2 minute read
Yomu Editorial / Dennis Sun
by Dennis Sun
読む YOMU means to read in Japanese
Advertisement
Habang tinatamasa natin ang mainit na panahon na dulot ng tagsibol, gumagala ang ating isipan.
Sariwa at malamig-lamig na simoy ng hangin.
Nagdadala ng nakalalasing na amoy ng namumulaklak na mga puno ng plum, sakura, magnolia, at peach.
Mga iba’t-ibang halaman na namukadkad ang mga bagong berdeng dahon.
Mga ibon na masayang lumilipad-lipad, naghahanap ng pagkain para sa kanilang mga supling.
Ang sikat ng araw na nagpapainit hindi lamang sa katawan, kundi pati na rin sa ating kaluluwa.
Tagsibol! Spring! Haru! Ang panahon na nagdala sa atin mula sa malamig at mapanglaw na taglamig patungo sa panahon ng pagbabago at pag-asa. Parami ng parami ang mga taong lumalabas sa kanilang mga bahay. At habang palapit na tayo sa dulo ng pandemya, lumiliwanag na ang tagos ng pag-asa sa mundo.
Hindi magiging kaaya-aya ang tagsibol kung hindi naging marupok ang taglamig. Nagiging malakas tayo bilang tao dahil sa mga pagsusubok na dumaan sa ating buhay. Kung hindi tayo minsan nakatikim ng kahirapan, hindi magiging malugod ang kasaganaan. At dahil sa ating kalakasan, nakikita natin na meron pang pag-asa sa mundo.