5 minute read

Saan ka patungo?

Jasmine Mae M. Panganiban @jaspanganiban

“Kris, nasaan ka na ba? Kanina pa akong nandito!” sabi ni ate Clara na kanina pa palang naghihintay sa akin sa may simbahan. Sa tono ng boses niya, kahit hindi ko siya kaharap, ay nakikita ko na agad ang kanyang naiirita na ekspresyon dahil sa matagal niyang paghihintay sa akin.

Advertisement

“Ate, sakay na po ako. Pinupuno pa lamang ang dyip kaya hindi agad makaalis.” sagot ko.

“Okay. Mag ingat ka.” sabi ni ate bago tuluyang tapusin ang tawag.

Pagkatapos ng usapan namin ni ate sa telepono ay nagsimula ng magsidatingan ang mga tao na sa tingin ko ay kaparehas ng aking destinasyon o kung hindi man, ay pagawi rin sa direksyon ng aking pupuntahan.

“Bayan! Bayan!” sigaw ng konduktor para malaman ng mga taong nasa paligid na ang dyip na iyon ay patungo doon. Dahil doon ay maraming ang sakayan. Akala namin ay puno na ang dyip ngunit kasya pa pala ang tig isa.

Makalipas ang ilang minuto ay napuno na ang dyip kaya naman ito ay umandar na. Habang nasa byahe ay pansin ko ang iba’t ibang klase ng tao na nakasakay. May dalawang kapwa estudyante na mukhang may klase at pagsusulit dahil sa reviewer na hawak ng isa.

“Jessa, baka makaperfect mo na ang exam ah.” sabi ng isang estudyante sa kanyang katabi.

“Sana nga, Alex. Nagpakapuyat talaga ako para rito. Nako.” Ramdam ko ang pagod at kaba sa boses ng babae na iyon na pagkatapos sambitin iyon ay agad agad na ulit pinagtuunan ng pansin ang binabasa.

Sa aking tabi naman ay isang nanay na kasama ang kanyang anak na mukhang hindi pa napasok sa eskwelahan. Sa kanilang gayak at dala dalang bayong ay alam ko na agad na sila ay papuntang palengke.

“Makikiabot nga po ng bayad. Dalawang palengke.” sambit niya habang ipinaaabot ang kanyang bayad sa drayber.

Nang matapos siyang magbayad ay agad na kumuha ng pera ang dalawang estudyante na aking pinagmamasdan kanina. “Ako na muna ang magbayad. Tapos ikaw na lang mamaya sa pag-uwi.” sabi ng isang estudyante na siya namang sinang ayunan ng isa.

“Bayad po kuya.” sabay abot ng bayad sa drayber.

Mayroon din namang mga pasahero na mukhang pupunta sa kani kanilang trabaho. May pasahero na patungong bangko, ospital, city hall, palengke, at iba pang maaaring pinagtatrabahuhan. Pansin ko rin ang isang matandang babae na mukhang kaparehas ng aking destinasyon, ang simbahan, dahil sa kanyang puting damit na suot at dala dalang rosaryo.

Sa paglipas ng oras ay may ilang bumaba na sa dyip dahil sa narating na nila ang kanilang destinasyon at mayroon din namang mga bagong sumakay. Agad na nag abot ng bayad ang mga bagong sakay at sinambit kung saan sila tutungo.

“Isa nga pong simbahan.” sambit ng babae na kasasakay pa lamang.

Lumipas pa ang ilang oras at dumating sa punto na kailangan ko ng bumaba dahil nandito na ako sa aking paroroonan. Agad kong nakita si ate pero sa aking pagkababa ay sumulyap muna ako muli sa dyip na aking sinakyan na ngayon ay paalis na ulit sakay ang pinagsamang dati at bagong pasahero. Hanggang sa nawala na ito sa aking paningin.

“Hoy! Ang wag ka ng tumulala dyan. Late na tayo! Susmaryosep ka.” sabi ni ate at ngayong kaharap ko na siya ay kitang kita ko ang pagsasalubong ng kanyang mga kilay. Agad naman akong napakamot sa aking ulo at sumabay na sa kanya sa paglakad sa loob ng simbahan.

Sa mga bagay na aking napansin kanina, napagtanto ko na ang ating buhay ay kagaya ng pagsakay natin sa dyip para makapunta sa ating nais marating. Lahat tayo ay may kanya kanyang destinasyon ngunit sa isang punto ng ating paglalakbay ay may mga tao tayong makakasabay. Sa paglalakbay na iyon ay maaari rin silang bumaba kalaunan dahil narating na nila ang kanilang destinasyon ngunit mayroon din namang mga bagong mukha ang sasakay at sasabay sa bagong yugto ng ating paglalakbay.

Ngunit napaisip ako. Paano naman ang mga drayber na siyang nagmamaneho ng buong araw at paulit ulit sa mga destinasyon na kanilang nararating dahilan ng kanilang mga pasahero? Saan ang kanilang huling destinasyon?

“Ang lalim naman ng iniisip mo.” sabi ni ate Clara habang nakikinig sa misa. Napabuntong hininga na lamang ako at nakinig na rin sa misa.

Makalipas ang oras ay natapos na ang misa. Kumain muna kami bago magtungo sa paradahan ng dyip upang makauwi na sa aming tahanan. Muli kong nakita ang drayber ng dyip na aking sinakyan kanina. Doon kami sumakay ni ate.

“Kuya, Alangilan po. Dalawa po dyan sa bayad.” sabi ni ate at naghintay na masuklian ang kanyang ibiniyad.

Pinagmasdan ko ang drayber at nahalata kong pagod na siya dahil sa maghapong pasada. Dagdag pa ang ilang pasahero na posibleng nasigawan siya dahil sa init ng ulo. Kitang kita ang bigat ng kanyang kalooban sa bawat pagbilang niya sa pera na nasa kanyang kamay. Papuno na ang dyip ng biglang may tumawag sa telepono ng drayber na siya namang agad na sinagot ng

“Uy Gloria! Andyan na ba sa bahay ang mga apo natin?” sabi ng drayber na mukhang asawa ang kinakausap.

“Huling biyahe ko na ito, mahal. Ako diretso uwi na rin at gusto ko ng makita ang ating mga apo. Mukhang kasya naman itong kita ko ngayon para maipagluto ng spaghetti ang mga bata.” nakangiting sabi ng matandang drayber at makaraan ang ilang minuto ay itinigil na ang tawag. Ang kaninang lungkot ay napalitan ng kasiyahan dahil sa siya ay uuwi na matapos maihatid ang huling pasahero.

Sumakay na ang drayber sa dyip dahil puno na ang dyip ng pasahero at muling umandar na. Naisip ko na halos lahat ng nasa dyip ay uuwi na sa kani kanilang mga tahanan kaya naman ako ay napangiti.

“Bakit ka naman nangingiti dyan?” puna ng aking kapatid.

“Wala lang po ate.” sagot ko. Tiningnan ako ni ate na mukhang ayaw pang maniwala sa aking sagot. Napailing na lamang ako at tumingin sa daan.

Makalipas ang ilang oras na nakauwi na kami ni ate. Habang naglalakad kami papuntang bahay ay may sumagi sa aking isipan. Naisip ko na kahit may destinasyon tayong pupuntahan ay palagi pa rin tayong babalik at babalik sa ating mga tahanan. Pero kung ikaw ang tatanungin ngayon, saan ka patungo?

Paul Adrian K. Paraiso @paulygooon

When he was 25, he was raring to go to work, most of his life was in preparation for this day a sight of gray polished walls, and see-through windows

When he was 45, he never wanted to go back to work, regretting that he should’ve never wasted his life for this day a sight of gray polished walls, in a dim lit cubicle with no windows.

Now at 60, with his grandson, he returned to the place where he used to work, wishing he never lived for his job, never got to live his life telling him that he should never be disillusioned by a sight of gray polished walls and see-through windows.

poem

Be Still

Winter, spring, summer, and fall Life’s an orbit of emotions unknown to all; Every day’s a new beginning and a new chapter, What are your intentions? What are you after?

Starting a journey one step at a time, The setting might change where there’s no rhyme, But why would I falter? Why would I fall? When everything crumbles, God’s holding my soul.

Strengthen your hands strengthen your faith, Secure your foundation before opening the gate; Starts with caution starts with a call, To the almighty one who is in control.

This article is from: