2 minute read

Moving On / Jasmin Vasquez

Ganda ng kalikasan at pasyalan sana’y ating ingatan…

Napakaganda ng kapaligiran dito sa Iida, Nagano-ken. Tapos na ang winter ngunit nananatiling malamig pa rin ang klima mula sa mga naiwang snow galing sa mga kabundukan. Napakasarap mag-bilad sa ilalim ng araw. Tamang tama ang init para maibsan ang hampas ng malamig na hangin sa ating katawan.

Advertisement

Sa ngayon, bawal at nakakatakot pa rin pumasyal sa mga malalayong lugar dahil pa rin sa wala na yatang katapusang corona virus na iyan. At dahil sa nature lover naman ako, minabuti ko munang puntahan ang isa sa mga park na paborito kong tambayan. Ito ay ang “Myokin Park Camping Ground”. Ito ay matatagpuan dito sa Iida, Nagano-ken.

Sa ngayon ay hindi pa pinapayagan hanggang katapusan ng March. Simula April 1 ay maaari ng buksan at makapag picnic na kayo. Pwede rin mag-tayo ng tent at mag overnight dito. Sa totoo lang, sobrang relaxing dito. Kay ilog na pwede mong liguan kapag summer. Kay ihawan, may mga lugar na pwedeng kainan. At syempre may mga toilet pag tinawag ka ng kalikasan- hehehe. Nice spot ito para sa mga group na kahit anong klaseng meeting, fellowship etc. Ganda ng kapaligiran. Yun nga lang paminsan may mga taong pasaway din na di maiwasan lumabag sa mga rules. Katulad ng pagluluto doon sa may lamesa sa kubo. Kahit sinabi na bawal ay ginagawa pa rin. May mga lugar naman na tamang lutuan. Pero kung may pwesto kayo malapit sa tent nyo doon naman ay pwede ding mag ihaw. Napakaganda ng lugar kaya sana ingatan at alagaan natin ang mga ganitong lugar.

Highly recommended ko ito pag gustong mag overnight, pero syempre dapat mayroon complete na gamit para sa camping. Saka libre naman dito di katulad sa ibang lugar magbabayad ka pa. Tara pasyal tayo dito sa aming lugar. Mananatili itong maganda kung ito ay patuloy na maalagaan.

Jasmin Vasquez

Jeepney Press

This article is from: