4 minute read
Jeepney Press / Karen Sanchez
DONDAKE! SINAG NG PAG-ASA
Konnichiwa mga Kababayan! Kumusta po kayong lahat? Ramdam nyo na rin po ba ang malamig ng simoy ng hangin? Ang paparating na Pasko o Bagong Taon at naaaninag nyo na po ba ang "sinag ng pag-asa"?
Advertisement
Sa tuwing sumasapit ang 'bre o ber-months" ay nagagalak na ang mga tao. Pakiramdam natin ay malapit nang matapos ang hirap na dinadanas natin, na magkakaroon na tayo ng pera o bonus, pamasko at mababago na ang takbo ng buhay natin, hindi po ba? Ito ay nakaugalian na nating mga Pilipino. Ngunit sa pagkakataong ito, na tayong lahat ay humaharap sa pagsubok ng pandemya, ano po ba ang naiisip natin? Ano po ang hiling natin? Nararamdaman po ba natin na may pag-asa pa?
Ang mundo ay nasa isang laban na halos lahat tayo ay talunan, maliban na lamang sa mga makapangyarihang may kakayahang iligtas ang sarili sa kanila ding kagagawan. Nahaharap tayo sa makabagong hamon, pagsubok at giyera gamit ang makabagong teknolohiya. Tayong mahihirap ay lubos na naghihirap at naaapektuhan sa ganitong digmaan. At wala tayong magawa kundi hanapin o sikaping makita ang gahibla na sinag ng pag-asa upang magkaroon ng lakas ng loob na harapin ang mga bagay na hindi natin nasisiguro kung atin ba itong makakaya. Ngunit, bilang isang Pilipinong may dugong matapang sa pakikipaglaban, kasama ng mga mahal natin sa buhay ay sabay-sabay tayong nakikipagbuno sa hamon na ito. Tayo-tayo ang nagtutulungan upang maitawid ang pang araw-araw na mga pangangailangan. Ngayon, hindi lang pagkain sa hapag-kainan ang ating iniisip bagkus pati ang ating kalayaan, kalusugan at pangkabuhayan. Hanggang kelan kaya natin ito haharapin? May pag-asa pa kaya itong baguhin? Maraming mga katanungan na sa isip lamang nananatili. Dahil, sinuman sa atin ay hindi nakakatiyak sa maaaring mangyari. Ang mahalaga ay nairaraos natin ang bawat araw sa buhay natin. Wala nawang namamatay na dahil sa pandemya na nagpahirap sa marami at nagpayaman sa mga mapang-api na sa mga katungkulan o kapangyarihan ay nagkukubli.
Sa pagtatapos ng taong 2021, ang sinag ng pag-asa ay unti-unti na nating nararamdaman, hindi po ba? Ang pagbaba ng kaso ng Covid19 Pandemic, ang unti-unting pagbubukas ng mga paaralan, mga opisina at mga pabrika na kung saan ay malaki ang maiaambag sa ating ekonomiya. Maraming mamamayan ang makakapagsimula nang muli dahil may mga trabaho nang bukas at makakatulong sa pag-ahon ng karamihan at maipag-patuloy ang naudlot na buhay dahil sa pandemya.
Sa mga katoliko, ang pasko ay isang pag-asang may magliligtas sa ating mga tao. Maaring ito ay gawa-gawa o nilikhang kwento na pinaniniwalaan na ng sanlibutan. Ngunit ang katotohanang pag-asa ang dala nito ay isang maituturing na sandata para sa buhay ng isang Kristiyano. Kaya bago tayo tuluyang malunod sa kumunoy ng kasinungalingan ng kasaysayan, suriin po muna nating mabuti kung ano, saan, paano at bakit ito nangyari. Sa bawat pagtutuklas ay maging malawak po sana ang inyong isipan at humingi ng gabay sa Diyos para sa kaliwanagan.
Ang mundong ito na ating ginagalawan ay punong-puno ng panlilinlang. Lahat ay may kakayahang gumawa ng mga bagay-bagay para sa pansariling kapakanan at gagamitin kasangkapan ang mga taong walang alam o mangmang. Kaya, ang payo ko mga kababayan, suriing mabuti maging ang sarili dahil ang pagmamahal sa sarili, ang maging totoo at mapagmahal ay isang bagay na mas makapangyarihan sa lahat. Kung napapansin natin, nabigo man tayo o nawalan kapag pinakita mo ang totoo mong nararamdaman, tiyak hindi mo ito pinagsisihan, hindi po ba? At ang higit sa lahat ay ang karma bumabalik, mabuti man o masama ang ating ginawa. Kapag puso ang iyong gabay tiyak ikaw ay pagpapalain at hindi pababayaan ng ating Diyos Amang Maylikha.
Sa muli, ang buhay natin ay walang katiyakan. Sa madilim at masalimuot na kapaligiran, hanapin ang sarili at aninagin ang "sinag ng pag-asa" na magbibigay sayo ng lakas upang bumangon muli at magkaroon ng lakas sa pakikipaglaban sa hamon ng buhay na ating kinakaharap. At lagi nating iisipin na katulad ng araw, buwan at taon, ito ay natatapos at nagbabago. May liwanag sa dilim at ang higit sa lahat, may Diyos na nagmamahal sa atin ng lubos at hindi nakakalimot sa ating lahat. Hanggang sa muli mga kababayan.
God bless us all.
Feel My Love
by Karen Sanchez
I may be too far and alone
And my life may have went wrong
But my love for you is so strong
That I can't wait to be with you for so long
Feel my love that is so genuine and true
Thus, I forgot what I have been through
Giving me strength to face all of these
Especially when I saw that smile on your face
I am sending you my love through the wire
I am writing it in a piece for a while
Then when everything is okay and fine
You could feel it all alive and define
This unique love that have been proven and tested
That some people had forgotten and wasted
With you and I who could appreciate
Whom understand love, not to hesitate