1 minute read

Huling Araw

Next Article
Ang Mailaw na

Ang Mailaw na

Mae Ramat

Makulay. Maligaya. Nakakasilaw.

Advertisement

Sumunod ang College of Health Science (CHS), at oo, wala silang mga duty at hindi rin pang-ospital ang kanilang tema! At dahil wala silang mga duty, masasabing ang kanilang pagtatanghal ay puno ng enerhiya.

Dala-dala ang kanilang napailawang props na education torch, sumunod na nagpakitang gilas ang College of Teacher Education (CTE). Hindi rin nagpatalo ang College of Industrial Technology (CIT) at ang College of Arts and Sciences–na pinanindigan ang kanilang pagiging makasining sa kanilang pagtatanghal.

Huli, ang College of Engineering (COE) na nagbigay ng isang mala-musical play na pagtatanghal. Ramdam ang emosyon sa kanilang koreograpiya, bagamat isang malaking dahilan kung bakit sila ang naging kampeon sa kabuuang kompetisyon.

Pangalawa sa puwesto ang College of Arts and Sciences (CAS), at pangatlo ang College of Agriculture, Food and Sustainable Development (CAFSD).

Sa kabuuan, ang pagtatanghal ng bawat kolehiyo ay kamangha-mangha. Bagamat sinusuportahan ng karamihan ang kani-kanilang kolehiyo, hindi maipagkakailang marami rin ang sumakabilang bakod sa paghuhurado!

Ang nasabing kompetisyon ay isa sa mga patunay na ang pagkakaisa ay nabubuhay sa mga Stallions. Mula sa bawat opisyal ng iba’t-ibang College Student Councils hanggang sa koordinasyon ng University Student Council at iba pang opisina at departamento sa loob ng unibersidad, ang selebrasyon ng ika-45 na anibersaryo ng pagkakatatag ng MMSU ay naging matagumpay–mula sa unang araw hanggang sa kahuli-hulian!

This article is from: