Search for Sri Krsna - Chapter 7- Beyond Christianity

Page 1

Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

Ikapitong Kabanata

Lagpas pa sa Kristiyanismo Sa sanaysay na ito, kausap ni Śrīla Bhakti Rakṣak Śrīdhar Dev-Goswāmī Mahārāj ang ilang mag-aaral na Kristiyano na nagmula pa sa bansang Amerika. Sa talakayang ito, kanyang pinaghambing-hambing ang lahat ng paniniwala sa mundo.

Kristiyano: Maaari po bang ipaliwanag ninyo kung ano ang paniniwala nang mga Vaiṣṇava sa paniniwala ng mga Kristiyano? Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Ang Kristiyanismo ay isang uri din ng Vaiṣṇavaismo, kaya lamang di-pa kumpleto, hindi ganap at lubusan, at ito’y nasa masmababang antas pa lamang ng debosyunal na paniniwala. Sa kanilang paniniwala, ang pisikal na aspeto lamang ng prinsipyong ‘Ang mamatay upang mabuhay ang ating mababakas. Ayon sa kanila, si Kristo lamang ang nagpakita nang pinakamataas na huwaran, ang Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

1


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan pagsasakripisyo, ang pagsasakripisyo ng sariling buhay. Ganun din tayo, subalit ang pagsasakripisyong ito’y panimulang antas pa lamang, at hindi mismong kabuuan, ito’y pagsisimula pa lamang. Sa konsepto ng kanilang paniniwala, hindi malinaw kung may personal na katauhan ang tinutukoy nilang Diyos. Dahil ang sabi lamang nila ay, ‘sumasampalataya kami sa Kanya.‛ Ang tanong, sinong Siya? At papaano ninyo ginagawa? Sa anong paraan? Anong panuntunan ang dapat nating sundin? Ang mga bagay na ito ay hindi naging malinaw sa kanilang paniniwala, at hindi din nila ipinapaliwanag. Hindi ba’t kapag nasa malayo ang isang bagay ito’y hindi natin masyadong maaninag, ni hindi din natin mawari kung ano talaga siya? Kaya ayon sa konsepto ng mga Kristiyano, hindi naging malinaw kung sino ang Diyos na ito. Subalit sa sandaling maalis ang Kanyang belo, tiyak malinaw na nating maaaninag ang layon at pakay ng ating pagsasakripisyo, at Siya’y malinaw na nating mapagmamasdan, kung sino ang ating pinagsisilbihan. Oo nga’t naroroon na sa kanilang konsepto ang paglilingkod sa Diyos, at ang matinding adhikain na ito’y makamit, kung ganoon, maganda ang kanilang simulain, ang kanilang pundasyon, kaya lamang, pagdating sa kung papaano natin itatayo, sa anong paraan, ito’y hindi naging malinaw, napakalabo at hindi perpekto. Kristiyano: Ayon sa mga Kristiyano, sinasang-ayunan nila ang konsepto ng pagsuko, paglilingkod, at ang pag-aalay nang lahat ng bagay sa Diyos. Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Oo, nandoon na ako, subalit ito’y pangkaraniwan lamang. Subalit ang tanong, kanino tayo dapat sumuko? Kristiyano: Ang sabi po nang mga Kristiyano, kay Hesus daw, dahil tanging siya lamang ang daan. Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Oo, sige, subalit ang kanyang pamamaraan ay, ang ‚Mamatay upang mabuhay,‛ hindi ba? Ngunit bakit kailangan nating mamatay, para ano? Ano ang mahihita natin, halimbawang ganun nga ang ating ginawa? Halimbawa, ika’y nandoon na, at harapang nagsisilbi na talaga sa Kanya, hindi ba dapat, bukod sa alam natin ang kadakilaan at Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

2


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan kagitingan nang pinakamataas na kapangyarihan, Siya’y direkta at tuwiran na nating nakikita at pinaglilingkuran, at hindi ba dapat, kapag nagsisilbi na tayo sa Kanya, ito’y siyento por siyentong paglilingkod na? O baka naman, ang para sa inyo’y magdasal ka lang nang magdasal sa Kanya, ‚Diyos ko, Diyos ko, pahingi po ng tinapay,‛ ay tapos na. O kaya, kahit magsimba ka lang nang isang beses sa loob ng isang Linggo ay sapat na. Hindi ba dapat beinte-kwatro oras kada-araw tayong naglilingkod sa Kanya? Hindi ba dapat ganito ang ginagawa nating paglilingkod. Bakit po? Dahil ganito po talaga ang kalakaran pagdating sa gawain ng tunay at ganap na paglilingkod sa Panginoon. At dapat ganito din tayo. Beintekwatro oras na araw-araw na naglilingkod sa Kanya. At kung inaakala ninyong meron pa kayong dapat gawin sa loob ng mundong ito, ito’y kailangang isantabi muna natin. At ito muna ang inuuna natin. Ang paghihirap nina Eba at Adan Kristiyano: Alam po ninyo, may pagkakahawig din ang tradisyon nang mga Kristiyano sa kamulatan sa kamalayan kay Kṛṣṇa. Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Sa pundasyon halos magkakatulad sila. Sumasangayon din kami sa sinasabi nila na dapat nating ialay ang lahat ng bagay sa Diyos. Kaya lamang ang tanong, sino nga Siya? At sino ako? Ano ang relasyon naming dalawa? Pagdating sa ganitong usapin, malabo ang naging paliwanag nang mga Kristiyano. Ayon sa konsepto ng mga Kristiyano, noong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos sina Eba at Adan, dahil lubusan na nilang isinuko ang kanilang mga sarili, wala silang naging problema. Subalit noong tikman nila ang prutas mula sa puno ng karunungan, nagulat sila sa kanilang katayuan, lahat ay kanila nang sinusuri at inuusisa, hanggang sa sila’y kapwa bumagsak, at magmula noon ay dumanas na ng kahirapan sa buhay. Ito’y pangkaraniwang ideya kung papaano nagsimula ang ating relasyon sa Diyos, subalit kung ating hihimayin ang bawat detalye nang Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

