Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan
Mabuhay si Śrī Guru at si Śrī Gaurāṅga Purihin ang Kanilang Kadakilaan
Ikalawang Kabanata
Santo, Banal na Aklat at Guru Anong dahilan at tayo’y nagpupunta sa mga banal na lugar hindi ba’t dahil ang sabi nandoon ang mga banal na tao. Ang artikulong ito ay sipi ng talakayan sa pagitan nina Śrīla Śrīdhar Mahārāj at nang tatlong mag-aaral na taga-Europa na noo’y nagpunta sa India upang maghanap ng katotohanan.
Ikalawang Kabanata – Santo, Mga Banal na Aklat at Guru
19
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Anong dahilan at kayo’y naparito sa India? Estudyante: Gusto po sana naming magpunta sa mga banal na pook tulad ng Nabadwīp, Vṛndāvan, at Jagannāth Purī. Ito po ang pangunahing dahilan kung bakit nandito po kami sa India. Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Papaano ninyo nalaman ang mga bagay na ito? May nabasa ba kayong libro? Estudyante: Opo, mga libro po ni Śrīla Prabhupād. Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Anong libro? Estudyante: Bhagavad-gītā po. Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Aah. Yung Bhaktivedānta Swāmī Mahārāj.
Bhagavad-gītā
As
It
Is
ni
Estudyante: Opo. Ang sabi ng Bhagavad-gītā: “Tanging Ikaw Lamang ang Makakagamot sa Sarili Mo” Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Maraming taon na ang nakakalipas, isang iskolar na Aleman ang nagpahayag nang kanyang saloobin tungkol sa Bhagavadgītā, ayon sa kanya, sa lahat ng nabasa niyang literaturang pangespirituwal, ito na ang pinakamataas. Ang punto niya’y ganito, ayon sa Bhagavad-gītā, sa halip na paligid natin ang binabago natin, dapat ang sarili natin, at silang mga nakapaligid sa atin, anoman sila ay huwag na nating kalabanin, at sa halip, sila’y pakisamahan na lang natin. Ang susi sa kasagutan ng usaping ito ay nasa payo ng Bhagavad-gītā: ‚Tanging ikaw lamang ang makakagamot sa sarili mo.‛ Dahil sa totoo lang, wala naman talaga tayong sapat na kapangyarihan upang baguhin ang nasa paligid natin. Dahil ang lahat ng ito’y pawang kagustuhan ng Diyos. Lahat ng ito, Ikalawang Kabanata – Santo, Mga Banal na Aklat at Guru
20
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan ay mga pinagsamang lakas nang lahat ng nasa labas natin, at ito’y hindi natin kayang alisin. Wala tayong sapat na kakayahan para pakialaman ang nasa paligid natin; mapapagod lamang tayo, sayang lang ang lakas natin. Sa halip, ang mga sarili na lang natin ang ating baguhin, at iayon ito sa mga nangyayari sa labas: ito ang susi sa tagumpay ng ating buhay. tat te ’nukampāṁ susamīkṣamāṇo. Lahat tayo, ang bawat-isa sa atin ay may mga tungkulin na dapat nating gawin, subalit kahit na ano pa ang resulta nito dapat huwag na huwag natin itong pakikialaman, titikman o kaya’y pagnanasaan; dapat ang lahat ng ito’y ipinauubaya na lang ninyo kay Kṛṣṇa. karmaṇy evādhikāras te mā phaleṣu kadāchana. Ang tungkulin lamang natin, nang bawa’t-isa sa atin ay magbigay ng kanyang ambag; may gumagawa din sa mga ginagawa ninyo, milyun-milyong iba pa ang nagbibigay din ng kanilang ambag, na lumilikha ng ating kapaligiran. Sa madaling salita, gawin na lang natin kung anuman ang kailangan nating gawin, at tanggapin ang resulta nito bilang pinakamagaling, dahil ang Kalubusan ang may gawa nito. Maraming bagay ang nagaganap sa ating buhay, ang mahalaga dapat alam natin kung ano ang kahalagahan nito sa atin, kung bakit ganito ang binigay sa atin ng Kalubusan at kung papaano natin ma-iaakma ang sarili natin. Ang tanging responsibilidad lamang natin ay ang mga tungkulin na dapat nating gawin. At kailanma’y huwag nating pakialaman ang nasa paligid natin; dahil kusa itong kikilos ayon sa paraan ng Kalubusan. Wala tayong kapangyarihan upang ito’y