3 minute read

Take It Or Leave It! by Isabelita Manalastas-Watanabe

Take It Or Leave It! by Isabelita Manalastas-Watanabe

Dear Tita Lits,

Advertisement

Pasko na naman! Hindi ko alam kung gusto kong tumawa o umiyak. Ito ang pinakamasayang panahon ngunit ang pinakamasakit at matindi sa bulsa. Paano po kaya pwedeng pag handaan ang pasko? 18 Halos nauubos na yata ang mga savings ko dahil sa Paskong minimithi taun-taon. Super sa gastos! Hindi ka pa nakaka-uwi, sa airplane ticket pa lang, patay na ang bulsa. Kailangan mo rin bumili ng mga omiyage. Kahit magtipid man ako na bumili sa 100 yen shop, ayaw na nila iyon. Magaling na rin sila. Meron na ring mga Daiso shops sa Pinas ngayon. Meron pa rin silang mga request na mga mamahaling branded fashion products na gustong ipabili tulad ng sapatos, bag at mga electronic gadgets. At siempre, iba na naman ang kwento pagdating sa Pinas. Walang katapusan dinner, lunch, merienda halos araw-araw. At meron pa rin dagdag shopping galore at pasyalan to the max. Ewan ko ba, feeling ko, nag ta-trabaho yata ako sa Japan para lamang sa mga gastusin pag-uwi ko tuwing Disyembre.

Kung hindi naman ako uuwi, siempre, hindi rin dapat makalimutan ang mga padalang pera na mas mataas ikumpura sa mga buwanan na padala. Iba dapat ang halaga tuwing December. Perang pang handa sa Christmas and New Year's eve ng family. Perang pang regalo sa lahat sa pamilya. Ekstrang pera para sa mga ina-anak. At iba pang gastos na hindi mo inaasahang darating.

Tita Lits, umuwi man o hindi, grabe ang gastos. Tulungan po ninyo ako!

Minda Tokyo

Dear Minda:

Pakiramdam ko, parang mas masaya ka, kaysa malungkot (naiiyak) kapag dumarating na ang “ber” months, at nagbibilang na tayo ng ilang araw na lang at Pasko na. Ramdam na ramdam ko sa sulat mo ang excitement mong umuwi, kahit alam ko ding, worried ka sa malaking gagastusin mo sa air ticket, sa pasalubong, sa pagkain sa labas sa restaurants, sa paghahanda ng medya noche at noche buena.

Tingin ko din, gusto mo pa ring umuwi, kaysa dito ka sa Japan mag-Pasko. So kung talagang every year ay umuuwi ka, heto suggestions ko sa iyo:

1. Maaga kang mag-book ng air-ticket mo. Habang lumalapit and departure date mo para umuwi ng Disyembre, lalong nagiging mahal ang iyong air-ticket;

2. Marami ng budget airlines ngayon - mag-monitor ka sa kanilang websites at mag-book ka agad kapag nakakita ka ng mura at pwede kang mag-leave sa trabaho on the dates na on sale ang ticket;

3. Sa next mong pag-uwi, huwag kang magdala ng pasalubong from Daiso or from any other store in Japan. Tingin ko, bumili ka na lang ng envelopes kung saan isisilid mo ang iyong Christmas gift na peso cash;

4. Sa atin, PHP1,000 is still a big amount. Sa Yen, a little over JPY 2,000 lang iyon. Sa mga bata, malaki na ang PHP500 na cash – a little over JPY1,000 lang ito. Actually, PHP100-200 sa bata (a little over JPY200 – 400), ok na ok na.

5. Hindi masamang sabihin hindi ka mag-tse-check-in ng bagahe, dahil magba-budget airlines ka. Kasi, sa mga budget airlines, may charge ang check-in baggage. So sorry na lang, hindi mo bibilhin ang sapatos or mga ibang bilin. Hand carry lang ika mo ang iyong bitbit (7 kgs normally allowed);

6. Kapag kasi sinanay mo sila, aasa every year ang mga iyan. Kapag nakapag-start kang hindi na magbigay ng mga sapatos and the like, siguro maghihinanakit, pero may cash naman na ibibigay ka. Bahala ka kung magkano, pero tingin ko, malaking-malaki na ang PHP1,000. Pinakamaliit ng bigay mo ay PHP100 siguro;

7. From January of each year, mag-umpisa ka ng mag-alkansiya ng tig-500 yen coins. Hanggang mapuno mo. Ang isang maliit na alkansiya, kayang JPY50,000 ang maipapasok. Hindi mo mapapansin na nakakaipon ka kapag coins lang ang hulog mo sa iyong alkansiya. Bili ka sa any post oce ng alkansiya (colored red, shaped like a mail box). Get the one that can ll up to at least JPY100,000.

Hay naku, ganyan talaga ang buhay. Kung mas masaya kang umuwi ng Pasko, ipikit mo na lang ang mata mo sa gastos. Isipin mo na lang na marami kang napaligayang mga kamag-anak at kaibigan. Pero dapat din nilang malaman na hindi rin madali ang buhay nating mga OFWs – hindi tayo namumulot ng pera. Pawis at dugo ang puhunan sa ating sobrang pagta-trabaho para lang mabuhay at makatulong sa ating mga mahal sa buhay.

Smile, Minda. You are blessed, kasi binigyan ka ng Diyos ng grasya (good work and good earnings). Sharing with others your blessings will bring you more blessings.

Tita Lits

This article is from: