14 minute read

The Leader and the Future I Want

The Leader and the Future I Want: Mga Pinoy sa Japan at ang Halalan

TOKYO, Japan – Palapit na nang palapit ang eleksyon sa Pilipinas kaya naman kabi-kabilaang campaign rallies na ang nagaganap hindi lamang sa loob ng bansa kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo. At maging dito sa Japan, aktibo rin ang Filipino community sa pago-organisa ng mga iba’t ibang aktibidad para sa kani-kanilang mga sinusuportahang kandidato.

Advertisement

Samu’t saring isyu, palitan ng kuru-kuro, at maging patutsadahan o palitan ng alegasyon ang nangyayari sa bawat kampanya. May kani-kaniyang rason kung bakit sa tingin natin ay nararapat ang ating kandidato para maging leader ng bansa. Ang ilan ay tumitingin sa edukasyon habang ang iba naman ay nakatuon sa experience o track record.

Kaya naman kinausap natin ang ilang mga Pinoy mula sa iba’t ibang panig at larangan dito sa Japan hindi para tanungin kung sinu-sino ang kanilang mga napiling kandidato kundi para ibahagi ang kanilang opinyon sa kung ano nga ba talaga para sa kanila ang isang “good leader” at paano sila pumipili ng kanilang mga iboboto. Tinanong din natin sila kung anu-ano ang kanilang mga pangarap at hangarin para sa bansa at sa kapwa Pilipino sa paparating na halalan. Narito ang kanilang mga sagot.

--------------------------------------------

Melissa Luce-Borja

Legal Counsel in Tokyo From Cavite

Ang magaling na lider may malinaw na plano, may konkretong estratehiya paano niya makakamit ang mga planong iyon, may diskarte, may pananampalataya sa Diyos at sa kanyang mga kababayan at higit sa lahat, marunong makinig sa mga konstruktibong kritisismo.

Melissa Luce-Borja

Legal Counsel in Tokyo From Cavite

Ang batayan ko sa pagpili ng kandidato, 4 C’s.

Unang-una, competence. Kasama dito yung track record sa pamumuno. Ano ba ang napatunayan ng kandidatong ito. Kung dati nang nanunungkulan, natupad niya ba ang mandato niya sa mga nakaraang posisyon? Bilang ordinaryong mamamayan, ano ba ang kanyang napatunayan? Ang taong likas na matulungin at may puso sa pagseserbisyo, parating nandyan pag oras ng pangangailangan. Handang gumawa ng paraan.

Pangalawa, credentials. Ano ba ang educational background at karanasan sa pamamahala ng taong ito?

Pangatlo, creativity (sa Tagalog “diskarte’). Hindi kasi sapat yung magaling lang, kelangan resourceful din. Yung may kakayahan mag-isip ng iba’t ibang solusyon sa isang problema.

Panghuli, character. Kailangan natin yung kandidatong may integridad, may moral ascendancy na pamunuan tayong lahat. Someone who commands respect, hindi sangkot sa kahit anong issue ng pagnanakaw o pagbali ng batas.

Panalangin ko sana matuto na tayo sa leksyon ng kasaysayan at sa karanasan natin noong mga nakaraang eleksyon. Matuto na tayo pumili ng kandidatong tunay na naninilbihan sa atin at hindi gagamitin ang yaman ng bansa para lamang sa interest ng iilang kapamilya at kaibigan. We deserve a government that will embody our ideals and aspirations, ika nga ng ating Konstitusyon. Sa nalalapit na eleksyon, panalangin ko na gamitin natin ang ating konsensya sa pagpili ng kandidatong mamumuno sa atin. Our children deserve no less.

---------------------------------------------

Rogerson Dennis Fernandez

Educator in Tokyo From Ramon, Isabela

True leaders inspire people to do good and to become better so that they may inspire others to do the same. Sila ‘yung mga taong gagawa ka ng mabuti dahil nakikita mo ‘to sa kanila. They show how things should be done. They walk the talk. And they lead by example. True leaders live a simple life. They value human connections. They build on people more than anything, not just on material things.

Rogerson Dennis Fernandez

Educator in Tokyo From Ramon, Isabela

I will vote for candidates who have established their moral integrity – those who have and will espouse consultation and participation, transparency, and accountability. Dalangin ko ang isang Pilipinas kung saan ang mga Pilipino ay nabibigyan ng sapat na oportunidad para makamit ang kanilang mga pangarap sa buhay, isang bansang isinusulong ang kapakanan ng bawat sektor (lalo na ng mga mahihirap, mga katutubo, at mga may kapansanan), may mataas na pagtingin sa karapatang-pantao, at isang bansang ang bawat mamamayan ay aktibong nakikibahagi sa proseso ng pagsasabansa at naihahayag nang malaya ang kanilang mga kaisipan at saloobin.

-------------------------------------------------

Kim Christian Talens Cubillan

Software Engineer in Tokyo From Surigao City, Surigao Del Norte

A GOOD LEADER in my definition is someone who is proactive, advocacy-driven, disciplined, and most importantly he/she practices good governance on a daily basis.

Kim Christian Talens Cubillan

Software Engineer in Tokyo From Surigao City, Surigao Del Norte

Assuming every candidate has a superb credential, in choosing my candidate, I will always consider the intention behind every action. Doing things is easy but how you execute them and how it made impact to the people can really be observed if there is a heart placed into it.

It has always been a vision of mine since I was a kid, that my country would have fair, just, and equal opportunities for everyone, citizens are seen in the same footing regardless of culture, social status, and upbringing. That is why I plead to my fellow Filipinos, that let us be more vigilant and be objective when choosing the people that will lead our country. We all want a better future, right? Then let us step up our game in selecting our future leaders.

--------------------------------------------

Christian Ezekiel Fajardo

Research Student at the University of Tokyo From City of San Fernando, Pampanga

Para sa akin a good leader is a good listener. Siya ay laging bukas at handang makinig upang agarang matugunan ang mga isyu at pangangailangan ng kanyang sinasakupan.

Christian Ezekiel Fajardo

Research Student at the University of Tokyo From City of San Fernando, Pampanga

Kredibilidad bilang isang lingkod-bayan ang isa sa aking batayan sa pagpili ng kandidato. Siya ay may mga konkretong plano at panukalang proyekto na nararamdaman at napapakinabangan ng lahat ng mamamayan.

Pangarap ko ang isang maunlad na Pilipinas kung saan ang lahat ay may pantay-pantay na oportunidad upang makapamuhay nang masagana at matiwasay. Hinihikayat ko ang lahat ng ating mga kababayan na suriin at piliin nang wasto ang mga kandidatong iboboto sa darating na halalan.

------------------------------------------------

Roger Raymundo

NPO Board Director in Chiba From Pampanga

As a leader of a migrant Filipino organization and migrant worker myself, I believe that the coming 2022 national elections bares a seemingly unique strategic importance to the fate of OFWs migrant Filipino workers because of the current climate of impunity and widespread lies circulating on the internet to favor the most gruesome section of the Philippine political characters rallying behind the namesake and heir of the late dictator.

Roger Raymundo

NPO Board Director in Chiba From Pampanga

It should be noted that the dictator was the first president in the history of the Philippines to formally institutionalize the labor export policy in response to widespread poverty and joblessness as an effect of a crony-infested, authoritarian, and overly centralized government during the Marcos dictatorship that saw the Philippine economy plunging down the sewers and the national coffers plundered.

On the upcoming 2022 national elections, we would want to vote for future government leaders with clear practical solutions to address poverty and improve government structures to address the socio-political roots of corruption. Integrity and moral values that well-represent the Filipino pride, trustworthiness without stains of history of corruption and deceit. A candidate with a clear track record and moral integrity would definitely be at the top of our choices. The candidates that have already established and maintained political will to combat corruption and have shown steadfast programs to alleviate the lives of the common people notwithstanding whether they are in the government or as private citizens. Among the current selection of aspiring Presidential and Vice-Presidential candidates, there are only a few who have really shown a clear platform with regards to the plight of OFW’s. However, what is the most important aspect of it, despite the platforms, are the candidate’s previous programs and tracked records of defending and pursuing the wellbeing of overseas Filipinos and their families. In spite of the promises that we commonly hear among trapos during election campaign rallies and debates, the people could easily identify their hallow promises and incoherent blabbering because they were obviously nowhere to find during difficult times and calamities while busying themselves on election protests and peddling lies on the internet to condition the perspective of the people to their advantage. We will never vote for candidates related to or influenced by cabal of thieves and corrupt political dynasties!

We humbly ask our fellow Filipinos both at home and abroad to utilize their most sincere power of discernment come May 9, 2022. We must expose and fight the lies perpetrated by the uniting forces of thieves and trapos, historical revisionists and peddlers of fake news! They must be exposed and dealt with the halls of the Philippine justice system, but first we must not let them hold power in our government. The upcoming May 2022 polls is not just a fight for power, but genuine people power fueled by hunger of truth and freedom from poverty caused by the social ills that have been built by decades of trapos, dictators, and clan of thieves!

-------------------------------------------

Marie Joy Resurreccion

Early Childhood Educator in Awaji, Hyogo From Castillejos, Zambales

A true leader should be a good follower. Siya dapat ay Isang huwaran: may integridad, tapat, may takot sa Diyos at pure ang PAGMAMAHAL. Ibinase ko ang pagpili ko dun sa taong may nagawa na at alam Kong may magagawa pa. Ikaw nga may RESIBO na. Hindi puro pangako, kung may plano at plataporma.

Marie Joy Resurreccion

Early Childhood Educator in Awaji, Hyogo From Castillejos, Zambales

Unang una, maayos at mapayapang Araw ng Halalan sa Mayo 9. Dito kasi nakataya ang kinabukasan ng anak ko. Kaya dapat maging responsible sa pagpili ang iluluklok sa para sa anim na taong pamumuno sa ating bansa.

--------------------------------

Esmie Takahashi

Musician and Entrepreneur in Sapporo, Hokkaido From Malasiqui, Pangasinan

A good leader inspires people. A good leader gives hope and brings out the best in people. Ang good leader ay makatao, marunong makinig, at masikap maghanap ng solusyon sa mga problema. At higit sa lahat, ang good leader ay isang mabuting role model. Dapat, they lead by example.

Esmie Takahashi

Musician and Entrepreneur in Sapporo, Hokkaido From Malasiqui, Pangasinan

I choose candidates on how they treat people, ganun din sa track record, honesty, work ethics, vision, plans, strength, and attitude when confronted with crisis.

I wish for my country to have the prosperity it so deserves, to have a good leader. I also wish for Filipinos to be discerning voters.

-------------------------------------

Michelle Tecson

Embassy Staff in Tokyo From Pateros, Metro Manila

Ang magaling na leader, may malasakit o may puso para sa mga kababayan natin. ‘Pag ang leader may malasakit sa tao, ang tangi niyang hangad ang kabutihan ng tao, hindi niya pagnanakawan, siya ay magiging TAPAT at sisiguraduhin niya na AANGAT ang buhay ng mga taong pinagsisilbihan niya. Ang leader na may malasakit, ikaw ang uunahin, hindi ang sarili niyang interes.

Michelle Tecson

Embassy Staff in Tokyo From Pateros, Metro Manila

‘Di sapat na ang leader ay may malasakit lang. Importante na may kakayahan siyang mamuno na mapapatunayan sa mga nagawa niya dahil alam mo na gagawin niya uli ito at kampante ka na lalo pa niya itong pagbubutihin.

Ang magaling na leader mai-inspire niya ang kanyang mga taga-suporta na i-reflect ang values niya tulad ng pagiging mapag-malasakit at pagiging magaling. Magsisilbi siyang inspirasyon sa mga tao na kumilos at iangat ‘di lamang ang sarili kundi pati ang kapwa.

Ang pinili kong kandidato ang siyang alam kong magre-re ect ng mga values ko – katapatan, malasakit para sa kapwa, at may kakayahan; ng mga pinahahalagahan ko – pamilya at bansa; at ang aking mga hangarin para sa bansa.

Ang hangad ko para sa Pilipinas ay kung ano ang nasasaad sa Preamble ng ating 1987 Constitution: isang makatarungan at makataong lipunan na may Pamahalaan nakakatawan sa ating mga mithiin at mga lunggatiin, magtataguyod ng kabutihan sa bawat isa, mangangalaga at magpapaunlad ng aming kamanahan, at titiyak para sa ating sarili at angkanang susunod ng mga biyaya ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang puspos ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay, at kapayapaan.

Para sa mga Pilipino, ang hangad ko magkaroon tayo ng malasakit para sa isa't isa at iboto natin ang Presidente na may malasakit din sa atin, may kakayahan, at magiging inspirasyon para sa atin na maiangat ang ating mga sarili.