baguhin. Sa halip, ang sarili na lamang natin ang pagsikapan nating baguhin upang maging maayos ang pakikitungo natin sa mga nakapaligid sa atin. Huwag na tayong makialam kahit na ano pa ang naging resulta nito. At kung sakaling hindi natin makamit ang mga inaasam-asam natin, at ito’y kontra sa gusto natin, huwag tayong magtatampo o kaya mawawalan ng gana. Huwag po. Dapat ipagpatuloy parin natin kung anoman ang dapat nating gawin. Gawin natin ang lahat ng maaari nating gawin para sa Kalubusan dahil ito ang magiging ambag natin, bilang alay natin sa Kalubusan, at iwan natin sa Kanya ang pasya, bahala na Siya kung anoman Ikalawang Kabanata – Santo, Mga Banal na Aklat at Guru
21
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan ang gusto Niyang gawin. Sabi nga ni Kṛṣṇa, ‚Kailanma’y huwag kang maghahangad ng anumang partikular na reaksyon sa ginagawa mo. Ang mahalaga, ika’y kumikilos. At hindi ka tatamad-tamad. Gawin mo kung anoman ang tungkulin mo subalit kailanman huwag na huwag mong titikman ang resulta nito.‛ Estudyante: Ibig sabihin po ba nito dapat habang ginagawa namin ang aming tungkulin si Kṛṣṇa ang nasa isipan namin? Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Oo. Ito’y upang palagi nating naiuugnay, naikukunekta ang mga sarili natin sa Kanya, dahil sa paraang ito, unti-unti nating mapapansin na sadya palang mababait ang nasa paligid natin. At kapag naubos na ang lahat ng reaksyon sa ginawa natin, mapapansin ninyong lahat ng nasa paligid nati’y parang mga alon na tuwing hahampas sa atin ito’y may dalang mabuting balita sa atin. At kapag naglaho na ang pagiging makasarili natin, mamamalayan natin na tayo’y nasa gitna pala ng ganitong alon, na talaga namang isang kahali-halinang alon. Kaya magmula ngayon, kung may nagawa man kayong pagkakamali, ito’y inyo nang kalimutan. Ang mahalaga ay kung ano ang ginagawa natin sa ngayon at kung anoman ang resulta nito, dapat ito’y hindi natin tinitikman, hindi natin pinagnanasaan, kundi, dapat ito’y ipinapasa natin sa Kalubusan. Ang Paglusaw sa ating Ego Darating din ang araw, tuluyang malulusaw din ang makasariling pagiisip natin at ang tunay na pagkatao natin, na kabilang sa daigdig ng kalubusan, na nasa loob natin, ang siya namang sisibol at magigising, na palutang-lutang sa napakasarap at kahali-halinang alon na nakapaligid sa atin. At mapapansin ninyo, na, sa lugar na iyon, lahat ng tagaroon ay pawang mababait at kahali-halina. Ang simoy ng hangin ay kahali-halina, maging ang inuming tubig ay sobrang sarap at kahali-halina, ang mga puno ay kahali-halina, lahat ng naroroon ay ubod ng lambing at sobrang kahali-halina, at tunay talagang napakasarap, masarap na masarap. Ikalawang Kabanata – Santo, Mga Banal na Aklat at Guru
22
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan
Kaya ang totoong kalaban talaga natin ay itong ating internal na ego, ang pagiging makasarili natin. Kung ganoon, ano ang dapat nating gawin upang tuluyan na itong malusaw, una sa lahat, dapat, huwag nating isipin na ang lahat ng mangyayari sa buhay natin ay kailangang nakaayon sa gusto natin. At bilang pananggalang sa ganitong klaseng kaisipan, ang proseso ng karma-yoga ang gagamitin natin, dahil sa karma-yoga, nilulusaw nito ang maling ego natin, na ang gusto’y palaging kabaluktutan; at sa sandaling ang maling ego na ito’y tuluyan nang nalusaw, doon naman lulutang ang higit na masmalawak at masmalapad na ego na nasa loob natin, at kahit nandito pa kayo sa loob ng sandaigdigang ito, magiging mapayapa na ang buhay ninyo. Isang mapayapang daigdig ang bubungad sa inyo, at mapapansin ninyo ang makasariling damdamin na dati’y bumabalot sa atin ay wala na, at tuluyan nang naglaho. Wala sa labas kundi nasa loob natin ang dahilan ng pagkakasakit