Take It Or Leave It! by Isabelita Manalastas-Watanabe Dear Tita Lits, Pasko na naman! Hindi ko alam kung gusto kong tumawa o umiyak. Ito ang pinakamasayang panahon ngunit ang pinakamasakit at matindi sa bulsa. Paano po kaya pwedeng pag handaan ang pasko?
18
Halos nauubos na yata ang mga savings ko dahil sa Paskong minimithi taun-taon. Super sa gastos! Hindi ka pa nakaka-uwi, sa airplane ticket pa lang, patay na ang bulsa. Kailangan mo rin bumili ng mga omiyage. Kahit magtipid man ako na bumili sa 100 yen shop, ayaw na nila iyon. Magaling na rin sila. Meron na ring mga Daiso shops sa Pinas ngayon. Meron pa rin silang mga request na mga mamahaling branded fashion products na gustong ipabili tulad ng sapatos, bag at mga electronic gadgets. At siempre, iba na naman ang kwento pagdating sa
Pinas. Walang katapusan dinner, lunch, merienda halos araw-araw. At meron pa rin dagdag shopping galore at pasyalan to the max. Ewan ko ba, feeling ko, nag ta-trabaho yata ako sa Japan para lamang sa mga gastusin pag-uwi ko tuwing Disyembre. Kung hindi naman ako uuwi, siempre, hindi rin dapat makalimutan ang mga padalang pera na mas mataas ikumpura sa mga buwanan na padala. Iba dapat ang halaga tuwing December. Perang pang handa sa Christmas and New Year's eve ng family. Perang pang regalo sa lahat sa pamilya. Ekstrang pera para sa mga ina-anak. At iba pang gastos na hindi mo inaasahang darating. Tita Lits, umuwi man o hindi, grabe ang gastos. Tulungan po ninyo ako! Minda Tokyo
Dear Minda: Pakiramdam ko, parang mas masaya ka, kaysa malungkot (naiiyak) kapag dumarating na ang “ber� months, at nagbibilang na tayo ng ilang araw na lang at Pasko na. Ramdam na ramdam ko sa sulat mo ang excitement mong umuwi, kahit alam ko ding, worried ka sa malaking gagastusin mo sa air ticket, sa pasalubong, sa pagkain sa labas sa restaurants, sa paghahanda ng medya noche at noche buena. Tingin ko din, gusto mo pa ring umuwi, kaysa dito ka sa Japan mag-Pasko. So kung talagang every year ay umuuwi ka, heto suggestions ko sa iyo: 1. Maaga kang mag-book ng air-ticket mo. Habang lumalapit and departure date mo para umuwi ng Disyembre, lalong nagiging mahal ang iyong air-ticket; 2. Marami ng budget airlines ngayon - mag-monitor ka sa kanilang websites at mag-book ka agad kapag nakakita ka ng mura at pwede
NOVEMBER-DECEMBER 2019