Sining Collective: "Simula"

Page 1

SINING COLLECTIVE

Kilalahin ang mga tao sa likod ng Sining

Of text and visuals: Selected works from local artists

KM64: Ang Pluma bilang Punla

SIMULA


SIMULA

2


SINING COLLECTIVE


SIMULA

SINING ZINE: SIMULA Tomo I Bilang 1 Karapatang-ari Š2016 Nananatili sa indibiduwal na may-akda o may-dibuho ang karapatang-ari ng bawat piyesang ipinalimbag dito. Hindi maaring ipalathala muli o gamitin sa anumang paraan ang alin man sa mga nilalaman nang walang karampatang pahintulot sa may-akda o may-dibuho. Ang mga kumento at mungkahi ay maaring ipahatid sa:

E-mail address : siningcollective@gmail.com Issuu: issuu.com/siningcollective Facebook: www.facebook.com/sangalanngsining Sound Cloud: soundcloud.com/siningcollective

Ang pabalat ay likha ni Franchesca Jinel Franco Ang retrato sa pangalawang pahina ay likha ni Iya Baleros


SINING COLLECTIVE

INTRODUKSYON

U

Una sa lahat, isang magandang paraan ng pagdiriwang ng pagpapatuloy sa pagsikhay ang paglathala ng unang isyu ng zine na ito, masasabing hindi lang ito basta puno ng retrato, pinta, drowingdibuho, o tula, bagkus isang koleksyon ng mga gawang tila mula sa mga halos napagpanday ng panahon. Sa zine na ito masasabing inilahad ang bawat saloobin mula sa mga artista pintor at manunulat, na tila hindi ito basta lang ginawa para isumbat sa nakararami, at sa halip paraan upang ipakita sa madla na ang bawat gawa nila ay paraan ng paghubog sa sarili bilang indibidwal, na sa bawat likha nila ay puwedeng ipakita ang pagbabago na nais makita din sa lipunang kinalalagyan. At marahil nararapat lamang na bigyan ng pinakamataas na pag-

paparangal sa mga indibiduwal o grupong nakasaad sa isyu na ito, dahil sa pagpapamalas ng kanilang paglikha. Mapa retrato man ito, pinta, tula, drowingdibuho, o kahit sanaysay na nagsasalarawan sa araw-araw na buhay at sa nais nitong isiwalat. Sana’y sa gawang ito’y pinasusulong din ang mga manunulat at artista ng henerasyong ito at sa susunod na nais gamitin ang mayamang bukal ng mga karanasan ng mga taong masasabing sa likod ng kanilang mga gawa. Sa ngalan ng sining, nawa’y maging mapanglikha tayo at patuloy sa paglikha. Paul Gaborni Punong Panugot Sining Collective

i


SINING COLLECTIVE Nabuo ang Sining Collective sa kadahilanang gusto naming magkaroon ng tahanan ang mga taong may pag-ibig sa mundo ng “arts”. Kahit anong medium, kahit anong klaseng bitaw. Ang lahat ay maaaring maging tahanan ang Sining Collective. Isa sa mga layunin namin ay ipakita na ang Sining ay hindi lamang “trend” simula noong nauso ang hugutan, dahil meron talaga itong pinag-uugatan, at layon nito na lumago. Ang Sining ay may inaabot. Hinihikayat nito ang bawat indibiduwal, lalo na ang mga nagsisimula pa lang sa eksena na makibahagi at huwag itago o iisantabi ang kanilang potensyal sa larangan ng sining. Ang Sining ay hindi lamang dapat laganap sa ‘social media’. Ang sining ay matagal na nating kasama at sasamahan tayo para malaman nating may nagkukubling kahulugan ang bawat bagay, at lahat ay may kulay. Ang Sining ay hindi lamang porma. Ang Sining ay buhay at may mga taong bumubuhay nito para bigyan ito ng saysay. Dahil hindi ito basta lang pakulo. Isa itong pagkilos, pag-abot sa nangangailangan, pagtulong, paghikayat, at pagbigay kahulugan sa mundong mahirap ipaliwanag. Ang Sining Collective ay magiging daluyan at lunsaran nang nilapat mong depinisyon ng bawat opinyon, saya, hinagpis, poot... ang depinisyon ng ikaw.

Franchesca Jinel Franco Founder

Paul Gaborni Editor in Chief

Keith Pereña Features Editor

Cybyll Viray Layout Artist

Frederick Deserva Jan Benedict Layout Artist Photographer Photographer


What makes Sining different from other art collectives? Paul: Benefit events are one example since it shows support on coming artists besides having a group that is more than what is shown on Facebook. Sining also has its cause to carry on, that serves as a drivel behind those events or actions outside Facebook (like this Zine). Isn’t it that good to show something better not just for the members as well as others willing to contribute in the scene? After all, Sining means art and art brings life in a dull setting. Franchesca: Sa tingin ko ang pagkakaiba naming sa ibang collective ay iyong katotohanan na mas malawak ang Sining Collective sa larangan ng arts, napansin ko kasi sa ibang mga collective iba’t ibang focus sila, like spoken word, meron naman sa photography, sa pagguhit etc. Ang Sining Collective kasi halos lahat ng klase ng “art” tinatanggap at meron tayo. Isa rin ‘yung ginagawa nating benefit events, sana may iba pang mga collective ang gumagawa nito, sana mas maraming collective ang nag nagbe-benefit events para ipakita na hindi lang hanggang ‘Facebook’ ang mga collective. Nakakatulong din sa society. Keith: Naiiba ang Sining Collective sa pagsuporta nito sa mga dalubhasa na malapit sa tao. Puwede natin sabihin na dinadala ng Sining ang art sa mga tao dahil may mentalidad sa atin na ang art ay para sa mga edukado lang. Layon ng Sining na alisin ang ilusyon na ito upang lahat ay magkaroon ng tinatawag na “Intellectual Awakening” Cybyll: Benefit events. Sumusuporta na tayo sa mga indie artists and at the same time may cause. Jan: Benefit events. We should know ‘yung mga recent events na nangyayari for us to conceptualize ano pwede nating gawin to help out. Then support tayo sa non-mainstream peeps and if puwede we should have ‘yung mga photowalks, or social gatherings to help each other to be good then better on their crafts. Frederick: Diversity at walang politika.

In future, will Sining continue to be relevant? Paul: Yes, as long as we continue in our creative work then why not? Being relevant comes from being continous in every task since we end turning our crafts into something worth commiting. Franchesca: Relevant? Saan? Sa mundo? Oo, ang sining ay patuloy na magbibigay buhay sa buhay. Keith: Of course! The group will always remain relevant as it tackles an issue that has been plaguing our people for some time. Ang Sining ang isa sa mga grupo na tumutulong sa mga tao na tumakas mula sa tinutukoy ni Winterson na “notional world” - ang mundo ng kawalang malay at pagsunod sa sistema na parang robot. Cybyll: Positive. Of course. Suportahan ko to lagi. Kaso request ko sana [laughs] mas umangat ng kauntirating ng musicians. Personally, mas mahal ko music kesa sa nabanggit sa question 1. Sana maka-feature tayo ng mga instrumentalists. ‘Yung open sa kahit anong genre - blues, jazz, classical, hiphop...tsaka, dancing and acting pasok pa rin naman sa category natin ‘yun ‘di ba? Jan: YES. Successful naman ang mga events natin and we have positive feedbacks naman sa Facebook and people are inquiring if mayroon tayong event. Frederick: Oo naman, in the future Sining will have workshops, collaborations, talks, and benefit events with non-goverment organizations.


NILALAMAN RETRATO

Marcedes, Lavrente Franchesca Jinel Franco

2,66,67

Umagang kay Tahimik Marlon Galang Malabuyoc 6 Anyong Tubig Borgy Alvarez 8,9 Panata Melvin Anore 57 Annahme Yum Castrillo

58,59

UNST/\BL3 Ed Enclona 62 Seeing Voices: light and death Frederick Deserva 69 Unfinished finale shed 665 John Carlo Lazaro

SINING Makuha ka sa Tingin Gayle Garcia-Oblea

1,65

Independence David Camballa

5

Magagayong Pandok Jane Recto

11

Untitled John Carlo Obrero

12,14

Bliss Sheet Lloyd Ladera

54,55,61

72,73


TULA Solvent Ken Sarmiento 3 INDEPENDENCE DAY Vilton Sabino 4 May This Day Be Different Katrina Torrefranca

7

Mascot Ken Sarmiento 10 Memories of Lothringen Paul Gaborni LUPANG KINAGISNAN Vilton Sabino 56 Awit ng Isang Puta Ken Sarmiento 60 Sweet water of Pinipisacan spring Paul Gaborni 63 of her warm love over the cold nights Paul Gaborni 64

Cheese Omelet Keith Pereña Pula Dzeli Del Mundo

MGA TAMPOK NA MANLILIKHA

68 70,71

13



SINING COLLECTIVE

Makuha ka sa Tingin Gayle Garcia-Oblea

1


SIMULA

Bangungot

Franchesca Jinel Franco

2


SINING COLLECTIVE

Solvent

Ken Sarmiento Naghahabulang mga tinig Sa gitna ng ingay ng siyudad Pag-asa kong inanod at naging Biktima ng kalamidad Dulot sa aki’y lumagpak na pangarap Hinihilang papalapit ang singaw Ng kaunting sarap Sa paglambitin ng puso kong ligaw Tanging nais ay ginhawa sa araw-araw Itinitibok ko sanang lapis at kwaderno Pilit itinatago sa bakal na kamay ng impyerno Ako’y bulungan mo’t pipilitin kong sumama Minsan ko na ring itinatak sa aking dungis ang paraisong nais kong makita Mga kulay ng kasiyahan ko’y itim at puti Sapagkat lagi kong dinig ang boses ng luha kong binubura ang ngiti sa aking mga labi Nais kong itulak ang oras at ilayo ito sa ngayon Nang sa sandali lamang ay iligtas ako ng pag-ahon Babagtasin kong masukal na gubat ng aking kamusmusan Siya ring paraan upang makamit ang premyo ng kinabukasan sa mapagbirong kasalukuyan.

3


SIMULA

INDEPENDENCE DAY Vilton Sabino

N

aganap noon ang kaliwa’t kanang digmaan. Ginawang alipin ang mga Pilipino. Ginahasa ang mga babae at halos mamatay sa gutom ang mga bata na walang nagawa sa mga dayuhan na halang ang sikmura. Kaya ‘di nag-atubili ang mga itinuturing nating bayani kasama ang hukbo ng katipunero para ipaglaban ang kalayaan. Taong isang libo, walong raan siyamnapu’t walo ika-labingdalawa ng Hunyo. Sa ilalim ng pamumuno ni Emilio Aguinaldo, idiniklara at iwinagayway ang watawat ng Pilipinas sa Kawit, Cavite upang maging simbolo na malaya na ang mga Pilipino sa pananakop ng Kastila. Naalala ko, ang mga araw na palagi tayong magkasama. Madalas tayong pumunta sa paborito nating kainan doon malapit sa kanto. Madalas tayong dagsain ng mga pulang langgam sa sobra nating tamis. Halos walang tigil sa pagsipol ang mga ibon sa puno, na sumasabay sa bawat agos ng pagtibok ng ating puso. Kakilala na tayo ng ulap sa kalangitan. Abot kamay na natin ang mga kamay ng orasan. At halos mainggit si Haring Araw sa sobrang init ng ating samahan. Pagkatapos ng ilang dekada naging maayos na rin ang pamumuhay ng mga Pilipino, matapos nilang makamit ang kalayaan sa mga Kastila. Nagdiwang ang marami para idaos ang pagkawagi ng bawat isa. Walang ngiti ang hindi nagpakita noon. Napuno ang mga lamesa sa mga pagkaing hinain, walang sikmura ang hindi nabusog. Kanya kanyang pagpapatugtog ng mga instrumentong minsan lang narinig. Nakinig ako sa mga sinabi mo na gusto mo nang lumaya. Teka, pag-usapan naman natin ‘to. Alam ko maaayos pa natin ang mga lamat. Alam ko kaya pa natin makumpuni ang mga nasirang parte ng ating mundo. Kaya ‘wag ka munang lumaya sa mundo na matagal nating binuo. Nawalan ng gana ang mga pulang langgam dahil tumabang ang dating matamis nating samahan. Tumigil sa pagsipol ang mga ibon na dating sumasabay sa bawat pagtibok ng ating puso. Hindi na tayo kilala ng ulap sa kalangitan. Nangawit ang mga kamay ng orasan. Natuwa si Haring Araw dahil hindi s’ya mapantayan sa init. “Ang dating init sa ating dibdib ay mistulang naging kaning lamig, na patuloy kong kinakain kahit alam na alam ko nang malapit na itong mapanis.” Kung dati ipinaglalaban nila Emilio Aguinaldo kasama ang hukbong Katipunero para ipaglaban ang kalayaan. Ngayon, sa ating dalawa ay hindi ko nanaisin ipaglaban ang kalayaan. Kalayaan na alam ko kapag nakamit ng sinuman sa ating dalawa ay hindi makakapagdulot ng saya. Pag-usapan naman natin ‘to. Huwag ka munang bumato ng mga salita. Pwedeng pag-isipan mo muna ng maigi ang posibleng maging marka, ang posibleng maging pagluha ng aking mga mata. Paki-usap lang.

4


INDEPENDENCE DAY

David Camballa: Independence

Huwag mo kong iwanang durog sa mga pangako mong hindi na matutupad. Iwanan mo akong busog, hindi gutom pa sa pagmamahal mo. Huwag mo kong iwanang tulog sa papag na matagal nating hinimlayan nang magkasama. Iwanan mo akong gising ‘yung makikita ng dalawa kong mata ang unti-unti mong pagkawala. Huwag mo kong iwanang mahina, iwanan mo akong malakas ‘yung kaya ko nang paboran ang gusto mong paglaya. Hangga’t maaari ‘wag ka munang bumitaw sa mga kamay kong gusto pang pagkapit. Pag-usapan naman natin ‘to. Hayaan mo, pinapangako ko. Kapag kaya ko nang maglakad ng hindi hawak ang malambot mong kamay. Kapag kaya ko nang gumising ng umaga na wala ka. Kapag kaya ko nang kumain ng mag-isa sa paborito nating kainan. Kapag kaya ko nang tumawa ng hindi dahil sa’yo. Kapag kaya ko nang ubusin ang oras ng hindi para sa’yo. Kapag kaya ko nang tignan ang bawat sulok ng daan kung saan madalas tayong dumaan. Kapag kaya na ng aking tainga na hindi ka pakinggan. Kapag kaya na ng aking bunganga na magsalita ng hindi tungkol sa’yo. Hayaan mo, ako na mismo ang magtataas ng puting tela hindi para maging simbolo ng pagsuko ko kundi para maging simbolo na kaya ko nang bitawan ang mga kamay mo, at para maging hudyat na ng oras na ng paglaya mo. Basta bigyan mo lang ako ng sapat na oras o panahon. Susuklian din kita ng paglimot. 5


SIMULA

Umagang kay Tahimik Marlon Galang Malabuyoc

6


SINING COLLECTIVE

May This Day Be Different Katrina Torrefranca

And so I bring forth the hope that this day may be different from all my other days That the sun would rise east, instead of west And set west, instead of east That the waves of the ocean might stop holding hands with the shore Might stop kissing the moon as it rises from dark water Hold me, instead Kiss me, instead That the stars from each constellation move from one home to another as I try to name them One after the other Name them with names they have never heard before They have never said before New names, endless names That rain would start from the ground up That the clouds would travel downwards as they fulfill their eternal wish To touch all the beings they’ve been watching as the world goes by That every mountain might stand up Arched backs, still majestic That every river run as wild as they can As soft as they can And stop to rest, as much as they can I bring forth the hope that this day may be different from all my other days

7


SIMULA

Anyong Tubig

Borgy Alvarez withmylefteye.tumblr.com

8


SINING COLLECTIVE

9


SIMULA

Mascot

Ken Sarmiento Buntong-hininga kapalit ng ginhawa, ng salapi Sandaling ibabalot ang walang buhay na ngiti Sa katawan kong matagal Nang inalipin ng boses ng higante Malugod kong tinanggap ang hamon Mayapos man lang ang pantawid gutom na sobre Segundo ng tingala ang iniabot Sa kalangitang kongkreto Bulong ng pag-asang inihabilin Ipinaalala sa akin “Anak, para sa iyo ito” Ako’y handa nang pumasok Sa kwartong madilim Masilaya’t marinig lamang ang tuwa’t saya sa kabila ng sakripisyong malalim Lundag ng hindi mapapalitang ligaya Banaag ko sa kanilang mga mata Sa ilang oras na pagsasama Kulang pa ang ibinigay ng araw para sa kanila Nais kong dagdagan, ngunit hindi ako panginoon upang gawin iyon Ako’y tao lamang, tumataya ng pagsilip Sa mundong nais ko para sa aking anak Kahit puso ko’y lumuhod na sa dinaraanang lubak.

10


SINING COLLECTIVE

Magagayong Pandok Jane Recto

11


SIMULA

Memories of Lothringen Paul Gaborni

Tired after a day’s work, exhausted despite overflowing imagination As I faced the typewriter trying to solve my situation I have more things to finish, I have to avert possible anger I have to earn enough to resolve my pocket’s hunger Typing few words and seeing crumpled papers And reading various books trying to end disaster Perhaps despite overflowing thoughts I need to arrange till it is in order I need someone to guide me over and perhaps it recalls you whose love seemed tender And I ask myself: When was the time you leave me with smiles Was it the time I visit yours or you visit mine? Was it in a coffee-scented cafe, or in a beer-and-smoke-filled bar? Well, can’t resist being inspired by yours through this work Memories of yours, a shining red star to guide me up north. And as I continue typing, midnight till early day Trying to finish works for a tomorrow’s pay Reading terms like “Alienation” and seeing yours and your “fashion”, But I know we together we desired for a “Revolution”. And as I filled all the papers, and be placed in my bag Cleaning the table from past’s dusts with a trusty watered rag And going to my bed, silently prayed as I closed my eyes And say “I hope our love be blossomed in a freedom filled sunrise”.

12


SINING COLLECTIVE

Untitled

John Carlo Obrero

13


SIMULA

Untitled

John Carlo Obrero

14


SINING COLLECTIVE

MGA TAMPOK NA MANLILIKHA RIAN MAGTAAN IYA BALEROS HARSH DE BORJA KM64

15


SIMULA

“Simple pero marubdob”

16


SINING COLLECTIVE

fanpage: https://www.facebook.com/rianmagtaan fb: facebook/riansimon.magtaan twitter: @RianSimonXD instagram: @iamthejoker27

RIAN

MAGTAAN 17


SIMULA

18


SINING COLLECTIVE

When did you first get involved/interested in the art scene? Bata pa lamang ako, nakahiligan ko na ang pag-arte, pagtula, potograpiya, at pelikula. Noong nasa sekondarya ako, nasali ako sa teatro ng aming paaralan - Tanghalang Gintong Lahi. Doon ko nalinang ang aking sining, iyon din ang naging dahilan kung bakit ako lubusang nahubog. Marahil, utang ko ang maraming bagay sa teatro na iyon. Bukod sa teatro, pumasok rin ako sa linya ng pelikula, naging susi ko ang teatro para rito — .Bilang isang aktor, manunulat, sinematograpiya, at direktor ng mga maiikling pelikula. Magdadalawang taon na

akong nakikipagbuno sa alimpuyo ng pagpepelikula. Sining ko rito ang maging malay sa kung anong lipunan ang mayroon tayo. Ipakita’t ipadama ang kuwentong ayaw natin o di kaya’y ayaw bigyan pansin. Sa Panulaan, mahigit mag-iisang taon na rin akong tumutula sa iba’t ibang lugar, mapalansangan, cafe, eskuwelahan atbp. May sensasyon kasi akong nadarama tuwing nakikipagniig ako sa entablado. Kaya’t hindi ko na rin ito iniwanan. Siya ang unang nakadonselya sa akin.

19


SIMULA

Casts and Staff of Pamilya Ordinaryo

Marami na akong grupong kinabibilangan. Naniniwala kasi akong dapat lumabas ka sa iyong kahon, sa nakasanayan. Ang mundo ng sining ay di-maliparang uwak. Mas nakabubuti kasi iyon upang mas maintidihan ko kung anong lipunan ang kinabibilangan ko. Sa larangan ng Pelikula, ang unang produks’yon na naging bahagi at haligi ako ay ang Knight Vision Productions, kasama ang mentor/kaibigan na si Marvin Gabas; Itinayo ko na rin ang sarili kong produks’yon kasama ang ilang kaibigan sa industriya na nakasama sa iba’t ibang patimpalak pelikula- , ang Mementophile Productions. Kumbaga, nagpapahasa pa lamang ako para maging isang ganap na paruparo sa larangan ng Pelikula. Yaong makulay ang pakpak; matingkad, ngunit payak ang buhay. Sa Panitikan naman, nalinang ang talento ko sa pagsusulat sa grupong PAPEL, iyon ang pinakauna kong tahanan. Ang nagbigay naman ng unang entablado sa akin ay ang PLUS: The Art Collective. Hanggang sa naapuhap ko pa ang mga posible pang maging tahanan: at naging kasapi nga ako ng KM64, The Artidope, at ito ang Sining Collective. Sinimulan ko na rin itayo ang isang pahina sa Facebook ang Baon Poetry. Layon nitong “Bumaon ka muna, bago ka humugot.” Nag-aaral din ako sa LIRA ngayon upang mas mahasa ang aking panulat at boses sa pagsusulat. Ang kabigha-bighani kasi sa sining, ang kariktan nito’y walang kamatayan. Wala itong katapusan. Kaya’t marapat lamang na magpatuloy sa paglinang at pag-aaral. Upang maarok ang talitptip at totalidad ng sining.

20


SINING COLLECTIVE

How would you best describe your craft, and why? Nakauuhaw ang sining sa maraming dahilan; ngunit may aliw-iw na para bang masiglang nagtatampisaw sa tikatik ng ulan. Ang sining ko ay nararapat lamang maintindihan. Nais kong kinakausap nito ang manonood na para bang dinadala sa ibang dimensyon. Marahil balintuna ito ng mga kaisipan at perspektiba sa nakararami. Iyon ang aking sining. “Simple pero marubdob”, ika nga ng kapita-pitagang Ricky Lee. Basta lagi kong itinatanim sa aking isipan na ang sining ko’y marapat lamang mang-istorbo at magbigay ginhawa. Makalangit sa gunam-gunam. Iba’t ibang naman kasi ang sangay ng sining. Iba’t-ibang pangalan. Ang pinakasikreto lang naman nito ay PUSO. Binibigyan ko ng puso ang aking mga obra.

21


SIMULA “Ang bayan kong Pilipinas, Lupain ng ginto’t bulaklak; Pag-ibig ang sa kan’yang palad, Nag-alay ng ganda’t dilag.” Bayan ko, Sa pagkakataong ito yayapusin kita— Bayan ko, Sa pagkakataong ito’y maninimdim ka— Bayan ko, Sa pagkakataong ito, ay lubos kang magmamarka. Tatlong bituin na nagsisilbing patunay ng kasarinlan-na tayo ay isang ganap na bayan; nakipagpatayan sa mga dayuhan. Pitong libo’t isang daan at pitong pulo, na sa iyo’y hinahagkan-kay-lusog ng iyong likas na yaman. Pinapatay--pinapatay ng aking kababayan Nagpapatayan... Para sa katanyagan at kayamanan. Tampalasan! Perlas nati’y kinamkam. Patawad, ang tanging maisasambit sa iyo, Sa mga pagkakataong lubos kang nagdugo, Sa panggagahasa ng mga anak mo. Hindi sila tao. Hindi sila tao. HINDI TAYO MALAYA! “At sa kan’yang yumi at ganda, Dayuhan ay nahalina; (Bayan ko ay binihag ka, Nasadlak sa dusa!)”

22


SINING COLLECTIVE Tatlong daan tatlumpu’t tatlong taon inalipin ng Espanya; naghaharing Europa. Pilit pinalunok ang kristiyanismo magpahanggang ngayon ay yakap-yakap mo; totoong-totoo ang mga demonyo! Kasabay lang natin sila sa paglalakad sa maliwanag na sikat ng araw nagtatampisaw sa iyong kalooban nagpupuyos na makagalaw nilalamon ang iyong katinuan nararamdaman mo ba? nawawari o nakikita? na unti-unti ka nang nilalamon ng sistema ng iyong sarili— ANINO, tayo ng kasakiman sa kapangyarihan. Ibinenta sa panibagong demonyo, nagpauto sa palabas ng digmaang Espanyol-Amerikano naniwala naman--na lumaya tayo, tumindig na likas sa atin ang pagka-indio. nawalan nang silbi ang Noli Metangere at El Filibusterismo maging ang gulok ni Andres Bonifacio. Patawad na lamang, mahal naming Supremo. Tuluyang niyakap ni Emilio Aguinaldo, ang pagtatangi ni Buencamino na walang pagsusubaling tumihaya sa mga kano sapat na kasi ang maging komportable kaysa ang ipaglaban ang sariling balwarte tutal, bayani pa rin naman ang turing ng mga kap’wa Pilipino, Kahit na pinaslang nila si Heneral Antonio At sa tanong na: Negosyo o Kalayaan, Bayan o Sarili Tumingin lamang sa paligid; taas at baba; kanan o kaliwa; matuwid o baliko Malamang, nakapili na tayo. Tara, sabay-sabay nating yakapin ang pagbabago.

23


SIMULA

Luha, dugo, luad ng bangkay ng siglo, tayo’y pira-piraso ng basag na anino— animo’y pinipilit magtago sa pararating na kalbaryo, mula lunes hanggang linggo(!) nanginginig ang mga tuhod sa paparating na bagong demonyo(!) pumutok sa kung saan ang iba’t ibang pasabog Ito ba? Ito ba ang tinatawag na bagong milenyo? nagulantang ang Maykapal Nahati ang mundo! mula hilaga hanggang katimugan silangan at kanluran namatay ang mga hudyo-naganap ang ikinatatakot ni Kristo nasaan na ang kan’yang dugo? tuluyan lamang natuyo… Putok, bomba, kanyon, at bangkay! Ang isinukli--sa tinatawag na SUGO. Ang pinid na pinto ng naglahong Eden ay muling nabuksan, Simbilis ng kidlat! Ang bansang sinisikatan ng araw dali-daling kang winasak, bayan naming mapanglaw unti-unti kang ginapos sa tanikala, hinamak--na parang isang bata! Ngunit, higit na mapalad ang hukbo ng dukha! Uhaw na sandata at tuyong bulaklak-naalpasan man natin ang karima-rimarim na sigwa nagmarka ang mga biyak kay Luzviminda! Tayo ay hindi MALAYA! “Ibon mang may layang lumipad, Kulungin mo at umiiyak; Bayan pa kayang sakdal dilag, Ang di magnasang makaalpas…” PUTI ang nagsasabing lumaya tayo “pansamantala” sa mga demonyo na namantanla sa ating pagkaindio. Ano ang pinagkaiba? Pare-parehas lang naman mapa-banyaga o pilipino. Silang naging dahilan: kung bakit sabik tayo sa “PAGBABAGO” 24


SINING COLLECTIVE

Tayo ay hindi MALAYA! ASUL ang palatandaan ng kalungkutan Mamimili pa ba: kung sino ang naging biktima? Kung tayo lang din naman ang isa sa salarin. Nagtuturuan pa? Wala rin namang mapapala. Tayo’y isa na lamang, malalamig na bangkay na nagpupumilit makahinga; Tayo’y isa na lamang, lagaslas na dahon ng kinuyom na rosas na ang ganda’y tuluyan nang lumipas! Tayo ay hindi MALAYA Dahil PULA ang kulay na namutawi sa gitna ng unos, Nang tuluyang tayong tumindig sa pagkakagapos-Naaalala pa ba? Ang mga “Desaparacidos” Malamang, hindi(!) dahil muntikan pa nga’ng maging bise-presidente ang isang Marcos: Na halos iwangis na sa Diyos. Ito ba ay isang Signos? Tayo ay hindi MALAYA! Habang may tatsulok at DILAW ang nasa tuktok Para tayong mga pokpok na pauli-ulit ipinupokpok Sa krus ng pagiging bayaran mahirap man unuwain ang katotohanan ang bayan natin ay isang malaking libingan hukayin man ay walang matatamnan Dahil ang DILAW ang kulay nang itinuturing nating kalayaan ang lasong nagdudugtong sa ating mga katauhan sa kagitingan at kagandahan… Patawad na lamang aking Inang Bayan! Tayo ay hindi MALAYA “Pilipinas kong minumutya, Pugad ng luha ko’t dalita, 25


SIMULA Aking adhika: Makita kang sakdal laya!”” Tayo ay hindi MALAYA Malaya lamang tayo sa mga pananaw, na akala natin ay tama. Pero, nakakulong tayo sa perspektibo ng imperyalismo, kolonisasyon, at kapitalismo. Iyan ang konteksto na hindi natin maikakaila-sariling wika natin, hindi magamit nang tama pinuna lamang ang gawa, naghihilaan na raw pababa, kahit para lamang ito sa ikauunlad ng kap’wa. Ano ba talaga ang gusto? Ang maging kontento sa pagiging bobo, ignorante, at mangmang sa paligid mo! Ang hilig lamang lunukin ay mga ideyang kaya lamang unawain, at sikmurain. Gusto ng pagbabago pero takot sa konkreto. Kabalintunaang lipunan-paano susukatin; kung ang lahat ng tao’y sabay na lamang sa uso. Tayo ay hindi MALAYA sapagkat, sanay ang lipunang ito sa pauli-ulit na pagkakamali sanay ang lipunang ito na madapa pero babangon muli sanay ang lipunang ito na dumipende sa ibang tao sanay ang lipunang ito na magbuklod sa oras ng delubyo sanay ang lipunang ito na maging manhid sa panggagago sanay ang lipunang ito na ngumiti kahit na niloloko! Tayo ay Pilipino Anuman ang mangyari: taas noo pa rin kahit kanino. Tayo ay matagal nang malaya: Ang tanging kalaban natin, ay ang ating mga sarili. MALABONG LUMAYA ni Anir Nomis 26


SINING COLLECTIVE

How do you see today’s people interested in the arts affecting the usual art scene? How are you different? Isang aninong mahadlika ang iginuguhit sa ating isipan, kaluluwa ng isang paralumang nagiging palagiang bahagi na ng ating pangarap matapos nating hangaan at sambahin. Ang kasiyahang sa atin ay kumitang-liwanag at ibinubunga hindi gaano nating namamasdan kundi ng iminumunyi ng naturan; hindi gaanong mga diwang tuwirang inihahatid sa atin kundi panganoring nakabaluti sa naulit. Ang pinagkaiba ko ay ito ako—Ako ito, iisa lang kami—ang sining ko’y ang kaluluwa ng aking pagkatao. Anu’t anupaman, mamamatay akong nakikipagniig sa sining. Sumasalsal ng mga salita at lente at titik. Habang nag-oorgasmo ng mga bagong ideya.

27


IYA BALEROS https://www.instagram.com/iyabaleros/ https://www.facebook.com/iablrs https://www.behance.net/iablrs https://stampsy.com/user/51138

“Mga posibleng makita mo sa panaginip pero nararamdaman mo sa realidad.”

28


SINING COLLECTIVE

29 29


SIMULA

30


SINING COLLECTIVE

31


SIMULA

When did you first get involved/interested in the art scene? Nag-start ako maging interesado sa Art nu’ng bata palang ako. Nakuha ko siguro to sa papa ko, si Rowell D. Baleros - photojournalist kasi siya tsaka mahilig sa music.

Minsan nag-iinom din ng gin na ilalagay sa bote ng tubig para hindi halata. (kahit sino naman may kalokohan talaga nu’ng mga highschool pa tayo) At dahil alam kong nasa linya ako ng Arts at ‘yung mundo natin ay papunta na sa technology Naaalala ko pa dati kapag may mga projects world, kinuha kong course ay Digital Arts/Gam‘yung mga ate ko “nakikiepal” ako mag-color ng ing & Animation Technology. mga drawings nila tapos magagalit sila sakin kasi lagpas -lagpas ‘yung pagko-color ko pero sabi ni Everyday nag-iisip ako — Isip na mapupunta papa hayaan na lang daw ako at bigyan ako ng ka na sa pinakamalalim na punto ng buhay mo. sarili kong papel. Tapos mapatitingin ka sa moon then papasok ‘yung pagka-depressed, pagiging masaya mo, or Nu’ng nag-aral na ‘ko sa elementary pag-uwi ko pagka-inlove pa nga, e. ng bahay galing school nagdo-drawing ako ng mga Digimon & Pokemon Characters. Hanggang Tapos makagagawa ka ng Art dahil du’n. Tapos sa nag-highschool na ‘ko. maiisip mo na “Bawat segundo ng buhay mo, matututo at matututo ka kahit sa anong paraan Aminado akong hindi ako nakikinig sa klase un- at kahit sa sarili mo lang”. less MAPEH or Computer ‘yung subject, natutulog lang ako sa back row or nagdo-drawing ng kung anu-ano sa likod ng mga notebook ng mga classmates ko.

32


SINING COLLECTIVE

33


SIMULA

34


SINING COLLECTIVE

How would you best describe your craft, and why? Mas made-describe ko siya bilang “AKO. Ako kasi ‘yung taong madalas makinig pero minsan lang magsalita. Ako kasi ‘yung nakararamdam lahat ng gusto kong sabihin o iparamdam sa ibang tao sa pamamagitan ng bawat artwork na nililikha ko. Ako ‘yung taong gustong mamuhay sa panaginip. Sa walang katotohanan na mga bagay, sa mga nararamdaman mo na hindi mo makita sa totoong mundo, sa panaginip na puwede kang gumising kapag hindi mo na kaya. Pero kahit naman sa panaginip may nararamdaman tayo ‘di ba? Pero ‘pag nagising ka na, at lumipas na oras — makalilimutan mo naman na ang lahat. Kaya Surrealist yung mga art ko. Mga posibleng makita mo sa panaginip pero nararamdaman mo sa realidad. Actually totoo siya, totoong totoo siya, totoong nararamdaman mo siya pero hindi mo siya nakikita.

