DONDAKE
TOTOO BA??? Konnichiwa, mga kababayan! Kamusta po ang ating nagdaang mga araw na kinakalambag ng kung ano-anong mga kaganapan at kaguluhan? Nawa po ay maging matatag tayong lahat at maging handa sa mga nagbabadyang giyera o "World War III". At sa dami nang nagsasabi ng sila ang nasa tama, ang tanong ay Totoo Ba??? Sa mundong ito na punong-puno ng pagbabalat-kayo at panloloko ay mahirap nang magtiwala ng basta-basta dahil base na din sa mga ating kanya-kanyang karanasang naloko na tayo ng minsan. Sa mga hindi pa nakaranas eh palakpakan po ninyo ang mga sarili ninyo at ipagpatuloy lang ang buhay at sana ay maibahagi nyo po sa iba ang inyong sekreto. Bilang isang kasapi ng pahayagang ito, ako po ay nagpapasalamat sa walang sawang pagtangkilik sa aming mga akda. At muli, nais ko pong magbahagi bilang isang totoong kabayan na nagmamalasakit para sa kapakanan ng bawat isa sa atin. Samahan nyo po ako sa aking artikulong ito. Umaasa po ako na kahit papano ay may makuha kayong aral o magandang bagay mula dito.
22
Sa nalalapit po na eleksyon sa bansa natin ay nais ko pong
maging malawak pa ang ating kaisipan at sikaping suriing mabuti, magmatyag at makiramdam sa nangyayari sa kapaligiran at sa mundo ng pulitika sa ating bansa. Hindi po lingid sa ating kaalaman na talamak ang kurapsyon na isa sa dahilan kung bakit mahirap ang bansa natin at baon sa utang. Ginawa ng negosyo o palabigasan ng iilan kung kaya dapat maging maingat po tayong lahat sa pagpili ng mga iboboto natin nitong darating na halalan. Nakakatawa man pong isipin na sa kakapanood ko ng mga palabas gaya ng Documentaries, Mysteries, gaya ng Aibo, Kazuki no Onna at Detective Conan at marami pang iba ay naging malaki ang tulong nito para sa akin para mamulat ako sa kung ano ba ang nangyayare sa mundong ating ginagalawan. Kung bakit laging magulo, ano ba ang puno't-dulo nito sa kabila na alam natin na ang dahilan nito ay pera at kapangyarihan. Ngunit bago ko naintindihan ang lahat ay ilang taon ko din itong pinag-aralan at bago ko tuluyang maunawaan ay dapat isantabi ang ating nakagisnang mga paniniwala, kultura at kaisipan. Dapat maging malawak ang iyong isipan at matiyagang busisiin kung ano ba ang katotohanang matagal mo nang gustong malaman. Alam ko marami ang magtataas ng kilay, ngunit nais ko lang ibahagi sa inyo mga kababayan ang aking natutunan na bumuo sa aking pagkatao at
March - April 2022
kung bakit talaga naging mapanuri at nag-iingat ang isang taong magtiwala kahit pa kapwa natin kababayan ito. Sa simula, alam po ba natin na ang ating kasaysayan ay binago? Alam po ba natin na ang bibliya ay iniba? At alam nyo po ba ang totoong pangalan ng Diyos Ama at Kanyang Anak? Magugulat po kayo at magtatanong sigurado nang Totoo Ba? Ang ating Bibliya ay nagmula sa Torah pinakaunang libro o bibliya sa mundo at sa pagsasalin-salin depende sa pagkakaunawa at sa sariling ambisyon o pakay. Nabago at may mga inalis na bahagi ito at hindi na isinali sa bibliya ngayon. At ang totoong pangalan ng Diyos Ama at Anak ay tuluyan na ding napalitan. Sa kasalukuyan at riyalidad ng buhay bakit ang tao nagpapalit, binabago o tinatago ang tunay na pangalan? At bakit sa pagsasalin na iyon, dapat ba ito talagang baguhin? Para po sa mas madali po ninyo itong maunawaan, maari po kayong manaliksik sa ating pinagmulan at sa tulong ng makabagong teknolohiya sa internet ay mas mabilis na po ninyo itong makikita. Ganun din po sa pulitika. Dahil ang pulitika ay para ding relihiyon. Lahat yan mabubuti "daw" ang layunin ngunit kung maging mapanuri po kayo at hindi magbubulag-bulagan o mas may malawak na isipan ay mas madali nyo po ito mauunawaan. Naipamulat tayo sa mga maling kasabihan, katuruan, pananaw at prinsipyo ngunit ang tanong masaya po ba kayo? Nararamdaman nyo po ba na kayo ay buo? Masdan