3 minute read

ADVICE NI TITA LITS

Take it or Leave it!

ADVICE NI TITA LITS

Advertisement

by Isabelita Manalastas-Watanabe

Dear Tita Lits,

Magandang araw po!

Ako po ay isang 35 year old housewife, may dalawang anak, at nakatira sa Nagoya. Mahilig po akong magluto ng Pinoy food tulad ng lumpia, adobo, pansit - yan ang mga paborito ng mga pamilya kaya na master ko nang lutuin.

Ngayon po, dahil sa corona, nawalan po ako ng trabaho sa pabrika. Nagkaroon ng corona sa ilang staff sa aming work at pinasara po agad ng gobyerno ang factory namin.

Wala rin po akong magawa sa bahay at na pag-isipan kong magluto ng iba't ibang pagkain. Noong una, pa isa-isa lang po hanggang dumarami na po ang mga orders. Nagustuhan siguro ang luto ko ng iba kaya dumami ang mga kliyente bigla. Marunong din akong manahe ng mga damit, at na pag-isipan ko rin gumawa ng mga facial masks mula sa mga nabili kong mga reta-retaso sa shop. Noong una, sa mga kaibigan ko lang po binigay. Ngayon, ang dami rin pong nag-order sa akin. Lahat po sila ay sa Facebook lang. Nag e-enjoy po ako sa ginagawa ko ngayon at gusto ko pong palaguhin.

Buti na lang po at huminto kami sa trabaho. Parang nakita ko na po ang tunay na tawag para sa akin. Gusto ko na pong gawin itong pagluluto at pananahe na maging main business ko sana.

Ang problema ko ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula para maging legal na business ang ginagawa ko. Saan po ako dapat pumunta at ano po kaya ang dapat gawin? Wala po akong alam sa taxes, resibo, accounting... baka lusubin po ako ng tax office dito.

Pwede rin po bang humingi ng mga tips para sa pagpapalago ng business?

Salamat po!

Lisa Nagoya

Dear Lisa:

Good day din sa iyo! Sana ikaw at ang iyong pamilya ay ligtas sa kumakalat na Covid-19 virus.

Tuwang-tuwa ako noong mabasa ko ang sulat mo. Isang magandang istorya, na hindi mo inaasahan, dahil dapat sana ay isa ka sa mga libo-libong malungkot dahil sa pagkawala ng trabaho dahil sa Covid-19. Blessing in disguise ang pagkawalan mo ng trabaho – nakita mo tuloy ang tunay mong calling - pagluluto at pananahi pala.

Subukan mo munang pumunta sa iyong local ward office para magtanong. May help desk normally, na mapapagtanungan.

Mag-search ka rin sa internet, tungkol sa setting up ng business in Japan.

Kung hindi ka makahanap ng sapat ng tulong sa iyong ward office, o hindi fit sa iyo ang mga information mong makukuha sa internet search mo, maaari kitang i-refer sa isang napakabait na abogadang Haponesa, na marunong mag-English at may puso para sa mga Pinoy. Nakakaintindi rin siya ng Tagalog. Hindi siya mapag samantala (hindi naniningil ng mahal), at kaya niya/ng kumpanya niya na sila na lang mag-set up ng iyong kumpanya. Hindi mo kailangan ng malaking kapital. Kinunsulta ko na siya bago ko isulat itong advice ko sa iyo, pero wala akong permission niya/ng kumpanya niya, na i-publish ko ang pangalan nila at contact number. Pwedeng ako na lang ang tawagan mo? Pagkatapos, ibibigay ko sa iyo ang pangalan niya at contact number, at magtawagan na lang kayo.

Call me at 03-6869-8555, Sunday – Thursday, from 10:00 am – 6:00 pm, except Japanese holidays.

Tungkol naman sa pagpapalago ng iyong business, palagay ko, ituloy mo lang ang kalidad at sarap ng pagluluto mo, sa presyong kakayanin ng buyers mo, at siguradong patok ang business mo. Sa pananahi, ang pagsusuot ng masks ay magtatagal pa sigurado, tuluy-tuloy pa ang mga order mong matatanggap. Medyo mag-research ka rin ng kaunti regarding masks, kasi baka hindi talaga effective sa virus ang ginagawa mo galing sa retaso. Para rin sa security ng mga gumagamit ng masks mo, na talagang protektado sila at ang ibang nakakasalimuha nila.

Meantime, i-record mo lang kahit sa isang notebook, and iyong gastos at ang iyong sales. Simpleng pag-re-record lang, basta’t intindi mo. Para alam mo magkano ang inilabas mong pera, at magkano naman ang pumasok na pera. Siyempre, kung ano ang difference ng sales amount mo, at ng iyong ginastos doon sa sales mo, iyon ang iyong tubo (gross income – kinita bago tax).

Good luck and all the best sa iyo, Lisa. Am so very happy for you!

Tita Lits

Isabelita Manalastas-Watanabe

This article is from: