6 minute read
Dondake! / Karen Sanchez
TOTOO BA???
Konnichiwa, mga kababayan! Kamusta po ang ating nagdaang mga araw na kinakalambag ng kung ano-anong mga kaganapan at kaguluhan? Nawa po ay maging matatag tayong lahat at maging handa sa mga nagbabadyang giyera o "World War III". At sa dami nang nagsasabi ng sila ang nasa tama, ang tanong ay Totoo Ba???
Advertisement
Sa mundong ito na punong-puno ng pagbabalat-kayo at panloloko ay mahirap nang magtiwala ng basta-basta dahil base na din sa mga ating kanya-kanyang karanasang naloko na tayo ng minsan. Sa mga hindi pa nakaranas eh palakpakan po ninyo ang mga sarili ninyo at ipagpatuloy lang ang buhay at sana ay maibahagi nyo po sa iba ang inyong sekreto.
Bilang isang kasapi ng pahayagang ito, ako po ay nagpapasalamat sa walang sawang pagtangkilik sa aming mga akda. At muli, nais ko pong magbahagi bilang isang totoong kabayan na nagmamalasakit para sa kapakanan ng bawat isa sa atin. Samahan nyo po ako sa aking artikulong ito. Umaasa po ako na kahit papano ay may makuha kayong aral o magandang bagay mula dito.
Sa nalalapit po na eleksyon sa bansa natin ay nais ko pong maging malawak pa ang ating kaisipan at sikaping suriing mabuti, magmatyag at makiramdam sa nangyayari sa kapaligiran at sa mundo ng pulitika sa ating bansa. Hindi po lingid sa ating kaalaman na talamak ang kurapsyon na isa sa dahilan kung bakit mahirap ang bansa natin at baon sa utang. Ginawa ng negosyo o palabigasan ng iilan kung kaya dapat maging maingat po tayong lahat sa pagpili ng mga iboboto natin nitong darating na halalan.
Nakakatawa man pong isipin na sa kakapanood ko ng mga palabas gaya ng Documentaries, Mysteries, gaya ng Aibo, Kazuki no Onna at Detective Conan at marami pang iba ay naging malaki ang tulong nito para sa akin para mamulat ako sa kung ano ba ang nangyayare sa mundong ating ginagalawan. Kung bakit laging magulo, ano ba ang puno't-dulo nito sa kabila na alam natin na ang dahilan nito ay pera at kapangyarihan. Ngunit bago ko naintindihan ang lahat ay ilang taon ko din itong pinag-aralan at bago ko tuluyang maunawaan ay dapat isantabi ang ating nakagisnang mga paniniwala, kultura at kaisipan. Dapat maging malawak ang iyong isipan at matiyagang busisiin kung ano ba ang katotohanang matagal mo nang gustong malaman.
Alam ko marami ang magtataas ng kilay, ngunit nais ko lang ibahagi sa inyo mga kababayan ang aking natutunan na bumuo sa aking pagkatao at kung bakit talaga naging mapanuri at nag-iingat ang isang taong magtiwala kahit pa kapwa natin kababayan ito.
Sa simula, alam po ba natin na ang ating kasaysayan ay binago? Alam po ba natin na ang bibliya ay iniba? At alam nyo po ba ang totoong pangalan ng Diyos Ama at Kanyang Anak? Magugulat po kayo at magtatanong sigurado nang Totoo Ba?
Ang ating Bibliya ay nagmula sa Torah pinakaunang libro o bibliya sa mundo at sa pagsasalin-salin depende sa pagkakaunawa at sa sariling ambisyon o pakay. Nabago at may mga inalis na bahagi ito at hindi na isinali sa bibliya ngayon. At ang totoong pangalan ng Diyos Ama at Anak ay tuluyan na ding napalitan. Sa kasalukuyan at riyalidad ng buhay bakit ang tao nagpapalit, binabago o tinatago ang tunay na pangalan? At bakit sa pagsasalin na iyon, dapat ba ito talagang baguhin?
Para po sa mas madali po ninyo itong maunawaan, maari po kayong manaliksik sa ating pinagmulan at sa tulong ng makabagong teknolohiya sa internet ay mas mabilis na po ninyo itong makikita.
Ganun din po sa pulitika. Dahil ang pulitika ay para ding relihiyon. Lahat yan mabubuti "daw" ang layunin ngunit kung maging mapanuri po kayo at hindi magbubulag-bulagan o mas may malawak na isipan ay mas madali nyo po ito mauunawaan. Naipamulat tayo sa mga maling kasabihan, katuruan, pananaw at prinsipyo ngunit ang tanong masaya po ba kayo? Nararamdaman nyo po ba na kayo ay buo? Masdan nyo ang bansa natin, ang mga kababayan at pamilya natin sa Pilipinas. Kung napapansin ninyo kahit anong sikap natin hindi pa rin umaangat ang buhay nila. At marami pa rin sa kanila ay nakadepende sa ating mga nasa abroad. Bakit? Dahil mismo ang bansa natin ay hindi maganda ang sistema at ginagamit ang tulad nating mahihirap para lamang sa kanilang kapakanan.
Nasa Torah o bibliya na din ang patunay na ang bansa natin ay pinagpala. Ophir, ang ngayon ay Pilipinas. Ang bansang nag iisa sa mundo na may likas na yaman kung tawagin ay "Marmol". Na ang gamit na salita ng mga katutubo natin hanggang ngayon ay kaparehas ng nasa lumang librong Torah. At nananalaytay sa atin ang totong dugo ng Diyos Amang si YHWH. Pero nakakapagtaka kung bakit isa tayo sa pinakamahirap sa buong mundo at dahil iyon sa kurapsyon at sa koneksyon ng mga namumuno at nanakop sa ating bansa.
Kaya mga kababayan, kung ang bibliya ay nabago at marami ang naniniwala, sa palagay mo ba sa kasaysayan ng pulitika ay hindi ito pwedeng mangyare? Na ang totoong may mabuting intensyon ay sila ang napapasama at ang huwad ay syang naging tunay sa mata ng karamihan at lumalabas na tama. At iyon dahil sa kung ano ang naging impluwensya ng iyong pamilya, kapaligiran o karanasan.
Hanggang sa muli mga kababayan. Maging maingat po sa pagpili sa nararating na eleksyon dahil sa ating mga kamay nakasasalay ang kinabukasan nating lahat. Huwag basta-basta magpapaniwala sa sabi-sabi, propaganda, You Tube, tiktok at mga "Marites" sa iyong paligid at ugaliing itanong sa sarili Totoo Ba???
God bless us. God bless the Philippines.
My Winning Game
I may be tired but I still tried
I may have cried but my eyes are dried
I sometimes may feel lonely but not empty
And I accept this life's imperfection perfectly
I am sometimes too fool so I fall
But I rise up and stand tall
Cause it seems I recovered that all
And taught myself to be whole
Abbah Yahawah is your name
People don't know and no one’s to blame
But your love is my winning game
For this chaotic world that we are living
Someone hid the truth before we came
And changed your words to became them
For those times they enjoyed their game
But later their life is worst as in flame
Nasa Kamay Mo Ang Malaking Pagbabago
Namulat tayo sa mundong ito na puno ng pagbabalat-kayo
Lumaki tayo na marami silang sekretong itinatago
Hanggang sa ang kasinungalingan ay nagmukhang totoo
At pinaniwalaan, pinandigan at isinabuhay ng maraming tao
Ngunit hanggang kailan ka magiging tagasunod
Sa mga taong nagkukunwari na naglilingkod
Akala mo santo sa pagpapanik-luhod
Para ang mga sariling adhikain ay maitaguyod
Marami nang nangyari, kaya dapat lang maging mapanuri
Maging aral sana ang mga nagdaang nangyari
Gawin mo ito hindi lamang para sa iyong sarili
Kundi sa iyong kaanak na sa mundo'y matagal pang maglalagi
Nasa kamay mo ang malaking pagbabago kabayan ko
Damhin at imulat mo ang isipan at ang iyong puso
At gumawa ng malaking kakaibang pagbabago
Na pwede nating maipagmalaki sa buong mundo