natin. Subalit para sa isang parahaṁsa Vaiṣṇava, na pinakamataas na klaseng santo, kahit na anong klaseng problema’y wala siya, dahil ayon sa kanyang pananaw, lahat ay nasa maayos na kalagayan. Wala siyang nakikitang dapat nating ipag-reklamo. Alam ninyo, kapag ganito na ang pananaw ninyo, na ang lahat ay maayos at kahali-halina, ibig sabihin ang buhay ninyo’y nasa yugto na nang kabanalan. Alam nila ang lahat ng ito, alam nila na ang lahat ng kaguluhan ay likha nang ating maling-ego, at ang maling ego na ito ang dapat nating lusawin. At hindi natin dapat sinisisi ang nasa paligid natin. Kaya sa halip na sila ang ating sisihin, pagtuunan na lang natin nang pansin ang pagpapala ng Diyos. Pilitin nating hanapin ang Kanyang pagpapala sa mga bagay na dumarating sa atin, kahit na sa palagay mo ay kontra at kaaway pa natin. Hindi ba’t ang sabi sa atin, ang lahat ng bagay ay pawang pagpapala nang Panginoon, kaya lamang ang problema, ito’y hindi natin napapansin; at pawang kabaligtaran ang nakikita natin. Alam ba ninyo kung bakit, ito po ay sapagkat marumi parin ang mata natin. Ikalawang Kabanata – Santo, Mga Banal na Aklat at Guru
23
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan Ang totoo, lahat ng bagay ay sagrado at banal. Pawang pagpapala nang Panginoon. At ang mata lamang natin ang may sakit. Sa ngayon, lahat tayo ay may sakit, at sa sandaling tayo’y gumaling, mapapansin natin mapagpala pala ang mundong ito na tinitirhan natin. Kaya lamang, ang mga bagay na ito’y hindi natin kaagad nakita dahil ito’y natatakpan nang pagnananasa natin. At para sa isang tunay na estudyante ng debosyunal na pag-aaral ang ganoong klaseng pakikitungo sa kapaligiran ay katanggaptangap na landas patungo sa Panginoon. Kaya magmula ngayon, ilagay natin sa ating isipan ang lahat ng ito, na ang lahat ng nangyayari sa atin ay pawang kagustuhan ng Diyos. Kahit damo, hindi siya maaaring gumalaw hangga’t walang kapahintulutan ng Supremong Awtoridad. Dahil tanging Siya lamang ang may kontrol at nakakaalam kung ano ang nararapat sa ating lahat. Kaya ilagay natin sa ating isipan, lahat ng nasa paligid natin ay nagdudulot nang kabutihan sa atin. At tayo lamang ang nagpapasama nito sa atin. At ang dahilan nga nang lahat ng ito, nang kasamaan natin ay dahil sa ego natin. Mga Walang-hangganang Kasiyahan Ito ang Vaiṣṇavaismo. Kaya kapag ganito na tayo, di-magtatagal, tiyak na mawawala na ang sakit natin at malalagay na tayo sa kalagitnaan ng walang-hangganang kasiyahan. Hindi ba’t madalas ang nakikita nating problema ay puro nasa labas lang natin? Hindi ba’t madalas ganito ang takbo ng ating isipan, ‚Gusto ko ganito, gusto ko ganyan, gusto ko ako lang ang may-kontrol nang lahat ng ito, ako lang ang magpapatakbo nito. Masmaligaya ako kapag nasunod ang gusto ko.‛ Hindi po ba? Kung ganoon, dapat tigilan na natin ang ganitong klaseng damdamin. Hindi ba’t ang sabi ni Mahaprabhu: tṛṇād api sunīchena taror api sahiṣṇunā amāninā mānadena kīrtanīyaḥ sadā hariḥ Huwag nating kalabanin ang nasa paligid natin. At kahit na ayaw na ayaw pa ninyo ang nangyayari sa atin, at ito’y kontra sa gusto natin, dapat Ikalawang Kabanata – Santo, Mga Banal na Aklat at Guru
24
