Kung Saan Nag-uugnay ang Palakasan at Pananampalataya
Greivis Vasquez
2
Kevin Durant
10
Stephen Curry
6
Dikembe Mutombo
14
Jeremy Lin
18
PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA:
PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA:
PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA:
ARABE
INGLES (BRITISH)
INGLES (USA)
PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA:
PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA:
PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA:
PRANSES
ALEMAN
HAPONES/NIHONGO
PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA:
PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA:
KOREANO
MANDARIN/OPISYAL NA INTSIK
PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA:
PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA:
PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA:
PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA:
PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA:
PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA:
PALAGITIKAN DITO PARA BASAHIN ANG REBISTA SA:
PORTUGES (BRAZILIAN)
ESPANYOL
PORTUGES (EUROPEAN)
TAGALOG
PARA SA KARAGDAGANG PAGBABASA PUMUNTA SA:
POLACO
RUSO
TAMIL
14 GREIVIS VASQUEZ:
Rick Madonik/Getty Images
Alam ng tubong Venezuela at guard ng Toronto Raptors na si Greivis Vasquez na ang kanyang lakas ay nanggagaling sa Panginoon, at gusto itong malaman ng lahat
06
Marahil si Dikembe Mutombo na ang pinakamapagkawang-gawang tao sa palakasan—sa maraming pamamaraan hindi lang iisa
Clay Patrick McBride/Getty Images
02
DIKEMBE MUTOMBO:
18
JEREMY LIN:
Ang pananampalataya ang nakatulong kay Jeremy Lin sa pananatili niya sa NBA at makilala siya ng mga manonod sa buong mundo
STEPHEN CURRY:
Rocky Widner/Getty Images
Stephen Curry nag-aaral na maglingkod
10
KEVIN DURANT:
Layne Murdoch/Getty Images
Nagsimula ang karera ng sikat na sikat na NBA na si Kevin Durant bilang isa sa mga pinaka-batang manlalaro na pinamunuan ang liga sa scoring, at nanalo ng FIBA World Championship at gintong medalya para sa Estados Unidos, datapwa’t namumuhay na tahimik habang hinahanap ang daan kung paano mapalapit sa Panginoon
Andrew D. Bernstein /Getty Images
1
ALAM NG TUBONG VENEZUELA AT GUARD NG TORONTO RAPTORS NA SI GREIVIS VASQUEZ NA ANG KANYANG LAKAS AY NANGGAGALING SA PANGINOON, AT GUSTO ITONG MALAMAN NG LAHAT
Elsa/Getty Images
Rick Madonik/Getty Images
ubos na kinagagalak ni Greivis Vasquez ang siya ang pangatlong mamayan ng Venezuela na maglalaro sa NBA, sa kabuuan si Vasquez ang napiling pang dalawampu’t walo sa first round noong 2010. “Isang biyaya sa Panginoon ang mapasama sa liga,” ang sabi ni Vasquez na mula pa noong siya ay labing pitong gulang habang nasa mataas na paraalan sa America ay ninais na niyang paglingkuran si Kristo. Nakatagpo si Vasquez ng mga “mabubuting tao” sa high school, kabilang na dito si Kevin Durant ng Oklahoma City Thunder, na tumulong sa kanya para “mapalapit sa Panginoon.” Pagkagising sa umaga ni Vasquez, lumuluhod siya para magdasal. Ipinagdarasal niya ang kanyang bansa, ang kanyang mga coaches at teammates, ang kanyang pamilya at para sa kanilang kalaban na sana’y walang sinoman sa kanila ang masaktan. “Gusto kong ipagdasal ang lahat na iyon,” ang sabi ni Vasquez. “Ipinagmamalaki ko na ako ay nagdarasal araw-araw. Ipinagmamalaki ko na ako ay isang Kristiano. Sinasabi ko sa mga tao kung gaano katibay ang aking pananampalataya at kung gaano ko kamahal ang Panginoon. Ipinapakita ko sa mga tao kung gaano kataimtiman ang aking pagsunod sa Panginoon.” “Lahat ng mga ginagawa ay para sa Kanya. Si (Jesus) ang lahat para sa akin. Siya ang puso ko. Siya ang buhay ko. Ang dami niyang ginawa para sa akin. Kailangan kong mabuhay
3
para sa kanya. Mayroon adhikain ang Panginoon para sa akin. Nalalaman ng Panginoon at nauunwaan ang gusto kong gawin sa buhay. Ang ninanais ko lang gawin ay ang purihin Siya sa lahat ng oras.” Habang naglalaro si Vasquez sa iba’t-ibang lugar, dumadalo siya ng misa bago ang laro sa kapilya at pinagdarasal din niya ang mga kalaban na manlalaro. Memoryado na niya ang paborito niyang kasulatan: Romans 8. Bagamat nakaranas na siya ng maganda at hindi maganda sa paglalaro niya sa NBA, untiunti niya itong nauunawaan dahil sa tiwala niya sa Panginoon. “Kaya nga ang Panginoon ay mahalaga,” ang sabi ni Vasquez. “Marami ang magaganap na maganda at malungkot. Haharapin ko kahit ano pa ang ibato ng Panginoon sa aking landas. Binibigyan ako nga lakas ng Panginoon para gawin ang nararapat kong gawin. Isa akong Kristyano na dapat gawin ang nararapat na bagay kahit walang nanbabantay,” ang sabi niya. Napansin ito ng dating teammate niyang si Zach Randolph kapag sila ay naglalarong dalawa. Ayon kay Randolph isang “magandang uliran” si Vasquez, mababa ang loob at mahilig sa basketbol at may “magandang katangian.” “Ang isang bagay na higit kong nagugustuhan ay ang kanyang labis na pagmamahal sa laro,” ang sabi ng dati niyang teamate na si Marc Gasol. “Napakahusay niya. Maraming tama sa kanyang mga ginawa. Dahil pareho ang aming pinanggalingan kaya labis kong kinatutuwa ang kanyang pagmamahal sa laro.” Ang isa pang dati niyang teammate na si Mike Conley tinatawag si Vasquez na isang “masigasig na manlalaro” at sabik na matuto.” Ang sabi ni Vasquez, “Isa akong masipag na bata. Kung masipag ka magagandang bagay ang mangyayari.” Mananatili kay Vasquez ang matibay niyang pananampalataya “kahit ano pa ang mangyari.” Ang pinakamaganda niyang gantimpala? “Nasa puso ko si Hesu Kristo. Ipina-uubaya ko sa Kanya ang lahat. Nabubuhay ako sa kanyang pagpapala. Ang lahat ng nakamit ko ay hindi karapatdapat sa akin. Nagpapasalamat ako sa mga biyayang ipinagkaloob Niya sa akin. Nais kong ibalik ito sa mga tao at akayin sila sa Pnaginoon.”
Naniniwala si Greivis na ang kanyang buong buhay-- kasama na dito ang basketbolbilang isang pagaalay sa Diyos na siyang nagbigay sa kanyang kagalingan.
4
5
Photos by Rocky Widner/Getty Images
M
adali lang sanang mabago ang lahat ng anyo ng buhay at kaligayahan ni Stephen Curry dahil sa pinsalang nangyari sa kanya sa basketbolan. Ang No.7 pick ng NBA Draft noong 2009 ay hindi natupad ang inaasam-asam niyang tagumpay noong 2011-2012 season, ng nagpalya siyang maglaro ng 40 beses sa loob ng 60 na laro dahil sa pinsala niya sa bukong-bukong. Ito ang pinaka-malungkot niyang season sa kanyang basketball career. Ang nakaraang season naka-puntos siya ng higit kumulang 18.6 bawat laro at natulungan ang Team USA makamit ang championship sa FIBA World Basketball Championship. Ipinagtataka ni Ayesha Curry kung paano niya nagagawa ito- ang umuwi si Stephen pasan sa balikat ang bigat ng Golden State Warrior basketball team, ang pagyayamot sa sunod-sunod na pinsala, paninistis, at sa pagsasa-ayos ng kanyang bukong-bukong at hindi dinadala sa loob ng bahay. Nakilala ni Stephen ang kanyang maybahay noong siya at labing limang taon sa pangkat ng kabataan sa kanilang simbahan—sabi niya, “Siya ay matatag.” “Stephen” ang sabi niya sa kanya, “Hindi pa kita narinig na nagreklamo sa ano mang bagay.” Ito ang tila mandin ang madalas niyang sinasabi sa kanya. Mayroon siyang pananaw sa buhay. Hindi naman masyadong malalim o mababaw. Medyo nahirapan siya sa loob ng isa at kalahating taon dahil sa pinsala ng kanyang bukongbukong. “Walang araw na kulobot ang kanyang mukha. Nasa punto na talaga ako ng paghanga at pagkasindak. Paano mo ba naman hindi madadala sa bahay ang mga ligalig mo? Umuuwi siya ng bahay na may ngiti sa mukha at masaya. Pinasasalamatan ko iyon.” “Wala talaga ang lubos na nagpapalungkot sa kanya. Sa palagay ko dahil alam niya kung gaano siya kapalad at ang mga magagandang bagay sa buhay niya ay nahihigitan ang mga bagay na hindi maganda.”
7
Ang katotohanan na si Stephen Curry ang tumulong sa kanyang maybahay sa pagpapa-anak ng kanilang anak mayroon siyang masasabi tungkol sa sarili niya: Lagi siyang naroroon. Lagi siyang naroroon kahit ano pa ang mangyari. Tila ang basketbolan ang nagbigay ng ligalig sa parte ng kanyang basketball career, ang labas ng basketbolan naman ang nagbibigay ng kabuluhan sa pansarili niyang buhay.
Payapa si Stephen at nakatitiyak na kahit na sa kanyang mga pinsala ang Panginoon ay siyang namamahala at siya’y naniniwala na maaayos ang lahat doon sa mga nagmamahal sa Panginoon. At kahit na ang Panginoon pa ang sumusulat ng iyong kasaysayan, masasabi nina Stephen at Ayesha na madalas dadalahin ka ng Panginoon sa mga lugar na hindi mo kayang unawain, mga lugar na mapipilitan kang matuto at magtiwala sa kanya. Sa pamilya ni Stephen makikita mo ang kalaliman ng kanyang katauhan—ang pagnanais niyang mamuno at itaguyod ang kanyang pamilya
sa tamang daan, ang matindi niyang pananampalataya. “Binigyan ako ng Panginoon ng maraming tungkulin,” sabi ni Stephen. Tinutulak niya ako na mamuno sa pananampalataya sa aking pamamahay gaya ng Kanyang utos sa mga lalake. Madali ang maging makasarili kung nag-iisa ka, subalit kung may ibang tao kang pinanagutan— damdamin, kaluluwa at pangangatawan—ay iba. Para sa akin, dahil sa akin naghahanap ng patnubay sa pananalig ang lahat, kung ang pamilya naman natin ang pinaguusapan, ang akayin sila sa tamang landas ay isang malaking pananagutan ito, subalit hindi ko lubos na mapapasalamatan ang Panginoon sa mga ito Sabi ni Ayesha na siya at si Stephen ay parehong mayroon ng Bible app sa kanilang mga telepono at maski alin sa dalawa ang magbasa o manalangin ay magkasamang ginagawa tuwing umaga. “Hindi kapani-paniwala ang nagagawa niya,” ang sabi ni Ayesha. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan na sabihin sa inyo ang lahat --kung paano ako magising sa umaga at makita kung paano siya kahusay at kalakas.” Tinatanggap ni Stephen ang pamumuno sa labas at loob ng basketbolan. Dama niya ang mamuno hindi lamang sa kanyang pamilya. “Ang pinaka-mahalaga sa akin ay maging lalake at anak ng Diyos. Sa bagay na ito natitiyak ko na ang pamilya ko ay natutulungan ako dahil kung nadadala sila sa aking pananampalataya at masaya sila, alam ko na tama ang aking ginagawa.” “Nakapag-papababa ng loob na malalam ang mapasama ako sa larangan ng basketball, sa palagay ko inilagay ako ng Panginoon sa katayuan na ito para mabago ang pananaw ko kung paano ang pagiging isang taga-sunod sa utos ng Diyos at isang manlalaro ng NBA. Gusto kong gamitin ang mga talinong pinagka-loob ng Panginoon sa akin sa larangan ng basketbolan para purihin Siya. Iyon ang pinaka-mahalaga kung bakit ako naglalaro ng basketbol.”
Nagsimula ang karera ng sikat na sikat na NBA na si Kevin Durant bilang isa sa mga pinaka-batang manlalaro na pinamunuan ang liga sa scoring, at nanalo ng FIBA World Championship at gintong medalya para sa Estados Unidos, datapwa’t namumuhay na tahimik habang hinahanap ang daan kung paano mapalapit sa Panginoon. Napakababa ng loob ni Kevin,” ang sabi ng teammate niyang si Jeff Green. Siya ang pinuno ng aming koponan at karamihan sa mga kasama naming ay sinusunod ang kanyang pamumuno. Tinutulungan niyang mapabuti ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang mga gawa at ng kanyang pagka-tao. Kahit sino ay nagnanais na malapit sa kanya.
Walang Kasiguraduhan ang Bukas
Para kay Durant ang pang-unawa sa kahalagaan ng buhay ay nababatay sa katotohanan. Ang coach ni Durant na si Charles Craig ay pinatay ng isang gang dahil napagkamalan siyang iba. Mula noon, lagi niyang sinusuot ang kanyang jersy na may numerong 35 bilang pagbibigay dagal kay Craig na 35 taong gulang noong oras na siya ay napatay. “Nasubukan na si Kevin,” ang sabi ng TV announcer na si Brian Davis. “Kung sa murang edad mo dumating ang mga ganoong klaseng aral sa buhay, maaari kang makagawa ng maraming bagay batay doon. Pinili ni Kevin na gawing positibo ang mga malulungkot na sandaling iyon. Pinaniniwalaan niya na walang kasiguraduhan ang bukas, kaya nagsisikap na maging mabuti siya ngayon para kung mabigyan man siya ng bukas ay magiging mabuti ito.”
Pinarusahan ng Pamilya, Katotohanan
10
Layne Murdoch/ Getty Images
Chris Covatta / NBAE via Getty Images
Ang kakayahan ni Durant na manatiling mahinahon ay matutunton sa kanyang pamilya at sa buo niyang pang-unawa sa kanyang pananampalataya. “Palagi kong iniisip kung bakit nandito tayo,” ang sabi niya. “Sino ang gumawa sa atin ng ganito?” Palagi na lamang akong pinapaupo ng nanay ko at kakausapin at mayroon akong guro na pang-ispirituwal na tumulong sa akin.” Ngayon ay inaasa niya ang pirmihan niyang pagpunta sa kapilya sa tuwing season, sa spiritual coach, at sa kanyang teammates ang paraan para manatili ang pagka-maka Diyos niya.
11
“Sa Banal na Sulat, pinupuri ng Diyos ang kababaang loob, iyon ang bagay na pinagsisikapan ko sa lahat ng oras,” ang sabi ni Durant. “Kinakailangan kong magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang pinagkaloob niya sa akin. Ang kapalit na regalo ko sa Kanya ay ang lagi akong magpapakumbaba at palaging magsisikap sa abot ng aking makakaya. Kinakailangan kong ipagpatuloy ko ang pagiging ganito.”
2010 NBAE/ Getty Images
Ang kilusan ng palakasan ay binubuo ng mga manlalaro na gustong yumabong bilang mga mapagkumbabang lingkod kasama ang kanilang teammates. 12
gawa.
Mga Palatandaan na Nagbibigay-pag-asa
Nagniningning sa Tanghalan ng Mundo
Si Durant ay tinagurian na NBA Rookie of the Year matapos sirain ang 40 taon rekord pamamagitan ng pagkuha ng humigit-kumulang 20.3 puntos bawat laro. Hindi nagtagal nanguna siya sa talaan ng NBA ng maka-iskor siya ng 30.1 puntos bawat laro, at naging siya ng pinakabatang kampeon sa skoring ng liga sa edad na 21 anyos. Sa FIBA World Championship sa Turkey, isa siya sa mga magagaling sa team. Dahil nabigyan ni Durant ang U.S. World Championship record na 38 puntos sa semifinals laban sa Lithuania, humigit-kumulang 22.8 puntos bawat laro malapit ng maabot ang gintong medalya at tinagurian na Most Valuable Player ng paligsahan matapos na pinamunuan ang U.S. sa kauunahang FIBA World Championship simula noong 1994. “Hindi kapani-paniwala ang pakiramdam,” ang sabi ni Durant. Hindi maipaliwanag sa salita kung gaano ako kasaya matapos ang
gintong laro at kami ang nanalo. Ang ganda ng pakiramdam ang katawanin ang America at magka-isa kami ng grupo at gawin ang bagay na hindi inaasahan ng lahat na kaya naming gawin.” Pagkatapos ng dalawang taon, tinulungan ni Durant ang Team USA makamit ang medalyang ginto sa London Olympics sa halos parehong pamamaraan na ginawa niya sa FIBA World Championship sa Turkey. Nagpatuloy ang pagkamit niya ng mga gantimpala hanggang 2014 ng siya ay taguriang NBA Most Valuable Player. Ang mga karanasang iyon ay lalong naging matatag ang tiwala sa sarili ni Durant at iyon ang nagtulak sa kanya para maging pinuno ng Oklahoma City. Isang tungkulin na pinaghahandaan ni Durant sa unang araw pa lamang. Si General Manager Sam Presti at coach Scott Brooks parehong sinabi na napakagandang bagay para sa team at ng organisasyon na ang kanilang pinakamagaling na manlalaro ay siya rin ang pinaka-masigasig na manga-
Dahil natamo ni Durant ang maging pinuno ng kanyang team sa basketbolan, maging ang kapangyarihan niya sa labas ng basketbolan ay malakas. Sinulat sa blog post ng dating Thunder forward Etan Thomas, “Nakikita ng lahat si Durant na pumupunta sa kapilya bago ang laro at sumunod din silang lahat. Nag-uumpisa ang lahat sa kanya, at kung mayroong ganoong pinuno, magagandang bagay ang mangyayari.” Ang sabi ni Durant, “Magandang makita ang ibang tao sa NBA ang sumunod sa utos ng Diyos. Napakarami naming nagagawa sa ligang ito. Maraming mga tao ang hindi alam kung saan nanggagaling ang mga biyayang ito at kung paano sila inilalarawan sa basketbolan. Nakabubuti na laging ipapaalala sa mga tao kung saan nanggaling ang lahat ng ito. Ang makita na parepareho ang ginagawa ng ibang manlalaro sa liga ay isang kasiyahan.” At kung lumapit ang tukso, babalik lang si Durant sa unang hakbang. “Walang alinlangan na ako’y may kapintasan,” ang sabi niya. Malayo pa ang aking lalakbayin bago ako mapalapit sa Diyos, subalit inaasamasam ko mananatili sa tamang landas. Maaring susulong o uurong ng dalawang hakbang at hahakbang ulit ng pasulong. Nguni’t gusto kong mapabuti.”
13
14
Clay Patrick McBride/ Getty Images
sang higante si Dikembe Mutombo sa maraming tao. Sa taas na 2.18 metro (7 pye at 2 pulgada), ang dating NBA center mahigit na malaki sa karamihan sa mga manlalaro ng liga. Kinikilala bilang isa sa mga pinakamagaling na defensive player, napanalunan ni Mutombo ng apat na beses ang NBA Defensive Player of the Year Award at nadaig niya ang kinikilala ng NBA na si Kareem Abdul-Jabbar bilang pangalawa sa pinakamagaling na shot blocker sa kasaysayan ng NBA. Subalit sa larangan ng pagkakawang-gawa lumilitaw na magaling ang dating tanyag na manlalaro. Tinawag siya ng New York Daily News na “ang pinakamataas na mapagkawang-gawang tao.” Si Mutombo ay may puso na kasing laki ng kanyang pagkatao: isang puso na umaabot sa kabilang ibayo ng Atlantic Ocean hanggang sa Africa, ang kanyang inang bayan. Dalawang bahagi ang dahilan sa likod ng pagkama-awain at pagbibigay ni Mutombo. Una, isa siyang alagad ni Hesu Kristo at tapat na umaayon sa turo ng Banal na sulat ang arugain at ang mga nangaingailangan. Pangalawa, kahit na ngayong siya ay mayaman na dating pro athlete, hindi pa niya nakakalimutan kung paano maging mahirap. Ipinanganak ako at lumaki sa Democratic Republic of Congo (DRC). “Kung ipinanganak ka sa isang bansa na salot sa kahirapan, kahit saan ka pa makarating sa buhay mo, lagi mong maalala ang pinanggalingan mo.” Nahikayat niya ang marami para gumawa ng kabutihan, maski na ang mga propesyonal na manlalaro na maghandog ng oras o salapi o mga manggagamot at mga pinuno ng pamahalaan na magbigay ng kanilang kakayahan para maglingkod sa mga mahihirap, mga mahihirap na kulang ang paglilingkod na natatanggap sa matagal na panahon.” Habang nasa “goodwill tour” siya ng NBA, dinalaw si Mutombo ang isang palengke sa Mozambique. “Dati akong nagtatrabaho sa
16
ganitong palengke noong bata pa ako para maliit na negosyo ng tatay ko. Nagtinda ako ng tinapay, keso at tsoriso,” paliwanag ni Mutombo. “Alas sinco y medya, ginigising ako ng tatay ko at magtatrabaho hanggang alas otso ng umaga, oras na pumasok sa escuela. Sa ganoong pamamaraan ako kumita ng pera. Salat sa salapi ang tatay ko. Pagkatapos ng dalaw sa Mozanbique, sabi ni Mutombo,”Naniniwala ako na tayo ay pantay-pantay sa mata ng Diyos at itinuturo sa atin ng ebanghelyo na humanap ng paraan para maglingkod sa sangkatahuan.
Pinagbulay-bulay ni Dikembe ang mga kaibuturan ng manlalaro na may habag, nagnanais na maglingkod at ibalik ang mga biyayang natanggap nila mula sa Panginoon. Isang uliran sa paghahasik muli sa mundo.
para boluntaryong paglilingkod. Isa sa mga mahalagang karangalan ang dumating kay Mutombo ng siya mapasama sa listahan ng mga kagalanggalang na panauhin para sa State of the Union Address ni President George W. Bush. Tiyak na masasabi ni Mutombo na wala ng hihigit pa sa pinakamagandang papuri na kanyang matatanggap kung hindi ang makilala siya sa habang buhay niyang pagmamahal sa kanyang inang bayan at sa Panginoon. Datapwa’t ang pagmamahal niya sa iba, hindi ang mga gantimpala ang nanatili at mananatili sa kanyang paglingkuran ng maigi sa mga mahihirap at mga bagay na tinakdang gawin ng higante niyang puso.
Samakatuwid, hindi nakapagtataka na matamo ni Mutombo ang napakaraming gantimpala sa mga walang tigil niyang pagsusumakit. Ang asawa at ama ng anim na anak (ang apat ay mga ampon) ay tumanggap ng NBA’s Humanitarian Award. Ang Sporting News tinagurian siya na isa sa mga “Kalugo-lugod na Tao sa Palakasan”. Si Mutombo ay isa sa mga 20 napili na pagkalooban ng USA President’s Service Award, ang pinakamataas na parangal
Joe Murphy/ Getty Images 17
I
Andrew D. Bernstein/Getty Imagess
Ang naging pagkakaiba ng kasaysayan ni Lin ay kanyang paglalathala niya kay Kristo at hindi niya kinahihiyang ipahayag ang kanyang pananampalataya. Kauna-unahan si Lin na naging NBA player, na nanggaling sa Intsik-Taiwanes na angkan, noong nabigyan ng pagkakataon, pinahanga niya ang kanyang mga tagahanga sa kanyang mithiin, sa kanyang masigasig na pagtatatrabaho, at sa dalisay na kababaan ng loob-- kakaiba sa mga maraming manlalaro ngayon na pawang ang kanilang mga sarili lamang ang iniisip. Sa unang pitong laro noong nagpakita ng gilas si Lin pinamunuan ang Knicks para talunin lahat ang pito nilang laro (7-0),
Brian Babineau/Getty Images
sa itong payak na pakiusap. Pahintulutan ninyo akong manatili sa New York Knicks team. Iyon ang panalangin na binigkas ni Jeremy Lin noong Enero 27, 2012 sa misa sa kapilya bago ang palaro kasama ang kanyang teammate at kaibigan niyang si Landry Fields, isa pang teammate Jerome Jordan at si Udonis Haslem ang Miami Heat forward. “Tinanong kami ng kapelyan ng koponan na magbahagi ng isang panalangin, at alam ko na nalalapit na ang ika sampu ng Pebrero, at iyon ang nasa puso ko, ang ako pakapagpatuloy na manatili sa team at makasama sila hanggang matapos ang taon,” ang sabi ni Lin. At iyon na nga ang ibinahagi ko sa mga kasamahan ko.” Ang ika sampu ng Pebrero ang huling araw na pagpapasyahan ng Knicks kung nais nilang manatili si Lin o itiwalag siya. Noong araw na ipinahayag ang hiling niya, parang madali namang pagpasyahan ito. Dalawang teams na ang nagtiwalag kay Lin: ang Golden State Warriors at sumunod ang Houston Rockets, naglaro lamang siya sa siyam na laro para sa Knicks bago Enero 27, humigit-kumulang nakapaglaro ng 6.1 minuto at nakapuntos ng 3.6 sa bawat isang laro. Matapos ang walong araw, ng makapuntos siya ng 25 at pinamunuan ang pagwawagi ng Knicks 99-92 puntos laban sa New Jersey, Linsanity ay nabigyan ng buhay. “Linsanity” ang itinaguri sa kamangha-manghang pansin na binabaling ng midya kay Lin, nagtapos sa Harvard University, nakitulog sa sopa ng kapatid niyang lalake at sumunod sa sopa naman ni Fields dahil hindi niya batid kung may mapapasukan siyang trabaho at sapat na salapi para pambayad ng renta.
