4 minute read
Jeepney Press/Anita Sasaki
EVERY GISING IS A BLESSING ni Nanay Anita Sasaki
Ito po ay usapan nang nagkakaedad ika nga. Isa lang pong paalala. Most of us are now in the last quarter of our life and should read this interesting piece of advice. Ito po ay isang magandang paalala. Wala pong POLITIKA, WALANG RELIHIYON, WALANG RACIAL ISSUES … JUST FOOD FOR THOUGHT PO. Maganda po ito.
Advertisement
Kadalasan, mabilis ang pag-ikot ng mundo at hindi natin namamalayan ito. Nakalipas na pala ang mga araw at taon. Parang kailan lamang bata pa tayo at wala pang kamuwang muwang sa buhay. Parang sa bilis, hindi natin napansin itong mga araw na lumipas. Parang saan na yon mga araw na lumipas napunta? Parang kailan lamang bata pa tayo. Parang kailan lamang puno tayo ng mga pangarap at magagandang panaginip.
Ngunit ngayon, ito na ang mga nalalabing mga araw natin sa ating buhay? Paano ba tayo nakarating dito ng kay bilis? PARANG KAILAN LAMANG PO.
Naaalala ko ngayon parang kailan lang nakikita natin ang mga nakatatandang mga tao sa atin. Ngunit ngayon, ito na, tayo na ang mga matatanda. Hindi po ba? Parang noon parang napakalayo pa. Pero ngayon, tayo na ang mga matatanda. Parang hindi ko lubos maisip. Ang bilis ng panahon.
Pero nandito na tayo. Yong mga kaibigan natin puros nagretiro na. Mapuputi na mga buhok nila. Meron mga mabagal na kumilos. Makikita natin ang malaking pagbabago sa kanilang anyo at kilos.
Meron mga maganda pa rin ang mga lagay. Meron mga marami na ang tumanda. Hindi na paris noon na mga masigla at mga bata pa sila.
Parang ako, lumilitaw na ang pagtanda. Na akala natin hindi tayo darating sa pagtanda. Hay, buhay! Araw-araw nakikita ko na kailangan nating maligo at magpahinga o matulog ng tanghali. Kailangan na nang katawan natin kasi kung baga “mandatory” na. Kaya pumapasok na tayo sa panahon na ang buhay nating hindi handa sa mga pananakit nang ating pangangatawan. Panghihina ng ating lakas na hindi natin akalain ngayon na ba ito?
Panahon nang pagsisisi na sana noon ko pa ginawa ang mga iba’t ibang bagay na dapat ko pang gawin. Hindi pala ito pang habangbuhay. Kaya kung tayo ay nasa dapit hapon na ng ating buhay; kaya kung tayo ay nasa huling yugto nang ating buhay, paalala na ito pala at kay bilis naman dumating. Kaya kung meron pa tayong gustong gampanan, gawin na natin agad at napakabilis nang araw. Sadyang matulin ang daan ng araw. Huwag na tayo magpabukas bukas pa at napakabilis dumaan ang mga araw. Hindi natin maipapangako na kung ano man ang gusto nating gawin sa ating buhay ay gawin na natin agad ngayon at baka hindi na dumating ang bukas.
LIVE FOR TODAY FOR TOMORROW MAY NOT COME. You have no promise that you will see all the seasons of life. So, live for today and say… ‘LIFE’ is a gift to you. Be Happy! Have a great day! Remember, it is health that is the real wealth and not pieces of gold and silver. You may think: Going out is good - but coming home is better!
Minsan nakakalimutan natin ang kani kanilang pangalan, ngunit sila baka hindi din nila maalala kung sino tayo. Marami tayong mga damit sa closet, pero halos hindi na natin nasusuot. Kasi lagi natin sinasabi baka pumayat pa ako at baka masuot ko pa?
The things you used to care to do, you aren't as interested in anymore - but you really don't care that you aren't as interested. You sleep better on a lounge chair with the TV on than in bed – you call it ‘pre-sleep’! You miss the days when everything worked with just an ‘On’ and ‘Off’ switch! You tend to use more 4 letter words – ‘what’ and ‘when’. ANO? KAILAN?
• Old is comfortable
• Old is safe
• Old songs
• Old movies
• …… and best of all,
• Friends of old!
So, stay well, ‘Old friend!’ Have a fantastic day! Have an awesome quarter – whichever one you’re in! Take care. It's not what you gather but what you scatter that tells what kind of life you have lived.
“HINDI MO KAILANGAN MAGING MAYAMAN O MATAAS NA PINAG-ARALAN UPANG MAKATULONG SA KAPWA MO PILIPINO”