3


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan katangian ng Diyos, kung papaano natin Siya malalapitan, malabo ang naging paliwanag nang mga Kristiyano. Minsan, ilang paring Kristiyano ang nakipag-usap sa aming Guru Mahārāj [kay Śrīla Bhakti Siddhānta Saraswatī Ṭhākur], ang sabi nila, ang Madhuryya-rasa (ang pagiging asawa ng Diyos) ay nandoon din sa loob ng Kristiyanismo. Alam po ninyo, noong unang panahon, noong middle-age, naging kaugalian na sa mga Kristiyano ang ikasal kay Kristo, at may mga parabola din sa Bibliya kung saan ang Panginoong Hesu-Kristo ay inihahambing sa isang lalaking ikinakasal. Kaya ayon sa mga paring ito, ang madhuryya-rasa, ay nandoon din sa paniniwala nang mga Kristiyano. Subalit ang sabi sa kanila ni Prabhupåd, ‚Ang sinasabi ninyo’y relasyon sa Kanyang anak, sa Kanyang deboto, kay Kristo, at hindi sa Diyos mismo.‛ Sapagkat ang tinutukoy nila dito na anak ay ang Guru, ang tagapagligtas. Ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo Ayon sa konsepto ng kanilang paniniwala, ang Diyos ay may tatlong persona, ang Diyos Ama, Diyos-Anak, at ang Diyos-Espiritu Santo. Marahil sa tatlo, ang pinakamataas ay itong Diyos-Espiritu Santo. Kung ganun nga, ibig sabihin ang Kristiyanismo ay hanggang sa brahmavada-nirvisesa lamang. Ako ba’y nasusundan ninyo? Kristiyano: Opo. Dati na po ninyong naipaliwanag ang tungkol dito, na ang sabi po ninyo ang Bråhman ay impersonal na aspeto o bahagi ng katauhan ng Diyos. Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Ayon sa kanila, ang Diyos-Ama ang lumikha nang buong sandaigdigan. Ang Disyos-Anak ay ang guru. At marahil sa Kristiyanismo ang Diyos-Espiritu Santo ang pinakamataas sa Kanilang tatlo. Ibig sabihin, siya’y higit pa sa konsepto ng pagiging isang Ama, at sa konsepto din ng pagiging isang Anak. Samakatuwid, kung ganoon, ang kaalaman lamang nila’y hanggang sa impersonal na Bråhman. Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

4


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan Alam ninyo noon, may nakapagsabi sa akin, na minsan nagtanghal sila ng isang drama sa Germany, at sa kanilang palabas kailangan nilang maglabas ng hitsura ng isang matanda na may mahabang balbas, at malalim na boses at sa kanila’y nagsasalita habang nasa itaas ng balkonahe. Ganito ang naging paglalarawan nila sa Diyos-Ama. Ang sa kanila’y hakahaka lamang. Na ang Diyos-Ama ay isang matandang lalaki na may mahabang balbas, palaging seryoso, nakaupo sa isang trono at panay ang utos nang kung anu-ano. Subalit doon sa rasa at ånandam, sa ekstasi, ang labis na kalugud-lugod na kasiyahan, ang Diyos ay palaging nasa sentro nang lahat ng bagay. Hindi ba dapat lahat ng klaseng pakikipag-relasyon tulad ng pagiging anak ng Diyos at maging ang pagiging Kanyang kasintahan ay nasa kanya na? Kaya kapag ang kamulatan natin sa Diyos ay hanggang sa pagiging Diyos-Ama lamang, ito’y hindi kumpleto, hindi kumpletong kaalaman, papaano ang papel ng isang magulang, hindi ba’t sila’y naglilingkod din? Kung ganoon, dapat palagi Siyang nasa gitna nang lahat ng klaseng usapin at pakikipag-relasyon, at hindi lamang nandoon Siya sa isang sulok. Alam ninyo, Siya’y hindi lamang nakamasid sa atin, sa ating lahat, dahil dito sa konseptong Kṛṣṇa, ang Diyos ay nasa sentro, nasa ssentro nang lahat ng bagay. Marami ang dumudulog sa Panginoon, subalit sa lahat ng lumalapit sa Kanya, ang may pag-ibig at pagmamahal ang pinakamataas. At sa lahat naman nang umiibig at nagmamahal sa Kanya, sino sa kanila ang may pinakamatinding pagmamahal, ang higit na kinikilala. Sa madaling-salita, silang lahat na nagmamahal sa Kanya, ay nakapaligid sa Kanya. Änandam brahmåío vidvån. Marami na tayong natuklasan sa ating buhay, subalit sa lahat, ang ånanda ang bukod-tangi at pinakamahalaga sa lahat. Bakit po? Dahil pagdating sa usapin ng kalubusan, sa lahat, ang ånanda ang pinakamataas. At dahil na kay Kṛṣṇa ang lahat ng ånanda, kung ganoon, Siya ang pinakamataas sa lahat. At hindi nila maiwasang maakit sa Kanya. Lahat sila’y Kanyang nabighani, hindi dahil sa taglay Niyang lakas at kapangyarihan, kundi dahil sa Kanyang kariktan, sa nakabibighaning kariktan. Kung kaya’t tinawag Siyang Kṛṣṇa, ang sentro nang lahat ng klaseng kariktan. Bakit, ano ba ang kaakit-akit sa Kanya? Ito ay ang Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

5


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan Kanyang kagandahan, ang Kanyang kakisigan, at pag-ibig. Hindi lakas at kapangyarihan, kundi likas na sobrang pagiging malambing. Ito ang konsepto ng paniniwala kay Kṛṣṇa, ang personal na katauhan ng Diyos. Kristiyano: Alam po ninyo, si Hesus lamang po ang pinapakinggan nang mga Kristiyano, at ayaw po nila sa iba. Dahil ang sabi niya, mag-ingat sila sa mga bulaan at manloloko. Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Hindi sa mga Kristiyano ang sinasabi ko, kundi kay Hesus, dahil siya ang naglatag sa kanila nang mga panuntunan at doktrina ng Kristiyanismo. Ang sinasabi ko ay tungkol sa prinsipyo ni Hesus. Kaunti lamang ang kanyang itinuro, hindi lahat. Mayroon siyang matibay na paniniwala at sa bahaging ito’y nagkakasundo kami. Pinako siya sa krus dahil sinabi niyang, ‚Lahat ng ito’y pag-aari ng aking Ama. Ibigay ninyo kay Cesar ang lahat ng para sa kanya, at ibigay din ninyo sa Diyos ang lahat ng Kanya.‛ Ibig sabihin, napakaganda nang kanyang pundasyon pagdating sa paniniwala sa Diyos. Ito’y kahanga-hanga, kapuri-puri, subalit ito’y unang bahagi pa lamang pagdating sa konsepto ng paniniwala sa Diyos. Ang tanong dito ay, sino ba ang Panginoon kong ito? Ano ang Kanyang mga katangian? Sino ako? Ano ang kuneksyon ko sa Kanya? Papaano ko Siya mapaglilingkuran? Pagdating sa konsepto ng ‘tayo’y para lamang sa Kanya’, ay kahanga-hanga, subalit dapat ito’y kanilang nililinaw. At kung papaano natin mararating ang pinakamataas na kalagayan. Lahat ng ito ay hindi natin makita sa Kristiyanismo. Ang nandoon lamang ay ang pagsasakripisyo sa Panginoon. Ito’y ating sinasang-ayunan, ito’y ayos lamang, dahil ito naman talaga ang dapat munang gawin nang isang kaluluwa, subalit pagkatapos nito’y, ano pa? Dito, tahimik na sila. Lagpas pa kay Hesus Kristiyano: Natatakot po silang lumagpas pa kay Hesus. Ang gusto nila’y hanggang kay Hesus lamang. Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

6


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Bakit, hanggang doon na lang ba ang pagpapala ng Diyos? Hindi ba’t ang sabi ang Diyos ay puspos nang pagmamahal? Kung ganoon, hindi ba maaaring Siya’y maupo sa ating kandungan at Siya’y ating niyayakap tulad ng isang ina na nagmamahal sa kanyang anak? Alam ninyo, dito sa aral ng vaiṣṇavāismo, marami kang matututunan,

higit kang mapapalapit sa Maykapal. Ang lahat ng ito’y nasa sa inyo na, kung natatakot kayong tumawid sa pangunahing aral ni Hesus, di-magtatagal magiging sahajiyå kayo, magkukunwari na lang kayo nang magkukunwari. Kung ito’y talagang para sa Panginoon, dapat handa tayong makipagsapalaran, dapat maging matatag tayo, maging tapat tayo sa gawain ng paglilingkod sa Kanya. Kailangang ‘mamatay upang mabuhay.’ Ano ang dahilan at tayo’y nabubuhay? Dapat ang lahat ng ito’y sinusuri nating maigi. Dahil kung mananatili tayong takot mamatay, ibig sabihin, masgusto natin Siyang kaladkarin pababa sa mundong ito, hanggang sa bandang-huli, lahat tayo’y maging sahajiyås, puro mga mapagkunwaring-tao. Ang binigay ni Hesus ay nasa bandang bakuran pa lamang, kaya ito’y dapat nating tawirin. Hindi ba’t ang sabi niya, ‚Mamatay upang mabuhay.‛ Hindi ba’t gusto nating makasama ang Panginoon? Kung ganoon, dapat, para sa Kanya, handa din tayong makipagsapalaran. Ano ang saysay na ika’y maging matagumpay sa mundong ito? Hindi ba’t wala. Ang totoo, ito’y lason. Dapat ito’y binabalewala na natin, huwag na nating pansinin. Dapat para sa Kanya, lahat ng ito’y handa nating iwan, lahat ng nandito sa mundo, lahat ng ating mithiin at adhikain, maging ang ating katawan. Ang Diyos ay dakila. Oo, subalit alam ba ninyo kung gaano ang Kanyang kadakilaan? Sino ako? Bakit ako nandito sa mundo? Ano ang dapat kong gawin upang Siya’y mapaglingkuran ko nang dalawampu’tapat na oras araw-araw? Pagdating sa ganitong usapin, wala nang sinasabi si Hesus. Tahimik na siya.

Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

7


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan Kapag tinanong mo ang mga Kristiyano hinggil sa bagay na ito, wala na silang masabi, kung ano ang kanilang programa, dito na pumapasok ang

vaiṣṇavāismo, upang pawiin ang pananabik nang puso ninyo, dahil kaya nitong tugunan ang lahat ng pangangailangan ninyo, kahit na ano pa ito. Dito sa vaiṣṇavāismo, tiyak na mapapawi ang uhaw ninyo. Lahat tayo, ang bawat-isa sa atin ay may kanya-kanyang pangangailangan, subalit sa sandaling makarating kayo sa vaiṣṇavāismo, doon, lahat ng kailangan ninyo ay ganap na matutugunan, magiging busilak sa kagandahan. Ang Diyos ay hindi lamang nasa malayo, Siya’y maaari din nating makapiling. Dito sa vaiṣṇavāismo, mayroong ganitong klaseng konsepto ng pagmamahalan sa pagitan ng tao at nang Diyos, at ito ang turong-aral ni Śrī Chaitanya Mahapråbhu, ng Śrīmad Bhågavatam, at sa Vùndåvan, sa lupain ni Kṛṣṇa. Dito sa materyal na mundo, lahat tayo, ang bawat-isa sa atin ay palaging may gusto, gusto ng ganito at gusto nang ganoon, subalit ang ganitong klaseng damdamin ay hindi po totoong damdamin; ito’y kabaligtaran ng damdamin na nasa orihinal na mundo, dahil kung walang ganitong damdamin, saan ito nanggaling? Saan nanggaling ang ganitong klaseng damdamin? Dapat, ito’y nagmula din doon sa mundong lumikha nitong ating mundo, dahil ang lahat ng ito ay nagmula sa katauhan ni Kṛṣṇa. Kung kaya’t kapag ibinaling natin ang lahat ng kailangan natin, nang bawat atomong nasa loob ng katawan natin, nang isipan at kaluluwa natin, tiyak na makakamit natin ang pinakamasaya at labis-labis na kaligayahan. Ganito ang turong-aral ng vaiṣṇavāismo, ni Śrī Chaitanya Mahapråbhu, ng Śrīmad Bhågavatam, at ni Kṛṣṇa sa Bhagavad-gītā. Ang Kasaysayan at mga turong-aral ng Bhagavad-gītā Kristiyano: Narinig ko na po ang ilang bagay tungkol sa Bhagavad-gītā. Saan po ba nagmula ito? Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

8


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Ang sabi ni Kṛṣṇa kay Arjuna sa Bhagavad-gītā ay ganito, ‚Ang totoo, ang sinasabi Ko sa iyo ay hindi na talaga bago. Ito’y nasabi Ko na noon kay Sūrya, sa diyos ng araw, at ito’y kanyang ipinasa kay Manu, ang ama ng buong sangkatauhan. Ang kaalamang ito’y sa ganitong pamamaraan bumaba, ipinasa sa mga humaliling disipulo, at dahil narin sa impluwensya ng panahon, ito’y nahinto. Kaya, ang kaalamang ito na nagmula pa noong unang panahon ay muli Kong inuulit sa iyo.‛ Dito, ang tinutukoy ni Kṛṣṇa

ay itong karma-yoga. ‚Huwag mo nang pansinin ang lahat ng resulta ng ginagawa mo, masama man ito o mabuti. Ganito lang ang gawin mo. Tiyak na magiging tahimik ang isipan mo.‛ Kristiyano: Ano po ba talaga ang nais iparating na mensahe nitong Bhagavad-gītā? Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Dito sa Bhagavad-gītā, iba’t-ibang klaseng aral ang itinuturo, tulad ng bhakti-yoga, karma-yoga, jñåna-yoga, a£éåíga-yoga, patong-patong na iba’t-ibang klaseng kamulatan sa Kalubusan. Subalit pagdating sa usapin ng dalisay at wagas na debosyon, ganito ang sinabi ni Kṛṣṇa, ‚sarva –dharmån parityajya, ‚Lahat ng ito, kahit na ano pa sila, ay iwan mo, kahit na ito’y pang-relihiyon, basta ang gusto Ko, sa akin mo lang isuko ang sarili mo. Alam kong marami kang gusto sa buhay subalit ito’y huwag mo nang ipagpilitan sa Akin, ang gusto Ko, alamin mo kung ano ang higit na makakabuti sa iyo. Kung ano ang mahihita mo sa pagsuko mo? Ang hindi ninyo alam, kapag lubusan ninyong isinuko ang sarili ninyo sa Akin, ganun din ang gagawin Ko, lahat ng sa Aki’y ibibigay Ko din sa inyo.‛ Walang-alinlangang kahit papaano nakakatulung din ang ibang pamamaraan, may gamit din sila, subalit kung lalapit ka man lang sa Akin, dapat Ako lang ang gusto mo, at hindi ka na humihiling nang kung Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

9


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan anu-ano.‛ Makinig kang maigi, Ako na mismo ang magsasabi sa iyo, alam mo ba, sa lahat ito na ang pinakamataas, kaya dapat ito ang hingin mo. At hindi na ‘yung kung anu-ano, dapat ito lang. Ang gusto Ko, Ako lang, Ako lang ang mahal mo, Ako lang ang gusto mong makasama sa buhay. Kung ganoon, dapat Ako lamang ang susundin mo, Ako lamang ang makakaniig mo. Sa lahat, ito na ang pinakamataas, kaya dapat ito na ang pinapangarap mo. At huwag na ‘yung kung anu-ano. Alam mo, kapag ipinaghambing mo ang lahat ng klaseng relihiyon sa mundo, sa lahat, ang pinakamataas ay ang makapiling Ako, ang makasama Ako. Ayaw mo ba nun, tanging Ako at ikaw lamang.‛ Kristiyano: Ayon sa mga Kristiyano, kung totoo talagang tapat tayo, sundin natin ang Bibliya, kung ano ang inuutos dito. Dahil sa aming palagay, mahalaga para sa amin, kung ano ang sinasabi ni Kristo. Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Tama. Hindi lahat ng eskwelahan ay maaari mong pasukan, itoy’ depende din sa inyong kakayahan. Hindi kaila na marami ang naaakit sa aral ng Kristiyanismo, ang iba naman, kahit na sila’y mga Kristiyano na, hindi parin masaya, nakukulangan pa, kung kaya’t sila’y naghahanap ng iba, lalu na kapag ang katanungan nila’y ganito na, ‚Ano ba ang Diyos? Sino Siya? Siya ba’y may anyo, hugis at porma? Ito ang gusto kong malaman.‛ Tungkol sa bagay na ito, may ibibigay akong isang halimbawa. Noo’y may isang peopesor sa kolehiyo, si Propesor Nixon, siya’y taga-England. Isa siyang piloto noong Unang Digmaang Pandaigdig at nakipaglaban sa mga Aleman, sa mga German. Lumipad siya sa lugar ng mga kalaban, subalit tinamaan ang kanyang eroplano, at nagliyab. Nakita niyang pabagsak na ang kanyang eroplano sa lugar ng mga kalaban. Noo’y nagkita kami at nagkausap dito sa India. Naikwento niya sa akin kung ano ang nangyari, sabi niya, ‚Noong mga oras na iyon, noong tinamaan ang aking eroplano at pabulusok na, taimtim akong nanalangin.‛ ‘Sabi ko, ‚Kung totoo talagang mayroong Diyos, Diyos ko, iligtas po Ninyo ako. Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

10


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan Pangako kapag nabuhay ako, hahanapin Kita. Ilalaan ko ang buong-buhay ko. Hahanapin talaga Kita.‛ At tuluyan na ngang bumagsak ang kanyang eroplano, at noong siya’y nagkamalay, nandoon siya sa bahagi ng mga French, nasa loob ng ospital sa France. At noong mga oras na iyon, ganito kaagad ang sumagi sa kanyang isipan, sabi niya, ‚Totoo ngang may Diyos! Pinakinggan Niya ang huling panalangin ko.‛ Kaya noong siya’y gumaling, agad siyang nagpunta sa England at kinausap ang ilang pari. Ang sabi niya, ‚Naririto po ako dahil hinahanap ko po ang Diyos, gusto kong ilaan ang aking buhay, nais kong maglingkod sa Kanya ng beinte-kwatro-oras araw-araw. Nais kong makita Siya. Nais kong masilayan ang Kanyang mukha. Kung sino Siya.‛ Ang sabi ng mga Obispo, ‚Doon ka sa India magpunta‛ Napakaraming pari at Obispo ang kanyang nilapitan, at sa bandanghuli, ganito ang sinabi sa kanya, ‚Ang sabi mo, nais mong makita ang Diyos, nais mong masilayan ang Kanyang mukha, kung ganoon sa India ka magpunta. Dahil wala kaming ganoong proseso. Ang sabi sa amin, doon sa India, may mga yogis na internal nilang nakakapiling ang Panginoon na nasa loob ng ating puso. Bakit hindi mo subukan, baka sakali nandoon ang hinahanap mo.‛ Kaya, ito ang dahilan kung bakit naparito siya sa India, isang araw, sa isang salu-salo matapos ang isang programa, nakausap niya ang asawa ng pinaka Vice-Chancellor ng Lucknow University. Noong una, ang kausap niya ay mismong Vice-Chancellor, at pagkatapos, sumali na sa kanilang usapan ang asawa nito, na nagkataong isang Gauàīya-Vai£òava, na deboto pala ni Mahāprabhu. Sa kanilang pag-uusap, di-niya mapigilang maakit sa mga binibitiwan nitong salita, at ayon kay Propesor Nixon, para sa kanya, ang kaharap niyang babae ay kanyang guru. At sa bandang-huli, siya’y nag-sannyås, tinanggap niya ang kaayusang ‘tumatalikod’ sa anumang kamunduhan. At siya’y tinawag sa pangalang Swåmī Kṛṣṇa Prema. Nakapagpatayo din siya nang isang templo dito sa India at nangaral ng Bhågavat-dharma at maging ng tungkol kay Mahāprabhu. Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

11


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

Lahat ng klaseng relihiyon ay kanyang pinaghambing, magmula sa Kristiyanismo, hanggang sa Vai£òavaismo, na labis niyang kinagiliwan, na naging handog sa atin ni Mahāprabhu. Ang sabi nga ng isang bantog na German, ‚Napakaraming konsepto ng paniniwala nang iba’t-ibang relihiyon sa mundo, subalit wala ni isa man sa kanila ang may konsepto ng astakaliya-lila, nang dalawampu’t-apat na oras na araw-araw na naglilingkod sa Diyos.‛ Ang sabi pa niya, ‚Lahat ng relihiyon sa mundo, ang konsepto nang kanilang paniniwala ay napag-aralan ko na, subalit wala ni isa sa kanila ang talagang beinte-kwatro-oras araw-araw na naglilingkod sa Supremong Panginoon. Śrīmad Bhāgavatam lamang ang

nagsalita. Sa lahat, siya lamang ang nagturo nito.‛ Sa pamamagitan ng siyentipikong pamamaraan, ganito ang naging paliwanag ni Śrīla Rūpa Goswāmī tungkol kay Kṛṣṇa, si Kṛṣṇa ay, akhilarasåìùta-mūrtih. Siya ang pinanggagalingang bukal nang lahat ng klaseng kasiyahan. Lahat ng hinahanap nating sarap, ginhawa at kasiyahan, at maging ang hindi pa natin natutuklasan at nararanasang sarap ay na kay Kṛṣṇa, at ang lahat ng ito, maging ang iba’t-ibang adhikain sa buhay ay na kay Kṛṣṇa, at tanging Siya lamang ang makapagbibigay nang dalisay at wagas na kasiyahan. Kahit na sino pa tayo, kahit na ano pa ang sadya natin sa Kanya, tanging Siya lamang ang ating kanlungan at nakakaunawa sa ating lahat. At hindi lamang iyon, Siya parin ang tanging makakatugon sa pangangailangan ng ating puso. Kristiyano: Maraming Kristiyano ang gusto ay Bibliya lamang ang kanilang binabasa, at ayaw nila nang iba. Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Kapag nagpunta ka ng palengke, ang gusto at kaya lamang natin ang ating binibili, sve sve dhikāre yā ni£éhā sa guòaè parikīrtitaè. Sa palengke, marami kang mabibili, mahal at mura parehong itinitinda, kung marami kang pera marami kang mabibili. Ang mga ùi£hi ay tulad sa mga nagtitinda, ang mga kaalamang natutunan nila’y inaalok nila, Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

12


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan lahat sila, iisa lamang ang sinasabi, ‚Sa lahat ng kaalaman, ito na ang pinakamataas. Kay dito ka na lang. Halikana’t kunin mo na ito.‛ Hindi ba’t ganun din ang sinabi ni Kṛṣṇa sa Bhagavad-gītā (3.35), svadharme nidhanaì śreyaè para-dharmo bhayāvahaè. ‚Huwag ka nang umalis, dumito ka lang. Tiyak na mapapahamak ka. Pumirmis ka lang dito, huwag ka nang umalis.‛ Bakit palagi na lang nila tayong pinaaalalahanan? Dahil sila po’y tulad ng mga titser natin sa eskwelahan, hindi ba’t ganoon din ang sinasabi nila noon sa atin? ‚Mag-aral kayong maigi. Dito ninyo itutok ang isipin ninyo. Nang hindi kayo nalilito, at madali ninyong naiintindihan ang mga leksyon ninyo. Kung gusto ninyong makapasa, seryusohin ninyo ang ginagawa ninyo. Dahil kung hindi kayo magseseryoso, magiging sahajiyā kayo, puro pagkukunwari na lang ang gagawin ninyo, ito na ang mananaig sa puso ninyo. Bakit, ganun ba kadali ang lahat ng ito? Ibig ba ninyong sabihin isang lundag lang nanduon na kaagad tayo sa ituktok ng bundok? Imposible hindi po ba! Ito’y isang mahabang paglalakbay, subalit dapat tapat tayo sa ating adhikain at totoo ang ating paglalakbay. Dapat totoo talaga tayong tumataas, at hindi puro pagkukunwari at pakitang-tao lamang.‛ At habang daan, sa bawat yugto nang ating paglalakbay, mapapansin ninyo palagi nila tayong pinagsasabihan, palagi tayong pinaaalalahanan. ‚Ito na muna ang pag-aralan mo. Huwag ka munang lalagpas dito dahil baka malula ka. Dito muna tayo. Tandaan ninyo, hindi tayo dapat nagmamadali, ang gawain ng pag-aaral ay nakukuha sa pamamagitan ng sipag at tyaga. Kung ganoon, dapat ito muna ang pagaralan ninyo. Huwag na ninyong problemahin kung ano ang susunod ninyong leksyon, ang lahat ng ito’y ituturo din sa inyo. Bukas-makalawa hindi ninyo mapapansin nasa mataas na baytang na pala kayo. Hindi ba’t noong tayo’y nag-aaral pa lamang, hindi ba’t madalas sinasabi ng ating titser, ito muna ang dapat nating pag-aralan at ang aral na ito’y mataas na. Tulad ng isang bata na nag-uumpisa pa lamang magaral, hindi ba’t ganito din ang sinasabi ng titser niya, ‚Ganito ang gawin mo, ganun, ganyan, dapat ito muna. Pag-aralan mo muna itong maigi, at Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

13


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan kapag tapos ka na, iba naman ang ituturo ko sa iyo.‛ Hindi ba’t hindi naman talaga agad ibinubuhos sa atin ang kanilang kaalaman, hindi ba’t ito’y inuutay-utay muna nila? Kristiyano: Kung ganun po pala, pagdating sa kamulatan, magkakaiba ang antas ng ating kamulatan? Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Noo’y may napansin si Bhakti Vinod Thākur sa naging desisyon ni Arjuna noong nag-uusap sila ni Kù£òa sa Bhagavad-gītā, ganito ang sabi ni Bhakti Vinod Thākur sa kanyang Tattva-sūtra. Sa Bhagavad-gītā, ipinag-utos ni Kù£òa kay Arjuna ang lumaban, ang makipaglaban sa digmaan, subalit kung ito’y si Uddhava, malamang, noong pagkasabi pa lamang ni Kù£òa na, ‚Iwan mo na ang lahat ng ito, at isuko mo na lang ang sarili sa Akin,‛ito’y agad-agad niyang gagawin, at tatalikuran ang pakikipagdigmaan. Subalit dahil nga siya si Arjuna, magkaiba sila ng pasya. Matapos marinig ni Arjuna ang unang naging bilin ni Kù£òa sa kanya, ito’y nagtanong kay Kù£òa sa Bhagavad-gītā (3.1-2): । । ॥१॥ । ॥२॥

jyāyasī chet karmaṇas te matā buddhir janārdana tat kiṁ karmaṇi ghore māṁ niyojayasi keśava [1] vyāmiśreṇeva vākyena buddhiṁ mohayasīva me tad ekaṁ vada niśchitya yena śreyo ’ham āpnuyām [2] ‚Hindi po ba ang sabi Ninyo masmainam ang jñāna, ang pagkakaroon ng karunungan at kaalaman kaysa karma, kaysa kilos lang ng kilos at galaw lang ng galaw? Kung ganoon, bakit po Ninyo sinasabi sa akin na Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

14


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan makipagpatayan ako sa kanila?‛ ‚Sapagkat may kakayahan kang lumaban, masmahusay ka sa gawain ng karma,‛ Sagot sa kanya ni Kù£òa. ‚Tapusin mo muna ang dapat mong gawin, bago ka pumunta sa antas ng jñāna, bago ka magsaliksik ng kaalaman. Napakahirap abutin ang antas ng nai£karmyam, hindi dahil iniwan mo lang ang lahat ng gawain ay agad ka nang nakarating sa nai£karmyam, at wala ka nang karma. Hindi ganun kadali, Arjuna. Una sa lahat, dapat tapusin mo muna ang paggulong nang iyong karma, at kapag wala ka nang karma, unti-unti ka nang matututo sa gawain nang debosyon at transedental na kaalaman. Ito muna ang harapin mo, lumaban ka.’ Hindi lahat ng tao ay marunong sa pakikipagdigmaan, ito’y para lamang sa mga taong tulad mo, para lamang sa iyo.‛ Kristiyano: Sa inyong palagay po, anong antas ng kamulatan sa Diyos ang dapat sundin ng tao? Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Dapat ituro natin sa kanila ang kamulatan para sa kamalayan kay Kù£òa; may mga tutugon ayon sa kanilang kamulatan. May ilan na talaga namang kokontra, at tayo’y maaari pa nilang saktan. Kapag ang mga komunista ang tatanungin mo, ganito ang maririnig mo sa kanila, ‚Bawal ang anumang relihiyon dito. Wala itong saysay, puro lang salita at pangarap. Kapag pumasok ka sa relihiyon, tiyak na makakaligtaan mo ang mundong ito, puro isip ka na lang ng isip, at ayaw mo nang kumilos. Sa bandang huli, sino ang magiging kawawa? Hindi ba’t ikaw? Ang mga tao? Kung ganoon, ayaw namin ng relihiyon, walang reli-relihiyon dito.‛ At ito’y isang yugto pa lamang. Simula pa lamang ng isang yugto, sa napakarami pang yugtong ating tatahakin. Kapag nangaral tayo sa harapan ng maraming tao, ayon sa kanilang kamulatan, may mga tutugon sa inyong panawagan, mismong puso ninyo ang magsasabi. At ang panawagang ito ang maghahatid sa kanila sa sugo ng katotohanan. Noong nagpunta at nangaral sa Kanluran si Bhaktivedānta Swāmī Mahārāj, di-maikakailang marami ang tumugon sa kamulatan para sa kamalayan kay Kù£òa. Papaanong nangyari ito? Hindi ba’t wala ni isa man sa kanila ang talagang Gauḍīya-Vaiṣṇavas, subalit hindi maikakailang Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

15


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan nandoon sa loob ng puso nila ang pananabik na sila’y mapasama. Lahat tayo, habang gumagala sa mundong ito, kung anu-ano ang ating nararanasan, mga bagong karanasan at bagong panlasa ang ating natitikman. Samakatuwid, ayon sa ating kamulatan, ayon sa tawag ng ating damdamin, may tutugon sa panawagan nang mga nangangaral. Kayo mismo ang magsasabi kung ano ang inyong natagpuan, ‚Naku! Ang tagal ko nang hinintay ang ganitong klaseng kaalaman, ngayon meron nang kadamay ang puso ko. Meron palang antas na kayang tumugon sa mga pangangailangan ko. Kakausapin ko Siya, itatanong ko sa Kanya kung meron ba talagang ganung klaseng lugar na nakita ko lang sa aking panaginip.‛ Dahil sa ganitong klaseng damdamin, mapapansin ninyong kabilang na sila sa grupo nang mga deboto. ‚Ibong magkakatulad ng pakpak, sama-sama kung lumipad.‛ Lahat ng nasa ganoong antas ng kamulatan, lahat ng magkakatulad nang damdamin, ay nagkakaisa at nagsasama-sama para sa iisang pagkilos, hanggang sa muli na naman silang tumaas at ibang grupo na naman ang sinasamahan. Minsan, sa panahon nating ito, habang tumataas ang kamulatan ng isang tao, makikita mong may nagpapalit nang kanilang paniniwala, samantalang ang iba nama’y sa susunod na buhay pa. Kristiyano: Pero minsan po, marami ang ayaw sa konsepto ng ibang aral dahil masyado daw itong mataas, at sa palagay nila’y hindi nila kaya. Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Maaaring ang bagay na ito’y mataas sa inyo, subalit para sa iba, ito’y katamtaman lamang. May magsasabing ito’y mataas samantalang ang sabi ng iba’y tama lamang. Dahil kung ito’y lubha talagang napakataas di-sana wala nang pumasok dito? Marami ang nagiging Mohammedan, nagiging Kristiyano, at Hindus. Hindi ba’t hindi naman lahat ng Kristiyano ay dati nang Kristiyano nung ipinanganak? Bakit may naaakit sa Kristiyanismo? Dahil po nandoon sa loob ng puso nila ang pangangailangan sa Kristiyanismo. Noo’y naisipang magpunta nina Acyutananda Swāmī, ang isa sa mga naunang disipulo ni Bhaktivedānta Swāmī Mahārāj, sa lugar na aking Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

16


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan sinilangan na dito lamang sa Bengal. Isang tagapangasiwang pari ang nagtanong sa kanya, ‚Nandito lamang kami sa Bengal, subalit binalewala namin ang mga turong-aral ni Śrī Chaitanya Māhāprabhu, samantalang ikaw, na nagmula pa sa napakalayong lugar, na nagmula pa sa ibang bansa, ay nandirito at isinasakripisyo ang buhay para sa paglilingkod kay Śrī Chaitanyadev. Papaanong nangyari ito?‛ Ganito ang naging sagot sa kanya ni Acyutananda Swāmī, “brahmāṇḍa bhramite kona bhāgyavān jīva. Magmula nang gumala tayo at magpalipatlipat sa iba’t-ibang klase ng buhay sa mundong ibabaw, iba’t-ibang klaseng damdamin din ang ating nakasanayan, at ang mga damdaming ito’y naitago sa loob ng puso natin. Kung saan-saan tayong lupalop napupunta, magmula sa isang klase ng buhay, muli tayong isinisilang sa ibang klaseng buhay. Sa paglipat nating ito, may nakukuha tayong sukùti, napakapag-ipon tayo ng kabutihan. May mga ajñāta-sukùti at jñāta-sukùti. Sa ajñāta-sukùti, ibig sabihin hindi sinasadya at wala sa ating isipan na ginamit natin ang ating lakas at panahon para sa isang kabutihan, at di-sinasadyang nakapaglingkod pala tayo sa Diyos. At bilang reaksyon, ito’y bumalik sa atin bilang mabuting kapalaran. At habang tumatagal, habang dumadami din ang ating sukùti, ito’y nagiging jñāta-sukùti na, mga gawain na alam nating makakabuti sa atin. Hanggang ang mga sukùti na ito, ay maging śrāddha, maging isa nang pananalig, ibig sabihin, unti unti na tayong naaakit sa Di Mapagaalinlanganang Katotoohanan na nangingibabaw sa buong sangkatauhan. Ito’y maaaring mangyari kahit sa sinoman. Kahit sa mga hayup at halaman. Kahit hayup ay maaaring maglingkod din kay Kù£òa. Tignan mo ang Vùndāvan, hindi ba’t nandoon ang napakaraming klase ng nilalang? Iba’t-ibang klaseng puno, hayop, at maging ang tubig doo’y may isip at buhay, at ang posisyong ito, na maging isang ilog, sapa at lawa ay dahil sa kanilang kagustuhan. Dahil ang kalagayang ito ang kanilang ipinalangin. Bagama’t kung ito’y ating pagmamasdan, ang mga lugar at buhay na naroroon ay pawang materyal ang katawan, ganun paman, silang lahat ay walang-kamatayan, sila’y eternal na naninilbihan kay Kù£òa. Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

17


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan Ang gawi nang isang peregrino Kristiyano: May isang aklat na ang pamagat ay, The Way of the Pilgrim, ang aklat na ito’y tungkol po sa mga Kristiyanong gumagamit nang rosaryo at pangalan ni Hesus ang paulit-ulit nilang inuusal. Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Ah, oo. Ang mga katoliko ay gumagamit din ng rosaryo. Ilang Kristiyano din ang umuusal nang pangalan ng Diyos. Kristiyano: Ngunit ang taong ito, na sinasabi ko po sa inyo pangalan ni Hesus ang paulit-ulit niyang sinasambit. Naging mabait din po ang taong ito, matulungin din sa kanyang kapwa, at kapag sila’y umuusal nang pangalan ni Hesus, labis-labis na kasiyahan din ang kanilang nararamdaman, at ganun din sa pagmamahal nila kay Hesus. Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Huwag siyang mag-alala, tiyak na mapupunta siya sa lugar ni Hesus. May mga tao na bagama’t ang layon talaga sa buhay ay maging perpekto, ang kamulatan ay hanggang doon lamang kay Hesus, ang gusto nila’y si Hesus lamang, ang makapiling siya kasama nang kanyang mga kabig. Anong magagawa natin kung hanggang doon lamang ang gusto nila. Ayon sa kanilang paniwala, sa piling ni Hesus magiging lubos ang kanilang kaligayahan, kung ganoon naman pala, e di-sige doon na lang sila. Marahil nga ang kapalaran nila’y hanggang doon lamang talaga. Alam ninyo, kahit na sino pa ang nasa loob ng impersonal na sinag nang Brāhmaò, kapag ginusto ng Diyos, at nang matinding kahilingan ng isang dakila at mataas na deboto, kahit na sinong kaluluwa, kahit na sobrang himbing nang kanyang pagkakatulog, kapag tinawag nang debosyunal na paglilingkod kay Kù£òa, ito’y tiyak na magigising. Lahat ng nasa loob nitong Brāhmaò ay magkakapareho ang kalagayan, lahat sila’y walang ginagawa at tuluy lang ng tulog, ganito ang karaniwang kalagayan nang lahat ng nasa loob nitong Brāhmaò at sila’y kuntento na sa mahabang panahong nasa ganoong kalagayan. Alam ninyo, kapag ang isang bagay ay Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

18


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan sinabing walang-hangganan, ibig sabihin wala itong takdang oras. At wala nang hihigit pa dito. Sabihin na nating magmula pa noon ay nasa ganoong kalagayan na ang lahat ng nasa loob nang sinag ng Brāhmaò, na patuloy na walang ginagawa. Ibig sabihin, dumaan na pala sa kanila ang di-mabilang na muli’t-muling paggunaw at paglikha nang buong sandaigdigan, at dahil sa mahimbing na pagkakatulog ito’y hindi nila namalayan. At dahil sila’y natutulog lamang, ibig sabihin anomang sandali maaari din silang magising. Noon pa man ang mundong ito’y matagal nang naririto, at dimaikakailang napakaraming kaluluwa ang pumapanhik at sumasanib sa kinang nitong Brāhmaò, muling nagigising sa mahimbing na pagkakatulog at bumababa sa mundo. Kung ganoon, sa gitna nitong matinding sinag nang Brāhmaò, di-maikakailang maraming kaluluwa ang nakakalabas. Ngayon, kung gagamitin natin ang salitang walang-hangganan, halimbawang nandoon na nga talaga si Hesus sa loob nitong sinag ng Brāhmaò, darating din sa kanya at kanyang mga kabig ang pagkakataon na maging Vai£òava. Bakit hindi, hindi ito imposibleng mangyari. Bakit, si Hesus ba’y hanggang doon na lang o maaari pa rin siyang tumaas? Kristiyano: Sa palagay po ba ninyo, alam ni Hesus ang tungkol sa kamulatan para sa kamalayan kay Kù£òa? Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Dapat siguro ay tiyakin muna natin kung ano ba talaga ang nasa loob ng kanyang puso. Dapat malinaw natin itong nakikita sa kanya. Alam mo, lahat tayo ay may eternal na buhay, walangalinlangang napakahabang panahon na ang inilagi natin dito sa mundo, subalit ganunpaman kahit papaano napasaatin ang pagkakataong ito, na mamulat sa kamalayan kay Kù£òa. Kristiyano: Hindi ko po maintindihan. Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Ano ba si Hesus, siya ba’y hanggang doon na lang? Ang kamulatan ba niya’y hanggang doon na lang? O maaaring tumaas pa? Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

19


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan Siya ba’y hanggang doon na lamang? Teka muna, matanong kita, siya ba’y buhay pa, at ang kamulatan ba niya’y hanggang doon na lang? Kristiyano: kaalaman.

Ayon po sa mga Kristiyano nasa Kanya ang lahat ng

Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Ang tanong ko ay ganito, siya ba’y hanggang doon na lang at wala nang itataas pa? Ano ba ang kanyang buhay, ito ba’y maaari pang tumaas o hanggang doon na lang? Ano ang sabi nang mga Obispo sa kanya, siya ba’y hanggang doon na lang? Saan ba siya kabilang, sa mundo nang mga aktibo at masisipag o doon sa mundong ayaw kumilos at ayaw umusad? Ang kalikasan ay ganito, walang-hangganan, walang-katapusan. Lahat tayo ay pawang maliliit at ang kakayahan ay may hangganan kumpara sa kalubusan na walang-hangganan. Kung ganoon, papaano natin masasabing narating na natin ang pinaka-sukdulan, hindi ba’t ito’y isang napakalaking kahibangan? Hindi ba’t katawa-tawa at isang malaking kalokohan ang sabihing kaya nating abutin ang walang-hangganan? Papaanong naging Di Mapag-aalinlanganang Katotohanan si Kù£òa? Dapat ito ang inaalam ninyo, unti-unti ninyong pag-aralan sa pamamagitan ng siyentipikong pamamaraan. Basahin ninyo ang aklat na Śrī Kù£òa–saìhitā at Śrī Bùhad-bhāgavatāmùtam. Bususiin ninyong maigi, tapos sundan ninyo ang naging paliwanag nila kung papaano yumayabong ang isang paniniwala, mula sa paniniwalang may-Diyos, pataas hanggang sa umabot sa Kanyang personal na katauhan at humahantong sa pag-iibigan. Ang reinkarnasyon ay paglalakbay ng isang kaluluwa sa ibang buhay Kristiyano: Sa pagkakaalam ko, kapag sinabing inkarnasyon ito’y isang uri ng kaparusahan, dahil napupunta ang isang kaluluwa sa masmababang kalagayan. Dahil sa nagawang kasalanan, sila’y nagiging hayop o halaman Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

20


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan sa susunod na buhay. Kung halimbawang magka-ganun nga, anong saysay na ako’y naging hayup o isang halaman kung ang lahat namang ito’y hindi ko na matandaan. Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Hindi ba’t minsan, may pagkakataon na kapag gustong gamutin ng isang duktor ang kanyang pasyente ito’y kanya munang pinapatulog? Minsan ang isang preso kapag labis ang ginawang kasalanan bukod sa ikinukulong na, ay kinakadena pa. Ayon sa batas, kapag naging salot na sa lipunan ang isang tao, ito’y kinukulong at pagkaminsan ito’y kinakadena pa. Ito’y inaalisan na nang anumang karapatang maging malaya. At siya’y ikinukulong muna. Ang mga paghihirap natin sa buhay ay bunga ng ating karma, dahil sa nagawa nating kasalanan, subalit ang paghihirap na ito’y nakakatulong din sa atin, dahil kahit papaano nababawasan ang ating karma. At kapag ang karma nati’y nairaos na, ang nawala nating kalayaan at mga pribiliyeho ay muling ibinabalik sa atin, muli, malaya na naman tayong nakakagalaw. Minsan, ang isang kaluluwa kapag labis na kasalanan ang nagawa, labis-labis na reaksyon din ang kanyang nararanasan, at siya’y pansamantalang inaalisan muna nang kalayaan, kalayaang mamili kung ano ang gusto niyang gawin. Hinahayaan munang pagbayaran niya ang nagawang kasalanan. At pagkatapos nu’n, muling ibinabalik sa kanya ang nawalang karapatan, ang karapatang magpasya kung ano ang makakabuti sa kanya. Ito’y tulad sa isang lasenggero na mahilig manggulo sa kalye, hindi ba’t ito’y hinuhuli ng pulis at dinadala sa presinto. At kapag siya’y nahimasmasan na, ito’y pinapauwi na sa kanila, at malaya nang nakakagalaw kung saan niya gustong magpunta. Ang kautusang ‘huwag kang papatay’ ay para din sa mga hayup at halaman Kristiyano: Ayon sa paniniwala nang mga Kristiyano, ang mga hayup ay walang kaluluwa.

Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

21


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Ang usaping ito ay hindi na inilabas ni Hesus sa kanyang mga kabig at tagasunod upang pag-usapan. Dahil nakita niyang mahilig silang kumain ng isda at karne. At upang hindi na sila mapahiya pa, ang usaping ito’y hindi muna niya inilabas. Dahil para kanya, masmahalaga ang usapin ng tungkol sa Diyos kaysa pagkain, at kapag sila’y tuluyan nang namulat, walang-alinlangang, ang usaping ito’y kanila nang pag-uusapan. Subalit sa yugtong iyon, ay huwag muna. Tignan mo, hindi ba’t hindi lamang ang tao ang may buhay? Subalit huwag ninyong sabihing, hindi dahil hindi sila tao, sila’y wala nang karapatang mabuhay. Alam ba ninyo kung bakit sila nandun sa ganoong kalagayan, ito po’y dahil sa kanilang karma, dahil sa nagawa nilang kasalanan. Lahat ng nilalang na maybuhay ay may kaluluwa. Alam nang lahat ang ganitong klaseng kaalaman subalit alam din ni Hesus hindi pa handa ang kanyang mga kabig sa ganitong klaseng kamulatan. Ang nais niya’y unawain muna nila na may Diyos, na lumikha nang lahat, at sa pagtagal, ang konsepto ng kaluluwa ay maaari narin nilang maunawaan. Kung kaya’t ang naging bilin niya’y ganito, ‚Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong mangyari sa iyo.‛ Maganda din ang kautusang ito. Alam ninyo, hindi lamang ang kaluluwa ang nasa loob ng ating katawan, nandoon din ang Diyos, hindi ba’t ang sabi, Siya’y nasa lahat ng dako. Ang mga hayup at halaman ay may buhay at damdamin din, tulad natin, sila’y may pakiramdam din, sila’ nasasaktan din. Tignan ninyo ang mga hayup, kapag alam nilang sila’y papatayin na, hindi ba’t iyak sila nang iyak dahil maging sila’y nasasaktan dint. Ibig sabihin, maybuhay din sila. May pakiramdam din sila, may malay at isipan din, at ang kaluluwang nasa loob ng kanilang katawan ay tulad din ng ating kaluluwa, parehong puro at malinis. Ang mga bagay na ito’y hindi abot ng isipan nang mga taong nakakausap ni Hesus. At alam din niyang, hindi pa sila handa sa ganoong klaseng kamulatan, at sila’y tiyak na mahihirapan lamang. Sa madalingsalita, kapag ang inyong kamulatan at kakayahan ay hanggang doon lamang kay Hesus, ang Kristiyanismo ang nababagay sa inyo. Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

22


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan Ganunpaman, tignan natin kung ano ang pasya nang nasa itaas, ng pinaka-sentro nang lahat. May mga tao na ang gusto ay Kristiyanismo, ang iba nama’y sa Islam. Lahat ng klaseng relihiyon ay nandito sa buong sandaigdigan. Bawa’t-isa kanila’y nakalaan para sa mga taong ang hanap ay para sa ganoong klaseng kamulatan. Ano ba ang Kalubusan, ang Di Mapag-aalinlanganang Katotohanan? Kung inaakala ninyong ito talaga ang hanap ninyo, kung ganoon masmabuting magpunta kayo sa India. Dahil, dito, ang ganitong klaseng usapin ang palaging tinatalakay at pinag-uusapan, lahat ng tungkol sa iba’t-ibang klaseng relihiyon sa mundo ay nandito na. Alam ninyo, pagdating sa usapin ng relihiyon, walang panama ang ibang bansa, walang tatalo sa India, lahat sila’y wala sa kalingkingan ng India. Bakit sinasabing, sa lahat ng konsepto ng relihiyon sa mundo, ang Śrīmad Bhāgavatam ang pinakamataas? Bakit? Sa anong dahilan? Ito ang dapat nating malaman at kung bakit kailangan nating sundin. Kaya dapat, basahin ninyong maigi itong Śrī Bùhad-bhāgavatāmùtam, at ang bagong aklat nito, ang Śrī Kù£òa-saìhitā na gawa ni Bhakti Vinod Thākur. Kristiyano: Nabasa ko na po ito. Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Ulit-ulitin mo ang pagbabasa nito, suriin mo nang maigi. Ulit-ulitin mo ang pagbabasa nito, hanggang sa matagpuan mo ang hinahanap mo, ang mga kasagutan sa mga tanong mo. Naroroon sa aklat na iyon ang iba’t-ibang klase ng pakikipag-relasyon sa Diyos, at habang tumataas ang ating kamulatan, pwersahang itinataas din nito ang antas ng ating kalagayan.

Ikapitong Kabanata: Lagpas pa sa Kristiyanismo

23


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.