19
Andrew D. Bernstein/Getty Imagess
Kadalasan ang pananampalataya ng mga manlalaro ay nayayanig kapag natatalo sila sa kabila ng kanilang pagdarasal. Ang laganap na pananaw ay ang magdasal para magawa o maipagpasyahan namin ang dapat na makapagbibigay ng pinaka-mainam na papuri sa Panginoon.
20
nakapuntos ng humigit-kumulang 24.4 at 9.1 na assists at siya ang kauna-unahang manlalaro buhat noong 2003 ng si LeBron James ay nagkapuntos ng 20 man lang at walong assits sa kanyang pangunang laro. Kapuna-puna ang paglalaro ni Lin noong sumapit ang araw ng pagpa-pasya. Napantayan na niya ang katanyagan ni Kobe Bryant at ang L.A. Lakers (nakapuntos siya ng 38 puntos at si Kobe ay 34), pinamunuan ang Knicks sa tagumpay 92-85, at ang kanyang 89 puntos sa panimulang tatlong laro niya ay ang pinakamataas na puntos na nakuha ng kahit sino pa mang manlalaro magbuhat noong 1976. Walang ibang magawa ang Knicks kung hindi ang panatilihin siya. Patuloy niyang pinapaganda ang kanyang paglalaro. Sa sumunod na araw, umiskor siya ng 20 puntos sa 100-98 na panalo nila laban sa Minnesota at sa kasaysayan ng NBA siya ang kauna-unahang manlalaro na nakapuntos ng 20 at pitong assists sa unang apat na panimula ng laro. Pagkaraan ng tatlong araw, umisko siya ng 27 puntos sa panalo nila laban sa Toronto 90-87. Umiskor siya ng 136 puntos sa panimu-
la ng limang laro, dahil dito nahigitan ang rekord na 129 ni Shaquille O’ Neal sa talaan ng NBA. Napakasidhi ng kabantugan ni Lin kaya naman ang benta ng kanyang jersey sa online ay siyang pinakamabili at napakalawak rin ng kanyang kabantugan, umabot ito sa China na kung saan nanguna siya sa botohan ng mga tagahanga sa online sa kanyang paglalaro sa Rising Stars Challenge--bagamat naka-iskor lamang ito ng dalawang puntos. Kakaiba ang kabantugan ni Lin kaya naman ang isang kompanya ng sorbets ay naglabas ng “Taste the-Sanity� na lasa na matiktikman sa takdang oras, at ang Nike, sumunod ang Adidas ay naglabas sila ng Jeremy Lin na sapatos. Higit sa lahat, naging sanhi ito para kumatha at pag-usapan ang kanyang pananampalataya--dahil mayroon siya ng paniniwala sa dalangin. Mula sa Houston lumipat si Lin sa LA Lakers. Ang mga tagahanga niya sa buong mundo ay patuloy pa rin siyang pinag-uusapan dahil sa larong pinapakita sa basketbolan at sa paniniwala niyang paraan
kung paano siya mabubuhay.
21