Jeepney Press March-April 2022 #116 Spring Issue

Page 36

The Leader and the Future I Want: Mga Pinoy sa Japan at ang Halalan TOKYO, Japan – Palapit na nang palapit ang eleksyon sa Pilipinas kaya naman kabi-kabilaang campaign rallies na ang nagaganap hindi lamang sa loob ng bansa kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo. At maging dito sa Japan, aktibo rin ang Filipino community sa pago-organisa ng mga iba’t ibang aktibidad para sa kani-kanilang mga sinusuportahang kandidato. Samu’t saring isyu, palitan ng kuru-kuro, at maging patutsadahan o palitan ng alegasyon ang nangyayari sa bawat kampanya. May kani-kaniyang rason kung bakit sa tingin natin ay nararapat ang ating kandidato para maging leader ng bansa. Ang ilan ay tumitingin sa edukasyon habang ang iba naman ay nakatuon sa experience o track record. Kaya naman kinausap natin ang ilang mga Pinoy mula sa iba’t ibang panig at larangan dito sa Japan hindi para tanungin kung sinu-sino ang kanilang mga napiling kandidato kundi para ibahagi ang kanilang opinyon sa kung ano nga ba talaga para sa kanila ang isang “good leader” at paano sila pumipili ng kanilang mga iboboto. Tinanong din natin sila kung anu-ano ang kanilang mga pangarap at hangarin para sa bansa at sa kapwa Pilipino sa paparating na halalan. Narito ang kanilang mga sagot.

36

Melissa Luce-Borja Legal Counsel in Tokyo From Cavite Ang magaling na lider may malinaw na plano, may konkretong estratehiya paano niya makakamit ang mga planong iyon, may diskarte, may pananampalataya sa Diyos at sa kanyang mga kababayan at higit sa lahat, marunong makinig sa mga konstruktibong kritisismo. Ang batayan ko sa pagpili ng kandidato, 4 C’s. Unang-una, competence. Kasama dito yung track record sa pamumuno. Ano ba ang napatunayan ng kandidatong ito. Kung dati nang nanunungkulan, natupad niya ba ang mandato niya sa mga nakaraang posisyon? Bilang ordinaryong mamamayan, ano ba ang kanyang napatunayan? Ang taong likas na matulungin at may puso sa pagseserbisyo, parating nandyan pag oras ng pangangailangan. Handang gumawa ng paraan. Pangalawa, credentials. Ano ba ang educational background at karanasan sa pamamahala ng taong ito? Pangatlo, creativity (sa Tagalog “diskarte’). Hindi kasi sapat yung magaling lang, kelangan resourceful din. Yung may kakayahan mag-isip ng iba’t ibang solusyon sa isang problema. Panghuli, character. Kailangan natin yung kandidatong may integridad, may moral ascendancy na pamunuan tayong lahat. Someone who commands respect, hindi sangkot sa kahit anong issue ng pagnanakaw o pagbali ng batas. Panalangin ko sana matuto na tayo sa leksyon ng kasaysayan at sa karanasan natin noong mga nakaraang eleksyon. Matuto na tayo pumili ng kandidatong tunay na naninilbihan sa atin at hindi gagamitin ang yaman ng bansa para lamang sa interest ng iilang kapamilya at kaibigan. We deserve a government that will embody our ideals and aspirations, ika nga ng ating Konstitusyon. Sa nalalapit na eleksyon, panalangin ko na gamitin natin ang ating konsensya sa pagpili ng kandidatong mamumuno sa atin. Our children deserve no less.

March - April 2022


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook

Articles inside

Jeepney Press March-April 2022 #116 Spring Issue

1min
page 29

Jeepney Press March-April 2022 #116 Spring Issue

1min
pages 20-21

Amazing Grace by Mae Grace

3min
pages 24-25

The Leader and the Future I Want

14min
pages 36-44

Sakura Trivia / Geraldine Limpo

3min
pages 34-35

Moving On / Jasmin Vasquez

2min
pages 32-33

Accountability Partner / Arnel Sugay

3min
page 27

Walk With Me / Lala Lopez De Leon

2min
pages 30-31

Kwento Ni Nanay / Anita Sasaki

4min
pages 28-29

O-higan / Alma Fatagani-Sato

3min
page 26

Kusina / Chris Yokoyama

3min
pages 8-9

Isang Araw Sa Ating Buhay / Jeff Plantilla

5min
pages 14-15

Take It Or Leave It / Lita Manalastas-Watanabe

9min
pages 18-21

Sumayaw Ka Sa Tugtog / Geraldine Limpo

4min
page 17

On The Road / Neriza Saito

4min
pages 10-11

Dondake! / Karen Sanchez

6min
pages 22-23

Yomu Editorial / Dennis Sun

2min
pages 6-7

Traffic / Alma Reyes

2min
pages 12-13
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.