5 minute read
Jeepney Press/Jeff Plantilla
ISANG ARAW SA ATING BUHAY
ni Jeff Plantilla
Advertisement
Isang katangian ng mga bansa sa tinatawag na rehiyon ng Northeast Asia ay ang kanilang napakatatandang documents. Mula nang maimbento ang papel, panulat at pang-sulat, hindi na tumigil ang pagtatala ng mga bagay-bagay sa lipunan sa rehiyong ito. Napakaraming bagay ang naisulat na sa loob ng libong taon. Kaya sa ngayon, maaaring alamin ang kasaysayan ng mga tao at kabihasnan sa China sa mga kasulatan na mahigit na isang libong taon ang gulang. Bagama’t hindi kasing tanda, ganun din sa Korea, at sumunod ay sa Japan. Naging bahagi na ng buhay ng mga tao ang magsulat ng mga bagay na nakikita, o pinag-uusapan sa paligid nila. Kasama na rin dito ang mga official records ng mga pamahalaan noon.
Bahagi ng kasaysayan ng Filipinas ay malalaman natin sa mga Chinese records na sinulat mula pa nung 970s AD.
Nguni’t tulad din ng mga kasulatan ngayon, hindi natin masasabi na lahat ay tama at accurate ang pagkakarecord. Maaaring may pagkakamali din.
Kasaysayan ng mga Filipino sa Japan
Ang kasaysayan ng mga Filipino sa Japan ay mahaba-haba na rin. Isang bahagi sa kasaysayang ito si Hideyoshi Toyomi, ang sinasabing nagbuo ng Japan bilang bansa pagkatapos ng isang daang taong giyera (sengoku jidai - ����). Sumulat siya nung 1592 sa mga Kastila sa Maynilad at sinabi na dapat magkaroon ng ugnayang pangkalakalan ang Japan at Luzon, at kung ayaw ng mga Kastila, sasakupin niya ang Luzon. Dito nagmula ang isang kabanata ng relasyon ng Filipinas at Japan.
Sino dapat ang magsusulat ng kasaysayan ng mga Filipino sa Japan?
Walang iba kundi tayo rin. Dapat nating isulat ang iba’t-ibang uri ng ating pamumuhay sa Japan.
Ito ang dahilan kung bakit may Filipinos in Kansai: We are Here! Stories of Diverse Existence ang Philippine Community Coordinating Council (PCCC). Inilabas ang documentation report na ito nung March 2019 sa kanilang blogspot - http://pcccwestjapan.blog spot.com/.
Ipinaliwanag ang dahilan sa pagkakaroon ng documentation na ito sa Introduction:
Each Filipino in Kansai has a story to tell, and each story reveals a feature of the existence of Filipinos in the region. This report puts together the different stories of Filipinos in Kansai. By doing so, it portrays to some extent who the Filipinos are in this part of Japan. Many of the stories reveal links between the Philippines and Japan, diversity of occupation, status and role of Filipinos in Japanese society, and numerous engagements of Filipinos in Japanese socio-cultural initiatives.
This report invites the Filipinos to appreciate the layers of engagements they have been involved in Kansai. It entices them to ponder on the considerably long period of Filipino existence in the region.
Meron itong 12 chapters:
Chapter One. The Philippines and Japan
• Historical Ties
• Past in the Present
Chapter Two. 1920s to the 1970s – Jazz, Sports and the Pioneers
• Jazz Musicians and Champion Sprinters and Boxers
• Pensionados and the Pioneers
Chapter Three. Musikeros, Entertainers and Artists
• Musikeros and Entertainers
• Artists
Chapter Four. Academics and Corporate Professionals
• Academics
• Corporate Professionals
Chapter Five. Trainees, Nurses, Caregivers and Domestic Help
• Trainees
• Nurses and Caregivers
• Domestic help
Chapter Six. Students, Youth, JFCs and Nikkeijins
• Youth Organizations
• Japanese-Filipinos
• Parenting the
Japanese-Filipino Children
• Nikkeijins
Chapter Seven. Communities, Organizations and Churches
• Communities and Organizations
• Community Networks and Churches
Chapter Eight. Festivals, Celebrations and
Filipino Food
• Local Festivals
• Philippine Dances
• Independence Day Celebration
• Filipino Food
Chapter Nine. Contests and Sports
• Singing Contests
• Beauty Contests
• Sports
Chapter Ten. Messages to the Japanese Public
• Theatrical Productions
• Kapihan at Talakayan sa Kansai
• Photo Exhibits
• Radio Programs
Chapter Eleven. Issues
Faced by Filipinos
• Problems and Other Issues
Chapter Twelve. Responding to the Needs of Filipinos
• Filipino and Japanese Institutions and Organizations
• Filipinos and Charity Work
Mababasa sa mga chapters na ito ang iba’t-ibang buhay (diverse lives) at karanasan ng mga Filipino sa Kansai. Malamang ay sinasalamin nito ang buhay ng mga Filipino sa ibang bahagi ng Japan.
Isa sa mga pinagkunan ng information para sa documentation na ito ay ang Jeepney Press. Nguni’t maraming mga Filipino sa Kansai ang nagbigay ng mga dokumento, litrato, istorya at iba pang information na bumubuo sa documentation na ito.
Tuloy pa rin ang pagdo-document ng buhay ng mga Filipino sa Kansai. Inilalabas lang ang mga documented na:
While the existence of the Filipinos in Kansai continues to evolve, this report starts telling stories of that existence that have unfolded.
Panahon na para malaman natin ang ating sarili bilang mga Filipino dito sa Japan. Panahon na para isulat at ipahayag ang mga istorya ng ating buhay sa Japan hindi lamang sa kapwa Filipino at sa mga Hapones, kundi para sa mga kababayan sa Filipinas at sa mga tao sa buong mundo.