5 minute read

JEEPNEY PRESS Jeff Plantilla

Isang Araw Sa Ating Buhay ni Jeff Plantilla

Photo credits: Dennis Sun

Advertisement

Mahalaga sa kalusugan ng ating isip ang pagbibigay ng pansin sa mga bagay na nagdudulot ng saya. Nagdadala ng saya ang mga kaisipan na may magandang kahulugan o layunin.

Isa sa mga magandang kaisipan ay yung nagtataguyod ng kabutihan ng lahat, o yung nagbubuklod sa lahat.

SEA Games: Saya bago ang pandemya

Ginanap sa Filipinas ang 30th Southeast Asian Games (SEA Games). Hindi ito kasama sa orihinal na plano ng gobyerno. Ito ay isang emergency plan dahil nag-back-out ang Brunei sa paghost ng SEA Games. 2 taon lang ang panahon sa paghahanda ng Filipinas para sa SEA Games. Kaya ba natin? Handa ba ang ating stadiums at iba pang facilities? Marami tayong stadiums sa ngayon nguni’t handa ba para sa international competition ang ilan sa mga antigo nating facilities tulad ng Rizal Memorial Stadium?

Hindi natin inaasahan na may maitatayong bagong facilities sa loob lamang ng 2 taon. Lalong hindi inaasahan na hindi 1 kundi 2 facilities at saka Athletes Village ang kayang itayo sa maikling panahon.

At ganun nga ang nangyari. Isang world-class stadium ang nagawa na may kakaibang design – halaw sa isang bulkan – Mount Pinatubo. May isang swimming facility na certi ed ng international swimming body (Fédération Internationale De Natation - FINA) as Olympic standard. Hindi closed-facility, kundi bukas sa magandang kapaligiran ng Tarlac at ang bubong ay may design ng pangingisda. May dagdag pa na Athlete’s Village na innovative din ang design. Hindi tayo napahiya sa ating bagong facilities sa Clark. At ang inayos na iba pang venues sa Metro Manila ay hindi rin nakakahiya.

Kakaiba din ang opening ceremonies, na dinaluhan ng Sultan of Brunei at ni Pangulong Duterte.

Imbes na stadium, sa isang indoor facility ang opening ceremonies. Ang nakakamanghang Philippine Arena ang venue at kaya naging show ang opening ceremonies na puno ng kanta at sayaw.

Mas nakakapagpasaya ang mensahe sa SEA Games 2019. Binigyan ng halaga ang samu’t-saring kultura at lahi ng mga tao sa Southeast Asia. Imbes na dahilan ng pagkakahiwalay, ang mga ito ang ipinagdiwang.

Unity in diversity.

Lalo pang makahahulugan ang motto ng SEA Games 2019: “We Win as One!” Ang SEA Games ay hindi lang competition, pagalingan ng kakayanan, kundi isang pagkakataon para magkasama-sama ang mga magkakapitbansa. Panahon para ipagdiwang ang spirit of sportsmanship.

Ang motto na “We Win as One” ay may malalim na kahulugan.

Photo by Dennis Sun

Ang SEA Games 2019 ang naging pambansang kasayahan bago dumating ang pandemya. Nguni’t ang kaisipan ng SEA Games ay hindi nawala. Ang “We Win as One” ay naging “We Heal as One.” Sama-sama nating lalampasan ang pandemya, walang iiwanan. Ito ang kailangan sa panahong lahat ng tao sa mundo ay apektado ng pandemya. Walang makakapagsabi na siya ay lubusang ligtas sa COVID-19 – mayaman man o mahirap, saan mang sulok ng daigdig.

Mabuti na ring banggitin na sana ay maayos ang nareport na issue tungkol sa mga Aeta na napalipat ng tirahan mula sa lugar na ngayon ay stadium at swimming facility sa Clark. Hindi magiging lubusang “We Win as One” ang SEA Games kung hindi mabibigyan ng karapatdapat na pagkilala sa mga karapatan ng mga Aeta sa kanilang lupang ginagamit na ngayon sa sports.

Olympic Games 2021: Saya sa panahon ng pandemya

Samantalang masayang idinaos ang 30th SEA Games, ang pagdaraos ng Olympic Games ay kakaiba. Dahil sa COVID-19 pandemic, hindi natuloy ang Olympic Games nung 2020. At dahil sa patuloy na COVID-19 infections, maraming Hapones ang hindi sumang-ayon sa pagpapatuloy ng Olympic Games. Bagama’t 2021 na natuloy, Olympic Games Tokyo 2020 pa rin ang o cial name ng biennial games na ito.

Takot sa pagdami ng mga taong mai-infect ng COVID-19 ang pinaka-issue sa Olympic Games Tokyo 2020. Takot sa mga taong darating mula sa iba’t-ibang bansa na baka infected at makahawa pa sa iba.

Ganun din naman ang pagtingin ng mga tao sa ibang bansa. May takot din na baka magkahawahan ang mga tao dahil sa malaking event na ito.

Kaya ang Olympic Games Tokyo 2020 ang kauna-unahang Olympic Games na bawal manood sa mga laro. Sa TV

o sa internet lang makikita ang mga performances ng mga manglalaro.

Ang isang malaking dahilan kung bakit mabuting ituloy ang Olympic Games Tokyo 2020 ay ang kabutihan ng mga athletes. Pinaghandaan nila ng ilang taon ang pagsali sa Olympic Games. Ito ang kanilang pangarap. Malaking kawalan sa kanila kung makakansela ang Olympic Games Tokyo 2020.

Kaya, sa pamamagitan ng pag-iingat, natuloy din ang Olympic Games Tokyo 2020, kahit halos walang nanonood.

Nagpatuloy ang pagtupad sa Olympic spirit. Ayon sa International Olympic Committee (IOC), ang goal ng Olympic Movement is to contribute to building a peaceful and better world by educating youth through sport practiced without discrimination of any kind and in the Olympic spirit, which requires mutual understanding with a spirit of friendship, solidarity and fair play.

Photo by Dennis Sun

Mahalaga na ang mga kabataan, na siyang pinakamaraming manglalaro sa anumang sports event, ay matuto at maranasan ang “mutual understanding with a spirit of friendship, solidarity and fair play.” At ayon nga sa IOC, layunin ng Olympics na maturuan ang mga kabataan ng sports na “practiced without discrimination of any kind and in the Olympic spirit.”

Nguni’t dahil sa COVID-19 pandemic, hindi masyado binibigyan ng diin ang pagdiriwang ng Olympic Games. Pero ang tuwa ng mga manglalaro ay mahalagang maipakita bilang suporta sa kanilang pagpapakahirap na makamit ang karangalang dulot ng Olympics.

Maraming magandang kaisipan ang sports – disiplina, pagsasanay ng mahabang panahon, pag-iingat sa katawan, paglalaro nang malinis at walang daya, at sportsmanship. Mahalagang karanasan sa sports ay maging gabay sa buhay.

Photo by Dennis Sun

Mabuhay ang lahat na Filipino athletes sa Tokyo Olympics!!

Sa wakas may Olympic gold medal na ang Filipinas, at baka may sumunod pa. Salamat kay Hidilyn Diaz at Team HD. Siya ay role model ng mga tao, lalo ng mga kabataan. Gold din ang kanyang message: Gusto niyang maging inspiration, na kailangang-kailangan ng mga Filipino sa panahon ng pandemya, ang kanyang gold medal. Sinabi din niyang natuwa siya at nagkaisa ang mga Filipino para sa Filipino athletes.

Jeff Plantilla

This article is from: