Jeepney Press #114 November - December 2021

Page 20

DONDAKE SINAG NG PAG-ASA Konnichiwa mga Kababayan! Kumusta po kayong lahat? Ramdam nyo na rin po ba ang malamig ng simoy ng hangin? Ang paparating na Pasko o Bagong Taon at naaaninag nyo na po ba ang "sinag ng pag-asa"? Sa tuwing sumasapit ang 'bre o ber-months" ay nagagalak na ang mga tao. Pakiramdam natin ay malapit nang matapos ang hirap na dinadanas natin, na magkakaroon na tayo ng pera o bonus, pamasko at mababago na ang takbo ng buhay natin, hindi po ba? Ito ay nakaugalian na nating mga Pilipino. Ngunit sa pagkakataong ito, na tayong lahat ay humaharap sa pagsubok ng pandemya, ano po ba ang naiisip natin? Ano po ang hiling natin? Nararamdaman po ba natin na may pag-asa pa? Ang mundo ay nasa isang laban na halos lahat tayo ay talunan, maliban na lamang sa mga makapangyarihang may kakayahang iligtas ang sarili sa kanila ding kagagawan. Nahaharap tayo sa makabagong hamon, pagsubok at giyera gamit ang makabagong teknolohiya. Tayong mahihirap ay lubos na naghihirap at naaapektuhan sa ganitong digmaan. At wala tayong magawa kundi hanapin o sikaping makita ang gahibla na sinag ng pag-asa upang magkaroon ng lakas ng loob na harapin ang mga bagay na hindi natin nasisiguro kung atin ba itong makakaya. Ngunit, bilang isang Pilipinong may dugong matapang sa pakikipaglaban, kasama ng mga mahal natin sa buhay ay sabay-sabay tayong nakikipagbuno sa hamon na ito. Tayo-tayo ang nagtutulungan upang maitawid ang pang araw-araw na mga pangangailangan. Ngayon, hindi lang pagkain sa hapag-kainan ang ating iniisip bagkus pati ang ating kalayaan, kalusugan at pangkabuhayan. Hanggang kelan kaya natin ito haharapin? May pag-asa pa kaya itong baguhin?

2o

Maraming mga katanungan na sa isip lamang nananatili. Dahil, sinuman sa atin ay hindi nakakatiyak sa maaaring mangyari. Ang mahalaga ay nairaraos natin ang bawat araw sa buhay natin. Wala nawang namamatay na dahil sa pandemya na nagpahirap sa marami at nagpayaman sa mga mapang-api na sa mga katungkulan o kapangyarihan ay nagkukubli. Sa pagtatapos ng taong 2021, ang sinag ng pag-asa ay unti-unti na nating nararamdaman, hindi po ba? Ang pagbaba ng kaso ng Covid19 Pandemic, ang unti-unting pagbubukas ng mga paaralan, mga opisina at mga pabrika na kung saan ay malaki ang maiaambag sa ating ekonomiya. Maraming mamamayan ang makakapagsimula nang muli dahil may mga trabaho nang bukas at makakatulong sa pag-ahon ng karamihan at maipag-patuloy ang naudlot na buhay dahil sa pandemya. Sa mga katoliko, ang pasko ay isang pag-asang may magliligtas sa ating mga tao. Maaring ito ay gawa-gawa o nilikhang kwento na pinaniniwalaan na ng sanlibutan. Ngunit ang katotohanang pag-asa ang dala nito ay isang maituturing na sandata para sa buhay ng isang Kristiyano. Kaya bago tayo tuluyang malunod sa kumunoy ng kasinungalingan ng kasaysayan, suriin po muna nating mabuti kung ano, saan, paano at bakit ito nangyari. Sa bawat pagtutuklas ay maging malawak po sana ang

NOVEMBER - DECEMBER 2021


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.