Jeepney Press #112 July-August 2021

Page 14

ISANG ARAW SA ATING BUHAY ni Jeff Plantilla

Photo credits: Dennis Sun Hindi tayo napahiya sa ating bagong facilities sa Clark. At ang inayos na iba pang venues sa Metro Manila ay hindi rin nakakahiya. Kakaiba din ang opening ceremonies, na dinaluhan ng Sultan of Brunei at ni Pangulong Duterte. Imbes na stadium, sa isang indoor facility ang opening ceremonies. Ang nakakamanghang Philippine Arena ang venue at kaya naging show ang opening ceremonies na puno ng kanta at sayaw.

Mahalaga sa kalusugan ng ating isip ang pagbibigay ng pansin sa mga bagay na nagdudulot ng saya. Nagdadala ng saya ang mga kaisipan na may magandang kahulugan o layunin. Isa sa mga magandang kaisipan ay yung nagtataguyod ng kabutihan ng lahat, o yung nagbubuklod sa lahat. SEA Games: Saya bago ang pandemya

14

Ginanap sa Filipinas ang 30th Southeast Asian Games (SEA Games). Hindi ito kasama sa orihinal na plano ng gobyerno. Ito ay isang emergency plan dahil nag-back-out ang Brunei sa paghost ng SEA Games. 2 taon lang ang panahon sa paghahanda ng Filipinas para sa SEA Games.

Kaya ba natin? Handa ba ang ating stadiums at iba pang facilities? Marami tayong stadiums sa ngayon nguni’t handa ba para sa international competition ang ilan sa mga antigo nating facilities tulad ng Rizal Memorial Stadium?

Mas nakakapagpasaya ang mensahe sa SEA Games 2019. Binigyan ng halaga ang samu’t-saring kultura at lahi ng mga tao sa Southeast Asia. Imbes na dahilan ng pagkakahiwalay, ang mga ito ang ipinagdiwang.

Hindi natin inaasahan na may maitatayong bagong facilities sa loob lamang ng 2 taon. Lalong hindi inaasahan na hindi 1 kundi 2 facilities at saka Athletes Village ang kayang itayo sa maikling panahon.

Unity in diversity.

At ganun nga ang nangyari. Isang world-class stadium ang nagawa na may kakaibang design – halaw sa isang bulkan – Mount Pinatubo. May isang swimming facility na certified ng international swimming body (Fédération Internationale De Natation FINA) as Olympic standard. Hindi closed-facility, kundi bukas sa magandang kapaligiran ng Tarlac at ang bubong ay may design ng pangingisda. May dagdag pa na Athlete’s Village na innovative din ang design.

Lalo pang makahahulugan ang motto ng SEA Games 2019: “We Win as One!” Ang SEA Games ay hindi lang competition, pagalingan ng kakayanan, kundi isang pagkakataon para magkasama-sama ang mga magkakapitbansa. Panahon para ipagdiwang ang spirit of sportsmanship. Ang motto na “We Win as One” ay may malalim na kahulugan. Ang SEA Games 2019 ang naging pambansang kasayahan bago dumating ang pandemya. Nguni’t ang kaisipan ng SEA Games ay hindi nawala. Ang “We Win as One” ay naging “We Heal as

July - August 2021


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.