---------------------------------------

Carmen Agnes Canafranca Wakamatsu

Homemaker in Chiba From Lopez, Quezon

Puro “M” lang naman ang gusto nating maging lider. Maganda, matalino, masipag, matulungin, masunurin sa batas, mapagmahal, mabilis tumugon sa hinaing ng mamamayan, mapagpakumbaba, mapagkakatiwalaan. At higit sa lahat MATAPAT sa tungkulin.

Carmen Agnes Canafranca Wakamatsu

Homemaker in Chiba From Lopez, Quezon

Gusto ko ng pangulong taas-noo kong maipagmamalaki sa buong mundo. Pangulong may kakayahang tuparin Ang mga ipinangako. Competent, trustworthy, honest, and incorruptible. Sumusunod sa batas at laging handang makinig sa mga hinaing ng mamamayan. Bayan muna bago ang sarili. I wish that all Filipinos will seriously think that the future of our country depends on our votes.

-----------------------------------

Anna Meliza Tinio

Software Engineer in Yokohama, Kanagawa From Antipolo, Rizal

A servant leader. A leader who inspires people to action and someone who has a mindset of “it’s about the group and not about me.” Someone who appreciates people. Listens to them. Pushes people to grow and improve their skills. Creates opportunities for people to use those skills para umusad ang grupo. Yung tipong leader na laging may resibo sa mga nagawa pero pag inusisa mo ang resibo, di lang puro pangalan nila ang nakasulat. Laging group e ort. Importante rin ang isang leader na kayang ipaglaban ang prinsipyo, pero at all times, with respect and dignity pa rin. Tapang na walang ingay at di galing sa pananakot.

Anna Meliza Tinio

Software Engineer in Yokohama, Kanagawa From Antipolo, Rizal

Paano ako namimili ng kandidato? Unang-una, yung walang bahid ng corruption. Ayoko nga nung kinupitan na ako, bibigyan ko pa ng trabaho for the next 3 or 6 years. Pangalawa, yung may solid at realistic na platapormang based sa pag-consult sa mga experts at sa taumbayan. Pangatlo, yung sigurado akong kayang ma-implement yung nasa plataporma nila, kasi nga may track record na. Eto yung mga kandidatong marami nang nagawa, at lahat ay may resibo, pero hindi resibong self-serving. Sa dami kasi ng problema ng bansa, ayoko na mag-gamble sa “kaya namang gawin” kung meron namang mga kandidatong proven and tested na, regardless of availability of resources at budget.

My wish for my country and for all Filipinos? Ang sarap nga naman yung masabing nagkakaisa tayong lahat, gets ko ang appeal. Pero bago tayo makarating jan, my wish is for us to be a nation of informed and empowered voters and after that, of informed and empowered citizens. Hindi lang tayo nakaasa sa mga elected officials, pero we also know what we need to demand from them. At tayo mismo, kumikilos para ipaglaban ang nararapat sa atin, para mai-angat ang bawat Pilipino.

----------------------------------

Iba-iba man ang sinusuportahan, masasabing nagkakaisa ang mga Pinoy dito sa Japan na ang isang mabuti at mahusay na leader ay may malinis na hangarin para sa bansa. Lutang din ang katapatan, integridad, at track-record bilang mga mahahalagang katangian na dapat taglayin ng isang leader.

Nakatutuwang isipin na napakalaking bagay sa mga Pinoy ang pagpili ng kanilang iboboto base na rin sa sagot ng ating mga nakapanayam. Katulad ng ating nabasa, malalim ang basehan ng mga botanteng Pinoy na ating nakausap sa kung paano sila namimili ng kanilang susuportahang kandidato. Marami sa kanila ang tumitingin sa kakayahang mamumo, sa karanasan, at sa mga prinsipyo o values na kaparehas ng sa kanila – mga bagay na pinahahalagahan nila sa buhay.

Nakita rin natin sa kanilang mga kasagutan na ang pangarap para sa isang bansang payapa at maunlad ay nakasalalay sa isang tapat at mahusay na leader. Pangarap ng bawat isa ang isang pamahalaang tunay na naglilingkod sa mamamayan, tapat at walang bahid ng korupsyon, at mahusay na nakapagbibigay-serbisyo sa bawat nangangailangan.

Kaya naman sa Mayo a nuebe, dalangin natin ang mapayapa at may integridad na halalan dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng ating bayang minamahal.

------------------------------

Artwork by Robert Alejandro

This article is from: