Tagay!

Page 1








Rick Hernandez “Man Barking at the Moon� hernandezrick.multiply.com


“Artist ka ba?” “Artist ka ba?” Nagulat ako sa tanong nung mama na nakasabay kong bumibili ng gamit sa National Bookstore nung sabado, “Ano po?” patanong na sagot ko, kahit na alam ko sa sarili ko na narinig ko yung tanong nya na malinaw naman ang pagkakabigkas, “Painter ka ba?” iniba na nya yung tanong, siguro dahil nakita nya akong nabili ng paintbrush kaya nya tinanong. Naghahanda kasi ako para sa isang group exhibit for November kaya kailangan kong bumili ng ilang gamit. “Ah eh hobbyist lang po” yun lang ang nasagot ko matapos kong pag-ispan ng ilang saglit (mga 3 seconds) yung tanong nya, nakaka-intimidate yung mama, daig pa yung mga pulubi sa quiapo kung mang-intimidate, artist na artist yung dating kasi on all angle ng pes nya, pati pananamit artist na artist, yung tipong may tulo tulo pa ng laway este pintura yung damit nya at amoy linseed oil, hindi ko lang alam kung pabango nya yun pero ganun ang amoy nya, kulang na lang mag lagay sya ng name tag na may naka-sulat na “Artist Ako” na nakasabit sa leeg nya. Hindi ko alam kung ba’t nabubulol ako sa tuwing tinatanong ako kung painter ba ako, bakit kasi kailangan pang lagyan ng label ang isang bagay na ginagawa mo, ok nagpipinta ako, does that make me a painter? Tingnan natin sa ibang konteksto, kung kaya ko bang talunin sa pataasan ng score sa videoke ung kapitbahay naming ngo-ngo, does that make me a singer? Kung marunong akong tumugtog ng gitara musician na ba ako? So babalik tayo sa una kong tanong na dahil ba nagpipinta ako, maituturing ko na bang painter yung sarili ko? Bakit andami kong tanong? Siguro dahil sa hindi naman ako painter by profession kaya nalilito akong sagutin yung mga ganyang tanong, I mean kung pagbabasehan mo kasi ang profession ng isang tao maia-apply mo yung ‘labeling’ na tinatawag, kunyari yung taong nanghuhuli ng isda, tawag sa kanila ‘mangingisda’, yung nagtatanim sa bukid ‘magbubukid’ o kaya yung ginagawang profession yung pagtambay sa kanto ‘manganganto?’ (mag-ingat lang sa pag basa please) so applicable sa kanila yun pwede silang ‘i-label’ kumbaga. Kaya nga yung ibang profession nakakabit na sa pangalan nila kung ano yung trabaho nila, gaya ng Atty. Mendoza, Dr. Calayan, SPO1 Mananggo, Captain Barbel at iba pa. Pero para sa akin na hindi naman pinagkakakitaan ang pagpipinta nahihirapan akong ‘i-label’ o tawaging ‘artist’ o ‘painter’ yung sarili ko, hindi ko din masisi yung sarili ko kung sa tuwing tatanungin ako kung painter ba ko eh parang nalulunok ko yung dila ko at hindi na ako makasagot. Maaring mali ako pero totoong nalilito ako sa mga ‘label’ na ikinakabit sa bawat tao batay sa kung anuman ang ginagawa nila sa buhay. Natandaan ko nung nakausap ko si Robert Alejandro (PROBE, Papemelroti) sabi nya kahit sino naman pwedeng maging artist basta gusto lang nya yung ginagawa nya at nag-e-enjoy sya sa dito, regardless ng kung ano man ang ginagawa nya. So yung mga taong nag bubungkal ng imburnal sa kalsada basta nage-enjoy sila, pwede na silang tawaging artist ganun ba yun? Hindi ko talaga maintindihan dahil bawat paliwanag siguro sa akin nagli-lead lang into another question. Siguro ako lang to… parang yung linya sa isang lab story sa sine… “Its not you, its me!”

Kayo... artist ba kayo? hernandezrick.multiply.com















Wesley Valenzuela “Untitled”






Kung nais maging bahagi ng Tagay narito po ang paraan ng pagsali! fanzine |ˈfanˌzēn; fanˈzēn| noun; a magazine, usually a nonprofessional publication produced by fans of a particular cultural phenomenon such as a literary, art or musical genre Ang “Tagay” ay isa nga palang ‘fanzine’ na mga inipong gawa ng iba’t ibang artist na may layong magkaroon ng pagbabahagi ng gawang sining sa bawat isa. Bakit ‘tagay’? Isa itong term na naisip ni Alien, gaya nga ng nasabi sa taas, isa itong amateur magazine at ang isang paraan sa pagpapakalat nito ay ang pagpapa-photocopy ng kung sino man ang may gustong magkaroon, pasa pasa mula sa umpisa hanggang sa kahuli-hulihan, maihahalintulad sa tagayan sa inuman, gets? Walang limitasyon ang imahinasyon ng bawat artist, kaya kung gusto mong sumali magpasa na ng obra! Sa mga interesado naririto ang paraan kung paano. - Ang artwork ay kailangang may sukat na 5.5” x 8.5” (half bond paper kung hindi kayo pamilyar) - Black & White lamang dapat ang artwork, at dahil sa photocopy lamang ang pagproduce nito, hinihikayat ang sasali na gumawa ng artwork na magiging malinaw pa rin kapag pina-photocopy. - Walang po itong tema. Maaring magpasa ng drawing, digital art, collage etc. ngunit, datapwat, subalit kailangang maging malinaw ito kapag pina-photocopy. - Photocopy lang po ang isu-submit, ang orihinal na gawa ay mananatili sa artist. - Maaari din pong mag submit ng mga gawang tula, short essays or iba pang literary works. - Maaaring i-abot ang gawa kay Arvin “Alien” Javier kung saang lupalop man sya naroroon at kung saan nyo sya matyempuhan o di kaya pwede ring i-pasa online kay Dex Fernandez - dex.fernandez@yahoo.com o kay Rick Hernandez - rickhernandez77@yahoo.com - Wag pong kalimutang ilagay ang artist name, title of artwork at contact info - Tandaan lamang po na sa pag-pasa ng artwork, kaakibat nito ang pagbibigay ng pahintulot sa mga may pakana na gamitin ang inyong artwork sa mga gawaing makakapag-promote sa naturang proyekto gaya ng pag-post sa intarnets, pag-gawa ng imbitasyon, mga posters at iba pa. Ang pagmamay-ari ng artwork ay mananatili sa artist. Sali na at baka ikaw na ang maging next internet sensation! Ayos!


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.