan nilang isagawa. Mayroon mang mga nagkukusang-loob na mag-alok ng suporta, hindi pa rin maiiwasan ang pagbungad ng mga makulimlim na kalagayan dahil nananatiling hamon ang pagtiyak na magkakaroon ng sapat na bilang ng mga ito. Malaki ang papel na ginagampanan ng bawat isang volunteer sa bawat proyektong kanilang isinasakatuparan. Halimbawa, sa kanilang “Abot Ko Ang Libro,” ang mga indibidwal na nagboluntaryo mismo ang nagbabasa ng mga kuwento, naghahanda ng mga pagkain, at nagbabantay sa mga bata. Kaya naman, napakahalaga ng bawat isa sa kanila upang maisagawa ang mga kakailanganin. “Given na volunteers, we can’t demand so much from them. Kaya nagiging challenge yung ‘pag manage ng

volunteers,” giit ni Belen. Bilang pagtugon sa problemang ito, tinitiyak nilang makapaglalaan sila ng panahon upang makapag-anunsyo ng panawagan para sa mga nais magboluntaryo. Sa pamamaraang ito, nailalatag nang maayos ang mga plano at nabibigyan sila ng sapat na oras upang masigurong magagampanan nila ang mga gawaing maitatalaga sa kanila. Karagdagan pa rito, isa rin sa mga hamong kinahaharap nila ay ang kakulangan sa pondo. Dahil non-profit ang kanilang organisasyon, ang pangunahing nagpapatakbo rito ay ang donasiyon ng mga mamamayan, grants, at iba pang tulong pampinansiyal na iginagawad sa kanila mula sa mga programang kanilang sinasalihan.

MALIWANAG NA BUKAS Sa kabila ng mga problemang madalas na kaharapin, hindi sagabal ang lahat ng ito dahil higit na nananaig sa kanila ang pinanghahawakan nilang layunin. Sa mas malawak na pagtingin, ang masaksihan ang unti-unting paglago ng kaalamang kanilang itinanim ang isa sa pinakamalaking tagumpay na natatanggap nila.

Nagsisilbi silang tulay upang maipakita sa napakaraming mamamayan ang sinag ng kinaadman at kasanayang kanilang inihahandog. Mula rin dito ay nakikilala nila nang lubusan ang kalakasang taglay ng mga kabataan na siyang nagiging susi upang mabuksan ang kakayahan nila sa pagkilatis sa mga kaganapang panlipunan

12 lathalain TOMO VII, ISYU 2 HULYO-DISYEMBRE 2023 apatusan ang
MARIELLE ORBONG
Ni

Aurora Si katAurora

bolunterismo

paglago ng kabataan

"Not because I cannot give more but because I want others, our volunteers, to give their share too… Na-realize ko, I should also know when to step back and allow others to do it on their own way,"

lamang sila ang nakapagbuhos ng kaalaman sa iba, dahil umaapaw na repleksiyon din ang sumalubong sa kanilang paglalakbay. Sa pagninilay ni Belen, napagtanto niyang kasabay ng pagpapakilala sa kabataan ng mga kaya nilang gawin, mahalagang maikintal din sa isipan nila ang bigat ng kanilang obligasiyon at matutunan kung paano ito pangangasiwaan. Aniya, hindi maiiwasang minsan na inaako natin ang lahat ng responsibilidad, dahil alam nating kaya naman natin itong gawin nang mag-isa. Gayumpaman, isa sa pinakamabigat na aral na kaniyang napulot ay ang pagbibigay ng pagkakataong magamit ang kanilang natutuhan sa totoong sitwasyon ang kanilang kinahaharap.

“Not because I cannot give more but because I want others, our volunteers, to give their share too…[N]a-realize ko, I should also know when to step back and allow others to do it on their own way,” dagdag niya.

pasensya. Dahil ang pagkatuto ay panghabambuhay na proseso, kinakailangan ng pagtitiyaga sa pag-alalay nila sa iba hanggang sa matuto sila mula sa kanilang mga kahinaan at pagkakamali. “Hindi man perpekto sa una pero that’s how they will learn. By doing it,” kuwento niya.

Nais iparating ni Belen sa mga nais ding makagawa ng pagbabago ngunit pinanghihinaan ng loob na huwag nilang maliitin ang kanilang sarili. Sa katunayan, dito rin nagsimula ang SikatAurora na binuo lamang ng sampung boluntaryo noon. Ngunit sa paglaon ng panahon, unti-unti ring lumaki ang kanilang pamilya na sa kasalukuyan ay binubuo na ng mahigit 200 miyembro.

“It’s always a learning process. Wala naman nagsimula na perpekto na. So don’t be afraid to start small and just do it,” mensahe ni Belen.

at higit pang mahasa ang mga ito.

“I get to meet so many youth in our province. I get to see their potential. And I get to mentor them,” wika niya.

Karagdagan pa rito, malugod sila sa pagmulat ng kamalayan ng mga kabataan at maipakitang hindi lamang limitado ang pagkatuto sa loob ng kuwadradong silid. Sa labas ng apat na sulok na ito, naipakikita nilang higit na marami pang pagkakataong naghihintay sa kanila.

Mula sa mga aral na kanilang naipababaon sa bawat bayang kanilang dinadayo, nagbubukas ito ng pinto upang mabusog sa karunugan at mapuno ng inspirasiyon ang mga kabataan na lalo pang makisangkot sa paglilingkod sa lipunan. Sa katunayan, ang ilan sa mga miyembro nila sa kasalukuyan ang nanghihikayat na magtayo ng sariling organisasiyon habang ang iba naman ay naantig na tumakbo sa Sangguniang Kabataan.

Bunga ng isinasakripisyo nilang oras at pagsusumikap na makatulong sa iba, nasusuklian ito nang hindi matutumbasang kaligayahan sa tuwing nababanaag nila ang malalayong landas na nagagawang marating ng mga kabataan mula sa maliliit na hakbang na kanilang sinimulan. “Ang sarap lang maging maliit na bahagi ng paglago ng mga volunteers namin,” kuwento niya.

PAGLUBOG SA MGA PAGNINILAY

Sa loob ng dalawang taong pamamahala sa organisasyon, hindi

Kaya naman, bilang siya ang nagsisilbing pundasiyon ng organisasyon, sinisikap niyang mag-iwan ng bakas para sa hinaharap ng mga susunod pang henerasiyon. Buhat ang layuning ito, nagagamit nila bilang instrumento ang Sikat-Aurora upang higit pang linangin ang mga indibiduwal na magpatuloy ng yapak na kanilang nasimulan. Hindi rin biro ang paggabay na kanilang ginagawa lalo na at malaking salik sa pagsasakatuparan nito ay ang pagkakaroon nang mahabang

Mula sa maliliit na hakbang ng pagkakaisa hanggang sa pagsulong ng bolunterismo sa iba’t ibang dako ng kanilang probinsya, ito ang nagiging daan sa paggawa ng malalaking pagkakataon para sa mga susunod na henerasyon. Mula rito, mapatutunayang hindi nga lang magagandang tanawin ang maibabandera ng Aurora. Sa bawat pagsikat ng araw sa silangan, kasabay nito ang pagkinang ng mga kabataang hinihintay ng maliwanag na kinabukasan.

13 lathalain TOMO VII, ISYU 2 HULYO-DISYEMBRE 2023 apatusan ang
| Mga kuhang Larawan ng SIKAT-AURORA
maka-agham LABAN SA KALAMIDAD
Messenger nangibabaw na ‘socmed
bilang

maka-agham na armas

KALAMIDAD

at TikTok ‘socmed platforms’ ng MariScian sa pag-aaral

Ginintuang indak ng Cagayan sa Mens Secondary

Secondary ng Aerobic Gymnastics

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.