35


SIMULA

36


SINING COLLECTIVE

How do you see today’s people interested in the arts affecting the usual art scene? How are you different? So yep, relax lang akong tao, kaya suwabe lang sa mata ‘yung mga kulay na ginagamit ko lalo na ‘yung color green because I love plants lalo na po ‘yung mahiwaga! Relax pero nasasaktan din. [laughs] Nagtataka ‘yung iba bakit daw lagPara sakin lahat naman ng tao gusto ng Art, kahit ing walang ulo o mukha yung mga artworks ko, matanda o bata, may ngipin o wala. Iba’t ibang ayaw ko kasi ng mga reaksiyon. ‘Yung tipong idiparaan nga lang, iba’t iba tayo ng nararamda- dikta sa’yo kung ano ba dapat na maramdaman man. Iba’t ibang gusto, kasi iba’t iba ang ugali mo; ‘yung nakangiti ka nga pero iba ‘yung galaw ng katawan mo kaya dinadaan ko na lang sa mga ng tao. body gestures lalo na sa mga kamay o mga daliri. Ako, hindi kasi ako marunong magkumpara ng sarili ko at sa ibang tao. Alam ko kasing pan- Para sakin kasi kayang kaya mong i-express tay-pantay lang tayo. Tapos kaya tayo buhay ‘yung nararamdaman mo gamit lang ang pagpa kasi may misyon pa tayo. Siguro ito ‘yung isa galaw ng mga kamay mo, kahit nga kapag galit kong mission, ang gumawa ng art at mag-inspire ka, malungkot, heartbroken o kahit masaya. Ako ng ibang tao tulad ng pagka-inspired ko sa mga ‘yung artist na gagawa ng art na hindi ko alam kung anong magiging finished product. Basta inspirasyon ko. gumagawa lang ako depende sa nararamdaman I do “Digital Arts”. Kung napapansin ninyo ‘yung ko sa oras na ‘yun or sa araw na ‘yun. Tapos kamga kulay ng mga artworks ko laging naglala- pag nakita ko na ‘yung output nang ginawa ko, ro lang sa mga color na white, green, blue and du’n ko na siya babasahin or gagawan ng story. brown tapos medyo patay pa ‘yung kulay. Siguro ‘yun kasi ‘yung nararamdaman ko sa ngayon - Madalas ko din pong kausapin ‘yung moon lalo iyon ‘yung nagpapakita bilang ako. Kasi ‘yung iba na kapag 1am-3am, feeling ko kasi naiintindihan alam mo na ‘yung nararamdaman pagtingin mo niya ako. Kapag tumitingin ako sa kanya ang dami kong iniisip tapos parang ang dami kong pa lang sa kulay. gustong sabihin pero dahil hindi ako madalas nagsasalita mas nagiging best way ko sa pag-express ng feelings ko ‘yung paggawa ng art. Ang “Art” kasi makikita mo kahit saan, magagawa mo kahit sa anong paraan. Puwede kang gumuhit, magpinta, sumulat ng tula, sumayaw, kumuha ng retrato, tumugtog ng instrumento.

Do you have any activities or projects where your craft is involved? |Art Exhibits| Behance Portfolio Review • “Kapanganakan, Pagsibol” by Sining Collective • “Mukha ng Sistema” by Katsa Art Collective • “Padayon” by Sining Collective • “ALAB” by Liga ng Kabataang Propagandista • “Hatag” by Sining Collective

37


SIMULA

“Unti-unti nagiging makabuluhan ang sining dahil nagmumulat ‘to sa karamihan na meron ‘tong kapangyarihan.”

38


SINING COLLECTIVE

HARSH DE BORJA https://m.soundcloud.com/harsh-de-borja

©RNLDCHRTPHR

39


SIMULA

40


SINING COLLECTIVE

When did you first get involved in the art scene? I began to be interested since highschool, got involved for the past three years.

How would you best describe your craft, and why? It’s a timeline. The story behind my songs are mostly about telling a timeline/storyline. And in case you’re wondering, oo true to life story siya madalas, pero sikreto na lang kung alin ang akin at hindi.) Minsan yung kwento nasa likod ng kanta, minsan naman yung kwento e yung mismong kanta; and I rarely write Eenglish songs. Kadalasan Tagalog.

Why are you most comfortable with this approach? Kasi I feel satisfied if Ii tell how it started, how it went and, how it goes. Sinusubukan kong mageksperimento minsan. Syempre nakakatulong parin satin as an artist to get out of our comfort zone and try something new. Pero yung ganitong stilo ko ng pagsusulat, parang tahanan ko na talaga na lagi kong inuuwian pagkatapos ng lahat. Tagalog siya hindi dahil mas madaling intindihin, pero mas nakakaramdam ako ng alab sa sariling wika. At dahil doon, mas kayang mangusap ng musika ko sakin.

41


SIMULA

How do you see the peoples’ increased interest in the arts affecting the industry? How are you different? Mas mainam ngayon dahil mas nabuhay ang art scene compared noon. Well buhay na buhay ‘to noon, kaso matagal na panahon na at ang daming nagpabulag sa mga sumunod na henerasyon kaya unti-unti ‘tong tumamlay, pero hindi namatay. Sa ngayon, although makikita mo na meron at marami pa ring “nakikiuso lang”, magpasalamat pa rin tayo dahil may sense naman ‘yung sinasabayan nilang uso. Tapos nagne-network ‘yun sa mga taong may tinatagong talento. So tendency, na-iinvolve sila tapos lumalawak ‘yung komunidad ng sining. Unti-unti nagiging makabuluhan ang sining dahil nagmumulat ‘to sa karamihan na meron itong kapangyarihan. Kaya nitong kumausap, magtanim ng poot, magpalaya, kahit ang pumatay kaya nitong gawin. Hindi pa lubos ‘yung bilang nang nakakakita ng ganitong significance ng art pero nagsisimula na and eventually, kung magpapatuloy ang pagdami ng may interes sa sining, babalik ang dating buhay nito at baka higitan pa ang sigla nito noon. Ini-imagine ko na ito na ‘yung magiging armas ng bawat may pinaglalaban. Astig siguro ‘yun no? Mapayapang rebolusyon. Ako naman, well may foundation na ako sa craft ko like the other artists. And like them, I am either in love or annoyed with my works. We all see our arts as special in one way or another. Siguro the time na I can tell I’m different is if I see one of my songs as amazing and the others see it as very ordinary or plain. 42


SINING COLLECTIVE

Do you have any activities or projects where your craft is involved? Merong may kasamang grupo, merong ako lang. Collaborations kadalasan. Masaya makipag-brainstorm sa mga kapuwa musikero kahit wala namang pinupundohan na kung ano, gagawin niyo lang dahil masaya. You share ideas — , be it melody, riffs, maling chords pero may tamang tunog, saka s’yempre liriko. Tapos ‘yung pansarili, dahil mas marami akong leave ngayon dahil sa kondisyon ko, mas nagkaroon ako ng chance na makipagniig sa sarili kong mundo. I write songs and I record them. At hindi talaga ko nag-a-upload ng mga sinusulat ko. I just have them saved on my phone. Though I’m planning na balang araw, ma-record ko ito lahat with copyright.

©RNLDCHRTPHR

43


SIMULA

KM Writer’s Collective

44

64


SINING COLLECTIVE

“Sadyang pabigat sa dibdib ang aming mga tula.”

45


SIMULA

How would you best describe your craft, and why? Mabilisang pagtugon sa mga kaganapan sa loob at labas ng bansa. Ginagamit ng KM64 ang tula sa pagbibigay ng opinyon at pagpapataas ng diskurso hinggil sa mga usapin na kailangang mabigyang pansin. Marami sa mga tula na tinitipon ng KM64 ay mga tulang iglap o mga tula na mabilis na nai-

46

sulat matapos ang isang pangyayari. Halimbawa na lang ang nangyaring masaker sa Kidapawan, agad na gumawa at naglathala ng mga tulang nagkukundena sa pangyayaring ito.


SINING COLLECTIVE

47


SIMULA

48


SINING COLLECTIVE

What are the activities or projects this group do or get involved involving your craft, and what is it well known for? Sa kasalukuyan, may mga regular na aktibidad ang KM64 sa dalawang lugar. Ang isa ay sa Conspiracy Bar sa Visayas Avenue, Quezon City tuwing ikalawang Martes ng buwan at sa Catch 272 sa T. Gener St., Kamuning, Quezon City tuwing ikatatlong Sabado ng bawat buwan. Bawat aktibidad ay madalas nilalagyan ng tema hinggil sa mga isyu na nagaganap sa kasalukuyan. Nakapaglunsad na at patuloy na naglulunsad ang KM64 ng mga poetry event na tungkol sa isyu ng mga manggagawa, magsasaka, mga migranteng Pilipino, katutubo at iba pang sektor. Nakapaglunsad na rin ang KM64 ng mga mobile poetry kung saan ipinaskil ang mga akda sa pampublikong lugar tulad sa istasyon ng LRT, hintayan ng bus at jeep, at iba pa. Ito ay mga tulang nailathala na tumatalakay pa rin sa mga isyung pambayan. Nagbibigay rin ng mga palihan (workshop) sa pagsulat ng tula sa mga piketline, probinsya, at mga pamayanan upang ilapit sa mamamayan ang sining ng pagsulat at pagtatanghal ng tula na maaaring gamitin bilang armas sa paglaban. Iba-iba ang pamamaraan o porma namin sa KM64 upang maipalaganap ang protest poetry. Mayroon kaming tulagalag print, tulagalag online, tulaan sa bus, t-shirt propaganda, chapbook, street performance, paglubog sa masa para makakuha pa ng mas mahuhusay na materyal ng akdang naglalagom sa kalagayan ng masa at nakapagaambag sa kabuuang pakikibaka ng lipunang Pilipino. Sa kasalukuyan, aktibo ang KM64 sa kampanya laban sa Development Aggression upang tutulan ang balak na pagpapatayo ng dam at subdibisyon kapalit ng pagpapalayas sa mga kapatid nating Ayta sa Central Luzon. Ginagamit din ng KM64 ang kapangyarihan ng social media upang mas maipaabot sa malawak na bilang ng mamamayan ang mga nagaganap, muli sa pamamagitan ng mga tula. Kilala siguro kami sa protest poetry. Sabi nga ng aming dating Secretary General na si Alex Remollino, “Sadyang pabigat sa dibdib ang aming mga tula.� Ang mga mensahe ng bawat akda ay mga behikulo at midyum ng pagmumulat, pagoorganisa, at pagpapakilos. Layon ng KM64 na sa kanyang ambag pampanitikan may mabasag sa kulturang kasalukuyan na nagdidikta sa sistemang nagsasamantala sa ating bilang bansa. Isang sistema kung saan laganap pa rin ang pang-aapi sa atin lalo na sa mga probinsya at kung saan tayo ay tila sakop o kolonya pa rin dahil ang nakapamumuno o may dikta pa rin sa ating bansa ay mga dayuhan.

49


SIMULA

©KM64

What motivates your group members in engaging the craft? Does it worth empowering? Pangunahing motibasyon pa rin ng kalakhan ng mga miyembro ng KM64 ay ang maipabot ang mensahe sa pinakamaraming bilang ng mambabasa at tagapanood. Naniniwala ang KM64 na malaki ang tungkulin na gagampanan ng mga manunulat upang mapag-usapan ang mga isyu na sinasadyang huwag mapag-usapan at ganun din bigyan ng inspirasyon ang mamamayan na kumilos. Laging tumutugon

50

ang bawat naming akda sa tanong na “Para kanino?” at lagi’t lagi ito ay para sa mamamayang siyang dahilan bakit mayroon kaming nabubuong akda. Mamamayan at ang pagnanais na wakasan ang laganap na pagsasamantala sa atin ang isa sa motibasyon naming sa KM64. Ito sa aming palagay ang pinaka-ubod na dahilan bakit patuloy na mayroon saysay ang aming ginagawang mga akda.


SINING COLLECTIVE

51


SIMULA

©KM64

How do you see today’s people interested in the arts affecting the usual art scene? How what makes the group different from the others in expressing? Hindi naman maikakaila ang pagiging popular ng mga tula at pagtatanghal na tumatalakay sa pag-ibig o sa mas kilalang katawagan bilang “hugot”. Hindi naman ito minamasama ng KM64, bagkus naniniwala ito na marami rin sa manunulat ang napagkakaitan ng pagkakataon na malaman ang mga nagaganap sa kanyang kapaligiran kaya hindi sila nakagagawa at nakakapagsulat ng mga tula na tumatalakay sa mga

52

isyung panlipunan. Bahagi ito sa sinisikap abutin ng KM64. Hikayatin natin sila na alamin ang mga nagaganap sa lipunan. Karamihan sa mga tula na mababasa, maririnig at mapapanood mula sa KM64 ay mga tula na tumatalakay sa mga nangyayari sa ating kapaligiran. Ito siguro ‘yung masasabing katangian ng KM64 na kaiba sa ibang grupo.


SINING COLLECTIVE


SIMULA

Bliss Sheet Lloyd Ladera 54


SINING COLLECTIVE

55


Palawakin ang isip. Itikom ang bibig. Panahon na para kumilos at hindi lang para makinig. Ginawa ang utak para umunawa. Ginawa ang bunganga para magsalita ng kung anong nakikitang mali na pwede pang itama. Nais ko lang kasing ibahagi, ang mga hinaing ng mga katutubong ninanakawan ng pag-aari. Lupa, ang pilit sa kanilang kinukuha.

LUPANG KINAGISNAN

Mga luha, ang tumatagaktak sa lapag. Ang kinatitirikan kasi ng kanilang bahay ay nais ipa-patag. Walang palag ang mga primitibong inosente laban sa mga negosyante na dominante. Inaagaw sa kanila, ang mumunti nilang ikinabubuhay. Ang mayaman sa mahirap Ay wala na atang pagkapantay pantay. Inaalipusta kapag nasa baba. Karapatan ng mga katutubong Ayta Ay tila isinasawalang bahala Ginawa ang utak para umunawa. Ginawa ang bunganga para magsalita ng kung anong nakikitang mali na pwede pang itama. Kaya lumikha ako ng mga kataga na naglalaman ng mga aktibistang salita. Tinignan ko, sa ibang anggulo na kung pwedeng tumugma Ang dugong bughaw sa mga dukha Pero wala akong nakita Dahil noon pa ma’y wala na tayong pagkakaisa.

Vilton Sabino

Ang alimango sa batsa Sa mga pilipino sa bansa Ay parang walang pagkakaiba. Pare parehas naghahatakan pababa. Ang kulay asul sa pula ay hindi mo na mahahalata Dahil yung iba kinakain na ng bulok na sistema Kaya ang kapakanan ng iilan ay hindi na mahalaga. Hindi na, napapansin ang mga latak ng lipunan, ang mga katutubong walang kakayanan para lumaban, Para makibaka. Kung sino pa ang nagsasaka Sila pa yung isang kahid isang tuka. Ginawa ang utak para umunawa. Kaya sana unawain din ng mga may pera Na ang sa ayta ay para lamang sa mga ayta. Ang kanilang lupang kinagisnan ay sa kanila. Huwag na sanang kunin pa.


SINING COLLECTIVE

Panata

Melvin Anore 57


SIMULA

Annahme Yum Castrillo

58


SINING COLLECTIVE

yumcastrillo@gmail.com www.behance.net/yumcastrillo www.cargocollective.com/yumcastrillo

59


SIMULA

Awit ng Isang Puta Ken Sarmiento

Pikit-matang sinunggab ang inihaing regalo ng mapanlinlang na panahon sa mundong kinagisnan Malayo sa paparating na anino ng kinabukasan Kaluluwa ko’y kinalabit ng matalim na kuko ng salapi Bitbit kong hinaing Nilalamon ng hubad kong katawan sa unti-unting pagkasawi Magkaroon man lang ng kaunting sustansyang maiuuwi. Pilit hinuhukay ang kapalaran sa nakabaong pagkalimot Sadlak sa hirap, hinahabol ang pangarap sa siyudad na pasikot-sikot Halakhak ng haring walang korona Aking naging hele sa ilang taong paghimlay sa mabulaklak na selda. Sa huli marahil ay hindi ko na maririnig pa ang huni ng ibong ligaw Dahil siya na ring nanirahan sa puso kong tinakpan na ang sinag ng araw Pagtangka ng iilan na yurakan ang aking pangalan, magsisilbing busal sa kaawa-awa nilang katauhan. At sa pagkagat ng dilim Nais kong iukit ang aking pangalan sa mga mata nilang mapanlisik at mapanghusga Hanggang sa tuluyang mabulag ang kanilang bait at hindi na ito muling makakita.

60


SINING COLLECTIVE

Tarot Sheet Lloyd Ladera

61


SIMULA

UNST/\BL3 Ed Enclona

62


SINING COLLECTIVE

Sweet water of Pinipisacan spring Paul Gaborni

Sweet water of Pinipisacan spring hear it flowing From the mountain through the fall lies its tunes sing With its cool waters refreshes thy soul Quite thankful for it quenches me all Your call reaches my ears and passed through the river And in the fall comes the fairies with its joyful laughter The mystery may’ve been unfold besides the cool water That quenches my thirst and soul after a saddening temper For in the past I feel life as just narrow Marred by the problems brought me to sorrow As if the world with all its damnations creates a prison If not forcing my mind in a state of illusion Again I hear it calling the sound of that spring From its mountain, fall, river lies its tunes sing Beckoning me, myself bring Without anything that makes one trembling That amidst the darkness I have to cross I have to evade threats that may likely rose Nevermind the threats as what others say For the message that brought to me lies its way And then a fairy came so beautiful and bright Is it the girl who entices me in the middle of the night? Her charm her love her joy and delight That wipes away my tears in those dreadful plights? “Take in your hand this pearly glass” she said “Drink all you will as much as you wish” as I rested in its shed This sweet water will slake your thirst As if cures a soul from an eternal curse

63


SIMULA

of her warm love over the cold nights Paul Gaborni

Despite feeling the cold nights I still felt the warmth of your love For I am inspired for all those times To you, Karen my love It may not been summer Like the poem I had made months ago But seems that the question that brought up sparks Has suddenly made me felt your charm That your friendliness, wit and kindness A chivalrous dame amidst the era of harm And if I recall those times, Being with you comes happiness A flame in my heart if not an ease in my mind The way stories that I read so is the poems been made Memories that perhaps never fade And through your charming eyes Like the dear lights of Manila Burns in my heart tonight And that till death hope our love blossoms The way I have penned this lowly poem Hope freedom will come no matter I am gone For with your love I’ll be everywhere It may sound strange but as my heart compels As if life is battlefield where one may survive or fell Your love be like the warm breeze of old Manila Or the cold mist of Sagada Or even the starry nighttime over Barrio Ayala You will know how to find me For every one else I am but unknown But when you hear this lowly work I have done It comes from my heart, inspired by yours that can’t be apart

64


SINING COLLECTIVE

Makuha ka sa Tingin Gayle Garcia-Oblea

And through your charming eyes Like the fiery Maotai or soothing Ginebra Burns in my heart tonight And that till death hope our love blossoms The way I have penned this lowly poem Hope freedom will come no matter I am gone For with your love I’ll be everywhere Despite feeling the cold nights I still felt the warmth of your love For I am inspired for all those times To you, Karen my love

65



Katotohanan

Franchesca Jinel Franco


SIMULA

Cheese Omelet Keith PereĂąa

As the egg sizzles on the pan, smokes of the last day omelet was ever taken rises from the liquid mix of egg and cheese against the sandok and kawali. The memory rises to the air as the mixture become whole like remembering the child that once ate the same omelet. A blue uniform, like the glass of water beside him. His meal was the same as what I am having now. How time has passed since Mom first cooked omelet. How now, It is me cooking the same omelet with cheese: Cubes, dices of a fragmented past becoming whole and being consumed. Like the memory of before, remembered and at the same time absorbed. 19th of the 10th, 12. 6:51PM

68


SINING COLLECTIVE

Seeing Voices: light and death Frederick Deserva

69


SIMULA

Pula

Dzeli Del Mundo Paano mo ilalarawan ang kulay pula sa isang taong pinanganak nang bulag? Ito ang kulay ng dugo— ang patak na sumisimbolo ng kanyang pagda-dalaga; ang palatandaan na ‘pag inangkin mo siya, maging responsable ka. Ito ang kulay ng mapusok— gaya ng padalos-dalos mong desisyon nang una mo siyang inalok; ang mantsa na iiwan niyo sa kama, habang ang nanay niya pa ang maglalaba. Ikaw itong nagpapakasasa sa pagpapantasya, imahe ng kabataang walang pagpapahalaga. Ito ang kulay ng anghang— ang haplos at dampi ng kakaibang takam. ang kiliti sa bibig na noon nama’y ika’y mangmang. Hindi mo ito alam. Manatili ka sa paaralan, wala ka pang alam. Ito ang kulay ng apoy— ang mabagsik na damdaming naglalagablab, hindi mapigil. Nagiinit, umuusok, naglalaro sa dibdib. “Hindi na ‘ko bata.” “Alam ko na ang aking gagawin” Namutawi na ang mga agam-agam na hindi mo pinapansin. Ang gusto mo lang ay pagkikiskisan hanggang sa umusok, mainitan. Ito ang kulay ng babala— ang mga mensaheng isinantabi; ang paghahabol niya sa’yo umaga hanggang gabi; ang humihiyaw na sirena ng pagpapaalala; ang tiyan niya na bawat araw ay lumalaki na. Ngayon ang isip mo ay kurtang-kurta.

70


SINING COLLECTIVE

Nasaan ka? Ito ang kulay ng galit— Bawat salitang gumulong sa’yong dila’y mapait. “Bakit ba hindi ito tinuro sa libro”, sigaw mo. Kabisado mo na sana ‘to kung hindi panay barkada ang inatupag mo; kung libro ang hinawakan mo at hindi kamay ng kaklase mo. Bugso ng damdaming hirap kang pigilin. Ang bukas tuloy, hirap na hirap ka na ring tanawin. Ito ang kulay ng hinto— Tigil. Dulo. Wakas. Ito ang balik-tanaw na pagsisisi. Bakit ba nasa huli ang pagsisisi? Ito ang “tama na” sa mga dasal. Ito ang “may natutunan naman akong aral.” Hindi mo kailangan mawalan ng paningin para ka maging bulag. Minsan madaling husgahan ang mga bagay na hindi mo pa nararanasan. Ngunit kaibigan— kapag ito’y nangyari na at ikaw mismo ang nakadama, mailalarawan mo na rin— ang kulay pula.

71


SIMULA

Unfinished finale shed 665 John Carlo Lazaro

72


SINING COLLECTIVE

https://www.facebook.com/appleseed.foto/ https://stampsy.com/user/47394 https://www.eyeem.com/u/24253002 @appleseed.johnny

73


SINING COLLECTIVE 2016


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.