Jeepney Press #118 July-August 2022

Page 22

MOVING ON

ni Jasmin Vasquez

Covid kailan ka matatapos?

Iilang buwan pa lamang na unti unting bumabalik sana sa normal ang takbo ng buhay natin, eto ngayon, dumarami na naman ang nagpositibo sa corona virus na iyan. Dahilan ngayon marami na naman ang apektado at kabilang ako doon. Ilang buwan at araw na naman akong magtitiis halos walang sweldohin. Kulang pa pambayad sa apartment na inuupahan ko. Sobrang aray na sa bulsa. Ang trabaho ko ay mga parts sa loob ng car. Madalas hinto ang production. Maraming company car ang napipilitang ihinto ang trabaho dahil hindi makapasok sa Japan yung mga inaantay na parts galing labas ng bansa. Kaya ang ending, ubos na naman ang ipon ko. Kahit naman sino, siguro ay mauubusan pag ganitong napakatagal na pandemic. Madalas sa work kundi yasumi eh parating half day. Kung iisipin paano na? Saan ka kukuha ng pang tutustos sa lahat ng iyong mga bayarin. Pero salamat sa Diyos kahit paano ay nakakaraos pa rin.

22

Nais kong mag patotoo na ibahagi sa inyo ang isa sa aking mga karanasan nung ako ay nagkaroon ng malalim na relasyon sa Panginoong Jesus. Mas higit na marami syang ginagawang pagpapala sa buhay ko ngayon kung ikukumpara sa buhay ko noon.

Una sa lahat, maraming nabago sa aking pagkatao mula sa aking pag-uugali. Mas nagkaroon na ng magandang direksyon ang aking buhay. At kahit ano pang unos ang dumating sa buhay ko, dahil nagtitiwala ako sa Panginoon, alam kong andyan lang Sya at hindi Nya ako o tayo pababayaan. Noon, halos hindi ako nagpapahinga dahil puro ako trabaho kahit Linggo. Malaki ang aking sahod ngunit palagi pa ring kapos. Parang dumaraan lang sa aking mga palad ang pera. Napupunta lang sa lahat ng bayarin. Palaging nasasaid ang laman ng aking bulsa. Sabi ko sa sarili ko, bakit kahit anong sipag ko wala pa din, kulang pa din. Matagal na akong naglilingkod sa Diyos ngunit hindi gaanong malalim ang relasyon ko sa Kanya. Umaawit ako, tumutugtog at nagtuturo ng kanta na akala ko sapat na iyon bilang isang paghahandog sa Kanya. Marami pa pala akong bagay na hindi alam. Sabi ko pa noon, bakit kailangan ibigay mo yung ikasampung bahagi ng iyong pinaghirapang kitain. Isa sa mga bagay na ginagawang paninira ng iba sa church para ikaw ay matisod. Hanggang sa isang araw ay pinatunayan Nya sa buhay ko at pinaintindi na lahat pala ng bagay sa mundong ito ay sa Kanya. Lahat ng meron ka ngayon ay galing din sa Kanya na sa isang iglap ay kaya Nyang kunin. Isang araw, ako ay nagpunta sa Seiyu supermarket. Namili ako ng mga chocolates at noodles at iba pang mga pampasalubong na aking dadalhin dahil dalawang araw na lamang ay uuwi na ako sa Pilipinas. Lahat ng aking iuuwing pera ay andoon sa aking wallet na daladala kasama ng

July - August 2022


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.