5 minute read

Isang Araw Sa Ating Buhay / Jeff Plantilla

ni Jeff Plantilla

May nagsabi sa akin na panoorin ang isang pelikula tungkol sa ilang Hapones na nanirahan sa Filipinas. Sa una, hindi ako interesado sa pelikula. Pero nung ginugel ko na, nalaman ko na may malalim na kahulugan ang pelikula.

Advertisement

Facebook post

Pagkatapos kong mapanood ang trailer ng pelikula, nagdesisyon ako na i-post ang isang mensahe na panoorin ng mga tao ang pelikula sa isang maliit na sinehan sa Kyoto.

Ito ang aking post:

“Nare No Hate” (なれのはて) - a film about 4 Japanese retirees living in a poor community in the Philippines. Mapapanood sa Demachiza, https://demachiza.com/. "They are supposed to be the losers who have fallen into the slums of the Philippines, but they seem to be living a life that is somewhat freer, more piercing, and less painful than the winners who die lonely in Japanese nursing homes and hospitals. Think about the reason." - Kota Ishii (journalist). Ito ay mula sa website ng “Nare No Hate” – online translation.

Ito ang mga comments sa aking ipinost:

“Un hindi pa po nakakapanood dyan kung manonood kayo isama nyo asawa nyo dahil napakalaking aral sa atin lahat ang full story nila. True to life story”

Nagulat ako. Meron na palang nakapanood ng pelikula sa mga Filipino! At hindi lang yon, yung asawa niyang Hapones ang nagyaya sa kanya na manood ng pelikula.

May iba pang comments:

“This movie might make us understand the meaning of the expression, ‘Blessed are the poor in spirit, for the kingdom of God is theirs.’ Poverty is not only having less material things. There is a more serious poverty than that which most people (especially in Japan) fail to see.”

“What is life? What is happiness? I will let my Japanese students think while watching this.”

“Me Sir si …. Ha! Ha! Thanks po but I'm not sure if I like it coz they only show the bad part of the Philippines. What about the rich and famous? The ones who married Japanese men and became Cinderella stories?! I know that there's a lot po.”

May sagot ako dito sa huling comment:

“Yun siguro ang wala pang movie, sa TV docu lang meron para sa mga magagandang lugar sa Filipinas. Ito [Nare no Hate] naman ay may positive point din sa ating mga Filipino dahil we survive. Kahit mahirap - mas masaya hindi palaging stressed. Kaya nga sabi nung journalist na Hapones alin ang mas maganda - may pera pero malungkot sa rojin home sa Japan o walang pera pero mas masaya sa Filipinas? Pag-iisipan dapat ito ng mga manonood. Kaya positive para sa atin.”

Sagot naman sa comment ko:

“Sir! Pag matanda na siempre mas masaya kasama family. Kahit konti food masarap kumain po if surrounded ng love. Pano po yung ibang pinabayaan ng sariling family, masaya pa rin ba? Just a thought. Pero I agree na positive yung mahirap pero maligaya buhay!”

Sagot ko naman:

“Tama…, yung walang pamilya o hindi na maganda ang relasyon sa pamilya ang istorya yata ng movie. Bakit sila pumunta sa bansang iba ang kultura at salita? Baka may hinahanap sila. Kaya malalaman yan pag napanood ang movie.”

Comment ng isa pa:

"Also tell stories about Pinays doing well in Japan.”

Sagot ko:

“I agree …, visit “Filipinos in Kansai: We are here!” for such stories - http://pcccwestjapan.blogspo t.com/”

Dagdag ko pa:

“Eto pa, Filipino athletes naman sa Japan: https://issuu.com/sunny12sun ny12/docs/jp114/s/14205340”

“Nare no Hate”

Ang pelikulang ito ay isang documentary. Hindi isang gawang istorya. Ito ay video ng 4 na Hapones na piniling mabuhay sa Filipinas – kahit alam nilang wala silang maayos na trabaho doon – walang maayos na pagkakakitaan.

Kaya ang mahalagang tanong ay ito: Kung ikaw ay isang Hapones, bakit mo pipiliin ang hirap ng buhay sa Filipinas sa kaginhawan ng buhay sa Japan?

Dito lalabas ang pagkakaiba ng Filipinas sa Japan. Ang Japan ay masyadong practical na lipunan – lahat ay nakahanda – para sa ngayon at para sa kinabukasan. Kung hindi ka makasabay – talo ka.

Ang Japan ay isang stressful society – makikita mo yan sa mukha ng mga kasabay mo araw-araw sa train; mararamdaman mo yan sa kanilang pag-iwas na madikitan mo kahit konti lang na hindi sinasadya; mapapansin mo yan sa mga taong babangga sa iyo habang naglalakad – banggang sinasadya.

Tingin sa “Nare no Hate”

Maaawa ka sa 4 Hapones na pinili ang Filipinas kaysa sa Japan. Pero, mapapansin mo rin ang kanilang desisyon na tumira sa Filipinas kahit naghihirap sa buhay. Paano mo gagamitin ang natitirang panahon sa iyong buhay? Matanda ka na, paano na ang buhay mo? Magpapakalungkot ka ba sa isang rojin home – may pagkain, ocha, ofuro at tahimik (o sobrang lungkot) na lugar? Ito ay kung may malaki kang pension. Paano kung wala kang malaking pera at sa Japan ka mananatili? O, pupunta ka ba sa isang “slum” area sa Filipinas at doon uubusin ang natitirang sigla nang may saya kahit konti?

Hindi natin dapat ikahiya ang kalagayan ng ating mga kababayan sa Filipinas na nasa mga lugar na sinasabing mahirap. May kaligayahan silang nadarama na hindi nabibili ng Yen sa Japan. Gusto nilang umunlad tulad nating lahat, at nagsisikap sila para sa ikabubuti ng kanilang pamilya. Ito ang nakikita kong isa pang kahulugan ng “Nare no Hate.”

PS

Sabay na ipinalabas sa Demachiza ang “Nare no Hate” at ang movie version ng buhay ni Hiroo Onoda (isang “Japanese straggler”) sa Lubang island sa Occidental Mindoro.

Jeff Plantilla

Jeepney Press

This article is from: