Jeepney Press #118 July-August 2022

Page 16

ISANG ARAW SA ATING BUHAY ni Jeff Plantilla Isang katangian ng mga bansa sa tinatawag na rehiyon ng Northeast Asia ay ang kanilang napakatatandang documents. Mula nang maimbento ang papel, panulat at pang-sulat, hindi na tumigil ang pagtatala ng mga bagay-bagay sa lipunan sa rehiyong ito. Napakaraming bagay ang naisulat na sa loob ng libong taon. Kaya sa ngayon, maaaring alamin ang kasaysayan ng mga tao at kabihasnan sa China sa mga kasulatan na mahigit na isang libong taon ang gulang. Bagama’t hindi kasing tanda, ganun din sa Korea, at sumunod ay sa Japan. Naging bahagi na ng buhay ng mga tao ang magsulat ng mga bagay na nakikita, o pinag-uusapan sa paligid nila. Kasama na rin dito ang mga official records ng mga pamahalaan noon. Bahagi ng kasaysayan ng Filipinas ay malalaman natin sa mga Chinese records na sinulat mula pa nung 970s AD. Nguni’t tulad din ng mga kasulatan ngayon, hindi natin masasabi na lahat ay tama at accurate ang pagkakarecord. Maaaring may pagkakamali din.

16

Kasaysayan ng mga Filipino sa Japan

Ang kasaysayan ng mga Filipino sa Japan ay mahaba-haba na rin. Isang bahagi sa kasaysayang ito si Hideyoshi Toyomi, ang sinasabing nagbuo ng Japan bilang bansa pagkatapos ng isang daang taong giyera (sengoku jidai - 戦国時代). Sumulat siya nung 1592 sa mga Kastila sa Maynilad at sinabi na dapat magkaroon ng ugnayang pangkalakalan ang Japan at Luzon, at kung ayaw ng mga Kastila, sasakupin niya ang Luzon. Dito nagmula ang isang kabanata ng relasyon ng Filipinas at Japan. Sino dapat ang magsusulat ng kasaysayan ng mga Filipino sa Japan?

July - August 2022

Walang iba kundi tayo rin. Dapat nating isulat ang iba’t-ibang uri ng ating pamumuhay sa Japan. Ito ang dahilan kung bakit may Filipinos in Kansai: We are Here! Stories of Diverse Existence ang Philippine Community Coordinating Council (PCCC). Inilabas ang documentation report na ito nung March 2019 sa kanilang blogspot http://pcccwestjapan.blog spot.com/. Ipinaliwanag ang dahilan sa pagkakaroon ng documentation na ito sa Introduction: Each Filipino in Kansai has a story to tell, and each story reveals a feature of the existence of Filipinos in the


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.