1 minute read

Jeepney Press Nanay Anita Sasaki

KWENTO NI NANAY

ni Nanay Anita Sasaki

Advertisement

EVERY GISING IS A BLESSING

Narito na po ang MGA KUWENTO NI NANAY… Nandito po tayo sasakay sa JEEPNEY PRESS - MANILA, MANILA, PINAS, PINAS! Sakay na po!

Hayys, buhay po! Palibhasa mahigit na pong isang taon hindi po tayo nakapag travel gawa nitong pandemic. Bago mag pandemic lagi tayong busy. Parang kailan lamang problemado tayo sa COVID-19.

Ngayon naman sa “vaccine“ o bakuna. Magpapa vaccine ba tayo o hindi? Maraming agam-agam. Iba-ibang Istoriya na kinatatakutan naman natin ang bakuna. Ayan TAKOT, TAKOT at TAKOT pa more. FEAR, FEAR, FEAR pa. Dapat alisin natin ang takot. Chillax lang tayo dahil nandiyan lang ang Diyos. Hindi NIYA tayo iniiwan.

Kapit lang, huwag bibitaw. Gusto ng DIYOS relax lang. Dahil ang daming galit, puot, selos, inggit sa ating mga puso. Wala na tayong panahon makinig sa Kanya. Listen long enough, slow down naman tayo. Spend daily prayer with God.

Kaya pag gising sa umaga mag “log in“ tayo sa DIYOS bago ang lahat. Mag “recharge“ din tayo para hindi tayo ma “burnout“. Dahil nag over thinking din kasi tayo. “Over thinking“ kasi hindi tayo nagtitiwala sa DIYOS. Bakit parang pagod tayo? Ito ay sa kadahilanan…. hindi tayo nagpapatawad, kaya puro galit, puot, selos... Mabigat ang ating bagahing dala dala.

MARAMING SALAMAT PANGINOON SA NAPAKAGANDANG OPENING NG 2020 TOKYO OLYMPICS. Maituturing kong napakalaking biyaya at akin pa pong inabot ang napakalaking pagdiriwang na ito na ang buong mundo po ay kabahagi sa pagbubuklod ng KAPAYAPAAN (PEACE)!

Nabaha ang ilang dako sa Maynila dahil sa ulan at nakaramdam ng 6.7 magnitude na lindol kamakailan lang. Ngunit ang sabi ng Pilipino - baha… tubig ka lang, lindol ka lang, wala ka magagawa sa DIYOS NAMIN NA MAS MALAKI AT MALAKAS SA INYO! GOD IS IN CONTROL. MARAMING SALAMAT PO SA PAGMAMAHAL NYO SA AMING INANG BANSA.

“HINDI MO KAILANGAN MAGING MAYAMAN O MATAAS NA PINAG-ARALAN UPANG MAKATULONG SA KAPWA MO PILIPINO.”

Nanay Anita Sasaki

This article is from: