Chapter 3 - Ang Ebolusyon ng Buhay

Page 1

Ang Paghahanap kay Sri Krsna—Ang Kaakit-akit na Katotohanan

Ikatlong Bahagi Ang Paniwalang ang Buhay ay Nagmula sa Isang Maybuhay at Hindi sa Isang Bato Ang sumusunod na kabanata ay hango sa naging talakayan sa pagitan nina Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj at Dr. Daniel Murphy, Ph.D., na isang Neurophsiologist.

Ayon sa teorya nang paniniwala ni Darwin, tayo daw ay nagmula sa bato. Subalit ang sabi ng Vedanta ay hindi. Ayon kay Darwin, noong una, lahat ay pawang bato, walang-malay at isipan, at doon na lumabas ang ating kamulatan, gumalaw at nagkaroon ng malay. At doon pa lamang daw tayo nagkamalay. Ayon sa kanilang paniniwala, noong una tayo daw ay mga bato, mula sa fossils at sa pag-ikot ng panahon, pagtagal, nagkamalay, nagkaroon Charles Robert Darwin nang buhay. Sa bato daw nagsimula ang ating buhay. Ayon sa kanyang teorya, lumalabas na higit na masmahalaga pa pala ang bato kaysa tao. Sa palagay kaya ninyo may halaga ba ang isang bato kung ito’y hindi pinapansin ng tao. Siguro naman masmadaling intindihan na tao ang nakapansin sa bato at hindi ang bato sa tao. Sino ba sa kanila ang may damdamin, ang tao ba o ang bato. Hindi ba’t higit na masmahalaga ang tao dahil siya ang gumagamit ng bato. Habang Siya’y nasa katauhan ni Maha-Vishnu, noo’y pinakilos ni Krsna ang isa sa Kanyang kapangyarihan, ang materyal na kapangyarihan at ito’y nagsimulang gumalaw, at noong siya’y kumilos, lumikha ito nang isang bagay, mayadhyaksena prakrtih siyate sa-caracaram. Ang unang lumabas sa kanya ay itong pangkalahatang ego. Pagkatapos, doon na unti-unting naglabasan ang iba’t-ibang indibidwal na ego. Ibig sabihin, sa ego talaga nagmula ang materyal na mundo. Ang ego kapag napadikit sa kamangmangan, ito’y nagkakaroon ng itsura at porma. At kapag ito’y napadikit naman sa kalagayan ng kabutihan, ito’y lumilikha nang araw at liwanag. Ikatlong Bahagi: Paniniwalang Ang Buhay ay Nagmula sa May Buhay at Hindi sa Isang Bato

1


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.