El Romantico “Boy Kidlat”
Hayaan mong itakas kita Sa anino ng pag-iisa. Sabay kaya nating bagtasin Itong pusod ng EDSA, Nakadugtong sa kalyeng nagpapaalala Na may mga bagay na ipinahihiram Lamang talaga, tulad mo At ng mga galaw Na maingat kong binabasa.
ni hazel caasi
Tatandaan kong mabuti ang mga panuto: Hindi maaaring magdikit Ang ating mga braso. Hindi maaaring magtama Ang ating mga mata. Hindi maaaring mangamusta, O magtanong ng paborito mong ulam Na maaari ko sanang baunin isang araw Upang pagsaluhan natin sa tanghalian.
Maikli ang daan, Pinagmamadali akong kilalanin ka Sa mga ibinubuod mong kwento – Maaari bang magtagal tayo sa isang yugto? Maidadalangin ko na lang na mabakli Itong aking takong, O kaya nama’y umambon. Tutungo ka rin namang nagpapaalam, Ni hindi ka susulyap, o kakaway. Saka lamang bumubuhos ang ulan Sa sandali ng paghihiwalay.
yano jazul “sigaw”
janelle tang
crisanto machinegun “kapalaran�
stellar “fertility�
rodolfo vera cruz “mr. sinner”
I wont try to pull you in about my sacrifice Makes no sense to get upset about the other side I wont beg to put you out about my right to die If you promise not to sing about the reasons why... -The Cure,The Reasons Why Isinantabi ko muna ang paghinga upang marinig kung nariyan ka. Subalit, wala akong narinig ni mahinang yabag. Totoo, mas maingay ang hampas ng alon sa dalampasigan ng kawasakan at kaya nitong lunurin ang iyong katahimikan. Ang pintig ng aking puso’y, pilit na pinatigil-nakakabingi ang kanyang pagtibok , nasasapawan ng ingay nito ang iyong mga bulongna nilamon ng tuluyan ng sipol ng hangin at ng ingay ng mga hampas ng alon sa dalampasigan..... Daylight licked me into shape, I must have been asleep for days... -The Cure, Just Like Heaven
Andrea Zarah
At sa aking paggising sa saglit na pagmumuni-muniako’y namulat sa mapait na katotohanan na ang bawat kaluskos at bulong na pilit kong pinakikinggan ay isa lamang guni-gunitulad ng multo ng iyong mukha na pilit kong inaaninag, ngunit bigla ring nawawala. At ang bawat halakhak at matatamis na salita ay nilalamon ng nangangalit na alon. ... and moving lips to breathe her name I opened up my eyes And found myself alone Alone Alone above a raging sea That stole the only girl I loved... -The Cure, Just Like Heaven
Sa puntong ito’y‘di na kayang hulihin ng pluma at ng pinatamis na tula ang kalungkutang aking nadarama. At sa aking pagtigil sa pagsulat, nawala rin ang alon, ang dalampasigan-at ang alaala ng iyong matamis na ngiti ay aking ipinagpalit sa pait ng luha at pagluluksa. And every time I try to pick it up Like falling sand As fast as I pick it up It runs away through my clutching hands But there’s nothing else I can really do There’s nothing else I can really do There’s nothing else I can really do At all... -The Cure, A Letter To Elise
j. luna
eve sastre
kiko capile “nose bleed”
kneil melicano “manananggal�
angelo antonio silvestre “knight�
sheena ira tan “the offering”
marc arcamo
Shampoo o itlog ni jenz floralde
Kadalasan mo maririnig na itinatanong kung alin ba ang nauna..itlog o manok? Pero ang nanay ko iba ang naitanong.. Sa isang ordinaryong Juan dela Cruz na naninirahan sa Maynila kadalasang partner sa kanin ang instant noodles, mga delata, o kaya nman itlog- at kabilang kami dun.
At dahil naintindihan na rin naman nya kung anong ibig sabihin ng nanay ko..ang nasabi na lang nya “syempre itlog!” dahil kung magkashampoo man sya wala naman syang ulam.. Nagpahabol pa ang nanay ko ng “bumili ka na hati tayo ha?!”
Nung college ako hinding hindi ko makakalimutan kung paano nagtitipid ang nanay ko at kung paano nya napagbubudget ang monthly salary ng tatay ko na isang security guard. Kasama na dun ang pagtitipid sa pagkain at iba’t ibang expenses sa skul at sa bahay. Ang isang sachet ng shampoo ay ipinagkakasya namin sa apat na ulo..at kung anu ano pa.
“huh?! Eh sa isang itlog pa lang hindi na ko titingahan eh… hati pa tayo...?”
Minsan, pag-uwi ko galing sa skul tumambay muna ako sa labas ng bahay kasama ang nanay ko at ang iba pa naming kapitbahay..
Isang masayang usapan kung saan nakitawa pati ang mga kapitbahay namin sa kalye..
Sa kalagitnaan ng isang masarap na kwentuhan, sumingit ang younger sister ko na 1st year college na din that time.
Pero ako after nun… Sinabi ko sa sarili ko na balang araw…hindi na mauulit na papapiliin kami ng nanay ko kung shampoo o itlog.
“mama…pahingi ng pambili ng shampoo…” sabi ni utol. Binigyan sya ni Mama ng 5 pesos pambili ng shampoo…“mama, anong ulam?”
Nung nasa Pinas ako, after ng sahod ako na ang nagtatanong sa mama ko..
“mag-itlog ka na lang..”
“ma, san mo gustong kumain? Jolibee o Mcdo?”
“pahinging pambili..” sabi ni utol…
Sagot ni Mama?
At dahil yun na ang last money nanay ko ang nasabi n lang nya..
“Sa Max!”
“ano ba gusto mo? Shampoo o itlog?”
epjey pacheco “tagay pa mommy”
neil pasilan
malyn bonayog “pamana ng lahi�
japat guevarra “the human eater�
juanelani tulas “bulaklak ng kalungkutan�
rick hernandez
Parang kilala kita… Sinulat ko pa ang pangalan mo sa likuran ng maalikabok na bus katabi n g p u so, kasu n o d n g p a n ga l a n ko humakbang pa nga tayo palikod para masipat ang naisulat sa alikabok Napangiti pa tayo sa kababawan ng ginawa sasama sa byahe ng bus ang naisulat makikita ng mga tao’t mauunawaan sapat na ang puso sa pagitan ng ating mga pangalan p a r a n g k a h a p o n l a n g … S i n o
k a
A n o n g
n g a
b a ?
p a n g a l a n
m o ?
Kailan lang naisulat ko pa sya sa alikabok… S a l i k u r a n n g b u s … a n g h a b a n g b i y a h e … p a r a n g h i n d i k o n a m a t a n d a a n … n a l i m u t a n
k o
n a
Sino ka nga ba?
Ngayon lang ba tayo nagkita? Sakit ng pag-ibig ang amnesia Lalo’t itoy ubos na.
ray zapanta
glenda lapid “if i had arms�
joshue mangobang, jr.