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan ito’y maluwag parin nating tinatanggap, at dapat hindi tayo nagpapaapekto. At kung sakaling tayo’y kanilang pinagmamalupitan, dapat hindi parin tayo nagiging marahas; dapat ito’y tinitiis pa rin natin hanggang sa pinaka-sukdulan. Dapat, lahat sila’y patuloy pa rin nating iginagalang; at kailanman huwag na huwag nating isipin na tayo ay dapat nilang ginagalang at nirerespeto din. Ito ang gagamitin nating paraan, para hindi tayo mahirapan sa pagpunta sa pinakamataas na hantungan: doon sa mismong lupaing iyon na tinitirhan ni Kṛṣṇa. Hindi ba’t ang sabi, ito ang pinakamataas at pangunahing antas ng buhay. Kung ganoon ibig sabihin, kapag sinunod pala natin ang pamamaraang ito, sa panahong iyon, lahat ng bumabalot sa kaluluwa natin ay unti-unting mamamatay, lahat sila’y unti-unting mawawala, at ang kaluluwa, na nandoon lamang sa loob natin, ang siya namang magigising. At sa kanyang pagkamulat, mapapansin nito na siya’y naglalaro sa isang matamis na alon, sumasayaw at nakikipagsaya sa mga taga-Vṛndāvan, kasama si Kṛṣṇa at Kanyang mga deboto. Bakit ano ba ang Vṛndāvan? Ito ba’y isang alamat, o istoryang ginawa lamang ng mga ninuno natin? Hindi po. Alam ninyo, sa buong sandaigdigan, may isang lupain na sadya talagang pinakamalawak at pinakamalaki sa lahat ng lupain at ang lugar na ito’y punung-puno ng kariktan, kagandahan, katamisan, at kasiyahan, at ang lahat ng ito’y nandoon sa Vṛndāvan. Kung ganoon, ano ang dapat nating gawin upang makarating tayo sa lugar na iyon? Una, higit sa lahat, kailangang sumisid muna tayo sa loob ng katotohanan. Ngayon, walang-alinlangang lahat tayo ay nandito sa magulong mundong ito, lahat tayo ay nakapaloob sa ilusyon, kay Māyā, ang ilusyon, na siyang nagdala sa atin dito, sa ego natin. Magmula nang magsarili tayo, magmula nang maghangad tayo ng pansariling kasiyahan, kung anuanong bagay na ang pumasok sa ating isipan, na pawang maling-palagay at puro pag-aakala. Kung ganoon, dapat pala, ang maling-ego na ito, ang ganitong klaseng damdamin ay agad nang tinutunaw natin. Upang tuluyan na talagang makalabas ang ginintuang katauhan na nandoon Ikalawang Kabanata – Santo, Mga Banal na Aklat at Guru
25
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan lamang sa loob natin, upang maging masaya na talaga tayo, dahil makakasama na natin si Kṛṣṇa sa loob ng Vṛndāvan. Ang sinasabing “Taimtim na Hangarin” ni Hegel Ayon sa naging pahayag ni Hegel, ang tawag sa ganitong kamulatan ay ‘matinding paniniwala.‛ Na ang ibig sabihin, dapat ang paniniwalang ito ay ating pinaniniwalaan hanggang sa ating kamatayan. Kaya dapat ang materyal na buhay nating ito at maging ang lahat ng materyal na paguugali ay iniiwan na natin; kaya kung nais nating magkaroon nang tunay na buhay dapat ang paniniwalang ito ang dinadala natin hanggang sa ating kamatayan. At ang maling ego ay iniiwan na natin. Bakit po? Tignan ninyo, hindi ba’t magmula nang isinilang tayo sa mundong ito, kung saansaan at iba’t-ibang uri ng buhay na ang ating napuntahan, hindi ba’t ang sabi minsan tayo’y naging hayop, naging puno at halaman, at iba pa., at magmula nang mapunta tayo sa ganoong klaseng buhay kung anu-ano at iba’t-ibang klaseng materyal na asal at pag-uugali din ang ating nakuha at natutunan, at ang lahat ng ito, ang mga pinong katauhang ito, ay naimbak sa ating ego. Kaya kapag sinabing kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa, ibig sabihin, ito ay lubusang paglusaw sa maling ego natin. Ang totoo, ang katauhang ito, ang maling ego, na sadya talagang makasarili, ay naroroon lamang sa loob natin, at ito’y nilikha nang kalaban natin. Samantalang ang tunay na katauhan natin ay kaawa-awang tinabunan nitong maling ego. Dahil sa sobrang lalim nang pagkakabaon nito sa atin, tuluyan na nating nakalimutan ang sarili natin. Kaya, katulad ng sinabi ni Hegel na isang pilosopong Aleman, ‚mamatay upang mabuhay.‛ Ang realidad ay para sa Kanya at ito’y Kanyang gawa. Ang mundo ay nilikha hindi upang pagsilbihan ang mga makasariling hangarin natin; kundi, ito po ay may pan-daigdigang layunin, at tayo’y kanyang bahagi at piraso lamang. Kaya marapat lamang na maging kaisa tayo sa kabuuan. Ang ganap na kabuuan na ito ay si Kṛṣṇa at Siya’y sumasayaw, nakikipaglaro, at umaawit ayon sa Kanyang kagustuhan. Kaya tama lamang na sumali tayo sa kanilang masayang sayawan. Ikalawang Kabanata – Santo, Mga Banal na Aklat at Guru
26
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan
Ano sa palagay ninyo, kaya bang kontrolin nang mga katiting na tulad natin, ang walang-hangganan? Kaya din ba nating pagalawin ang lahat ng bagay ayon sa kapritso natin? At kung sa akala ninyo’y oo, ibig sabihin ganito na talaga kayabang ang isipan ninyo, at sa lahat, ito na ang pinakabaluktot, and pinaka kasuklam-suklam na bagay na naisip natin, at sa totoo lang, ito talaga ang naging sakit natin. Ang tunay na problema ng ating lipunan. Kaya dapat ang solusyon sa katanungang ito ang itinatanong natin. Estudyante: Ibig sabihin po ba nito dapat agad-agad na naming bitiwan ang materyal na buhay namin? Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Hindi dapat agad-agad. Dapat ang pagtaas natin ay unti-unti, at hindi biglaan, sa bagay ito’y depende din sa partikular na kalagayan natin. Halimbawa, kapag masyado tayong mahilig sa makamundong buhay at pagkatapos, ay agad-agad natin itong binitiwan, malamang hindi natin matutupad ang mga ipinangako natin; at maaari tayong muling bumagsak. Kaya, ayon sa personal na kakayahan natin, dapat unti-unti tayong susulong paitaas. Ito ang maaari muna nating gawin, ganunpaman, dapat ang pagbitaw sa lahat ng bagay ay kinasasabikan din natin. At dapat gusto din nating ilaan ang sarili natin tanging para sa pinakamataas na gawain. Subalit may mga tao na buo talaga ang kalooban, at sila’y handang tumalon sa walang-katiyakan, dahil ganito ang umiiral sa kanilang isipan, ‚Bahala na si Kṛṣṇa, sa ngalan ng Diyos ako’y tatalon na. Hindi ba’t ang sabi, Siya’y nasa lahat ng bagay; kung ganoon Siya na ang bahala sa akin. Kaya kung tunay talaga at makatotohanan ang pagnanasa mo sa katotohanan, kung ganoon, tumalon ka na. Estudyante: May problema po ako. Ito po’y sampung taon ko nang ginagawa. Sa loob po ng sampung taon, hindi na po talaga ako kumakain ng karne, isda, at itlog. Wala na po akong hangarin para sa mga ganoong materyal na bagay—at hindi na rin po ako nananabik sa mga ganoong Ikalawang Kabanata – Santo, Mga Banal na Aklat at Guru
27
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan pagkain. Lahat ng ito’y tuluyan ko nang iniwan. Ang problema, may isang bagay na gusto kong bitiwan subalit paulit-ulit ko namang ginagawa. Ito po ay ang ganja, marijuana. Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Ito’y maliit na bagay lamang. Sa totoo lang, may tatlong bagay na sadya talagang mahirap alisin: una ay babae, pangalawa ay pera, at ang pangatlo, ay ang hangarin na magkaroon ng pangalan, na maging sikat, ang maging tanyag. Ang tatlong ito ang talagang kalaban natin. Ang paggamit ng marijuana ay maliit na bagay lamang. Ito’y madaling bitiwan. Subalit ang tatlong ito ang pangunahing hangarin ng bawat hayop, puno, ibon, tao, at mga diyus-diyosan. Ang tatlong ito ay naroroon sa lahat ng bagay. Subalit ang pagkagumon sa droga at sa iba pang pabugsu-bugsong pag-uugali ay maliit na bagay lamang at ito’y madaling sugpuin. Katulad din ng unti-unting pagkagumon sa mga nakalalasing na inumin, dapat ito’y unti-unti din nating iniiwasan; dapat dahan-dahan at hindi agad-agad. Tulad sa nangyari kay Goering, ang punung-heneral ni Hitler noong Ikawalang Digmaang Pandaigdig, nabasa namin sa pahayagan noong patapos na ang digmaan, na masyado daw itong nagumon sa pag-inum ng alak. At noong siya’y makulong, hindi na ito muling nakatikim pa nang kahit anupamang klaseng alak. At nang tumagal ay nagkasakit, ginamot hanggang sa gumaling. Pinainom siya nang gamot hanggang sa gumaling. Madami narin ang nagpupunta dito at sumasapi sa aming templo, subalit tumitikim pa din ng opyo, ngunit sa pagtagal ang bisyo nila’y unti-unting nawala din. Marami sa mga tinaguriang ‚sādhu‛ ang humihitit din ng marijuana. Ayon sa kanila, ang paghitit nila ng marijuana ay nakakatulong daw sa konsentrasyon ng kanilang isipan, subalit tandaan ninyo, ito’y para lamang sa ating materyal na kaisipan. Alam ninyo, sa totoo lang, ginugulo lamang nito, nang ganitong klaseng bisyo, ang pananalig natin, ang paniniwala natin. Ito ang kalaban ng ating paniniwala. Dahil tanging ang pananalig lamang ang aakay sa atin patungo sa minimithi nating lugar, at hindi nang Ikalawang Kabanata – Santo, Mga Banal na Aklat at Guru
28
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan kahit anupamang bagay na nakakalasing. Akala ng mga naliligaw na kaluluwa, ang marijuana, ang hashish, at iba pang bagay, ay nakakatulong sa ating meditasyon, sa pagninilay-nilay natin. Marahil oo nga, kung ang ang sinasabi nilang usapin ay tungkol sa ibang bagay, sa mga bagay na materyal, subalit tandaan ninyo sa bandang huli, pawang kabiguan lamang ang dala nito sa panahon ng ating pangangailangan. Dahil kailanman, hindi tayo kayang dalhin nang mga ganitong klaseng bagay sa pinaka-ituktok ng kaitaas-taasan. Sex, Droga, at Ginto Ayon sa naging payo ng Śrīmad Bhāgavatam (1.17.38), ito ang limang bagay na dapat ay tuluyan na nating tinatalikuran: tulad ng dyūtaṁ, pagsusugal, ang pagiging madiplomasya, mahilig makipagsapalaran at magbaka-sakali; ang pānaṁ, ang pag-inum nang mga nakakalasing na inumin, tulad ng alak, tsaa, kape, nga-nga, at lahat nang iba pang bagay na nakakahilo at nakakalasing; striyaḥ, ang labag sa batas at illegal na pambababae o illegal na pakikipag-relasyon sa iba; sūnā, ang pumatay o kumitil ng mga bagay na maybuhay, at ang pangangalakal ng ginto. Hindi ba dapat palaging nakatuon ang ating isipan sa mga bagay na espirituwal? Subalit doon sa pangangalakal ng ginto, sa halip na espirituwal, masinilalayo pa tayo nito sa ating pakay, para sa talagang kapakanan natin. At ang limang ito ang labis na bumibighani sa atin. Kaya, kailanman, dapat hindi natin sinasang-ayunan ang kanilang sinasabi, na ang pag-inum nang mga nakalalasing na inumin ay nakakatulong sa transedental na meditasyon. Hindi ba’t ang sabi ni Devarṣi Nārad, yamādibhir yoga-pathaiḥ kāma-lobha-hato muhuḥ mukunda-sevayā yadvat tathātmāddhā na śāmyati (Śrīmad Bhāgavatam: 1.6.35)
Ikalawang Kabanata – Santo, Mga Banal na Aklat at Guru
29
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan Hindi sapat ang meditasyon, dahil hindi nito kayang ibigay ang permanenteng solusyon. Bakit po? Dahil tanging ang wagas na pananalig lamang sa linya ng purong debosyon ang makakatulong sa atin. Ang Mga Santo ay Buhay na mga Banal na Aklat Estudyante: Kung ganoon, papaano po namin mapapalawak ang aming kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa? Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Papaano ba ninyo nalaman ang kamalayang ito para sa kamulatan kay Kṛṣṇa? Estudyante: Sa pagbabasa po ng Bhagavad-gītā. Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Sa Bhagavad-gītā. Ibig sabihin mula sa mga banal na aklat. At sino sa palagay ninyo ang sumulat nito? Hindi ba’t ang mga santo? Kung ganoon, silang dalawa ay napakahalaga, kaya dapat sila ang ating nakakasama, ang mga santo at payo ng banal na aklat. Ang mga santo ay mga buhay na banal na aklat, at ang banal na aklat bagama’t nagbibigay ng payo sa atin, ito’y hindi natin nakakausap. At ang mga buhay na santo lamang ang maaari nating kausapin, samantalang ang mga banal na aklat, ang biyaya nila’y nakapaloob sa kanilang payo. Kaya kapag silang dalawa, ang mga banal na aklat at mga santo, ay kapwa natin nakakasama, walang-alinlangan ang pinakasukdulang antas ng ating paniniwala ay ating mararating: sādhuśāstra-kṛpāya haya. Subalit sa kanilang dalawa, ang mga santo ang higit na makapangyarihan. Sila ang mga taong nabubuhay sa payo nang mga banal na aklat. Kaya kapag sila’y ating nakasama, at tayo’y kanilang pinagpala, ang mga matataas at lihim na karunungan at paniniwala ay ating matututunan. Kung ang hangad talaga ninyo ay ang makarating sa pinakasukdulang lugar, kung ganoon, huwag natin ipagpilitan ang mga pamamaraang gusto Ikalawang Kabanata – Santo, Mga Banal na Aklat at Guru
30
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan natin; kaya kung gusto nating magpunta sa lugar na iyon, tanging ang pananalig lamang ang maaari nating gamitin. Alam ninyo, sadya talagang napakalayo ng espirituwal na mundo, at ito’y lagpas pa sa ating paningin, lagpas pa sa mga naging karanasan natin, at lagpas pa maging sa kayang abutin ng ating isipan. Dahil ang nararanasan ng ating mata, tainga, at isipan ay napakaliit at limitado lamang, subalit ang lugar na ito, ang transedental na lupaing ito’y naaabot at napapasok lamang sa pamamagitan ng pananalig. Kaya kapag ang mga naging katuwang natin ay ang mga santong ito at ang mga banal na aklat, tiyak na lalago ang pananalig natin. Sila ay nakahanda upang tayo ay tulungan, na maunawaan kung ano ang espirituwal na mundo at kung ano ang mundong ito, at alin sa kanila ang talagang totoo. At sa panahong iyon, ang materyal na mundong ito’y magiging gabi para sa atin, samantalang ang espirituwal na mundo nama’y magiging araw na sa atin. Sa kasalukuyan, ang eternal na daigdig ay kadiliman para sa atin, habang gising tayo sa mortal na daigdig na ito. Hindi ba’t may mga tao na, ang araw nila’y parang gabi at ang gabi nila’y parang araw. Ang kamulatan nang mga banal ay iba kaysa mga bulaan at sinungaling. Ang mundo nila’y magkahiwalay. Iba ang mundo ng mga siyentista kaysa mga pasaway at magugulo. Ang araw ng isa ay gabi sa iba. Ang nakita nina Einstein at Newton ay hindi nakita ng ordinaryong tao, at ang nakita nang ordinaryong tao ay pinagwawalang-bahala naman ng mga matataas na tao. Ibig sabihin, gisingin natin ang ating interes hinggil sa sinasabing lupain, kaya lamang ang gusto nang lupaing ito na ngayo’y tinutuntungan natin ay huwag nating pansinin ang nasa mataas na lupain. Ika-3 Digmaang Pandaigdig: Hayaan Hinyo ito Estudante: Maraming tao ang natatakot sa digmaang nukleyar. Ayon sa kanila malapit na itong mangyari. Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Ito’y isa lamang tuldok sa isang linya, at isang linya sa isang kapatagan, isang kapatagan na nakapatong sa isang solidong Ikalawang Kabanata – Santo, Mga Banal na Aklat at Guru
31
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan tuntungan. Maraming ulit nang dumating at lumipas ang maraming digmaan; maraming ulit nang ang araw, ang mundo, at ang buong sandaigdigan ay nawala, at muling lumabas. Tayo ay nasa kalagitnaan nang walang katapusan ng ganitong klaseng kaisipan. Ang digmaang nukleyar na ito ay isa lamang maliit na tuldok; ipagpalagay natin na ito’y malapit na talagang dumating? Hindi ba’t sa araw-araw at bawat sandali marami na ang namamatay? Kung ganoon, ano ang kaibahan nito; hindi ba’t ganito din ang maaaring mangyari sa ating mundo, na ito’y mamamatay din, hindi ba’t maging ang buong sangkatauhan ay mawawala din. Ganoon talaga. Kaya ano ang dapat mong ipangamba. Samakatuwid, dapat doon na tayo manirahan, doon sa lugar na iyon na walang-hangganan; at dapat ito’y hindi lamang para sa isang partikular na panahon o kalagayan. Kundi dapat ihanda din natin ang ating mga sarili para sa eternal na biyayang makakamtam, at hindi sa kung anumang klaseng panandaliang lunas lamang. Ang araw, ang buwan, at maging ang lahat ng planeta ay lumilitaw at naglalaho: sila’y namamatay, at muling nililikha. Tayo’y nabubuhay sa loob ng walang-katapusang siglo ng buhay. Kaya kapag ganito na ang aspeto ng usapin, dito na pumapasok ang usapin nang relihiyon. Hindi ba’t ang paniniwala nati’y ganito? Na hindi lamang ang katawang ito, kundi maging ang buong sangkatauhan, ang mga hayop, ang mga puno, ang buong mundo, at maging ang araw, lahat sila’y mawawala, at muling lilitaw. Nililikha, ginugunaw, muling nililikha at ginugunaw—lahat ng ito’y walang katapusan na nagaganap dahil sa maling paniniwala. At lingid sa ating kaalaman may isa pa palang mundo at ang mundong ito’y eternal; at tayong lahat ay inaanyayahan na doon na pumunta, at sa kapatagang iyon manirahan, dahil kailanman ang lupaing iyon ay hindi pumasok sa bibig ng kamatayan, o kaya may takda ng panahon. Ayon sa talata ng Bhagavad-gītā (8.16): । ॥१६॥ Ikalawang Kabanata – Santo, Mga Banal na Aklat at Guru
32
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan ābrahma-bhuvanāl lokāḥ punar āvartino ’rjuna mām upetya tu kaunteya punar janma na vidyate ‚Maging ang Panginoong Brahma, na mismong lumikha nang ating mundo, ay namamatay. Magmula sa pinakamataas na planeta, sa buong Brahmaloka, ang buong materyal na mundo, ay may-hangganan at nagbabago.‛ Subalit kung matatawid natin ang lugar ng maling-kamulatan at makakapasok tayo sa lugar ng tamang kaalaman, doon sa lugar na iyon, doon, walang nililikha at walang-ginugunaw. Dahil ang lugar na ito’y eternal, walang-hangganan, at ang isa pa, lahat tayo’y tagarito, mga anak ng nasabing lupain. Tanging ang mga katawan at isipan lamang natin ang anak ng lupaing ito na isinisilang, iniluluwal at nawawala, nililikha at namamatay. Kaya tama lamang na umalis na tayo sa mundong ito na may kamatayan. Zona ng Nektar Ngayon, di-maikakaila, lahat tayo ay nandito sa lupaing ito. Kung ganoon, ano ang dapat nating gawin? Dapat pilitin nating makalikas sa mortal na lugar na ito. Hindi ba’t ganito ang naging bilin sa atin nang mga banal na santo, ‚Umuwi kana kaibigan, halikana’t umuwi na tayo sa ating tahanan. Bakit kailangang maghirap ka pa sa ibayong lupain? Ang espirituwal na mundo ay tunay; samantalang ang materyal na mundong ito’y hindi: lumalabas at nawawala, dumarating at umaalis, hindi ba’t ang kalagayang ito’y katawa-tawa! Kaya magmula sa mundo ng katatawanan halikayo at doon tayo pumunta sa katotohanan. Dahil dito sa materyal na mundong ito, hindi lamang isang digmaan ang ating mararanasan, kundi muli’t-muling darating ang marami pang digmaan, digmaan nang digmaan, at marami pang paparating na digmaan. Subalit mayroong isang zona ng nektar, ang totoo, tayong lahat ay anak nang nektar at tayong lahat ay eternal, at kailanma’y hindi namamatay. Ikalawang Kabanata – Santo, Mga Banal na Aklat at Guru
33
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan śṛṇvantu viśve amṛtasya putrā (Śvetāśvatara-upaniṣad: 2.5) Kaya lamang, kaya tayo napunta dito ay dahil nalinlang tayo, at ang totoo, tayong lahat ay eternal, dahil tagaroon talaga tayo, tagaroon sa lupaing iyon. At doon sa lupaing iyon, walang sinuman ang ipinapanganak at walang namamatay din. Kaya kung gusto mo talaga itong puntahan dapat ito’y bukal sa inyong kalooban. Hindi ba’t ito naman talaga ang ipinahayag ni Śrī Chaitanya Mahāprabhu, nang Bhagavad-gītā, at ng Upaniṣads. Hindi ba’t ganun din ang tiniyak sa atin nang Śrīmad Bhāgavatam. Hindi ba’t ang sabi ito naman talaga ang ating tahanan, na, sa lahat, pinakamasarap tirhan, kung ganoon dapat gawin natin ang lahat ng maaari nating gawin makabalik lang sa Diyos, makauwi lang tayo sa ating tahanan, at kung maaari ay magsama narin tayo ng iba.
Ikalawang Kabanata – Santo, Mga Banal na Aklat at Guru
34