2 minute read
JEEPNEY PRESS Lita Manalastas Watanabe
ADVICE NI TITA LITS Take It Or Leave It
Isabelita Manalastas-Watanabe
Advertisement
Dear Tita Lits,
Magandang araw po!
Lilipat po kaming mag-asawa sa Tokyo in a few months from Osaka. Hindi naman po kalakihan ang aming problema pero we would like to ask your advice.
Pinag-iisipan namin kung ano ang bibilhin namin sa bagong apartment: kama o futon?
Considering the convenience, health benefits, financial factor, I was thinking of getting futon for sleeping. Pero mas masarap daw po ang kama? Pero when I looked around at the shops, medyo expensive to buy beds in Japan. Hindi naman naming iuuwi sa Pilipinas when we decide to go back home. Sabi ng isang friend ko, mas madaling itapon ang futon at since we are living in Japan, na lagi ang paglilipat ng residence, mahirap daw kung kama.
Alam kong beterano na kayo sa Japan at siguradong na-experience ninyo na gumamit ng futon at kama for long periods of time. Ano kaya ang magandang gawin?
Thank you po!
Robert and Lily Osaka
Dear Robert and Lily:
May isang regular reader ng Tita Lits column na nag-comment: “Puro ba problematic mga OFWs natin sa Japan?”. Sunud-sunod na mabibigat na problema ang mga humingi kasi ng payo in the past, except yong last column ko bago ito, na medyo nakatutuwang problema ang isinang-ayo sa akin. I was hoping, sana hindi masyadong mabigat na problema ang mapipiling letter para sagutin ko sa next column ko.
Answered prayers! Parang ito na ang pinaka-magaan na problema ang aking natanggap in so many years of writing this column sa Jeepney Press. The key to the answer to your question is your statement:
Ewan ko kung anong gamit ninyo ngayon sa Osaka. Tantiya ko, futon, kasi parang alam na ninyo how it feels to sleep using a futon, pero hindi sa kama, kasi sabi mo sa sulat mo “…mas masarap daw po ang kama?”.
Kung sa trabaho ninyo sa Japan ay malaki ang posibilidad na lilipat-lipat kayo, de nitely, mas madaling ilipat ang futon kaysa sa kama, at mas mura sigurago ang bayad.
Importante lang na ang bago ninyong mansion or apartment sa Tokyo ay may bintana/veranda na kung saan ninyo pwedeng i-air ang futon ninyo, at allowed din to do so by the mansion. Kasi importante na ma-expose sa sunlight at mapagpag ang futon, para hindi pasukan ng mga insekto, or hindi mangamoy ng molde.
Buti bata pa kayo (sa tantiya ko). Ako, hirap ng tumayo kapag nakahiga na sa futon (para jumingle sa gabi, for example). Kapag pupunta kami ng asawa ko sa Japanese inn sa mga hot spring resort, generally, futon ang gamit. I developed a technique where I could stand without too much strain on my knees – roll back sa side ko, push the tatami with one hand to help me kneel and then stand.
Good luck sa inyong move to more expensive (but more exciting?) Tokyo!
Tita Lits