Take it or Leave it!
ADVICE NI TITA LITS
Isabelita Manalastas-Watanabe
Dear Tita Lits, Magandang araw po! Ako po ay isang 35 year old housewife, may dalawang anak, at nakatira sa Nagoya. Mahilig po akong magluto ng Pinoy food tulad ng lumpia, adobo, pansit - yan ang mga paborito ng mga pamilya kaya na master ko nang lutuin. Ngayon po, dahil sa corona, nawalan po ako ng trabaho sa pabrika. Nagkaroon ng corona sa ilang staff sa aming work at pinasara po agad ng gobyerno ang factory namin. Wala rin po akong magawa sa bahay at na pag-isipan kong magluto ng iba't ibang pagkain. Noong una, pa isa-isa lang po hanggang dumarami na po ang mga orders. Nagustuhan siguro ang luto ko ng iba kaya dumami ang mga kliyente bigla. Marunong din akong manahe ng mga damit, at na pag-isipan ko rin gumawa ng mga facial masks mula sa mga nabili kong mga reta-retaso sa shop. Noong una, sa mga kaibigan ko lang po
18
binigay. Ngayon, ang dami rin pong nag-order sa akin. Lahat po sila ay sa Facebook lang. Nag e-enjoy po ako sa ginagawa ko ngayon at gusto ko pong palaguhin. Buti na lang po at huminto kami sa trabaho. Parang nakita ko na po ang tunay na tawag para sa akin. Gusto ko na pong gawin itong pagluluto at pananahe na maging main business ko sana. Ang problema ko ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula para maging legal na business ang ginagawa ko. Saan po ako dapat pumunta at ano po kaya ang dapat gawin? Wala po akong alam sa taxes, resibo, accounting... baka lusubin po ako ng tax office dito. Pwede rin po bang humingi ng mga tips para sa pagpapalago ng business? Salamat po! Lisa Nagoya
JULY - AUGUST 2020