1 minute read

Simbang Gabi

Next Article
When would I

When would I

Ilang taon nang nagsisimbang gabi si Michael ngunit hindi nawawala ang sabik niya pagdating dito. Kaya naman minadali niya ang pag-ayos sa sarili. Punong puno ang simbahan nang dumating si Michael, kaya sa labas na lang siya nanatili upang makinig sa misa. Habang nakikinig kay Father, marahang ipinikit niya ang kanyang mga mata para damhin ang lamig ng simoy ng hangin.

“Paskong pasko na talaga,” aniya.

Advertisement

“Elle!” tawag sa kanya mula sa likod. Alam na alam na niya kung sino ito. Siya lang ang nag-iisang taong tumatawag sa kanya neto. “Ang tagal mo naman, kanina pa ’ko naghihintay,” sabi ni Michael.

“Sorry mahal, late ako nagising. Bili na lang tayo mamaya ng maraming bibingka, okay?” sabi ni Yena, ang kasintahan niya. Napangiti na lang siya at sumang-ayon dito. Hindi naman niya ito kayang tiisin. "Ano ang hiniling mo mahal?” tanong ni Yena.

“Hindi ko sasabihin, baka hindi magkatotoo eh,” pabirong sagot ni Michael.

“Damot, yung sa ‘kin, sana humaba pa ang buhay ko para makasama ka pa nang matagal,” nakangiting tugon ni Yena.

Nagtapos ang misa na sila ay magkahawak-kamay. Agad silang tumungo sa paborito nilang tindahan ng bibingka.

“Oy, Michael, wala pa rin? Kay poging bata,” ani Aling Marites na may-ari ng tindahan.

“Wala pa po, Aling Marites,” nakangiting sambit ni Michael.

“Ganun pa rin ba?” tanong ni Aling Marites. Bibingka yung tinutukoy niya.

This article is from: