7 minute read
Jeepney Press/Jasmin Vasquez
MOVING ON ni Jasmin Vasquez
Covid kailan ka matatapos?
Advertisement
Iilang buwan pa lamang na unti unting bumabalik sana sa normal ang takbo ng buhay natin, eto ngayon, dumarami na naman ang nagpositibo sa corona virus na iyan. Dahilan ngayon marami na naman ang apektado at kabilang ako doon.
Ilang buwan at araw na naman akong magtitiis halos walang sweldohin. Kulang pa pambayad sa apartment na inuupahan ko. Sobrang aray na sa bulsa. Ang trabaho ko ay mga parts sa loob ng car. Madalas hinto ang production. Maraming company car ang napipilitang ihinto ang trabaho dahil hindi makapasok sa Japan yung mga inaantay na parts galing labas ng bansa. Kaya ang ending, ubos na naman ang ipon ko.
Kahit naman sino, siguro ay mauubusan pag ganitong napakatagal na pandemic. Madalas sa work kundi yasumi eh parating half day. Kung iisipin paano na? Saan ka kukuha ng pang tutustos sa lahat ng iyong mga bayarin. Pero salamat sa Diyos kahit paano ay nakakaraos pa rin.
Nais kong mag patotoo na ibahagi sa inyo ang isa sa aking mga karanasan nung ako ay nagkaroon ng malalim na relasyon sa Panginoong Jesus. Mas higit na marami syang ginagawang pagpapala sa buhay ko ngayon kung ikukumpara sa buhay ko noon.
Una sa lahat, maraming nabago sa aking pagkatao mula sa aking pag-uugali. Mas nagkaroon na ng magandang direksyon ang aking buhay. At kahit ano pang unos ang dumating sa buhay ko, dahil nagtitiwala ako sa Panginoon, alam kong andyan lang Sya at hindi Nya ako o tayo pababayaan.
Noon, halos hindi ako nagpapahinga dahil puro ako trabaho kahit Linggo. Malaki ang aking sahod ngunit palagi pa ring kapos. Parang dumaraan lang sa aking mga palad ang pera. Napupunta lang sa lahat ng bayarin. Palaging nasasaid ang laman ng aking bulsa. Sabi ko sa sarili ko, bakit kahit anong sipag ko wala pa din, kulang pa din.
Matagal na akong naglilingkod sa Diyos ngunit hindi gaanong malalim ang relasyon ko sa Kanya. Umaawit ako, tumutugtog at nagtuturo ng kanta na akala ko sapat na iyon bilang isang paghahandog sa Kanya. Marami pa pala akong bagay na hindi alam. Sabi ko pa noon, bakit kailangan ibigay mo yung ikasampung bahagi ng iyong pinaghirapang kitain. Isa sa mga bagay na ginagawang paninira ng iba sa church para ikaw ay matisod. Hanggang sa isang araw ay pinatunayan Nya sa buhay ko at pinaintindi na lahat pala ng bagay sa mundong ito ay sa Kanya. Lahat ng meron ka ngayon ay galing din sa Kanya na sa isang iglap ay kaya Nyang kunin.
mga lahat ng importanteng card at atm’s. Pagkatapos ko mamili ay umuwi na ako sa bahay. Kinabukasan na ng malaman kong wala ang aking wallet. Ako’y biglang kinabahan sapagkat sa susunod na araw ay flight ko na. Ang residence card ko paano? Ang lahat ng aking pera na iuuwi ay andoon. Halos maiyak ako. Pumunta ako sa Seiyu ngunit masyado pang maaga at yung staff na mga andoon ay kokonti pa lang para mapagtanungan. Lahat ng aking pinaghirapan parang isang click lang pwedeng mawala. Naisip kong magdasal, sabi ko; “Lord, patawarin mo ako sa aking mga nagawang pagkukulang. Please sana makuha ko pa ang wallet ko. Nung mag 9:00 am na, sinubukan kong bumalik uli ng Seiyu, and thanks God Jesus, may wallet daw na nag abot sa kanila. Nakuha daw sa parking lot sa lagayan ng mga cart. Sa panahon ngayon, bihira na ang nagbabalik ng wallet kapag may ibang nakapulot lalo pa at maraming laman na pera na nakakatuksong kuhain. Alam kong kumilos ang Diyos para sa akin, upang ipaalala at ituro Nya sa akin ang isang bagay na hindi ko pa lubos na maunawaan noon.

Sa tagal tagal kong naglilingkod sa Panginoon, ang susi lang pala sa ating buhay para tayo magkaroon ng buhay na mas pinagpala ay yung unahin natin si Jesus Christ sa kahit ano pa mang bagay. Katulad ng pag aalay Nya ng lahat lahat sa Kanya para sa ating lahat.
Matthew 6:33 “But seek ye first the kingdom of God, and his righteousness; and all these things shall be added unto you.”
So, nakauwi ako ng Pinas, at nung ako ay makabalik na, iyon yun start na masaya na ako na nagbibigay palagi sa church. At sa hindi maipaliwanag na pangyayari, kung kailan hindi naman kalakihan ang aking kinikita, madalas walang trabaho, pero hindi ako nasasaid na katulad dati. Minsan nga may naitatabi pa ako. Hindi na ako masyadong napapagod, wala ng pag alala kung paano na bukas. Sa buhay natin, need din natin magbigay sa Panginoon upang sa tuwing tayo’y mangangailangan eh hindi mo na kailangan mag alala dahil sobra sobra ang iyon aanihin.
Galatians 6:7-9 Do not be deceived: God is not mocked, for whatever one sows, that will he also reap. For the one who sows to his own flesh will from the flesh reap corruption, but the one who sows to the Spirit will from the Spirit reap eternal life. And let us not grow weary of doing good, for in due season we will reap, if we do not give up.
Malaki talaga ang kaibahan ng buhay kapag may relasyon ka kay Jesus, kaya baka ikaw kapatid nais mong mabago din ang iyong buhay. Baka ito na ang calling mo? Kung noon, panay tanong ko kailan matatapos ang Corona virus? Walang nakakaalam. Pero ang tanging alam ko ay andyan si Lord Jesus na magpoprotekta sa atin sa lahat ng bagay lalo na kung unahin mo Sya sa iyong buhay. Huwag maging madamot at hayaan nating Sya ang manguna at kumilos sa lahat ng desisyon na ating gagawin, na ang nais lamang nya ang mangyari sa ating buhay.
Muli salamat sa inyong pagbasa. Ako po ay nagpasyal sa Suwa Lake dito, ang sarap isigaw na “Mahal tayo ng Diyos Ama”!!! Minsan ay binibigyan tayo ng problema at pagsubok na singlaki ng barko.
Huwag nating kalimutan na lumikha din ng malawak na dagat ang Diyos para ikaw ay patuloy na maglayag. Magandang buhay po para sa ating lahat!!!